Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang, Factory Worker Na, Ngayon ay may Sariling Negosyo

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang,

Factory Worker Na, Ngayon ay may sariling Negosyo

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon pa man ay interesado na akong magsulat tungkol sa mga naglalako ng mga gamit na naglilibot saan mang lugar dahil nagustuhan ko ang kanilang pagtitiyaga na magandang halimbawa sa iba na ang gusto ay kumita agad ng milyon-milyon sa negosyo.

 

Nang makita ko ang isang grupo na kumakain noon sa karinderya malapit sa amin, nagulat ako nang tawagin ng isa sa kanila na “boss” ang kasama nila na sa tingin ko ay parang college student lang. Nakita ko rin ang mga nilalako nilang power tools tulad ng barena. Sa kahihintay ko ng tamang panahon upang makausap ng masinsinan ang tinawag na “boss” ay saka naman sila umalis sa dating tinitirhan. Mabuti na lang at makalipas ang ilang buwan ay natiyempuhan ko ang taong gusto kong kausapin sa isang karinderya na nadaanan ko.

 

Siya si Ryan Natividad, 26 taong gulang at may isang anak na 8 taong gulang, kasal kay Sienna Javier, at sila ay taga-Bulacan. Sa katitinda ng mga power tolls ay napadako ang grupo niya sa Cavite.

 

Galing siya sa isang broken family dahil grade six pa lang daw siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at siya ay napapunta sa kalinga ng kanyang nanay. Dahil sa kahirapan ng buhay, 14 taong gulang pa lang daw siya ay napasabak na siya ng trabaho sa iba’t ibang pagawaan o factory. Hindi rin siya nakatapos ng high school, kaya nang nagkaroon ng pagkakataon kalaunan ay pinasukan na rin niya ang negosyong kalye o ambulant vending sa gulang na 19 taon. Noon niya natutunan ang pagbenta ng mga power tools at kahit papaano ay nakakapag-ipon pa siya.

 

Sa gulang na 23 taon, naisipan niyang mamuhunan upang lumaki ang kayang kita kaya humiram siya ng 30 libong piso sa kanyang nanay upang maipandagdag sa naipon na niya. Nang lumago ng kaunti ang kanyang negosyo ay kumuha na siya ng ilang tauhan. Sa loob ng tatlong taon ay nadagdagan pa ang kanyang mga kalakal kaya ngayon, ay may apat na siyang tauhan. Nakatira sila sa isang studio type na apartment sa Bacoor City at sinusuyod nila ang mga kalapit na lunsod at bayan sa paglako ng power tools.

 

Sa gulang na 26 taon, nakakabilib si Ryan dahil may sarili na siyang negosyo na nagsimula sa mahigit lang sa halagang 30 libong piso. Paano na lang kaya kung ang puhunan niya ay mahigit 100 libong piso na sa tingin ng ibag tao ay “barya lang”? Sa uri ng kanyang pagsisikap, baka hindi lang apat na tao ang kanyang natulungan!

 

May mga seafarers at OFWs na tuwing magbabakasyon ay hindi bumababa sa 50 libong piso ang cash na nahahawakan at yong iba pa nga ay mahigit 100 libong piso. Subalit sa ilang araw pa lang nilang pagbabakasyon ay ubos na dahil sa walang pakundangang paggastos. At, kung wala nang madukot ay ang mga ipinundar na gamit naman ang binibenta, hanggang bandang huli ay uutang na. Madalas pa itong nagreresulta sa away-asawa lalo pa kung maluho ang misis. Karamihan sa mga ito ay hindi nakakaisip na mumuhunan sa isang negosyo upang maaasahan kung sakaling may mangyaring hindi maganda tulad ng pagkatanggal sa trabaho, o di kaya ay upang may “mapaglibangan” man lang para sa karagdagang kita ng mister, ang misis na naiiwan sa Pilipinas.

 

Kaylan kaya mag-uugaling Ryan ang mga uri ng taong nabanggit ko?

 

Ryan Natividad 1

 

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

By Apolinario Villalobos

 

While Divisoria has always been known as the shoppers’ Mecca, especially, during Christmas, there is” another side” of it which I do not want to present as an image of poverty but that of perseverance, patience, and honest endeavor. This is the “other Divisoria” which many people just refuse to see as it might cause them to puke! The accompanying photos show how these honest Filipinos contentedly strive to live in sheer honesty.

 

The skeptics always say, “it is their fault for going to Manila and suffer deprivation”. These hypocrite skeptics have  TV, radio, and occasionally read newspapers, so they should know that the provinces from where these people who are eking out an honest living on the “other side” of Divisoria, are infested with NPAs, Abu Sayyaf, opportunistic landlords, and loan sharks. For the arrogant, the world is just for those who can afford to live decently. On the other hand, as these skeptics have not endured days of hunger, they may not understand how it is to make a difficult decision to live a hand-to-mouth life in Manila by scavenging in garbage dumps, rather than die of hunger and be in constant fear for dear life in the province.

 

It is true that the slums have been in existence for many decades now, but there would be no slums had the government ever since the time the nation has become independent, did not get infested with corrupt lawmakers and officials. The slums have been around since the time that deprivation and exploitation have been propagated by learned Filipinos who found their way in the halls of Congress and Senate, as well as, agencies, even at the helm of the government. Unfortunately, the seed of exploitation has grown into an uncontrollable proportion today, making corruption as wrongly and unfairly viewed to be always a part of the Filipino culture.

 

The striving people from the slums near Divisoria, and other districts of Manila, in this regard, may be viewed by the arrogant as akin to dogs and cats, because of their many children, oftentimes making them utter unsavory remark, such as, “they know they are poor, yet, they keep on having children”.

 

How I wish these skeptics can also openly, make biting remarks –

  • to the corrupt politicians and government officials, such as, “they graduated from prestigious universities and colleges, yet, they do not know what is right or wrong”

 

  • to the filthy rich, such as, “they have plenty of money, yet they can’t even throw a piece of bread to a beggar”

 

  • to the stiff-necked Catholic priests, pastors, and other religious ministers such as, “they are supposed to be representatives of the Lord, but they can’t afford to take a look at the spiritually hungry”

 

Finally, compared to the disgusting hypocrites, loan sharks, corrupt government officials, arrogant “religious ministers” and conscienceless rich, who are supposed to be learned and intelligent, the people who honestly make a living such as those who belong to the “other side” of Divisoria, are worthy to be called creatures of God – true human beings…slum denizens who are viewed by aforementioned with utter repugnance.

 

(This blog will definitely, not hurt those who do not belong to the mentioned “classes” of loathsome Filipinos.)

 

 

Ang Tagumpay…(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School, Bacoor City, Cavite)

Ang Tagumpay

(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School

Bacoor City, Cavite)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

 

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?

…nagtapos sa isang kilalang unibersidad

ng pinakamataas na kurso?

…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak

na naging bahagi ng isang malaking pamilya?

…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya

kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

 

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…

Higit pa sa isang mataas na kurso…

Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…

Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

 

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso

Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento

Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon

At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

 

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad

Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad

Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam

Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya

Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

 

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat

Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat

Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!

IMG7833

 

Isang Kending Hinati, at iba pang Kuwento

Isang Kending Hinati, at iba pang Kuwento

Ni Apolinario Villalobos

 

Malaking bagay ang pag-uusap kung minsan ng magkakaibigan upang sumariwa ng mga nakaraan. Nangyari ito nang magkita kami nina Del Merano, mag-asawang Mona at Reuben Pecson na isinama ang tinuturing kong “miracle baby” nila noon, at ngayon ay binata na, si JR. Ibinuntis ni Mona si JR nang panahong mayroon siyang malaking cyst sa sinapupunan, subalit sa awa ng Diyos, nakaraos siya sa pagbuo nito hanggang maipanganak bilang isang malusog na sanggol. Ngayon si JR ay isa nang piloto. Pananalig sa Diyos ang naging kasangkapan ni Mona sa pagkakaroon ng isang matagumpay na ngayong anak na Piloto.

 

Sa mga kuwentuhan namin, lumabas ang pinakatago-tago sigurong kuwento ni Del tungkol sa kending hinahati pa niya upang magkasya sa maghapon niyang pagsi-sales call noong kami ay nagtatrabaho pa sa Philippine Airlines (PAL). Isa si Del sa mga pinagkakatiwalaang Account Officers ng PAL. At, dahil sa kanyang pagka-single mom, tipid na tipid ang ganyang gastos. Nagulat daw ang kasama naming kasabay niya sa pag-sales call nang ilabas niya ang kalahati ng isang kendi at isinubo bilang miryenda. Ang natirang kalahati ay kanyang itinabi para sa hapon naman.

 

Ikinuwento rin niya na sa pagpipilit na makapasok sa PAL ay halos nanikluhod sa nagbibigay ng typing test na bigyan siya ng ilang pagkakataon na umabot sa pang-apat hanggang abutin niya ang standard na bilis sa pagmamanikilya. Mangiyak –ngiyak siya nang makalusot sa test. Ang unang trabaho niya ay sa Accounting Office subalit napansin siya ng namumuno ng Internationals Sales Department na si Manny Relova, kaya on the spot ay sinabihan siyang mag-report sa opisina nito upang mag-issue ng mga tiket na pang-international. Dumaan siya sa masusing pag-aaral ng iba’t ibang pamasahe sa eroplano, kasama na ang sa iba pang airlines. Dahil sa kagalingan niya, mabilis ang kanyang promotion hanggang sa ma-assign sa iba’t ibang international station bilang District Sales Manager.

 

Naalala ko noon ang kuwento niya nang ma-assign sa San Franciso (USA). Ang tinirhan niya ay walang kagamit-gamit kaya sa sahig siya natutulog nang kung ilang araw. Kahit bago sa America ay malakas ang loob sa paglibot kaya sandali lang ay dumami na ang kanyang kontak at mga kaibigan na nakatulong ng malaki sa kanya bilang District Sales Manager.

 

Nag-resign siya nang bilhin ng San Miguel ang PAL, subalit nang bilhin uli ito ni Lucio Tan ay inimbita siyang bumalik na malugod naman niyang tinanggap dahil iba daw na challenge ang nararamdaman niya bilang kawani ng nasabing airline. Iniwan niya ang isang managerial job at ang malaking suweldo mula dito. Bumalik siya sa kumpanyang nagbigay sa kanya ng magandang pagkakataon upang mabago ang kanyang buhay, lalo pa at siya ay single mom. Ipinakita ni Del na ang pagtanaw ng utang na loob ay nakakagaan ng damdamin. Ngayon si Del ay District Sales Manager na uli ng San Franciso (USA).

 

DEL MERANO 3 JR OK

Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay Pagdating sa Katiwalian….nakakabahalang isipin!

Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay

Pagdating sa Katiwalian…nakakabahalang isipin!

Ni Apolinario Villalobos

 

Umaayon si Pacquiao sa pananaw ni Binay na walang katotohanan ang mga ibinebentang sa kanyang katiwalian hangga’t hindi napapatunayan. Papaanong mapatunayan ni Binay na wala siyang kasalanan kung hindi naman siya umaatend ng mga hearing? Paano niyang mapatunayan na hindi galing sa nakaw ang yaman nila kung palaging idinadahilan niya ang “immunity” ng kanyang posisyon upang hindi siya mapuwersang dumalo sa mga hearing?

 

Nakakabahala ang ganitong pananaw dahil nagpapahiwatig ito na walang kasalanan ang isang nagnakaw kahit may mga ebidensiya pero hindi napatunayan sa husgado dahil sa galing ng kanyang abogado. Ang ganitong pananaw ay nagsasalamin ng hindi mapapagkatiwalaan sistema ng hustisya na pinapagalaw ng mga abogadong “matatalino” at ang serbisyo ay mayayaman lang ang may kakayahang umupa. Dahil diyan, maraming mga inosenteng mahirap na walang pambayad ng magaling na abogado ang  nabubulok sa bilangguan.

 

Palaging may karugtong na “Diyos” at pa-English pang deklarasyon ng kanyang “faith” kuno tuwing magsalita si Pacquiao upang ipabatid na siya ay maka-Diyos, kaya tingin niya sa kanyang sarili ay isang mabuting tao. Nakakapanindig- balahibo ang ginagawa niyang pagmamalaki….kahindik-hindik, at isang karumal-dumal na kayabangan! Hindi dahil dasal siya nang dasal o di kaya ay panay ang pagbasa ng Bibliya ay mabuting tao na siya. Paano ang mga walang Bibliya dahil walang pambili? Sila ba, tulad ng mga bakla at tomboy, ay mas masahol din sa hayop dahil walang na-memorize na salita ng Diyos tulad niya?

 

Paano naging mabuti ang isang tao na nagsasabing inosente siya hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang mga kasalanan niya, kahit sa kaibuturan ng kanyang diwa ay alam niyang may kasalanan talaga siya? Ang ganitong pananaw ay nagpapahiwatig ng karumal-dumal na kawalan ng konsiyensiya ng isang tao dahil kahit alam niyang may kasalanan siya pero kaya niyang kumuha ng isang matalino at magaling na mga abogado ay siguradong absuwelto siya.

 

Kung mananalo si Binay bilang presidente at si Pacquiao ay senador, hindi na mawawalan ng pangungurakot sa gobyerno dahil ang kasalanang ito ay kailangang patunayan PA sa korte, ayon sa kanilang pananaw. Hindi man sila ang gumawa ay gagawin ng iba dahil kaya nilang umupa ng magaling na abogado kahit mahal ang serbisyo. Yan ang sagot sa tanong kung kaylan pa may napatunayang nangurakot na malalaking opisyal sa matataas na puwesto ng gobyerno. Samantala ang mga kaso man lang ng mga kinurakot na pork barrel sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay wala pa ring linaw hanggang ngayon.

 

Nakakatakot isipin na nabubuhay tayo ngayon sa panahong naglipana ang mga taong walang konsiyensiya. Silang tingin sa sarili ay maka-Diyos at hindi asal-hayop dahil panay ang basa ng Bibliya, pagdasal, at pag-attend ng prayer meetings, kaya mga “Kristiyano” kuno…ganoong ang nasa isip pala ay inosente sila sa mga kasalanang ginawa dahil hindi napatunayan sa korte!

Masarap Sana, Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Masarap Sana,  Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

 

Masarap sana ang mabuhay sa mundo, kung hindi magulo at walang mga kalituhan. Dahil ito sa likas na ugali ng taong mapanlamang, mapag-imbot, at maramot na kadalasang  tumatalo sa mga mabubuting ugali na mapagpakumbaba, mapagbigay, at bukas-palad. Kung mapagpakumbaba ka, siguradong yayapakan ang iyong mga karapatan. Kung mapagbigay ka, siguradong itutulak ka lang sa tabi ng mga mapag-imbot. Kung bukas-palad ka kaya maluwag sa loob ang pagtulong sa kapwa, aabusuhin ka naman.

 

Dahil sa nabanggit na mga kalituhan, yong isa kong kaibigan, ay halos ayaw nang lumabas ng bahay upang makaiwas sa mga hindi magandang mangyayari sa kanya. Dahil sa ginawa niya, itinuring siya ng mga ungas niyang kapitbahay na “makasarili”. Sabi niya minsan sa akin, kung magpapaputok siya ng baril sa kalye siguradong sasabihin ng mga kapitbahay niyang “siga” siya. Sinabihan ko na lang na madaling araw pa lang ay umalis na siya at umatend ng misa sa Baclaran o Quiapo, pagkatapos ay mamigay ng tulong sa squatter’s area at kapag padilim na ay saka na lang siya umuwi – walang mga ungas na kapitbahay ang makakakita sa kanya. Sabi ko nga sa kanya ay maswerte siya at ungas lang ang mga kapitbahay niya…hindi mapagkunwari at mainggitin.

 

Hind lang sa pakikipagkapwa-tao ang may kalituhan, kundi kahit na rin sa mga bagay na kailangan upang mabuhay tulad ng pagkain. Kailangan daw ay kumain ng gulay at isda dahil masustansiya ang mga ito. Subali’t sa palengke, hindi lang isda ang nilulublob sa “formalin”,  ang kemikal na ginagamit sa pag-embalsamo, kundi pati na rin mga gulay upang hindi malanta agad. Ang karagatan at mga ilog na tinitirhan ng mga isda ay marumi na rin. Ang mga nahiwang gulay ay nilulublob sa tawas upang hindi mangitim tulad ng hiniwang langkang nakagawiang iluto sa gata at talong na tinanggalan ng bulok na bahagi, pati binalatang gabi, kamote, at patatas. Ang mga gulay sa pataniman ay alaga din sa mga chemical na pamatay-peste habang lumalago. Yong sinasabing mga “organic” daw ay hindi rin sigurado dahil maraming mga nagtitindang mahilig magsinungaling, makabenta lang. Kung totoo man, ay nakakakuha naman ang mga ito ng lason mula sa hangin.

 

Ang mga karne ay may mga anti-biotic, kaya ang akala ng isang kumpanyang nagdede-lata ng produktong karne ay bobo lahat ng mamimili dahil sinasabi ng ads nila na walang sakit ang mga baboy at manok nila – siyempre, dahil alaga sa antibiotic!…talaga din namang kumita lang, lahat ay gagawin upang makapanlinlang. At, yong mga batang lumaki sa gatas at karne ng hayop, ngayon ay may ugaling hayop na rin…dahil kung hindi man bastos ay lapastangan at suwail pa!

 

Ang mga softdrink lalo na ang “Cokes” (tawag yan ng Bisaya sa Coke”), na pampagana sa pagkain kahit bagoong, toyo, o patis lang ulam ay nakakasira ng kidney at atay. Kung mag-ulam naman palagi ng instant noodles na pinakamura at pinakamadaling iluto, subalit ginamitan ng kemikal upand hindi magdikit-dikit, ay lalo namang sisira ng kidney. Mismong bigas na sinasaing ay may mga chemical din upang hindi kainin ng uod at kuto habang nakaimbak sa bodega, kung saan ay iniispreyhan pa sila upang hindi upakan ng mga daga at ipis.

 

Ang instant na kape ay dumaan din daw sa mga paraan o process na nangailangan ng mga kemikal na hindi maganda sa katawan kahit pa sabihing nakakatulong ang inuming ito sa paglusaw ng cholesterol at bara sa daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang asukal na puti ay mayroong bleaching chemical na nagpaputi sa dating manilaw-nilaw na katas na ito ng tubo. Naka-imbento ng artipisyal na asukal upang makaiwas sa diabetes, subalit nakakasira naman din daw ng kidney.

 

Pati mga bitamina na ginagawa sa mga laboratoryo ay pinagdududahan na rin. Kahit maliit lang ang sumobra sa naimon ay magsasanhi na ng overdose na maaari pang maging sanhi ng sakit. Sa puntong ito, ang mga gamot na akala natin ay nakakapandugtong ng buhay ay hindi rin pala magandang basta na lang iinumin, kaya mismong anti-biotic ay hindi na rin ligtas.

 

Ano pa nga ba at, animo ay nag-uunahan ang mga bahagi ng katawan natin kung alin sa kanila ang unang manghihina hanggang bumigay  dahil sa mga pagkaing akala natin ay pampahaba ng buhay, yon pala ay may mga lasong unti-unting nakakamatay. Kaya siguro, madalas na payo ng doctor sa pamilya ng pasyente na may taning na ang buhay, ay pagbigyan na lang ito sa lahat ng hihilingin niyang pagkain dahil wala na rin namang mangyayari bunsod ng lasong nagkakaiba lang ang dami sa bawat pagkain.  Ang maratay dahil sa sukdulang epekto ng lason na nakukuha natin sa mga pagkain at hangin ang ultimate na sitwasyon kung saan ay talagang angkop ang kasabihang, “no choice” at “…no turning back”.  Ang kalagayan ring ito ang nagpapakita na ang tao ay nagsi-self destruct!

 

 

 

 

Sa Holy Week, Hindi Lang Dapat Mga Batang Gutom ang Pakainin

Sa Holy Week, Hindi Lang Dapat

Mga Batang Nagugutom ang Pakainin

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang sinabi ni Cardinal Tagle na sa pangingilin ng mga Kristiyano, isama ang pagpakain sa mga batang gutom…para sa akin ay bitin, kulang. Dapat ay buong pamilya na ang pakainin dahil kung may mga batang gutom, malamang ay gutom din ang kanilang pamilya dahil sa kahirapan, maliban lang kung ang tinutukoy ni Cardinal Tagle ay mga batang kalye na lumayas mula sa kanilang mga tahanan. Sa isang banda, kahit ang tinutukoy ni Cardinal Tagle ay ang batang sumisinghot ng rugby, o mga “batang hamog”, dapat isiping may mga pamilyang gutom din namang nakatira sa bangket at yong iba ay ginawa pang tahanan ang kariton. Hindi lang dapat pagkain ang ibigay sa kanila kundi pati na rin damit at tarpaulin na panglatag sa sementong hinihigaan.

 

Maliban sa tao, sana naman ay isama na rin ng mga nangingilin ang mga hayop na nasa kalye – mga aso at pusang walang mga “tao”, o mga taong nag-aalaga, o walang tahanan inuuwian. Sila ay may mga buhay din naman. Sana ang mga taong nangingilin na naglagay pa ng uling na hugis krus sa noo nang sumapit ang Ash Wednesday ay hindi mandiri sa pag-abot ng pagkain sa aso at pusang tadtad ng galis ang katawan kaya halos mawalan na ng balahibo. Sana ay hindi sila maduwal o masuka kung abutan nila ang mga ito ng mga pinira-pirasong tinapay.

 

At baka, maaari na ring isama ang isa pang nilalang ng Diyos na bahagi na rin ng buhay ng tao – ang mga halaman. Maraming tao ang pabaya sa kanilang mga halaman. Sila ang mga taong ang hangad lang sa pagbili ng mga halaman ay makisabay sa mga kinainggitang kapitbahay, subalit dahil talagang walang hilig, kalaunan ay pinabayaan na nila ang mga kawawang halaman. Itong mga mayayabang kaya ang gutumin at uhawin? Kung ayaw na nilang mag-alaga sa pinagyabang na mga halaman sana ay ipamigay na lang din nila sa mga kapitbahay na hindi nila kinaiinggitan.

 

Kung dapat maging mabait ang mga nangingilin sa mga hayop at halaman sa Holy Week, sana ay bigyan din nila ng puwang sa kanilang dasal ang mga taong ASAL-HAYOP na nagkalat sa Kongreso, Senado, at mga ahensiya ng gobyerno. Sana ay ipagdasal nila ang pagbago ng mga ASAL-HAYOP na mga taong ito upang hindi pa madagdagan pa ang haba ng kanilang mga sungay!

 

Higit sa lahat, sana ang gagawing pangingilin ng mga tao sa taong 2016  ay hindi dahil nakisabay lang sila sa mga kaibigan, kundi dahil bukal sa kanilang kalooban. Hindi sana nila gagawin ang pangingilin para sa mga nagawa nilang kasalanan, kundi upang bigyan din sila ng lakas na mapaglabanan ang tukso sa paggawa ulit ng mga kasalanan. Tuluy-tuloy sana nilang gawin ang pangingilin taon-taon, habang kaya nila hanggang sila ay malagutan ng hininga!

 

dog

 

 

 

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang silbi ang pagbago ng pagkatao kung ugali lang ang magbabagong anyo, at ang pananaw sa buhay ay hindi. Ang isang halimbawa ay ang pagbago ng isang lasenggo na nabawasan nga ang pag-inom ng alak subalit hindi pa rin naniniwala sa kahalagahan ng pag-impok para sa kinabukasan….kaya kahit hindi na lasenggo, ay bulagsak pa rin sa pera. Ang ugali ng tao ay tungkol sa mga nakasanayang gawin at sabihin. Kung ang isang tao ay hindi na nga nagmumura pero mapanira pa rin ng kapwa, wala ring silbi an kanyang pagbabago.

 

May mga ugali ring mahirap baguhin dahil lulutang at lulutang ang likas na nakagawiang hindi kayang takpan ng pagpapaka-plastik o pagkukunwari. May mga taong sensitibo sa ugali ng iba kaya nararamdaman nila kung bukal sa kalooban ang sinasabi ng mga kausap nila dahil naipagkakanulo o betrayed sila ng ekspresyon ng kanilang mukha, at kahit ng simpleng galaw ng mata…sa Ingles, ito ang tinatawag na “body language”.

 

Ang paniniwala ay nagsisimula sa isip ng tao at ito ang nagpapakilos ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Dalawang lakas ang nakakaapekta sa isip – positibo at negatibo….sa simpleng salita – mabuti at masama. Kung hindi tutugma ang ikinikilos ng isang tao sa kanyang iniisip, “nadudulas” siya sa pagsalita, na kung sa Ingles ay tinatawag na “slip of the tongue”. Ang tawag sa pilit na pagtatakip ng tunay na ugali ay pagkukunwari.

 

Upang maging kapani-paniwala ang pagbabago na ginagawa tuwing Holy Week at Bagong Taon, piliin ang mga ugaling “kayang baguhin”. Hindi kailangang mag-ambisyong maging santo o santa ang isang tao upang mabago ang masama niyang ugali. Kahit hindi siyento por siyentong mababago ang masamang ugali ng isang tao, basta aminin niyang siya ay talagang masama, ito ay katanggap-tanggap na, dahil nangangahulugang alam niya kung ano ang dapat baguhin sa kanyang pagkatao. Sa ganyang paraan, kahit papaano ay mauunawaan ang kanyang pagpipilit  kaysa naman siya ay magpaka-plastik pero madalas namang madulas!!!

Walang Hangganan ang Taos na Pagmamahal (para kay Rodina Ballena-Marasigan)

Walang Hangganan

Ang Taos na Pagmamahal

(para kay Rodina Ballena-Marasigan)

 

Madaling sambitin ang “mahal kita”

Subalit ang itanim ito sa puso…kaya ba?

Kung manggaling ang pangako sa ating isip

Malamang bunga lang ito ng isang panaginip.

 

Mga pagsubok ang kailangang harapin

Upang maging taos ang isang damdamin

Nang ang pangako’y matupad, mapatunayan

Dapat manggaling ito sa puso… at sa kaibuturan.

 

Hindi dapat naniniwala sa mga paninira

Ang mga naiinggit, mahilig nitong gumawa

At hindi dapat pagdududahan ang minamahal

Upang samahang matamis, habang-buhay tatagal!

Rodina 1

 

 

Note:

kaibuturan – poetic meaning is “deepest corner” or “deepest part”

 

 

Ang Credit Card Bilang Status Symbol ng Ilang Pilipino

Ang Credit Card Bilang Status Symbol ng Ilang Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang paggamit ng credit card na kung tawagin ng iba ay “plastic money” ay dapat inaangkop o binabagay ng isang tao na gustong gumamit nito sa kanyang pinansiyal na kalagayan sa buhay. Unang-una, ang interest na pinapataw tuwing ito ay gamitin ay talagang matindi lalo pa kung naiipon ng kung ilang buwan. Sa biglang tingin, maliit ang binabayaran kapag gumamit nito sa pamimili dahil maaaring hatiin sa kung ilang hulugan ang pagbayad. Subalit ang hindi napapansin ay ang pagpatung-patong ng mga natirang babayaran pa na may kaakibat na compounding interest, at hindi napapansin ng gumagamit. Magtataka na lamang ang gumagamit nito kapag napansin niyang lalong lumala ang problema niya sa pera at may nakaamba pang demanda dahil sa hindi pagbayad sa lomobong utang sa credit card company.

 

Tanggap ang katotohanang nagpapalakas ng loob ang credit sa mga taong bumili ng kahit hindi nila kailangan, lalo pa at nasa loob na sila ng mall. Ang isa pa, nakakahiyang bumili gamit ang credit card, sa maliit na halaga, kaya kailangan ay lakihan na upang hindi pandilatan ng dispatsadora kung ang binili ay halagang wala pang Php100.00.

 

Ang credit card ay sumisira sa kasabihan ng mga Pilipino tungkol sa “pamamaluktot kung maigsi ang kumot”. Ang kasabihang yan ay angkop lamang sa mga may hawak na cash, kaya kung ano lang ang kaya ng pera nila ay hanggang doon na lang sila. Kung ang kaya ng cash halimbawa na dapat bibillhing pagkain ay halagang Php500 lang, hanggang doon na lang talaga. Pero, iba kapag ang hawak ay credit card dahil karaniwang maximum limit of purchase nito ay hindi bababa sa Php20,000. Yong may  kakayanan namang magbayad ng malaki batay sa suweldo nila at kinalalagyan sa lipunan, ay unlimited.

 

Ang mga Pilipino na ang asawa ay nasa abroad o di kaya ay seafarer at malalaki pa ang suweldo ay may karapatan sa paggamit ng credit card dahil may inaasahan silang regular na malalaking remittance. Ang hirap lang sa ibang Pilipino kasi,  kahit ang suweldo ay lampas lang ng kaunti sa Php10,000 ay nagkakalakas na ng loob sa pagkuha nito….at, hindi lang isa, kundi dalawa pa, lalo pa at pwedeng gamitin ang card sa pag-withdraw ng cash sa ATM. Ang ginagawa kasi nila ay ang style sa pagbayad na “pasa-pasa”. Ibig sabihin, magwi-withdraw sila ng cash gamit ang isang card upang pambayad sa bill ng isa, at ganoon din ang gagawin sa isa, upang may pambayad sa isa pang card. Nasabi ko ito dahil marami na akong taong nakausap na ganito ang ginagawa. Kapag umabot na sa puntong hindi na talaga kayang magbayad ay magre-resign sa trabaho, magpapagawa ng ibang ID sa Recto gamit ang ibang pangalan, at magtatago….at pagkalipas ng ilang buwan o taon ay saka lilitaw at hahanap ng trabahong hindi nagri-require ng masinsinang background check, kaya nagagamit nila ang pekeng ID.

 

Kaya hindi nati-trace ang ibang abusadong credit card holders ay dahil nangungupahan lang sila sa mga squatter’s area. Yong iba naman ay nagbo-board and lodging o di kaya ay bedspacer sa mga liblib na address. Kawawa ang mga guarantor nila na sumasalo sa mga bayarin. Yong ibang guarantor naman kasi ay nasisilaw sa kikitaing “referral commission”, kaya dahil sa katakawan sa kakarampot na kita ay lumaki pa ang problema nila, at may banta pang demanda.

Ang isang nakakatawang ugali ng ibang Pilipino ay ang pag-ipon nila ng mga expired na credit card at dinidispley sa kanilang pitaka, lalo na yong mahaba na may maraming slots para sa mga ito. Pagbukas nga naman nila ng pitaka sa harap ng mga kaibigan ay kita agad ang mga plastic cards. Yong hindi nakakaalam sa tunay na pagkatao ng nagyayabang lalo pa kung maporma ay talagang maniniwala, kahit sa tunay na buhay ang mayabang ay maliit ang suweldo at halos walang pamasahe na magamit sa pagpasok. Alam ko yan, dahil sa trabaho ko noon, marami silang naging kasama ko – mga clerk at yong isa ay messenger/janitor….may mga credit card pero pinagpapalit-palit ang Lunes, Miyerkules at Biyernes na pinapalyahan o hindi pinapasukan dahil walang pamasahe! At, yong mga umutang sa akin na nagkaroon ng amnesia dahil nauntog yata, ay pinasa-Diyos ko na lang…