Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang, Factory Worker Na, Ngayon ay may Sariling Negosyo

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang,

Factory Worker Na, Ngayon ay may sariling Negosyo

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon pa man ay interesado na akong magsulat tungkol sa mga naglalako ng mga gamit na naglilibot saan mang lugar dahil nagustuhan ko ang kanilang pagtitiyaga na magandang halimbawa sa iba na ang gusto ay kumita agad ng milyon-milyon sa negosyo.

 

Nang makita ko ang isang grupo na kumakain noon sa karinderya malapit sa amin, nagulat ako nang tawagin ng isa sa kanila na “boss” ang kasama nila na sa tingin ko ay parang college student lang. Nakita ko rin ang mga nilalako nilang power tools tulad ng barena. Sa kahihintay ko ng tamang panahon upang makausap ng masinsinan ang tinawag na “boss” ay saka naman sila umalis sa dating tinitirhan. Mabuti na lang at makalipas ang ilang buwan ay natiyempuhan ko ang taong gusto kong kausapin sa isang karinderya na nadaanan ko.

 

Siya si Ryan Natividad, 26 taong gulang at may isang anak na 8 taong gulang, kasal kay Sienna Javier, at sila ay taga-Bulacan. Sa katitinda ng mga power tolls ay napadako ang grupo niya sa Cavite.

 

Galing siya sa isang broken family dahil grade six pa lang daw siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at siya ay napapunta sa kalinga ng kanyang nanay. Dahil sa kahirapan ng buhay, 14 taong gulang pa lang daw siya ay napasabak na siya ng trabaho sa iba’t ibang pagawaan o factory. Hindi rin siya nakatapos ng high school, kaya nang nagkaroon ng pagkakataon kalaunan ay pinasukan na rin niya ang negosyong kalye o ambulant vending sa gulang na 19 taon. Noon niya natutunan ang pagbenta ng mga power tools at kahit papaano ay nakakapag-ipon pa siya.

 

Sa gulang na 23 taon, naisipan niyang mamuhunan upang lumaki ang kayang kita kaya humiram siya ng 30 libong piso sa kanyang nanay upang maipandagdag sa naipon na niya. Nang lumago ng kaunti ang kanyang negosyo ay kumuha na siya ng ilang tauhan. Sa loob ng tatlong taon ay nadagdagan pa ang kanyang mga kalakal kaya ngayon, ay may apat na siyang tauhan. Nakatira sila sa isang studio type na apartment sa Bacoor City at sinusuyod nila ang mga kalapit na lunsod at bayan sa paglako ng power tools.

 

Sa gulang na 26 taon, nakakabilib si Ryan dahil may sarili na siyang negosyo na nagsimula sa mahigit lang sa halagang 30 libong piso. Paano na lang kaya kung ang puhunan niya ay mahigit 100 libong piso na sa tingin ng ibag tao ay “barya lang”? Sa uri ng kanyang pagsisikap, baka hindi lang apat na tao ang kanyang natulungan!

 

May mga seafarers at OFWs na tuwing magbabakasyon ay hindi bumababa sa 50 libong piso ang cash na nahahawakan at yong iba pa nga ay mahigit 100 libong piso. Subalit sa ilang araw pa lang nilang pagbabakasyon ay ubos na dahil sa walang pakundangang paggastos. At, kung wala nang madukot ay ang mga ipinundar na gamit naman ang binibenta, hanggang bandang huli ay uutang na. Madalas pa itong nagreresulta sa away-asawa lalo pa kung maluho ang misis. Karamihan sa mga ito ay hindi nakakaisip na mumuhunan sa isang negosyo upang maaasahan kung sakaling may mangyaring hindi maganda tulad ng pagkatanggal sa trabaho, o di kaya ay upang may “mapaglibangan” man lang para sa karagdagang kita ng mister, ang misis na naiiwan sa Pilipinas.

 

Kaylan kaya mag-uugaling Ryan ang mga uri ng taong nabanggit ko?

 

Ryan Natividad 1

 

Ang Pagninilay-nilay Tuwing Semana Santa

Ang Pagninilay-nilay Tuwing

Semana Santa

Ni Apolinario Villalobos

 

Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw” na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging “ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae? Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.

 

Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays, hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.

 

Maraming paraan ang pagtitika at pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng  pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!

 

Ang mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana.  Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!

 

Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.

 

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.

 

Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga mata at kaisipan!

Sa Holy Week, Hindi Lang Dapat Mga Batang Gutom ang Pakainin

Sa Holy Week, Hindi Lang Dapat

Mga Batang Nagugutom ang Pakainin

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang sinabi ni Cardinal Tagle na sa pangingilin ng mga Kristiyano, isama ang pagpakain sa mga batang gutom…para sa akin ay bitin, kulang. Dapat ay buong pamilya na ang pakainin dahil kung may mga batang gutom, malamang ay gutom din ang kanilang pamilya dahil sa kahirapan, maliban lang kung ang tinutukoy ni Cardinal Tagle ay mga batang kalye na lumayas mula sa kanilang mga tahanan. Sa isang banda, kahit ang tinutukoy ni Cardinal Tagle ay ang batang sumisinghot ng rugby, o mga “batang hamog”, dapat isiping may mga pamilyang gutom din namang nakatira sa bangket at yong iba ay ginawa pang tahanan ang kariton. Hindi lang dapat pagkain ang ibigay sa kanila kundi pati na rin damit at tarpaulin na panglatag sa sementong hinihigaan.

 

Maliban sa tao, sana naman ay isama na rin ng mga nangingilin ang mga hayop na nasa kalye – mga aso at pusang walang mga “tao”, o mga taong nag-aalaga, o walang tahanan inuuwian. Sila ay may mga buhay din naman. Sana ang mga taong nangingilin na naglagay pa ng uling na hugis krus sa noo nang sumapit ang Ash Wednesday ay hindi mandiri sa pag-abot ng pagkain sa aso at pusang tadtad ng galis ang katawan kaya halos mawalan na ng balahibo. Sana ay hindi sila maduwal o masuka kung abutan nila ang mga ito ng mga pinira-pirasong tinapay.

 

At baka, maaari na ring isama ang isa pang nilalang ng Diyos na bahagi na rin ng buhay ng tao – ang mga halaman. Maraming tao ang pabaya sa kanilang mga halaman. Sila ang mga taong ang hangad lang sa pagbili ng mga halaman ay makisabay sa mga kinainggitang kapitbahay, subalit dahil talagang walang hilig, kalaunan ay pinabayaan na nila ang mga kawawang halaman. Itong mga mayayabang kaya ang gutumin at uhawin? Kung ayaw na nilang mag-alaga sa pinagyabang na mga halaman sana ay ipamigay na lang din nila sa mga kapitbahay na hindi nila kinaiinggitan.

 

Kung dapat maging mabait ang mga nangingilin sa mga hayop at halaman sa Holy Week, sana ay bigyan din nila ng puwang sa kanilang dasal ang mga taong ASAL-HAYOP na nagkalat sa Kongreso, Senado, at mga ahensiya ng gobyerno. Sana ay ipagdasal nila ang pagbago ng mga ASAL-HAYOP na mga taong ito upang hindi pa madagdagan pa ang haba ng kanilang mga sungay!

 

Higit sa lahat, sana ang gagawing pangingilin ng mga tao sa taong 2016  ay hindi dahil nakisabay lang sila sa mga kaibigan, kundi dahil bukal sa kanilang kalooban. Hindi sana nila gagawin ang pangingilin para sa mga nagawa nilang kasalanan, kundi upang bigyan din sila ng lakas na mapaglabanan ang tukso sa paggawa ulit ng mga kasalanan. Tuluy-tuloy sana nilang gawin ang pangingilin taon-taon, habang kaya nila hanggang sila ay malagutan ng hininga!

 

dog

 

 

 

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang silbi ang pagbago ng pagkatao kung ugali lang ang magbabagong anyo, at ang pananaw sa buhay ay hindi. Ang isang halimbawa ay ang pagbago ng isang lasenggo na nabawasan nga ang pag-inom ng alak subalit hindi pa rin naniniwala sa kahalagahan ng pag-impok para sa kinabukasan….kaya kahit hindi na lasenggo, ay bulagsak pa rin sa pera. Ang ugali ng tao ay tungkol sa mga nakasanayang gawin at sabihin. Kung ang isang tao ay hindi na nga nagmumura pero mapanira pa rin ng kapwa, wala ring silbi an kanyang pagbabago.

 

May mga ugali ring mahirap baguhin dahil lulutang at lulutang ang likas na nakagawiang hindi kayang takpan ng pagpapaka-plastik o pagkukunwari. May mga taong sensitibo sa ugali ng iba kaya nararamdaman nila kung bukal sa kalooban ang sinasabi ng mga kausap nila dahil naipagkakanulo o betrayed sila ng ekspresyon ng kanilang mukha, at kahit ng simpleng galaw ng mata…sa Ingles, ito ang tinatawag na “body language”.

 

Ang paniniwala ay nagsisimula sa isip ng tao at ito ang nagpapakilos ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Dalawang lakas ang nakakaapekta sa isip – positibo at negatibo….sa simpleng salita – mabuti at masama. Kung hindi tutugma ang ikinikilos ng isang tao sa kanyang iniisip, “nadudulas” siya sa pagsalita, na kung sa Ingles ay tinatawag na “slip of the tongue”. Ang tawag sa pilit na pagtatakip ng tunay na ugali ay pagkukunwari.

 

Upang maging kapani-paniwala ang pagbabago na ginagawa tuwing Holy Week at Bagong Taon, piliin ang mga ugaling “kayang baguhin”. Hindi kailangang mag-ambisyong maging santo o santa ang isang tao upang mabago ang masama niyang ugali. Kahit hindi siyento por siyentong mababago ang masamang ugali ng isang tao, basta aminin niyang siya ay talagang masama, ito ay katanggap-tanggap na, dahil nangangahulugang alam niya kung ano ang dapat baguhin sa kanyang pagkatao. Sa ganyang paraan, kahit papaano ay mauunawaan ang kanyang pagpipilit  kaysa naman siya ay magpaka-plastik pero madalas namang madulas!!!

Rowena Soliano: Hardworking Single Mom from the Far Sarangani Province

Rowena Soliano: Hardworking Single Mom

From the Far Sarangani Province

By Apolinario Villalobos

 

Regular visitors of Isetan Mall along Recto refer to Rowena Soliano as the “girl in black”, although friends call her “Weng”. She hails from Sarangani Province in southern Mindanao. She’s got an exotic face and always chick in her tight-fitting black outfit, that make her stand out in a crowd of shoppers in the mall while delivering ordered snacks to patronizing employees. She also loves to braid her hair in various ways every day that adds to her being a stunning looker. She has been working with a coffee shop located on the fourth floor of the mall where the videoke area is located.

 

In 2013, she fell in love with a persistent suitor whom she thought was serious in his intention. Unfortunately, their relationship got sour and realizing that something was seriously wrong with their relationship, she broke up with him despite her being pregnant during the time. She went on with her job at the mall, but went home when she was about to deliver her baby. After a year in Sarangani, she went back to Manila and implored her employer to take her back. She left her baby girl, now almost two years old in the care of her mother, to whom she regularly sends money.

 

Her job at the coffee shop starts at 10AM when the mall opens until its closure at 9PM. She seldom finds time to sit down, as just when she arrives at their stall after a delivery, another set or more of ordered snacks are waiting to be delivered again.  Despite her hectic schedule, her smile never leaves her face. The only break she gets is when she had to take a late lunch – standing. Another short respite is for a stolen moment for light and late dinner, still taken standing.

 

She is fortunate to have found a kind employer, a reason enough for her to love her job. It was her first job when she arrived in Manila from Sarangani Province. When I had a lengthy talk with her, I told her about the international resort that Manny Pacquiao is putting up in Sarangani. She told me that she was also told about it by her mother. However, she has apprehensions if she could be given the chance to land a job in such big resort due to her insufficient educational attainment. She told me that she barely finished her high school. She is also aware that there are plenty of four-year course graduates in their province and in the field of tourism, yet.

 

Weng is the opitome of the struggling youth from the province who try their luck in the bustling city of Manila, some of whom are unfortunate to have ended as prostitutes that ply their trade along Avenida. Some became exotic dancers in discreet beerhouses in Recto, Caloocan, and Cubao. Like their elder contemporaries who brought with them their families and ended living on sidewalks while surviving on recyclable junks collected from garbage dumps, the youth from the provinces of Mindanao are left with no choice but take the risk of uncertainties in Manila, rather than be recruited by the New People’s Army (NPA) and Abu Sayyaf.

 

Sarangani, the province of Weng,  is already infiltrated with NPA and drug dealers. The tentacles of Abu Sayyaf which is notoriously known for its kidnap-for-ransom activities have also been wriggling around the area for a long time, too. Worst, job opportunities in Sarangani is like the proverbial needle in a haystack. These are available at General Santos City, the nearest urban area, but for hopefuls like Weng, no opportunity is left, considering the thousands of graduates from several colleges and universities around the southern Mindanao area every year.

 

How can we then blame provincials like Weng for coming to Manila and add up to the already teeming population of the city? Yet, those who have not experienced distressing life in the province just cannot restrain themselves from uttering hurting invectives.   And, practically adding salt to the wound, are the incessant and oft-repeated arrogant declarations of the president about jobs and progress that the country and the Filipinos are enjoying!…and, under his administration, yet!…but the big question is, where are they?

 

Rose

Rose

(para kay Rosita Segala)

Ni Apolinario B Villalobos

 

Kung siya’y iyong pagmasdan

Mababanaag mo sa mga mata niyang malamlam

Bigat ng pinapasang katungkulan

Hindi lang para sa mga mahal sa buhay

Kung hindi, pati na rin sa malalapit na kaibigan.

 

Mayroon man siyang kinikimkim

Hindi kayang isiwalat ng maninipis na labi

Ang matagal nang pinipigil na damdamin

Nakapaloob sa nagpupumiglas na tanong

“May kaligayahan kaya para sa akin sa dako pa roon”?

 

Marami na rin siyang inasam sa buhay

Nguni’t maramot ang kapalaran at pagkakataon

Kabutihang kanyang pinamamahagi sa iba

Kalimitan ay palaging may katumbas na luha

Pati na pag-abuso na nagbibigay ng matinding pagdurusa.

 

Sa kabila ng lahat, marubdob pa rin ang paniniwala niya sa Diyos

Na siyang tanging nakakabatid ng lahat ng kanyang paghihirap

At alam niyang darating ang panahon na kanyang makakamit

Pagmamahal at katiwasayan ng kalooban na sa kanya’y pinagkait

Samantala, kanya na lang iindahin, mga darating na siphayo at pasakit.

 

(Si Rose ay taga-Quezon at nang mapadpad sa Maynila noong 1972 ay kumuha ng maliit na puwesto sa Recto, sa bahaging kung tagurian ay “Arranque”. Sa bahaging ito ng Maynila makakakita ng mga alahas na binebenta ng mura dahil karamihan ay nabili ng bultuhan o maramihan sa mga bahay-sanglaan o pawnshop. At, sa ganitong uri ng negosyo sumabak si Rose, subalit hindi sa pagbenta, kundi sa paglinis na kasama ang pagtubog upang lalong tumingkad mga alahas. Ang puwesto niya ay nasa ilalim ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng lumang gusali, kung saan ay may inuupahan siyang kuwarto, kasama ang kanyang pamangkin na si Marivic.

 

 

Marami siyang kakumpetensiya sa uri ng kanyang trabaho – mga lalaki, kaya napabilib ako sa kanya nang malaman ko ang kanyang trabaho. Ayon sa kanya, pinipilit niyang makaipon upang may magamit sa mga emergency na pangangailangan kaya alas- siyete pa lamang ng umaga ay nag-aabang na siya ng mga kostumer na gustong magpalinis ng alahas, at inaabot siya ng gabi dahil sa kanyang pagtitiyaga.

 

Sa probinsiya pa lang nila ay marami nang natulungan si Rose, subalit hindi siya naghangad ng kapalit. Nakakaramdam siya ng kasiyahan sa pagtulong sa iba upang hindi sila makaranas ng mga kahirapang napagdaanan niya. Ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak, kahit na yong mga natulungan niya, kaya nagsisikap, at pinapasa-Diyos na lamang niya kung ano man ang mangyari sa kanya, subalit kahit papaano ay nag-iingat pa rin siya.)

 

 

The Spirited Anna….with sightless left eye and dimming right one

The Spirited Anna…with sightless left eye

and dimming right one

by Apolinario Villalobos

 

I thought the woman whose name I learned was Anna,  and who was sitting on the pushcart was just too trusting by not counting the money that I gave her for the items that I chose from among her “buraot” items, until she told me that her right eye can barely see while her left eye was totally useless. Her sight had been defective since she was a girl. While growing up, she was desperate and a loner because of her deficiency until she met her husband who took good care of her.

 

Anna and her husband had been selling junk items for more than five years. They would spread their items on a piece of tarpaulin as early as six in the morning along the old railroad track now covered with pavement as early as six in the morning, just when the vegetable wholesalers are packing up. An hour later they would transfer to the corner of the Sto. Cristo St. where I found her. With their four children in tow, her husband would leave her to clean their other “buraot” items in the railroad track.

 

She smilingly told me that she and her husband have been setting aside money for their children from the meager daily earnings. Just like most of the hardworking scavengers of Divisoria, they live on the pushcart…or rather, beside their pushcart that are heaped with their junks at the end of the day. Their children are aged nine, seven, four and three years. Just before noon, she told me that they, already with lunch bought from a makeshift sidewalk eatery, would join her.

 

Our amiable conversation was cut short by a sudden and steady drizzle. I had to help Anna gather her items on their pushcart and cover them with two pieces of tarp that I brought with me, intended to be given to the vendors like her. We stayed on the covered sidewalk, and it was at this time that Anna got worried for her husband and children.  Not long afterward, a guy carrying two children, and two girls huffily came running and joined us.

 

As the pushcart was securely covered, I invited Anna and her family to the Jollibee outlet a few steps away. The eldest girl jumped and gleefully shouted when she heard the name. When we entered, other customers threw us inquisitive stares as the husband of Anna and the kids were dripping wet. It was their first time to enter the establishment and even taste its cheapest Yummy sandwich, but for such a happy occasion, I ordered the regular burger and spaghetti for each of them. While they were enjoying their sandwich, spaghetti, and Coke, they strike a picture of a happy family…of contentment, a far cry from many families that are virtually swimming in affluence, yet, not satisfied a bit. As a practice, I did not take their picture while enjoying their Jollibee meal, for I do not want the photo opportunity to come out as one done in exchange for something. So as not to instigate Anna and her husband to ask questions about me, I stopped asking more questions about their life….that way, I was happy not to be asked for my name, though, before we parted ways, I told them that the snacks were courtesy of a certain “Perla”. I was resolved, however, to see them again.

 

Divisoria Anna 1

Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

By Apolinario Villalobos

 

I ask from friends and collect myself, what others consider as “trash” – empty rice bags, used shopping plastic bags, brown paper bags, net bags, used tarpaulins, empty jars, lengths of straw rope, etc. – to be distributed among my friends who sell recyclable junks and vegetables by the pile on sidewalks. They are called “buraot” vendors and the “buraot” refers to the junks and wilting vegetables that they sell. Some of them keep the brown paper bags to be used by their children as book covers, and the sturdy plastic grocery bags as “school bags”. On the other hand, the rice bags have many uses, one of which is safekeeping of things in the absence of decent bags that are sold in department stores.

 

It takes me about two weeks to be able to collect a sizeable volume of these various “treasures”, classify the plastic bags according to size, carefully fold them and finally apportion them together with the rest of the items among the pre-identified recipients for easy distribution. I am most glad if I am able to collect big plastic cover of refs and washing machines because they can be used as extended roof for “kariton (pushcart) home” of my friends. I taught them to fold big plastic bags in such a way that they can be used as “rain coat”. I used to do that when I was in elementary during which I would scavenge the garbage dump of a bakery in our town for recyclable junks especially plastic bags.

 

One time, a friend in California, “Perla” sent plenty of blue tarps that went straight to sidewalk and “kariton” dwellers. But I told her to stop sending such kind of item because I met a couple who sell “tinseled” bags of condiments that when spread by slicing open the two sides can serve the purpose of a mat, as well as, protection against the rain – for just Php20.00 apiece.

 

Every time I come home from shopping, I see to it that the bags, both made of plastic and brown paper are properly folded and set aside instead of tossing them into the garbage basket. The brown bag can also be used in keeping extra portions of vegetables before storing them in the ref. Also, I am not ashamed in picking up lengths of straw ropes from the ground while shopping in outdoor shopping areas such as Baclaran and Quiapo, as they are also needed by my friends in tying things that they always bring along with them. As a recycling advocate, I had been doing this for more than thirty years now.

 

Every time I hit the road for my random acts of sharing my backpack is full of these “treasures”, aside from Skyflakes crackers and home-cooked pudding for sharing. I just want to show that sharing blessings need not be a “big time” effort that involves a lot of money. If I can do it, I am sure others can do it, too. Those interested to do the same can start with the plastic bags that can be collected and given to their favorite vendor in the market….by doing so, we also help Mother Nature as the plastic bags that we recycle are prevented from clogging esteros or canals.

Ang Barbero sa Liwasang Bonifacio

Ang Barbero sa Liwasang Bonifacio

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakasakay ako sa jeep papuntang Pasay nang matanaw ko ang isang barbero sa isang bahagi ng Liwasang Bonifacio (Lawto Plaza) at hindi alintana ang mga tao sa kanyang paligid habang naggugupit ng buhok. Bumaba ako mula sa jeep upang umusyuso lalo pa at nakita ko ang mga “kalakal” na nakalatag hindi kalayuan sa kanya. Ang mga “kalakal” ay mga junk items na napupulot sa basura o maayos pang gamit na pinagsawaan ng may-ari kaya napapakinabangan pa. Mahalaga ang mga ganitong nakalatag para sa mga taong naghahanap ng mga piyesa ng kung anong gadget na hindi mabibili saan mang tindahan o di kaya mga murang gamit.

 

“Dodong” ang pangalang sinabi ng barbero sa akin at galing daw siya sa Cebu kaya maganda ang usapan namin sa Bisaya. Kanya rin pala ang mga kalakal na nakalatag sa hindi kalayuan. Natiyempuhan ko sa mga nakalatag ang cellphone belt pack na gawa sa soft cowhide at nabili ko sa halagang beinte pesos lang. Nakabili rin ako ng backpack na pang-estudyante na ibibigay ko sa isang bata sa Leveriza, Pasay,  sa halagang treinta pesos. Swerte pa rin ako sa isang pares na safety shoes na pambigay ko sa isang guwardiya sa isang hardware store sa Recto malapit sa Divisoria dahil nakita kong halos nakanganga na ang suwelas ng kaliwang sapatos niya, at nabili ko sa halagang otsenta pesos lang. Ang guwardiyang ito ang tumulong sa amin noong last week ng Nobyembre nang mag-ikot kami ng mga kasama ko sa lugar na yon upang mamigay ng regalo sa mga bata.

 

Dahil sa kahirapan ay natigil si Dodong sa pag-aaral kaya hanggang grade four lang ang inabot niya. Tumulong siya sa kanyang tatay sa pangingisda at kung hindi sila pumapalaot ay nakagawian na niyang umistambay sa bahay ng kapitbahay nilang barbero upang manood habang nanggugupit ito. Madalas din siyang utusan ng barbero na nag-aabot sa kanya ng pera kaya para na rin siyang nagsa-sideline. Sa kapapanood daw niya ng panggugupit ay natuto siya pero ang una niyang ginupitan ay tatay niya. Okey naman daw ang resulta kaya ang sunod niyang ginupitan ay kuya niya. Sa kapapraktis ay natuto na siyang manggupit kaya kung may lakad ang kapitbahay nilang barbero ay sa kanya pinagkakatiwala ang mga kostumer nito.

 

Labing- anim na taong gulang siya nang mamatay ang kanilang tatay kaya lumipat sila ng kanyang nanay sa bahay ng kanyang kuya na may pamilya na. Dahil dagdag pasanin sila, madalas na sa palengke siya umiistambay upang mangargador. Ang bangka kasi nila ay naibenta nang magkasakit ang kanilang tatay. Dahil sa pangangargador, nakakakain siya sa maghapon at nakakakapag-uwi pa ng pagkain para sa kanyang nanay, at kung malaki ang kita ay namamalengke pa siya na ikinatutuwa naman ng kanyang hipag.

 

Nang minsang may magyaya sa kanyang tindero upang maisama sa Maynila dahil bibili ng generator, sumama agad siya. Mula noon, palagi na siyang isinasama hanggang naisipan niyang pumunta sa Maynila na nag-iisa. Masuwete siya at sa barko pa lang ay may nakilala siyang makikipagsapalaran din kaya silang dalawa ang nagsalo sa hirap na dinanas pagdating sa Maynila. Mula sa pantalan ay naglakad sila hanggang sa Divisoria. Tinipid nila ang perang baon kaya madalas ay tumitiyempo sila ng kaning tutong para mahingi at ulam na lang ang babayaran kapag kumain sa mga maliliit na karinderya. Kung minsan daw ay dinadaan nila sa biro ang paghingi ng libreng tutong.

 

Sa kalalakad nila ay nakarating sila sa Liwasang Bonifacio at doon ay nadatnan nila ang iba pang nakipagsapalaran sa Maynila na walang matuluyan kaya kung gabi ay kanya-kanya sila ng hanap ng sulok upang matulugan. May nagbenta sa kanya ng gunting na original na “Solingen” at panggupit talaga ng buhok kaya laking tuwa niya. Ang binili na lang niya ay maliit na salamin at dalawang suklay – full time na barbero na siya! Sa simula, barya barya lang ang tinatanggap niya dahil sa pakisaman at para may maipambayad lang sa may-ari ng banyo sa Intramuros kung saan sila naliligo at naglalaba. Nakakaipon din siya ng pambili ng pagkain. Unti-unti ay nagtaas siya ng singil hanggang naging treinta pesos na. Nang lumaki ang kanyang ipon ay namili na rin siya ng mga kalakal na inaalok sa kanya ng mga “scavenger” at mga istambay na nagtitinda ng gamit, hanggang makaipon siya ng maraming kalakal na nilalatag niya araw-araw.

 

Biniro ko siya na hindi lang siya barbero kundi nagba-buy and sell pa. Kapag nakaipon daw siya ng malaki ay uuwi siya sa probinsiya nila at bibili ng bangka upang makapangisda uli pero manggugupit pa rin daw siya. Excited siya sa pagkuwento dahil makakasama na niya uli ang kanyang nanay.

 

Ang punto ko rito ay ang kaalaman o skill na maaaring pagkikitaan tulad ng natutunan ni Dodong na pagbabarbero kaya kahit dayo siya sa Maynila ay nabuhay siya nang marangal, hindi naging magnanakaw o palaboy. Marami pang ibang skill na maaaring pag-aralan tulad ng pagma-manicure at pedicure, o di kaya ay pagmamasahe at pagda-drive, pati pagluto. Hindi dapat ikahiya ang mga ganitong kaalaman kaya hangga’t bata pa ay mabuting matuto na.

 

 

 

Beverly Padua: Nakakabilib dahil Nakakabenta sa Internet kahit Cellphone lang ang Gamit

Beverly Padua: Nakakabilib Dahil Nakakabenta sa Internet

Kahit Cellphone lang ang Gamit

Ni Apolinario Villalobos

 

Meet Beverly or Bevs na nakakapagbenta sa internet kahit walang laptop, i-Pad o desktop computer dahil ang gamit lang ay isang simpleng smart phone. Nakakagulat, dahil sa pagkakaalam ko, ang mga on-line sellers ay umaasa sa malalaking computer na kanilang tinututukan sa loob ng 24/7, hangga’t maaari. Nang una kong makita ang shop site niya ay bumilib na ako dahil  sa linis ng pagkagawa, hindi kalat o magulo kaya hindi nakakalito. Ginawa rin pala niya ito gamit lang ang simple niyang cellphone.

 

Panganay siya sa kanilang magkakapatid at ulila na sila sa ina. Ang tatay naman nila ay sakitin kaya silang magkakapatid na kumikita kahit papaano ang nag-aambagan upang makaraos ang pang-araw araw nilang pangangailangan. Kahit madalas silang kapusin sa budget ay dinadaan nila sa matinding pagtitipid ang lahat upang masambot ang kanilang pangangailangan lalo na ang mga gamot ng kanilang tatay.

 

Single mom din siya. Wala siyang hinanakit sa ama ng kanyang anak kahit na ito ay may iba nang pamilya. Kahit sa hinagap ay hindi niya naisip ang maghabol o magalit sa dating asawa, bagkus ay dinadaan na lamang niya sa pagsisikap ang lahat  upang mapalaki nang maayos ang nag-iisang anak na naging inspirasyon niya sa buhay. Sa kabila ng lahat ay hindi natinag ang kanyang malakas na pananalig sa Diyos, at sa halip ay tinutumbasan na lamang niya ng pagpapaubaya, dahil ayon sa kanya, darating din sa tamang panahon ang taong talagang nakalaan para makasama niya habang buhay.

 

Hindi siya nariringgan ng kahit kaunting hinagpis kahit may mga pangangailangan din siya para sa kanyang kalusugan bilang isang diabetic. Ilang beses na rin siyang sinumpong nang matindi dala ng kanyang sakit subalit lahat ay kayang nalampasan, kaya ang ginagawa na lamang niya ay pag-ibayuhin pa ang pag-iingat upang hindi siya atakehin uli.

 

Masidhi ang pananampalataya ni Bevs sa kapangyaarihan ng Diyos dahil ilang beses na rin daw niya itong napatunayan. Noong nakaraang taon kung kaylan patung-patong ang pangangailangan nila sa pera ay saka naman humina ang bentahan, subalit hindi siya nagpakita ng pagkainis, sa halip ay tinanggap na lang ang sa tingin niya ay isang pagsubok. Totoo ang kanyang naramdaman dahil nitong nakaraang mga araw ay nagsunud-sunod naman ang pagpasok ng mga order sa kanya.

 

Kahit ang dapat sana’y kailangan niyang i-Pad lamang upang lumaki kahit bahagya ang screen na kanyang tinututukan ay ipinagkikibit na lamang niya ng balikat. Hindi daw priority ito, kaya bibili na lamang siya kapag may ekstra siyang naipon dahil ang mahalaga ay ang pangangailangan ng kanyang anak, isa pang kapatid na nag-aaral, at amang nangangailangan ng mga gamot.

 

Hindi siya nawawalan ng lakas kahit halos magdamag kung tumutok siya sa cellphone sa paghintay ng papasok na order dahil kapag pinalampas ng kahit ilang minuto lang na hindi nasagot agad, ay lilipat na sa ibang online shopping site ang browser. At, ang sikreto daw niya sa pagkakaroon ng lakas ay ang tiwala sa Diyos na nasa likod lang niya.

 

Magandang halimbawa si Bevs sa mga nagsisikap kahit maraming kakulangan dahil kahit simpleng smart phone lang ang gamit ay kumikita, hindi tulad ng iba na nakikipag-text at tsismisan lang sa mga barkada, ang gusto ay mamahaling cellphone o i-Pad pa, at kung hindi mapagbigyan ay magtatampo sa mga magulang o di kaya ay lalayas, at kung asawa naman ay magdadabog na humahantong kung minsan sa pagpapabaya ng mga obligasyon bilang asawa at ina.

 

(For interested shoppers, please check Princessrobe O’shop and OBe Padua facebook pages.)

Bevs Padua