Pride and Mistakes

Pride and Mistakes

By Apolinario B Villalobos

 

Nobody is free from committing mistakes, be they petty or enormous.

 

Nobody shall ever learn how to improve his ways or do away with bad attitude unless there is an admission that a mistake has been committed, hence, the adage “learn from mistakes”.

 

While some are humble enough to admit their mistakes, the rest are overwhelmed by their pride… they just refuse to do it. The refusal is like a chain that holds them back from moving on.

 

The mistakes we made are among the steps we took towards our destiny. Refusing then, in admitting our mistakes would simply mean that we are stagnant. The arrogant cannot accept the fact that as a human being, he or she is not perfect.

 

Pride feeds on adoration of accumulated wealth, dizzying success, or plain appalling attitude. The arrogant filthy rich thinks, his money can buy anything, including power to hide mistakes. The success-intoxicated man thinks that he can do just anything better than anybody else, otherwise he could have not succeeded. And, there’s the simply conceited who sees himself as the only rightful- thinking creation of God, with the rest, wallowing in mistakes.

 

I think, the best thing to do, is evaluate what we have done and said at the end of each day as we live. It is important to know if we have done anything that could have displeased others, hence, displeased Him, too. That is the reason why He gave us brains….so that we can analyze.

 

 

Pride Closes the Mind

Pride Closes the Mind

By Apolinario Villalobos

 

 

Some people think that accepting the mistake they made is humiliating. They also think that people who give them advice are intruding into their intellectual domain. Worse, these same people who are buoyed by money and intoxicated by success think that they are above the rest of humanity…and, they just cannot imagine themselves looking back or looking down to where they came from. Blame pride, arrogance, conceit.

 

Self-esteem should be maintained despite material gains. But it should not be tainted with

pride. Moving on is part of life and those who gain by dint of hard work should compose themselves as successes are gained along the way. Studies show that one reason why some successful people refuse to look back or cut off their relationship with former colleagues is their fear that the latter would ask for a share of what they gained. These people not only refuse to look back but they also close their mind.

 

Those blinded with pride may not only move on, but up – climbing the ladder of society to find a new environment where they can move with ease, thanks to their new glittering trappings and money. Among newfound friends, they open themselves up. But since money is not everything in life and relationship with newfound friends is not deeply rooted, happiness is short-lived. As these people grow old they may realize that late parties, golfing with rich buddies, weekend jaunts to first class resorts, dinners in 5-star hotels, etc. have become boring. They start to long for childhood friends, relatives in barrios and slums. But they are ashamed to make a turnaround and trace back their steps to where they came from. And, since, they cannot bring along their wealth with them when they bid the world goodbye, their death could be lonely.

 

(I based this blog on the story of a couple who lives in an affluent village in Makati City, Philippines. Between the two, I could surmise that the wife should be blamed for their situation now. The wife is arrogant and obviously has the hand in all their affairs. Both of them came from Davao City where they also earned their bachelor’s degree from a prestigious Catholic educational institution in that city. They met in Manila while she was working as a secretary in a pharmaceutical firm and he was with a travel agency. After getting married, the wife resigned from her job and went into direct selling of beauty products which prospered. The husband also resigned from his job and joined his wife but expanded their line of products. They were blessed with 2 children. It was while they were enjoying the fruit of their hard work that they almost forgot about their families and friends back in Davao city. When at first, they were helping their respective family, later on they stopped, thinking that their families are milking them of their hard-earned money. Actually, the idea came from the wife who also said that those in Davao should also work hard like them (this bit of information was given to me by the husband, confidentially). In time, communication was cut off. Their two children are both in the United States now with their own families. With advancing age, he is 81 and she is 79, they are now full of regrets. I was referred to them by a friend as they want their “success”  story written down into a book. But I suggested to them that for their story to have a happy ending, they should swallow their pride and go back to Davao to mend the broken relationship with their families which they did. But whether they did it with sincerity or not, I can never tell.)

Pride and the Debacles of de Lima

Pride and the Debacles of de Lima

By Apolinario Villalobos

 

The hatred of Duterte against de Lima could be traced back to the time when he was yet the mayor of Davao City, while de Lima was the Head of the Commission on Human Rights (CHR). The animosity between the two was anchored on the issue of extra-judicial killing cases of drug personalities against Duterte. De Lima strappingly threatened to bring Duterte to court to which the latter dared the former with equal tenacity. The threat of de Lima just became more pronounced when she became the Secretary of Justice. All of these happened during the administration of Pnoy Aquino during which nothing came out of the threat of de Lima to bring Duterte to court.

 

Unfortunately for de Lima, the guy that she hates to the bone became President. And, although, she won the last seat of the Senate, it was overcast with many questions and doubts. Her winning was purportedly part of the design of the past administration to have a stalwart Liberal representative in the Senate, and there’s no better choice than de Lima who has an intense hatred against Duterte who has plans to run after the shenanigans under the past administration.

 

With arrogance and pride, de Lima continued to threaten the new President, and this time, she warned that she will be his obstacle in the Senate, virtually, his pain in the neck. As an ignorant neophyte in the Senate, she thought that she has the control of the House, and that the Congress is at her command.  She forgot that at the House, she belongs to the Minority, while at the Congress, there was a massive change of color from yellow to red, right on the first day of Duterte’s first day in Malacaἧan.

 

Duterte is right all the way when he said that if de Lima really deemed that he has violated human rights, she should have filed cases against him in court while she was still the Head of the CHR, and more especially, when she became the DOJ Secretary. But she did not, and instead, she kept on badmouthing him incessantly.

 

What de Lima could have done was gave Duterte a chance in eradicating the drug problem in the country. She could have offered her hand for cooperation and reconciliation for the sake of all Filipinos for whom all of them elected officials work. Obviously, her pride stood in the way. And, because of such pride, she is now in a quandary to prove that she did not benefit from the illegal drug transactions inside the Bilibid that overflowed on the streets and further involved even some government and Philippine National Police officials. Now, she has more problems that ballooned beyond her control, than she thought could be handled with a breeze during the good old days under Pnoy Aquino.

 

De Lima should have taken the handshake from Duterte during his proclamation as a cue for reconciliation, but she did not. Instead, the following day, she let out a barrage of threats. At the time, she was blind to the fact that she was going against a charismatic person who even claims that he won the presidency as part of his destiny. He may be accused of extra-judicial killings but nothing has been proven, yet. As a lawyer, de Lima’s eyes should be opened by this other fact, as under the justice system of any country, a person is innocent unless proven guilty in court.

 

De Lima was able to hurdle the first obstacle, that of immorality for living in with a married man by admitting, perhaps with a heavy heart, such fault. But what she could not undo are the tangles of other debacles in which her pride trapped her.

 

 

Ang Pag-unawa sa Ugali ng Tao

ANG PAG-UNAWA SA UGALI NG TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

UPANG HINDI MAGING 100% ANG GALIT SA ISANG TAO, ALALAHANIN DIN ANG MGA MAGAGANDANG BAGAY NA KANYANG GINAWA. HINDI LANG IISANG UGALI MAYROON ANG TAO…MARAMI AT NAGKAKAIBA – MABUTI AT MASAMA. PERO KUNG SA TINGIN AY TALAGANG UMIIRAL ANG KASAMAAN NG ISANG TAO, UNAWAIN NA LANG, AT IWASAN UPANG WALANG GULO NA BAKA HUMANTONG PA SA SAKITAN.

 

PATI SI HESUS AY NAGMURA DIN AYON SA BIBLIYA. MATINDI ANG KAPANGYARIHAN NG KANYANG PAGMUMURA DAHIL NALANTA ANG PUNO NG PRUTAS NA HINDI NAGKAROON NG BUNGA, PALATANDAANG HINDI NITO GINAMPANAN ANG KANYANG PAPEL SA MUNDO. DAHIL SA PAGKA-INUTIL NG PUNO AY NAGING BIKTIMA RIN SI HESUS NA GUTOM NANG PANAHONG YON. KUNG ANG PAGMUMURA SIGURO NI DUTERTE AY MAY MATINDI RING KAPANGYARIHAN TULAD NG KAY HESUS, BAKA ANG MGA DRUG LORDS AY NALUSAW NA!

 

ANG DEMONYO AY MAY PAKINABANG NA NAI-AMBAG SA LAYUNIN NG DIYOS DAHIL GINAMIT SIYA NITO UPANG SUBUKAN SI HESUS. DAPAT TANDAANG HINDI MALALAMAN KUNG MABUTI ANG GINAGAWA NG ISANG TAO KUNG WALANG MASAMANG PAGBABATAYAN. LAHAT NG BAGAY SA MUNDO AY DAPAT IBATAY SA IBA PA UPANG MALAMAN KUNG ANONG URI SIYA. HINDI MALALAMAN NG ISANG TAO, HALIMBAWA, NA SIYA AY MATANGKAD KUNG WALANG PANDAK! WALANG MASASABING MABANGO KUNG HINDI ALAM KUNG ANO ANG AMOY NG MABAHO!

 

AYON PA RIN SA BIBLIYA, KAHIT PINATAY NI CAIN SI ABEL AY HINDI SIYA TULUYANG ITINAKWIL NG DIYOS, BAGKUS AY NILAGYAN SIYA NG TATAK UPANG HINDI KUYUGIN NG IBANG TAONG MASASALUBONG NIYA NA NAKAALAM NG KANYANG GINAWA. GANOON DIN ANG GINAWA KAY ADAN AT EBA, PATI ANG ULUPONG NA PINALAYAS NA LANG SA HARDIN NG GETSEMANE, AYON SA ALAMAT TUNGKOL SA PARAISO NA NAKASAAD SA BIBLIYA. PALAGAY KO, KUNG TINULUYANG PATAYIN NG DIYOS ANG ULUPONG AT HINDI BASTA NA LANG PINALAYAS, BAKA ANG UGALING TRAIDOR NG TAO AY HINDI UMIIRAL NGAYON!

 

SA PANAHON NAMAN NGAYON, KAHIT ANG MGA NAGING ADIK AT PUSHER AY MINSAN DIN NAMAN SIGURONG NAGING MABAIT NA ANAK O ASAWA AT NAAKAY LANG NG MGA MASASAMANG KAIBIGAN O NAITULAK NG MASIDHING PANGANGAILANGAN. NAMATAY SILA DAHIL NANLABAN SA UMAARESTO O PINATAY MISMO NG DATI NILANG MGA AMONG POLICE NINJA AT IBA PANG DRUG PUSHER NA AYAW MAITURO…KAYA HUWAG ITURO SINA DUTERTE AT DE LA ROSA NA MAY PAKANA NG LAHAT.

 

FINALLY, HINDI HININGI NG BAWA’T TAO NA SIYA AY IPANGANAK SA MUNDO. DAHIL DIYAN, GANOON NA LANG SIGURO ANG  PAG-IYAK AT PAGPALAHAW NG BAGONG ISINILANG NA SANGGOL NANG MARAMDAMANG INILABAS SIYA SA MUNDO DAHIL NAAMOY NITO ANG MABANTOT NA MARUMING HANGIN, AT LALONG TUMINDI PA ANG KANYANG IYAK…PALUIN BA NAMAN SIYA GANOONG WALA NAMAN SIYANG KASALANAN AT KARARATING LANG NIYA SA MUNDONG MARUMI AT MAGULO!

Ngayon, Hindi na Yuyuko ang Pilipino

NGAYON, HINDI HINDI NA YUYUKO ANG PILIPINO

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay hitik sa mga kuwentong may kinalaman sa pananakop ng ibang lahi. Nagawa ito dahil ang bansa ay watak-watak…mga islang hindi buo. Nagtagumpay ang mga nagsulputang misyonaryo – Arabo at Kristiyano, kaya nahubog sa panibagong paniniwalang ispiritwal ang kaisipan ng mga ninuno nating pagano.

 

Sa simula pa lamang ay bukod-tanging pananampalatayang Islam ang niyakap ng mga taga-Mindanao na ang katawagan ay Moro. Hindi nagtagumpay ang mga prayleng Kastila na magupo ang mga Moro, na kabaligtaran naman sa Visayas at Luzon kung saan sila ay nagtagumpay. Ang tagumpay na ito ng mga Kastilang misyonaryo ang naging batayan upang palabasing nasakop ng Espanya ang Pilipinas, dahil malaking bahagi ng Mindanao ay hindi naman.

 

Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang mga katutubo ay tinawag na “Indio”, at ang mga tinuturing lamang na mga “Pilipino” ay mga Kastilang hinakot sa Maynila at pinatira sa Intramuros. Indio din ang tawag sa mga Mehikano na hinakot sa Pilipinas upang magtrabaho bilang mga utusan at sundalo. Ang mga taga-India namang hinakot din sa Maynila upang pandagdag sa dami ng mga sundalo ay tinawag na “Sepoy”. Ang nakatira sa labas ng Intramuros ay mga Tsino, mga Hapon, at mga katutubo. Sa panahong yon, yumuko ang mga tunay na Pilipino sa Kastila.

 

Kalaunan, ang mga mahihirap nga mga Pilipino at ilang mga mestiso Kastila ay nagkaisa upang labanan ang mga Kastila. Subalit magkaiba ang kanilang layunin. Ang gusto ng mga mayayamang mestiso ay magkaroon lang ng pagbabao upang matanggal ang mapang-abusong pamamalakad ng mga opisyal na itinalaga ng hari sa Maynila. Samantalang, ang mga mahihirap na pinangunahan ni Andres Bonifacio, ang gusto ay kabuuang kalayaan. Hindi sila nagtagumpay.

Nang pumalit ang mga Amerikano ay pinaglaban pa rin ng ilang Pilipino ang layuning makaangkin ng lubusang kalayaan sa pangunguna naman ni Aguinaldo…na hindi pa rin nagtagumpay.

 

Nang tuluyan namang bitiwan ng Amerika ang Pilipinas, kahit mga Pilipino na ang namahala, hindi pa rin nakawala ang Pilipino sa anino ng mga Amerikano. Naging tanyag ang tawag sa Pilipino na “Little brown brother”, at sa mga Amerikano naman ay, “Big Brother”. Mula sa panahon ni Manuel L. Quezon hanggang sa panahon ni Benigno Aquino III, ang imahe ng Pilipinong yumuyuko sa mga Amerikano ay hindi nawala.

 

Ngayon, sa pagsulpot ni Rodrigo Duterte bilang presidente ng Pilipinas, nagkaroon ng pagbabago dahil walang tapang niyang binabanggit na isa sa mga paiiralin niya ay ang pagtayo ng mga Pilipino sa sariling mga paa…. magkaroon ng sariling paninindigan at desisyon. Malaki ang epekto ng sinambit ni Duterte na “who is he” na ang tinutukoy ay si Obama. Sa headline ng isang diyaryo ay nakabandera ang sinabi din niyang, “I am no fan of the US”. Dahil siya ang presidente ng Pilipinas, animo ay kinakatawan na rin niya ang saloobin ng mga Pilipino.

 

Ngayon, taas-noo na nating masabing tuluyan na tayong nakawala sa tanikalang nag-uugnay sa atin sa mga Amerikano. Ito ay pagpapakitang kaya pala nating hindi yumuko sa Amerika!

 

Subali’t sa kabila ng bagong paninindigang nabanggit, hindi nangangahulugang galit ang mga Pilipino sa mga Amerikano, at kahit samahan ng dalawang bansa ay hindi basta mabubuwag dahil sa mga pinirmahang tratado o treaty o kasunduan. Pinagdiinan lang natin ang sariling prinsipyong nakaangkla sa lubos na kalayaan…kaya hindi na basta na lang masisita o mapagsasabihan ang presidente ng Pilipinas ng presidente ng Amerika pagdating sa paggawa ng desisyon.

 

Ang Salamin…

ANG SALAMIN…

Ni Apolinario Villalobos

 

 

HINDI NATIN NAKIKITA ANG ATING SARILI KAYA KAILANGAN NATIN ANG SALAMIN NA MAGPAPAKITA SA ATIN NG MGA DUMI NATIN SA MUKHA. ANG SALAMIN NA ITO AY ANG ATING KAPALIGIRAN KUNG SAAN AY MARAMI TAYONG MAKIKITANG MGA PANGYAYARI, MABUTI AT MASAMA NA MAAARI NATING NAGAWA. SALAMIN DIN ANG IBANG TAO NA NAGSASABI SA ATIN NG DIRETSAHAN O NAGPAPAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG KANILANG KILOS AT MGA PINO-POST SA FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL MEDIA KUNG ANO ANG ATING MGA PAGKAKAMALING DAPAT BAGUHIN.

 

KAYA, HUWAG MAGALIT KUNG TAYO AY NATUMBOK….SA HALIP AY MAGPASALAMAT PA NGA DAHIL SINABIHAN NILA TAYONG “MAY DUMI TAYO SA MUKHA”.

 

MAY PROBLEMA ANG IBA NA ANG TINGIN NILA SA SARILI NILA AY PERPEKTO KAYA HINDI SILA MAAARING MAGKAMALI. DAHIL DIYAN, FEELING NILA HINDI SILA DAPAT “PAGSABIHAN” NG DIRETSAHAN O SA PAMAMAGITAN NG MGA PAHIWATIG….SILA ANG MGA TAONG MAY MATAAS NA PRIDE!

 

MAS NAKAKABILIB ANG TAONG UMAAMIN NG MGA NAGAWA NIYANG  PAGKAKAMALI AT KUNG ANO  ANG KANYANG MGA KAHINAAN AT HINDI KAYANG GAWIN KAYA MAPAGPAKUMBABA NIYANG PINAPAUBAYA NIYA ITO SA IBA…PAGPAPAKITA NA HINDI SIYA SUWAPANG.

 

ANG GANITONG PAALALA NA PALAGING BINABANGGIT SA MGA SEMINAR AT NG MGA MATATANDA AY PALAGING NAKAKALIMUTAN NG MARAMI…KAYA PALAGING MAY PROBLEMA ANG ATING BANSA.

 

SA PUNTONG YAN DAPAT SUMENTRO ANG PAGBABAGO NG MGA PILIPINO PARA SA IKABUBUTI NG ATING BANSA!

 

Ang Credit Card Bilang Status Symbol ng Ilang Pilipino

Ang Credit Card Bilang Status Symbol ng Ilang Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang paggamit ng credit card na kung tawagin ng iba ay “plastic money” ay dapat inaangkop o binabagay ng isang tao na gustong gumamit nito sa kanyang pinansiyal na kalagayan sa buhay. Unang-una, ang interest na pinapataw tuwing ito ay gamitin ay talagang matindi lalo pa kung naiipon ng kung ilang buwan. Sa biglang tingin, maliit ang binabayaran kapag gumamit nito sa pamimili dahil maaaring hatiin sa kung ilang hulugan ang pagbayad. Subalit ang hindi napapansin ay ang pagpatung-patong ng mga natirang babayaran pa na may kaakibat na compounding interest, at hindi napapansin ng gumagamit. Magtataka na lamang ang gumagamit nito kapag napansin niyang lalong lumala ang problema niya sa pera at may nakaamba pang demanda dahil sa hindi pagbayad sa lomobong utang sa credit card company.

 

Tanggap ang katotohanang nagpapalakas ng loob ang credit sa mga taong bumili ng kahit hindi nila kailangan, lalo pa at nasa loob na sila ng mall. Ang isa pa, nakakahiyang bumili gamit ang credit card, sa maliit na halaga, kaya kailangan ay lakihan na upang hindi pandilatan ng dispatsadora kung ang binili ay halagang wala pang Php100.00.

 

Ang credit card ay sumisira sa kasabihan ng mga Pilipino tungkol sa “pamamaluktot kung maigsi ang kumot”. Ang kasabihang yan ay angkop lamang sa mga may hawak na cash, kaya kung ano lang ang kaya ng pera nila ay hanggang doon na lang sila. Kung ang kaya ng cash halimbawa na dapat bibillhing pagkain ay halagang Php500 lang, hanggang doon na lang talaga. Pero, iba kapag ang hawak ay credit card dahil karaniwang maximum limit of purchase nito ay hindi bababa sa Php20,000. Yong may  kakayanan namang magbayad ng malaki batay sa suweldo nila at kinalalagyan sa lipunan, ay unlimited.

 

Ang mga Pilipino na ang asawa ay nasa abroad o di kaya ay seafarer at malalaki pa ang suweldo ay may karapatan sa paggamit ng credit card dahil may inaasahan silang regular na malalaking remittance. Ang hirap lang sa ibang Pilipino kasi,  kahit ang suweldo ay lampas lang ng kaunti sa Php10,000 ay nagkakalakas na ng loob sa pagkuha nito….at, hindi lang isa, kundi dalawa pa, lalo pa at pwedeng gamitin ang card sa pag-withdraw ng cash sa ATM. Ang ginagawa kasi nila ay ang style sa pagbayad na “pasa-pasa”. Ibig sabihin, magwi-withdraw sila ng cash gamit ang isang card upang pambayad sa bill ng isa, at ganoon din ang gagawin sa isa, upang may pambayad sa isa pang card. Nasabi ko ito dahil marami na akong taong nakausap na ganito ang ginagawa. Kapag umabot na sa puntong hindi na talaga kayang magbayad ay magre-resign sa trabaho, magpapagawa ng ibang ID sa Recto gamit ang ibang pangalan, at magtatago….at pagkalipas ng ilang buwan o taon ay saka lilitaw at hahanap ng trabahong hindi nagri-require ng masinsinang background check, kaya nagagamit nila ang pekeng ID.

 

Kaya hindi nati-trace ang ibang abusadong credit card holders ay dahil nangungupahan lang sila sa mga squatter’s area. Yong iba naman ay nagbo-board and lodging o di kaya ay bedspacer sa mga liblib na address. Kawawa ang mga guarantor nila na sumasalo sa mga bayarin. Yong ibang guarantor naman kasi ay nasisilaw sa kikitaing “referral commission”, kaya dahil sa katakawan sa kakarampot na kita ay lumaki pa ang problema nila, at may banta pang demanda.

Ang isang nakakatawang ugali ng ibang Pilipino ay ang pag-ipon nila ng mga expired na credit card at dinidispley sa kanilang pitaka, lalo na yong mahaba na may maraming slots para sa mga ito. Pagbukas nga naman nila ng pitaka sa harap ng mga kaibigan ay kita agad ang mga plastic cards. Yong hindi nakakaalam sa tunay na pagkatao ng nagyayabang lalo pa kung maporma ay talagang maniniwala, kahit sa tunay na buhay ang mayabang ay maliit ang suweldo at halos walang pamasahe na magamit sa pagpasok. Alam ko yan, dahil sa trabaho ko noon, marami silang naging kasama ko – mga clerk at yong isa ay messenger/janitor….may mga credit card pero pinagpapalit-palit ang Lunes, Miyerkules at Biyernes na pinapalyahan o hindi pinapasukan dahil walang pamasahe! At, yong mga umutang sa akin na nagkaroon ng amnesia dahil nauntog yata, ay pinasa-Diyos ko na lang…

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte

ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

ni Apolinario Villalobos

 

Ang namumukod-tanging katangian ng pulitika sa Pilipinas ay pagiging marumi nito. Ang mga kandidato ay nagbabatuhan ng mga putik. Kaya may kasabihan sa Pilipinas na kung ayaw mong mabisto ang katauhan mo ay huwag kang pumasok sa pulitika. Ang dahilan noong-noon pa ng mga pulitiko, na “pagtulong sa kapwa” ang dahilan ng pagpasok nila sa pulitika ay pinagtatawanan na ngayon. Sinasabi pa ng iba na ang pulitika ay isa sa mga larangan kung saan ay yayaman ang isang tao – na unfair naman sa mga talagang walang intensiyong mangurakot….ng malaki. Tanggap naman ang 10% na komisyon na ang tawag noon pa man ay “for the boys”, na ayaw pa ngang tanggapin ng iba dahil nakakahiya sa sinumpaan nilang tungkulin. Ang masama lang kasi sa ibang nanalo at nakaupo na sa puwesto, hindi lang 70% ang gustong kurakutin, kundi 100% dahil ang project ay hanggang papel lang!

 

Hindi sana umabot sa hamunan ang dalawang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa kung hindi sana pinakialaman ni Roxas ang nananahimik na Davao City. Alam naman niyang alagang-alaga ito ni Duterte pati na ng mga Davaweἧo, pati ng mga taong nakatira sa mga bayang nakapaligid dito. Kung papansinin, nagpakumbaba pa nga si Duterte nang punahin ang pagmumura niya at tinanggap pa ang “lecture” ng Obispo sa Davao City. Ito ay pakita lang na okey sa kanyang punahin ang mga personal niyang pagkakamali sa mata ng mga moralista, pero ang kantihin ang inaalagaan niyang katahimikan sa Davao na kung ilang taon din niyang nilinis at pinatahimik ay maituturing na “below the belt”.

 

Nang gantihan naman ni Duterte si Roxas tungkol sa nakakadudang pag-graduate niya sa hindi naman gaanong kilalang eskwelahan sa Amerika, pumalag din siya. Ngayon ay nagsisisi siya dahil pati ang kredibilidad niya sa larangan ng edukasyon na isa sa mga pinagmamalaki niya ay nalagay sa balag ng alanganin. Dahil sa panggagalaiti niya, marami tuloy ay nagsasabing baka nga totoong hanggang kodakan lang ang pag-graduate niya  sa Amerika.

 

Ang daming maaaring ipaliwanag ni Roxas sa mga tao upang magkaroon ng linaw ang mga isyu na may kinalaman din sa sinasandalan niyang presidente ng Pilipinas…bakit hindi na lang niya dito ituon ang kanyang effort sa pangangampanya? Bakit kailangang siraan pa niya si Duterte na nananahimik na nga? Mag-concentrate na lang sana siya sa “tuwid na daan” na pinangako niyang ipagpapatuloy, para marami pang mahatak kung sakali. Huwag na niyang pakialaman si Duterte na ang kapalaran ay nasa kamay ng COMELEC. Sa ginagawa niya, halatang ninenerbiyos siya dahil malakas ang hatak pareho ni Duterte at Poe. Mukhang pumalpak na naman ang campaign machinery na tumutulak kay Roxas.

 

Sa interbyu kay Duterte sa isang radio station sa Manila tungkol sa kanyang pagkandidato, nakiusap siya sa mga sumusuporta sa kanya na maging mahinahon at itigil na ang pagbabanta ng “rebolusyon” kung siya ay ma-disqualify. Bukambibig niya ang pagtanggap ng disqualification  kung ito ang desisyon ng COMELEC, kaya sinabi pa niya na kung maaari ay ituon din ng mga sumusuporta sa kanya ang atensiyon nila sa ibang mga kandidato, upang makapili sila ng karapat-dapat kung sakali ngang siya ay ma-disqualify. Pinapakita ni Duterte na hindi siya sakim, dahil ang gusto lamang niya ay maging realistic ang mga supporter niya batay sa mga umiiral na sitwasyon. Sa isang banda, malinaw pa rin ang pahayag niya na hindi siya umuurong sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.

 

Nang Dahil sa Sobrang Privacy at Kayabangan…(mga kuwentong kapupulutan ng leksiyon)

Nang Dahil sa Sobrang Privacy at Kayabangan…

(mga kuwentong kapupulutan ng leksiyon)

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahalaga sa buhay ng tao ang pakikipagkapwa at ang pagiging simple lang sa buhay. Pwedeng ipagmalaki ang mga biyayang natamo dahil pinaghirapan pero hindi dapat ipagyabang. Ang pagmamalaki ay hindi masyadong mabigat ang dating hindi tulad ng pagyayabang kahit halos pareho lang ang ibig sabihin ng dalawang kataga.

 

Nagpapakita ng sobrang privacy ang iba kung ayaw nilang lapitan sila ng mga nagso-solicit, o ng mga namumulot ng basurang makikiinom na kumakatok sa gate, o di kaya ay mismong mga kapitbahay na feeling nila ay “poor” at hihingi lang ng walang katapusang tulong . Halos hindi din sila nakikita sa labas ng bahay, dahil wala silang pakialam sa mga kapitbahay, na okey sana kahit papaano, subalit kung haluan ng pagmamataas dahil sila ay nakakaangat sa buhay daw…iba na ang usapan. Ang isang paraan sa pagpapahiwatig na ayaw nilang maistorbo dahil hindi naman daw sila nakikialam sa iba, ay ang pagpapalakas nila ng tugtog. Kung magpa-party naman, ang mga imbitado ay mga taga-ibang lugar, puro may kotse kaya ang kahabaan ng kalye sa tapat nila ay umaapaw sa mga ito. Alam ko ito dahil kuwento ito ng isa kong kaibigan na ganito ang ugali, na nagkaroon ng mga kaibigang nakilala lang niya sa mga party kaya hindi niya gaanong alam ang mga pagkatao.

 

Ang kaibigan kong ito ay kumakagat sa mga business proposal na inaalok  sa kanya ng mga taong tingin niya ay mayaman naman. Hindi pumasok sa isip niyang siya ay ginagamit lang. At upang ipakita na kahanay siya ng mga ito sa “mataas na lipunan”, kahit walang alam sa golf ay bumili ng mga gamit upang makasabit sa paggo-golf ng mga ito. Puro naman siya sablay sa palo, kaya kadalasan ay nakaka-tatlong kape siya habang nanonood na lang. Paanong hindi sasablay ay mataas lang siya ng one foot sa mga golf clubs! Siya din ang nagkukuwento ng mga “adventure” daw niya pati ang pagsasama niya sa mga casino, sabay tawa.  Pagkatapos ng golf ay naghahatid pa siya sa dalawang kaibigang tamad magmaneho ng kotse nila, pero ang gamit naman ay kotse niya.  Hinihiraman din siya ng mga gamit na kailangan daw sa opisina. Upang ipakitang kaya niyang gumastos, bumibili pa siya ng ibang mga kailangang gamit.

 

Sa kasamaang palad, bago niya namalayan ay nalusaw na pala ang kanyang mga investment, laspag ang kotse at ang mga gamit na pinahiram para sa opisina ay hindi na naibalik. Naka-apat siya ng “business ventures” na inalok ng mga ka-golf niya, na puro nauwi sa wala. Nang mag-usap kami minsan nalaman ko na ang gusto lang sana niyang mangyari ay “makita” ng ibang tao na siya ay isang “businessman” tulad ng dalawa niyang kapitbahay na may mga puwesto sa mall…kaya ang inipong pera para sa retirement nilang mag-asawa ay halos nasaid. Ngayon ang bahay nila ay nakasangla, may sakit pa silang mag-asawa sa puso dahil sa nervous breakdown. Ang mga dating ka-sosyo at ka-golf ay halos hindi na pumapansin sa kanya. Pinaliwanagan naman daw siya, pero ang sabi ay, “…ganoon talaga sa negosyo, minsan ay sinusuwerte pero kadalasan ay bumabagsak”.  Ang kaibigan ko ay dating manager ng isang multi-national company sa Saudi….na ang kuwento ng buhay ay “from rags to riches”….na kadalasan namang nagreresulta sa pagiging social climber.

 

Yon namang isa kong kilala ay mahilig magpakita ng mga biyaya, ibig sabihin ay mayabang. Setyembre pa lang ay nagtodo na sa paglagay ng mga Christmas lights sa loob at labas ng bahay na dati na niyang ginagawa.  Kahit masikip na ang bahay, ay may Christmas tree pa rin na umabot ang taas sa kisame. Nang pumunta ako sa kanila sa Pasay isang gabi ng Oktubre, nakita kong halos naglalagablab na ang bahay nila sa dami ng Christmas bulbs. Nagpayo uli ako na baka masunog sila. Ang sagot sa akin ay hayaan na lang dahil mura lang naman daw ang pagkabili ng mga Christmas bulbs at mabuti nga dahil napapansin agad ang bahay nila.

 

Makalipas ang dalawang linggo, nang pasyalan ko uli, nagulat ako dahil mahigit kalahati ng bahay nila ay naging uling. Ang kaibigan ko naman at pamilya niya ay nakikitira na lang ngayon sa isang pinsan na binabayaran niya ng tatlong libong piso isang buwan para sa isang entresuwelo o extension ng bahay – sa isang slum area malapit sa kanila.

 

Yong isa pang kuwento ng kayabangan at sobrang privacy ay tungkol naman sa isang pamilya na feeling mayaman na, kahit hindi pa naman. Malakas magpatugtog kaya hanggang sa ikaapat na bahay mula sa kanila ay abot ang ingay na animo ay galing sa isang videoke unit. Gusto yatang ipabatid na palaging may party sa kanila. Hindi rin sila nakikisama sa mga kapitbahay.

 

Isang araw ay pinasok sila ng mga magnanakaw. Ang nakita ng isang kapitabahay ay nakaparadang mamahaling kotse at van sa labas nila at naririnig pa rin ang malakas na tugtog. Sunod na nakita naman ay tatlong lalaki na disente ang mga ayos at mukha na lumabas ng bahay at may mga bitbit na gamit.  Hindi sila pinansin ng mga kapitbahay, kahit nakailang beses sila ng hakot ng iba’t ibang gamit sa van. Bandang huli, nakita silang lumabas ng pinto na halos pasigaw pang “nagpaalam” sa kung sino man sa loob ng bahay.

 

Nalaman na lang mga kapitbahay na may nangyari palang nakawan nang dumating ang nanay ng kasambahay ng may–ari ng tinutukoy kong bahay. Pabalik-balik na pala ito at inabot na ng hapon sa katatawag sa gate pero hindi pinagbubuksan. Dahil nag-alalang baka ikinulong ng mga amo ang anak niya, tulad ng mga kuwentong napapanood sa TV, humingi ito ng tulong sa Barangay. Ang ginawa ng isang Barangay tanod ay umakyat sa pader na lampas-tao at sumilip sa bintana, pero nagulat siya dahil hindi nakakandado ang pinto nang subukan niya itong buksan. Nang pumasok siya, naghinala siya na pinagnakawan ang bahay dahil halata ang mga pinagtanggalan ng mga appliances, may mga kawad pa kasing naiwan. Ang mga miyembro naman ng pamilya na nakagapos at may mga tape sa bibig ay pinagsisiksikan na parang sardinas sa banyo. Ang anak na dalagita ay nakita sa isang kwarto at nalamang na-rape pala! Ang hinala ng mga taga-barangay ay pinalitan ng mga magnanakaw ang kandado ng gate upang hindi mabuksan ng sasaklolo kaya nai-lock nila ito nang sila ay umalis.

 

Ang hirap lang sa iba nating kapwa nilalang ng Diyos, nang magkaroon ng pera ay “feeling secured” na kaya para sa kanila ay hindi na nila kailangan ang tulong ng ibang tao. Ang dasal ko….sana ay magbago sila ngayong pasko….Amen?

Embarrassing Prides of Manila – Roxas Boulevard and Macapagal Avenue

Embarrassing Prides of Manila –

Roxas Boulevard and Macapagal Avenue

By Apolinario Villalobos

Roxas Boulevard is considered as one of the main arteries of Metro Manila. Along this strip of avenue, flow traffics to the airport, southern destinations, Rizal Park, Makati business district, and city proper of Manila. Unfortunately, the boulevard is being used for special events, hence, closed for as long as half day, posing a problem to motorists. Traffics get snarled along secondary streets where the motorists are redirected. The length of the boulevard is shared by Manila City, Pasay City and Paraῆaque City. None of them ever thought of sitting down to discuss options on how to solve the problem, one of which is using the reclaimed area now being developed into an “Entertainment City”. Its streets are more than enough to accommodate running events, as they are wide without any impediment, especially on Sundays. Meanwhile, for as long as this problem is not solved by the “three heads”, the historic strip shall remain an embarrassment to the government.

Then, there’s the Macapagal Avenue, right in front of the Dream City, with its giant potholes. For several months now, the road made useless by these traffic obstacles, have not been touched by the Philippine Reclamation Authority (PRA), headed by its General Manager, Peter Anthony Abaya, who is incidentally, brother of Department of Transportation and Communication (DOTC), Jun Abaya. President Aquino always refers to the whole area where a forest of modern structures has sprung up, as the next “Entertainment City of Asia”. But, even with the simple retouch to a short length of road not applied, will it happen?…or remain just to be a dream.