ELEONOR DEMANDANTE…masigasig na biyuda sa pagtaguyod ng 7 anak

ELEONOR DEMANDANTE-DIAZ…masigasig na biyuda

sa pagtaguyod ng 7 anak

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang mabiyuda si Eleonor ay naiwan sa kanyang pagtaguyod ang 7 niyang anak subalit hindi siya pinanghinaan ng loob dahil ayon sa kanya ay binibigyan siya ng lakas ng kanyang gabay na si “Seῆor Santo Niῆo. Noong buhay pa ang asawa niyang si Dione, ang pinagkikitaan nito ay pagkakargador (magkaibigan sila ni Totong na tatay ni Mailyn Akoy) kay Swana at sa Fit Mart. Nagsimulang magtinda si Eleonor ng buko juice at banana cue sa lilim ng isang puno ng mahogany sa terminal ng mga sasakyang nagbibiyahe sa Buluan, sa pag-asang makakatulong siya sa kanyang asawa. Pumuputok pa lang daw ang araw sa silangan ay naghahanap naman daw ng mabibiling murang buko ang panganay nilang anak.

 

Ang isa namang anak na nasa elementary pa lang noon ay hindi alam ni Eleonor na nagpo-porter daw sa palengke. Naawa kasi siya sa magulang nila na halos wala nang pahinga sa pagkayod upang mapakain silang magkakapatid at mapag-aral sa kolehiyo ang nakakatanda niyang mga kapatid.

 

Nang pumanaw ang padre de pamilyang si Dione ay lalo pang pinaigting ng magkakapatid ang pagtulong sa kanilang nanay. Ang mga nag-aaral ay dumidiretso sa puwesto nila ng banana cue upang tumulong hanggang hapon. Hindi rin sila nakatikim ng perang baon para sa miryenda o pananghalian….ang binabaon nila ang ilang pirasong piniritong saging at umiinom na lang mula sa gripo.

 

Sa kasalukuyan ay may nakatapos na sa magkakapatid at ang mga nag-aaral pa ay tumutulong pa rin sa pagluto at pagtinda ng banana cue. Ayaw nang pagtrabahuhin ng magkakapatid ang kanilang nanay sa puwesto dahil sa marami na itong nararamdamang hindi maganda na malamang ay sanhi ng init na galing sa lutuan. Madalas na rin daw kasi itong hingalin.

 

Sa maghapon ay nakakaubos ang magkakapatid ng hanggang 4 na buwig ng saging dahil sa dami ng mga suki nila. Talagang tinotodo ng magkakapatid ang pagkayod dahil nangangailangan na rin ng mga gamot ang kanilang nanay.

 

Ang magkakapatid na nagmamahal ng matindi sa kanilang nanay ay sina, JORGE, JO-EN, JAKE, DIANE, DIONE JR., JOEL, at DANIEL

 

 

Advertisements

Magical, Mysterious Minalungao

Color My World (charly's blog)

We started this year’s Suggestions for Summer with a quick trip to historic Corregidor (pls read: Remembering Corregidor). We followed that up with a trip to far-away Can-Umantad Falls in Candijay, Bohol (Our Quiet Candijay Quickie) For this year’s Summer Suggestions, I’ll strive to bring you to places that are far from the beaten road. We’ll veer away from the usual, the known, the more expensive sites. We’ll explore frontier areas, the lesser known ones, for us to appreciate the Philippines better.

So today, we continue with the third of our summer offerings with a trip to Minalungao National Park, a relatively unknown destination which has the potential to be a top tourist haven in the future, if only the local folks learn how to properly plan out the Park’s many wondrous activities. So here goes…

East of Gapan, Nueva Ecija, about a 3-hour ride from Manila…

View original post 896 more words

APO….(alay sa Mt. Apo) ni Oscar Mondia

APO….

(Alay sa Mt. Apo)

 

ni Jose Oscar S. Mondia

 

Mahal na Apo, muli ako’y narito upang masilayan

walang kupas mong kagandahan

Ano ba talaga ang meron sa iyo

at maraming nahuhumaling,

pati na mga dayo.

 

Aking sinuyod napakahabang ilog,

masukal na gubat akin ng sinugod,

walang humpay na akyatan

“kalbaryo” ang tawag ng ilan

Marating at makita ka lamang

t’yak pagod ay maiibsan.

 

Mahal na Apo wala kang kasingtulad

kayat pangalagaan natin at di itulad… sa iba,

gubat ay malinis na.

 

Mag-isip kapatid bago ang lahat ay huli na.

Paraiso kang tunay para sa akin,

angking kagandaha’y parang langit na rin.

Kulay luntian ang lahat ng kapaligiran,

iba’t- ibang uri ng halaman

mula kay inang kalikasan.

 

Malawak na damuhan sa gitna ay lawa,

paraisong hardin tanging si Bathala ang may gawa,

mala- yelong hangin iyong malalanghap,

purihin ang Panginoon walang kasing sarap.

 

Pinagmamasdan ka habang nakahiga sa “venado”,

tila natutulog na dyosang nasa harap ko,

mahal na Apo wala kang kasintulad,

napamahal ka na sa akin at mga lumad!

Ang Mga Tsinelas ni JONATHAN PADRONES

ANG MGA TSINELAS NI JONATHAN
ni Apolinario Villalobos

Una akong bumilib kay Jonathan Padrones nang makita ko siya sa kanyang lypsinch act at lalong bumilib pa nang malaman kong marami siyang mga advocacies sa abot ng kanyang makakaya, at ang pinaka-popular ay ang pamimigay ng tsinelas sa mga kinakapos na mga kabataan.

Siguro ang nasa isip niya ay upang hindi masaktan ang talampakan ng mga batang nagsusumikap sa buhay habang tinatahak ang mabatong landasin patungo sa kanilang pangarap….HINDI TULAD NIYA NONG KABATAAN NIYA NA SA KAGUSTUHANG MAKATULONG SA MGA MAHAL SA BUHAY AY MATINDING HIRAP ANG DINANAS SA PAGTAHAK SA LANDAS NA NABANGGIT UPANG MATUPAD ANG KANYANG PANGARAP.

Mula sa Pagko-konduktor, naging Konsehal – COUNCILOR MUNDO M. AYOB

MULA SA PAGKO-KONDUKTOR, NAGING KONSEHAL

…Datu Paglas Municipal Councilor, MUNDO M. AYOB

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakabilib na malamang ang soft-spoken at palangiti na nakita kong kumakain kasama ang pamilya sa isang pastilan ay isa palang Konsehal ng bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao. Ang una kong napansin ay ang anak nilang simpleng kumain ng pastil na walang ulam. Sumunod na kumain silang mag-asawa na ang inulam lang ay tortang talong at nilagang itlong. Nalaman ko na lang na konsehal pala ang nakasuot ng kopya na nagpahiwatig na nakarating siya sa Mecca ng sabihin sa akin ng hipag pala niyang may-ari ng pastilan.

 

Lalo akong nagulat nang pagkatiwalaan niya ako ng kuwento ng kanyang buhay na nakaka-inspire. Ayon sa kanyang hipag ay hindi tinapos ni Konsehal Mundo ang kanyang high school dahil nagtrabaho siya bilang konduktor ng mga pampasaherong sasakyang may biyaheng Tacurong-Kabacan. Ang dahilan ng kanyang pagtigil sa pag-aaral at pagkonduktor ay ang dalawang nakababatang kapatid na babae na tinulungan niyang makatapos sa pag-aaral. Bukod sa pagko-konduktor ay nagtanim din siya ng palay sa kalahating ektarya nilang bukid.. Ikinuwento niyang iisa ang ginagamit niyang t-shirt sa pagko-konduktor. Pag-uwi niya sa gabi ay nilalabhan agad niya para maisuot sa umaga kahit medyo basa pa. Dahil sa kanyang pagsisikap ay nakatapos ang kanyang mga kapatid at ngayon ay maganda na ang mga kalagayan sa buhay.

 

Ang asawa ni konsehal Mundo ay si Noria na hindi rin nakapagtapos sa pag-aaral pero bihasa o magaling sa Arabic. Sa kabila niyan, dahil sa pagsisikap ay umasenso sa pag-negosyo. Nagtutulungan silang mag-asawa sa pagpalago ng kanilang mga negosyong dalawang bakery at isang grocery. Pinagmamalaki din ni konsehal Mundo na ang kanilang panadero ay isang Ilonggo na galing pa sa Zamboanga. Ang bunsong anak na si Zam ay tinuturin naman nilang “hajj baby” dahil nabuo siya noong panahong sila ay nag-pilgrimage sa Mecca.

 

Binanggit ni konsehal na nang ikasal ang kanyang anak na babaeng si Surayna sa The Farm, isang high-end na restaurant sa Koronadal ay nai-feature ang okasyon ni Jessica Soho sa kanyang programa sa TV.

 

Inimbita niya akong pumasyal sa kanila sa Datu Paglas nang malaman niyang interesado akong i-blog ang bayan ang mga karatig na mga barangay nito. Siguradong pupunta ako sa kanila dahil nasimulan ko na rin ang pagsulat tungkol sa Buluan na madadaanan papunta sa kanila.

 

OUR FAMILY AND STORY OF STRUGGLE IN LIFE

OUR FAMILY AND STORY OF STRUGGLE IN LIFE

By Apolinario Villalobos

 

Our family is big. Our parents raised our family at an early age. I was told our father was about 18 and our mother was 17 when they settled down. Had not two of our siblings die, we would be 11. When our parents arrived in Mindanao, they first settled in Basilan and later in Tacurong when they joined our uncle, Serafin Bernardo. Our mother was the only girl in the Bernardo brood, elder to their youngest, tatay Peping who was the father of manong Boy (Serafin Bernardo III).

 

Upon settling in Tacurong, our parents ventured into a small business – selling dried fish that they purchased in Iloilo. The hardship was not felt by us for our discipline was such that they made us understand that our struggle to survive was part of a normal life. We did not grow up celebrating birthdays or any special occasion. We went to school without “baon”.

 

I was about 4 years old when our youngest, Oca, who was barely 3 months old, then. I helped in taking care of him so that when he was gone, I had the time to help our parents by selling the old stock of dried fish that we called “reject”, after washing them. At that age, I already knew how to cook rice as I was assigned to bring it to the market for lunch of our parents. I stopped doing it at 5 years of age when I was made to go to school with my elder brother, Tito. As a pupil, I was called “visitor”. During the time, I had collected old newspapers that were used as “lining” of boxes used in packing dried fish. That was how I was able to develop my love for letters and pictures. From the old pages of newspapers that reeked with the smell of dried fish, I discovered the cartoon character, LI’L ABNER and many others.  The first word that I learned to spell was PURICO a brand of lard that I was made to buy from stores at a young age of 4. I would fill our yard with the word that I would write on the ground using a stick.

 

My elder sister Maria Erlinda was among the first students of the Notre Dame Girls Department when it was separated from the Boys Department. My elder brothers were Notre Dameans up to high school as there was no college yet in the town during the time…except Florencio or Tito who finished his college much later in NDTC.  During the time, affluent families sent their children to colleges in Marbel (Koronadal), Cotabato City, Davao City and Iloilo City for their college education.

 

My elder brother, Floriano finished his BS Commerce in Accountancy in Jose Rizal College in Mandaluyong while working at the Mercury Drug at the same time. My elder sister Maria, finished her college education in Cotabato City. Only I and Tito finished our college at the Notre Dame of Tacurong College. In my case, our batch was the last of the graduates as afterwards, the college department of the said school was closed.

 

Our parents were barely 40 years old when they died, with our father passing away first, followed by our mother in less than a year. I was in Grade 6 when our father died and halfway through my First Year in high school when our mother passed away. My elder brother Tito finished his college as a “working student” – library assistant at NDTC. I was also a “working student” when I entered college in the same school, up to my third year because on my fourth year I was employed by the Department of Social Welfare when Claudio Estante opened a branch of the Region 11 based in Davao City.

 

In high school, to help me through my studies, I lived with a relative for less than year, a year in Davao with an elder brother’s family during which I studied at Holy Cross of Agdao for my Second Year in high school. The rest of my high school days were spent in Tacurong during which I worked at Panay Vinegar while studying at the Notre Dame Boys Department. I washed bottles and delivered stocks to the stores in the market as an all-around employee. I recalled spending long hours at night pasting brand sticker to bottles when we were flooded with orders from neighboring towns.

 

Our youngest sister finished her Nursing degree in Davao and fortunately did not standby for jobs as she was able to land a job in Saudi Arabia for a year after a short stint of teaching in her Alma Mater, then went to America for a better opportunity. I did not attend my college graduation at NDTC, as instead, I attended the pre-employment training in Manila to prepare me for my employment at Philippine Airlines where I spent 20 years.

 

As additional information about our journey, our eldest Leonardo worked in a company as a “pay master” despite his having finished first year college. Next to him, Leopoldo finished Law and had a stint as Chief of the COMELEC in Davao City and Tagum. An elder siter, Daisy who used to model for the Grimaldo Fashion School died at a young age in Manila, another elder sister, Maria Erlinda was a teacher and has also passed away, next to her, Floriano has retired from his job at Mercury Drugs in Manila as branch Supervisor, then Tito or Florencio who journeyed from a teaching job in Notre Dame of Lebak during the time of Fr. Silvestre, to a job in the HR department of Alcantara and Sons in Davao City, then as researcher for the Southern Philippines Development Authority (SPDA), then as a Recruitment Officer of the United Laboratory, and finally as Manager of the Training Division of the United Coconut Planters Bank, has also passed away. Our youngest, Felanie is a nurse and lives in America while an elder sister, a deaf/mute is still alive and is the center of our attention.

 

I could say that our parents succeeded in rearing us by instilling in our person the kind of discipline that made us survive our journey in life.

Paghinumdum Sang Ako Bata Pa Sadto (Hiligaynon dialect of the Visayans in the Philippines)

Paghinumdum Sang Ako Bata Pa Sadto
ni Maria Cristina A. Villaralvo

 

Sang una pa nga panahon sa akon pagpanumdom, ang akon lang nga handum amo ang manamit nga pagkaon.
Sa kabudlay sang kabuhi sa kaumahan kun diin ako nagdaku kag nagkabuhi, ang dahon dahon sa palibot lagaun lang kag imimi sa kamatis nga may asin kag may kan on nga manami, sampat gid sulbad na ang hiribati sang maubusan nga gahinibi.
Kay kulang ang isa ka baso nga tinig ang sa anom ka kabataan, si nanay hinali nga nagtak ang sang iya nga tinig ang.
Tapos tig ab kag panghugas pinggan, kami tanan nagdinalagan kay si tatay nag abot dun halin sa kaumahan may dala nga turagsoy kag puyo baw kanamit lapwahan.
Mangahoy kami sa kawayanan kag manag ub anay bago maghampang, pag abot sang kahapunanon bago ang bulan magsubang kami tanan sa altar mag atubang ang orasyon paga umpisahan.
Ang kasimple sang amuni nga pangabuhi ang indi ko gid ikambyo sa bulawan nga masiri. Ang kalipay nga akon naambit bisan sa kabudlay sang pangabuhi, basta si tatay, si nanay pirmi ara kun ako nagahibi indi ko gid itandi sa mga mangad nga brilyante akun sa bulawan nga masiri.
Sa pagtapak ko sa bag o nga pinanid sang istorya sang akon kabuhi, pangamuyo ko lang nga ang pamilya nga sa akon ginhatag sang hamili, mapangapinan ko sa mga hitabu nga hinali, kag matipon ko sa isa ka bubong asta ang mga magburugto makakita sang ila pinili man nga pangabuhi.

17883725_1400154946720903_8510260225325676023_n