Masarap Sana, Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Masarap Sana,  Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

 

Masarap sana ang mabuhay sa mundo, kung hindi magulo at walang mga kalituhan. Dahil ito sa likas na ugali ng taong mapanlamang, mapag-imbot, at maramot na kadalasang  tumatalo sa mga mabubuting ugali na mapagpakumbaba, mapagbigay, at bukas-palad. Kung mapagpakumbaba ka, siguradong yayapakan ang iyong mga karapatan. Kung mapagbigay ka, siguradong itutulak ka lang sa tabi ng mga mapag-imbot. Kung bukas-palad ka kaya maluwag sa loob ang pagtulong sa kapwa, aabusuhin ka naman.

 

Dahil sa nabanggit na mga kalituhan, yong isa kong kaibigan, ay halos ayaw nang lumabas ng bahay upang makaiwas sa mga hindi magandang mangyayari sa kanya. Dahil sa ginawa niya, itinuring siya ng mga ungas niyang kapitbahay na “makasarili”. Sabi niya minsan sa akin, kung magpapaputok siya ng baril sa kalye siguradong sasabihin ng mga kapitbahay niyang “siga” siya. Sinabihan ko na lang na madaling araw pa lang ay umalis na siya at umatend ng misa sa Baclaran o Quiapo, pagkatapos ay mamigay ng tulong sa squatter’s area at kapag padilim na ay saka na lang siya umuwi – walang mga ungas na kapitbahay ang makakakita sa kanya. Sabi ko nga sa kanya ay maswerte siya at ungas lang ang mga kapitbahay niya…hindi mapagkunwari at mainggitin.

 

Hind lang sa pakikipagkapwa-tao ang may kalituhan, kundi kahit na rin sa mga bagay na kailangan upang mabuhay tulad ng pagkain. Kailangan daw ay kumain ng gulay at isda dahil masustansiya ang mga ito. Subali’t sa palengke, hindi lang isda ang nilulublob sa “formalin”,  ang kemikal na ginagamit sa pag-embalsamo, kundi pati na rin mga gulay upang hindi malanta agad. Ang karagatan at mga ilog na tinitirhan ng mga isda ay marumi na rin. Ang mga nahiwang gulay ay nilulublob sa tawas upang hindi mangitim tulad ng hiniwang langkang nakagawiang iluto sa gata at talong na tinanggalan ng bulok na bahagi, pati binalatang gabi, kamote, at patatas. Ang mga gulay sa pataniman ay alaga din sa mga chemical na pamatay-peste habang lumalago. Yong sinasabing mga “organic” daw ay hindi rin sigurado dahil maraming mga nagtitindang mahilig magsinungaling, makabenta lang. Kung totoo man, ay nakakakuha naman ang mga ito ng lason mula sa hangin.

 

Ang mga karne ay may mga anti-biotic, kaya ang akala ng isang kumpanyang nagdede-lata ng produktong karne ay bobo lahat ng mamimili dahil sinasabi ng ads nila na walang sakit ang mga baboy at manok nila – siyempre, dahil alaga sa antibiotic!…talaga din namang kumita lang, lahat ay gagawin upang makapanlinlang. At, yong mga batang lumaki sa gatas at karne ng hayop, ngayon ay may ugaling hayop na rin…dahil kung hindi man bastos ay lapastangan at suwail pa!

 

Ang mga softdrink lalo na ang “Cokes” (tawag yan ng Bisaya sa Coke”), na pampagana sa pagkain kahit bagoong, toyo, o patis lang ulam ay nakakasira ng kidney at atay. Kung mag-ulam naman palagi ng instant noodles na pinakamura at pinakamadaling iluto, subalit ginamitan ng kemikal upand hindi magdikit-dikit, ay lalo namang sisira ng kidney. Mismong bigas na sinasaing ay may mga chemical din upang hindi kainin ng uod at kuto habang nakaimbak sa bodega, kung saan ay iniispreyhan pa sila upang hindi upakan ng mga daga at ipis.

 

Ang instant na kape ay dumaan din daw sa mga paraan o process na nangailangan ng mga kemikal na hindi maganda sa katawan kahit pa sabihing nakakatulong ang inuming ito sa paglusaw ng cholesterol at bara sa daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang asukal na puti ay mayroong bleaching chemical na nagpaputi sa dating manilaw-nilaw na katas na ito ng tubo. Naka-imbento ng artipisyal na asukal upang makaiwas sa diabetes, subalit nakakasira naman din daw ng kidney.

 

Pati mga bitamina na ginagawa sa mga laboratoryo ay pinagdududahan na rin. Kahit maliit lang ang sumobra sa naimon ay magsasanhi na ng overdose na maaari pang maging sanhi ng sakit. Sa puntong ito, ang mga gamot na akala natin ay nakakapandugtong ng buhay ay hindi rin pala magandang basta na lang iinumin, kaya mismong anti-biotic ay hindi na rin ligtas.

 

Ano pa nga ba at, animo ay nag-uunahan ang mga bahagi ng katawan natin kung alin sa kanila ang unang manghihina hanggang bumigay  dahil sa mga pagkaing akala natin ay pampahaba ng buhay, yon pala ay may mga lasong unti-unting nakakamatay. Kaya siguro, madalas na payo ng doctor sa pamilya ng pasyente na may taning na ang buhay, ay pagbigyan na lang ito sa lahat ng hihilingin niyang pagkain dahil wala na rin namang mangyayari bunsod ng lasong nagkakaiba lang ang dami sa bawat pagkain.  Ang maratay dahil sa sukdulang epekto ng lason na nakukuha natin sa mga pagkain at hangin ang ultimate na sitwasyon kung saan ay talagang angkop ang kasabihang, “no choice” at “…no turning back”.  Ang kalagayan ring ito ang nagpapakita na ang tao ay nagsi-self destruct!

 

 

 

 

The Heavy Pollution in China should Warn Third-World Countries

The Heavy Pollution in China

Should Warn Third -World Countries

By Apolinario Villalobos

 

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

 

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

 

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

 

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

 

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

 

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!

 

In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

Ang Artipisyal na Bigas ng Tsina…at marami pang iba

Ang Artipisyal na Bigas ng Tsina
…at marami pang iba
ni Apolinario Villalobos

Balitang-balita ang artipisyal na bigas ng Tsina na gawa sa kamote at patatas pero ginamitan daw ng resin upang mamuo. Marami ang nabahala ganoong ang ganitong klaseng pagkain ay matagal nang kinakain ng tao at isa na ang instant noodles. Kaya nga lumabas sa mga balita noon na ang madalas na pagkain ng instant noodles ay nakakasira ng kidney o bato, pero hindi pinansin ng mga tao dahil murang klaseng pagkain. Ngayon dahil nagkaroon na naman ng bagong pekeng produkto, marami ang natakot….uli!

Ang isa pa ay ang kasalukuyang nabibili na rin sa Tsina na pekeng asin. Nataranta na naman ang mga tao, lalo na ang mga Pilipino na mahilig sa scoop, ganoong maraming kuwestiyonableng sangkap sa pagkain na halos ganito rin ang paggawa tulad ng mga pampalasa na ginagamitan ng mga pekeng flavoring. Unang nabalita noon pa man ang vetsin na pinabulaanan ng mga gumagawa nito na masama sa katawan dahil galing naman daw sa katas ng tubo, subalit paano ito ginawa at ano ang inihalo upang pumuti ang katas at mamuo na parang mga kristal?

Ugali ng Pilipino ang magkagusto sa malaki, maganda, maputi, mabango atb. Kaya, kahit na alam nang ang puting asukal halimbawa, ay masama sa kalusugan dahil ginamitan ng kemikal na pampaputi o “bleaching agent”, mas gusto pa rin ito kaysa brown sugar o moskubado na ang turing ay para lang sa mga mahihirap. Ang hindi alam ng marami, ang brown sugar ay ginagamit sa coffee shops ng malalaking sosyal na mga hotel dahil mas gusto ng mga parukyano nilang nakakaunawa sa kahalagahan nito kaysa puting asukal.

Kung sa tinapay naman, ayaw ng iba ang wheat bread dahil hindi maputi at magaspang pa, hindi tulad ng white bread na mabango at malambot, at siyempre maputi. Ang hindi nila alam, ang white bread ay walang mga hibla o fibers na kailangan ng katawan natin upang mapadali ang pagdumi. At dahil walang hibla, namumuo ng maliliit kung nguyain hanggang sa pagpasok nito sa bituka kaya hindi natutunaw at kung lumabas ay buo-buo pa rin… kung mamalasin ay sumasabit pa sa colon kaya hindi nakakalabas agad na isa sa mga sanhi ng kanser.

Pagdating naman sa katawan, ang mga Asyano ay gustong maging puti ang kulay ng balat at brown o blond ang kulay ng buhok. Gusto rin ng mga babae ang magkaroon ng malaking dibdib o matambok na puwet. Ang mga lalaki naman ay gustong magkaroon ng kamangha-manghang sukat ng ari. Dahil sa mga hangaring pang-pisikal, nagpapalagay sila ng silicon upang lumaki ang mga dibdib, puwet, at ari. Upang pumuti naman, ay lumalagok ng katakot-takot na gluta capsules o di kaya ay nagpapahid ng kung anu-anong kemikal sa katawan. At para sa buhok, ay dinadalasan ang pagpapakulay.

Dahil sa mga nabanggit na panghihimasok sa katawang ibinigay ng Diyos, may nababalitaan tayong mga dibdib na nagkaroon ng kanser o di kaya ay nagkasugat at nilalabasan ng nanậ, ang puwet naman ay natadtad ng malalaking butlig at sugat. Ang ari naman ng minalas na lalaki ay nagmukhang kamote na tadtad ng ulalo dahil sa malalaking butlig. Yong gustong magpaputi, ang balat ay animo naging mapa dahil sa hindi pantay na pagputi at may mga namaga pang bahagi. Yong pahid ng pahid ng astringent sa mukha na binili kung saan saan lang, sa simula ay nagkaroon ng kutis-baby, yon pala, nilulusaw na ng kemikal ang pang-ibabaw na balat hanggang sa huli ay nangitim na! At, yong madalas magpakulay ng buhok ay hindi na nawalan ng dandruff na naging sanhi ng mabilis na pagnipis ng buhok.

Nang mauso ang mga cellphone na gawa sa Amerika at Europe, biglang naglabasan ang mga peke nito na gawang Tsina. Ganoon din ang nangyari sa iba pang produkto tulad ng bag, sapatos at damit na pineke rin ng Tsina. Upang maging lehitimo na lang ang mga produkto, minarapat ng mga may-ari ng mga tatak o brand, na sa Tsina na mismo magpagawa, na ang bentaha ay mababang sweldo ng mga manggagawa.

Mahilig talagang manguna ang Tsina sa mga pekeng bagay. Meron na rin silang ginawang kapani-paniwalang robot na animo ay tao ang katawan, pati pagsasalita. Ngayon, ang ginagawa naman ng Tsina ay mga pekeng isla sa West Philippine Sea!