APO….(alay sa Mt. Apo) ni Oscar Mondia

APO….

(Alay sa Mt. Apo)

 

ni Jose Oscar S. Mondia

 

Mahal na Apo, muli ako’y narito upang masilayan

walang kupas mong kagandahan

Ano ba talaga ang meron sa iyo

at maraming nahuhumaling,

pati na mga dayo.

 

Aking sinuyod napakahabang ilog,

masukal na gubat akin ng sinugod,

walang humpay na akyatan

“kalbaryo” ang tawag ng ilan

Marating at makita ka lamang

t’yak pagod ay maiibsan.

 

Mahal na Apo wala kang kasingtulad

kayat pangalagaan natin at di itulad… sa iba,

gubat ay malinis na.

 

Mag-isip kapatid bago ang lahat ay huli na.

Paraiso kang tunay para sa akin,

angking kagandaha’y parang langit na rin.

Kulay luntian ang lahat ng kapaligiran,

iba’t- ibang uri ng halaman

mula kay inang kalikasan.

 

Malawak na damuhan sa gitna ay lawa,

paraisong hardin tanging si Bathala ang may gawa,

mala- yelong hangin iyong malalanghap,

purihin ang Panginoon walang kasing sarap.

 

Pinagmamasdan ka habang nakahiga sa “venado”,

tila natutulog na dyosang nasa harap ko,

mahal na Apo wala kang kasintulad,

napamahal ka na sa akin at mga lumad!

Advertisements

Ang Mga Tsinelas ni JONATHAN PADRONES

ANG MGA TSINELAS NI JONATHAN
ni Apolinario Villalobos

Una akong bumilib kay Jonathan Padrones nang makita ko siya sa kanyang lypsinch act at lalong bumilib pa nang malaman kong marami siyang mga advocacies sa abot ng kanyang makakaya, at ang pinaka-popular ay ang pamimigay ng tsinelas sa mga kinakapos na mga kabataan.

Siguro ang nasa isip niya ay upang hindi masaktan ang talampakan ng mga batang nagsusumikap sa buhay habang tinatahak ang mabatong landasin patungo sa kanilang pangarap….HINDI TULAD NIYA NONG KABATAAN NIYA NA SA KAGUSTUHANG MAKATULONG SA MGA MAHAL SA BUHAY AY MATINDING HIRAP ANG DINANAS SA PAGTAHAK SA LANDAS NA NABANGGIT UPANG MATUPAD ANG KANYANG PANGARAP.

Mula sa Pagko-konduktor, naging Konsehal – COUNCILOR MUNDO M. AYOB

MULA SA PAGKO-KONDUKTOR, NAGING KONSEHAL

…Datu Paglas Municipal Councilor, MUNDO M. AYOB

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakabilib na malamang ang soft-spoken at palangiti na nakita kong kumakain kasama ang pamilya sa isang pastilan ay isa palang Konsehal ng bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao. Ang una kong napansin ay ang anak nilang simpleng kumain ng pastil na walang ulam. Sumunod na kumain silang mag-asawa na ang inulam lang ay tortang talong at nilagang itlong. Nalaman ko na lang na konsehal pala ang nakasuot ng kopya na nagpahiwatig na nakarating siya sa Mecca ng sabihin sa akin ng hipag pala niyang may-ari ng pastilan.

 

Lalo akong nagulat nang pagkatiwalaan niya ako ng kuwento ng kanyang buhay na nakaka-inspire. Ayon sa kanyang hipag ay hindi tinapos ni Konsehal Mundo ang kanyang high school dahil nagtrabaho siya bilang konduktor ng mga pampasaherong sasakyang may biyaheng Tacurong-Kabacan. Ang dahilan ng kanyang pagtigil sa pag-aaral at pagkonduktor ay ang dalawang nakababatang kapatid na babae na tinulungan niyang makatapos sa pag-aaral. Bukod sa pagko-konduktor ay nagtanim din siya ng palay sa kalahating ektarya nilang bukid.. Ikinuwento niyang iisa ang ginagamit niyang t-shirt sa pagko-konduktor. Pag-uwi niya sa gabi ay nilalabhan agad niya para maisuot sa umaga kahit medyo basa pa. Dahil sa kanyang pagsisikap ay nakatapos ang kanyang mga kapatid at ngayon ay maganda na ang mga kalagayan sa buhay.

 

Ang asawa ni konsehal Mundo ay si Noria na hindi rin nakapagtapos sa pag-aaral pero bihasa o magaling sa Arabic. Sa kabila niyan, dahil sa pagsisikap ay umasenso sa pag-negosyo. Nagtutulungan silang mag-asawa sa pagpalago ng kanilang mga negosyong dalawang bakery at isang grocery. Pinagmamalaki din ni konsehal Mundo na ang kanilang panadero ay isang Ilonggo na galing pa sa Zamboanga. Ang bunsong anak na si Zam ay tinuturin naman nilang “hajj baby” dahil nabuo siya noong panahong sila ay nag-pilgrimage sa Mecca.

 

Binanggit ni konsehal na nang ikasal ang kanyang anak na babaeng si Surayna sa The Farm, isang high-end na restaurant sa Koronadal ay nai-feature ang okasyon ni Jessica Soho sa kanyang programa sa TV.

 

Inimbita niya akong pumasyal sa kanila sa Datu Paglas nang malaman niyang interesado akong i-blog ang bayan ang mga karatig na mga barangay nito. Siguradong pupunta ako sa kanila dahil nasimulan ko na rin ang pagsulat tungkol sa Buluan na madadaanan papunta sa kanila.

 

OUR FAMILY AND STORY OF STRUGGLE IN LIFE

OUR FAMILY AND STORY OF STRUGGLE IN LIFE

By Apolinario Villalobos

 

Our family is big. Our parents raised our family at an early age. I was told our father was about 18 and our mother was 17 when they settled down. Had not two of our siblings die, we would be 11. When our parents arrived in Mindanao, they first settled in Basilan and later in Tacurong when they joined our uncle, Serafin Bernardo. Our mother was the only girl in the Bernardo brood, elder to their youngest, tatay Peping who was the father of manong Boy (Serafin Bernardo III).

 

Upon settling in Tacurong, our parents ventured into a small business – selling dried fish that they purchased in Iloilo. The hardship was not felt by us for our discipline was such that they made us understand that our struggle to survive was part of a normal life. We did not grow up celebrating birthdays or any special occasion. We went to school without “baon”.

 

I was about 4 years old when our youngest, Oca, who was barely 3 months old, then. I helped in taking care of him so that when he was gone, I had the time to help our parents by selling the old stock of dried fish that we called “reject”, after washing them. At that age, I already knew how to cook rice as I was assigned to bring it to the market for lunch of our parents. I stopped doing it at 5 years of age when I was made to go to school with my elder brother, Tito. As a pupil, I was called “visitor”. During the time, I had collected old newspapers that were used as “lining” of boxes used in packing dried fish. That was how I was able to develop my love for letters and pictures. From the old pages of newspapers that reeked with the smell of dried fish, I discovered the cartoon character, LI’L ABNER and many others.  The first word that I learned to spell was PURICO a brand of lard that I was made to buy from stores at a young age of 4. I would fill our yard with the word that I would write on the ground using a stick.

 

My elder sister Maria Erlinda was among the first students of the Notre Dame Girls Department when it was separated from the Boys Department. My elder brothers were Notre Dameans up to high school as there was no college yet in the town during the time…except Florencio or Tito who finished his college much later in NDTC.  During the time, affluent families sent their children to colleges in Marbel (Koronadal), Cotabato City, Davao City and Iloilo City for their college education.

 

My elder brother, Floriano finished his BS Commerce in Accountancy in Jose Rizal College in Mandaluyong while working at the Mercury Drug at the same time. My elder sister Maria, finished her college education in Cotabato City. Only I and Tito finished our college at the Notre Dame of Tacurong College. In my case, our batch was the last of the graduates as afterwards, the college department of the said school was closed.

 

Our parents were barely 40 years old when they died, with our father passing away first, followed by our mother in less than a year. I was in Grade 6 when our father died and halfway through my First Year in high school when our mother passed away. My elder brother Tito finished his college as a “working student” – library assistant at NDTC. I was also a “working student” when I entered college in the same school, up to my third year because on my fourth year I was employed by the Department of Social Welfare when Claudio Estante opened a branch of the Region 11 based in Davao City.

 

In high school, to help me through my studies, I lived with a relative for less than year, a year in Davao with an elder brother’s family during which I studied at Holy Cross of Agdao for my Second Year in high school. The rest of my high school days were spent in Tacurong during which I worked at Panay Vinegar while studying at the Notre Dame Boys Department. I washed bottles and delivered stocks to the stores in the market as an all-around employee. I recalled spending long hours at night pasting brand sticker to bottles when we were flooded with orders from neighboring towns.

 

Our youngest sister finished her Nursing degree in Davao and fortunately did not standby for jobs as she was able to land a job in Saudi Arabia for a year after a short stint of teaching in her Alma Mater, then went to America for a better opportunity. I did not attend my college graduation at NDTC, as instead, I attended the pre-employment training in Manila to prepare me for my employment at Philippine Airlines where I spent 20 years.

 

As additional information about our journey, our eldest Leonardo worked in a company as a “pay master” despite his having finished first year college. Next to him, Leopoldo finished Law and had a stint as Chief of the COMELEC in Davao City and Tagum. An elder siter, Daisy who used to model for the Grimaldo Fashion School died at a young age in Manila, another elder sister, Maria Erlinda was a teacher and has also passed away, next to her, Floriano has retired from his job at Mercury Drugs in Manila as branch Supervisor, then Tito or Florencio who journeyed from a teaching job in Notre Dame of Lebak during the time of Fr. Silvestre, to a job in the HR department of Alcantara and Sons in Davao City, then as researcher for the Southern Philippines Development Authority (SPDA), then as a Recruitment Officer of the United Laboratory, and finally as Manager of the Training Division of the United Coconut Planters Bank, has also passed away. Our youngest, Felanie is a nurse and lives in America while an elder sister, a deaf/mute is still alive and is the center of our attention.

 

I could say that our parents succeeded in rearing us by instilling in our person the kind of discipline that made us survive our journey in life.

Paghinumdum Sang Ako Bata Pa Sadto (Hiligaynon dialect of the Visayans in the Philippines)

Paghinumdum Sang Ako Bata Pa Sadto
ni Maria Cristina A. Villaralvo

 

Sang una pa nga panahon sa akon pagpanumdom, ang akon lang nga handum amo ang manamit nga pagkaon.
Sa kabudlay sang kabuhi sa kaumahan kun diin ako nagdaku kag nagkabuhi, ang dahon dahon sa palibot lagaun lang kag imimi sa kamatis nga may asin kag may kan on nga manami, sampat gid sulbad na ang hiribati sang maubusan nga gahinibi.
Kay kulang ang isa ka baso nga tinig ang sa anom ka kabataan, si nanay hinali nga nagtak ang sang iya nga tinig ang.
Tapos tig ab kag panghugas pinggan, kami tanan nagdinalagan kay si tatay nag abot dun halin sa kaumahan may dala nga turagsoy kag puyo baw kanamit lapwahan.
Mangahoy kami sa kawayanan kag manag ub anay bago maghampang, pag abot sang kahapunanon bago ang bulan magsubang kami tanan sa altar mag atubang ang orasyon paga umpisahan.
Ang kasimple sang amuni nga pangabuhi ang indi ko gid ikambyo sa bulawan nga masiri. Ang kalipay nga akon naambit bisan sa kabudlay sang pangabuhi, basta si tatay, si nanay pirmi ara kun ako nagahibi indi ko gid itandi sa mga mangad nga brilyante akun sa bulawan nga masiri.
Sa pagtapak ko sa bag o nga pinanid sang istorya sang akon kabuhi, pangamuyo ko lang nga ang pamilya nga sa akon ginhatag sang hamili, mapangapinan ko sa mga hitabu nga hinali, kag matipon ko sa isa ka bubong asta ang mga magburugto makakita sang ila pinili man nga pangabuhi.

17883725_1400154946720903_8510260225325676023_n

The Woman I Know…this is Virgie (for Virgie Paragas-Adonis)

The Woman I Know… this is Virgie

(For Virgie Paragas-Adonis)

By Apolinario B Villalobos

 

 

With boundless desire

to accomplish many things

that others think are impossible,

the woman I know

through impeding hurdles

would just simply breeze through.

Her mother’s strength and loving ways

tempered by her father’s intelligence

and innate golden values –

her overpowering person shows..

 

A woman of fiery temper

and a heart brimming with affection,

the woman I know

always fights for the righteousness

not much for her own

but for others who, though abused

can’t fight back

as guts and  persistence

are what they lack.

 

She is the woman I know,

who, on some occasion

could be furious or let out tears

in a candid show of emotion.

 

She oozes with intelligence

that she would unselfishly share

just like the comfort

of her tender motherly care.

Could there be other women

just like this one I know?       

10430456_10205781633130523_4746175866961168608_n                                     

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan

sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

ni Apolinario Villalobos

 

Panganay si Bai Hayvi Antilino Montaner sa kanilang apat na magkapatid. At sa kagustuhang makatulong sa mga magulang ay nakipagsapalaran sa Kingdom of Saudi Arabia, sa Madina at pinalad namang maging Supervisor sa saloon ng Queen’s Palace. Maganda ang kanyang pinakitang pagganap sa trabahong iniatang sa kanya kaya bawa’t taon sa loob ng anim na kanyang itinagal ay nakakapagbakasyon siya.

 

Isang malaking pagsubok ang dumating sa kanyang buhay habang nasa ibang bansa siya, at ito ay ang pagkamatay ng kanyang ina. Huli na nang malaman niya ang nangyari kaya hindi siya nakauwi bago ito namatay. Mabuti na lamang at kahit papaano, noong buhay pa ito ay palaging nagbibilin sa kanya ang kanyang ina na huwag niyang pabayaan ang kanyang mga kapatid, kaya hindi man siya nakauwi nang ito ay mamatay, ang tagubilin na lamang niya ang nagpawi ng kanyang lungkot at pagdaramdam.

 

Retired na guro ang kanyang ama kaya’t lalo pang pinagsikapan ni Bai Hayvi ang pagtulong sa kanyang mga kapatid, dahil lumilitaw na siya na rin ang umaaktong ama at ina ng kanilang pamilya. Napagsabay niya sa paggastos sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid ang pagbili ng bahay sa isang subdivision sa Davao City.

 

Ngayon, ang kanyang ama at mga kapatid ay doon na nakatira samantalang napatapos naman niya ang kapatid na babae ng BS Criminology, ang isang kapatid naman ay kursong HRM, at ang bunsong kapatid ay sa elementary pa.

 

Pinalad si Bai Hayvi na matanggap sa Capitol ng Sultan Kudarat at malaki ang kanyang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng gobernador ng probinsiya na si Sultan Pax Mangudadatu. Malaking bagay sa kanya ang pagkakataon dahil hindi na niya kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa, lalo pa at retired na ang kanyang ama na gusto niyang maalagaan, pati ang bunsong kapatid.

 

Una kaming nagkita sa facebook si Bai Hayvi nang mabasa niya ang mga blogs ko tungkol sa probinsiya at ang sumunod na pagkakataon ay sa isang okasyon sa provincial Capitol. Kapansin-pansin ang masaya niyang ngiti na hindi nawawala sa kanyang mukha, palatandaan na madali siyang makapalagayang-loob. Oras na ng tanghalian noon subalit abala pa rin siya at kanyang mga kasama sa pag-asikaso ng mga bisita…obvious na ini-enjoy niya ang kanyang trabaho. Inisip ko rin na ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang maging masigasig sa trabaho ay ang likas niyang pagmamahal sa kanyang ama at mga kapatid , maliban pa sa tagubilin ng kanyang namayapang ina. At, higit sa lahat, ay nais niyang ipakita na karapat-dapat siya sa ibinigay na pagkakataong makapagtrabahong hindi na lalayo pa sa kanyang pamilya – sa “ama” ng Sultan Kudarat, si Governor Pax Mangudadatu.