Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi Pagiging Abnormal

Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi

Pagiging Abnormal

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi abnormal ang mga taong bumabatikos kay Pacquiao. Kung hindi normal ang pagbatikos kay Pacquiao dahil kinumpara niya sa hayop at mas masahol pa nga daw ang ginagawa ng mga bakla at tomboy, ibig sabihin ba ay abnormal ang decision ng NIKE na sipain siya?…abnormal ba ang mga sinasabi ngayon ng mga respetadong international at local sports analysts na mali ang ginawa niya na malinaw na isang “discrimination”? Abnormal ba ang ginagawa ng mga brodkaster at mga bloggers na tumatawag ng kanyang pansin dahil sa “karumal-dumal” at hindi “makatao” niyang ginawa? Para na rin niyang sinabi na dahil “straight” kuno siya, sigurado nang ligtas siya pagdating ng araw ng paghukom. Paanong mangyayari yon ganoong hindi siya naniniwalang NAKIKITA NG DIYOS ANG LAHAT, dahil tulad ni Binay, naniniwala din siyang HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYAN NG KORTE (NG TAO) ANG KASALANAN NG ISANG TAO, ITO AY  INOSENTE!….YAN ANG NAKAKAPANINDIG-BALAHIBONG PANANAW DAHIL HINDI NIYA INISIP NA ALAM NG DIYOS ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA MUNDO!

 

Ang batayan niya sa kanyang mga sinasabi ay ang Bibliya at sa isang bahagi pa niyan ay nandoon ang mga batas PARA SA MGA ISRAELITA LANG NA IBINIGAY NG DIYOS NILA SA KANILA LANG. Nandoon ang mga batas na ginagamit ngayon ng ISIS. Nagbabasa ako ng Bibliya at namimik-ap ng mga ideya na maaari kong magamit, pero hindi ako panatiko at literal na nagpapatupad ng LAHAT  ng nababasa ko. Para sa akin ay tama lang na tandaan for information,  kung ano ang mga nabasa pero ang ipatupad ang mga hindi na applicable o angkop sa kasalukuyang panahon ay ang dapat ituring na ABNORMAL.

 

Halimbawa ng abnormal na pagpaniwala sa lahat ng sinasabi sa Bibliya ay ang sinabing, huwag mag-alala dahil Diyos na ang bahala sa iyo….na isang malaking kamalian. Dapat tayo ay magsikap pa rin, dahil kung hindi dapat mag-alala ang tao, magiging tamad na siya at aasa na lang sa biyaya. Sa Gitnang Silangan, may mga nagpapairal pa ng batas ng Bibliya na kailangang batuhin hanggang mamatay ang isang nagtaksil sa asawa, putulan ng ari ang isang nanggahasa, putulan ng kamay ang isang nagnakaw, etc.  Marami pang ganyang sinasabi sa Bibliya na literal na pinaniniwalaan ng mga “panatiko”. Sa Pilipinas ay maraming ganyang uri ng panatiko! Kaya mag -ingat tayo sa mga taong utak-ipis na mga ito! Ang masama lang ay baka makarating sila sa Kongreso at Senado….gagawa ng mga batas na “karumal-dumal”.

 

Walang kwestiyong magaling sa boksing si Pacquiao, subalit minsan na ring nakalog ang utak dahil sa sobrang self-confidence. Itong sobrang self-confidence na dinagdagan pa ng mga sulsol na gusto lang siyang lokohin ang humihila kay Pacquiao pababa.

 

Napatunayan na sa napakaraming pagkakataon ang pagiging bulag sa katotohanan ng mga taong nalasing sa tagumpay at karangalan kaya nag-akalang si SUPERMAN sila. Taliwas yan sa inakala kong okey si Pacquiao noon na padasal-dasal pa hawak ang rosaryong bigay ng nanay niya bago sumabak sa suntukan sa ibabaw ng ring. Bandang huli, nawala ang rosaryo, pumasok sa pulitika at nagpalit ng religion. Ano ang nangyari?….ang unti-unti niyang pagbagsak!

 

Ngayon, umabot sa sukdulan ang pagbago ng ugali ni Pacquiao dahil akala niya ay isa rin siyang “huwes” ng Diyos na dapat humusga sa ibang taong masahol pa daw sa hayop ang ginagawa! Ang ginagawa ni Pacquiao na paghuwes-huwesan ay panggagaya sa mga tunay na huwes noong panahon ng Bibliya, silang mga itinalaga ng Diyos dahil wala pang namumunong hari sa mga Israelita.

 

Upang makakita ng mga naghuhuwes-huwesan, pumunta lang sa tapat ng Quiapo church ngayong Holy Week at maraming makikita doon. Noong nakaraang taon, ang mga nakita ko ay mga may mahabang balbas at pilit na magmukhang si Hesus, may isa pang nakaupo sa “trono” , nakasuot ng puting damit upang magmukhang “diyos ama” at napapaligiran ng mga “disipulo” na ang isa ay umaarteng nagta-trance, pero nang sigawan ko ay “nagising”!

 

Marami na akong ginawang blog para kay Pacquiao, kasama na ang isang tula. Kahit nagsisimula pa lang siya sa boksing ay marami na siyang inaning tagumpay sa Pilipinas. Subalit sa kalaunan, nagmistula siyang gumuhong bantayog sa aking pananaw….ginagawa rin pala niya ang mga ginagawa ng mga nalalasing sa tagumpay.

Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay Pagdating sa Katiwalian….nakakabahalang isipin!

Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay

Pagdating sa Katiwalian…nakakabahalang isipin!

Ni Apolinario Villalobos

 

Umaayon si Pacquiao sa pananaw ni Binay na walang katotohanan ang mga ibinebentang sa kanyang katiwalian hangga’t hindi napapatunayan. Papaanong mapatunayan ni Binay na wala siyang kasalanan kung hindi naman siya umaatend ng mga hearing? Paano niyang mapatunayan na hindi galing sa nakaw ang yaman nila kung palaging idinadahilan niya ang “immunity” ng kanyang posisyon upang hindi siya mapuwersang dumalo sa mga hearing?

 

Nakakabahala ang ganitong pananaw dahil nagpapahiwatig ito na walang kasalanan ang isang nagnakaw kahit may mga ebidensiya pero hindi napatunayan sa husgado dahil sa galing ng kanyang abogado. Ang ganitong pananaw ay nagsasalamin ng hindi mapapagkatiwalaan sistema ng hustisya na pinapagalaw ng mga abogadong “matatalino” at ang serbisyo ay mayayaman lang ang may kakayahang umupa. Dahil diyan, maraming mga inosenteng mahirap na walang pambayad ng magaling na abogado ang  nabubulok sa bilangguan.

 

Palaging may karugtong na “Diyos” at pa-English pang deklarasyon ng kanyang “faith” kuno tuwing magsalita si Pacquiao upang ipabatid na siya ay maka-Diyos, kaya tingin niya sa kanyang sarili ay isang mabuting tao. Nakakapanindig- balahibo ang ginagawa niyang pagmamalaki….kahindik-hindik, at isang karumal-dumal na kayabangan! Hindi dahil dasal siya nang dasal o di kaya ay panay ang pagbasa ng Bibliya ay mabuting tao na siya. Paano ang mga walang Bibliya dahil walang pambili? Sila ba, tulad ng mga bakla at tomboy, ay mas masahol din sa hayop dahil walang na-memorize na salita ng Diyos tulad niya?

 

Paano naging mabuti ang isang tao na nagsasabing inosente siya hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang mga kasalanan niya, kahit sa kaibuturan ng kanyang diwa ay alam niyang may kasalanan talaga siya? Ang ganitong pananaw ay nagpapahiwatig ng karumal-dumal na kawalan ng konsiyensiya ng isang tao dahil kahit alam niyang may kasalanan siya pero kaya niyang kumuha ng isang matalino at magaling na mga abogado ay siguradong absuwelto siya.

 

Kung mananalo si Binay bilang presidente at si Pacquiao ay senador, hindi na mawawalan ng pangungurakot sa gobyerno dahil ang kasalanang ito ay kailangang patunayan PA sa korte, ayon sa kanilang pananaw. Hindi man sila ang gumawa ay gagawin ng iba dahil kaya nilang umupa ng magaling na abogado kahit mahal ang serbisyo. Yan ang sagot sa tanong kung kaylan pa may napatunayang nangurakot na malalaking opisyal sa matataas na puwesto ng gobyerno. Samantala ang mga kaso man lang ng mga kinurakot na pork barrel sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay wala pa ring linaw hanggang ngayon.

 

Nakakatakot isipin na nabubuhay tayo ngayon sa panahong naglipana ang mga taong walang konsiyensiya. Silang tingin sa sarili ay maka-Diyos at hindi asal-hayop dahil panay ang basa ng Bibliya, pagdasal, at pag-attend ng prayer meetings, kaya mga “Kristiyano” kuno…ganoong ang nasa isip pala ay inosente sila sa mga kasalanang ginawa dahil hindi napatunayan sa korte!

Ang Addiction, Harakiri, at Dangal

Ang Addiction,  Harakiri, at Dangal

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang addiction ay hindi limitado lang sa alak, sigarilyo at droga. Sa Pilipinas, may mga maidadagdag pa sa listahan: addiction sa pera, addiction sa pagsinungaling, at addiction sa cellphone.

 

Ang mga sintomas ng addiction sa pera ay ang hindi makontrol na paggalaw ng mga hinlalaki (thumb) at hintuturo (thumb) sa pagkiskisan na animo ay nagbibilang ng pera, pagkataranta kapag nakarinig na kalansing ng baryang nahulog, panlalaki ng mga mata kapag pinag-uusapan ang pera, at madalas na pagkadulas sa pagsabi ng “how much are you”, sa halip na “how are you”. Talamak itong sakit sa Kongreso at Senado at iba pang mga ahensiya ng gobyerno na palaging may project (na pinagkikitaan).

 

Ang mga sintomas naman ng addiction sa pagsisinungaling ay ang hindi nawawalang ngiti sa mga labi upang ipakita sa iba na malinis ang kanyang budhi at isip, pagsambit ng pangalan ng Diyos na idinudugtong sa mga pangako, pagbanggit ng kidlat, kulog, malusaw, mamatay, at iba pang kahindik-hindik na mga salita upang idiin ang katotohanan kuno ng mga sinabi niya at yong iba ay binebetsinan pa ng “peks man” at “cross my heart”, at ang pinakamalinaw na palatandaan ay ang walang kabuhay-buhay at hindi kumukurap na mga matang nandidilat habang nagsasalita sa harap ng camera dahil nag-aalala na baka madulas ang kanyang dila.

 

At, ang addiction naman sa cellphone ay may mga sintomas na paggalaw-galaw ng hinlalaki na animo ay may pinipindot. Napapansin din ang hindi mapalagay na pagkilos ng addict kapag ang katabi ay may kausap sa cellphone dahil parang may nag-uutos sa kanyang agawin ang cellphone upang siya naman ang makipag-usap. Napapakislot din itong uri ng addict kapag may naririnig na tunog ng cellphone, na sinasabayan pa ng pagdidila ng mga labi na para bang natatakam sa pagkain. At sa isang tahanan, malalaman kung may mga addict sa cellphone kapag may nagbabangayan na maririnig hanggang kalye dahil sa pagwawala ng mga anak na gustong magkaroon ng mga bagong cellphone.

 

Kung dangal naman ang pag-uusapan, matindi ang mga Hapon sa pag-alaga nito. Nagpapakamatay sila kapag nadungisan ang kanilang dangal. Yong mga nasa gobyerno ng Japan, na nabigla o hindi sinasadyang nakagawa ng masama ay nagpapatiwakal agad kahit hindi pa nasisimulan ang imbestigasyon.

 

Kung sa Pilipinas mangyayari ang pagpapatiwalak o pagharakiri ng mga nagkasalang government officials, siguradong walang matitira….mula sa pinakamataas na puwesto hanggang sa ibaba. Pero hindi nangyayari, dahil sinanay ang mga Pilipino ng mga prayle o Spanish friars noong panahon ng mga Kastila sa paniniwalang kahit sangkaterba ang kasalanan, lusaw ang mga ito sa paulit-ulit na pagdasal ng Our Father, Hail Mary, at I Believe in God,  na ipinapataw sa nagkumpisal. Kaya ngayon, tingnan ninyong mabuti kung sino ang mga mahilig gumawa ng mga kasalanan na nakaluklok sa kawawang gobyerno ng Pilipinas!…hindi ba silang mga nananalig sa kumpisal?…dahil pagkatapos ng mga penance ay gagawa uli sila ng mga kasalanan!

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang isyu ng problema sa trapik sa malalaking lunsod ng Pilipinas lalo na sa Manila ay yong sinasabi sa Ingles na “scum” o “froth”. Kung ihahalintulad sa hindi dumadaloy na tubig sa estero, ito yong mga animo ay bumubulang nakapaibabaw sa maruming tubig, at kung sa serbesa naman ay yong lumutang na bula pagkatapos ibuhos sa baso. At, dahil lumulutang agad ay unang nakikita. Ganyan din ang trapik na nakikitang problema sa mga kalsada ng mga lunsod. Subalit, ang katotohanan ay hindi ito mangyayari kung walang problema sa bandang “ilalim” ng sitwasyon. Ang mga sumusunod ay naisipan ko lang na baka mga problema:

 

  • Kaluwagan sa pagbili ng mga bagong sasakyan dahil nagkakamurahan ng presyo….at, hindi kinokontrol ng gobyerno. Kung kontrolin naman ay sasabihin ng mga apektado na laban ito sa karapatan ng isang malayang Pilipino. Ang kagustuhan ng karamihan na bumili ng sasakyan ay bunsod ng kultura ng Pilipino na may kinalaman sa kayabangan. Kahit nangungupahan lang ng kuwarto ang pamilya, halimbawa, ng isang simpleng empleyado ay gusto pa rin ng padre de pamilya na magkaroon ng sasakyan para may pangporma at magamit sa pamamasyal sa Luneta ang pamilya.

 

Para sa mga taong ito, hindi bale nang panay ang utang sa Bombay at halos walang pamasahe sa pagpasok sa trabaho o di kaya ay alaga ng pagmumura ng may-ari ng kuwartong inuupahan dahil sa naaantalang pagbayad ng upa, basta may kotse lang na naidi-display upag kaiinggitan ng mga kapitbahay, kahit walang garahe. Nag-operasyon noon upang mag-tow ng mga sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada, subalit “ningas-cogon” naman dahil makalipas ang ilang araw ay itinigil na.

 

  • Pagpapabaya ng mga mambabatas sa paggawa ng mga batas na may “pangil” at makatotohanan. At, pagpapabaya rin ng mga ahensiyang dapat magpatupad sa mga batas na naipasa na. Hindi rin isinasaalang-alang ang pagtalaga ng karampatang budget sa mga naipasa nang mga batas upang hindi magamit na dahilan ang kawalan nito kaya walang mga gamit at mga karagdagang tauhan, na kadalasang dahilan ng pagtuturuan ng mga mambabatas at mga ahensiya.

 

  • Ang mabagal o makupad sa pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng mga kalsada sa lunsod at highway sa probinsiya. At, kung nagawa na, ang mga ito ay palpak kaya madalas ang pagpapaayos agad…halatang gusto lang talagang pagkitaan ng mga tiwaling opisyal at ahensiya. Nagreresulta tuloy ito sa pagdurusa ng mga motorista at commuters …pagdurusang nagsisimula sa paggawa ng mga proyekto hanggang sa pagpapa-repair ng mga ito…samantalang ang mga kurakot ay masaya!

 

  • Ang hindi pagbibigayan ng mga motorista dahil ayaw ng bawa’t isang malamangan. Dahil sa ugaling ito ng mga Pilipinong motorista, yong traffic sign na “Yield” ay walang silbi sa Pilipinas.

 

Sa madaling salita, kaya matindi ang trapik sa Pilipinas ay dahil walang disiplina ang mga motorista, maraming butas ang mga batas na ginawa ng mga tiwaling mambatatas kaya pinagkakaperahan ng mga tiwaling taong dapat magpatupad sa mga ito, at hindi kontrolado ang pagpasok ng mga bagong sasakyan na umaapaw sa mga kalsadang hindi nadugtungan at naluwangan. At, sa mga dahilang yan…nagbubulag-bulagan ang mga nakaupong tiwali na ay kawatan pang pinagkatiwalaan ng taong bayan!

 

 

 

 

The Monstrous Problem of Manila’s Metro Rail Transit (MRT)

The Monstrous Problem of Manila’s Metro Rail Transit (MRT)

By Apolinario Villalobos

 

The seemingly regular occurrence of crack, though, hairline in some portions of the MRT should have given a clear signal to the management that there is something wrong with the quality of the steel rails. Several years ago, China was prominently put in the limelight when inferior steel bars from the mainland that were supposed to be delivered to the provinces were intercepted. The locals dubbed them as fake steel which was not true, although, just of low-grade quality – inferior. Accordingly, they were sent back, but many are alleging that some are still stashed away in warehouses and being sold liberally. Steel is graded according to its quality that would suit its purpose, as well as, ability to withstand stress, and the grade must be compatible with the kind of welding rod to be used.

 

There is a question now, as to whether quality control has been observed in checking  the delivered steel bars of MRT or not, knowing how the tolerant culture of Filipinos is oftentimes observed in many projects, that has got to do with the “ pwede na” or “sige na lang” attitude.  In fact, when the new trains have been delivered, another problem came out, that of compatibility with the towing capability of the engine. The questionable quality of the steel rails has compounded the poorly-maintained elevators, escalators, and toilet facilities…making the MRT one of the monster problems of the Aquino administrations due to lackadaisical attitude of his supposedly trusted people.

 

Many are wondering why the Light Rail Transit which was built during the Marcos administration seldom encounters frequent problem on the cracked rails. Has it got to do with corruption? There is a general impression today, that corruption during the time of Marcos was stringently “controlled”, unlike the presence of such repugnant practice in practically, all levels of transaction today.

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas

at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat ng gumagamit ng kalye ay dapat disiplinado, subalit dahil sa kawalan ng tiyaga, at ugaling palusot ng karamihan sa mga Pilipino, maya’t maya na lang ang mga napapabalitang disgrasya – nabundol na pedestrian, bumaligtad na sasakyan, nagbanggaang mga kotse o trak, nabanggang motorsiklo, at ang pinakamatindi ay bugubugan o patayan ng ayaw magbigayang driver…pati ang alagad ng batas na nagpapatupad ng mga patakaran ay sinasapok din ng mga mayayabang na driver. Sa panig naman ng mga nagpapatupad, nandiyang sila ay pinaparatangang nangongotong!

 

Ang problema naman kasi sa mga gumagawa ng plano ng kalye ay hindi iniisip ang kanilang ginagawa. Ang mga pedestrian overpass ay napakalayo sa mga nakasanayan nang babaan ng mga tao, kaya kaysa mag-overpass pa na kalahating kilometro ang layo sa isang waiting shed, nagbabakasakali na lang ang mga apuradong mananawid sa animo ay pakikipag-patintero sa mga motorista habang tumatawid sa kalsada. Noong panahon ni Cory Aquino ay nagsulputang parang kabute ang mga waiting shed na halatang pinagkitaan ng mga tiwaling kongresista at senador dahil ang karamihan sa mga pahingahang ito ay nagkakahalaga ng isang milyon.  Kung saan saan na lang sila inilagay, basta maibalandra lang ang pangalan ng mga tiwaling opisyal na ito na nag-donate daw, ganoong pera ng bayang pinagkurakutan naman ang malinaw na ginamit . Makaraan ang ilang taon, pinagbawal na ang pag-abang ng mga sasakyan sa mga overpass na ito at wala man lang directional sign kung saan dapat mag-abang ang mga pasahero. Na-expose pa sila sa init at ulan…samantalang ang mga korap na mga kumitang opisyal ay abot-tenga ang ngisi dahil sa laki ng mga nakurakot.

 

Sa panahon ngayon, nauso ang paggamit ng motorsiklo, kaya nagpasiklab ang noon ay pinuno ng MMDA na si Tolentino sa pagtalaga ng mga “motorcycle lanes” sa iilang lugar. Subalit dahil matigas ang ulo ng mga nagmamaneho ng mga motosiklo ay hindi rin ito nasunod dahil tuloy pa rin ang animo ay ahas na palusot-lusot nila sa trapiko. Bandang huli, ang mga lanes na ito ay nawala. Naglagay din ng yellow lane para sa mga pampasaherong bus, subalit dahil ayaw pumila ng karamihan ng mga bus driver na nag-uunahan sa pagdampot ng pasahero ay hindi rin ito nasunod. Maliit lang din ang multa kaya malakas ang loob ng mga bus driver na sumuway.

 

Naglagay ng mga plastic barrier sa mga main road tulad ng EDSA, at tulad ng dapat asahan, dahil sa ugali ng karamihan sa mga Pilipino na reklamador, ay tila nabuhusan ng malamig na tubig ang proyekto. Ang matindi pa, tinatanggal ng mga sira- ulong motorista ang mga barrier kung walang traffic enforcer na nagbabantay lalo na sa dis-oras ng gabi. Ganito rin ang nangyari sa pagsara ng ibang U-turn slots upang tumuloy-tuloy sana ang takbo ng mga sasakyan at upang mapigilang makasagabal ang mga lumilikong sasakyan sa daloy ng trapiko. Inereklamo ito ng mga motoristang nagmamadali at ang gusto ay mag U-turn agad sa unang butas na makikita.

 

Malinaw na kahit anong batas –trapiko ay hindi maipapatupad ng maayos sa Pilipinas, maliban na lang sa loob ng Subic Business and Commercial Center na dating US base sa Olongapo. Ang napapansin pa ay may mga Pilipino na kahit nangungupahan lang ng kuwarto ay may sariling kotse, kaya ang ginagamit nilang garahe ay kalye. Yong mga nakatira sa subdivision na “row housing” ang tinitirhan na walang garahe ay ganoon din ang siste – sa kalsada ang paradahan kaya ang masikip na kalyeng pinagpipilitang two-way ay naging one-way. Yong mga nasa subdivision pa rin nakatira subalit sa “single detached” na bahay nakatira o simpleng bungalow kaya may garahe pero para sa iisang sasakyan lang, ay gumagamit din ng kalye para sa pangalawa at pangatlong sasakyan na nakuha sa hulugan nang napakamura. Sa halagang thirty thousand pesos kasi ay may pang-down payment na at ang buwanang hulog ay ten thousand lang, kaya maski call center agent o ordinaryong empleyado ay kaya nang bumili ng kotse.

 

May panukala noon pa mang panahon ni Marcos tungkol sa pag-kontrol ng pagbili ng mga sasakyan subalit hindi na ito naipapatupad ng maayos. At may mga batas ding ginawa para sa mga paggamit ng motorsiklo, subalit ganoon din ang nangyayari – walang maayos na pagpapatupad.

 

Ang tanong ko….yon nga lang simpleng non-smoking sa mga public transportation lalo na sa mga jeepney ay hindi tinutupad ng mga driver at pasahero, at lalong hindi naipapatupad ng mga pulis-trapiko, ang mga patakaran pa kaya upang lumuwag ang trapiko at maiwasan ang mga sakuna? ….only in the Philippines yan!

 

 

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

 

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

 

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!

 

May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya?

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

ni Apolinario Villalobos

 

Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na daan

Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o palusong

Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito

Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan patungo.

 

Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong tumatahak

Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa mga lubak

Marami ring mga sagabal – mga bato at minsa’y tinik

Na kung di maiwasa’y magdudulot ng sugat…masakit.

 

Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay liku-liko

Para ring buhay na maraming dinadaanang pagsubok

Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa ating balikat

Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa ang kaakibat.

 

Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan daw siya

Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa niyang nakangiti

Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay, animo totoo

Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may lambong na siphayo!

 

Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman ng mga lubak

Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot, at kung ano pa

Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa kabantutan

Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya, sinong gaganahan?

 

Hindi na lang sana siya nangako, dahil lahat ng daa’y masukal

Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay, hindi matiwasay

Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido ng isang tao

Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng tuwid na daan –

…ito pa kayang isang tao na wala pang napatunayan?

 

Ang Isyu sa Dagdag-Pensiyon at si Binay…kung suwertihin nga naman!

Ang Isyu sa Dagdag-Pensiyon at si Binay

…kung suwertehin nga naman!

Ni Apolinario Villalobos

 

Ngayo’y may taong masaya, abot tenga ang ngiti

Dahil umaayon ang mga pagkakataon sa kanya

Hindi man siya mag-ingay o magsalita sa radyo

Tiyak lilipat ang pansin sa kanya ng mga Pilipino.

 

Ang kay tagal inasam-asam na dagdag sa pensiyon

Pag-asang hinintay at kung ilang taong pinagdasal

Na sana ay makamit dahil ito nga ay napakahalaga

Subali’t sa isang pirma lang ito ay nalusaw – nawala!

 

Si Binay ay napakasaya, si Mar nama’y natataranta

Paulit-ulit man niyang banggitin ang “daang matuwid”

Kulelat pa rin kaya nahihilo’t walang malamang gawin

Dahil mga Pilipino… sa kanya ay hindi na pumapansin!

 

Bakit o bakit, hindi man lang ito naisip ng isang tao –

Na patung-patong na ang mga kapalpakang ginawa?

Ang maliit na halagang ipinagkait sa mga pensiyonado-

Ay magiging bangungot at laging nakabuntot na multo!

 

Nakalimutan ba nila na ang alas ni Binay ay mga senyor?

Nakalimutan ba nilang may free birthday cake sa Makati?

At ito ay ibinibigay sa mga senior citizen tuwing bertdey?

Ngayon, sino baga ang naalimpungatan….?

Eh, di si Mar at may-akda ng “tuwid na daan”!