Down The Primordial Taal Volcano

Down the Primordial Taal Volcano

By Apolinario Villalobos

 

The wanderlust in us, members of the PAL Mountaineering Club, brought us together during the last week of January, 1980 for a trek down Taal, the “volcano island”, the country’s second most active volcano, the last eruption of which was in November 1977. It has a record 33 historical eruptions to date, with total casualties of 5,000 to 6,000, since 1572. The dormant Binintiang Malaki is the prominent cinder cone that can be seen from the view ridges of Tagaytay City. The Binintiang Munti crater is located on the westernmost tip of the island. The most recent period of activity of the volcano took place between 1965 and 1977, with the area of activity mainly felt in the vicinity of Mt. Tabaro.

 

Geographically, Taal Volcano and its lake are located in the province of Batangas. Its northern half is within the jurisdiction of Talisay, the southern half within San Nicolas. Other towns that encompass the lake, include Tanauan, Talisay, Laurel, Agoncillo, Sta. Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete and Mataas na Kahoy. The lake of the volcano is the “largest lake on an island in a lake on an island” in the world, and this lake also contains an island, the Vulcan point.

 

That early morning of our departure for Tagaytay, everybody was excited, as although, most were seasoned mountain climbers, it would be their first time to go down to this low-lying volcano. At eight sharp, the driver of the “baby bus” that we hired in Baclaran, turned on the engine and we were on our way. We took the Zapote road, instead of the superhighway (now, SLEX) and this option gave us the opportunity to have a glimpse at the saltbeds of Paraῆaque, the old houses along Las Piῆas and the church where the Bamboo Organ was kept.

 

As there was not much traffic, in a little more than two hours of travel, we already felt the cold air caressing our face, indication that we are within the vicinity of the resort capital of southern Luzon. Sights of fruit stands along the highway confirmed our arrival in Tagaytay city. There was a last-minute shopping of provisions such as extra rolls of film, food and drinks.

 

We took a dusty road down the range on which our bus seemed to groan as it made swerves down and up, following the zigzag. After almost forty minutes of tortuous bus ride down the road, we reached Sampaloc, a barrio of Talisay where we were supposed to take off for the island volcano. But since there was no available big boat that could accommodate the whole group, it was decided that we proceed to the Talisay, the town to look for one. However, five of us in the group decided to stay behind and take the small boat that would take us ahead of the rest to the island – a wrong decision. The five of us thought that our destination was the prominent big crater, the Binintiang Malaki, because for us, that was already Taal volcano. The rest of the group which anchored their own decision on the suggestion of their boatman, decided to go to the new crater at the westernmost tip of the island. Clearly, there was no unanimous decision as to which docking areas that should be targeted, and the problem was not patched up because there was yet no cellphone that time.

 

The five of us proceeded to the beach of Binintiang Malaki and waited for the rest, thinking that they made the same decision. A quarter of an hour was spent waiting for them, until we decided to proceed with our trek towards the dead crater. The Binintiang Malaki was quite a challenge to us, despite its low elevation, because of the thick growth of cogon and talahib grasses. In half an hour, we were able to reach the crater and after some time of dilly dallying for photo opportunities, we practically slid our way down back to the beach.

 

While we were preparing our lunch, we worried about the bigger group that could have “lost” their way. Later, when we met again at Talisay, we found out that while we were worrying for them, they were having a grand time in traversing the island towards the new craters. According to Ceres Noble, they had a grand time trudging on gullies of hardened lava, cogonal land and a small desert of sulfuric sand.

 

The boatman that we contracted would be fetching us the following day, yet, so that our group spent the night at Binintiang Malaki. We had a bright evening on the beach as the moon was at its fullest. Under its gaze, we retired for the night lulled by the waves of the lake. But in the dead of the night, I could hear yet the old woman in Sampaloc, who told me many things about Taal when it erupted in 1911.

 

“Everybody panicked and there was a scramble for the boats, but a child was mysteriously saved by an overturned big kettle. That was how Matandang Bulkan (Binintiang Malaki) was formed,” she said. As years passed, the villagers along the shores of Talisay would constantly hear the island rumble. Many time, too, the islanders were evacuated due to minor eruptions.

 

The lake teems with freshwater fish such as tawilis, siliw, maliputo, ayungin, dangat, dulong, and carp. Anglers from Manila and nearby towns frequent the lake for leisurely fishing.

 

When our group finally met the splintered group that we thought got lost, there was an endless exchange of adventures. Of course, those that went traversing got the most, because our group just spent an idyllic time on the beach of Kabintian.

 

Tagaytay today has developed into some kind of a mountain resort with resthouses mushrooming on its mountain slopes facing the lake. Add to this the exotic restaurants and greenhouses that where flowers and vegetables from other countries are nurtured. It is also the site of prominent seminar venues and retreat houses, not to mention the park which offers horseback riding.

 

It is possible to commute to Tagaytay from Manila by taking buses from Baclaran with travel along coastal road, taking only about two hours (without much traffic). Another option is by taking a bus from Alabang. For groups, however, it is advised that a transport be contracted. Most importantly, one should fill his purse with plenty of money for the fresh fruits, vegetables, and bottled jams and jellies, for which Tagaytay is proud.

 

Kung Si Miriam ang Presidente

Kung si Miriam ang Presidente…

ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na kailangan pang dugtungan ng apelyido

Ang pangalang Miriam na binanggit sa titulo

Nag-iisa lang siya sa larangan ng pulitika

Isang matapang at matalinong Ilongga.

 

Nakilala siya sa walang tapang na pananalita

Walang pinipili, basta’t nagkamali ay tinitira

Kahit sa harap ng kamera o mikropono

Salitang bibitiwa’y tatama…sigurado!

 

Walang takot sa mga banta sa kanyang buhay

Noon pa man daw, handa siyang mamatay

At huwag na huwag daw siyang tatakutin

Dahil ang bala ay kanyang kinakain!

 

Ganyan katapang si Miriam Defensor-Santiago

Minsan nang tumakbo noon sa pagkapangulo

Subali’t dahil sa karamdamang lumala daw

Sa karerang umiinit sana, siya’y bumitaw.

 

Siya ay nagpahiwatig uli ng interes na panibago

Na sa 2016 eleksiyon, tatakbo bilang pangulo

Isang Constitutionalist sa kanya’y nag-udyok

Upang ang hamong ito’y kanyang masubok!

 

Kung siya ay maging Presidente, aasahan ko na

Ang mga tiwali na sa gobyerno’y naglilipana

Siguradong mapapalis ng walang pasubali

Dahil noon pa’y, galit siya sa mga mali!

 

At siyempre pa, mga bulwagan ng Malacaῆan

Ay sisigabo na sa matutunog na halakhakan

Mga Miriam jokes ay siguradong aalagwa

Upang dadalo sa miting ay di manawa!

 

Maibabalik kaya niya ang parusang kamatayan?

Mapapabilis kaya, mga natenggang paglilitis?

Bababa kaya ang mga presyo sa palengke?

Bababa rin kaya ang lahat ng pamasahe?

 

Mababawi kaya ang Sabah mula sa Malaysia?

Marerespeto na rin kaya ang Pilipinas ng Tsina?

Ang oil deregulation kaya ay bibigyang pansin?

At presyo kaya ng bigas ay maibababa na rin?

 

Mga relokasyong tirahan kaya’y matatapos na?

Pati na nabinbing tulay, eskwelaha’t kalsada?

Tanggal rin kaya, mga kapit-tukong opisyal?

Mga pasakit sa mga Pilipino na kay tagal?

 

Sa dami ng mga gagawin ni Presidente Miriam

Sana nama’y hindi bumalik, mga dinaramdam

Mga sakit na sa katawan ay magpapagupo

Huwag naman sana, upang di siya sumuko!

 

Kapag Nag-field Work ang Mga Taga-Gobyerno

Kapag Nag-Field Work

Ang Mga Taga-Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Dalawang araw makalipas mula sa petsang ito, lumabas sa TV si Sec. Abaya na naglalakad sa riles ng MRT…nakaputing barong, may mga alalay at pinapayungan! Tinanggap niya ang challenge na sumakay sa MRT upang “maranasan” ang nakakaburyong na sitwasyon kapag sumakay ang isang simpleng mamamayan sa mass transit system na ito. Okey naman daw. Bakit hindi? Sumakay ba naman ng bandang ala-una ng hapon ayon sa mga nagkober na reporters, oras na walang pila dahil hindi rush hour, at ang sinakyan pang bagon ay para sa mga babae, buntis, matanda at may kapansanan! Kaya ang sagot niya sa mga nagrereklamo, wala ring kwenta.

 

Hindi nalalayo ang sa ginawa ni Sec. Abaya ang ginagawa ng mga taga-ahensiya ng gobyerno na ang trabaho ay mag-monitor ng mga presyo sa palengke. Kung pumunta sila ay may prior notice kaya maraming pulis sa mga pupuntahang lugar, may mga bitbit din na mga alalay mula sa opisina mismo at higit sa lahat, may mga kamerang nakatutok sa kunwari ay pagtistsek ng mga price tags. Kapag lumabas na ng palengke, may mga nakaabang na magpapayong. Dahil naanunsiyo ang pagdating, siyempre ibang mga price tags ang naka-display, at pag-alis nila, balik na naman sa masayang pataasan ng presyo!

 

Sa isang pagtitipon na pinuntahan ko, may darating palang isang mayor na bisita rin. Halos nasa kalagitnaan nang programa nang dumating siya na maraming bitbit na alalay. Maliit siya kaya siya “nalunod” sa dami ng nagtatangkarang bodyguards. Pagkatapos ng programa, nilapitan ako ng isang kaibigan ko na nadaanan ng grupo ni mayor at nagsabing narinig daw niya ang instruction ni mayor sa isang lalaking katabi niya na: “… yong cameraman lapitan mo na at ituro kung saan ako uupo, ihanda mo na ang pang-abot mo”.

 

Sa isa namang pasinaya ng isang art gallery sa MegaMall, inimbita ako upang mag-emcee. Sa labas lang ng gallery ang programa para sa mga piling bisita kasama ang isang dating senadora at isang dating mayor ng malaking lunsod at ngayon ay may bagong pwesto sa gobyerno. Okey lang ang dating senadora na dumating ng maaga kaya naupo na lamang muna habang hinihintay namin ang iba. Maya-maya lang parang may nagkagulo dahil ang mga taong dumaan ay nagmamadaling hindi maintindihan. May mga dumating na mga naka-short sleeves polo barong at nagpapatabi ng mga tao, pati ako ay “nahawi”. Umalma ako at tinanong ko ang “humawi” sa akin, kung bakit. Sabi niya habang may kayabangang nakatingin sa mga mata ko ay, “dadaanan si mayor, kaya tumabi ka!”, halos pasigaw niyang sabi sa akin. Nagpanting ang tenga ko at sinagot ko siya ng “sira ulo ka ba, eh, may program dito sa dinadaanan ninyo at emcee ako?” Sagot niya, “diyan pupunta si mayor, eh”. Sa inis ko, sinabihan ko siya ng, “ikaw ang tumabi dahil hawi boy ka lang, emcee ako dito!”. Maya-maya dumating ang sinasabing mayor na noon ay hindi ko pa nakita ng personal, pero narinig ko na ang pangalan.

 

Nang kausapin ko ang mayor para hingan ng kunting impormasyon para magamit sa pag-introduce ko sa kanya, binanggit ko ang inasal ng alalay niya. Sabi naman niya na nagpahupa ng galit ko ay, “pasensiya na po kayo at pagsasabihan ko”, sabay ngiti ng pagkatamis-tamis na isa sa mga trademark niya ngayon. Kilala daw pala ang dating mayor na ito dahil sa dami ng “hawi boys” niya.

 

Ang dating senadora naman na ininterbyu ko rin para makuhanan ng konting impormasyon ay halos ayaw ibuka ang bibig kung magsalita at walang kakurap-kurap ang mata, at ni hindi man lang ngumiti. Inakala kong may sakit siya. Nang kausapin ko ang misis ng pintor na nag-imbita sa akin upang maging emcee, sabi niya pasensiyahan na lang dahil baka bago lang nainiksiyunan ng botux sa pisngi at noo. Seryoso siya sa pagsabi sa akin pero dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng botux noon, inakala ko na lang na gamot laban sa allergy, kaya naawa ako sa dating senadora. Sayang nga naman ang mukha niyang makinis at walang kulubot kung magka-allergy!

 

Ang pinaka-commendable na senadorang nag-fieldwork upang mangalap ng first- hand information sa imbestigasyong gagawin ng komite niya sa MRT ay si Sen. Grace Poe na isang staff lang ang dala nang pumila upang makasakay sa MRT. Unannouced din ang pagsakay niya kaya parang hindi lang din sinasadya na may nakapansin sa kanyang taga-media. Walang special treatment na ibinigay, at nadanasan din niyang “makainan” ng tiket, hanggang sa makipagsiksikan sa pagsakay. Peak hour nang sumakay siya, alas-otso o pasado ng kunti daw ng sumakay siya kaya sapol niya ang pahirapan sa pagpila bago makarating sa ticket booth.

 

Kung ang ginawa ni Sen. Poe ay gagawin ng mga taga-DTI at taga-Department of Agriculture kung mag-tsek sila ng mga presyo sa palengke, marami silang mahuhuling mga tiwaling negosyanteng nagtataas ng mga presyo na labag sa batas. Pero hangga’t ang gagawin nila ay puro photo opportunity lamang, hindi sila nakakatulong sa Pangulong pilit na inilalagay sa tamang kaayusan ang mga sistema sa Pilipinas.

 

Sa isang banda, hindi maikakailang may mga service vehicle ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na kung mag-field work sila, pero sana naman ay huwag nang magsalita upang kontrahin ang mga tunay na nangyayari pagdating sa mass transport system ng bansa, dahil hindi naman nila nadadanasan ang magpakahirap sa halos araw- araw na lang, makarating lang sa patutunguhan.

 

 

 

Ano Ang Mga Iiwanan ni Pnoy na Dapat Ipagpatuloy…kung may eleksiyon man sa 2016?

Ano ang Mga Iiwanan

Ni Pnoy na Dapat Ipagpatuloy

…kung may eleksiyon man sa 2016?

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon sinabi ni Lacierda ang mga katagang, “anything can happen”, ang pinakahuli naman ay “kung matutuloy ang eleksiyon sa 2016”. Si Pnoy naman binibitin ang kabuuhan ng bansa sa ere ng alanganin sa pagsabing “pakikinggan ko muna ang mga boss ko”, kaya kahit mga kaalyado niya ay nagsasabi (ewan kung totoo), na maski sila hindi alam kung ano talaga ang plano ng Presidente. Kung ang iniisip lang ng presidente ay kapakanan ng taong bayan dapat tuldukan niya ang mga haka-haka ng isang simpleng kumpirmasyon lang naman mula sa bibig niya na talagang bababa siya sa 2016. Bakit ayaw niyang gawin?

 

Ang ibang naniniwala sa kanya ay nagsasabing kailangang maipagpatuloy ang mga repormang nagawa niya, kaya para siyang nag-aalangan. Ano ba ang mga ginawa niya na dapat ipagpatuloy, mga bago mang programa o mga reporma, o mga bagay at pangyayari na magsisilbing tatak niya bilang presidente, at maiiwanan upang maalala siya?

 

Sa pagsimula pa lamang ng kanyang administrasyon, may bulilyaso na agad – ang Luneta hostage taking na ikinamatay ng mga turistang galing sa Hongkong. Ang request ng hostage taker ay kausapin siya upang masabi sa kanya ang isang hinaing, subalit hindi niya napagbigyan. Karamihan sa mga turista ay namatay nang magwala na ang hostage taker. Hiningi ng Hongkong ang kanyang public apology, na hindi rin niya ibinigay dahil na rin siguro sa payo ng nakapaligid sa kanya dahil ayon sa kanila, hindi pang-nasyonal na libel ang isyu. Para na rin nilang sinabi na hindi dapat nagpo-promote ang Department of Tourism ng turismo para kumita ang Pilipinas, isang nasyonal na adhikain. Si dating presidente Joseph Estrada ang nagpahupa sa galit ng mga Tsino. Ang credit ay muntik nang agawin ng administrasyon sa pamamagitan ng isa nitong tauhan sa pagbigay ng sarili niyang bersiyon ng report tungkol sa paghupa ng galit ng mga Tsino.

 

Nagkaroon ng mga report tungkol sa pagpasok ng mga Tsino sa teritoryo ng Pilipinas na dating tawag ay South China Sea, at para lang magkaroon ng anyong Pilipino ang teritoryo ay tinawag na West Philippine Sea, na wala ring silbi dahil patuloy ang paglapit at pagpasok ng mga Tsino sa teritoryo ng bansa. Hindi pinansin noon pa man ang problema, at kung nagsampa man ng kaso sa international court ay pagkalipas pa ng mahigit isang taon. Kung anu-ano na ang pinaggagawa ng mga Tsino sa mga bahura upang makaiwan ng tatak o palatandaan ng pagmamay-ari nila. Pati ang gobernador ng Palawan na pupunta sa islang may mga Pilipino nang namumuhay ay sinita ng Chinese Navy. Nitong huling mga araw, pati si Alunan ng West Philippine Sea Commission ay nabahala na rin kaya lumitaw na at nagsalita na nagsabing ilang daang milya na lang ang layo ng mga barko ng mga Tsino mula sa baybayin ng Pilipinas. Walang narinig mula sa Malakanyang.

 

Naglutangan ang mga report sa TV, diyaryo at radyo tungkol sa patuloy at matagal na palang ginagawa ng mga dayuhan sa pagmimina ng black sand sa hilagag bahagi ng bansa, pumunta pa mandin si de Lima na may mga kasamang reporter at nanita kuno, subalit wala ring nangyari dahil patuloy pa rin ang pagmimina hanggang ngayon. Walang narinig mula sa palasyo ng Malakanyang, kahit kapirasong pagkabahala dahil marami nang apektadong ilog at bahagi ng karagatan na ikinatigil ng pinagkikitaang pangisda. At para bang hindi pa sapat ang hayagang pag-alipusta sa likas na yaman ng Pilipinas, may mga mambabatas na gusto ay baguhin ang mga provision sa Saligang Batas tungkol sa ekonomiya na sumasaklaw sa paglimita ng pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansa at pagmimina ng likas na yaman. Wala ring narinig na salita mula sa palasyo, ganoong ang dating presidenteng Cory Aquino pa ang nagtaguyod ng nasyonalismo ng ekonomiya ng bansa noong nakaupo pa ito sa Malakanyang.

 

Napansin ang tila paglalarong ginagawa ng mga negosyante ng langis sa presyo nito, na magbabawas ng kung ilang sentimo sa halaga subalit kung magtataas naman ay tatlo o higit pang doble. Ang panawagang pag-aralan uli at posibleng pagtanggal ng batas na nag-deregulate sa presyo ay hindi pinansin. Walang narinig mula sa palasyo.

 

Sumabog ang anomalya ng PDAF at sa kabila ng mga testimonya ng mga whistle blower ay malamya ang pagtakbo ng imbistigasyon. Maraming nagtanong kung paanong ang isang hindi umabot ng kolehiyo na tulad ni Napoles ay naging matalino sa pagmani-obra ng pondo upang mailagak sa mga ghost NGOs at Foundations nito. Nagkabistuhan ng iba pang mga kaso na maski ang mga janitor ng DBM ay nakakapag-seroks ng mga dokumento na may kinalaman sa maanumalyang paggamit ng pork barrel fund. Marami uli ang nagtanong kung saan galing ang mga papeles na naseroks. Nang magsalita si Napoles, ibinulgar niyang ang ideya sa pagtatag ng mga ghost NGOs at Foundations at kung paanong “mamili” ng mga proyekto ay galing daw kay Abad noon pa man, at ngayon ay kalihim na ng DBM. Walang kibo ang palasyo ng Malakanyang. Hanggang sa mabisto na hindi lang pala PDAF ang may anomalya, kung hindi ay pati na sariling DAP ng Malakanyang ay maanomalya din, ayon na rin sa Korte Suprema. Abut-abot ang paliwanag naman ni Abad subalit, para sa mga nakakaunawa, lalo na ang mga bihasa sa Constitution, ang mga paliwanag niya ay hindi katanggap-tanggap.

 

Naging emosyonal ang pagpirma ng draft ng mga dokumento para sa kasarinlang pamahalaan ng Bangsamoro na inaadhika ng MILF. Minadali, kaya sa tingin ng nakararaming taga-Mindanao, ay para bang hilaw. Ni hindi naisali ang tungkol sa Sabah na pinaglalaban ng sultanate ng Sulu. Nagkahiyaan siguro, dahil isa sa mga mediator ay Malaysia. Dahil sa mga pangyayari, wala na yatang pag-asang mabawi pa ng Pilipinas ang Sabah na noong panahon ni Marcos ay muntik na kung hindi lang sa pakikialam ng isang nagmarunong na senador, na nagbulgar ng plano! Sa ngayon ang kasunduan ay parang mababalintuan dahil marami na ang kumukwestiyon na mga taga-Mindanao. Idagdag pa diyan ang hayagang sinasabi ng Kongreso na hindi papasa sa kanila ang panukala. Mabubulilyaso pa yata.

 

Hinagupit ng mga kalamidad ang Pilipinas na ang pinakamatindi ay ang bagyong Yolanda na nagpahapay sa eastern Visayas. May ni-report ang pangulo noong nag-SONA siya, tungkol sa mga agarang ginawa daw ng kanyang mga ahensiya, sa loob ng 24 hours. Mariing pinabulaanan ng mga galit na galit na taga-Tacloban dahil ang totoo raw ay lumipas pa muna ang ilang araw bago may nakarating na tulong mula sa pamahalaan. Nang nagdatingan ang mga tulong galing sa ibang bansa, halos wala ring nakarating sa mga dapat makatanggap dahil ang dahilan ng DSW at iba pang ahensiya, sira ang mga tulay at mga kalsada. Nagturuan pa kung sino ang may kakulangan na na-broadcast sa buong mundo. Ang mga relief goods pinagtatago. Yong iba, lumitaw subalit bilang paninda. Yong iba, in particular yong nasa Cebu, nakunan ng CCTV na hinahakot, ninanakaw. Nagturuan ang mga ahensiya. Ang mga unang “barracks” na itinayo, hindi angkop na tawaging tirahan…ang mga yero ay maninipis, ang mga kahoy ay coco lumber, maliliit ang espasyo, walang kubeta, walang mapagkukunan ng maiinom na tubig, etc. Mismong ang rehabilitation czar na si Lacson ang unang nagpaputok ng balita subalit sa hindi malamang kadahilanan ay kumambyo at nagbago ng salita. Maraming dinadahilan ang gobyerno kung bakit hindi matapos-tapos ang proyekto.

 

Kung ano ang kapalaran ng mga Tacloban, lalong matindi ang kapalaran ng mga taga-Zamboanga na hanggang ngayon, ang mga evacuees ay nasa mga grandstand at mga bakanteng lote pa rin!

 

Nagsiritan ang mga presyo ng bilihin sa palengke – bigas, gulay, isda, karne. Puro paporma sa kamera ang nangyaring inspeksyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa ang mga presyo. Ni walang effort man lang na makontrol ang mga presyo…puro “suggested retail price” ang sinasabi ng taga-DTI at Department of Agriculture. Nagpakawala ng bigas ang NFA, pero limitado sa dalawang kilo lamang bawa’t mamimili. Nagsalita pa ang taga-Department of Agriculture na bababa rin daw ang mga presyo bago magpasko. Kung hindi ba naman ha….al! Paanong bababa, eh, Setyembre pa lang tradisyon na o nakaugalian na ang pagtaas ng presyo! Kaya asahang halos dodoble ang mga presyo ng mga bilihin. Idagdag pa diyan ang dinadahilan na kakulangan sa mga imported goods dahil sa problema sa adwana – problema ng mga truckers na naging dahilan sa pagkatengga ng mga container vans na ang mga laman ay hindi maideliver sa tamang oras dahil sa trak ban! Wala ring narinig mula sa palasyo tungkol dito…sa kabila ng panawagang mamagitan ito.

 

Ang listahang ipinangako ng DBM sa senado tungkol sa mga proyekto, na isasabmit daw mismo ni Abad pagkatapos ng hearing na dinaluhan niya sa Senado, hanggang ngayon puro pangako, kahit na pina-follow up ng mga senador. Ito ang mga detalyadong listahan ng mga proyekto na magpapatunay sa “makatotohanang” paggastos ng DAP fund. Totoo kaya ang mga sinasabing proyekto? o kathang isip lang kaya walang magawang listahan!

 

Wala nang narinig mula sa Department of Justice tungkol sa second batch at third batch ng mga kakasuhang mga mambabatas, pati na ang tungkol sa kaso ng Malampaya na mas malala pa kaysa PDAP. Sa mga ito, wala man lang nakitang pagkibo mula sa Malakanyang.

 

Tungkol sa pinipilit ng Malakanyang na pag-asenso ng ekonomiya, sabi ng mga eksperto sa bagay na ito ay pawang mga report lang na hindi makatotohanan. Gusto lang yatang palabasin na maganda ang credit standing ng Pilipinas upang makautang uli ang Pilipinas at mahuthutan ng mga bankong may kinalaman sa ganitong transaksyon. Mismong si Briones na halos ang hinihinga ay mga numero ng istatistiko at naging National Treasurer pa ang nagsabi na walang katotohanan ang report ng Malakanyang tungkol sa pag-asenso ng bansa.

 

Natengga ng matagal ang isyu sa rehabilitasyon ng MRT dahil nagpakatuko sa kanyang pwesto yong dating namamahala na malapit kay Abaya. Hindi umusad ang proyekto dahil sa palitan ng mga kasong graft sa pagitan ng nagreklamong bidder at ni Vetangcol na magreresayn din lang pala, ay kung bakit umistambay pa ng kung ilang buwan. Nagkaletse-letse ang operasyon ng mga tren at sinisi ang kung anu-ano na lang, ganoong may nanalo namang bidder sa pagmintina na wala rin palang binatbat. May naparusahan ba?

 

Ang nakikita ng mga tiwali ay kalamyaan sa pagpapatakbo ng gobyerno na pinapakitang “matigas” kaya hindi nakikinig daw sa mga sulsol. Hindi nakikinig? Ang pangulo na mismo ang nagsabi na “makikinig daw siya sa mga boss niya”….sino ba ang mga boss niya?

 

Dahil sa kalamyaan, walang napaparusahan…nagkakahiyaan yata! Di kaya dahil sa utang na loob? Ano ngayon ang mga programang dapat ipagpatuloy kung bababa siya sa 2016…kung may eleksiyon man?

 

Maaalala si Pnoy na naging presidente ng Pilipinas kung kaylan ang nagugutom ay lalong nagutom, kung kaylan ang talong ay naging Php130.00 ang kilo, kung kaylan ang bawang ay naging Php350 ang kilo, kung kaylan ang okra ay piso isa, kung kaylan ang isang tale ng 4 na pirasong talbos ng kamote ay limang piso, kung kaylan ang galunggong na noong panahon ng nanay niya at may presyong Php25 at namimintina na sana sa halagang 80-100 pesos ang kilo ay naging Php150 na, kung kaylan ang ordinaryong commercial rice ay hinaluan ng binlid o durog na bigas na pagkaing hayop at ibinenta sa palengke upang makain ng mga kawawang Pilipino, kung kaylan ang isang pamilyang may anim na miyembro ay nakakabili ng dalawang kilo lamang na NFA rice dahil sa limitasyon sa isahang pagbili kaya kailangang bumalik sa pilahang mahaba upang makabili uli, kung kaylan ninanakaw ang mga relief goods na itinago sa mga bodega sa halip na ipamigay sa mga apektado ng kalamidad. Maaalala rin siya sa mga tapagpasalita niya lalo na yong nagsabing “bakit ipagpipilitan ang pagsakay sa LRT, ganoong may bus naman”, “konting tiis muna”, “anything can happen”, “kung may eleksiyon…sa 2016”. Maraming bagay na magpapaalala kay Pnoy – puro hindi maganda!

 

Isa lang akong ordinaryong mamamayang gumagamit ng mga simpleng salita na ginagamit din ng ordinaryong Pilipino sa kalye sa pagpapahayag ng totoong damdamin. Hindi ako bulag at bingi… at namamalengke ako…bumibili ako ng gamot…sumasakay sa dyip at bus. Marami rin akong kaibigang iskwater na nakakausap at kumakain ako ng kinakain nila. Hindi ako yong taong paglabas ng bakuran ay nakasakay sa kotse at hindi man lang nakasilip sa isang squatters’ area.

 

Naglibot ako sa Luneta, ika-25 ng Agosto, na araw sa pagkalap ng mga pirma para sa tuluyang pagbasura sa pork barrel, isang effort na tinawag na People’s Initiative. Ito rin ang araw ng People’s March papuntang Mendiola. Nagkita kami ng mga kaibigan ko na tulad ko ay apektado ng mga katiwalian sa gobyerno. Marami kaming nakausap na mga taga-Tacloban na hindi pa nakakauwi kaya pumunta na rin sa Luneta upang maglabas ng sama ng loob tungkol sa mga kasinungalingang pinagpipilitan ng gobyernong paniwalaan ng mga tao.

 

Tulad ng sinabi ko na sa isang naipahayag ko noon, hindi kailangan ang sobrang katalinuhan upang maunawaan ang mga tunay na pangyayari na dahilan ng tuluy-tuloy na pagdusa ng mga Pilipino. Ang tinutukoy kong mga Pilipino ay yaong halos walang pambili ng gamot o pampa-ospital kaya namamatay na lang sa bahay. Hindi ko tinutukoy ang mga Pilipinong nakakariwasa sa buhay na hindi man lang nakatapak sa maputik na palengke… silang hindi nakadanas pumila sa bilihan ng NFA rice, silang sa supermarket at groceries namamalengke, silang ang binibiling bigas ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 50pesos ang isang kilo, silang ang pambili ng gasolina para sa kotse nila ay barya lang ang turing , silang ang pagwi-weekend sa mga resort ay parang pasyal lang sa kapitbahay… kaya balewala sa kanila ang mga nakababahalang nangyayaring kapabayaan ng gobyerno!

 

Saan Galing ang Yaman ng Mga Binay?

Saan Galing ang Yaman ng Mga Binay?

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang tanong na yan ang dapat na pinagbatayan ng akusasyon ng isang taong katunggali ng mga Binay sa pulitika, at hindi lang ang tungkol sa overpriced daw na parking building sa Makati. Nagmadali siya sa ginawa niyang pagdemolis sa reputasyon ng mga Binay kaya medyo bitin ang exposition niya.

 

Walang malisya ang katanungan. Naayon lang ito sa ambisyon ng Bise-Presidente Binay na maging pangulo ng bansa, kaya may karapatan ang mga Pilipinong malaman kung paanong lumago ang kabuhayan nila. Ang tanong na ito ay tinatanong na rin sa iba pang mga opisyal ng bansa. Dapat lang na maging tapat siya sa paglantad ng lahat-lahat for the sake of transparency, wika nga. Kung rags to riches ang kwento ng buhay niya, aba’y makaka-inspire pa siya.

 

Kung taga-Makati ang taong nagreklamo, dapat inalam niya ang pinanggalingan ni Bise-Presidente bago naging mayor ng Makati. Sa ganoong paraan nakapag-develop sana siya ng mas matatag na katanungan at kaso na hindi basta-bata maiikutan. Subalit sa isyu pa lang ng cake, sumablay na yata ang nagreklamo dahil nabuwag ang sinabi niyang halos isang libo daw ang halaga ng birthday cake para sa mga senior citizen ng Makati. Sabi ng mga taga-City Hall, ang halaga ay mahigit ng konti sa tatlong daang piso lamang daw, may pinakita pang purchase order yata. Ang sunod na tanong dapat sana ay kung sino o sinu-sino ang may-ari ng bakery na gumagawa ng cake.

 

Marami ang nagsasabi na hindi naman mayaman ang angkan ng mga Binay. Isa lang daw ordinaryong mamamayan noon si Bise-Presidente. May kaibigan akong nagkwento na kapitbahay at barkada daw nila ang Bise-Presidente, at kainuman pa nila ito, sa bangketa, labas ng gate pa daw nila kung minsan. Masipag daw ito at nagsimula sa isang simpleng negosyo na umunlad naman, pero hindi ganoon ka-bigtime, hanggang naging opisyal ng Makati at doon nagsimula ang kanyang “suwerte”. Marami na lang daw ang nagulat sa biglang pagyaman ng mga Binay.

 

Kung pagbabatayan ang mga kinita ng Bise-Presidente noon bilang opisyal ng Makati sa matagal na panahon, magkano ang naipon nila mula sa sweldo niya? Kahit kumikita pa ang kanyang asawa mula pa noon, ganoon ba kalaki ang kanilang pinagsamang kita upang sabihing kumita sila ng malaki? Dapat unawain na may mga anak din silang pinapaaral, kaya hindi rin basta-basta ang mga gastusin nila.

 

Noong-noon pa man umugong na ang ang mga kwento tungkol sa pagkakaroon din ng mga “foundation” ng mga Binay dahil marami daw silang tinutulungang mga taga-Makati. Nakikita nga naman ang mga pruweba – mga scholars, yellow cards para sa libreng pagpapagamot at ospital, Ospital ng Makati, University of Makati, at ngayon ang mga senior citizens na may cake tuwing birthday at ang halaga ay umaabot sa milyones, isama pa diyan ang libreng sine na subsidized din ng Makati, at may monthly allowance pa yata. Marami ngang lokal na pamahalaan ang gumaya sa sistema nila lalo na sa libreng sine. Malaki ang gastos, subali’t malaki rin ang kinikita ng Makati bilang first class na siyudad, kaya pasok na pasok kung kukunin sa buwis ang mga panggastos.

 

Kung ang mga proyekto ay ginastusan ng Makati na tulad ng pinagpipilitan ng mga Binay, hindi pala dapat isiping may utang na loob ang mga taga-Makati, lalo na ang mga mahihirap, sa kanila. Ang tanong ngayon ay… bakit kailangan pang magtayo ng mga foundation kung totoo man, upang lagakan ng mga pondo, kung pwede naman palang idiretso ng pamahalaang Makati ang pagbigay ng tulong, dahil maaayos naman ang mga proyekto? Hindi ko maiwasang magtanong nito dahil marami na rin akong nalaman batay sa pagsubaybay ko sa mga hearing tungkol sa eskandalo ng mga foundation ni Napoles na tinaguriang “pork barrel” scandal o PDAF scandal.

 

Gusto ni Binay na maging Presidente ng Pilipinas. Iniisip siguro niyang ang nagawa niya sa Makati ay magagawa rin niya sa Pilipinas bilang presidente. Subalit hindi niya naisip na iba ang sitwasyong nasyonal kung ihambing sa lokal na sitwasyon na pinanggalingan niya. Mayaman ang Makati sa buwis at kayang-kaya ang mga gastusin, at isa lang itong siyudad kung ihambing sa Pilipinas na isang bansang maraming problema sa iskwater, gutom, unemployment, korap na mga opisyal at marami pang iba. Ang Pilipinas ay kinakapos ng budget, ninanakaw pa ang kakarampot na nakatabi! Ano ang gagawin niya kung presidente na siya? Kukuha rin kaya siya ng isang “matalinong” taong mamamahala ng Department of Budget and Management?

 

Sa pagpapatayo niya ng parking building, pinagdudahan na siya dahil overpriced daw, kaya malamang pinagkitaan niya, paano na lang kung ang hawak niya ay buong Pilipinas? At ngayon, lumulutang ang mga alingasngas na isa lang daw ang parking building na na-overprice, at pinagkitaan! …sa lahat ng iyan, isa lang ang sagot niya…pinupulitika lang daw siya! Bakit hindi mangyari ang ganoon ay nasa larangan nga siya ng pulitika? Eh, di lumabas siya sa larangang iyan kung ayaw niyang mapulitika!

 

Lantarang sinabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya sa mga Aquino, dahil kung hindi daw dahil sa pamilyang ito ay wala siya sa kinalalagyan niya ngayon. Pahiwatig ba ito na kung sakaling swertehin siyang maging presidente ay maaari siyang maniobrahin ni Pnoy? Ang ganitong ugali ay tatak ng isang “trapo” – tumatanaw ng utang na loob. Ibig sabihin ay wala siyang tiwala sa kanyang kakayahan bilang pinuno…wala siyang sariling matatag na paninindigan. Yan ba ang taong gustong mamuno, na kahit maaga pa ay nagpahiwatig na ng interes, na animo ay mauubusan ng pagkakataon upang mangampanya? Sa isang banda ay maganda na rin ang ginawa niya dahil lumitaw ang tunay niyang kulay!

 

Ang mga binitiwang salita ni Binay na nagpahiwatig ng pagtanaw niya ng utang na loob sa mga Aquino ang sumira ng pagkabilib ko sa kanya. Yong mga tanong ko tungkol sa mga foundation ay binale-wala ko na sana, subalit napa-opps ako sa sinabi niya sa harap pa mandin ng mga kamera na tila ba proud siya na malapit siya sa mga Aquino dahil nga sa utang na loob!

 

Hindi kailangang magkaroon ng extraordinary na talino upang maunawaan at makita kung ano ang mga pangangailangan ng mga Pilipino at ng bansa sa kabuuhan. Lahat ng mga problema ay nakalatag na…hantad na hantad pa. Ang kailangan lang ay isang matinong mamumuno na malinis ang isip at walang bahid ng katiwalian. At ang lalong kailangan ay isang matatag na kaban na naglalaman ng perang kailangan. Subali’t dahil dapang-dapa ang ekonomiya ng bansa, mauulit na naman ang mga litanya ng pangako na mamumutawi sa bibig ng mga pulitikong halos tumulo ang laway sa pag-asam ng pinakamataas na pwesto ng bansa. At, bandang huli ay isisisi sa kawalan ng pondo ang hindi pag-usad ng mga proyekto, kaya ipipilit na wala siyang magawa kung walang natupad sa kanyang mga pangako.

 

Maraming pangako na ang nasambit ng mga kung sinong pulitiko. Nandiyan ang trabaho, malaking sweldo, pagbaba ng presyo ng mga bilihin, pagpapatatag ng Pilipinismo, kulang na lang ay sungkitin ang buwan para mag-brown out man dahil sa palpak na patakbo ng industriya ng enerhiya at kuryente, ay may liwanag pa rin ang bansa. At itong administrasyon naman, ay ang pakikinig daw sa mga boss at pagtahak sa matuwid na daan. Baka ang susunod na bibitiwang pangako ay ang paglipat ng Pilipinas sa isang malaking isla na ligtas sa baha…kung matutuloy ang eleksiyon sa 2016!

Mt. Apo…a visit after more than a hundred years

Mt. Apo…

a visit after more than

a hundred Years

By Apolinario Villalobos

 

If praises could be heaped, Mt. Apo would have mountains of them. All it takes for one to utter compliments is a good plunge into its fastness.

 

The Bagobos who inhabit its valleys are aware of Apo’s hidden pulchritude, wove tales around it, and told them from generation to generation. These tales which were narrated with realism later on spread to the lowlands and fired the imagination of a handful which later on multiplied to thousands.

 

According to these tales, Apo is the abode of Sandawa, a goddess who married Matutum, a god who lived on another mountain several ranges away. As the tale would further say, their solemn wedding took place on Apo’s summit, hence, the presence of an altar-like rock, that greets trekkers as they make their final long stride before slumping down for a refreshing rest.

 

Even with the mountain’s first attempted exploration in 1859 by Don Juan Oyanguren, Davao’s first Governor General, there was this unaffected attitude showed by the natives. With Oyanguren during that time were Datu Bago, two officers of the National Guards of Davao, thirty deportees and thirteen Bagobo porters. The first expedition was not successful despite their careful effort in following the flow of Tagulaya River from Davao. There were even fatalities and discomforts drove them back to Davao.

 

The second attempt was made in 1870 by Real, another military official who started the trek from Tubay, Sta. Cruz in southern Davao. With Real were a captain and thirty sailors. But like the first expedition, they failed in their bid. However, that time, there was no casualty, their only consolation.

 

A successful expedition made it to the summit in 1880. The “conquest” was made by Don Joaquin Rajal, the Spanish military Governor General of Davao. Sharing the laurel of success with Rajal were Dr. Jose Montano, a French scientist, Father Mateo Gisbert, S.J., a Jesuit priest, and several military officials. Guided by their Manobo porter-guides, they penetrated dense forests, endured pouring rains, the cold, and braved dangers which have always been part of Apo. On the sixth day of their trek, an hour after noon, they made it to the summit. It was a feat which today has inspired trekkers to do the same.

 

Like our predecessors, we let our Bagobo guide led us through the dense forests and four ranges of Apo, more than a hundred years after Rajal’s successful assault of the summit. That was during the centennial climb in 1980, when I and the PAL Mountaineering Club joined hundreds of other climbers from all over the country for a trek after more than a hundred years of Rajal’s conquest. We, too, braved the dangers and endured the cold. Berting, our barefoot and ever alert Bagobo guide was an unassuming figure who stood out in a group of natives at Ilomavis before the centennial trek to Apo started. Just like the rest of Bagobo residents around the area, he considered himself a part of Apo. His personality was oozing with confidence, so that we did not hesitate to entrust ourselves to him.

 

While on our way to Lake Agko from Ilomavis, I learned a lot from Berting. The most important was the customary greeting, “Lihatkay pa”, when passing by a group or a house. The greeting which literally means, “just passing by”, is a stranger’s announcement that he means no harm while passing through a group or a house.

 

Trails cut on the side of the mountain consisted part of the way to Agko through communities that were alive with everlasting flower, a kind of scentless summer bloomer. Patches of coffee trees, almost bare of late season fruits complement bananas and reluctantly growing corns in greening the valleys.

 

Ahead of us loomed the second mountain that we were to traverse, the following day. It promised an easy trek and surprises. Capped with unmoving cumulus, it looked challenging to us lowlanders, especially, because its dense fortification of tall trees was all that could be seen from Sayaban where we drank our last Coke for the week.

 

The sun was intense at this time, about three in the afternoon as we trudged on. With close to five hundred trekkers who took time out from their jobs at home and office, it was more like of a fiesta. The youngest among us was an eleven year-old boy and the oldest, a seventy year-old war veteran.

 

I had no idea how far it was to the first camp from where we started, this time under a shady tree in the yard of deserted shack. I was told just two to three hours away. It was Berting, our guide who told me. And, it could be based on his phase, I presumed. But with the breathtaking panorama ahead and below us, it was useless to reckon our progress.

 

Just before sundown, we found ourselves below the Agko camp which was bursting at the seams with so many trekkers. The log cabin which could normally and conveniently accommodate almost a hundred, overflowed with trekkers who did not bring their own tent. The caretaker, however, was obviously prepared for this influx as shown by a cleared area just in front of the cabin. A new latrine was also constructed in addition to the old one.

 

In no time at all, tents mushroomed on the ground where tall grasses once thrived. Campfires were made and soon, the air was filled with laughter, scents of frying fish and bacon. This was Lake Agko. The name, though, was more apt early in the morning when the small body of water was at its bluest. The thermal pool fed by hot and cool springs was a delight, especially, to those who made it their reason for coming. It had a therapeutic effect to the weary body so that some would soak themselves twice for the duration of their stay in the camp.

 

We woke up to a cold morning, the following day and reluctantly stretched out legs. We found out that others have already packed up to start the trek to the Hot Spring. From Lake Agko, we traced the trail to the Hot Spring. Although, the trail was clear, we found the ups and downs as not easy as we thought. We had yet to crisscross the Marble River nine times. And, this we would do after negotiating two ranges, yet. Exciting discoveries made us forget the difficulty of sliding down a muddy trail or clinging to rocks and roots to pull ourselves up. We love nature and this prevented us from plucking unusually beautiful plants along the way. Orchids hanging from branches overhead competed with each other in attracting us. And, there was the “moss forest” that intrigued us.

 

With the PAL Mountaineering Club were guest-climbers from Japan, members of the Roppongi Alpine Club. They were unanimous in admiring the mountain for its beauty, and to think that we have barely completed a quarter of the way to the summit.

 

Wasting only five to ten minutes of rest for every hour of our trek, we went on, cautiously treading perilous soft trails. I could feel that portions of what seemed be overly trodden trail were made up of moss and a misstep could lead to a disastrous fall over the cliff. Halfway to the Hot Spring was the Malou Shih Falls that emptied into the noisily gurgling Marble River. The waterfalls was named after one of the pioneers in promoting the mountain to the trekkers. Trying to drown the noise of the big river was the concerted chirps of the cicadas that abound in this particular part of the forest. Their solid racket was terrifyingly loud that one would think, they’re giant green insects.

 

Fallen logs hampered us, until we went down what appeared like the last downward trail to the river. We found it to be the last one, indeed. We also found the river teeming with restless trekkers. It was as if Apo was just a few blocks away from downtown and was being visited by weekenders. Fatigue was etched on every face. But there were few who managed to crack jokes and drowned the river’s noisy flow with peals of laughter.

 

Boulders and high-rise banks, as well as, thick ten-foot high grasses prevented us from going up to a flat surface. The easiest and most practical thing to do then was to crisscross the river nine times. Jumping from one protruding rock to another, we were able to avoid getting wet. Freshly-laid makeshift bridges also provided us with good footholds where gaps between rocks were wide. The usual chirps and all calls of birds prodded us on until we reached an opening on the left bank – trail that cut through a thick pocket of grasses.

 

It was almost noon when we reached the Hot Spring and some trekkers were already feasting on their cold packed lunches. The gushing cool spring water gave us a relief after the almost four hours of hike through the forest. Nearby was a waterfall, delicately flowing down a cliff, flanked by orchids and ferns. After the hastily eaten packed lunch, we proceeded with our trek as we had yet to traverse another mountain before reaching Lake Venado.

 

We went up a grassy trail that led to a mossed forest, a primary one, as indicated by its centuries-old trees. Mossy buttress roots provided us firm, though, soft ground, even short links over gaps made by gushes of springs. We bent and squeezed ourselves through meshes of intertwining branches and twigs. But those were nothing compare to the eighty-five degree face of a cliff that we negotiated a little more than half-way of the remaining trail to Venado.

 

After blistering our feet from the steep ascent, we came face to face with the formidable cliff. Everyone was trying to figure out how this almost vertical incline could be tackled. At this point, all four limbs were used. Protruding rocks and roots came in handy, as we gruntingly pushed ourselves up. It was so far, the most difficult part of the trek.

 

The rest of the way, were easy ones – over fallen logs and through thick bushes and lianas. We took everything in stride until we reached a thicker mossed forest. It served as some sort of a curtain which seemed to be hiding something. As we parted the last clump of tall grass from our way, we stepped out into a breathtaking spectacle – the panoramic Lake Venado, beautifully laid out at the foot of Mt. Apo. The scene was so breathtaking that we had to shout to release the choking tension within us.

 

We stood on a dry swampland without knowing what to do. Everybody was taken aback by the sight – gleaming white driftwood forest, extending branches of centuries-old trees and beyond, the summit of Apo which seemed to sparkle under the gleam of the four o’clock sun. The sight was beyond description. Words were not enough to help our eyes give justice to it which seemed to have magically unfolded before us. We were at a loss as to what to say. We moved on towards the placid lake. The sun was fast descending beyond the western horizon and this gave a more dramatic effect to the vapors emitted by Lake Venado.

 

Just before sundown, the rest of the trekkers arrived, likewise dazed by the sight. Tents were pitched lending color to the intriguingly drab surroundings. Campfires were lit just in time to counter the cold air that slowly enveloped us. It was a chilling evening, particularly at about ten when the temperature suddenly dropped more.

 

We woke up to a cold morning and sight of grass blades drooped by the weight of icicles. At about eight, when the bluish mist was beginning to disperse, the smooth-surfaced lake began to reflect the clear image of Apo’s summit. I took time to explore the surroundings of the lake, and when I went back to the camp, my buddies were all ready to “assault” the summit. The trail leading to the summit was well-trodden by trekkers, and in half-an- hour, we were greeted by a big rock, the “altar” – the summit, at last! In the early sixties, two trekkers were wed on this spot.

 

We were all kept busy in satisfying our curiosity by exploring the crater with its sulphuric yellow pillars, the twin peak, and the pockets of grassy nooks with dwarf plants. After the traditional photo opportunities to document our memorable feat, we retraced our steps back to Lake Venado to break camp and immediately trekked back to the Hot Spring where we pitched our tents for the night.

 

In the morning, we broke camp early as we intended to trek back all the way to Ilomavis for a ride back to Davao City, to catch up with the last flight for Manila in the evening. At Ilomavis, we were met by Pablo, the leader of Manobo guide-porters who bade us farewell but wished for our return. We told him that we will definitely be back, but may not be as a big group. Some members of the club were already making plans of celebrating their birthday on the summit, calling such as, “birthday climb”. I did it myself, together with some close climbing buddies.

 

The trek up Mt. Apo may be initiated either from the traditional trail in the Kidapawan side via Ilomavis, Makilala via New Israel, or Sta. Cruz via Baracatan. It is important that trekkers should coordinate with the Department of Tourism in Davao City, or the local governments of Kidapawan and Makilala.

 

 

 

Nadulas sa Pagsabi? O, Sinadya…”kung may eleksiyon sa 2016″

Nadulas sa Pagsabi? O, Sinadya –

“…kung may eleksiyon sa 2016…”

Ni Apolinario Villalobos

 

Talagang lumalabas na sa bibig mismo ng taga-Malakanyang na walang balak bumaba ang pangulo pagdating ng 2016. Maski pa sabihin pa ng kanyang ka-partido na talagang magkakaroon ng eleksiyon. Ang mga taga-Kongreso naman na kaalyado ay nagkukunwaring hindi sila papayag kung magkaroon man ng charter change, ito ay para lamang sa probisyon na pang-ekonomiya, at hindi gagalawin ang tungkol sa pulitika. Sino ang paniniwalain nila? Ang mga Pilipino ay nasanay na sa mga ganitong pananalita ng mga pulitiko. Kung gaanong kadali sa kanila ang magpalit ng partido o kulay, mas lalong madali para sa kanila ang magbago ng sinabi – dahil may malaking halimbawa…ang pangulo mismo na pabago-bago ng mga sinasabi at nagsasabi pa nga ng mga kwestiyonableng accomplishments ng kanyang administrasyon, batay sa ulat ng kanyang mga trusted na mga alalay!

 

Sa pagkampanya pa lamang ng pangulo noon, parang sirang plaka niyang sinasabi ang tungkol sa “matuwid na daan”, ang pagbaba sa 2016, ang pakikinig sa kanyang mga boss, at kung anu-ano pa…may natupad ba? Lalong lumala ang kanyang gawi nang manungkulan at inalalayan ng mga taong sobra niyang pinagkatiwalaan na nang lumaon nagdiin lang sa kanya sa putik ng alanganin. Sa kabila ng mga payong bitiwan niya itong mga tao upang matuloy ang pagpapatupad niya ng mga pagbabago at pagtahak tungo sa matuwid na daan, hindi niya ginawa.

 

Paano niyang masabi na magaganda ang mga layunin niya, ganoong napapaligiran siya ng mga taong tiwali? Paano niyang bibitawan halimbawa si Abaya na mataas ang pwesto sa Liberal Party? Paano niyang bibitawan si Abad at Roxas na malaki ang mga nalalaman sa mga kahinahinalang mga desisyon niya? Paano niyang bibitawan si Soliman at Alcantara na malaki ang sinakripisyo para sa kanya noong panahon ng eleksiyon? Marami pa sila…

 

Bakit hindi magsalita si Pnoy, once and for all tungkol sa issue ng term extension niya, na ang palaging sinasagot niya ay “pakikinggan ko muna ang sasabihin ng mga boss ko”? Alam niyang hindi dapat i-extend ang term ng presidente kaya nga ginawang 6 na taon sa halip na 4, kaya dapat niyang unawain na walang kundisyon ang kanyang pagbaba, gaya ng pagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya. Kung hindi niya sinabi ang kundisyon na yon, wala sanang problema, subali’t halatang may bumulong dahil ilang araw lang ang nakaraan pagkatapos ng SONA kung saan sinabi niyang “finish or not finish, pass your paper”, na ibig sabihin, ano man ang mangyari ay bababa siya, bigla siyang kumambyo, umikot 360 degrees pa at nagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya! Marami tuloy ang nagsasabi na para niyang ginagawang laro ang pagka-presidente ng bansa! At sinasabi na rin ng iba na ang mga boss pala niya ay yong mga nakapaligid sa kanya!

 

Kapos sa panahon kung ipagpipilitan ang term extension dahil sa mahabang proseso. Hindi aabot sa panahon ng eleksiyon sa 2016. Ang pag-asa niya at ng kanyang mga kaalyado ay magkaroon ng senaryo upang maging dahilan sa pagdeklara ng Martial Law….na huwag naman sana. Iisa lang ang senaryo na maaaring mangyari, ang banta sa kanyang buhay na ipinahiwatig niyang mayroon daw, noong mag-deliver siya ng SONA. Testing kaya ang senaryo ng babaeng may dala ng baril at sumugod sa Malakanyang? Tanong lang yan…

 

Hindi maatim ng presidente na bababa siya na maraming mga nakabiting issue na sisira sa kanyang panunungkulan, lalo na kung ang mga ito ay makakasira din sa pangalan ng kanilang pamilya. Itinuturing na “bayani” ang kanyang tatay, kahit hindi ito tanggap ng iba. Ito ang umuukilkil sa kanyang konsiyensiya, kaya kailangang maiwasto niya ang alam niya ay mga maling nagawa. Magagawa lamang ito kung siya mismo ang gagawa… kung mai-extend ang kanyang panunungkulan, lalo na at may nakabinbin ding kaso ng corruption laban sa kanya dahil sa DAP na gusto din niyang mabura. Ayaw niyang matulad kay Gloria Arroyo na pagbabang-pagbaba ay nagkaroon ng kaliwa’t kanang mga kaso. Maski papaano ay may talino pa rin siya upang maunawaan na sa pulitik ay natitira ang matibay, ang may halang na bituka, ang may makapal na mukha, at lalung-lalo na… kung saan ay walang permanenteng kaalyado o kaibigan!

 

Nakita ng pangulo at ng buong bansa na walang nagawa ang mga dating kaibigan o kaalyado ni Gloria nang siya ay sampahan ng kaliwa’t kanang mga kaso. Lahat sila tumahimik at pasimpleng lumipat ng bakod…to survive, wika nga sa madugong larangan ng pulitika. Sa pagbabalik-tanaw, sino ang mga pumaligid sa dating presidenteng Cory Aquino nang siya ay naluklok bilang presidente, di ba yon ding mga taong sipsip kay Marcos? Sino ngayon ang mga nakapaligid kay Pnoy, di ba karamihan ay mga dating tauhan din ni Marcos at Arroyo? Nakakabilib ang mga hunyangong survivors na hindi maintindihan kung may konsiyensya o wala, pero ang sigurado ko, maitim pa sa uling ang kaluluwa. Ganyan ang buhay sa pulitika ng Pilipinas na ang naboboldyak ng mga hindi magandang resulta ay mga Pilipino!

 

Alam ng pangulo na pagbaba niya, kanya-kanyang pagligtas sa sarili ang mangyayari mula sa kumunoy ng katiwalian ang mga senador, mga kongresista at mga opisyal sa gobyerno at magagawa lamang ito kung may mapagtatapunan sila ng sisi. Sa pagkakaalam ko hindi si Napoles ang sisisihin uli…pero malamang alam ng presidente kung sino, kaya siya kabado!

 

Madali lang namang sabihing, “hindi ako humingi, pero binigyan ako”….di ba?

Ang Gandang Pilipina

Ang Gandang Pilipina

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga Pilipina, may iba’t ibang wangis ng ganda

Mayroong mestisa, lutang ay kagandahang Kastila

Matangos na ilong at mahahabang mga pilik-mata

Kulay na kung di man mapusyaw, ay mamula-mula.

 

Kung sa kulay din lamang, mayroon ding iba diyan

Hindi pahuhuli sa mga paligsahan ng kagandahan

Balat na makinis na’y morena pang di pagsasawaan

Kahi’t na dumikit na halos, tingin ng mga kalalakihan.

 

Mayroon ding mga Pilipina, dahil sa angking alindog

Sa pagkakaupo, binatang makakita, tiyak mahuhulog

Dahil talagang takaw-pansin, hips na tila umiindayog

Kalangitang maaliwalas, di maiwasang mapakulog!

 

Ano pa nga ba’t Pilipinas ay sadyang mapalad talaga

Kababaihan ay pang-internasyonal ang angking ganda

Pinatunayan nila na ang kagandaha’y di lang sa mukha

Subali’t sa kaibuturan din ng puso, talino at pananalita.

 

Mabuhay ang Pilipina…byuting morena!

At siyempre, pati na rin ang mga mestisa!

Dahil sa inyo, bansang Pinas ay pinagpala –

Kahi’t winatak ng mga berdugo sa pulitika!!!!

 

Ang Nahihibang Na Pari

Ang Nahihibang Na Pari

ni Apolinario Villalobos

 

Sa puntod ni Ninoy Aquino, isang pari ay animo nagdasal na sana ay palawigin pa ang termino ni Pnoy. Marami ang nagulat sa sinambit ng pari, pati na ang mga umatend sa misa bilang pag-alala sa kamatayan ni Ninoy Aquino. Iisa ang nasabi nila…nahihibang ang pari!

 

Unang-una, siya ay pari na dapat ay naninimbang bago magsalita dahil dala niya sa kanyang mga balikat ang responsibilidad na ispiritwal. Pangalawa, mismong mga kasama niya sa simbahang Katoliko, mga Obispo pa ang iba ay nananawagan na walang makialam sa ganitong isyu dahil napakasensitibo. Pangatlo, bulag yata siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid na iisa ang panawagan…kung hindi ang impeachment ay paglisan ni Pnoy sa Malakanyang pagkatapos na pagkatapos ng kanyang termino.

 

Hindi ko na inalam ang pangalan ng pari dahil nang mapanood ko siyang nagdadasal na sana ay palawigin ang termino ni Pnoy, pinatay ko na ang TV, sumaglit ako sa CR upang sumuka dahil naduwal ako bigla! Hindi rin ako nag-check sa mga diyaryo dahil baka tumaas ang presyon ko at baka makita ko pang nakahambalang ang retrato ng pari, mamatay pa ako sa panggagalaiti!

 

Ang narinig ko lang sa radyo, chaplain daw ang pari ng PSG sa Malakanyang. Ibig sabihin, kung sa Malakanyang madalas ang pari, ang hanging nalalanghap niya sa loob ng compound, ay pumasok na rin sa kanyang sistema, nasipsip ng kanyang utak, kaya lumabas sa bibig niya kung ano ang nandoon. Hindi nakapagtataka, dahil lahat ng mga nagsasalita na taga-roon ay kwestiyonable na rin ang sinasabi.

 

Hindi maaaring sabihin ng pari na pansarili niyang pananaw ang kanyang sinabi dahil may responsibilidad siya at alam niya ito mula pa noong unang araw na pagpasok niya sa seminary, at bago pa nga yan, mayroon pang orientation at nakasentro sa mga responsibilidad na ispiritwal ang mga binabahagi. Kung hindi niya kayang pangatawanan ang sinumpaan niyang nakadipa at nakadapa pa sa harap ng altar, dapat maghubad na siya ng sotana at kalabanin ang mga maaayos ang isip na nasa kalye at humihingi ng katarungan. Magdala na lang siya ng placard na nagsasabing pahabain ang termino ng presidente, maraming kaalyado pa ang bibiloib sa pagsipsip niya!

Yong isang dating pari na kaibigan ko, bilib ako. Dahil napagmuni-muni niyang hindi niya kayang balikatin ang mga responsibilidad at kawalan ng kasagutan sa mga katanungan niya tungkol sa mga ginagawa nila, ay umalis na lang at nag-asawa pero patuloy pa rin niyang nirerespeto ang simbahang Katoliko. Maingat din siya sa pagsalita tungkol sa simbahan at Bibliya kahi’t na sabihin pang otoridad na siya, dahil sa bago niyang kinalalagyan bilang isang ordinaryong mamamayan na lang at hindi na naka-sotana. Saludo ako sa kanya, lalo na’t kung mag-post siya sa facebook ay mga nakakatuwa at mga bagay na may pagka-ispiritwal pero para sa pangkalahatan, walang kinikilingang relihiyon o sekta. Ganyan dapat.

 

 

Kung ang mga Pilipino ay gutom dahil inagawan ng pagkain ng mga ganid na pulitiko at mga opisyal sa gobyerno, paano na ang kagutuman nilang ispiritwal na dapat ay maibsan man lamang ng mga salita ng Diyos, kung may iba pang pari na tulad ng hibang na nagsalita sa puntod ni Ninoy, na naglilipana sa bansa?

 

Mag-ingat sa mga ganitong klaseng mga paring mapagkunwari!