MADAM GUIARIYA M. KUDA of PANDAG, MAGUINDANAO (PHILIPPINES)

MADAM GUIARIYA M. KUDA….NAGING BARANGAY CHAIRPERSON AT  MAYOR NG PANDAG, MAGUINDANAO, AT NAG-ARARO NG BUKID NANG MAGING BIYUDA

Ni Apolinario Villalobos

 

Para akong nakahukay ng ginto ng makilala ko si Madam Guiariya sa terminal ng mga multi-cab na nagbibiyahe sa Datu Paglas at Buluan. Ang unang nakatawag ng aking pansin ay ang kanyang damit at mukha na kahit may mga kulubot ay nakikitaan pa rin ng ganda. Malaki ang pasasalamat ko nang pumayag siyang makunan ko ng larawan at nakipag-usap pa sa akin.

 

Noon ko nalaman na dati pala siyang barangay chairperson ng Pandag, Maguindanao at naging mayor nito nang mai-angat sa pagiging bayan. Dating barangay ng Buluan, Maguindanao ang Pandag. Sa pag-uusap namin ay nabanggit niyang nadanasan din niyang mag-araro ng kanilang bukid nang siya ay mabiyuda, sabay pakita ng kanyang mga kamay na nakitaan ko ng mga bakas ng humilom na sugat sa pagkakahawak ng bakal na araro. Masayang kausap si Madam Guiariya at napansin ko rin ang maliksi niyang pagkilos sa kabila ng kanyang gulang na 76 na taon….at sa kanyang pananalita ay mahahalata ang kanyang talino.

 

 

 

Ulang Kumbektibo

Ulang Kumbektibo

By PG Murillo

Dumadagundong ang tibok
nitong dibdib
May paparating na unos.

Maaraw naman kanina.
Sobra pa nga ang init.
Ngunit biglang nagdilim ang langit.

Ang ulan, di pa nga pumapatak
Ay nakapanlalabo na ng pananaw.
Paano pa kaya kung magtampisaw?

Ang mga namamagang pamunglo’y
Daig pa’ng sinuntok ng iyong kamao.
Dagdag bigat sa pinapasang puso.

T’wing pipikit, kasabay na pumapatak
Ulan at mga imahe ng alaalang nangangaral
Kung bakit ganito tayo sa kasalukuyan.

Ngunit basâ man at tumutulo,
May nakahanda pa ring magpasukob
Ipaubaya sa kanila ang baldeng pangsahod.

Ingatan mo ang iyong parte.
Di bale nang sumobra.
Sa bawat pananim, hardin ang aking mga mata.