Si Juliet…at ang kanyang “feel-at-home” carinderia

SI JULIET…AT ANG KANYANG “FEEL- AT- HOME” CARINDERIA

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang fb friend, si Mark Anthony M. Casero ang nagbanggit tungkol sa akin tungkol kay Juliet na ang nakatawag ng pansin sa kanya ay ang kawalan nito ng kanang kamao subalit masigasig sa pagka-karinderya. Mura pa raw ang mga ulam na paninda.

 

Kaninang umagang-umaga, bago mag-7AM ay pumunta na ako sa address na tinukoy ni Mark…lampas kaunti sa simbahan ng Iglesia ni Kristo, papasok ng San Pablo, bago makarating sa Fernandez Elementary School. Pagdating ko ay tiyempong nagluluto na si Juliet pero walang tindang kape. Nahalata yata na ayaw kong umalis kaya sabi niya ay bumili na lang ako ng kape at may mainit na tubig siya. Tinapat ko agad siya tungkol sa pakay ko na i-blog siya at sa simula ay tumanggi siya dahil nahihiya subalit nang sabihin kong makakatulong ang kuwento niya upang ma-inspire ang iba ay pumayag din.

 

Apat ang anak niya at ang namayapang asawa ay tricycle driver. CASIṄO  ang apelyido niya noong dalaga pa siya. Apat ang anak niya at tinutulungan siya ng kuya niya sa pamamagitan ng pagpapaaral sa bunsong anak. Ang panganay na nasa Grade 9 ay nagtatrabaho sa isang tindahan tuwing Sabado at Linggo kaya nakakaipon at lumalabas na self-supporting. Ang sumunod na nasa Grade 4 ay nakakatulong na sa karinderya. Nang umagang pasyalan ko siya ay nakita ko rin kung paano siyang tinutulungan ng kanyang nanay at kuya.

 

Anim na putahe ang niluluto nina Juliet kaninang umaga – pata, dinuguan (Ilocano style), ensaladang labanos, papaitan, at ginisang monggo. Mainstay o permanente sa menu ang papaitan, pata at dinuguan. Ang mga gulay ay pabago-bago. 7AM pa lang ay maramin nang tumitigil para magtanong kung may naluto na. Ang unang inilatag ay ang ensaladang labanos na hindi inabot ng twenty minutes…ubos agad. Ang mga dumating upang kumain ay nag-ulam ng pata at ilang sandal pa ay inilatag na rin ang dinuguan at papait…pinakahuli ang monggo. Wala pang dalawang oras ay ubos ang panindang ulam! Napansin ko ang parang bahay na atmosphere ng karinderya na parang “dirty kitchen” lang at ang mga kostumer ay libreng maghagilap ng kailangan nila tulad ng sili, at kung ano pa.

 

Habang nag-uusap kami ni Juliet nang umalis na ang kostumer ay nagsimulang maghugas ng pinagkainan ang anak niyang babae na siya ring nagluto ng monggo. Marami kaming napag-usapan ni Juliet na tumalakay sa pasasalamat niya sa suporta ng kanyang nanay at mga kapatid kaya hindi siya nahirapan sa pag-alaga ng mga anak. Hindi siya conscious sa kanyang kapansanan kaya lalo akong bumilib sa kanya. Hindi daw siya susuko sa pagsikap hangga’t kaya niyang kumilos dahil may responsibilidad pa siyang gagampanan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak…..MABUHAY KA, JULIET!….SANA AY TULARAN KA NG IBA.

ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaninang umaga, ang sinakyan kong tricyle na pumasok sa barangay ng San Pablo upang maghatid ng isang pasaherong kasakay ko ay nasiraan habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa highway. Nang bumaba ako at tumingin sa unahan ay nakita ko ang junk collector na babaeng nagsisikad ng bisikletang may sidecar at may laman nang mga junks. Siya yong matagal ko nang tinityempuhan dahil dalawang beses ko siyang na-miss. Kung hindi pa nasiraan ang tricycle na sinakyan ko ay hindi ko pa siya nakita at ilang dipa lang mula sa kinatatayuan ko, katay laking gulat ko dahil para kaming pinagkita nang umagang yon.

 

Siya si ERILY SEVA na may limang anak. Ang panganay ay construction worker, ang pangalawa ay Grade 9 sa PRESIDENT QURINO NATIONAL HIGH SCHOOL. Ang iba pang mga anak ay tumigil muna sa pag-aaral habang nag-iipon silang mag-asawa ng pera. Sa gulang na 43 taon ay tila bantad na ang katawan ni Erily sa hirap subalit walang mababakas na pagsisisi, sama ng loob, or pagkabugnot sa kanyang mukha. Ang asawa niyang si Alfredo Mercullo, 38 taong gulang ay kolektor din ng junks subalit ang ginagamit niya ay pag-aari ng junkshop na binabagsakan niya ng mga kalakal at inuupahan sa halagang kinakaltas sa kanyang kinita sa maghapon. Ang ginagamit namang “topdown” ni Erily ay pagmamay-ari niya.

 

Masayang kausap si Erily at laking pasalamat ko rin dahil pinagbigyan niya ako ng ilang minutong pagkakataon upang siya ay makausap. Upang hindi siya maabala nang matagal ay hindi ko ang address niya dahil balak kong makilala ang kanyang pamilya.

 

Kaninang hapon ay hinanap ko ang tinitirhan nina Erily at natunton ko naman agad. Masayang ipinakilalal niya ako sa isa niyang anak at asawa. Inabutan kong nagsasaing na sila ng panghapunan. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay lalo na ang tungkol sa kalusugan. Marami akong ipinayo sa kanila kung paano silang makaiwas sa sakit dahil mahal ang magpa-ospital at gamot.

 

Ang makakakilala ng isang tulad ni Erily at kanyang pamilya ay nagpapasaya sa akin kaya itinuturing kong okey na ang araw ko….lalo pa at napagbigyan niya akong pasyalan sila sa kanilang bahay.

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

BAI HAYVI…nagpatunay na may kasiyahan

sa pagtulong sa mga mahal sa buhay

ni Apolinario Villalobos

 

Panganay si Bai Hayvi Antilino Montaner sa kanilang apat na magkapatid. At sa kagustuhang makatulong sa mga magulang ay nakipagsapalaran sa Kingdom of Saudi Arabia, sa Madina at pinalad namang maging Supervisor sa saloon ng Queen’s Palace. Maganda ang kanyang pinakitang pagganap sa trabahong iniatang sa kanya kaya bawa’t taon sa loob ng anim na kanyang itinagal ay nakakapagbakasyon siya.

 

Isang malaking pagsubok ang dumating sa kanyang buhay habang nasa ibang bansa siya, at ito ay ang pagkamatay ng kanyang ina. Huli na nang malaman niya ang nangyari kaya hindi siya nakauwi bago ito namatay. Mabuti na lamang at kahit papaano, noong buhay pa ito ay palaging nagbibilin sa kanya ang kanyang ina na huwag niyang pabayaan ang kanyang mga kapatid, kaya hindi man siya nakauwi nang ito ay mamatay, ang tagubilin na lamang niya ang nagpawi ng kanyang lungkot at pagdaramdam.

 

Retired na guro ang kanyang ama kaya’t lalo pang pinagsikapan ni Bai Hayvi ang pagtulong sa kanyang mga kapatid, dahil lumilitaw na siya na rin ang umaaktong ama at ina ng kanilang pamilya. Napagsabay niya sa paggastos sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid ang pagbili ng bahay sa isang subdivision sa Davao City.

 

Ngayon, ang kanyang ama at mga kapatid ay doon na nakatira samantalang napatapos naman niya ang kapatid na babae ng BS Criminology, ang isang kapatid naman ay kursong HRM, at ang bunsong kapatid ay sa elementary pa.

 

Pinalad si Bai Hayvi na matanggap sa Capitol ng Sultan Kudarat at malaki ang kanyang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng gobernador ng probinsiya na si Sultan Pax Mangudadatu. Malaking bagay sa kanya ang pagkakataon dahil hindi na niya kailangan pang magtrabaho sa ibang bansa, lalo pa at retired na ang kanyang ama na gusto niyang maalagaan, pati ang bunsong kapatid.

 

Una kaming nagkita sa facebook si Bai Hayvi nang mabasa niya ang mga blogs ko tungkol sa probinsiya at ang sumunod na pagkakataon ay sa isang okasyon sa provincial Capitol. Kapansin-pansin ang masaya niyang ngiti na hindi nawawala sa kanyang mukha, palatandaan na madali siyang makapalagayang-loob. Oras na ng tanghalian noon subalit abala pa rin siya at kanyang mga kasama sa pag-asikaso ng mga bisita…obvious na ini-enjoy niya ang kanyang trabaho. Inisip ko rin na ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang maging masigasig sa trabaho ay ang likas niyang pagmamahal sa kanyang ama at mga kapatid , maliban pa sa tagubilin ng kanyang namayapang ina. At, higit sa lahat, ay nais niyang ipakita na karapat-dapat siya sa ibinigay na pagkakataong makapagtrabahong hindi na lalayo pa sa kanyang pamilya – sa “ama” ng Sultan Kudarat, si Governor Pax Mangudadatu.

 

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang, Factory Worker Na, Ngayon ay may Sariling Negosyo

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang,

Factory Worker Na, Ngayon ay may sariling Negosyo

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon pa man ay interesado na akong magsulat tungkol sa mga naglalako ng mga gamit na naglilibot saan mang lugar dahil nagustuhan ko ang kanilang pagtitiyaga na magandang halimbawa sa iba na ang gusto ay kumita agad ng milyon-milyon sa negosyo.

 

Nang makita ko ang isang grupo na kumakain noon sa karinderya malapit sa amin, nagulat ako nang tawagin ng isa sa kanila na “boss” ang kasama nila na sa tingin ko ay parang college student lang. Nakita ko rin ang mga nilalako nilang power tools tulad ng barena. Sa kahihintay ko ng tamang panahon upang makausap ng masinsinan ang tinawag na “boss” ay saka naman sila umalis sa dating tinitirhan. Mabuti na lang at makalipas ang ilang buwan ay natiyempuhan ko ang taong gusto kong kausapin sa isang karinderya na nadaanan ko.

 

Siya si Ryan Natividad, 26 taong gulang at may isang anak na 8 taong gulang, kasal kay Sienna Javier, at sila ay taga-Bulacan. Sa katitinda ng mga power tolls ay napadako ang grupo niya sa Cavite.

 

Galing siya sa isang broken family dahil grade six pa lang daw siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at siya ay napapunta sa kalinga ng kanyang nanay. Dahil sa kahirapan ng buhay, 14 taong gulang pa lang daw siya ay napasabak na siya ng trabaho sa iba’t ibang pagawaan o factory. Hindi rin siya nakatapos ng high school, kaya nang nagkaroon ng pagkakataon kalaunan ay pinasukan na rin niya ang negosyong kalye o ambulant vending sa gulang na 19 taon. Noon niya natutunan ang pagbenta ng mga power tools at kahit papaano ay nakakapag-ipon pa siya.

 

Sa gulang na 23 taon, naisipan niyang mamuhunan upang lumaki ang kayang kita kaya humiram siya ng 30 libong piso sa kanyang nanay upang maipandagdag sa naipon na niya. Nang lumago ng kaunti ang kanyang negosyo ay kumuha na siya ng ilang tauhan. Sa loob ng tatlong taon ay nadagdagan pa ang kanyang mga kalakal kaya ngayon, ay may apat na siyang tauhan. Nakatira sila sa isang studio type na apartment sa Bacoor City at sinusuyod nila ang mga kalapit na lunsod at bayan sa paglako ng power tools.

 

Sa gulang na 26 taon, nakakabilib si Ryan dahil may sarili na siyang negosyo na nagsimula sa mahigit lang sa halagang 30 libong piso. Paano na lang kaya kung ang puhunan niya ay mahigit 100 libong piso na sa tingin ng ibag tao ay “barya lang”? Sa uri ng kanyang pagsisikap, baka hindi lang apat na tao ang kanyang natulungan!

 

May mga seafarers at OFWs na tuwing magbabakasyon ay hindi bumababa sa 50 libong piso ang cash na nahahawakan at yong iba pa nga ay mahigit 100 libong piso. Subalit sa ilang araw pa lang nilang pagbabakasyon ay ubos na dahil sa walang pakundangang paggastos. At, kung wala nang madukot ay ang mga ipinundar na gamit naman ang binibenta, hanggang bandang huli ay uutang na. Madalas pa itong nagreresulta sa away-asawa lalo pa kung maluho ang misis. Karamihan sa mga ito ay hindi nakakaisip na mumuhunan sa isang negosyo upang maaasahan kung sakaling may mangyaring hindi maganda tulad ng pagkatanggal sa trabaho, o di kaya ay upang may “mapaglibangan” man lang para sa karagdagang kita ng mister, ang misis na naiiwan sa Pilipinas.

 

Kaylan kaya mag-uugaling Ryan ang mga uri ng taong nabanggit ko?

 

Ryan Natividad 1

 

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

By Apolinario Villalobos

 

While Divisoria has always been known as the shoppers’ Mecca, especially, during Christmas, there is” another side” of it which I do not want to present as an image of poverty but that of perseverance, patience, and honest endeavor. This is the “other Divisoria” which many people just refuse to see as it might cause them to puke! The accompanying photos show how these honest Filipinos contentedly strive to live in sheer honesty.

 

The skeptics always say, “it is their fault for going to Manila and suffer deprivation”. These hypocrite skeptics have  TV, radio, and occasionally read newspapers, so they should know that the provinces from where these people who are eking out an honest living on the “other side” of Divisoria, are infested with NPAs, Abu Sayyaf, opportunistic landlords, and loan sharks. For the arrogant, the world is just for those who can afford to live decently. On the other hand, as these skeptics have not endured days of hunger, they may not understand how it is to make a difficult decision to live a hand-to-mouth life in Manila by scavenging in garbage dumps, rather than die of hunger and be in constant fear for dear life in the province.

 

It is true that the slums have been in existence for many decades now, but there would be no slums had the government ever since the time the nation has become independent, did not get infested with corrupt lawmakers and officials. The slums have been around since the time that deprivation and exploitation have been propagated by learned Filipinos who found their way in the halls of Congress and Senate, as well as, agencies, even at the helm of the government. Unfortunately, the seed of exploitation has grown into an uncontrollable proportion today, making corruption as wrongly and unfairly viewed to be always a part of the Filipino culture.

 

The striving people from the slums near Divisoria, and other districts of Manila, in this regard, may be viewed by the arrogant as akin to dogs and cats, because of their many children, oftentimes making them utter unsavory remark, such as, “they know they are poor, yet, they keep on having children”.

 

How I wish these skeptics can also openly, make biting remarks –

  • to the corrupt politicians and government officials, such as, “they graduated from prestigious universities and colleges, yet, they do not know what is right or wrong”

 

  • to the filthy rich, such as, “they have plenty of money, yet they can’t even throw a piece of bread to a beggar”

 

  • to the stiff-necked Catholic priests, pastors, and other religious ministers such as, “they are supposed to be representatives of the Lord, but they can’t afford to take a look at the spiritually hungry”

 

Finally, compared to the disgusting hypocrites, loan sharks, corrupt government officials, arrogant “religious ministers” and conscienceless rich, who are supposed to be learned and intelligent, the people who honestly make a living such as those who belong to the “other side” of Divisoria, are worthy to be called creatures of God – true human beings…slum denizens who are viewed by aforementioned with utter repugnance.

 

(This blog will definitely, not hurt those who do not belong to the mentioned “classes” of loathsome Filipinos.)

 

 

Ang Tagumpay…(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School, Bacoor City, Cavite)

Ang Tagumpay

(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School

Bacoor City, Cavite)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

 

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?

…nagtapos sa isang kilalang unibersidad

ng pinakamataas na kurso?

…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak

na naging bahagi ng isang malaking pamilya?

…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya

kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

 

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…

Higit pa sa isang mataas na kurso…

Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…

Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

 

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso

Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento

Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon

At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

 

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad

Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad

Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam

Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya

Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

 

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat

Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat

Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!

IMG7833

 

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ang Pinsan Kong Lumpo Subalit Buo ang Loob

at Matibay ang Pag-ibig sa Asawang Nagkasala

Ni Fernando  Sagenes

 

Lumpo ang pinsan kong si Soly (Soledad) dahil napinsala ang kanyang gulugod (spine) nang siya ay madaganan ng isang bahagi ng natumbang bahay nila noong bago pa lang silang nagsasama ni Caloy bilang mag-asawa. Sa kabila ng lahat, hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay nagsikap siya upang hindi umasa sa tulong naming mga kamag-anak niya. Nagbukas siya ng maliit na tindahan na masuwerte namang lumago kaya mula sa kita ay napaayos nila ang bahay nila sa Vasquez/Arevalo Compound sa Barangay Real 2.

 

Nakabili din sila noon ng sasakyan na ginagamit sa pamamakyaw ng paninda, pati isang  motorcycle na ginamit ni Caloy para sa mabilisang pamimili sa Imus at Zapote. Lalong higit, nakatulong din siya sa mga kapatid niya at iba pang kamag-anak na kinakapos, at ginagawa pa rin niya hanggang ngayon.

 

Sa kasamaang palad, nalihis noon ang landas ni Caloy nang makiapid siya sa ibang mga babae, at ang kasukdulan ay nang hiwalayan niya ang pinsan ko upang pumisan sa pinakahuling babaeng nakilala niya at tumira pa sila sa hindi kalayuan sa amin. Ang bawal na relasyon ay humantong sa paggawa ng hakbang ni Caloy na kamkamin ang bahagi ng conjugal property nila ng pinsan ko. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng kasunduan at kasulatan sa Barangay na pumigil sa kanya upang huwag ituloy ang masama niyang balak.

 

Sa loob ng dalawang taon ay talagang nagtiis si Soly at pilit na pinalampas ang lahat ng nangyari, kaya tuloy lang siya sa pagsikap upang mamuhay na wala ang asawa na dapat sana ay umaalalay sa kanya dahil sa kanyang kalagayan. Nariringgan pa rin siya ng malulutong niyang pagtawa kaya bumilib sa kanya ang mga kaibigan at mga kapitbahay na nakakaalam ng mga pangyayari.

 

Subalit, talagang matalino ang Diyos dahil binigyan Niya ng dahilan si Caloy upang gumawa ng desisyon – ang bumalik sa piling ng pinsan ko. Si Caloy ay na-stroke na naging dahilan ng matagal niyang pagkaratay kaya napilitang bumalik sa piling ng pinsan ko. Pinagtiyagaan siyang alagaan nito hanggang siya ay makaraos at kahit papaano ay makatayo at makalakad kahit sa simula ay mahina ang kanyang pagkilos. Ngayon, maliban sa kanyang pagkaputla, malakas na si Caloy na halos hindi na halatang nakadanas ng stroke.

 

Samantala si Soly naman ay tuloy pa rin ang pagiging masayahin. Sa paggising sa umaga, pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay pupuwesto na agad sa kanyang tindahan. Sa harap at kanang bahagi niya ay mga nakabiting paninda na halos abot-kamay lang niya, pati ang butas sa screen kung saan ay inaabot ang bayad sa kanya. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kalan dahil gusto niyang siya pa rin ang magluto ng pagkain nila. Nang umagang mamasyal kami sa kanya, inabutan naming siyang nagpipirito ng talong at daing.

 

Sa unang reunion naming magkaklase sa Real Elementary School, pinagtiyagaan ko siyang kargahin upang makadalo. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi siya naghangad ng special na attention mula sa mga dumalong kaklase. Normal na normal ang pagtrato namin sa kanya dahil hindi namin siya itinuring na lumpo. Sa katuwaan namin dahil sa matagumpay na pagkikita, nagpasya kaming mag-reunion uli agad, pero sa bahay na niya gaganapin para hindi na siya mahirapan pa. Aayusin na lang namin ang maliit nilang garahe na dating pinaparadahan ng kanilang jeep at motorcycle.

 

Maliban sa pagmamahal ay malaki ang respeto ko sa aking pinsan dahil sa kabila ng kalagayan niya, noong tanungin ko kung mahal pa niya ang asawa niya kahit iniwan na siya nito, ay walang kagatul-gatol na sinabi niyang, “mahal ko pa rin siya kahit ano pa ang ginawa niya dahil asawa ko siya sa mata ng Diyos”. Pinatunayan niya ang matibay niyang pagmamahal nang alagaan niya ang kanyang asawa nang ito ay ma-stroke.

 

 

Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ni Apolinario Villalobos

 

Nabanggit ko na noon sa naunang blog kung paanong sa gulang na 9 na taon ay ipinuslit si Duday mula sa Negros, sa pamamagitan ng “pag-empake” sa kanya sa isang karton upang maisakay sa barko at hindi masita ang recruiter. Nabanggit ko rin noon kung paano siyang ikinulong sa kulungan ng asong pit bull ng malupit niyang amo dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa mga makabagong gamit, ay nasira niya ang rice cooker. At, sa loob ng dalawang linggo ay nadanasan niyang kumain ng dog food dahil isang beses lang sa isang araw kung siya ay bigyan ng pagkain. Upang makumpleto ang maiikling yugto ng kanyang buhay ay binanggit ko rin kung paano siyang pinagpasa-pasahan ng iba’t ibang amo na parang isag gamit, at ang pinakasukdulan ng kanyang pagdurusa ay nang lokohin siya ng isang kaibigan na nagtangay ng pinaghirarapan niyang pera na mahigit sampung libong piso.

 

Ngayon, inaamin ni Duday na halos hindi na niya matandaan ang mga mukha ng mga kaanak sa Negros. Ganoon pa man, sa halip na ituon ang isip sa mga nakaraang problema ay pamilya niya ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon kaya upang makatulong sa asawa ay tumanggap ng labada mula sa mga taong nagtiwala sa kanya (hindi ko nabanggit sa unang blog), hanggang sa maisipan niyang magbenta ng ulam at mga pagkaing bata (tsitseryang piso ang isang balot) sa tindahan niya nasa labas lang ng kanilang tirahan. Sa ganitong paraan ay hindi na niya naiiwan ang mga anak. Ang tindahan ni Duday ay “nakasandal” sa firewall ng gusaling may mga paupahang kuwarto, na pag-aari ng taong nagmagandang loob sa kanila na nagbigay ng libreng tirahan, at ang kapalit ay ang pagbantay nila sa nasabing gusali.

 

Apat ang anak ni Duday, may mga gulang na 9 hanggang 5 taon kaya upang makapamili sa palengke ng mga gagamitin sa tindahan, umaalis siya sa madaling araw, 4:00 AM,  upang pag-uwi niya bandang 5:30 AM, ay nakakapaghanda pa siya ng almusal ng kanyang mga anak. Kung minsan ay nakakatulong ang kanyang asawa sa pag-asikaso ng mga bata kung hindi pa ito nakakaalis ng bahay upang pumasok sa trabaho.

 

Pagkagaling sa palengke ay nililinis na muna niya at inihahanda ang mga iluluto. Paggising ng mga bata ay nakahanda na ang almusal na kape at tinapay lang naman. Habang kumakain ang mga bata ay ilalabas naman niya ang apat na mahahabang yerong luma at kalawangin upang isandal sa bubong bilang harang sa init at sikat ng araw lalo na sa tanghali hanggang hapon. Kung may palalambuting iluluto tulad ng butu-buto ng baka, ito ang una niyang isinasalang sa lutuang kahoy ang panggatong. Isusunod niya ang iba pang madaling iluto, pati na ang isasaing na bigas. Habang may nakasalang, ay ilalabas naman niya ang mga pagkaing bata upang isabit – ilang piraso lang naman.

 

Pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong oras ay tapos na niyang iluto ang mga ulam kaya maaari nang i-display sa kanyang tindahan. Nananatiling bukas ang kanyang maliit na tindahan hanggang alas otso ng gabi upang makapagbenta man lang ng kape sa mga kapitbahay. Sa madaling salita, ang isang araw ni Duday ay nagsisimula sa madaling araw hanggang alas otso ng gabi. At sa “pagsara” niya ng tindahan ay hahakutin uli niya ang mahahabang yero sa loob ng compound upang hindi manakaw….mag-isa niya itong ginagawa kung wala ang kanyang asawa.

 

Ang tanong ko sa mga misis na reklamador sa kabila ng pagkakaroon ng mapagmahal na mister at masaganang daloy ng pera mula sa ATM tuwing araw ng suweldo niya….kaya ba ninyo ang ginagawa ni Duday? Kung hindi, mag-sorry kayo sa mister ninyong madalas ninyong awayin dahil sa madalas niyang pag-overtime o dahil hindi kayo naibili ng mamahaling alahas na ginto sa araw ng inyong bertdey!

 

Ang isa pang leksiyon sa kuwento ng buhay ni Duday…. magpasalamat tayo kahit sa katiting na biyaya lalo na ang pagkaroon ng magandang kalusugan upang ma-enjoy natin ang buhay sa mundo. Magpasalamat ang mga hindi niresetahan ng mga gamot para sa iba’t ibang sakit, at para sa “maintenance” ng kalusugan. Hindi ko na isa-suggest na mag-share ng pera ang may sobra-sobra nito dahil alam kong sasama lang ang loob nila at baka mag-comment lang ng, “bahala sila sa buhay nila”, kaya sasama naman ang loob ko.

 

At higit sa lahat……huwag humingi ng limpak-limpak na salapi kay Lord sa pamamagitan ng dasal at baka kung mainis Siya ay kidlat ang ipatama sa makukulit na mukhang pera habang nagdadasal sa loob ng mga katedral! Sa dami ng mga mukhang pera ngayong nagdadagsaan sa mga katedral upang humingi ng pera kay Lord, siguradong mawawasak ang mga katedral kapag sabay na tumama ang mga kidlat!

 

 

Be Sensitive to the Desire of Others for Privacy and Mutual Respect

Be Sensitive to the Desire of Others

for Privacy and Mutual Respect

By Apolinario Villalobos

 

Be sensitive to what our friends want when it comes to their privacy and their subtle desire to be respected as they do to us. We should not throw our weight around them or be nosy about their private affairs, or be too fatherly or motherly, or too elderly in treating them. Some people or friends for that matter are too shy to protest against our intrusive acts. Take note that not everybody is boastful or arrogant or too self-confident, if we have that kind of personality. Be sensitive about our friends’ body language as a simple silence could mean a lot.

 

We should always remember that what may be applicable to us, may not apply to them. If we allow for instance, friends to just barge in our home without knocking at the door anytime of the day, some of our friends may not, as they consider such act as too presumptuous or worse, abusive. Some friends may not want to be asked about any problem that might be nagging them, as their overly private character has made them too secretive about such sensitive matter.

 

We should learn how to “give a suggestion” instead of “impose an advice” just because those we want to help are younger than us or belong to a lesser social status. Let respect of their person and wisdom prevail. In this regard and based on my encounters, I found that even some of those who have earned only elementary education have wiser or sounder decisions than those who got educated in prestigious colleges and universities to earn “high-end courses”.

 

Finally, be careful and ever gentle in browsing through the pages of a book and most of all…do not judge it by its cover.