Si Duterte at ang Tatlo niyang “Masugid” na Kritiko Kuno

Si Duterte at ang Tatlo niyang “Masugid” na Kritiko Kuno

Ni Apolinario Villalobos

 

Kailangan ng bawa’t bansa ang “fiscalizer” at ang lider naman ay “critic”, pero dapat pakaisipin ng bumabatikos kung gaano “kadami” ang makikinabang sa gagawin niya kung ihahambing sa ginagawa ng lider para sa buong bansa. Hindi lahat ng ginagawa ng isang lider ay sinasang-ayunan ng LAHAT kaya may kasabihang “you cannot please everybody”. Subalit kung seguridad at kapakanan ng NAKARARAMI ang nakasalalay, bakit kailangan pang MAMBULABOG ANG MGA DETRACTORS?…MAY SUGGESTION BA SILANG NASUBUKAN NANG EPEKTIBO?

 

May mga paraan upang ipakita ng “opposition” sa mga mamamayan na sila ay aktibo, hindi lang sa animo ay personal nang pagbatikos sa isang lider. Kung wala rin lang “laman” o kabuluhan ang binibitiwan nilang mga salita….TUMAHIMIK NA LANG SILA DAHIL LALO LANG SILANG LUMULUBOG SA KUMUNOY NG KAPALPAKAN.

 

ANG TINUTUKOY KO AY ANG GINAGAWA NINA TRILLANES, HONTIVEROS AT DRILON KAY DUTERTE…AT IBA PANG NAKALIMUTAN KO ANG MGA PANGALAN DAHIL MGA WALA NAMAN SILANG BINATBAT DAHIL SA KABOBOHAN NILA!

 

Kung tungkol sa droga ang pag-uusapan, walang binatbat sina Trillanes, Hontiveros at Drilon kay Duterte na sa pagiging mayor pa lang ng Davao ay marami nang karanasan tungkol sa bagay na nabanggit. Ang tatlo, kahit sa Maynila nakatira ay malamang nakatuntong lang sa Tondo kung panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon at may kasama pang sangkaterbang mga alalay at bodyguards.

 

Kung tungkol sa Martial Law sa Mindanao ang pag-uusapan, walang karapatang magsalita ang tatlong nabanggit na nagpapakatalino kuno…. dahil hindi sila taga-Mindanao kaya hindi nila nadadanasan ang mga nangyayari lalo na ang banta ng kaguluhan sa Marawi na ginawa ng Maute group. Kung magkagulo sa Mindanao, ang tatlo ay walang pakialam dahil sa Maynila sila nakatira.

 

Ang dapat sagutin ng tatlong nabanggit ay kung mayroon bang maaaring pumalit kay Duterte. Isa ba sa kanilang tatlo?…si Pnoy Aquino uli”….si Gloria Arroyo uli”?….si Lacson?….si Cayetano?…si Poe?…si Robredo?

 

ANG GUSTO KO AY SI SARAH DUTERTE!

duterte and sarah

Advertisements

Ang Minimithing Pagbabago (Tula para kay Rodrigo Duterte at Sambayanang Pilipino)

ALAY KAY RODRIDGO DUTERTE AT SAMBAYANANG PILIPINO

 

 

ANG MINIMITHING PAGBABAGO

ni Apolinario Villalobos

 

Kay daling sambitin, katagang “pagbabago”

Marami ding kahulugan ang tukoy nito:

Ugali na maaari pang pasasamain

O kabutihan na lalo pang paiigtingin;

Di kaya’y pagbago ng tinatahak na landas

Na maaaring patungo sa magandang bukas

O di kaya ay tungo sa maahas na palanas!

 

Makakamit lang ang minimithing pagbabago

Kung may pakikipagtulungan ang mga tao

Dahil sila rin ang dahilan ng mga pagsisikap

Upang makamit ang matagal nang pangarap;

Kaliwa’t kanang batikos ay hindi inaalintana

Dahil nasimulan nang isulong ang isang panata

At paninindigan sa ngalan ng napariwarang bansa!

 

MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO AT SI DUTERTE!

 

Mga Karanasan Kong Kagila-gilalas Noong Naglibot Ako sa Pilipinas

Mga Karanasan Kong Kagila-gilalas Noong Naglibot Ako sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Bilang editor noon ng TOPIC Magazine, obligado akong maglibot upang mangalap ng mga impormasyong pang-turista para mailathala sa magasin. At, dahil iba-iba ang mga napupuntahan ko, iba-iba rin ang mga karanasan ko. Ang iba ay sobrang censored kaya hindi pwedeng banggitin, except sa ginagawa kong “memoir” na ilalabas kapag ako ay patay na, at ang iba naman ay sobrang nakakatuwa kaya dapat i-share “to make the day” ng mga nagtitiyagang magbasa ng blogs ko.

 

Sa isang bayan sa norte, nag-check in ako sa isang maliit na hotel, okey naman dahil may toilet subalit hindi ko nabuksan para ma-check ang loob dahil nagmamadali akong makapunta agad sa mga tourist spots. Pagbalik ko galing sa paglilibot ay naligo ako at gumamit ng kubeta. Nadismaya ako dahil nang umupo na ako sa “trono” hindi ko madiretso ang dalawa kong paa…dapat nakaangat ang kanan kong paa upang magkasya ang wetpu ko sa” trono” dahil halos dikit sa dingding ito. Kaya ang nangyari ay para akong aso na nakataas ang isang paa, halos pa-side view, habang nagpapalabas ng sama ng loob….ang mahalaga noon ay nakaraos ako. In fairness sa maliit na hotel, malinis ang toilet, ngunit ang kubeta ay pang-unano yata.

 

Sa isa pa ring bayan sa norte, ang toilet ng hotel na tinirhan ko ay barado. Mabuti na lang at nasa tabing-dagat ang maliit na hotel, kaya kahit gabi na ay nagsabi ako sa staff na kunwari ay  magsi-swimming ako kahit ang katotohanan ay may binabalak akong gagawing kabantutan! Nagtampisaw ako sa mababaw na dagat dahil low tide hanggang makaraos ako. Kinabukasan ay nag-check ako kung may nakalutang na ebidensiya sa ginawa kong karumaldumal nang nakaraang gabi…mabuti naman at inanod yata sa malayo!…nakaligtas ako sa batikos!

 

Sa mga maliliit na lunsod ay uso ang mga hotel na ang toilet ay nasa pagitan ng dalawang kuwarto…share ang occupants ng dalawang kuwarto sa paggamit ng toilet. Malalaman ng occupant ng isang kuwarto kung ginagamit ng taga-kabilang kuwarto ang toilet dahil naka-lock ang pinto niya sa loob, na dapat buksan kapag tapos nang gumamit ang taga-kabila, upang makapasok naman siya, at ila-lock naman niya ang pinto ng katabi niyang kuwarto. Nag-check in ako sa isang hotel na may ganitong uri ng kubeta. Nang hapong maliligo na ako (siyempre nakahubad) ay binuksan ko ang pinto ng kubeta…at nabuksan nga…nakalimutan kong may ka-share ako sa kubeta….at may chicks palang nakaupo sa “trono”….nakalimutan niyang i-lock ang pinto ko sa loob! Nahantad naman sa kanya ang kaluluwa ko! Nagkatinginan kami….nagpaka-gentleman pa rin ako at dahan-dahan kong isinara ang pinto habang nagbaba-bye. Nagkita kami uli sa dining room, kasama niya ang kanyang asawang egoy (black American)!…tinginan uli kami at nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis…parang may nabistong secret na siya lang ang nakakaalam!

 

Ilan lang ang mga nabanggit sa mga  madilim na bahagi ng aking kahapon sa paglilibot ko sa Pilipinas dahil sa call of duty. Tiniis ko ang lahat dahil ayaw kong maging jobless at lumuwa ang mga mata dahil sa gutom. Noon ko lalong naunawaan na iba pala talaga ang buhay ng isang tunay na turista na hahamakin ang lahat makarating lang sa mga tourist spots!

Poem

This poem is dedicated to those who are exerting effort to maintain peace, unity, and understanding among the Filipino people, as well as, the sanctity of their heritage as one nation, despite diversities in religion and culture and in the face of the current adversities.

 

Pilipinas

By Apolinario B Villalobos

 

 

Mga luntiang islang magkakahiwalay

Mga katutubong iba-ibang pananalita

Iyan ang Pilipinas, watak-watak sa paningin

Subali’t iisa ang adhikain, iisa ang damdamin.

 

Halos gutayin ng pabago-bagong panahon

Kasama na diyan ang mga pag-uga ng lindol

Nguni’t buong tapang na iniinda ng mga Pilipino

Animo’y kawayan, sumasaliw sa hagupit ng bagyo.

 

Mula sa Batanes, hanggang Tawi-tawi

Mga katutubo’y nagbubuklod- iisang lipi

May isang kulay, matingkad, hinog sa panahon

Nagkaisa-  magkaiba man ang damit, salita at relihiyon.

 

Mayabong na sining at mayamang kultura

Taas-noong maipamamalaki, saan mang bansa

Hindi nagpapahuli, lumalaban, hindi nagpapaiwan

Sa ano mang uri ng patas na paligsahan o tunggalian.

 

Inang Pilipinas, mahal nating bayan

Huwag nating hayaang siya’y tapak-tapakan

Huwag hayaang mayurakan, iniingatang dangal –

Nang kung sino – Pilipino man o banyagang hangal!

 

Mga Pilipino tayo, kailangang magbuklod

Nang sa unos ng buhay matatag, ating pagsugod

Walang kinikiling na pag-imbot sa puso ng bawa’t isa

Nag-uunawaan, nagkakaisa – sa buong mundo, ating ipakita.

 

Mapalad tayo sa pagkakaroon nitong bansa

Na kung wariin, mahirap pag-ugnayin at mapag-isa

Subali’t ito ang itinadhana sa atin ng Poong Maykapal

Kaya’t buong puso nating arugain ng masidhing pagmamahal.

 

 

The Termites in Our Society

The Termites in Our Society

By Apolinario Villalobos

 

The current administration of Rodrigo Duterte has no doubt, inherited a sorely- weakened government due to the piled up unsolved cases of corruption with more undetected commissions added as days go by. Duterte has practically entered a home heavily infested with termites!

 

Some of these termites are plain citizens who just love to ride on issues. The others are attention-hungry and highly-entrenched government officials who are obviously blind to the consequences of their detractions. These termites paint a harrowing picture of the Philippines, as if they belong to another nation and with the intention of taking over the reign from Duterte. These nincompoops thought they are doing a favor to the country by trying to pull down a guy whose efforts are geared toward the healing of a sick society.

 

While leaders of powerful nations have finally recognized and supported Duterte in his campaigns, these pea-brained Filipinos act like deranged dogs with rabbis-infected saliva foaming down their mouth snarling at him, giving credence to what has long been suspected as their being financed by a powerful group or groups. Now, that is what I call selfishness and greed to the max!

Mga Unsung Heroes ng Bayan

Mga Unsung Heroes ng Bayan

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi lang ang mga namatay sa digmaan ang dapat na ituring na bayani. Para sa akin kung ang  kabayanihan ay kasing-kahulugan ng gawaing mabuti hindi na dapat pang hintaying mamatay ang isang taong gumawa ng kabutihang karapat-dapat tularan upang kilalaning bayani. Marami silang nakakalat sa iba’t- ibang panig ng bansa ang maitututing na bayani tulad ng mga sumusunod:

 

  • Mga taong nagsasauli sa may-ari ng napulot nga mga bagay, at kung hindi matunton ay nananawagan sa radio, TV, at facebook. Ang pinakahuli kong nakilalang gumawa nito ay si G. Ruperto Miranda, 65 years old na tricycle driver.
  • Mga driver ng lahat ng sasakyang pampubliko dahil kung hindi dahil sa kanila ay walang masakyan ang mga ordinaryong mamamayang nagko-commute.
  • Mga konduktor ng mga bus.
  • Mga crew members ng mga airlines at barko.
  • Mga mekaniko na kumukumpuni ng mga sirang sasakyan.
  • Mga nagtitinda sa palengke at mga katulong nila.
  • Mga guro at iba pang mga empleyado ng mga pribado at gobyernong opisina.
  • Mga magsasaka, mangingisda, nagko-copra, nagpuputol ng kahoy sa gubat (lumbermen), tour guides, artista, broadcasters.
  • Mga OFW at seafarers.
  • Mga sundalo at pulis.
  • Mga nagtatrabaho sa malls at food outlets, lalo na ang mga working students.
  • Marami pang iba…..

 

Lahat sila ay maituturing na mga bayani ng bayan dahil kung hindi sa kanila ay hindi mabubuo ang ekonomiya ng bansa.

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba…

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang panawagan na ito isang simpleng tangka upang mabuksan ang inyong isip at maantig ang inyong damdamin tungkol sa mga ginagawa ninyong paghasik ng pangamba sa mga kababayang namumuhay ng mapayapa…silang mga nagtatrabaho ng marangal at mga kabataang nag-aaral upang balang araw ay makatulong sa bayan.

 

Sa ginagawa ninyong panghoholdap at pangri-rape, sana ay maisip din ninyo na kayo ay may mga mahal sa buhay na maaaring gawan din ng ginagawa ninyo…maliban na lang kung kayo ay nag-iisa sa buhay. Kawawa ang mga biktima ninyo na ang hangad lang ay kumayod nang maayos upang may maipakain sa pamilya. Ang mga kabataang nilalakasan ang loob sa pag-uwi mula sa eskwela kahit mahirap sumakay ay may mga pangarap sa buhay tulad ng pagtulong sa pamilya at bayan.

 

Masakit para sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ninyo ang makita silang kalunus-lunos ang kalagayan pagkatapos pagnakawan at saksakin o di kaya ay gahasain pagkatapos pa ring pagnakawan. Hindi madaling tanggapin ng mga anak ang mawalan ng amang naging biktima ng panghoholdap, na maliban sa nawalan na ng perang pambili ng bigas, ay nasaksak pa!

 

Alam kong may mga pangangailangan kayo at ang iba sa inyo ay tinuturing na kapit sa patalim ang panghoholdap. Subalit may paraan para kayo ay kumita sa marangal na paraan…nang hindi nakakaperhuwisyo ng kapwa. May mga pilay o lumpo na nakakayang magtinda o di kaya ay mga kabataang nagtatrabaho bilang crew sa mga fast food chains upang kumita ng pang-tuition…. Ilan lang silang kumakayod ng marangal…bakit hindi ninyo gayahin ang kanilang pagsisikap?

 

Nang dahil sa ginagawa ninyong panghoholdap pagkatapos magkunwaring namamasada ng traysikel sa gabi, ang mga lehitimong mga traysikel drayber ay hindi na tuloy pinagkakatiwalaan…pati mga naghahabal-habal sa ibang barangay at bayan. Malaki ang epekto sa kabuuhan ng isang bayan ang ginagawa ninyong paghahasik ng pangamba. Paano pang uusad ng pasulong ang isang barangay, bayan o lunsod kung pinipigilan ninyo dahil sa inyong ginagawa? Kung kayo ay nakatira sa isang maliit lang namang bayan, dapat ay makipagtulugan na lang kayo sa lokal na pamahalaan para na rin sa kapakanan at kapakinabangan ng inyong pamilya ng .

 

Kung wala kayong hinahasik na pangamba sa inyong kapwa, ang ating bansang nakalugmok na sa kahirapan, kahit paano ay makakaraos kahit bahagya. Lahat tayo ay Pilipino kaya walang ibang dapat na nagtutulungan sa isa’t  isa kundi tayo….para sa katiwasayan ng kasalukuyan at kaginhawahan ng ating hinaharap.  Sana ay magbago na kayo….