Manalig nang Walang Pag-alinlangan at Huwag Pairalin ang Kayabangan

Manalig nang Walang Pag-alinlangan

At Huwag Pairalin ang Kayabangan

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi madali ang basta na lang maniwala sa mga bagay na hindi nakikita. Lalong hindi madaling gawin ito  ng isang tao na ang palagay sa sarili ay “napakatalino” na dahil sa maraming kaalamang nakuha sa mga sa mga libro at mga ibinahagi sa kanya ng mga guro. Subali’t paano na kung may mga katanungang hindi kayang sagutin maski ng agham o siyensiya? Basta na lamang ba itong ipagkibit-balikat at isasantabi?

 

Hangga’t may bahid ng pag-alinlangan, halimbawa,  ang pananalig ng isang tao sa Pinakamakapangyarihan sa lahat, hindi mamamayani ang takot sa kanyang puso sa paggawa ng masama dahil sa kanyang kaisipan, walang nagbabantay sa kanya, walang manunumbat, at siya lamang ang tanging nakakaalam kung ano ang tama o mali. Mas gugustuhin pa niyang mamayani ang kanyang pananalig sa mga batas ng pamahalaan.

 

Hindi maikakaila ang tibay ng mga bagay na tinatakan ng mga simbolo at kasulatan na may kinalaman sa Manlilikha. Sa kabila ng kung ilang libong taon na ang lumipas, may mga bahagi pa ring natira upang patunayan na ang mga nakasaad sa Bibliya ay totoo. Dahil sa tuluy-tuloy na pananaliksik, tuloy din ang pagtambad sa mata ng tao ang mga katunayan na noong unang panahon pa man ay nandiyan na Siya at pilit nagpapahiwatig ng di-masukat Niyang kapangyarihan. Maraming mga nadiskubre ang hindi maipaliwanag hanggang ngayon na sa halip na pagtuunan ng pansin, ay mas pinili ng taong laktawan at pagtuunan ng pansin ang paghalughog sa napakalawak na kalangitan gamit ang sarili niyang kaalaman. Nag-aalinlangan ang taong umamin na may Isang napakamakapangyarihan sa lahat na siyang dahilan ng mga hindi maipaliwanag na mga bagay sa sanlibutan at sa kalawakan.

 

Gusto ng taong mas kilalanin ang kanyang kakayahan at kaalaman kaya kung anu-ano na lang ang kanyang ginagawa tulad ng pagbuhay ng isang patay sa pamamagitan ng pagpapatibok ng puso nito gamit ang isang makina, pagpupunla ng isang buhay gamit ang isang bahagi ng tao na matagal nang namayapa, pagbabago ng mga likas na katangian ng mga tanim at hayop, paggawa ng mga sasakyang nakakarating sa ibang planeta, at iba upang maihalintulad siya sa Diyos.

 

Subali’t sa kabila ng mga kaalaman ng tao para ipakita na siya man ay maaaring umaktong Diyos, bakit hindi pa rin niya mapigilan ang mga dilubyo na dulot ng  mga mapaminsalang baha, bagyo at lindol? Bakit hindi  niya mapigilan ang pag-alburuto ng mga bulkan sa pagpakawala ng kanilang kinukuyom na lakas na pinaghalong abo, mga bato at apoy? Bakit hindi niya  maawat ang pagtigang ng lupa sa ibang kontinente upang magresulta sa malawakang gutom dahil sa pagkalanta ng mga pananim? Bakit hindi niya mapigilan ang pagsibol ng mga bagong sakit na nagdudulot ng pinsala sa iba’t ibang dako ng mundo?

 

Saan hahantong ang kayabangan ng tao? Bakit hindi na lang niya pairalin ang pananalig na walang pag-alinlangan nang sa gayon, kahi’t papaano ay matanggap niya na ang mga nangyayari sa kanyang kapaligiran ay hindi saklaw ng kaalaman niyang may hangganan?

 

Dahil nananaig ang kayabangan kaysa pananalig, ang tao ay hindi magkakaroon ng takot sa puso , kaya siya ay makakagawa ng masama sa kapwa. At lalong hangga’t  nasa kaisipan niya ang magdiyus-diyosan, ang mundo ay hindi magkakaroon ng katahimikan …dahil hindi lang iisang tao ang may ganitong paniniwala…marami – silang  gustong umangat sa pamamagitan ng pagtapak sa karapatan ng iba…silang mga lango sa kapangyarihang dulot ng pera, kaalaman, at katungkulan!

 

 

Sighs for Lost Opportunities due to Wasted Time and Arrogance

Sighs for Lost Opportunities

Due to Wasted Time and Arrogance

By Apolinario Villalobos

 

 

It is always the sigh of regret that one can only heave out of his chest every time he losses an opportunity. Wasted opportunities may result from wasted time as some are just careless in managing their lives. They seem to or deliberately forget that time is a very important element that affects man’s daily life. Many forgot the adage about the hands of time that cannot be moved back. Man is no match to the infinity of time. So many also forgot that nowadays, in order to survive, discipline and resourcefulness are very important factors, and both are affected by time.

 

Those who slave it out from 8 to 5 every day, lost precious hours deducted from their take home pay every time they report to work late. They always blame the traffic. I cannot understand why they cannot leave home hours before the onset of the traffic which is normally at 7AM.

 

For those who are looking for jobs, stories are true about intelligent guys who graduated cum laude but oftentimes fail to land a job. These humbugs wonder how other job hunters could ever get a job despite poor scholastic marks for courses earned from unheard of provincial colleges and vocational schools. The cum laudes forgot that the “early birds get the seeds”. Because of pride and overconfidence, they thought that they can always make it because of high marks on their transcript of records with letterheads of prestigious universities. They forgot that nowadays, employers prefer applicants who show interest in the job, and this interest is initially indicated by being the first in the line on the day of interview. Of course, scholastic marks earned from memorizing lessons can help, but job hunting is a different thing. Respect for time and adeptness in reasoning are two most important measures used to know if a person is ready to take responsibilities.

 

Those who finish high-end courses from universities thought that the job they prefer must fit their course to a “T”. In this regard,  “management course” graduates, expect to be “managers” right away. They do not want to start from the lowest rung as an office staff. As computer engineering graduates, they expect an “engineer” tagged in the position they are applying for. They do not want to start with a job as computer technician or programmer. These losers only have their pride to blame.

 

As regards the parents who are crying their hearts out because of growing undisciplined children, they should not ask themselves how this could have happened. In the first place, they forgot to implant in the minds of their children the values that should have been the foundation for their developments. They allowed the children to spend precious time with their peers outside their home even during unholy hours. They give their children hard-earned or borrowed money so they can go to internet cafes to play games instead of studying their lessons at home. They give in to the whims of their children for gadgets that are not necessary. These parents had all the opportunities and time to nurture their children properly but wasted them. They equated love with “pampering”!

 

Children of well-to-do families have more opportunity to prepare for their future. They have money for every thing that they need, especially for education. But they spend more time with barkadas than with their parents, even skipping classes to be with them to play games in internet cafes or hang out in parks and mall. When they grow old, they realize that they have been left behind by friends who have been serious with their studies.

 

Lawmakers are losing time and opportunity in bringing out relevant issues beneficial to the government and the people, because they waste precious time lambasting each other for the selfish motive of gaining publicity mileage. They pretend to be immaculately clean in person and heroic in their effort as they besmear each other’s image. In the process, they forgot that they are supposed to formulate laws instead of broadcasting intrigues which should be left to the rumor mongering writers and columnists of showbiz magazines and tabloids. Before they know it, no more time is left of sessions that should have been devoted to their basic mission as lawmakers.

 

Finally, every worship day should have been spent by people who belong to the various religious leanings for the atonement of their wrongdoings. Unfortunately, their effort is thickly coated with insincerity and hypocrisy. Deep in their mind, they believe in God, but deep in their heart, they believe that He is blind and dumb, so that when they come out of their temples of worship, they are back to their old selfish and arrogant characters.

Pride Closes the Mind

Pride Closes the Mind

By Apolinario Villalobos

 

 

Some people think that accepting the mistake they made is humiliating. They also think that people who give them advice are intruding into their intellectual domain. Worse, these same people who are buoyed by money and intoxicated by success think that they are above the rest of humanity…and, they just cannot imagine themselves looking back or looking down to where they came from. Blame pride, arrogance, conceit.

 

Self-esteem should be maintained despite material gains. But it should not be tainted with

pride. Moving on is part of life and those who gain by dint of hard work should compose themselves as successes are gained along the way. Studies show that one reason why some successful people refuse to look back or cut off their relationship with former colleagues is their fear that the latter would ask for a share of what they gained. These people not only refuse to look back but they also close their mind.

 

Those blinded with pride may not only move on, but up – climbing the ladder of society to find a new environment where they can move with ease, thanks to their new glittering trappings and money. Among newfound friends, they open themselves up. But since money is not everything in life and relationship with newfound friends is not deeply rooted, happiness is short-lived. As these people grow old they may realize that late parties, golfing with rich buddies, weekend jaunts to first class resorts, dinners in 5-star hotels, etc. have become boring. They start to long for childhood friends, relatives in barrios and slums. But they are ashamed to make a turnaround and trace back their steps to where they came from. And, since, they cannot bring along their wealth with them when they bid the world goodbye, their death could be lonely.

 

(I based this blog on the story of a couple who lives in an affluent village in Makati City, Philippines. Between the two, I could surmise that the wife should be blamed for their situation now. The wife is arrogant and obviously has the hand in all their affairs. Both of them came from Davao City where they also earned their bachelor’s degree from a prestigious Catholic educational institution in that city. They met in Manila while she was working as a secretary in a pharmaceutical firm and he was with a travel agency. After getting married, the wife resigned from her job and went into direct selling of beauty products which prospered. The husband also resigned from his job and joined his wife but expanded their line of products. They were blessed with 2 children. It was while they were enjoying the fruit of their hard work that they almost forgot about their families and friends back in Davao city. When at first, they were helping their respective family, later on they stopped, thinking that their families are milking them of their hard-earned money. Actually, the idea came from the wife who also said that those in Davao should also work hard like them (this bit of information was given to me by the husband, confidentially). In time, communication was cut off. Their two children are both in the United States now with their own families. With advancing age, he is 81 and she is 79, they are now full of regrets. I was referred to them by a friend as they want their “success”  story written down into a book. But I suggested to them that for their story to have a happy ending, they should swallow their pride and go back to Davao to mend the broken relationship with their families which they did. But whether they did it with sincerity or not, I can never tell.)

Ang Panahon ng Graduation sa Pilipinas…at pagkalipas nito

Ang Panahon ng Graduation

Sa Pilipinas…at pagkalipas nito

Ni Apolinario Villalobos

 

Ilang buwan na lamang ay magkakaroon na naman ng mga sunud-sunod na graduation – grade school at kolehiyo…ang 4-year high school ay inabot ng kamalasan dahil sa K-12 program. Sa panahong ito, parang sirang plaka na naman ang DECS at CHED sa pagpapaalala sa mga eskwelahan na iwasan ang magastos na graduation. Kasama sa paalala ang pagdaos na lang ng seremonyas sa kanilang sariling auditorium o gym, at kung maiiwasan ang pagpapasuot ng toga ay mas maganda.

 

Subalit, tulad ng inaasahan, walang nasusunod sa mga paalala, at upang hindi mapahiya ang dalawang ahensiya, sasabihin uli nila ng kung ilang libong beses na, na wala silang “police power” upang magparusa sa mga hindi susunod. Ganyan katindi ang palpak na sistema ng edukasyon sa Pilipinas! Ang nagpatindi pa sa kapalpakang ito ay ang ugali ng mga mayayabang na magulang na kahit walang pera ay pilit mangungutang upang  maibili ang mga anak ng bagong sapatos at damit. Pagkatapos ng seremonyas sa Philippine International Convention Center (PICC) o mamahaling hotel at halos walang katapusang kodakan, lalagapak sila sa katotohanang wala pala silang hapunan pag-uwi ng bahay!

 

Pagkatapos ng graduation, masuwerte ang mga dati nang may trabaho bilang crew ng mga fastfood chains dahil sigurado na silang may kikitain habang naghihintay ng mas magandang pagkakataon. Ang mga mapoporma naman na kinunsinte ng mga magulang sa pag-akalang mayaman sila, ay naghihintay ng managerial position dahil “management course” kuno ang tinapos nila at sa prestigious pang university kuno!…aba’y kung di ba naman mga gunggong… akala nila dahil may diploma ng “management course” na sila ay ganoon kadaling makakuha ng trabaho!

 

Yong ibang matatalino kuno dahil sa matataas na gradong nakuha, tamimi naman pala o mahiyain kaya halos magkanda-ihi pagharap sa mag-iinterbyu. Yong ibang sobrang bilib sa sarili kaya walang pakialam sa trapik na susuungin sa paghanap ng maaaplayang trabaho, gigising ng eksakto 7AM para sa interview na 8AM…marami akong kilalang ganyan ang ugali, kaya halos dalawang taon na ay wala pa ring trabaho…dahil hindi lang mayabang kundi tanga pa! Sa libu-libong applicants na dumadagsa sa mga job sites, hindi ulol ang mga interviewer upang hintayin ang mga tangang walang pakialam sa oras.

 

Yan ang masaklap na katotohan tuwing panahon ng graduation at pagkalipas nito….paulit-ulit dahil walang gustong matuto ng leksiyon, kaya hindi dapat isisi sa gobyerno lang ang paghihirap ng ibang Pilipino kundi pati na rin sa kanila dahil sa kanilang  kayabangan at katangahan.

 

Ang Kaibigan kong Nahimasmasan at Nagbago nang Masupalpal Ko

ANG KAIBIGAN KONG NAHIMASMASAN

AT NAGBAGO NANG MASUPALPAL KO

Ni Apolinario Villalobos

 

Nagkaroon ako ng isang kaibigan dahil sa pagsusulat ko sa internet. Follower ko siya nang mahigit isang taon na ngayon pero ibang sites ko ang binubuksan, wala kasing facebook dahil “wa klas” (walang class) daw itong site. Mayaman kasi kaya matapobre. Pero nang sabihan ko siyang tatlong grupo ang kakonek ko sa facebook, tulad ng mga kababayan at dating classmates, mga kasama dati sa PAL at mga kaibigan nila, at mga taga-ibang bansa na nakakonekta sa pamamagitan ng email ko, tumahimik siya…yan ang una kong pagsupalpal sa kanya.

 

Ang pangalawa kong pagsupalpal ay nang murahin niya ang driver niyang mas nakakatanda sa amin, sa harap ko pa. Na-late lang ng ilang minuto ang driver na tumae muna dahil sa naramdamang LBM, nagalit na ang kaibigan ko kahit pa sinabihan ko siyang hindi naman kami nagmamadali. Nakakausap ko ang driver at naidaing niya na hindi lang siya ang madalas bulyawan kundi pati ang misis at mga pamangkin nito. Nagulat ako dahil bukod sa maganda ay mabait pa ang misis na mas bata sa kaibigan ko ng 20 taon. Ang mga pamangkin naman ay masisipag at seryoso sa pag-aaral. Pinagyayabang pa niya na “napulot” lang daw niya sa isang night club noon ang kanyang misis na nagbigay sa kanya ng 4 na magagandang anak, puro babae at matatalino pa.

 

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay kinausap ko siya nang masinsinan. Malakas ang loob ko dahil madalas siyang komunsulta sa akin tungkol sa mga tauhan niya sa negosyo. Higit sa lahat ay ako rin ang gumawa ng mga kailangang dokumento para makapag-apply siya ng negosyo, mula sa pagkaroon ng pangalan nito hanggang sa incorporation. Diretsahan ko siyang sinabihang baguhin ang ugali niya at pabiro ko pang dinugtungan na huwag niyang gayahin ang pagmumura ko. Medyo kinabahan siya nang sabihan kong may mga nangyayaring mismong mga kadugong inaapi ay pumapapatay sa nang-aapi kapag sila ay napuno na. At dahil uso ang kinapping, sinabihan ko siyang baka “ibenta” siya ng mga taong inaalipusta niya, sa sindikato ng mga kidnapper. Lalo siyang nabahala nang sabihan ko siyang artistahin ang misis niya at sa edad na wala pang 30 taon ay baka layasan siya! Ang kaibigan ko kasi ay halos 50 taon na at ang mukha ay yong sinasabing nanay lang ang makakapagyabang….pero ubod ng yaman naman.

 

Nang sumunod na punta ko sa kanya dahil sa kanyang pakiusap ay nauna ako sa bahay nila. Naipit siya sa trapik mula sa Makati kung saan ang office niya na ayaw kong puntahan dahil sa trapik kaya sa ancestral house nila ako pumupunta sa Pasay. Ang sumalubong sa akin ay ang driver at pinagyabang ang bagong Seiko diver’s watch na ibinigay sa kanya ng kaibigan ko. Habang nagkakape ako, ang misis naman ay nagkuwento na maglilibot daw ang buong pamilya sa ASEAN countries bago magbagong taon at uuwi kalagitnaan na ng Enero…kasama ang dalawang pamangkin niya. Maiiwan ang driver at pamilya nito upang may bantay sa bahay pero pwede nilang gamitin ang van sa pamamasyal. Desisyon daw ng mister niya ang lahat.

 

Nang dumating ang kaibigan ko, halos naubos ko na ang pangalawang mug ng kape. Nagmadali itong nagbihis ng damit pangkalye- puruntong shorts, ukay na t-shirt na bigay ko noon, walang relos at singsing at naka-tsinelas. Samahan ko daw siya sa gumagawa ng mg kariton sa Bambang at Baseco. Sumakay kami sa LRT-Libertad, bumaba sa Recto at nag-commute na papunta sa dalawang destinasyon. Mula sa Bambang ay pumunta pa kami sa F. Torres, malapit sa Arranque, at dahil hindi pa kami nakapananghali, kumain kami sa puwesto ng lola ni “Pango” ang nai-blog ko noon kaya nakilala din niya. Isinama ko siya sa Lawton kung saan kami nagpahinga ng mga kasama ko (“gang of four”), at nagpilit pang pumunta kami sa Luneta upang hanapin ang manikurista na nai-blog ko rin na nakita namin sa tambayan ng mga seaman at may inaasikasong kostumer.

 

Habang nag-aabang kami ng jeep na masasakyan papunta sa Libertad, Pasay, nagpasalamat siya sa mg “pamasko” ko sa kanya. Nagturo lang ako sa itaas bilang sagot at nag-high five kami, sabay tawa, pero napansin kong nagpahid siya ng mga mata. Alam kong mababasa niya ito dahil ipinaalam ko sa kanya upang maging inspirasyon siya ng ibang matapobre na hindi pa nagbabago.

 

(Ang salitang “matapobre” ay hango sa salitang Kastila. Ang “mata” ay death at ang “pobre” ay poor, kaya para sa akin ang taong matapobre ay pumapatay ng mahihirap, sa pamamagitan ng pag-apak ng kanilang pagkatao.)

Respect Should Prevail Over Arrogance When Presenting Views in the Internet

Respect Should Prevail over Arrogance

When Presenting Views in the Internet

By Apolinario Villalobos

 

Definitely and obviously, differing views create rifts and even violent reaction among internet users on different issues. Commentors on blogs are themselves, considered as bloggers. Those who post extensive write-ups on issues, who consider themselves full time bloggers are just “view initiators”. Ill-feeling even among friends results when commenting friends criticize the blogger as a person which for them is the reason why he came up with certain blogs. On the other hand, the criticism of some commentors, though, directed to the issue, are ill-founded and tainted with more selfishness, rather than with consideration of the majority. An example is the issue on the corrupted educational system that encourages the use of workbook-formatted “text books”. Some commentors who can afford the sky-high cost of books that should be purchased every start of the school term, have no kind words for bloggers who criticize the government agency for continuously allowing such practice to happen.

 

Another is the issue on the killing of drug lords and pushers. Just because the rich feel safe inside their homes in exclusive subdivisions and because they do not go out often to earn their keeps and if ever, in chauffeured expensive cars, they criticize the killing which for them is against the right to live, instead, of appreciating the result which is the eradication of the criminals who kill the innocents who have the same right. Those who are exposed, however, to these criminals because they live in thickly populated communities and slums, feel otherwise, so that they are thankful that the criminals  are eliminated before they can go on spreading terror. IN THIS REGARD, ALL OF THEM, DESPITE THEIR DIFFERING VIEWS ON THE ISSUE, SHOULD BE RESPECTED FOR THEIR OPINION FOR AS LONG AS THEY DO NOT EXCHANGE ACCUSATIONS, AS BY ALL INDICATIONS,  IT IS CLEAR THAT WHAT IS GOOD FOR SOMEBODY MAY BE BAD FOR ANOTHER.

 

Views that may enhance the blog of the initiator should be presented “based” on his presentation, hence, should come out as not necessarily criticisms. If this happens, it would encourage others to come out with their own without fear of being lambasted. A heated uncalled for heated exchange can be avoided if commentors will only respect the blogger and fellow commentors. Telling the blogger and other commentors that they are wrong because their views are different, is tantamount to showing the arrogance of those who do such, because their act is a clear manifestation of their “felt superiority”. The view of the latter can be better appreciated if they are humble enough to just simply present them and if they need clarification on certain aspects they should say so.

 

The internet, particularly, facebook should not create ill-feelings among friends with differing views for which subject personalities such as politicians do not give a damn. Personally, I like Duterte because of his effort to eradicate or at least minimize the drug problem in the country, aside from his inspiring phenomenal soar to power despite his humble beginnings. But I do not like his brashness, especially jokes on women which are better shared during drinking sprees. So viewers could see that I am not 100% for Duterte as I only like him for the good aspects of his person.  I also have nothing against the Catholic Church, but only to her erring priests and nuns. I have the right to present my observation as I feel for those who are concerned and affected. This attitude also goes for my view of other churches and religious communities, because, first and foremost, my being a Free Thinker makes it so. I am for ALL for as long as they are good and not selfish.

 

If I had been selfish, I would not be blogging, risking my security in the process, due to the sensitive issues that I am tackling. I would just also be enjoying my life and what is left of Nature which is my other passion, while not giving a damn if families are affected by the drug problem and the Catholic flock who are fooled by SOME of the priests to whom they give utmost  respect because they view them as “representatives” of God on earth.

Ang United Nations, Amerika, European Union, at Panduduro nila kay Duterte

ANG UNITED NATIONS, AMERIKA, EUROPEAN UNION

AT PANDUDURO NILA KAY DUTERTE

Ni Apolinario Villalobos

 

 

ANG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NG UNITED NATIONS AY NAGPAPAKITA NG UNFAIRNESS SA PILIPINAS. NAKIKISAWSAW ITO SA MGA PAGPUNA NA GINAGAWA NG ESTADOS UNIDOS AT EUROPEAN UNION KAY DUTERTE.  NAGBANTA PA NA SIGURADONG MAKAKARATING SA KANILA ANG ISYU TUNGKOL SA EXTRAJUDICIAL KILLING SA PILIPINAS, DAHIL PINAPALABAS NITONG KORTE NA STATE POLICY KUNO ANG NANGYAYARING PAGPATAY SA MGA ADIK, DRUG PUSHER AT DRUG LORD. PRE-JUDGEMENT ANG GINAWA NG NASABING KORTE, GANOONG MALINAW NA TULAD NG NANGYAYARI SA SOUTH AMERICA, ANG PATAYAN SA PILIPINAS AY SA PAGITAN NG MGA TAONG SANGKOT SA DROGA.  ANG MGA PINAGHIHINALAANG MGA SANGKOT NA “NINJA COPS” AY HINAHABOL NG MGA KAPWA NILA PULIS BILANG PATUNAY NA LABAN DIN ANG GOBYERNO SA MGA TIWALING PULIS. ANG HINDI BINIBIGYAN NG PANSIN NG MGA BUMABATIKOS AY ANG POSIBILIDAD NA ANG MGA HUWES NA BAYARAN AY MALAMANG NASA PUWESTO PA RIN AT NAGPAPALAMIG LANG. ANG MGA BAGAY NA YAN ANG DAPAT NILANG PAGTUUNAN NG PANSIN….HINDI SI DUTERTE!

 

DAHIL WALA NAMANG AKTUWAL NA KAALAMAN ANG UNITED NATIONS AT MGA BANSANG PANAY ANG PAGBATIKOS KAY DUTERTE, MALINAW NA SILA AY NASUSULSULAN NG MGA GROUPO NG MGA BANYAGA AT PILIPINONG DRUG LORDS, AT ANG HINALA PA NG IBA, AY PATI NA NG CIA NG AMERIKA, NA NOON PA MANG PANAHON NI MAGSAYSAY AY NAKIKIALAM NA SA PILIPINAS. HALATANG MALAKAS ANG MGA GRUPONG NANINIRA SA PANGULO NA SABI NG IBA AY NAKATIGIL SA AMERIKA AT MAY MGA KONTAK SA PILIPINAS.

 

ANG MASAKLAP LANG,  PATI MGA TAONG SIMBAHAN NA INAASAHANG MAGSUPORTA SANA SA PANGULO UPANG MASUGPO ANG KRIMEN AY NAKIKISAWSAW DIN TULAD NG MGA HUMAN RIGHTS ADVOCATE KUNO. NAKIKIINGAY DIN SILA PARA LANG MASABING LABAN SILA PAGPATAY DAHIL “IMMORAL”, SUBALIT ANG MGA PINAPANIGAN NAMAN AY MGA KRIMINAL, SAMANTALANG HINDI NAMAN NILA BINIBIGYANG PANSIN ANG MGA BIKTIMA…NASOBRAHAN YATA  SILA SA PAGKA-PROLIFE KUNO!

 

DAPAT ANG PAGTUUNAN PA RIN NILA NG PANSIN AY ANG MGA PINANGGAGALINGAN NG DROGA NA AYON SA BALITA AY NORTH KOREA AT CHINA. SAMANTALANG ANG MGA HIGH-END NA PARTY DRUGS NA GINAGAMIT NG MAYAYAMANG ADIK AY GALING NAMAN SA AMERIKA AT EUROPE….MISMONG SA BAKURAN NG MGA BUMABATIKOS KAY DUTERTE! BAKIT HINDI NILA BATIKUSIN ANG NORTH KOREA AT CHINA TUNGKOL SA BAGAY NA ITO, PATI NA ANG MGA BANSA SA EUROPE NA PINANGGALINGAN NG PARTY DRUGS, DAHIL MAY MGA RECORD NAMAN KUNG SAAN GALING ANG MGA ITO?

 

NOONG ‘80s, NANG PUMUNTA AKO SA GERMANY KASAMA ANG DALAWANG KAIBIGAN NA TAGA-PHILIPPINE AIRLINES DIN,  GINAWA NAMIN ANG GERMANY NA JUMP-OFF POINT SA PAGLIBOT NAMIN SA EUROPE. DOON AY NAPANSIN KO ANG TALAMAK NA PAGGAMIT NG MARIJUANA….HALOS HANTARAN. HINDI RIN PINAPANSIN ANG MGA NAGBIBILOT NG MARIJUANA KAHIT SAANG KANTO. PAGDATING NG HAPON, NAGTITIPON ANG MGA HUMIHITIT SA MGA CAFÉ AT BAR AT NAGPAPASAHAN NG MARIJUANA. ANG KAIBIGAN KONG NAGSAMA SA AKIN SA EUROPE AY MGA MARIJUANA SMOKER KAYA MAS GUSTO NILANG MAGBAKASYON SA EUROPE DAHIL SA KALUWAGAN DOON SA BISYONG ITO. ANG MGA GUMAGAMIT NG MARIJUANA SA EUROPE AY MAY LAGAYAN PA NA MAY TATAK NG DAHON – MGA BELT BAG AT PALAWIT NG KUWENTAS NA MALAKING SACHET NA GAWA SA TELA. MAY INABOT KAMING MUSIC FESTIVAL SA GERMANY AT SA MALAWAK NA OPEN AREA, ANG MGA KABATAAN AY WALA RING PAKUNDANGAN SA PAGHITIT NG MARIJUANA.

 

NGAYON, HINDI LANG MARIJUANA ANG TALAMAK SA EUROPE, KUNDI PATI MGA HIGH-END DRUGS NA ANG PINAKA-BASE O MAHALAGANG BAHAGI SA PAGGAWA AY COCAINE.  KALAUNAN, DAHIL SA “KATALINUHAN” NG MGA PILIPINONG NEGOSYANTE NA GUSTONG KUMITA AGAD NG MALAKING PERA,  ANG INAANGKAT NILANG PARTY DRUGS AY PINAPADAMI SA PAMAMAGITAN NG PAGLUTO ULI AT PAGDAGDAG NG INDUSTRIAL CHEMICALS NA NAKAKA-HIGH DIN, AMOY PA LANG. BINEBENTA NILA ANG MISTULANG LASON NA PAMPA-“HIGH” SA MGA ROCK CONCERTS NA INO-ORGANIZE NILA. KAYA PALA AYAW NILANG MAGPAPASOK NG MGA PULIS AT SNIFFING DOGS SA MGA VENUE NA INUUPAHAN NILA PARA SA ROCK CONCERTS!

 

DAHIL SA  KATANGAHAN O PAGTATANGA-TANGAHAN NG OTORIDAD  AT PATI NG MGA VENUE OWNERS NOONG HINDI PA UMUUPO PA SI DUTERTE, HINAYAAN NILANG MANGYARI ANG ANIMO AY “DRUG TIYANGGE” TUWING MAY ROCK CONCERTS. HINDI PWEDENG HINDI ALAM ANG MGA PANGYAYARI DAHIL SA PANIG NG MGA OTORIDAD, AY MAY MGA “INTELLIGENCE UNITS” SILA AT PALAGING NABA-BLIND ITEM PA SA MGA BALITA ANG PAGGAMIT NG DROGA SA LOOB NG CONCERT VENUES NA ANG MGA TIKET AY SOBRANG NAPAKAMAHAL KAYA MGA MAYAYAMAN LANG ANG MAY KAYANG BUMILI. KALAT DIN ANG BALITA TUNGKOL SA BENTAHAN NITO SA MGA HIGH-END NA BAR O INUMAN SA MAKATI AT PASIG, SUBALIT KUMILOS LAMANG SILA NANG UMUPO NA SI DUTERTE. SA PANIG NAMAN NG VENUE OWNERS, NAGBUBULAG-BULAGAN NA LANG SILA, DAHIL MAS MAHALAGA ANG KIKITAIN KAYSA KAPAKANAN NG MGA MABIBIKTIMA, SUKDULAN MANG UMABOT SA KAMATAYAN NG MGA ITO, NA NANGYARI NA NGA KAMAKAILAN LANG SA CONCERT ARENA NG MALL OF ASIA.

 

HINDI NA KAILANGANG IPALIWANAG PA ANG LAWAK NA SAKLAW NG PAGKASANGKOT NG AMERIKA SA PAGKALAT NG DROGA SA BUONG DAIGDIG. SA BANSANG IYAN NAGSIMULA O NAGKAUGAT ANG BISYONG ITO. PATI  ANG PAGGAMIT NG MGA “MUSIC FESTIVAL” TULAD NG “WOODSTOCK ” NOONG DEKADA ‘70 AY GINAWANG PANTAKIP NG MGA ADIK UPANG MATABINGAN ANG TUNAY NILANG LAYUNIN – ANG TODO-TODONG PAGWAWALA NA UMABOT PA SA PAGHUBAD AT “OPEN SEX”… NA KALAUNAN AY GINAYA NG MGA KABATAAN SA EUROPE, NA GINAYA NA RIN NGAYON NG MGA PILIPINONG TIWALI SA PAMAMAGITAN NG PAG-SPONSOR NG MGA “ROCK CONCERTS” NA “TIYANGGE” PALA NG DROGA! SA NGAYON UMABOT NA SA $13T ANG GINAGASTOS NG AMERIKA UPANG MASUGPO ANG BISYO, NA SA HALIP MABAWASAN AY LALO PANG LUMALALA. SA KABILA NG KATOTOHANANG YAN, HINDI NA NAHIYA SI OBAMA SA PAGBATIKOS KAY DUTERTE UPANG MASAWATA ANG DROGA SA PILIPINAS!

 

NGAYON, DINUDURO SI DUTERTE NG MGA BANSANG PINANGGALINGAN MISMO NG BISYONG SUMISIRA SA KINABUKASAN NG MGA KABATAANG PILIPINO DAHIL SA GINAGAWA NIYANG PAGWALIS NG IKINALAT NITONG “DUMI” SA BUONG BANSA …AT GINAGATUNGAN PA NG MGA PILIPINONG TINGIN SA SARILI AY MALINIS AT MAKA-DIYOS!…DAHIL DIYAN BABANGGITIN KO NA NAMAN ANG KASABIHANG, “SA PAGDURO NG ISANG TAO SA KAPWA NIYA, HABANG ANG NAG-IISANG DALIRING HINTUTURO AY NAKATURO SA TAONG INAAKUSA NIYA, ANG TATLONG NAKATIKLOP NAMAN AY NAKATURO SA KANYA!…NA ANG IBIG SABIHIN AY, HABANG MAINGAY SIYA SA PAG-AKUSA SA IBA, TAHIMIK NAMAN SIYA TUNGKOL SA MAS MARAMI NIYANG PAGKAKAMALI KAYA NAKATIKLOP ANG TATLONG DALIRING NAKATURO SA KANYA!