Emotional Blackmail and Sincere Sharing

Emotional Blackmail and Sincere Sharing
By Apolinario Villalobos

Ever wonder why some people find it hard to confide their real feeling and situation or what they do? It is alleged that the reason is their fear that others will not understand them anyway, or that, they will just be ridiculed. On the other hand, I thought that these people are just secretive and selfish, until I experienced it myself.

The strange-sounding “emotional blackmail” was blatantly said to me by no less than a person who I thought was with me always. One day, when I told her what transpired when I was with my friends in a depressed area, she told me pointblank that I was blackmailing her emotionally. At first, I did not comprehend what she meant, until I consulted a friend. He told me that the person close to me must be presuming that I was giving her reasons to help me financially in my advocacy. In other words, I was soliciting her financial sympathy. That was how she, perhaps, understood my intention, although, there was nothing to it but just to share for her to know, as I thought she was close to me.

From then on, I became wary about sharing with others, significant incidents every time I visit my friends in slums. It came to a point that despite pressures by some friends on me to divulge what I really do every time I take the road to do my random sharing, not much is shared in my blogs. It is enough to let trusted friends know that I have shared with the less unfortunate whatever excess I have in my pocket and what others contribute.

My intention in sharing my experiences is purely to inspire. I do not want to make viewers think that their emotions are being pinched. Unfortunate people are not only found in the Philippines or Manila for that matter, but anywhere in the world. I just want to let viewers know that all they need to do is open their eyes and look around wherever they are, for fellow men who need help in any way. However, for some select followers of my blogs and who I know to be on the same plane with me, I do not hesitate to expound on my advocacy. As I could feel their sincerity, I allow them to have a glimpse of what I do, as I answer their queries through discreet messages.

I must admit, though, that strangers but considered “fb friends” and “blog followers” are sending tokens of charity or directly involve themselves in what I do. For instance, a Belgian follower in one of my sites sent euro for the sidewalk kids of Avenida; a couple in Cebu sent help for a family in Baseco Compound; an elderly couple adopted a former teen-aged prostitute I met in Avenida, and sent her to school; a Filipina in the States sends books; another Filipina still in the States sent her long-kept peso saved from a previous vacation in the Philippines; a retired couple regularly shares interest earned by their money in the bank to help me with my expenses; and a balikbayan couple spent for the bus fares and allowances of three families who went home to Tacloban. These are just some of the angelic acts that helped many unfortunate souls. Those friends learned about the needs from what I shared through blogs. Unfortunately, some still have the temerity to ridicule my effort knowing that I have limited financial capability which I must honestly admit. Their view is that, I am not supposed to be doing all those things because I cannot do them on my own. What they do not know is that, in the beginning, I only relied on what I had, and that is how I made the ball start to roll…. successfully.

It is interesting to note that some people cannot understand what “random sharing or charity” means…that it is about unplanned, on-the-spot sharing of what is available and affordable, without declaring the identity of the giver, and without the selfie-shots of the cellphone camera, recording all those acts… and, that it is about blending with the people being helped to the extent of partaking of their meals as necessary, or sleeping with them on the sidewalk.

At the end, I just console myself with the thought that I am not alone in this kind of sharing advocacy. I see young evangelists who visit depressed areas to share the Good News from the Bible, and with only a few pesos in their pocket for fare back home. I learned that some of them make do with Skyflakes biscuit to stave off hunger while snaking their way through muddy side streets and alleys.

But, what touched me most was when a scavenger shared with me a partly spoiled pineapple that he painstakingly peeled and delicately sliced to get rid of the spoiled portion. To show my appreciation, I bought four pieces of Skyflakes biscuits – two for each of us to go with the foraged pineapple.

To keep me going, I just keep on telling myself that if others can do it, I can do it, too…share what is affordable. And, that for me is what I call simple but sincere sharing…that we need not be rich to let others feel how we care for them. Most importantly, sharing such experiences with others does not necessarily mean that their help is being solicited, but is just meant to inspire them to do the same for others near or around them, if they have the time and a extra coins in their pocket. What I am doing is letting them know that they need not walk or look far to find people who need help.

Blessed be the Man Who Toils with Honest Mind that Guides His Hands…a poem for Labor Day/2015

Dedicated to those whose hard work keeps others alive……
A blessed Labor Day to all!

Blessed be the Man Who Toils
With Honest Mind that Guides His Hands
by Apolinario Villalobos

When the mind is clouded with deceit
No decent toil is done with it…
As the mind is emboldened with fraudulence
Fear is no longer felt for the consequence.

Blessed be the man whose honest mind
Guides the dexterity of his hands,
Blessed by his good intentions
To earn by dint of sacrifice and sincerity
So that not a soul be exploited
Or get trampled with audacity.

Nationalism should not be Barred by Distance

Nationalism should not be barred by distance
By Apolinario Villalobos

Filipinos who are fortunate to be living elsewhere – United States, Europe, Asian and Mediterranean countries should not distance themselves from their country of birth, short of despising the suffering Filipinos left behind. First and foremost in the mind of the overseas compatriots should be the thought that their host countries granted them citizenship or green card, because they are hardworking and trustworthy “Filipinos”. The color of their skin, accent, and aching for indigenous Filipino food, are lifetime marks that will never be erased from their persona, anywhere they go. They should not be ashamed of the present situation of the country. The Philippines may be run by corrupt officials, but these selfish citizens should not give overseas Filipinos reason to detest the country, as those who are left behind, and who still have the true Filipino spirit in their person are moving heaven and earth in their fight for changes, how elusive they may be.

Although, it is true that during campaign period prior to election, vote buying is rampant, there is a question on how the hungry compatriots can be blamed in the face of desperation, so that some Catholic bishops, even would go to the extent of telling their hungry flock to just accept the bribe but follow their conscience. A person who did not experience going hungry for days will never understand the feeling of being tempted with fifty pesos…how much more for a thousand pesos in exchange for one vote?

It is not enough that those who got paid for their votes be told that they should have not accepted the money in the first place. Perhaps what brothers and sisters out there can do is think of suggestions on how those wallowing in grief can alleviate their lot through other doable means. Unfortunately, it might be difficult to make suggestions if one has not been to slums. Looking at the flat shared photos and videos in the social media is not enough, although, they can move viewers to tears.

My suggestions are for those out there to stop making remarks that cannot help but just emphasize the sorry state of the unfortunate as seen in photos and videos. They should offer prayers, instead….as something is being done anyway, and despite the difficulty, the fight goes on – a hurting reality. At least, with prayer, those out there are able to let the Lord know, that they are showing their “realistic” concern and sympathy….yes, realistic, and hopefully without a tint of hypocrisy!

Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng Magulang at Suwail na Anak

Sa Pagsalpukan ng Iresponsableng Magulang
At Suwail na Anak….
Ni Apolinario Villalobos

Pangalawang beses na itong pagsabi ko na swertihan ang pagkakaroon ng mapagmahal at responsableng magulang, o anak na mabait at hindi makasarili, ibig sabihin ay uliran at hindi suwail. Hindi na kailangang magtaas ng kilay ang mga magulang at anak sa pagbasa ng titulo dahil talaga din namang hindi lahat ng magulang ay 100% na responsable, ganoon din ang mga anak na hindi lahat 100% ay uliran. Ang blog na ito ay tungkol sa Pilipinong pamilya lamang.

Batay sa kultura ng Pilipino ang mga magulang ay inaasahang mapagmahal at responsable upang maging matatag ang tahanan. Ang mga anak naman ay inaasahang maging huwaran sa pagsunod sa magulang, kaya dapat ay mabait at hindi makasarili.

Subali’t sa panahon ngayon, hindi na ito kadalasang nangyayari dahil sa dami ng impluwensiyang nasasagap ng pamilyang Pilipino. May nababasang balita tungkol sa magulang na nagbubugaw ng anak o nagsasalang dito sa sex video upang pagkitaan. May mga kuwento rin tungkol sa mga anak na sa murang gulang ay sumasagot sa magulang o di naman kaya ay nagmumura pa. May mga magulang na nagtatapon ng anak sa basurahan o nagpa-flush ng bago pa lamang panganak o fetus, sa inuduro. Meron ding mga anak na nang magkaroon ng sariling pamilya, ang sariling magulang ay hinayaan na lang na lumaboy sa kalye at mamulot ng basura upang mabuhay.

May mga responsableng magulang na kahit anong gawin upang mahubog sa kabutihan ang anak, talagang walang kinahihinatnan ang pagod dahil malakas ang pagkontra sa kanila. Kung lumaki na ang mga anak na suwail ay halos sipain pa sila ng mga ito palabas ng bahay. Sa ganitong sitwasyon, ang magulang na hindi nakakatiis ay nagiging kawawa kapag matanda na dahil hindi makakaasang aalagaan sila ng kanilang anak. May mga nakausap akong matatandang namumulot ng basura upang mabuhay dahil sa kamalasan nilang pagkaroon ng mga anak na suwail, kaya nagtitiis na lamang sila sa pagtira sa bangketa.

May mga anak din na uliran sa kabaitan, subali’t ang mga magulang naman ay iresponsable at gumon sa mga bisyo, kaya pati sila ay naipapahamak. Sa pamilyang ito nagkakaroon ng bugawan ng anak upang kumita ang magulang. Sa mga ganitong sitwasyon, kadalasan, ang mga anak na hindi makatiis ay naglalayas na lamang at nakikisasama sa ibang bata na may kahalintulad na kuwento ng buhay. Sila ang mga nagugumon sa pagsinghot ng rugby, at kalaunan ay natututong magbenta ng sarili o magnakaw upang mabuhay.

Ang matinding sitwasyon ay kung parehong may mga kasalanan ang mga magulang at anak tulad ng nakita ko sa isang pamilya sa isang barangay na madalas kong pasyalan. Ang mga anak ay puro batugan. Paggising, ay cellphone agad ang inaatupag. Nagsilakihan silang ni hindi nakahawak ng walis nang may kusa, dahil kailangang utusan pa ng magulang, at sumunod man ay animo nilamukos ang mukha dahil sa pagsimangot. Ang mga magulang naman ay masosyal at ayaw patalo sa mga kapitbahay pagdating sa mga kagamitan, dahil ayaw paawat sa pagbili ng mga gamit, kahit hindi kailangan. Dahil sa pagsalpukan ng hindi kagandahang ugali ng pamilya, umaga pa lang ay nabubulahaw na ang malalapit na kapitbahay dahil sa kanilang pagsasagutan.

Ang basag na relasyon ng magulang at anak ang isa sa mga dahilan kung bakit ang lipunan ay tuluy-tuloy sa pagbulusok, habang nawawalan ng kabuluhan. Hindi lahat ng Pilipino ay may iisang pananaw at panuntunan sa buhay. Ang iba, kahit walang laman ang tiyan ay okey na, makapagsamba man lang. Subalit may iba ring dahil sa gutom ay nawawala sa sarili kaya hindi lang pamilya ang nabubulyawan, kundi pati na ang Diyos ay pinagdududahan na rin. Idagdag pa dito ang mga impluwensiya ng teknologhiya at ibang kultura, at lalo na ang kapabayaan ng pamahalaan, kaya kung wawariin ay halos wala nang masusulingan ang Pilipino.

Sa puntong ito dapat ipasok ang pakikialam sa ating kapwa nang may kabuluhan. Ang pakikialam ay hindi lamang pagpayo kung ano ang tama, kundi ang pagpapakita sa pamamagitan ng kinikilos natin na maaaring tularan. Ang isa pa ay ang pakikialam sa pamamagitan ng tulong na abot-kaya. Huwag nang hangaring makatulong ng malaki kung ang kaya ay para sa isa, dalawa o tatlo lang…dahil kabawasan din sila kahit papaano, sa hanay ng mga nangangailangan.

Isang Suhestiyon upang Mabawasan o Tuluyang Mawala ang mga Basura, at Kikita pa ang mga Mahihirap

Isang Suhestiyon Upang Mabawasan o Tuluyang Mawala
Ang mga Basura, at Kikita pa ang mga Mahihirap
Ni Apolinario Villalobos

Lubusang mabibigyan ng magandang kahulugan ang kasabihang “may pera sa basura”, kung bibilhin ng pamahalaan ang basura. Kapag magkaroon ng ganitong programa ang pamahalaan, siguradong wala nang makikitang maski plastic ng ice candy sa paligid dahil magkakanya-kanya ng ipon ang mga tao, lalo na ang mga bata.

Ito ang suggested na paraan:

1. Ang mga barangay ang bibili ng mga basura mula sa kanilang nasasakupan. Dapat ang basura ay maayos sa pagkabalot batay sa alituntunin na paghiwalay ng mga hindi nabubulok sa mga nabubulok. Ang mga mari-recycle tulad ng bakal, bote, at iba pa na binibili na ng mga junk shop ay hindi bibilhin upang may kita pa rin ang mga ito. Ang hindi maayos sa pagkakabalot ay hindi bibilhin.

2. Por kilo ang bilihan, halimbawa ay Php2.00 bawat kilo para sa nabubulok at Php3.00 kada kilo naman sa hindi nabubulok. Kasama sa mga bibilhin ay mga dahon, tuyong sanga na pinagputul-putol upang magkasya sa sisidlan. Hindi bibilhin ang mga basurang nangangamoy upang matuto ang mga tao sa pagdispatsa nito ng maayos tulad ng pagbabaon sa lupa, o paggamit bilang abuno ng tanim. Dapat ispreyhan ng barangay ang mga nabiling basura na maiimbak kahit nakabalot ang mga ito ng maayos upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng mikrobyo sa paligid ng imbakan.

3. Ang mga barangay ay dapat “pautangin” ng DSW ng revolving fund na dapat ding ibalik sa itatakdang panahon na nakasaad sa kontrata o Memorandum of Agreement, at ito ay isasailalim sa COA audit kaya sagutin ng barangay kung ito ay mawawaldas. Kasama sa Memorandum of Agreement ang munisipyo o city government bilang saksi. Kailangang tulungan ng munisipyo o city hall ang DSW sa pamamagitan ng regular na pag-check kung maayos na naipapatupad ang programa.

Sa laki ng pondong ibinibigay sa DSW, dapat may bahagi nitong nakalaan sa mga proyektong nakikita ang resulta o yong tinatawag na tangible. Marami ang nagdududa sa DSW kung ang pondo na binibigay dito ay nagagamit ng maayos sa kabila ng magandang layunin nitong makatulong sa mahihirap na pamilyang may mga batang pinag-aaral. Dapat lang na ma-involve ang ahensiyang ito dahil ang programa ay tungkol sa pagpapaunlad ng buhay ng mga taong mahirap. Ito na ang pagkakataon upang makapagpakita ng katapatan ang DSW sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Kung ang basura ay bibilhin, siguradong pag-aagawa na ito ng mga tao. Magkakanya-kanya na rin sila ng paglibot sa kanilang komunidad upang makaipon ng basura. Maliban sa kalinisan na layunin ng programa, sigurado na ring kikita ang mga mahihirap.

May Kabuluhan pa ang ang Bangko sa Panahon Ngayon….para sa mga ordinaryong Pilipino?

May Kabuluhan pa ba ang Bangko sa Panahon Ngayon
…para sa mga ordinaryong Pilipino?
Ni Apolinario Villalobos

Nagtatanong lang naman ako, dahil sa kakarampot na kinikita ng mga ordinaryong Pilipino ano pa ang matitira upang maitabi sa bangko? Maaaring ang pakinabang sa bangko ay ang paghawak at paglabas ng mga suweldo ng mga manggagawa. Subali’t ang problema, hindi na rin ligtas ang ginagamit na ATM cards dahil sa mga nagsusulputang iba’t ibang klaseng paraan upang ito ay magamit ng mga tiwaling tao. At ang masakit, naghuhugas- kamay ang bangko kapag nangyayari ito upang makaiwas sa pagbalik o pag-refund ng nawalang pondo ng kliyente. Itinuturo ng bangko ang kontrata sa kanila na pinirmahan ng kliyente, na sa kasamaang palad ay naka-print sa maliliit na titik kaya halos hindi na mabasa!

Dapat ang bangko ay dinideposituhan ng pera ng mga taong gustong maglaan ng maski maliit na halaga pagdating ng panahon ng pangangailangan. Subali’t ang kikitaing interes naman ay kulang pang pambayad sa buwis na pinapataw sa nakadepositong halaga.

Ang gusto lang yata ng mga bangko ay kumita sa pamamagitan ng pagpapautang ng perang nakadeposito sa kanila. Sa ganitong paraan ay kikita sila ng malaki, subali’t ang mga depositor na may-ari ng pera ay nakanganga, dahil kapag binawi na nila ang perang nakatabi, ay halos ganoon pa rin ang halaga.

May Bangko Sentral ang bansa, subali’t inutil naman sa pagbuo ng mga ideya o programa kung paanong matulungan ang mga ordinaryong mamamayan tungkol sa pinag-uusapang bagay. May pamahalaan naman ang bansa, subali’t lalong inutil din pagdating sa ganitong bagay. Ang gustong mangyari yata ng pamahalaan ay maging negosyante ang lahat na Pilipino kaya ang mga pera nila ay dapat gamitin sa pangangalakal. Anong negosyo?…negosyong naka-display sa bilao….o nakalatag sa bangketa? At, paano na ang mga Pilipinong walang gana o kaalam-alam sa pagnegosyo , kaya ayaw magbitaw ng pera sa pangambang ito ay malulusaw lang?

Kaipokrituhan ang kampanya ng pamahalaan at mga bangko na turuang mag-impok sa bangko ang mga kabataan. Bakit hindi amining ito ay panloloko lamang. Paano ngang gaganahan ang mga batang mag-impok sa bangko ganoong wala naman itong halos kikitain? Ang gusto lang ng pamahalaan sa pakikipagkutsaba sa mga bangko ay madagdagan ang pinapaikot na perang nakalagak sa kanila upang may maipautang na papatawan naman ng mataas na interes. Ganoon lang ka-simple.

Kung may ma-bankrupt na bangko, sorry na lang sa mga nagdeposito ng mahigit Php500,000, dahil maggugudbay na sa kanila ang halagang mahigit dito na siya lamang babayaran ng insurance. Paano na ang mga retirees na ang inaasahan ay interes sa naimpok na perang umaabot minsan ng mahigit Php500,000? Siyempre, ang sagot ay hati-hatiin ang halaga sa iba’t ibang bangko upang masunod ang maximum na deposit, subali’t ang malungkot ay wala pang limandaang piso ang kikitain ng bawa’t deposito sa isang buwan!

Ngayon, anong tulong ang nabibigay ng pamahalaan, Bangko Sentral ng Pilipinas, at mga bangko sa mga ordinaryong mamamayan?…may kabuluhan pa ba sila? Ang sagot ay tumataginting na WALA!!!

Ang Arkilahan ng mga Kung Anu-ano

Ang Arkilahan ng mga kung Anu-ano
Ni Apolinario Villalobos

Sa ibabaw ng mundo, mula’t sapul ay nauso na ang arkilahan. Sa Tsina, isa sa mga bansa na may pinakamatandang kultura, mula pa noong unang kapanahunan nila, umaarkila na ng mga mangigiyak kung may patay. Ngayon, hindi lang mangingiyak ang inaarkila nila kundi mga halos hubad na mananayaw upang makaakit ng mga taong makikipagluksa. Kamakailan lang, sa Tsina pa rin ay may lumabas na web site para sa mga pwedeng arkilahang taga-bugbog ng mga nangbo-bully sa school at opisina.

May tinatawag na mersenaryo, o mga sundalong bayaran na may ibang nasyonalidad at lahi na pwedeng bayaran upang magamit ng mga bansang nangangailangan ng serbisyo nila. Itong gawain ay talamak kahit noon pa mang panahon ng mga tao sa Bibliya. Ayon sa mga komokontra sa isyu na naging alipin daw ang mga Hudyo (Jews) sa Egypt kaya inilabas ni Moses, ang totoo raw, binayaran ang kanilang serbisyo upang magtrabaho sa iba’t ibang proyekto, kasama na ang paggawa ng mga piramida (pyramid).

Uso din mula pa noon ang pag-arkila sa serbiyso ng mga mamamatay-tao. Isa ito sa mga negosyo ng Mafia sa Estados Unidos, at ng iba pang mga gang-style na samahan sa iba’t ibang panig ng mundo. At, siyempre kasama na diyan ang Pilipinas, kung saan ay napakamaraming inaarkilang mamatay-tao, lalo na ngayon, kaya nga may mga kuwento na sa halagang limang libo ay pwede ka nang magpatumba ng tao sa Pilipinas, basta tama lang ang koneksiyon.

Hind lang taong buhay ang inaarkila, lalo na sa Maynila. Kahit patay ay inaarkila ng mga sindikato na gustong magpasakla, lalo na sa mga squatters’ area. Kalimitan, ang pinapaarkila ay mga patay sa punerarya na naka-freezer habang naghihintay ng claimant. Ibig sabihin kasabwat ang mga tiwaling punerarya, para siguro mabawi ang ginagastos nila sa “freeze storage” na kumakain ng espasyo at kuryente. Sa ganitong gawain, naghahanap ang sindikato ng isang pamilya na talagang naghihirap upang maakit sa perang magiging bahagi nito mula sa kikitain ng sakla. Gagawa sila ng kuwento tungkol sa pagiging magkamag-anak ng patay at may-ari ng bahay. Upang malaki ang kita, kung minsan, inaabot ng hanggang dalawang buwan ang “lamay”.

Marami pang bagay ang inaarkila upang maging magamit pansamantala ng mga nangangailangan, kasama na diyan ang tirahan, mga gamit para sa party lalo na videoke, balloons, silya, mesa, at clowns o payaso, di kaya ay mga magicians. Ang mga sasakyan ay inaarkila din, pati mga gamit panluto.

Meron ding inaarkilang tagapagdasal sa labas ng malalaking simbahan ng mauunlad na lunsod tulad ng Maynila at Cebu. Sa Cebu, ang dasal ay may dagdag pang sayaw. Sa Quiapo ay dasal lang ang ginagawa habang nakikinig ang nagpadasal upang masigurong tama ang pangalang babanggitin – pangalan ng asawa na ipinagdasal upang mamatay dahil sumama na sa kerida. Ang ibang nagpapadasal naman ay sinasabayan ng paglusaw ng mga kandila.

Sa malalaking kumpanya at sa gobyerno, nauso na rin ang pag-arkila sa serbisyo ng mga “consultant”…mga may angking kakaibang talino. Ang ibang kumpanya ay nagkakasya sa iisa o dadalawang consultants. Subali’t ang gobyerno, lalo na sa Pilipinas, ang mga ahensiya ay halos mamutiktik sa mga consultants. Ang dami ng consultant ay nagpapakita ng kahinaan ng isang ahensiya, o gobyerno sa kabuuhan nito….at yan ang sitwasyon ng Pilipinas!

Dapat May Seminar ang Baguhang Presidente

Dapat May Seminar ang Baguhang Presidente
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas na tila ba ay hindi nagpapagabag sa pangulo, sa personal kong pananaw, dapat lang na sa susunod, ang bagong halal na presidente ay isailalim sa seminar tungkol sa epektibong pamamahala ng gobyerno.

Ang seminar para sa presidente ay dapat malawak na kapapalooban ng values and attitude, development of courage, word of honor, clean and healthy habits, honesty in words and deeds, better understanding of friendship, at ang sense of urgency.

Kailangang maituro ang katapangan upang maka-relate siya sa mga ginawa ng mga ninuno ng Pilipino na nagbuwis ng buhay upang matamo ang respeto ng ibang lahi at mapanatili ang kabuuhan ng bansa na kinapapalooban ng mga isla at bahura. Kaya dapat maisalaksak sa isip niya na kung may dayuhang sumisira ng likas na yaman tulad ng bahura, ito ay isang pagyurak sa dangal ng bansa, na hindi dapat ipagsawalang-kibo ng matagal at magkukumahog lamang sa panahong wala na siyang magagawa pa sa nangyayaring paglalapastangan.

Kailangang maituro ang tungkol sa word of honor upang maunawaan niya na itong prinsipyo ay hindi laruan o ginagamit sa mga tsismisan. Dapat isipin niya na kung magsalita siya sa harap ng mga Pilipino, siya ay hindi nakikipagtsismisan. Kailangang malaman niya na kung may ipinangako siya habang nangangampanya, dapat ay tuparin niya, upang hindi lumabas na kaya niyang paglaruan ang kabaitan at tiwala ng mga Pilipino.

Ang tungkol sa clean and healthy habits, kailangang maipamukha sa kanya, at kung puwede lang iduldol sa mga mata niya kung lumalabo na ang mga ito, ang mga epekto ng bisyo tulad ng sigarilyo, alak, at pagpupuyat dahil sa walang humpay na paglaro ng video games. Makakatulong din ito upang maunawaan niya na mali ang pagpatay ng cellphone upang makapag-concentrate sa paglaro, at upang hindi siya maistorbo sa pagtulog, kaya bubuksan lang niya ito kung ala- siyete na paggising niya. Dapat isampal sa kanya ang katotohanan na kung ang bisyo niya halimbawa ay paninigarilyo at hindi niya maiwaksi, siya mismong presidente ang sisira sa kampanya laban sa bisyong ito. Ganoon lang kasimple at maski batang sa kinder pa lang ay alam ito. Puwera lang kung hindi alam ng taong bayan na abnormal pala ang ibinoto nila!

Ang honesty in words and deeds ay napakaimportante upang hindi magmukhang tanga ang presidente sa pagreport sa bayan ng mga proyektong minana lang niya kung meron man, mula sa nakalipas na administrasyon. Kailangan din ito upang hindi siya mapahiya sa pag-ako ng mga proyektong ginawa ng mga NGOs halimbawa, para sa mga sinalanta ng bagyo. Ang isa pang sitwasyon ay sa pag-modernisa halimbawa ng hukbong sandatahan ng bansa, na hindi naman totoo, kaya dapat siyang matuto, upang hindi siya magmukhang sirang plaka o taong wala sa katinuan tuwing magbabanggit nito sa mga party na kanyang dadaluhan, at lalong upang hindi niya isipin na siya lang ang bright at ang iba ay tanga na kaya niyang lokohin.

Ang tungkol sa better understanding of friendship, ay module tungkol sa pag-unawa na ang presidente ay dapat kumalas na muna sa mga dating kasama niya sa mga hobbies tulad ng shooting at iba pa, di kaya ay mga dating barkada at kaklase. Ito ang magpapaunawa sa kanya na dapat niyang ibaling muna ang kanyang friendship sa kabuuhan ng populasyon ng bansa, sino man sila – pulubi, SAF commandos, transgender, driver, tindera, pari, madre, o kung sino pa, upang may mamatay man o ma-ospital at kaya rin lang niyang bumisita ay magawa niya kahit hindi niya kilala….dapat i-presume niya na ibinoto siya ng mga ito. Ito rin ang magtuturo na ang mga dating kaklase, kabarkada, katagayan, kabarilan at ano pang kaek-ekang friends ay hindi dapat nilalagay basta na lang sa mga puwesto sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kung may hindi matanggihan, dapat tanggalin agad kung nakitaan ng ugaling corrupt o katangahan sa pagpatupad ng responsibilidad, huwag silang magdikitan upang hindi siya pagdudahang may “kakaibang” personalidad.

At ang pinakamahalaga, ay ang pag-develop ng sense of urgency. Bilang presidente, dapat isalaksak sa kanyang diwa na iba ang buhay bilang lider ng isang bansa, sa buhay binata, kung binata man siya o de-pamilya. Dapat isiksik sa utak niya na buong bansa ang pinangangasiwaan niya, hindi isang bahay o isang pamilya o isang opisina. Kung may problemang kinakaharap ang bansa halimbawa tungkol sa teritoryo, dapat matuto siyang magkonsulta agad sa mga may karanasan nang naging presidente ng bansa na mga kasapi sa National Security Council, hindi yong siya ay kokonsulta sa animo ay Student Council na ang mga miyembro ay kakapa-kapa sa dilim at nabubulol maski sa pagsasalita at kahit hindi nila sure kung tama ang sinasabi nila ay taas noo pa rin. Itong module ang magtuturo sa kanya na dapat ay anticipatory ang kanyang mga aksiyon, hindi reactionary, upang hindi siya ituring na lampa o malamya o malambot o walang buto o utak ipis o maikli ang pananaw dahil malabo ang mata.

Para sa 2016 eleksiyon, tingnan ang kulay ng pagkatao ng tatakbo kung ito ay busilak o may mantsa ng hindi kaaya-ayang mga kasong hindi tugma sa good manners and right conduct. Huwag piliin ang mahilig maghugas ng kamay na turo ng turo sa iba na masama kuno, upang lumabas na siya lang ang malinis, ganoong sa pagtuturo niya ng isang daliri sa iba, ang tatlo pa niyang daliri ay nagtuturo naman sa kanya!

Imperfection, Tolerance, and Peace

Imperfection, Tolerance, and Peace
By Apolinario Villalobos

Nothing on earth is perfect. That is the reason why nobody has the right to say that his or her religion or family or child, decision, etc. is perfect. Not even identical twins are perfectly identical. Religion which is invented by man is not perfect or rather, the perfect way towards eternal Bliss. Religions do not teach perfect philosophies or way of life. Some people behind religions use fraudulent tactics in their conversion efforts. Some churches regardless of faith have been questioned since the early times on the issue of corruption. But this does not mean that religion is totally bad. Somehow, as it is supposed to teach virtues, there is still righteousness in it.

Since nobody and nothing else, for that matter, on earth is perfect, it is necessary that we should be tolerant to one another, especially, on the issue of faith. Let us avoid criticizing others, instead, we should manifest goodness in our action to the humanly best we can and hope that others will emulate us. If we fail to understand imperfection, as well as, practice tolerance of differences that prevail among us, there will never be peace, as each one will always try to prove that he is the best.

If communist countries will not tolerate the democratic system of their neighboring countries, expect clash of ideologies and eventually, war, which already happened in the past, and may erupt again soon. If Islamic advocates will not tolerate the evangelizing efforts of Christians who visit homes to share the Good News in a Muslim community, expect prosecutions that will result to hatred.

On the other hand, there is always the choice between good and better, and the final choice between better and best. But, it does not mean that what comes out as the best is already perfect. One who thinks this way, must be standing on the pedestal of pride!