Ang Epekto ng mga Ginagawa natin sa Ating Kapwa at Kalikasan

Ang Epekto ng Mga Ginagawa Natin

Sa  Ating Kapwẳ at Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga ginagawa natin araw-araw ay nakaka-apekto sa ating kapwa, sa loob man ng tahanan o pinagtatrabahuhan, at sa labas ng mga ito. At, hindi lang sa ating kapwa-tao ang epekto kundi pati na rin sa ating kapaligaran at kalikasan.

 

Nakakatawa, subalit ang mistulang pag-utot natin ay nakaka-apekto sa ating kapwa lalo na kung tayo ay nasa loob ng isang lugar na kulob o saradong-sarado kaya naka-aircon, at lalong matindi kung sira ang aircon. Hindi rin ito nakakatawa dahil may nabasa akong balita sa internet na dahil sa sobrang amoy ng utot na pinakawalan ng katabi niya ay may buntis na hinimatay at nakunan. At, mayroon pang na-heart attack dahil sa sobrang katatawa. Nakakasira din ito sa tahimik na bulwagan kung saan ay may nagko- konsiyerto. Ang utot ay humahalo sa hangin na pumapailanlang sa kalawakan kaya nakakadagdag sa pagkasira ng ozone layer. Yan ang dahilan kung bakit may mga bansang nagbawas ng inaalagaang baka (cow) dahil sa madalas nilang pag-utot, kaya lumalabas na malaki ang naaambag nila sa pagkasira ng ozone layer.  Tanggap ng siyensiya o agham ang katotohanang ito.

 

May mga taong nagkaroon lang bigla ng maraming pera sa hindi ko na sasabihing dahilan kaya nakayanang bumili ng ilang sasakyan ay nakalimutan nang mag-commute. Mamamalengke lang ang misis sa palengkeng malapit lang naman ay naka-kotse pa. Maghahatid lang ng anak sa barkada niya sa katabing subdivision ay naka-kotse pa. Pupunta lang sa assembly area ng jogging ay naka-kotse pa…etc. Nakapag-aral naman ang mga ito at nakakabasa ng mga balita sa internet, kaya nakapagtatakang hindi nila alam na ang napakasimple nga lang na pagwa-warm up ng sasakyan ay nagreresulta na sa pagbuga ng carbon dioxide na sumisira ng ozone layer. Dahil sa madalas na paggamit ng mga sasakyan na gusto lang yatang i-display sa mga kapitbahay ay obvious na guilty rin sila sa pagkasira ng ozone layer.

 

May mga mayayabang din na talagang sinasadya ang pagpabago ng tambutso ng mumurahin nilang single na motorcycle na second hand pa, upang magkaroon ng epek na animo ay dambuhalang motorcycle kung paandarin nila dahil sa ingay….noise pollution naman ito maliban pa sa carbon dioxide pa ring binubuga ng todo dahil tinanggalan ng filter ang tambutso. At hindi lang ozone layer ang apektado dito, kundi pati mga kapitbahay lalo na kung umuwi sa hatinggabi o madaling araw  ang mayabang. At dahil sa ingay, pati na rin ang ibang tao sa kalye ay apektado kung magpaharurot ang mayabang ng kanyang lumang single motorcycle.

 

May mga taong walang pakundangan kung magtapon ng pinagbalutan ng kinakain nila habang naglalakad. Kawawa ang mga bahay na madaanan nila dahil kung saan naubos ang banana cue ay doon din nila itatapon ang stick – kahit sa tapat ng gate mismo. Yong ibang tinatapon ay paper cups na nilagyan ng sauce ng fish ball at stick din, pinagbalutan ng ice cream- in- stick, boteng plastik ng tubig at softdrink, etc. Matindi naman ang mga nakasakay sa dyip o bus na nagtatapon ng basura sa labas ng bintana kaya naikakalat ito, sa halip na iuwi o ilagay sa ilalim ng upuan ng bus, o kung dyip ay sa basurahang inilaan ng drayber.

 

Yong ibang garapal ay inilalagay ang basurang naipon nila sa bahay sa napakagandang shopping bag, bibitbitin palabas at tityempo sa pagtapon sa ilog kung merong malapit sa kanilang tinitirhan, o di kaya ay isasakay sa maganda nilang kotse sa pagluwas nila ng Maynila at itatapon sa tabi ng highway o mismong Cavitex, SLEX o NLEX, kung malayo na sila sa patrol o toll booth….alam ko yan dahil may nakita na ako!

 

Maraming nagagalit kapag may naririnig na balita tungkol sa mga basurang nakatambak sa tabi ng dagat, sa ilog mismo, at kung saan-saan pang bahagi ng lunsod. Sumasali din sila sa mga clean up drive at nakasuot pa ng t-shirt, pero halata namang karamihan sa kanila ay gusto lang magpakodak upang may mailagay sa facebook. Galit sila sa mga nagkakalat ng basura, subalit hindi nila “naalala” ang pagtapon nila ng candy wrapper o upos ng sigarilyo sa kalsada!

 

At, ang pinakamatindi ay ang epekto ng pagpasok ng iba sa larangan ng pulitika upang magpayaman. Dahil natanim sa isip nila ang nasabing layunin, lahat ay gagawin upang manalo sa eleksiyon kaya mamimili ng boto at kung mananalo nga ay mangungurakot upang mabawi ang ginastos. Dahil diyan apektado ang badyet ng bayan dahil sa pagnanakaw nila kaya ang taong bayan naman ang nawalan ng mga project na pakikinabangan sana nila. Bukod pa diyan, ang iba ay papasok sa mga illegal na gawain tulad ng logging at pagmimina, pati na droga. Dahil sa mga illegal na gawain, nasira ang kalikasan, naudlot ang pag-unlad ng bayan, at nasira ang moralidad ng mga tao.

Catch of the Day

AtoZfoodnames

We pride ourselves on having the freshest fish around.
Our specials change daily based on the catch of the day. 
Check back here or follow us on Facebook 
for unique limited time dishes and special news
The statement above is the opener for the website of a popular restaurant in the US East Coast.  It pretty much explains the concept of “catch of the day.”  Whatever the fisherman delivers in the morning is the day’s “special,” which is usually — but not always — the cheapest offering on the menu.
 
For me, “catch of the day” can mean buying whatever is least expensive in the market and building a dish based on what ingredients were available at a good price.  The purchase(s) can be meats, vegetables, or other meal-building inputs.
 
My last trip to a market in Concord, CA yielded, among certain staples, a tray of salmon trimmings…

View original post 257 more words

On Sale Ang KAMOTENG KAHOY!

AtoZfoodnames

May lakad ako sa linggong ito:  all-day assignment sa aking interpreting job.

Nang makita ko na baratilyo sa Pilipino grocery ang mga pakete ng frozen kamoteng kahoy (3 piraso, binalatan na at ready-to-cook, $0.99), nagpasiya ako na mag-baon ang minatamis na kamoteng kahoy.  Pwedeng meryenda, pwede ring tanghalian kung may ulam na ilang pirasong tocino.

 
Napakadaling iluto ang minatamis na kamoteng kahoy.  Ilagay sa isang kaserola ang kamote, isang kono ng panutsa, at sapat na tubig upang ilubog nang kalahati ang mga piraso.  Pakuluin, ilagay sa medium ang init ng kalan, at hayaang lumambot ang kamote.  Maigi kung bibilingin ang mga piraso para pantay ang tamis sa harap at likod.
 
Ang kamoteng kahoy ay natibong tanim sa katimugang Brazil.   Ang tawag nila dito ay manioc, manihot, yucca, cassava, tapioca, at Brazilian arrowroot (uraro, ika ng natin).    Karaniwang tawag dito sa Pilipinas ay KAMOTENG KAHOY.  Sa ilalim…

View original post 193 more words

Hopia, Mani, Popcorn!

AtoZfoodnames

May idad na ako talaga!  Natatandaan ko pa iyong mga mumurahing sinehan na double-program ang palabas, walang air-con ang bulwagan, at kung minsan may surot sa mga silya.  Isa pang bahagi ng nasabing “2nd-run sine experience” ang mga naglalako ng sitserya sa loob ng sinehan, nagsasabi ng “Hopia, Mani, Popcorn!” kahit may dialog na kailangang marinig ang mga manonood.
 
Ang tatlong sitseryang nasabi — hopia, mani, popcorn — ay katunayan na ang Pilipinas ay tunay na “cosmopolitan.”
 
Ayon sa Oxford Dictionaries, ang taong cosmopolitan ay sanay at gamay gumalaw sa iba’t-ibang bansa at kultura.  Siya ay maraming karanasan sa mundo, sanay sa karangyaan nguni’t hindi asiwa sa kahirapan, pino sa kilos at salita, may “class” magdala ng damit kahit hindi ito mamahalin, at kasundo ang halos lahat ng kapwa.  Masasabi mo bang ikaw ay cosmopolitan?
 
 
Balik tayo sa sinehan.  Alam ba ninyo na hindi katutubong pagkain…

View original post 512 more words

Ang Pagka-desperado ng mga Tauhan ni Pnoy Aquino

Ang Pagka-desperado ng mga Tauhan

Ni Pnoy Aquino

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat na lang ng mga tauhan ni Pnoy Aquino sa kanyang administrasyon ay nagpapakita ng desperasyon sa pagtanggol sa kanya. Silang mga kalihim ng mga ahensiya ay wala nang sinabing tugma sa mga totoong nangyayari sa bansa. Ang pinakahuling nagsalita ay ang kalihim ng Department of Justice na si Emmanuel Caparas na pumalit kay de Lima. Sabihin ba namang ang pinakabagong insidente ng “tanim-bala” sa NAIA ay ginagamit daw ng oposisyon o mga kalaban ng administrasyon upang siraan si Pnoy Aquino.

 

Gusto yatang magpatawa ni Caparas….dahil, kahit walang pulitikong kalaban ng administrasyon ang magsalita, maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian ang nangyari dahil malinaw ang mga mga sinabi ng mga nabiktima, na hindi naman inunawa ng mga taga-airport! Ano na ba ang ginawa ng Department of Justice sa mga nakaraang mga kaso ng “tanim-bala”?…WALA! Ang palusot ay nasa korte na daw, pero halos nalibing na yata sa kalimot dahil walang narinig na mga sangkot sa airport na nakulong, kundi nasuspinde lamang.

 

Ni wala ring inisyung kautusan si Pnoy upang “mahilot” upang “lumambot” kahit papaano ang pa-gagong pag-interpret sa batas tungkol sa carriage of ammunition, na dapat ay noon pa niya ginawa nang pumutok nang sunud-sunod ang eskandalong ito na nagpapangit sa imahe ng bansa sa international community. Paanong maging “deadly ammunition” ang bala kung walang pipitik na gatilyo ng baril? Kung iisang bala lang naman ang binitbit ng tangang pasahero na nag-akalang anting-anting ito, bakit hindi na lang kumpiskahin, i-log at papirmahan sa nakumpiskahan ang report.  Bakit hindi na lang ihanay ang nag-iisang bala sa ibang bawal bitbitin sa loob ng eroplano tulad ng lighter, butane cartridge, kutsilyo, gunting at iba pang talagang nakamamatay? Nakakatawa ring pati packing tape ay bawal ding bitbitin kaya sa isang araw ay mapupuno ang isang kahon ng mga tirang tape na dala ng mga pasaherong nagbaon upang pangsara sa mga bagahe nila bago pumasok sa pre-departure area, pagpapakita ng kawalan nila ng tiwala sa mga taga-airport. Mismong ang hepe ng PAO ay nagpakita ng pagkadismaya sa ginagawang ito ng mga taga-airport.

 

Sa kaso ng matandang mag-asawa na nakumpiskahan ng nag-iisang bala, sa kabila ng malinaw na kawalan nila ng intensiyong manakit ng ibang pasahero ay pinigil pa rin sila at diniretso sa isang piskal upang kasuhan!….bakit ganoon kabilis? Hindi pa ba sapat ang mga deklarasyon nila na malinaw namang may katapatan? Kung ginamit ng mga taga-airport ang maayos nilang “prerogative” ay maaaring nakasakay ang mag-asawa. PERO, ANG MALINAW AY GINAWA ANG PANGGIPIT SA PINAKAHULING X-RAY CHECK NG MGA BAGAHE BAGO SUMAKAY NG EROPLANO PARA TALAGANG MAIPIT ANG PASAHERO UPANG MAPILITANG KUMAGAT SA KOTONG O MAGLAGAY NG HINIHINGING PHP50,000! MALINAW DIN NA TALAGANG “PINAG-ISIPANG MABUTI” ANG RAKET NA ITO!

 

Walang ginagawa ang administrasyon ni Aquino sa mga kapalpakan sa mga terminal ng airport sa Manila, lalo na sa terminal 1 at 3. Ang mga itinalaga naman niyang mga Manager, lalo na ang nasa terminal 1 ay bantad din sa mga pangyayari dahil para sa kanya, hanggang “coordination” lang daw siya. Ang pinakahuling balita, sira daw ang escalator papunta sa lounge ng terminal 3. Ang escalator naman ng terminal 2 ay madalas ding masira. At ang nakakatawa ay ang kawalan ng “escalator pababa” sa terminal 2, at nag-iisa lang ang palyadong mechanical na hagdanang ito, na nasa Domestic wing ng terminal. Kung masira ang nag-iisang escalator, ang mga PWD, matatanda at buntis ay kailangang mag-elevator papunta sa ticket office o sa pre-departure area…kung gumagana ito, dahil kung sira din ay mapipilitan silang gumamit ng hagdanan. At, ang “cute” na elevator ay para lang sa iilang tao…malinaw na hindi angkop sa isang pasilidad tulad ng international airport!

 

Maski sinong Pilipinong madalas sumakay ng eroplano ay alam ang mala-impiyernong kalagayan sa mga airport terminal ng Maynila kaya dapat mag-ingat sa pagsabi ang mga tauhan ni Pnoy Aquino na maayos na ang mga ito. Huwag nilang gaguhin ang mga mananakay ng eroplano.

 

Sa malas, ang mga pinagtatalaga ni Pnoy sa mga nabakanteng ahensiya ang dumidiin sa kanya upang lalo siyang lumubog, dahil sa mga binibitiwan nilang hindi pinag-isipang mga salita. Mali yata ang mga nangyayari dahil dapat sana, habang palapit  na ang pagsara ng administrayon ni Pnoy ay puro magaganda at maaayos ang nakikita ng mga Pilipino, sa kasamaang palad ay puro kapalpakan!

 

Ramonito Pernato: His Journey from the Family Barbecue Business to a Reputable Private Accountant

Ramonito Pernato: His Journey from the Family Barbecue Business

To a Reputable Private Accountant

by Apolinario Villalobos

 

For one thing, their family is among the pioneers whose business acumen has helped developed the city of Tacurong into what it is now. While other families put up barbers shop, variety (sari-sari) stores, fish and vegetables stalls, hardware, and small restaurants (carinderia), the Pernato family chose the chicken barbecue business during the early part of 1960.

 

Practically, every member of the family had a part in the business. While their parents administer the overall operation, the children contributed their effort in all stages of the business, the final phase of which saw the broiling of skewered slices over red-hot charcoal pit till late at night. Mon, as friends would call him, was initiated into the family business when he was in Grade Four – dressing chickens aside from running errands.

 

While other boys of his age were bumming around the just-weaned Tacurong from her “mothers town”, Buluan, Mon, was doing a grown up man’s job together with his elder brothers. Later, he learned the family secret in preparing the marinade for the tasty chicken cuts for which their restaurant became famous, the “Mauring’s Barbecue”. His participation in the business went on until he reached high school, during which he had to help the family till late at night in catering to their patrons. It was only when he went to college that he left his family to study in Davao City.

 

In Ateneo de Davao College , Mon took up Bachelor of Science in Commerce with major in Accounting. After graduation, he joined Alcantara and Sons (AlSons) in Davao City as a researcher of its Corporate Planning Division, moved up to the Financial Management Group of the same entity, then, as Accountant of the Davao Industrial Plantation, one of its subsidiaries. He later transferred to an Insurance multinational Company as its Davao Branch Accountant. Finally, his expertise in accountancy brought him to Metro Drug Corporation as its one of the Internal Auditors which required him to visit areas as far as Tawi-tawi, the southernmost province of the Philippines.

 

Having gained enough exposure to the intricacies of the world of numbers, he decided later on to be on his own, by putting up an Accountancy office in Tacurong City from where he reached out to the rest of the business entities in South Cotabato, particularly, Koronadal City and General Santos City. As a routine, after checking matters in the office, he would drive to the mentioned prime cities of South Cotabato.

 

Not long after he plunged himself into a flourishing private practice, he got involved in the affairs of the Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) as its Regional Director for Southern Mindanao, then as Vice-President for the institute’s Public Practice sector, and lately, as Executive Vice-President which is a national position. During a rare impromptu meeting with Mon, he confided that he will be moving up as PICPA’s President by July 2016.

 

Reminiscing on the happy days once-struggling Tacurong which was yet, in its infancy, he is grateful for the discipline that his parents instilled in him and his siblings. We were actually, together in the same section throughout high school that is why, as an added observation, I could say that he was among my classmates whose brilliance in numbers stood out, aside from being among the soft-spoken and well-behaved.

 

Mon is a contented husband of Mila Jabigo, who works with the Notre Dame of Tacurong/Sienna, as Guidance Counsellor, though, having finished BS Chemistry in Colegio de San Agustin (Bacolod City); and, father to: Ryan Jon, graduate of AB (Political Science, Ateneo de Manila University-Manila), and on his fourth year in Law at San Beda College-Alabang; Katrina Mae, graduate of Bachelor of Business Administration and Accountancy at University of the Philippines (Diliman), and works with Sycip, Gorres, Velayo (SGV), a reputable Accounting firm in the country; Audrey Ann, graduate of Business Management (Accounting) at the University of Santo Tomas and Business in Accounting at La consolacion College; and, Lorena Mae, who is on her second year in Accountancy at De La Salle University-Manila.

 

To date, the mark of the “Mauring chicken barbecue” in Tacurong City is still evident with the presence of “Nanding’s Barbecue”, thanks to Mon’s two brothers who opened their respective outlets which are happily competing with the rest that mushroomed. Meanwhile, he prepares for the challenges waiting him ahead… as National President of PICPA from July of this year, until June 2017. …a remarkable feat for a guy who started his career in a family business while in Grade Four.

ok

 

Mon Pernato

Sa Pilipinas Lang Nagkakaroon ng Kahulugan ang Katagang “Nakakahiya”

Sa Pilipinas lang nagkakaroon

ng kahulugan ang katagang  “nakakahiya”

Ni  Apolinario Villalobos

 

Totoong hindi lang sa Pilipinas may problema sa korapsyon, pero ang matindi ay dito lang ang abot-langit na pag-deny ng mga korap mismo. Wala sa bokabularyo nila ang katagang “hiya”…kaya sa paningin ng iba, sila ay mga Pilipino na talagang nakakahiya!

 

Sa  international airport pa lamang na sana ay nagsisilbing “pinto”, “bukana”, o “gateway” ng mga dumarating lalo na ng mga banyaga, ay umaalingasaw na ang nakakasulasok na bahổ. Nandiyan ang mga mababaho at baradong palikuran, nagbabagsakang kisame at salamin, init dahil sa palyadong mga aircon unit, at paglabas naman sa terminal ay mga mandurugas na taxi driver.

 

Sa international airport lang ng Maynila ay may mga empleyado nang walang puso at damdamin dahil pati matandang uugud-ugod ay binibiktima sa raket na tanim-bala. Dito rin makikita ang mga namumuno na bantad sa kahihiyan dahil sa kabila ng mga bulilyasong nangyayari ay hindi pa rin umaalis sa puwesto….suportado kasi ng mahal nilang presidente. Sa Pilipinas lang din may mga walang patawad na mga mandurugas na una nang nabanggit kaya  pati paalis nang dayuhan ay tinatamnan pa ng bala, kaya ayon, hindi daw pala totoong “It’s More Fun in the Philippines”!

 

Sa pagbagtas ng dumating na pasahero sa mga kalsada mula sa airport, buhul-buhol at halos hindi makausad na trapik naman ang madadanasang mala-impyernong pahirap. Walang kalsadang exempted sa dusang ito – Tramo palabas ng EDSA, EDSA mismo, Buendia extension, EDSA extension, at mga kalyeng nasa pusod ng Maynila at Quezon City, lalo na ang papuntang Antipolo.

 

Sa Maynila rin makikita ang mga tren na nakaangat mula sa lupa – ang LRT at MRT na ang nagpapatakbo ay mga taong may balat yata sa puwet dahil sa mga malimit na  pagkasira kaya ang dulot sa mga mananakay lalo na ang mga nagmamadali ay mala-impiyerno pa ring dusa. Kapag inabot ng aberya sa kalagitnaan ng mahabang riles, ang mga kawawang pasahero ay ibinababa upang mapilitang mag-hiking patungo sa terminal …sa ilalim ng tirik na tirik na araw! Kawawa ang mga matatanda, bata, sanggol, at mga nakadamit pang-opisina, lalo na ang mga may bagaheng ang laman ay pinamili sa Baclaran na mga damit at sapatos. Nakita ko yan dahil kasama ako ng mga animo ay nag-aalay lakad sa katanghaliang tapat!

 

Mula sa airport hanggang Maynila at Makati, ang makikita ay masasakit sa matang tanawin – mga nakatira sa bangketa, mga iskwater sa tabi ng ilog, makapal na basura sa mga ilog lalo na sa panig ng Baclaran at Pasay. Sa kabila ng mga ito, pinagyayabang pa ng Department of Tourism na “maganda” daw ang Pilipinas. Sinabi siguro ito ng Department of Tourism dahil sa mga nagtataasang commercial building na may casino at mga condo sa dating dagat na tinambakan kaya ang resulta – sumabay lang sa ulan ang mga aso at pusa sa pag-ihi ay lubog na ang intersection ng MIA Road, Pasay at mismong airport Terminal 4…pati mga drainage, banyo at palikuran.  Paanong hindi magkaganoon ay mistulang “sinakal” ng reclamation ang mga labasan ng mga drainage papuntang dagat. May mga kuwento pang pinagkitaan daw ang bentahan ng mga hiniwa-hiwang  lupa…sana ay hindi totoo.

 

Sa Maynila rin makakakita ng mga ilog na kumapal ang latak mula sa mga nabulok na basura kaya bumabaw ang mga ito. Sa katagalan ng paglutang ng mga basura ay hindi sila pinansin ng ni isang ahensiya o LGU upang  matanggal kaya mula sa malayo, ang mga ilog ay animo mahabang “landfill”.  Sa ibang animo “landfill” na ilog, makikita na ang mga batang naglalakad  sa ibabaw nila upang mamulot ng plastic at iba pang mabebenta sa junk shop.

 

Sa Pilipinas rin makakakita ng mga opisyal ng gobyerno na walang kibo at pakialam sa mga problema ng mga mamayan…kanya-kanya pang papuri sa isa’t isa at takipan ng mga pagkakamali.

 

Sa Pilipinas din makakakita ng mga napakamababang uri ng mga materyales na panggawa ng bahay, tulad ng yero na pwedeng tupiin ng maski matanda dahil sa kanipisan na animo ay karton.

 

Karamihan din sa mga Pilipino ay nakalimot na sa lasa ng mga katutubong gulay dahil hinayaan ng gobyernong bahain ng mga gulay galing Tsina at ibang bansa ang mga pamilihan….at mura pa! Sa Pilipinas din nangyayaring sinasabayan ng gobyerno sa pag-angkat ng bigas ang mga smuggler, sa halip na sila ay pigilan, hulihin, kasuhan, at ikulong.

 

 

At ang pinakamatindi, sa Pilipinas lang makakakita ng mga taong gutom na sa halip na bigas ang ibigay ay bala ang pinangraratrat!…at ang mga nabuhay ay kinakasuhan pa dahil kasabwat daw ng NPA!

 

Kapag nakatira ka sa Pilipinas at ayaw mong mamatay agad sa high blood dahil sa galit at inis…mag- WOW! ka na lang!!!!

 

Kung magmura ka, huwag mong iparinig sa iba dahil baka may makarinig na taga-CHR (Commission on Human Rights) o kapisanan ng mga mayuyumi kunong kababaehan (Pweh!) at malamang ay kakasuhan ka pa!!!

Shop Like A Pro: Tips and Tricks When Shopping Online at Althea Korea Philippines

Diane Cheng

Shop Like A Pro Tips and Tricks When Shopping Online at Althea Korea PhilippinesCheck what’s on sale. They always have something on sale posted on their social media accounts and on their website so be sure to do that first before checking other products.

Check out Korea’s Trendy. The products in the Editor’s Pick section most of the time has a really huge discount so after checking what’s on sale, be sure to head over to the Korea’s Trendy category after.

Do not be afraid of shipping and customs taxes. When you shop at Althea you can guarantee that you will receive your orders straight from Korea to your doorsteps without paying additional fees until you receive it. I’ve experienced it so I’m sure that you won’t pay those because Althea will be responsible for those taxes.

Use this promo code to get additional discount:EARN150PTS50

Earn Points

Window-shop to order at Althea. Every time you visit the mall and doesn’t have a plan for…

View original post 399 more words