Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang silbi ang pagbago ng pagkatao kung ugali lang ang magbabagong anyo, at ang pananaw sa buhay ay hindi. Ang isang halimbawa ay ang pagbago ng isang lasenggo na nabawasan nga ang pag-inom ng alak subalit hindi pa rin naniniwala sa kahalagahan ng pag-impok para sa kinabukasan….kaya kahit hindi na lasenggo, ay bulagsak pa rin sa pera. Ang ugali ng tao ay tungkol sa mga nakasanayang gawin at sabihin. Kung ang isang tao ay hindi na nga nagmumura pero mapanira pa rin ng kapwa, wala ring silbi an kanyang pagbabago.

 

May mga ugali ring mahirap baguhin dahil lulutang at lulutang ang likas na nakagawiang hindi kayang takpan ng pagpapaka-plastik o pagkukunwari. May mga taong sensitibo sa ugali ng iba kaya nararamdaman nila kung bukal sa kalooban ang sinasabi ng mga kausap nila dahil naipagkakanulo o betrayed sila ng ekspresyon ng kanilang mukha, at kahit ng simpleng galaw ng mata…sa Ingles, ito ang tinatawag na “body language”.

 

Ang paniniwala ay nagsisimula sa isip ng tao at ito ang nagpapakilos ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Dalawang lakas ang nakakaapekta sa isip – positibo at negatibo….sa simpleng salita – mabuti at masama. Kung hindi tutugma ang ikinikilos ng isang tao sa kanyang iniisip, “nadudulas” siya sa pagsalita, na kung sa Ingles ay tinatawag na “slip of the tongue”. Ang tawag sa pilit na pagtatakip ng tunay na ugali ay pagkukunwari.

 

Upang maging kapani-paniwala ang pagbabago na ginagawa tuwing Holy Week at Bagong Taon, piliin ang mga ugaling “kayang baguhin”. Hindi kailangang mag-ambisyong maging santo o santa ang isang tao upang mabago ang masama niyang ugali. Kahit hindi siyento por siyentong mababago ang masamang ugali ng isang tao, basta aminin niyang siya ay talagang masama, ito ay katanggap-tanggap na, dahil nangangahulugang alam niya kung ano ang dapat baguhin sa kanyang pagkatao. Sa ganyang paraan, kahit papaano ay mauunawaan ang kanyang pagpipilit  kaysa naman siya ay magpaka-plastik pero madalas namang madulas!!!

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang isyu ng problema sa trapik sa malalaking lunsod ng Pilipinas lalo na sa Manila ay yong sinasabi sa Ingles na “scum” o “froth”. Kung ihahalintulad sa hindi dumadaloy na tubig sa estero, ito yong mga animo ay bumubulang nakapaibabaw sa maruming tubig, at kung sa serbesa naman ay yong lumutang na bula pagkatapos ibuhos sa baso. At, dahil lumulutang agad ay unang nakikita. Ganyan din ang trapik na nakikitang problema sa mga kalsada ng mga lunsod. Subalit, ang katotohanan ay hindi ito mangyayari kung walang problema sa bandang “ilalim” ng sitwasyon. Ang mga sumusunod ay naisipan ko lang na baka mga problema:

 

  • Kaluwagan sa pagbili ng mga bagong sasakyan dahil nagkakamurahan ng presyo….at, hindi kinokontrol ng gobyerno. Kung kontrolin naman ay sasabihin ng mga apektado na laban ito sa karapatan ng isang malayang Pilipino. Ang kagustuhan ng karamihan na bumili ng sasakyan ay bunsod ng kultura ng Pilipino na may kinalaman sa kayabangan. Kahit nangungupahan lang ng kuwarto ang pamilya, halimbawa, ng isang simpleng empleyado ay gusto pa rin ng padre de pamilya na magkaroon ng sasakyan para may pangporma at magamit sa pamamasyal sa Luneta ang pamilya.

 

Para sa mga taong ito, hindi bale nang panay ang utang sa Bombay at halos walang pamasahe sa pagpasok sa trabaho o di kaya ay alaga ng pagmumura ng may-ari ng kuwartong inuupahan dahil sa naaantalang pagbayad ng upa, basta may kotse lang na naidi-display upag kaiinggitan ng mga kapitbahay, kahit walang garahe. Nag-operasyon noon upang mag-tow ng mga sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada, subalit “ningas-cogon” naman dahil makalipas ang ilang araw ay itinigil na.

 

  • Pagpapabaya ng mga mambabatas sa paggawa ng mga batas na may “pangil” at makatotohanan. At, pagpapabaya rin ng mga ahensiyang dapat magpatupad sa mga batas na naipasa na. Hindi rin isinasaalang-alang ang pagtalaga ng karampatang budget sa mga naipasa nang mga batas upang hindi magamit na dahilan ang kawalan nito kaya walang mga gamit at mga karagdagang tauhan, na kadalasang dahilan ng pagtuturuan ng mga mambabatas at mga ahensiya.

 

  • Ang mabagal o makupad sa pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng mga kalsada sa lunsod at highway sa probinsiya. At, kung nagawa na, ang mga ito ay palpak kaya madalas ang pagpapaayos agad…halatang gusto lang talagang pagkitaan ng mga tiwaling opisyal at ahensiya. Nagreresulta tuloy ito sa pagdurusa ng mga motorista at commuters …pagdurusang nagsisimula sa paggawa ng mga proyekto hanggang sa pagpapa-repair ng mga ito…samantalang ang mga kurakot ay masaya!

 

  • Ang hindi pagbibigayan ng mga motorista dahil ayaw ng bawa’t isang malamangan. Dahil sa ugaling ito ng mga Pilipinong motorista, yong traffic sign na “Yield” ay walang silbi sa Pilipinas.

 

Sa madaling salita, kaya matindi ang trapik sa Pilipinas ay dahil walang disiplina ang mga motorista, maraming butas ang mga batas na ginawa ng mga tiwaling mambatatas kaya pinagkakaperahan ng mga tiwaling taong dapat magpatupad sa mga ito, at hindi kontrolado ang pagpasok ng mga bagong sasakyan na umaapaw sa mga kalsadang hindi nadugtungan at naluwangan. At, sa mga dahilang yan…nagbubulag-bulagan ang mga nakaupong tiwali na ay kawatan pang pinagkatiwalaan ng taong bayan!

 

 

 

 

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

 

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

 

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!

 

May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya?

Baguhin ang mga Ugaling Hindi Maipagmamalaki

Baguhin ang mga Ugaling Hindi Maipagmamalaki

Ni Apolinario Villalobos

 

Taun-taon na lang ay may New Year’s Resolution ang bawa’t isa. Ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng karamihan sa atin na lumihis ng landas mula unang araw ng Enero hanggang huling araw ng Disyembre…dahil pwede naman daw magsisi bago matapos ang taon.

 

Hindi madaling magbago ng ugaling malalim na ang pagkaugat sa ating pagkatao. Kailangan ang pambihirang disiplina upang magawa ito o di kaya ay isang milagro. Ang masisisi sa ganitong bagay ay mga magulang na nagpabaya dahil hindi nila nadisiplina ang kanilang mga anak habang maliit pa lang sila upang magkaroon ng mga ugaling maipagmamalaki. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ugaling sumisira ng pagkatao:

 

  • Ang pagiging batugan na nagreresulta sa katamaran. Nakaugalian ng karamihan na tuwing weekend ay gumising ng tanghali. Ang dahilan ay bumabawi lang dahil buong linggo naman daw ay kayod-kalabaw sila. Dahil sa ganoong pananaw, nahawa sa ganitong ugali ang mga anak na paglaki ay magpapasa rin ng ganitong maling pananaw sa kanilang mga anak. May iba diyan na dahil sa pagkabatugan, tapos nang magluto ng tanghalian ang kapitbahay, sila ay humahagok pa rin sa pagkakatulog.

 

  • Ang pagiging abusado sa mga taong tumutulong. Dapat unawain na hindi lahat ng nakakatulong lalo na yong katamtaman lang naman ang uri ng pamumuhay ay palaging nakakaluwag. Ang mga kusa nilang naibabahagi ay ekstra lamang kaya hindi palaging meron sila nito. Ang hirap lang sa ibang naabutan minsan ng tulong, ang gusto ay araw-arawin na ito ng nakatulong, kaya kapag hindi nangyari ang inaasahan nila, sasama na ang loob. Kung ang mga mayayaman nga, maliban na lang ang may mga Foundation, ay minsanan lang kung tumulong, paano pa kaya ang mga nasa “middle class” o yong mga nasa “lower class” subalit may pambihirang ugaling matulungin?

 

  • Ang pagiging “sipsip” sa boss. May mga taong sagad-buto na yata ang pagkamakasarili kaya gumagawa ng lahat ng paraan upang umangat lang, kahit pa marami silang natatapakan o nasasagasaan. Ang mga taong ito ay yong klaseng wala naman talagang ibubuga sa trabaho kaya “sumisipsip” na lang sa boss, na halos umabot sa paghimod sa puwet nito, ma-promote lang. Unfair ito sa mga kasama nila sa trabaho na karapat-dapat umangat dahil sa talino at kakayahan.

 

  • Ang pagiging pekeng makatao at maka-Diyos. Ang isa pang tawag dito ay kaipukrituhan. Ito ang mga taong umaasa ng “bayad” o “balik” o “sukli”, kapag nag-abot ng tulong sa kapwa. Ito ang mga taong palaging may kamera kapag pumunta sa mga evacuation center o mga lugar na sinalanta ng kalamidad at may mga dala rin namang relief goods. Okey lang kung malakihang operasyon na tulad ng ginagawa ng DSW o di kaya ay mga NGOs dahil dapat may maipakita silang patunay na pinamigay nila ang mga donasyon. Subalit kung kusang “tulong-kaibigan” na hindi naman big-time o malakihan, bakit kailangan pang magkodakan? Ang mga gumagawa nito ay yong may ambisyon sa larangan ng pulitika o nangangarap na maging santo o santa.

 

  • Ang pagiging abusado sa katawan. Ang pag-aabuso sa katawan ay nagiging sanhi ng pagkasira ng kalusugan. Ang mga taong abusado sa ganitong bagay ay yong may mga bisyo na kahit alam nang nakakasama ay tuloy pa rin sila sa ginagawa. Nagpapabaya rin sila pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa tamang pagkain. Ito ang mga maaarte na ayaw kumain ng gulay halimbawa, dahil hindi nila gusto ang lasa kahit alam nilang mahalaga sa kalusugan, kaya sila ay ginagaya ng mga anak na lumaki na lang sa pagkain ng hot dog at hamburger o piniritong itlog.

 

  • Ang pagiging bulagsak sa pera. Ito yong mga taong kung gumastos ay parang wala nang susunod pang mga araw na paggagastusan, kaya kung suwelduhan sila, ang natatanggap tuwing 15/30 ay sandail lang nilang nahahawakan….ang resulta – kung may mga emergency na pangangailangan, hanggang nganga na lang sila!

 

  • Ang pagiging palamura. Ang pagmumura ay talagang masama….pagsabihan ba naman halimbawa ang isang tao ng “puta ang ina mo”, o di kaya ay “anak ka ng puta”. Dapat ay baguhin na itong ugali. Kung hindi maiiwasan, putulin na lang ang mga linya…halimbawa, sa halip na “puta ang ina mo” ay sabihin na lang na “…ina mo”, at ang “anak ka ng puta” ay “….anak ka”. Huwag murahin sa Ingles ang mga walang alam sa wikang ito…huwag gawing dahilan ang kawalang kaalaman nila sa Ingles upang paliguan sila ng mga pagmumurang tulad ng, “shit”, “damn it”, “son of a bitch”, etc., dahil baka murahin ka rin sa dialect na hindi mo alam!

 

HAPPY NEW YEAR NA LANG SA MAKAKABASA…..LALO NA ANG NATUMBOK!

Tolerance should be Respected

Tolerance should be respected

By Apolinario Villalobos

There is nothing wrong with tolerance which even the people’s pope, Francis is practicing. It is important however, that we should recognize and respect such. It should be noted that our rights end where the rights of others begin. Tolerating the ways of others should not mean that they are given the right to go beyond the line beyond which others dwell on their own rights.

In this regard, it is important that religions should be tolerated and respected – not abused and ridiculed. The latest bombing of Charlie Hebdon in France is a clear manifestation of how some people can have the temerity to ridicule other people’s religion, this time, Islam. The bombed group even has the gall to justify their act by mentioning that the new pope had his share of ridicule, but the latter did not react. How can these people forget that human beings differ in their degree of tolerance?  …or better, people belonging to different races differ in character from each other? Why can’t these French just ridicule their fellow French, for fun?

Most importantly, religion is such a sensitive issue deserving utmost respect. Its spirituality deserves the highest degree of esteem, as it deals with a person’s total being – his life and relationship with his Creator. And, nobody has the right to question such faith.

The Islamic State issue is more than annoying enough that it even disheartens some Muslims who go against the violent ways of the said movement. Comparing faiths at this time is uncalled for and can just worsen the heating up friction between the Christian and Islamic faiths. Groups of so-called “concerned intelligentsia” are nothing but hypocrites who cannot even discern the simple meaning of the “Golden Rule”.

Finally, the best act that one can do if he desires to go beyond boundaries of differences is by simply extending a hand beyond them for the sole purpose of helping.

Imperfection, Tolerance, and Peace

Imperfection, Tolerance, and Peace
By Apolinario Villalobos

Nothing on earth is perfect. That is the reason why nobody has the right to say that his or her religion or family or child, decision, etc. is perfect. Not even identical twins are perfectly identical. Religion which is invented by man is not perfect or rather, the perfect way towards eternal Bliss. Religions do not teach perfect philosophies or way of life. Some people behind religions use fraudulent tactics in their conversion efforts. Some churches regardless of faith have been questioned since the early times on the issue of corruption. But this does not mean that religion is totally bad. Somehow, as it is supposed to teach virtues, there is still righteousness in it.

Since nobody and nothing else, for that matter, on earth is perfect, it is necessary that we should be tolerant to one another, especially, on the issue of faith. Let us avoid criticizing others, instead, we should manifest goodness in our action to the humanly best we can and hope that others will emulate us. If we fail to understand imperfection, as well as, practice tolerance of differences that prevail among us, there will never be peace, as each one will always try to prove that he is the best.

If communist countries will not tolerate the democratic system of their neighboring countries, expect clash of ideologies and eventually, war, which already happened in the past, and may erupt again soon. If Islamic advocates will not tolerate the evangelizing efforts of Christians who visit homes to share the Good News in a Muslim community, expect prosecutions that will result to hatred.

On the other hand, there is always the choice between good and better, and the final choice between better and best. But, it does not mean that what comes out as the best is already perfect. One who thinks this way, must be standing on the pedestal of pride!

Tolerance should have limitations…that must be respected

Tolerance should have limitations

…that must be respected

By Apolinario Villalobos

There is nothing wrong with tolerance which even the people’s pope, Francis is practicing. It is important however, that we should recognize and respect its limitations or boundaries. We should always remember that our rights end where the rights of others begin. Tolerating the ways of others should not mean that they can go beyond the line beyond which others dwell on their own kind of rights.

It is important that religions should be tolerated and respected – not abused and ridiculed. The latest bombing of Charlie Hebdon in France is a clear manifestation of how some people can have the temerity to ridicule other people’s religion, this time, Islam. The bombed group even has the gall to justify their act by mentioning that the new pope had his share of ridicule, but the latter did not react. How can these people forget that human beings differ in degrees of tolerance? …or better, peoples belonging to different races differ from each other? Why can’t these French just ridicule their fellow French, for fun?

Most importantly, religion is such a sensitive issue deserving utmost respect. Its spirituality deserves the highest degree of esteem, as it deals with a person’s total being – his life and relationship to his Creator. And, nobody has the right to question such faith.

The Islamic State issue is more than annoying enough that it even disheartens some Muslims who go against the violent ways of the said movement. Comparing faiths at this time is uncalled for and can just worsen the heating up friction between the Christian and Islamic faiths. Groups of so-called “concerned intelligentsia” are nothing but hypocrites who cannot even discern the simple meaning of the “Golden Rule”.

Finally, the best act that one can do if he desires to go beyond boundaries of differences is by simply extending a hand beyond them for the sole purpose of helping.

Ang Pagiging Tahimik at Mapagpaubaya Bilang Mga Lakas ng Pagkatao

Ang Pagiging Tahimik at Mapagpaubaya

Bilang Mga Lakas ng Pagkatao

(tungkol ito kay Dominador Barnachea)

ni Apolinario Villalobos

Ang pagiging tahimik at mapagpaubaya ay mahirap gawin, lalo na sa mundong ginagalawan natin mula pa man noong unang panahon na ang pangkalahatang kalakaran ay “matira ang matibay”. Ngayon ay may mga bagong kalakaran, ang “pakapalan ng apog” at “patapangan ng hiya”. Ang mga ito ay angkop na angkop sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Subali’t may mga taong likas nang tahimik talaga dahil lumaki sa tahanang ganito ang patakaran, at ang kakambal ay ang pagiging mapagpaubaya, na ang resulta bandang huli, ay ang pagiging mapagpakumbaba. Ganyan ang ugali ng isa kong kaklase na ang bahagi ng buhay tungkol sa pagsikap niyang makaahon sa hirap ay naisulat ko na…si Dominador “Ming” Banachea.

Ang uri ng buhay ni Ming ay nararapat na ibahagi sa iba na maaaring hindi nakakaalam na mayroon din pala silang ganitong ugali. Kung baga, ang layunin ng pagsisiwalat na ito ay upang magamit magkaroon sila ng salamin, at bandang huli ay masabi nila na, “ginagawa ko rin pala, ang ginagawa niya”.

High school pa lang kami ay nakitaan na siya ng ugaling tahimik, nasa tabi lang, nagbabasa ng mga leksyon at gumagawa ng homework. Likas sa high school ang pagiging matuksuhin ng mga estudyante, kaya madalas ang away. Ako mismo ay nakadanas na makipag-away dahil sa panunukso sa akin, kaya gumaganti ako. May classmate kami noon na ang apelyido ay nakatuwaang i-conjugate sa Spanish ng isa pa naming classmate, kaya walang kaabug-abog na ang napikon ay sumugod sa salbaheng lumapastangan sa kanyang apelyido at sinapok ito sa harap ng aming teacher! Subalit si Ming, ni minsan ay hindi ko nakitang kumibo kahit siya ay may share din ng tukso.

Dahil sa kanyang pagiging tahimik, hindi tuloy nabigyan ng mga titser namin ng mga pagkakataon na maisali sa mga extra- curricular activities kaya ang inaasahan naming mataas na karangalang matatanggap niya pagdating ng graduation ay hindi natupad. Ganoon pa man, kasama pa rin siya sa top five.

Hanggang sa siya ay magkolehiyo pagkatapos niyang mamahinga ng dalawang taon pagka-graduate sa high school dahil sa kawalan ng pantustos, ang ugali niyang pagiging tahimik at mapagpaubaya ay dala niya. Subalit dahil nakitaan siya ng galing at talino ng unibersidad na pinasukan niya, nagkaroon siya ng partial scholarship at nabigyan ng trabaho na apat na oras at may katumbas na allowance na Php120 isang buwan. Ang allowance na ito ang nagamit niya sa mga pang-araw-araw na pangangailangan, hanggang siya ay makatapos ng kursong accountancy at tuluyang makapasa sa board at maging Certified Public Accountant (CPA).

Nagkaroon ng ibang kulay ang buhay niya nang sinunod niya ang payo ng isang kaibigan na sumali sa Toastmasters’ International, isang asosasyon na nagsasanay ng mga kasapi upang magkaroon ng tiwala sa sariling magsalita sa harap ng mga tao. Kahit palangiti na siya noon pa man, lalo niya itong “pinatingkad”, tuwing siya ay magkaroon ng pagkakataong magsalita sa mga okasyon. Sa kabila ng lahat, ang pagiging tahimik ay umiiral pa rin sa kanyang pagkatao, lalo na ang pagiging mapagpaubaya sa lahat ng pagkakataon. Hindi niya ipinipilit ang kanyang sarili sa mga pagkakataong alam niyang makakatulong siya sa iba kung siya ay magpaubaya na lamang. Mahirap gawin ito dahil ang tao ay likas na lumalaban kung ang nakataya ay pansariling kapakanan.

Dahil sa mga pagbabago sa kanyang buhay, nakapasok siya sa isang kumpanya kung saan ay nakatanggap siya ng malaking sahod at siya niyang ginamit na sangkalan upang lalo pang umangat ang kanyang buhay, hanggang siya ay matanggap ng isang kumpanya sa ibang bansa. Napatunayan ni Ming na totoo ang kasabihang: ang malalim na ilog ay tahimik habang umaagos nito.

Hindi lahat ng tao ay nakakaunawa na ang pag-iingay ng iba ay isang karapatan dahil kaya naman nilang patunayan ang kanilang kakayahan. Para sa ilan, kahit kayang patunayan ng isang taong maingay ang kakayahan niya, iiral pa rin sa paningin ang kayabangan. Kaya ang pinakamagandang gawin ay ipakita ang kakayahan sa gawa, hindi sa salita, at hayaang ang nakakakita ang maghusga. At ang pinakamahalaga, Diyos ang nagbigay sa atin ng mga kakayahan, at hindi Siya bulag para hindi makita kung ang ibinigay Niya ay ginagamit natin sa tamang paraan…hindi na kailangan pang mag-ingay at magyabang.

Sa isang banda, ang likas na ugali ng taong ayaw magpakumbaba dahil hindi niya nakasanayang magpaubaya, na lalong pinaigting pa ng pagiging masalita ay isa sa mga dahilan kung bakit magulo ang mundo. Karamihan ng mga tao sa mundo ay ayaw magpaubaya dahil para sa kanila, ito ay pagpapakita ng karuwagan at pagkatalo. Ito ang mga taong ayaw magpalamang, kahit ang ipinaglalaban nila ay hindi rin naman mabuti, kaya ang nangyayari ay nagpapakitaan sila ng masamang ugali o sa salitang kalye ay nagpapataasan ng ihi…nagtatapatan ng kasamaan.

Ito ang nangyayari sa bansang Pilipinas. Dahil may nag-umpisang mangurakot sa kaban ng bayan, pagdidiin ng iba, “siya lang ba?”, kaya sila ay nangurakot din. Ang kawawang Pilipino ay naiwang nakanganga dahil sa mga taong ayaw magpatalo sa kapwa kurakot, kaya nakikurakot din ng pinaghirapang pondo na nakalagak sa kaban ng bayan….animo mga buwitre na nagpapaligsahan sa paglapa ng katawan ng biktimang naghihingalo!