Ang Tagumpay…(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School, Bacoor City, Cavite)

Ang Tagumpay

(para sa Batch 1973-74, Real Elementary School

Bacoor City, Cavite)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaylan ba masasabi ng isang tao na, “ako ay nagtagumpay”?

 

Kung siya ba ay naging pinuno ng isang bayan?

…nagtapos sa isang kilalang unibersidad

ng pinakamataas na kurso?

…nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak

na naging bahagi ng isang malaking pamilya?

…o di kaya’y naging presidente ng isang kumpanya

kaya sa marangyang buhay ay nagpakasawa?

 

Ang tagumpay ay higit pa sa salapi…

Higit pa sa isang mataas na kurso…

Higit pa sa isang prestihiyosong trabaho…

Higit pa sa isang malaking pamilyang nabuo.

 

Ang tagumpay ay minimithi ng ating puso

Na sa ating nakamit, tayo ay naging kuntento

Dahil lubusang nagamit, biyayang bigay ng Panginoon

At Kanyang susukatin pagdating ng takdang panahon.

 

Pamamahagi rin ito ng biyaya sa mga kapus-palad

Na mula sa kanila ay hindi natin inaasahan ang bayad

Isa rin itong hindi maipaliwanag na nararamdamam

Kapag sa simpleng payo tayo ay mayroong napasaya

Lalo na kung tayo’y nasa tabi’t umaagapay sa kanya.

 

Ang tagumpay ay kasiyahang hindi nasusukat

Lalo pa’t sa panahong ang araw, sa ati’y di na sisikat

Kung kayla’y walang dapat tangisan at pagsisisihan pa

Sa pagdilim ng ating paningin at paghugot ng huling hininga!

IMG7833

 

Advertisements

Nagtutulungan Dapat ang mga Magulang at Guro sa Pag-agapay sa Batang Nag-aaral

Nagtutulungan Dapat ang Mga Magulang

At Guro sa Pag-agapay sa Batang Nag-aaral

Ni Apolinario Villalobos

 

Kadalasang maririnig sa magulang ng isang batang nag-aaral at nakitaan ng magaspang na ugali sa bahay ang, “yan ba ang itinuturo sa iyo ng titser mo?”. At ang titser namang taklesa o walang preno ang bibig ay nadudulas sa pagsabi sa batang sutil sa klasrum ng, “ganyan din siguro ang ginagawa mo sa inyo at hindi ka sinisita ng magulang mo!”

 

Kung may makitang hindi maganda sa isang batang nag-aaral, ang magulang at titser nito ay parehong may tungkulin sa pag-agapay o pag-alalay sa kanya upang mahubog nang maayos ang kanyang pagkatao habang lumalaki. Hindi sila dapat nagbabatuhan ng sisi. Dapat alalahaning magkaiba ang sitwasyon sa tahanan at sa paaralan kaya ang uri ng kanilang paghubog ay nagkakaiba rin, subalit may iisang layunin tungo sa kabutihan ng bata.

 

Ang mahirap lang ay kung ang mismong magulang ng bata ay wala man lang inilalaang panahon para sa anak dahil baka ni hindi man lang ito maipaghanda ng maayos na pagkain bago pumasok o di kaya ay mapaalalahanang magpakabait sa paaralan. Ganoong problema din ang kakaharapin ng bata kung ang titser niya ay hindi man lang makakapagparamdam ng pagiging “pangalawang magulang” sa labas ng tahanan. May ilang titser kasi na bukod sa malupit na sa mga bata ay halos nakatuon ang pansin sa mga oras ng recess, tanghali, at uwian.

 

May patakaran ngayon ang mga paaralan na dapat ay magulang o nakakatandang kapatid ang kumuha ng card ng batang nag-aaral, kaya sana ay gamitin ang pagkakataong ito upang maiparating ng mga guro ang mga hindi pangkaraniwang napansin nila sa bata. Ang problema lang ay kung sobra ang dami ng mga mag-aaral kaya hindi posible ang sinasabing “one on one” na pag-uusap ng guro at magulang. Subalit may kasabihan na kung kinakailangan ay may magagawang paraan, at diyan masusukat ang katapatan ng isang guro sa kanyang layunin, ganoon din ang magulang na nagbigay ng buhay sa bata na hindi naman humiling na siya ay iluwal.

 

 

Pat’s Journey in Life…(for Pat Sulleza Pellero)

Pat’s Journey in Life

(for Pat Sulleza Pelletero)

By Apolinario Villalobos

The gauge of the person’s desire to succeed in life is the degree of his or her enthusiasm in achieving such at all cost. A couple of years ago, I met a girl who at a very young age became a discreet prostitute along Avenida so that she could pursue her studies until she was adopted by a retired couple who treated her like their own. Children in depressed areas that surround Divisoria, a bustling center for wholesaling of local produce, derive earnings by waking up as early as two in the morning to gather vegetable trimmings to be cleaned and sold along the sidewalk. Only when they have sold enough to earn a little for their allowance, do they prepare themselves for school.

There are more inspiring stories that can pinch one’s heart, not for pity but for admiration. One of these is that of Pat’s. Upon graduating from high school, she decided to work for her college studies to lessen the burden of her parents whose income could barely suffice for the needs of their family. When she applied as a Student Assistant in the convent of the Oblates of Notre Dame (OND), she was readily accepted because of her outstanding academic record and remarkable character.

The determination to finish her studies boosted her strength as she faced the task that lay ahead. Though a little shock was felt during the early days of her stay in the convent, she got used to waking up at 4:30AM to start doing the household chores, one of which was braving the early breaking of dawn to buy pan de sal, popular local bread for breakfast. Other things had to be done until before 11:AM as during the time, she had to teach catechism at Tacurong Pilot School until 11:45AM. The remaining fifteen minutes till noon was spent walking her way back to the convent. From noon until two in the afternoon, she had to do other chores, after which she was left with thirty minutes to prepare herself for her classes which started at 2:30PM, until 8:00PM. That was her typical weekdays and weeknights. Saturdays were for laundry and weeding of the garden and doing research. Sundays were of course for the Mass and whatever were left of the chores, and the evenings were for studies.

Hectic was not enough to describe the life of Pat as a Student Assistant, but it prepared her for more pressure when she worked at Ramie Corporation (RamCor) when she graduated. She topped the qualifying exam given by the company for applicants. During the early days of Tacurong, ramie fiber was one of the products that it proudly produced. Another company, Kenram, cultivated the fibrous plant together with kenap. As with the abaca fiber of Albay province, ramie and kenap were among the top exported products of the Philippines, until the plantations in Tacurong were supplanted with African palm.

The time of Pat’s employment at RamCor was also the height of the unrest in the area due to the Muslim-Christian conflict which necessitated the stationing of a contingent of the 12th Infantry Battalion of the Philippine Army. Call it fate, but due to the unrest which caused the arrival of the men in fatigue, Pat met Ed (Eustaquio Edmundo Pellero), a Cebuano, and who was a member of the said contingent. As love can move mountains, so did theirs that also moved aside mountains of apprehensions because of financial limitations.

After her stint at RamCor, Pat taught for a while at the Sultan Kudarat National High School, now a Polytechnic University extension in the province. When the situation in Mindanao improved, the couple went to Manila and finally settled in Cavite. Pat still did her part as a working mother with her employment at the Philippine National Bank, until she finally decided to quit so that she could spend her time attending to the needs of their growing family. The couple is blessed with three offspring, Brendo Amor, Satea Mae, and Jonah Maureen, as well as, grandchildren, Lourdess Gem, Lorcan Gyo and Vaugn Eric Zain.

Pat grew up in a closely-knit family that espoused discipline and fear of God which molded her character as she was growing up. The traits could have been what the OND nuns perceived when she applied for a job as Student Assistant, and by her husband when he wooed her. She tried her best to imbue the same traits to her children who became successful in their chosen careers.

Pat is a town mate and our path crossed through the facebook after more than thirty years. I knew her as a chatty gal when she was in high school and college, making her easy to go along with. She could easily set the mood of conversation into something lively to put everyone at ease. Her satisfaction in life, proved that success is not spelled by money. She was successful in her hard-earned college degree, well-thought conjugal partnership with an equally hardworking guy, having equally well-disciplined offspring and healthy grandchildren, and today, contented as a retiree. All of these, of course, she owes to the only One whom she trusted ever since in her life when she embarked on a journey along its perilous corridor, beset with challenges.

Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon

Mga Suhestiyon para sa Kagawaran ng Edukasyon
Ni Apolinario Villalobos

Kung seryoso ang Kagawaran ng Edukasyon na mabago ang imahe nito na nakulapulan ng bansag na isang korap at pabayang ahensiya, dapat ay magkaroon ang pamunuan ng masusing imbestigasyon tungkol sa mga bagay na bukod sa alam na nila ay alam na rin ng publiko. Maliban pa diyan ang mga sumusunod na suhestiyon:

1.Tanggalin agad at parusahan ang mga mapatunayang tumatanggap ng komisyon mula sa mga publishers ng mga librong workbooks na ginagamit ng mga estudyante at mga guro.

2. Ibalik ang dating sistema sa paggamit ng mga textbook na walang mga bahaging sinasagot ng mga estudyante sa bawat katapusan ng mga tsapter, upang magamit pa uli ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang mga hindi nakakabili ng mga libro ay maaaring manghiram sa mga kaklase, at makakatipid pa ng di-hamak na malaking halaga ang gobyerno.

3. Paigtingin ang makabagong paraan sa pagtuturo sa pamamagitan ng agad-agarang paglagay ng mga computer sa mga eskwelahan. Huwag umasa sa mga donasyon dahil kaya naman ang ganitong proyekto kung gagamitin ang napakalaking matitipid sa pagtigil ng pagbili ng mga workbook taon-taon na pinagkikitaan lamang ng mga tiwaling opisyal na kinakasabwat ng mga publisher.

4. Magkaroon ng paraan upang maitaas ang hanay ng mga pinagtuturong mga gurong hindi pa nakakapasa sa licensing exams, upang mabigyan sila ng nararapat at maayos na sahod.

5. Kung may binibigay nang “hazard pay” sa mga gurong nakatalaga sa mga delikadong lugar, dagdagan pa, upang hindi magdalawang isip ang iba pa sa pagtanggap ng ganitong assignment.

6. Magtalaga ng regular na Property Custodian na ang duty ay buong taon, hindi mga buwan ng pasukan lamang, upang masigurong mabantayan ang mga gamit ng eskwela na karaniwang napapabayaan tuwing bakasyon. Aayon ito sa suhestiyon tungkol sa modernisasyon sa pagtuturo, dahil magkakaroon ang mga eskwelahan ng mga computer at iba pang gamit na may kinalaman sa information technology.

7. Magtalaga rin ng regular na Security Officer na buong taon din ang duty, katulad ng sa Property Custodian.

8. Huwag i-asa sa perang donasyon ng PTA ang mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng eskwelahan. Kung pinagmamalaki ng gobyerno na libre ang pag-aaral ng mga bata, dapat lahat ng bagay na may kinalaman sa ganitong panukala ay libre din. Dapat ang gamit ng PTA ay bilang instrumento lamang para sa masinsing pakikipagtulungan ng mga magulang sa mga namumuno ng mga eskwelahan upang masubaybayang mabuti ang mga bata. Hindi dapat gumagastos ang PTA para sa mga security guard o pagpalinis ng mga kubeta o pagbayad ng mga ilaw. Labas sa suhestiyong ito ang nakaugaliang “Brigada: Balik Eskwela” na boluntaryo lang naman tuwing bago magpasukan, dahil nagpapairal ito ng bayanihan na magandang halimbawa para sa mga kabataan.

9. Suriing mabuti ang mga itinuturong asignatura o subject sa mga estudyante dahil lumalabas na dahil sa dami ay hindi naman naituturong lahat. Ang problemang ito ay lalong nadagdagan ng K-12 program. Dahil sa mga nabanggit, lumalabas na “hilaw” ang kaalaman ng mga estudyante, kaya karamihan sa kanila, grade three na ay hirap pang mag-spell ng mga salita o magbasa nang tuluy-tuloy. At ang matindi ay bobo sila pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas dahil, ni hindi man lang nila alam kung sino si Tandang Sora o si Diego Silang o si Sikatuna. Subalit, kung maglaro naman ng computer games, ang bilis ng paggana ng utak nila!

10. Gumamit ng solar power bilang suporta sa modenisasyon ng pagtuturo, sa halip na regular na kuryenteng binibili sa mga cooperative o MERALCO upang makatipid, at magiging modelo pa ang mga eskwelahan sa ganitong adbokasiya.

Dapat tanggapin ang katotohanang hindi naman talaga nagtuturo ang karamihan ng mga magulang sa mga anak nila sa bahay, lalo na kung may mga assignment. Maswerte ang mga estudyanteng ang mga magulang ay may kaalaman sa mga bagong subject na itinuturo ngayon. Pagdating naman sa paggawa ng mga project, karamihan sa mga ito ay mismong mga magulang ang gumagawa. Kaya paggising ng mga anak sa umaga, tapos na ang project na dadalhin na lamang nila sa eskwela. Dapat gumawa ng paraan ang kagawaran upang maituwid ang ganitong maling sitwasyon.

May mga teachers din na umaaming alam nilang hindi man lang nagbubukas ang mga estudyante ng mga libro nila dahil basta tama ang sagot sa mga katanungan sa katapusan ng tsapter, ay pasado na sila. Iba kasi kung bibiglain ang mga estudyante ng mga katanungan sa araw mismo ng test, kaya obligado silang magbasa upang makapaghanda.
Maraming mga estudyante ngayon ang hirap sa pagbaybay o pag-spell ng mga salita, lalo na ang mga Ingles. Magaling lang sila sa pabaklang pag-pronounce ng letrang “R”, na hindi naman itinutuwid ng mga guro, dahil sila mismo ay guilty din.

Hazing…an eye-opener with the onset of the school year opening

Hazing
…a eye-opener with the onset of school year opening
By Apolinario Villalobos

Now and then, front pages of newspapers scream expositions on deaths that result from hazing. Investigations are conducted. Parents and concerned organizations hold rallies to put an end to the fatal ritual…and most often, they bark at the wrong tree.

There is already a law against it. Some schools ban fraternities. The police is doing its part. Meanwhile, concerned parents and organizations forgot to call the attention of other parents, especially, the students, themselves. The fact is that, most students who join fraternities to have a feeling of security and belongingness, are already of age, and know what they are doing, yet they do it. They read news about death resulting from hazing, yet, they take the risk by still joining.

With all those mentioned circumstances, why should parents blame the school?…and the police who cannot solve the crime immediately? Some parents blame the world, but themselves and their sons and daughters who upon entering the portal of colleges and universities become ambitious and arrogant. These sons and daughters thought that they can have a share of prominence in the campus by joining fraternities, and have their fingers or knuckles bear the mark of affiliation.

Some parents of hazing victims, on the other hand, insist that they did their part by warning their sons about joining such kind of organization. Really?… It has been found out that parents of some students who died from hazing belong to the fraternity that the departed tried to be part of! Some parents are even known to remind their sons and daughters to see to it that the fraternity that they will join, also has government officials as members, so that the latter can be approached for help in times of need. The price of selfishness is too expensive, indeed!

Some schools are doing the right thing by letting their students sign a release waiver, so that they will not be blamed if the latter would insist on joining a fraternity. The police is not in the position to pass on the blame, in view of the existing law, because it is their duty to solve a crime. Besides, passing on the blame will not solve the problems on hazing that is pestering the campuses. Many cases of hazing that result to the death of neophytes are left unsolved, hence, relegated to the sidelines, with their folders turning yellow and accumulating dust in filing cabinets of courts.

Doubts are floating if hazing can be possibly put to a stop, as officers of the fraternities involved are entrenched in the different nooks and corners of the government, with some even staff of schools, and who just remain silent every time a new case hits the pages of newspapers and aired over TVs and radios. Helplessness and futility of the effort is very evident.

The hazing victims have been given the opportunity to enjoy a much coveted, but expensive education, but they wasted it because of their arrogant social climbing attitude and desire to be part of the elite crowd in the campus. And, most unfortunately, many students who were known to be shy, have learned to smoke and imbibe alcoholic drinks after joining fraternities.

Before viewers who are members of fraternities will misjudge me, I would like to make it clear that I am not referring to all students as arrogant with social climbing attitudes that push them to join fraternities. Most, especially, I am not contending that all parents are selfish enough as to encourage their children to join fraternities known for their members who are government officials. I know that there are still many students who are sane enough to make use of the hard-earned money of their benefactors – parents, elder brothers or sisters, by focusing their mind in their studies.

A student need not join a fraternity to shine in the school campus. The school is intended for learning and not for negative socializing.

Ang Guro Nating Mahal

Ang Guro Nating Mahal

By Apolinario B Villalobos

 

Sa pagsibol ng ating kaisipan

Mula nang tumapak tayo sa unang baytang

Silang sa silid-aralan, ating nadatnan –

Itinuring na nating pangalawang magulang.

 

Mayroong animo’y santo sa kabaitan

Mayroon ding parang tigre sa katapangan

Mayroong malayo pa lang ika’y ngingitian

Mayroon ding nakakakilabot sa katarayan.

 

Sa mga mag-aaral na matigas ang ulo

Guro ang panakot sa mga pasaway na ito

Sila’y isusumbong kapag nagpatamad-tamad

Kaya susunod, dahil mataas na grade ang hangad.

 

Kung hindi sa guro nating mahal

Wala tayong presidente, senador, kongresman

Wala tayong doktor, enhinyero, pulis, sundalo

Wala tayong pari, madre, at iba pa, lalo na guro.

 

Sila ang naghuhubog ng ating kaisipan

Upang maging may pakinabang na mamamayan

Sila ang inspirasyon, tinitingala nating bantayog

Sila na ang buhay, sa mga kabataan ay umiinog.

 

Inaabot ng hatinggabi sa paghanda ng leksyon

Madaling araw gigising, sa almusal walang panahon

Halos takbuhin ang paaralan, sa kwarto’y dapat mauna

Upang sa mga mag-aaral sila’y maging halimbawa.

 

Sa mga liblib na paaralan may mga kuwento

Nakakadurog ng puso kung malaman ninyo

Mga kuwento ng mga gurong nagsasakripisyo

Mairaos lamang nila, mga araw ng pagtuturo.

 

Mayroong binabawas sa kakarampot na suweldo

Pambili ng chalk, papel, lapis, at kuwaderno

Kagalakan nilang makita, saya sa mukha ng bata

Sa pagkakaroon ng gamit, di mabili dahil dukha.

 

Sila ang ating mga mahal na guro

Karapat-dapat mahalin, bigyan ng respeto

Kulang ang salitang “bayani” na sa kanila’y ituring

Sa sakripisyo, kahi’t kanino hindi sila maihahambing!

Ang Guro nating Mahal

Ang Guro Nating Mahal
By Apolinario B Villalobos

Sa pagsibol ng ating kaisipan
Mula nang tumapak tayo sa unang baytang
Silang sa silid-aralan, ating nadatnan –
Itinuring na nating pangalawang magulang.

Mayroong animo’y santo sa kabaitan
Mayroon ding parang tigre sa katapangan
Mayroong malayo pa lang ika’y ngingitian
Mayroon ding nakakakilabot sa katarayan.

Sa mga mag-aaral na matigas ang ulo
Guro ang panakot sa mga pasaway na ito
Sila’y isusumbong kapag nagpatamad-tamad
Kaya susunod, dahil mataas na grade ang hangad.

Kung hindi sa guro nating mahal
Wala tayong presidente, senador, kongresman
Wala tayong doktor, enhinyero, pulis, sundalo
Wala tayong pari, madre, at iba pa, lalo na guro.

Sila ang naghuhubog ng ating kaisipan
Upang maging may pakinabang na mamamayan
Sila ang inspirasyon, tinitingala nating bantayog
Sila na ang buhay, sa mga kabataan umiinog.

Inaabot ng hatinggabi sa paghanda ng leksyon
Madaling araw gigising, sa almusal walang panahon
Halos takbuhin ang paaralan, sa kwarto’y dapat mauna
Upang sa mga mag-aaral sila’y maging halimbawa.

Sa mga liblib na paaralan may mga kuwento
Nakakadurog ng puso kung malaman ninyo
Mga kuwento ng mga gurong nagsasakripesyo
Mairaos lamang ang mga araw ng pagtuturo.

Mayroong binabawas sa kakarampot na suweldo
Pambili ng chalk, papel, lapis, at kuwaderno
Kagalakan nilang makita, saya sa mukha ng bata
Sa pagkakaroon ng gamit, di mabili dahil dukha.

Sila ang ating mga mahal na guro
Karapat-dapat mahalin, bigyan ng respeto
Kulang ang salitang “bayani” na sa kanila’y ituring
Sa sakripesyo, kahi’t kanino hindi sila maihahambing!