When Friendship is Falsified and Abused

When Friendship is Falsified and Abused

By Apolinario Villalobos

 

Friendship can be tagged with related words such as congeniality, hospitality, love, trust, intimacy and many more synonyms that go with positive relationship between two and among many people.

 

The problem with some people is that they do not have the common sense of assessing their capacity to manifest friendship to the point of falsifying it, so that at the end, they feel bad if they think their congeniality has been abused. At the start, they should have restrained themselves from giving hints to others that their being “accommodating” is limitless.

 

Manifestation of friendship may vary according to the degree of closeness and trust that one would like to show to their friends. In this regard, some friends may just be good for drinking sprees, some as buddies who can be trusted even with personal problems, some as sources of financial support, some as “escorts” in elitist occasions or ballroom dancing and some may be fortunately treated as best friends forever or “bff”.

 

On the other hand, some people abuse the friendship shown to them, especially, on the aspect of finances. They assume that because of friendship, they can always borrow money from their rich friends without even the courtesy of an excuse if they failed to pay back on time, though most often, they really have no intention of doing such. Some also, practically exploit their “friends” whose social status is lesser than theirs, by treating them as some kind of servants whose usefulness is good in doing errands, driving them around, cooking for them during special occasion at home, etc, but never brought along to discriminatory  parties of elite colleagues.

 

There are “true friends”, no doubt about that, but we should try to understand the extent of the sincerity in such kind of relationship. We should not feel bad, therefore, if we find out that we are left out during some occasions, or we do not know some goings on, finding them out only in photos posted on facebook. In other words, as already aforementioned, a person has a “fitting role” to play in the life of his or her friends depending on their need, and the former’s skill or character. That is a fact that should be accepted, for a Biblical legend says that even God has His own “chosen people”….His “true and trusted friends”….but who, at the end, betrayed His trust!

 

Nevertheless, one sure occasion that all kinds of friends can really bond together is the school reunion during which, even “enemies” during school days embrace, kiss and shed tears of excitement and joy that overshadow boxing and kicking bouts, spats and hair pulling incidents in the past!

 

 

The “Funny Money” the Goes A Long, Long Way

The “Funny Money” that Goes A Long, Long Way

By Apolinario Villalobos

 

The “funny money” comes from “Perla”, a kind-hearted Filipina benefactor based in America. She earns the money from her translation “sideline”, as she is on a regular call to interpret for Filipinos with cases being heard in court, and who have difficulty in speaking English. The “funny” is her lingual concoction for the job that she did not seek, but in a way, accidentally came her way. She has been consistently supporting my RAS (random acts of sharing) which started when she learned of my RAS from my blogs about such advocacy.

 

What is really funny is the reaction of friends who keep on asking where some of my fund comes from, as if suspecting me to push drugs just to earn extra. They just cannot believe that somebody would send money for total strangers who are in dire need for help. When I add that there was also a time when another friend in London sent money, and still another in America sent a “blessing” through her “balikbayan” sister, their eyes get bigger in disbelief. In exasperation, I just tell them that it is very difficult for somebody to understand the sharing that others are doing if he or she does not have the same advocacy in life….or if he or she does not extend a hand to others as a habit. As expected, these fence-sitting friends fail to get what I mean. The problem with some people is that, they are used to seeing “charitable acts” done only by people who wear t-shirts emblazoned with their mission.

 

Perla drives or commutes to courts or hospitals where her service as translator is needed. Her benevolence sometimes bothers me, as I would imagine that she could be left with a little amount or nothing for her own needs. Every time I remind her about that, she would send me a message with typed laughter with an assurance that what she sends me is “funny money” earned accidentally from the job that she has somehow learned to like.

 

The unselfish sharing of Perla always reminds me of the comment of my two “balikbayan” friends who tried to treat me to a lunch. On our way to the restaurant inside a mall, I saw an emaciated mother and her child who was holding on to a black garbage bag half-filled with empty plastic bottles. Both were staring at the customers eating fried chicken at a lunch counter near the aircon van terminal. When I told my friends to go ahead and that I would just follow in a few minutes, as I would like to buy packed lunch for the mother and her child, they told me not to bother, as “we can just pack our left- over for them after our lunch inside the mall”….they meant “doggie bag”. What they said made me adamant and which also made me decide not to join them anymore despite their pleading. When they left, I bought three packed lunch for the three of us – I, the mother and her child, and enjoyed it in the farthest corner of the terminal where we slumped on the floor. That lunch made my day….and, for which was spent part of Perla’s “funny money”.

 

 

 

.

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Kung Babaguhin ang Ugali, Isama na rin ang Pananaw sa Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang silbi ang pagbago ng pagkatao kung ugali lang ang magbabagong anyo, at ang pananaw sa buhay ay hindi. Ang isang halimbawa ay ang pagbago ng isang lasenggo na nabawasan nga ang pag-inom ng alak subalit hindi pa rin naniniwala sa kahalagahan ng pag-impok para sa kinabukasan….kaya kahit hindi na lasenggo, ay bulagsak pa rin sa pera. Ang ugali ng tao ay tungkol sa mga nakasanayang gawin at sabihin. Kung ang isang tao ay hindi na nga nagmumura pero mapanira pa rin ng kapwa, wala ring silbi an kanyang pagbabago.

 

May mga ugali ring mahirap baguhin dahil lulutang at lulutang ang likas na nakagawiang hindi kayang takpan ng pagpapaka-plastik o pagkukunwari. May mga taong sensitibo sa ugali ng iba kaya nararamdaman nila kung bukal sa kalooban ang sinasabi ng mga kausap nila dahil naipagkakanulo o betrayed sila ng ekspresyon ng kanilang mukha, at kahit ng simpleng galaw ng mata…sa Ingles, ito ang tinatawag na “body language”.

 

Ang paniniwala ay nagsisimula sa isip ng tao at ito ang nagpapakilos ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Dalawang lakas ang nakakaapekta sa isip – positibo at negatibo….sa simpleng salita – mabuti at masama. Kung hindi tutugma ang ikinikilos ng isang tao sa kanyang iniisip, “nadudulas” siya sa pagsalita, na kung sa Ingles ay tinatawag na “slip of the tongue”. Ang tawag sa pilit na pagtatakip ng tunay na ugali ay pagkukunwari.

 

Upang maging kapani-paniwala ang pagbabago na ginagawa tuwing Holy Week at Bagong Taon, piliin ang mga ugaling “kayang baguhin”. Hindi kailangang mag-ambisyong maging santo o santa ang isang tao upang mabago ang masama niyang ugali. Kahit hindi siyento por siyentong mababago ang masamang ugali ng isang tao, basta aminin niyang siya ay talagang masama, ito ay katanggap-tanggap na, dahil nangangahulugang alam niya kung ano ang dapat baguhin sa kanyang pagkatao. Sa ganyang paraan, kahit papaano ay mauunawaan ang kanyang pagpipilit  kaysa naman siya ay magpaka-plastik pero madalas namang madulas!!!

Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-hari…natagpuan ni Thelma

Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-Hari

…natagpuan ni Thelma

(para kay Thelma Pama- Arcallo)

ni Apolinario Villalobos

 

Makulay ang pag-ibig na kanyang natagpuan

Pangakong ligaya ay tila walang katapusan

Pangako na kanya nang nararamdaman

At pati ginhawang hindi matatawaran.

 

Sa paraisong animo ay dulo na ng bahag-hari

At sa piling ng mga katutubo – mga T’boli

Landas nila ay nagtagpo, animo’y hinabi

Pinatatag ng pagsubok, lalong sumidhi.

 

Parang t’nalak na hinabi ang kanilang buhay

Masinsin ang pagkahabi, ‘di basta bibigay

Dahil subok, t’nalak ay talagang matibay

Tulad ng sumpaan nilang ‘di mabuway!

Thelma Pama

 

 

——————

Note:

Bahag-hari – rainbow

T’boli- natives of South Cotabato

T’nalak – T’boli cloth made from abaca fibers

lalong sumidhi – became stronger

masinsin –  finely and delicately woven

mabuway – soft and easily bends; weak

 

A Friend Gave Life to My Blogging

A Friend Gave Life to My Blogging

By Apolinario Villalobos

 

A friend who is also a blogger in her own right, based in the United States, but a Filipina, gave life to my blogging when she gave me her smart phone, after finding out that I have no camera which should be an important tool of a blogger. I told her that most of my blogs need no photo to support them.

 

It took me a very long time before finally deciding to use the cellphone, but only its camera because it has not yet been “opened” for local use, being registered with a Telcos in America. Most especially, I have no heart in spending a big amount just for that purpose because I am very much comfortable with my old basic phone.

 

Of late, I found out that the cellphone is indeed a big help in supporting my blogs, especially, events such the recent Feast of the Black Nazarene of Quiapo. Also, for people with amazing and inspiring virtues, so that viewers will know how they look like – such as having a seasoned face due to hard work, stooped body due to almost 24/7 toil for the much needed cash, and also for strange sounding names of food. But the said contraption is still a no-no for my random acts of charity.

 

When the same friend read the blog about my laptop lacking a key cover for letter “M”, she immediately sent me a message of her plan to send over a laptop which I respectfully declined because I have no habit of getting rid of things that are still useful to me.

 

My friend is Perla Buhay….by the way, for foreign viewers, “buhay” means “life”. Coincidence?…God works in many splendid ways. Perla also gives life to her financially “dying” relatives and friends, also intellectual nutrients to children “starving” for knowledge with her book donations. So now, viewers know why I keep on praising the All-Knowing God although, I criticize to high heavens His people on earth who “badly manage” churches and manipulate the faith of innocent people.

Ang Laptop Kong Bungi…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ang Laptop Kong Bungi

…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ni Apolinario Villalobos

 

Wala siyang teklado para sa letrang “M” subalit subok ang tibay dahil kahit bahayan ng langgam ang mga kalamnan ay hindi sumusurender maski pa maghapong gamitin. Ilang taon din siyang nagtiis sa pagtipa ko sa teklado ng kanyang mga letra at simbolo, yon nga lang, pagdating sa bunging bahagi para sa letrang “M” ay kailangang maingat ang aking pagpindot. Malaki ang utang na loob ko sa laptop na ito dahil lahat ng mga saloobin ko ay kinakaya niyang ipunin…i-absorb, kaya siguro kung mayroon lang siyang bituka baka palagi siyang nagsusuka, o di kaya kung may puso, ay matagal na siyang na-heart attack. Kahit halos mamuwalan na siya sa mga pinapakain kong nakakasuka at nakaka-heart attack na mga isyu, ay hindi siya nanghihina man lang.

 

Ang problema lang ay ang colonial niyang mentality dahil may mga salitang Pilipino na pinagpipilitan niyang baybayin sa Ingles kaya kailangan kong basahin nang paulit-ulit ang mga naisulat niya upang ang “namin” ay hindi maging “naming”, o di kaya ang “hindi maging” ay hindi maging “hind imaging”, ang “letra” ay hindi maging “letre”, at marami pang ibang salitang Pilipino na tinatarantado niya….sutil kasi.

 

Minsan ko na rin siyang nadunggol dahil sa sobrang antok nang bumagsak ang noo ko sa kanya, subalit hindi siya nagreklamo kahit sa pamamagitan ng pag-kuryente man lang sa akin. Nalaman kong nasaktan ko siya nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kanyang pag-overheat makalipas ang dalawang oras ng pagkakatulog. Literally, I slept on my laptop! Siguro kung nakakatawa lang ang butiki ay hinalakhakan na ako dahil sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawa na halos hindi gumagalaw dahil siguro nagulat, pero nagpulasan nang tiningnan ko sila ng masama.

 

Hindi mitsa ng buhay ko ang aking mahal na laptop dahil old-fashion siya, luma na kasi, kaya kahit bitbitin ko siyang hubad, ibig sabihin ay hindi nakalagay sa bag, walang magkaka-interes. Parang babae rin na dahil naitatago ng pagka-old fashion ang kanyang ganda, siya ay malayo sa posibilidad na magahasa! Kaya ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng motibo o pag-anyaya upang magahasa…magpaka-simple o magpaka-old fashion din kahit minsan….maliban na lang ang mga desperada!

 

Para ring tao ang aking laptop na nag-undergo ng operasyon at pagtapal dahil marami na rin siyang diperensiya maliban sa pagkabungi. Ang dating ayaw pumermanenteng pagtayo ng screen kaya nilalagyan ko pa ng suporta sa likod, ay naremedyuhan ng isang doktor ng mga laptop – may ginalaw sa kasu-kasuan o joints nito kaya nakakatayo na ngayon nang tiyeso. Ang dating sugat sa gilid dahil nabasag ay natapalan na rin ng karton kaya ngayon ay buo na siya – good as new!

 

Ang kuwento ng laptop ko ay maihahalintulad din sa kuwento ng alagang hayop na pinagkakautangan dapat ng loob ng nag-aalaga dahil sa dulot nilang therapeutic relief, o di kaya ay iba pang bagay na napakinabangan para sa araw-araw na pamumuhay. May utang na loob tayo sa kanila. Hindi sila dapat binabale-wala nang basta-basta pagkatapos pagsawaan o kapag nagkaroon ng bago, lalo na ngayong pasko.

 

Hindi din dapat ganyan ang mag-asawa na pagkalipas ng maraming taon ay basta na lang makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa, kaya nagkakanya-kanya na sa pagrampa upang maghanap ng ibang mapagparausan. O di kaya ay ibang mga anak na pagkatapos iluwal ng ina at palakihin ng ama ay walang pakundangan kung sila ay balewalain o ikahiya sa ibang tao dahil walang pinag-aralan o di kaya ay hindi maganda o guwapo tulad ng mga magulang ng mga kaibigan nila, o di kaya ay amoy pawis dahil sa pagtinda sa palengke, hindi tulad ng magulang ng classmate nila na nagtatrabaho sa aircon na opisina.

 

Pairalin natin ang utang na loob. Magbago tayo….bilang pasalubong sa bagong taong 2016!

laptop kong bungi

 

 

 

Do Not Feel Bad About Unfulfilled Dreams

Do Not Feel Bad

About Unfulfilled Dreams

By Apolinario Villalobos

 

There is a popular adage, “life is what we make it”. All of us have limitations, hence, it follows that the life we live is based on our best effort, but hampered by limitations. We cannot be like what others are. We can strive, yes…but the result may not be the same as what others have accomplished. The problem with some of us is that they dream to be like somebody else which is impossible. Successful people can be looked up to as models or be admired, but cannot be exactly copied.

 

Success is relative. The degree and kind of success varies. In this regard, to avoid getting disappointed, one should accept what he has accomplished based on his capability and just strive a little harder to be able to accomplish more. He should not feel bad, for instance, because he did not become a manager like his friend, or a physician like another friend, or a mayor, etc.

 

Those who develop grudge because of their “failure” supposedly, equate success to fame which is wrong. Others feel that just because they did not become famous like others, they have become a failure. I can say that such kind of feeling is a manifestation of jealousy which breeds grudge….nothing else. Success in life is the happiness and contentment one feels every morning as he wakes up to another day….it is the joy felt in what he does.

 

We should not be occupied with gawking at what others are doing or be jealous with what they have accomplished. Each one of us has a different kind of life to live and concerns much different from the rest. On the other hand, the jealous attitude is most often the result of unnecessary and unhealthy rivalry in offices and other work sites. This is called professional jealousy which affects the operation and atmosphere.

 

Finally, successful people may wonder why some friends have suddenly kept a distance from them for no reason at all that they know of. There is something for these shunned successful people to ponder about…jealousy developed by their friends who have the habit of comparing themselves with others. Such unnecessary feeling made them jealous resulting to grudge that time may not expunge easily. My suggestion: a change in attitude…by being positive in living one’s life….and changing it for the better.

 

Ang Pagpapakatotoo

Ang Pagpapakatotoo
ni Apolinario Villalobos

Hindi kailangang magkunwari ang isang tao upang magkaroon ng kaibigan, kahit pa best friend. Kung ano ang tunay na katayuan sa buhay, ito ang dapat ipakita sa mga kaibigan.

May isa akong nakilala noon sa isang okasyon na ang impresyon ko ay mayaman, dahil may kotse, at ang mga damit ay hindi ang mga tipong nabibili sa sale o bargain section ng department store. Magaling siyang magdala ng iba pang burloloy sa katawan, hindi trying hard ang dating. At, sa maliitang umpukan na inuman, siya palagi ang taya sa gastos. Subalit ni minsan ay wala siyang inimbita sa kanilang bahay kahit sinuhestiyon na namin ito upang makatipid.

Sa isang hindi maiwasang pagkakataon, nagpatsek siya sa akin ng mga dokumento na kailangan niya sa kanyang trabaho…kailangang i-edit. Dahil emergency, isinama niya ako sa kanyang bahay. Doon ko nalaman na isang maliit na kwarto ang inuupahan niya, kasama ang asawa at dalawang anak, walang sariling kubeta at importanteng refrigerator. May computer siya pero lumang modelo. Ang kotse ay pinaparada niya sa harap ng barangay hall, isang bloke mula sa kanila, dahil eskinita ang daanan papunta sa tinitirhan niya na entresuwelo lang ng isang lumang bahay.

Nang magawa ko ang mga papeles, nagpasalamat siya sa akin at bibigyan sana ako ng bayad. Subalit tinanggihan ko, sa halip ay may hiniling ako. Nang tanungin ako, diretsa kong sinabing magbago siya. Akala ko magagalit sa sinabi ko, hindi naman, yumuko at tumahimik. Sinundan ko ang sinabi ko ng paliwanag na hindi niya kailangang “bumili” ng kaibigan. Dahil kaya naman ng suweldo niya, sinabihan kong lumipat ng tirahang maayos para sa kapakanan ng mga bata.

Mahigit isang buwang hindi namin siya nakita, kaya maraming naghanap sa kanya dahil nawalan nang maglilibre ng alak. Isang araw nakatanggap ako sa kanya ng text, may ipapagawa daw uli at magkikita kami sa isang lugar, ibinigay ang address na pinuntahan ko. Isa palang maliit na apartment sa Pasay. Nakalipat na pala. Ang ginawa niya ay ibinenta ang kotse upang magamit ang pera sa paunang bayad at deposito, ang natira itinabi para sa emergency.

Pagkatapos kong batiin sa bagong buhay niya, sinabi niya na noon pa pala niya gustong tumigil sa pagporma pero natatakot siyang mawalan ng kaibigan kaya panay ang gastos niya sa inom upang hindi sila mawala. Mula noon ay hindi na siya nagpakita sa kanyang mga “kaibigan”.

Dapat mag-ingat sa pagpapakita ng hindi totoong pagkatao dahil ikakapahamak lang ito. Gagamitin din ang ipinakitang impression na batayan ng iba upang makapag-abuso. Ang iba ay nakikidnap dahil akala ay mayaman kaya itinuturo sa kakutsabang kidnaper. Yong iba ay isinasangkalan sa mga kagipitan dahil ang akala ay may kayang makatulong sa pamamagitan ng pera na wala naman pala. Yong iba ay sinasakripisyo ang panahon para sa pamilya para lang maipakitang marunong silang makisama kaya halos hindi na maipagluto ang mga anak at asawa.
Ang tunay na kaibigan ay hindi kailangang bilhin sa pamamagitan ng pera at sobrang pakisama. Lulutang ang tunay na pakikipagkaibigan kung ang samahan ay walang bahid ng pagkukunwari at taos sa puso ang pinapakita.

Mga Iba’t ibang Uri ng Kaibigan

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan

Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo, o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang kung minsan ay nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?…na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel, ay naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon o mga kundisyon na sinusunod. Hindi man ito naisusulat ay nasusunod batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian. Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!…at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!