The Act of Kindness…a message to parents

The Act of Kindness

…a message to parents

By Apolinario Villalobos

The act of kindness should not be a means to an end, but the reason, in itself. In other words, we should not be kind to others, just because we want to go to heaven, but because we want to do it to for the sake of others. Acting kindly should be spontaneous. The act should form part of our habit. By acting this way, we will forget to count our indulgences which others are prone in doing. The act of kindness should end when the action is done, so that any return for such act is not considered.

In this regard, parents should stop telling their kids to be kind to others so that Jesus will love them. Children should be told to be kind, because by being so they are helping others. Of course, there is always Jesus or God or heaven as reasons every time we do kind acts. But, foremost, as our reason to be kind should be the expectation of us, as human beings, intelligent creatures, who should be kind to others. The clever guys may ask, what happens then to the Ten Commandments?

For the question above, I also ask, how about the aborigines who do not know God?… those in the hinterlands and jungles who have not seen a missionary, much more a Bible or a cross? Don’t they have the right to go to heaven even if they have done acts of kindness, just because nobody told them about such an eternal paradise? The unconscious dispensing of kind acts by these people who, in the eyes of others are uncivilized, deserve more heavenly recognition that what some evil-minded, though, college or university-educated and church-going humans are doing!

Parents should tell their children that they should be kind to others because the latter deserve respect due them as human beings. And, blessings should be shared with them because they need the help to be able to survive. We should do only those, and just leave to God the judgment if our acts are worthy of a place in heaven. Again, we should not count our acts of kindness.

Every Christmas, some parents are even going farther, by warning their kids not to be bad because Santa Claus will not give them gifts. Christianity or any religion that observes Christmas never teaches that! Santa Claus is not even mentioned in the Bible or whatever book of any religion. Santa Claus just like the Christmas tree, is just a symbol of the pagan way of celebrating Christmas, to have a semblance of festivity. Christmas is all about the humble birth of Jesus Christ. And, what has been originally celebrated was the baptism of Jesus Christ. It was only one of the early popes who thought of giving importance to the birthday of Jesus Christ, with the exact date not yet even officially established, and to give it a facade of joyful celebration for the sake of the converted pagans, used their early practices that are still being observed today.

A mother confided to me that when she told her child that Santa Claus is a missionary, the child in all innocence, asked her mother why he does not wear a cross, or carry a Bible! The mother was caught flat-footed, and she told me that she felt so ashamed of what she told her child, vowing never to tell her lies again.

The erroneous way of developing kindness in the personality of a child has done its toll. The wrong notion about kindness has become an integral part of the obnoxious attitude of some children which they will pass on to their own children when they become parents, themselves. The world is so full of children with this kind of attitude, with the parents themselves, to be blamed for their “spoiled” upbringing. This is a general observation. If some parents are doing the right thing, they need not react defensively. Unfortunately, I may be pessimistic, by sharing that I see no end to this vicious cycle. Only voluntary contrition of parents may help. But how many parents are willing?

Ang Common Sense Na Hindi naman Common

Ang Common Sense

Na Hindi naman Common

Ni Apolinario Villalobos

Hindi maintindihan kung minsan ang takbo ng isip ng tao. Kung ano ang bawal, halimbawa, ay siya niyang gustong gawin. Kung ano ang dapat gawin, ay siya namang pinakaiiwasang gawin. Ang katinuan kadalasan ay wala sa ayos, dahil ang tinatawag na common sense, na dapat ay palasak at dapat palaging nandiyan lang sa kanyang katauhan, ay siya namang palaging wala.

May isa akong kaibigan na mabilis ang pagkahulog ng katawan kaya bukod sa namumutla na ay namamayat pa, yon pala ay may diabetes at may diperensiya na ang bato o kidney. Ilang beses ko na siyang pinayuhan noon pa mang malusog pa siya, tungkol sa mga halamang gamot o mga herbal medicines. Hindi pala sinusunod ang payo ko lalo na ang mga tungkol sa pagkain at mga bawal na bisyo, kaya natuluyang gumastos sa pagpapadoktor at pagbili ng mga mahal na gamot. Isang araw ay sinabi niya na “magpapabulong” daw siya sa isang arbularyo sa isang karatig na lalawigan. Sa ganoong gamutan, binubulungan daw ng arbularyo ang bahagi ng katawang may diperensiya.

Tinapat ko siya na pang-doktor ang sakit niya dahil hindi naman siya kinukulam. Dagdag ko pa, kung ano mang gamot ang “ibubulong” ng arbularyo ay siguradong mga halaman din na alam na ng lahat, kaya walang bago sa aasahan niyang gamutan. Ayaw pa ring paawat, itinuloy ang biyahe nila ng nakilala niyang “magpapabulong” din. Nang makauwi, binalitaan ako na ganoon nga ang nangyari – sinabihan siya ng arbularyo na itigil ang mga pagkaing bawal, at ang mga halamang sinabi sa kanya ay kapareho ng mga sinabi ko na sa kanya noon pa! Nagpagod na siya, gumastos pa!

Ang isa namang kaibigan ay walang inaasahan, maliban sa pagtinda sa palengke. Dalawa ang anak na suhod ang luho tulad ng mamahaling cellphone at mga damit. Pati sa pagkain ay pihikan ang mga ito, dahil ayaw kumain ng gulay at mumurahing isda – kinunsinti kasi ng kaibigan ko, maliit pa lang sila. Nang payuhan ko ang kaibigan kong maghinay-hinay sa pagsunod sa luho ng mga anak, ang sagot niya ay “sige lang…ngayon lang naman nila matitikman, eh…”. Halos isang kahig, isang tuka ang pamumuhay nila dahil ang perang ginagamit ay regular na inuutang sa ilang tao na nagtiwala sa kanya, at pinapaikot-ikot lamang niya upang makasambot sa pagbayad. Ang maling uri ng pagpapakita ng pagmamahal na ito ang halata nang nakakasira sa pag-uugali ng mga anak niya.

Ang uri ng buhay na meron tayo sa mundo ay batay sa takbo ng ating katinuan at common sense. May tinatawag na maluhong pamumuhay, may pabayang pamumuhay, may maingat na pamumuhay, may malusog na pamumuhay…marami pang iba. Ang talino natin ay nakokontrol ng katinuan at common sense, dahil kung hindi, ang talinong ito ay hindi magagamit ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit sa ibabaw ng mundo ay may naglilipanang kriminal at mapagsamantala, ganoong ang iba sa kanila ay nagtapos sa mga de-kalidad na mga pamantasan at kolehiyo. Yong iba sa kanilang humantong sa mga opisina ng gobyerno ay mga corrupt. Yong iba na dapat ay tagapagpatupad ng batas ay naging bayaran.

Walang katumbas na halaga ng pera ang common sense o katinuan. May mga taong matino o may common sense na makikita sa mga kabundukan at nabubuhay sa pagkaing gubat. Mayroon ding mga namumulot ng basura at natutulog sa bangketa. Talo nila ang mga may diploma o master’s degree or doctorate na ang mga tanging laman ng isip ay kung paano kumita ng pera sa anumang paraan at manglamang ng kapwa.

Imelda

Imelda

(para kay Maria Imelda’Baby” G. Moll)

By Apolinario Villalobos

Ang mamuhay sa mundo’y maraming kaakibat –

Pakikipagkapwa na sa pagmamahal ay di salat

Pagmamahal sa kalikasan na turing nati’y ina

At pagpapatatag ng tahanan, lalo na ng pamilya.

Ang mga nabanggit, lahat ay nagawa ni Imelda

Ibinuntong hiningang reklamo, di marinig sa kanya

Kung mayroon mang himutok, kanyang sinasarili

Mga tugon sa problema, di niya ipinagbabakasakali.

Tulad ng iba, si Imelda ay mayroon ding ambisyon

Tugatog ng tagumpay, maabot pagdating ng panahon

Tulad din ng iba, kapalaran niya’y naudlot at nahatak

Sa biglang pag-asawa, si Imelda ay doon napasadlak.

Itinuring na guhit ng palad, lahat ng mga nangyari

Wala siyang sinisi, iba mang tao o kanyang sarili

Ang paghakba’y itinuloy subali’t iba nang nilalandas –

Maaliwalas ang mukhang nakatingin sa bagong bukas!

Be Like a Tree

Be Like a Tree..

By Apolinario Villalobos

A tree, though standing still

and on a windless day

with not even a rustling leaf,

is still erect and majestic –

host to winged creatures

that in the sky frolic.

We can be like a tree

by being still and patient –

under a heavy burden

in times of challenges,

we should not waver

but strive more for success!

Ang Nakaambang Alalahanin Kung Politician ang Maging Kalihim ng DOH

Ang Nakaambang Alalahanin

Kung Politician ang Maging Kalihim Ng DOH

ni Apolinario Villalobos

Kung aalagwa ang kaso laban kay Ona batay sa mga katiwalian sa Department of Health (DOH), na inaasahan na, siguradong mapapatalsik ito sa kanyang puwesto. At, ang pumuporma na maliwanag pa sa sikat ng araw ang hangad na maupo sa puwesto ay isang politician, si Janet Garin.

Ang kalakarang pagtalaga ng mga Presidential appointees sa mga puwesto ng mga sensitibong ahensiya ang isa sa mga nagnanaknak na kanser na nagpapabulok ng gobyerno ng Pilipinas. Lahat na halos ng mga ahensiya ay puro political appointees ang mga kalihim kaya sumasabay sa paggawa ng mga katarantaduhan dahil co-terminus ng Presidente ang kanilang pagkatalaga. Ibig sabihin, “strike while the iron is hot”. At kung wala na sila, wala na ring masisisi. Aasa pa ba tayo sa bulok at makupad pa sa pagong na pag-usad ng hustisya sa ating bansa?

Ang DOH ay isang masaganang larangan ng oportunidad upang kumita. Katulad ng DSW at Department of Agriculture, nakikitaan ang DOH ng mga proyekto na ang closure ay hindi nangangailangan ng mga tangible o nakikitang patunay. Ang maraming kailangang proyekto para sa “ikabubuti” daw ng mga mamamayan, ay nagkikislapan sa sagisag ng piso! Malapit din ito sa mga tao, kaya magandang springboard ng ambisyosong pulitiko.

Hindi maayos ang sistema ng DOH sa kabuuhan, dahil ang budget nito ay hindi nagagamit sa magandang paraan. Ipinapasa nito sa lokal na pamahalaan ang mga kapalkan na resulta ng kanilang kapabayaan. Nakakalusot sila dahil mahina rin ang ahensiyang dapat ay nag-aawdit, ang Commission on Audit (COA), dahil kung ginawa lamang ng huli ang trabaho nito ay hindi dapat nakakalusot ang pagbili halimbawa, ng gamot pambakuna na sa umpisa pa lang ay mismong WHO na ang nagsabi na hindi angkop sa pangangailangan ng Pilipinas.

Sa pagkawala sandali ni Ona, may itinalaga na isang “acting”, pero sa ilang araw pa lang nitong pag-upo sa puwesto ay nakitaan na agad ng pagka-“overacting”, at pagkamakasarili dahil marahil ang tingin niya sa ahensiya ay isang tuntungan na magagamit niya sa pagsulong ng kanyang ambisyon sa pulitika…ayon yan sa mga brodkaster na nagmamatyag.

Ano na ang nangyari sa Career Service Program ng gobyerno? Bakit hindi ibigay ang pagkakataon sa mga Career Service Officers na nakapila upang mapausad ang kanilang karera? Ang iba na deserving o karapat-dapat ay inabot na ng retirement o kamatayan, ngunit hanggang Assistant Secretary lang ang inabot, ni hindi man lang nakatikim ng kahit sandaling appointment bilang Undersecretary.

Kung hindi mababago ang ganitong kalakaran na isang malinaw na instrumentp ng korapsyon, wala ngang kahihinatnan ang ating bansa…habang buhay na itong gagawing palabigasan lamang ng mga tiwaling opisyal. At, ang kawawa ay ang mga Pilipino na nagpapawis at nagpapakahirap upang makabayad ng buwis, na wala namang katumbas na kaginhawahan!

Ang Bureau of Corrections at Department of Justice

Ang Bureau of Corrections (BuCor)

At Department of Justice (DOJ)

Ni Apolinario Villalobos

Alam na pala ng Department of Justice (DOJ) na may laboratory ng droga sa national penitentiary o “Munti”, bakit ngayon lang sila nagdadakdak?… at todo warning pa si Dilema na kilala na daw niya ang mga drug lords! Dapat pala siyang kasuhan ng administratibo dahil sa hindi niya pagpapatupad ng kanyang mga responsibilidad, kaya dapat noon pa ay may ginawa na siya! Marami siyang nasasabi kung sa harap ng kamera at kung iniinterbyu pero walang nagagawa kung wala na ang mga ito. Pinaghahanda lang niya ang mga drug lords upang gumawa ng counter moves, tuwing siya ay magbrodkast. Marami tuloy ang nagtatanong kung kapanalig ba siya ng batas o ng mga drug lords!

Mula noong may pinaputok na ang whistle blower na si Kabungsuwan Makilala, wala nang narinig mula sa DOJ. Kung hindi pa nag-inspeksiyon ang Senado tungkol sa tunay na kalagayan ng Bureau of Corrections, hindi pa nataranta uli ang DOJ sa pagkilos kuno, sabay ng kaliwa’t kanang pa-interview, para lang masabing may ginagawa sila. Hihingi pa raw ng tulong sa iba pang ahensiya ng gobyerno dahil hindi nila kayang matunton ang laboratory sa loob ng “Munti”. Kung hindi ba naman hung….ang! Ilang linggo na ang sinayang ni de Lima mula nang magpaistaring siya sa mga interview. Siguradong ni isang kapiranggot na gamit ay wala nang mahahagilap dahil pinagtatago na o inalabas na sa compound. Hindi magiging drug lords ang mga walang konsiyensang nakadetene sa “Munti” kung bobo sila, kaya nakokontrol nila ang mga gwardiya at opisyal!

May sinabi ang dating Director ng Bureau of Correction na si Santiago, na ang pinatapon daw niya noong drug lord sa isang malayong “kolonya” o penal colony ay nakabalik! Ang tanong ay kung saan nanggagaling ang authority sa mga ganitong desisyon? Hindi ba DOJ? Malamang sa malamang, malawak ang saklaw ng “intelliegence network” ng mga drug lords sa loob ng “Munti” na may koneksiyon pa rin sa mga kaalyado nila sa labas. Kasama sa network na ito ang mga tauhan ng Bureau of Corrections at DOJ dahil kaya nilang magbayad ng malaki, kaya lahat ng kilos ng mga matitinong tauhan ng mga ahensiyang ito ay nalalaman at naititimbri agad. Saan naman napunta ang intelligence fund ng DOJ? Ang bagong Director ng BuCor na si Bucayo ay walang nagawa kahit alam pala niya ang mga nangyayari, kaya dapat magresayn na siya.

Ngayon, hindi nakakapagtataka kung bakit tuwing may ma-raid na drug laboratories saan man sa Pilipinas ay walang nahuhuling may-ari. Kung hindi kasi natimbrihan agad ng mga kakutsaba sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno kaya nakatakas, ang iba pala ay nasa loob na ng “Munti”!

Ode to the City of Angels…(Angeles City, Pampanga, Philippines)

Ode to the City of Angels
(Angeles City, Pampanga)
By Apolinario Villalobos

With the tarnish in your name now gone
you sparkle with splendor beneath the sun,
To rise in glory, proud but not with arrogance –
you finally succeed by dint of perseverance.

Oh, Angeles! Lucky are your diligent denizens
as they now live in tranquility under your wings,
No woe and fear, just pleasure fill them no end –
a blessing deserved by the fortunate like them.

Cities rise and instead of moving on, some stall
but not with you Angeles… you’ll rise still, not fall,
For time has proven your tenacity, your firmness –
that withstood scores of heart-breaking challenges.

Spread your wings, Oh, Angeles! Spread them wide
as their shadow, to more souls, solace they may provide,
Let those who long for comfort find it in your realm –
In you, let them savor the fulfillment of their dream!

(Angeles has practically made a turn-around, and
rose from a quagmire of bad impression as a “city
of sins” many years ago. Today, it is one of the
veritable tourist destinations in Luzon, located
at the northern outskirts of Manila.)

Look beyond a person…to discover more about him

Look beyond a person

…to discover more about him

Apolinario Villalobos

The title of this share, actually, is a derivative of the saying, “do not judge a book by its cover”. A not so pretty or handsome face for instance does not necessarily mean that the person has a mean attitude. Also, we should not judge the financial status of a person by looking at his or her face. This is in line with the impression that the more exquisiteness it is, the better chance that he or she is from a well-off family, because “rich people are beautiful people”. This also goes with the way some people dress up.

One Saturday, I befriended a guy who sold “buraot” items or junks on a sidewalk in Divisoria. Every time I saw him on Saturdays, he was wearing the same tattered dark brown shirt and oversized basketball shorts. I just presumed that they perhaps, consisted his Saturday get up. Sometimes his two children would be with him. One time, I endeavored to befriend him, and broke the ice by buying many of his cheap items. I was thankful that he entertained my queries, until he accepted my offer to buy snacks for the three of them. I pretended to be engrossed in our conversation so that I could patiently wait until it was time for them to pack up their wares at ten that morning. With apprehension, I asked if he would allow me to see where they live, to which the guy acceded. We walked our way to a shanty of discarded tarpaulins and plywood boards by the bank of a river. His wife was out, collecting junks from garbage dumps.

Inside the shack, I saw a framed photo of three boys between a man and a woman, obviously, a family portrait. When asked, he told me that the smallest boy was he, and those with him were his parents and brothers. I found out that he came from a well-to-do family in Mandaluyong, with the name even sounding familiar. Without waiting for my questions, he volunteered that he left their home to elope with his girlfriend, the daughter of their laundrywoman. He had to do it after learning that she was two months pregnant with their baby. His parents did not approve of their relationship ever since. Rather than give them reason to fire the mother of the girl, the two opted to just go away.

The guy was 22 years old and his wife, 25. Their elder child was 4 years old and the younger, 3. He added that his wife had already undergone the so-called clinical family planning operation, or ligation. He was in his second year college when they eloped. His wife finished high school and was working as a sales girl in a mall. Her contract was not renewed, forcing her to work in a sidewalk carinderia as an all- around assistant. They had bright plans for their kids, even showed me four mineral water bottles heavy with coins, and a purse full of folded bills. They planned to enroll their elder child in the barangay/DSW-sponsored prep school three blocks away from their shanty.

When I learned that both kids were not yet baptized, I asked if it’s okay to have them undergo such rite in Sta. Cruz church or Binondo church, expenses on me, including lunch afterwards. When he agreed, I told him to look for two sponsors, a male and a female, to which he excitedly suggested his friends who were also selling junks in Divisoria. He told me that he and his wife still had decent clothes for such occasion. From the shanty, I went to the Binondo church, the nearest to where they lived, to inquire about scheduled baptisms and make the necessary arrangements. When everything was in order, I went back to my friend and told him to alert his wife and their two friends for the set schedule on the following Sunday. Eventually, the two kids became Christians. We shared a simple lunch in a sidewalk carinderia afterwards.

For the undiscerning, the unkempt appearance of others who eke a living from the refuse in dumps, can be revolting, and they are perceived as a hopeless lot. The story that I have shared shows that it is unfair to make hasty judgments based on the external appearance of a person. Behind the unkempt appearance could be a fervent desire fuelled by perseverance to live decently. The guy whose story I have shared, showed that in this world, anything is possible, and that a happy life does not always depend on money. In other words, behind unkempt appearances could be dreams!

The family I met was a picture of happiness, living on discarded vegetables and overnight-old sometimes burnt rice asked from carinderias, and drizzled with coffee or broth of vegetables and instant noodles to make it palatable. Despite their hand-to-mouth existence, he and his wife still had the courage to make plans for their two kids. They have been painstakingly setting aside a portion from what meager earnings that they derive from the junks they sell for their future. And, for all those, they do not even harbor a bit of hatred towards anybody, much more, the guy’s parents.

The guy told me that he still loves his parents, and he plans to bring his family to them on December 20, his birthday, to seek their blessing, especially, for the kids, but has no plans of living with them again. For him, it is important that his parents will know that he and his family are doing well.

Nanguna na naman ang Department of Energy!

Nanguna na naman ang

Department of Energy!

Ni Apolinario Villalobos

Ipinakita na naman ng Department of Energy (DOE) ang pagiging tagapagsalita nito, ng mga kumpanya ng langis, sa pagsabi na asahan na ang pagsirit ng mga presyo ng langis sa Maynila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa pagpaalis sa kanila sa Pandacan depot. Dapat hinahayaan na lang nito ang ang mga kumpanya ng langis na maglabas ng mga saloobin tungkol sa epekto ng kanilang paglipat. Mismong Petron na nga ay nagsalita na hindi sila magtataas, na ibig sabihin, kung kaya nilang magmintina ng mga presyo, dapat kaya rin ng iba. Kung may mga presumptions ang (DOE), dapat ay hindi nila isa-publiko, dahil magpapalakas lamang ito ng loob ng mga kumpanya ng langis na magtaas ng presyo dahil inaasahan na pala ng taong bayan….sa tulong ng isang magaling na ahensiya ng gobyerno.

Ang mga sasarilining presumptions ng (DOE) ay dapat na gawin nilang batayan sa pagsalag kung may mga pagtaas ngang mangyayari. Ganoon dapat kung magtrabaho sila – may mga alternatives na mga kung ilang “plans”, gaya ng “plan A”, “plan B”, etc., – mga batay sa sitwasyon na maaaring mangyari, hindi yong mag-react agad sila na pabor pa sa mga kumpanya.

Dahil ginagawang dahilan sa pagtaas ng presyo ang inaasahang paggamit ng maraming delivery trucks at pagbigat ng trapik, ang isa sa mga paraan na maaaring gawin ay ang paggamit ng Pasig River upang makaiwas sa trapik ang mga delivery trucks. Maaaring gumamit ng mga barge na maglilikas ng mga delivery trucks patungo sa mga itatalagang daungan ng mga ito sa mga strategic locations sa Maynila. Sa puntong ito makakatulong ang DOE, dahil maaari nitong pangunahan ang pagpagawa ng mga daungan. Makakatulong din kung gagamit ng floating refilling barges ang mga kumpanya ng langis para sa mga istasyon na nasa Metro Manila lamang. Ang mga floating refilling barges ay madaling proteksiyunan laban sa mga terorista na siyang dahilan kung bakit pinaalis ang mga kumpanya ng langis sa Pandacan. At upang hindi makaapekto sa trapik, dito na dapat ipasok ang istriktong pagpatupad ng iskedyul sa paggamit ng kalsada para sa mga delivery trucks.

Dapat itigil na ng DOE ang pagmamagaling sa pamamagitan ng pagsalita agad bilang reaksiyon pabor sa mga kumpanya ng langis, sa halip na hadlangan ang mga pagtaas ng presyo na kadalasan ay hindi makatarungan. Dapat tumigil na ito sa pagmamagaling na ampaw naman pala, dahil hanggang ngayon ay wala pang napatunayang ginawang makabuluhan para sa taong bayan. Dapat magtrabaho sila ng maayos – gumawa ng mga planong batay sa mga sitwasyon, na inaasahan ng taong bayan. Hindi nakakatulong ang pagsasalita ng mga tauhan nito na animo ay mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis na mula pa man noon ay nagkamal na ng limpak limpak na yaman!

Masabi lang…

Masabi lang…

ni Apolinario Villalobos

Bakit kaya may mga taong mahilig pomorma?

Gagawin ang lahat upang mapansin sila

Kesehodang malagay sila sa alanganin –

Mga sitwasyong nakakahiya sa paningin.

Masabi lang na may ginawang para sa kapwa

Mamimigay ng bagay na patapon at sira

Akala nila, dahil mahirap ang binibigyan

Mga taong ito ay wala nang karangalan.

Masabi lang na masipag at seryoso sa trabaho

Mga patakara’y susuwayin nang taas noo

Siya ay yong taga-DOH, sa isla ay pumunta

Ibang tao ay mayabang na kinaraykaray pa!

Masabi lang, may naibigay sa mga nasalanta –

Ng nagngangalit na bagyo, ngala’y Yolanda

Itong DSW, alumpihit sa pamimigay ng todo

Ng mga donasyon, balak yata, pampalit-boto!

Masabi lang, may naibigay na nga talaga sila

Ang DSW, nagbitbit ng kaalyado sa pulitika

Relief caravan, mahaba, maraming trak kuno

Umusad nang ilang araw, Tacloban ang destino.

Masaya din naman dahil may masasabi na nga

Tungkol sa makatao kuno nilang pinaggagawa

Nagkodakan pa sa pamimigay ng mga donasyon

Na ang iba pala ay bulok, inu-uod, dulot ay lason!

Masabi lang, nakatulong daw sa mga kababayan

Pinagawa’y ospital, parking building at eskwelahan

Lusot na sana ang isang magiting na dating alkalde

Kung hindi inginusong may milyones siyang nadale!

Bakit kaya may mga taong bantad na sa kasamaan

Puso’y nangingitim sa patung-patong na kasalanan

Banggit pa ng banggit ng Diyos at kanyang honesty

Kasabay ay pa-humble epek na isang mayuming ngisi!