Ang Iba’t Ibang Antas ng Karunungan at Kaligayahan ng Tao…at, Mga Uri ng Pagkatao

ANG IBA’T IBANG ANTAS NG KARUNUNGAN AT KALIGAYAHAN NG TAO..AT, MGA URI NG PAGKATAO

ni Apolinario Villalobos

Hindi lahat ng tao ay pwedeng presidente ng bansa, o congressman, o mayor, o sundalo, o pulis, o teacher, o pari, o pastor, o imam, o manager, etc. Ang mga tao, ano man ang lahi ay may kanya-kanyang kaalaman na kung tawagin ay “karununugan”, hindi rin magkakatulad. May kanya-kanya ring libel o level ng kaligayahan – may malalim at may mababaw.

May mga taong nalasing lang sa alak ay masaya na, nakapaglaro lang ng madyong o tong-its sa maghapon ay abot-langit na ang kasiyahan. May mga taong hindi masaya kung hindi umabot sa kung ilang daang milyon ang pera, o di kaya ay hindi nasakop ang buong barangay ng lawak ng lupain nila. May mga taong gustong magsilbi sa kapwa kahit walang kikitain o kapalit, mayroon namang ang gustong kapalit sa pagsilbi ay habang-buhay na utang na loob ng tinulungan….YAN ANG TAO.

Kung tawagin ang kabuuhan ng mga ugali ng tao ay PAGKATAO….na mayroong MABUTI AT MASAMA. Hindi puwedeng lahat ay NAPAKABUTI at walang bahid ng kasamaan dahil kung ganyan ang mangyayari, ang mundo ay isa nang paraiso. Hindi rin pwedeng ang lahat ng tao ay masama dahil ang mundo ay magmimistula nang impiyerno na sinasabing pugad ng masasama ayon sa Bibliya kuno. Ang dalawang nabanggit ay mga LAKAS na dapat mabalanse.

Upang maunawaan ng karamihan ng mga tao ang mga nabanggit sa itaas ay nagkaroon ng mga alamat at iba’t ibang kuwento bilang pagsasalarawan…..

ANG MGA PANGIT AY ITINUTURING NA MASAMA KAYA SI SATANAS NA ISANG DATING ANGHEL NA ANG PANGALAN AYON SA BIBLIYA AY SI LUCIFER, ANGHEL NA “MAY HAWAK NG ILAW O LIWANAG”. SA MGA DROWING AY MAY MGA SUNGAY SIYA, KULAY PULA ANG BALAT, NANLILISIK ANG MGA MATA, MAY BUNTOT AT KUNG MINSAN AY MAY PAKPAK NA ANG HUGIS AY PAKPAK NG PANIKI.

SA ISANG BANDA, ANG MAGAGANDA AY ITINUTURING NA MABAIT, KAYA ANG MGA ANGHEL AY MAGAGANDA, BLOND PA ANG BUHOK, MAY PAKPAK NA KULAY PUTI, MAAMO ANG MUKHA…PATI SI HESUS AY PINA-POGI NG MGA ITALYANONG PINTOR AT ESKULTOR GAMIT ANG MGA POGING MODELO…GUSTO KASING IPAKITA NA POGI SIYA SA HALIP NA ANG GINAMIT SANA AY ANG HITSURA NG MGA KALAHI NIYA NA BUHAY PA NAMAN HANGGANG NGAYON,.

Bandang huli ay nabuksan ang isip ng karamihan…naliwanagang hindi pala lahat ng pangit ay masama, kaya nagkaroon ng kasabihang, “DO NOT JUDGE A BOOK BY ITS COVER”.

Ang mga may mababang antas ng karunungan ay maaari pa sanang makapaglinang ng kanilang kaalaman, PERO KARAMIHAN AY AYAW KAYA MAPAPANSING, AYAW MAGBASA NG MAHAHABANG BLOG NA MAY LAMANG MAHAHALAGANG MENSAHE….ANG GUSTONG BASAHIN AY YONG IILANG SENTENCES LAMANG. MAGTATAKA ANG MGA ITO KUNG MAY NANGYARI SA BUHAY NILA NA PWEDE SANANG IWASAN KUNG NAGBABASA LANG NG MGA DAPAT BASAHIN….IBIG SABIHIN, PINALAMPAS NILA ANG MGA PAGKAKATAON.

May mga tao na ang adbokasiya ay makibahagi ng mga NALAMAN at ALAM NA nila. Magandang instrumento sana ang facebook SUBALIT KARAMIHAN NG GUMAGAMIT NIYAN, ANG GUSTO LANG MAKITA AY MGA MUKHA, PAGTITIPON, HANDAAN, ETC….AYAW NG MAHABANG DAPAT BASAHIN NA KAPUPULUTAN NG MGA KAALAMAN….DAPAT MAY PICTURE. SILA YONG MGA TAONG NANLALAKI ANG MGA MATA SA PAGTATAKA KUNG MAY NAKITANG MGA HINDI MAGANDANG NANGYAYARI SA PALIGID.,..GANOONG NALAMAN NA SANA NILA KUNG HINDI LANG PINAIRAL ANG KABABAWAN NG ISIP NILA!

Free Will and the Hypocrisy of “Moral” Civilized Society

FREE WILL AND THE HYPOCRISY OF “MORAL “ AND CIVILIZED SOCIETY
By Apolinario Villalobos

In the Bible, Proverbs 16:9 says, “in their hearts, humans plan their course, but the Lord establishes their steps”. Unfortunately, the abuse of this Biblical adage has contributed a lot to what has become of the world. Free will made the strong and greedy exploit the weak. They intentionally disregard the rightful steps established by the Lord.

Pondering deeply on this issue, as humans are supposed to “plan their course”, many aspects of life should be taken into consideration such as victims of diseases who live in pain, ageing people who seriously consider themselves to have outlived their usefulness on earth and neglected humans left to die alone. These are the humans whose best option is to rest gracefully, endorsed properly to the waiting arms of the Lord….they just want to rest…they did not kill or steal because of free will…..they did not exploit others. But the hypocrisy of the “moral” and civilized human society insists that it is not right to take the life given by the Lord…BUT THEN, HUMANS DID NOT ASK TO BE BORN. THEY ARE THE RESULT OF COPULATION…OF SEX, WHETHER THE INTENTION IS JUST LUST OR PURE LOVE. ON THE OTHER HAND, IF THE “STEPS ESTABLISHED” BY THE LORD INCLUDE THE “RIGHT TIME TO DIE” DESPITE THE PAIN AND NO HOPE FOR RECUPERATION, THEN, THE LORD IS SADISTIC.

Confined epidemics and worldwide pandemics have brought about sufferings as with famine, exploitations, disasters and wars. Human intelligence and technology are able to salvage many lives but still many are left to endure the pain and face the inevitable death. Many poor families have members living in pain due to disease with no cure in sight and worse, due to financial incapability to sustain their life, what with the expensive medical attention and drugs. Many ageing humans painfully wait for their right time to rest, with many neglected by the very people whom they took care of from birth. Many people sanely think that they have reached the end of their useful life.

UNFORTUNATELY, THE HYPOCRITE “MORAL” HUMAN SOCIETY WOULD RATHER SEE THE STRONG EXPLOIT THE WEAK, HEAR THE MOANS OF HOPELESS MAIMED VICTIMS OF TRAGEDIES, SEE THE AGONY ON THE FACE OF THE DISEASED PATIENTS IN POOR HOMES AND HOSPITALS, AND REMAIN OBLIVIOUS TO THE BLANK STARE OF WASTING OLD PEOPLE NEGLECTED BY THEIR FAMILIES.

WHAT “USEFULNESS IN LIFE” CAN BE PERCEIVED IN PEOPLE WHO MOAN IN AGONY?…OF NEGLECTED OLD PEOPLE WITH BLANK STARE?…THE DYINGFIGURES IN BONES AND SKIN WHOSE HEARTS ARE MADE TO BEAT BY A MACHINE?

THE “MORAL” SOCIETY OF CIVILIZED HUMANS IS HELPLESS AGAINST ALL FORMS OF EXPLOITATIONS , YET CONDEMN THE SIMPLE DESIRE OF THOSE WHO SANELY CHOOSE TO REST AND BE WITH THE LORD….THAT IS THE HYPOCRISY OF THE “MORAL” SOCIETY OF THE CIVILIZED HUMANS.

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko

ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung may masasayang bahagi ng buhay, mayroon ding nakakalungkot na hindi maiwasang madanasan ng isang tao sa kabila ng kanyang magandang layunin…yan ang nangyayari sa akin. Para sa akin ay madali lang ang pagsusulat, pero ang mahirap ay ang magpaunawa ng aking layunin.

 

Hindi nauunawaan ng mga taong makasarili o selfish kung bakit ako nagsasakripisyo sa pagsusulat at maipakita ang mga pagkakamaling dapat ituwid o mga pagkukulang na dapat punan. Ang nakakatuwa sa mga taong makasarili ay ang pag-isipan akong tumatanggap ng suweldo o kapalit ng mga ginagawa ko. Bilang makasarili, hindi kasi nila kayang gawin ang ginagawa ko kaya para sa kanila ay imposible. Hindi nila maunawaan kung bakit ako gumagastos para lang makarating sa mga liblib na lugar kung saan ay may makukuha akong magandang kuwento, tulad ng mga slum areas ng Tondo.

 

May mga taong nai-intimidate ng mga ginagawa ko dahil sa kakulangan ng kaalaman nila tungkol sa salitang “blogger” na akala nila ay bumabatikos lang. Ang hindi nila alam, ito ang equivalent ng mga nagsusulat sa diyaryo o magazine….sa simpleng salita, manunulat sa cyberspace o internet, at saklaw o sakop ang lahat ng larangan. Unang ginamit ng mga kabataang internet users ang salitang “blog” pero ang intention ay manira. Ito ay maituturing na bahagi ng “street language” o sa Pilipino ay “salitang kanto” tulad ng “toma” o pag-inom ng alak. At, dahil pa rin diyan, marami ang nagugulat kapag nakita ako nang personal dahil hindi ako bata.

 

Mayroon pa akong narinig na comment noon na, “blogger ba yan?…bakit walang camera?” at  “…ay!…matanda na pala”. Akala nila, ang pagba-blog ay hanggang paglagay lang ng mga pa-cute na mga larawan sa facebook na ginagawa ng mga kabataan. Ang hindi nila alam ay maraming sites ang internet na ginagamit ng mga seryosong blogger tulad ko. Kaya ako gumamit ng facebook ay dahil lang sa pakiusap ng mga kaibigan ko noon pa man na ang ginagamit ay cellphone na may application ng facebook.

 

May mga tao ring nai-insecure dahil sa ginagawa ko. Feeling nila ay nasasapawan ko sila sa mga dapat nilang gawin….silang mga nagsusuweldo pero wala rin naman palang binatbat sa trabaho. Sa halip na i-appreciate ang ginagawa ko o ay pinag-iisipan pa ako ng masama. Kulang na lang ay tanungin ako ng diretsahan kung tatakbo ba akong mayor. May joke tungkol sa taong nakita lang na naglilinis ng kalsada sa tapat ng bahay niya ay kinantiyawan ng, “tatakbo ka yata sa pagka- Barangay Chairman, pare….”.

 

May mga tao na dahil sa sobrang pagkamakasarili, ang tingin sa kapwa nilang nanlilimahid at namumulot ng mapapakinabangan sa mga basurahan, pati na sa mga taong mababa ang kalagayan sa lipunan, ay hindi  mapapagkatiwalaan at hindi dapat pakisamahan. Ang mga taong ito ay sobra rin ang “pagka-sosyal” ang ugali kaya pinandidirihan ang mga kainan sa tabi ng kalsada….mga karinderya….wa class daw! Dahil sa ugali nila, hindi nila maunawaan kung bakit gusto kong makipagkaibigan sa mga taong nabanggit o kumain sa mga pinandidirihan nilang kainan.

 

Bilib ako sa lakas ng loob ng mga nagtanong sa akin kung bakit daw mahilig akong magsulat tungkol sa mga tao at mga karinderyang nabanggit. Kung ginagamit nila ang kanilang utak sa pag-isip ng malalim kahit minsan lang, hindi na sila dapat pang nagtatanong. Nagpapakita lang sila ng kamangmangan at walang kaalaman sa iba’t ibang uri ng buhay sa mundo. Pero yong iba ay mahinahon ko namang sinagot ng,  “ kung hindi ko isinulat, malalaman mo ba na may masarap palang kainan at mura pa diyan lang sa kanto”? Ang alam lang kasi ng mga ungas ay mga kainan tulad ng Jollibee at iba pang mga kainan na ang mga binebenta ay dapat inilubog sa mantika!

 

Sa kabila ng mga nabanggit, natutuwa pa rin ako at nasusulit ang pagod ko…lalo na kapag ang kakainin ko sa mga paborito kong pastilan ay tutong na kanin at gulay na lalong pinasarap ng siling labuyo! Sa mga naiinis sa akin, ito lang ang masasabi…EAT YOUR HEART OUT, GUYS!

 

 

The Problem with the Hypocrites

THE PROBLEM WITH THE HYPOCRITES

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Naging maayos lang ang buhay dahil ang asawa ay nakapagtrabaho sa Saudi o nakasakay sa barko bilang seaman, nakalimot nang noon ay halos hindi makatapos ng highs school dahil mahirap ang magulang….ibig sabihin, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, kaya pati lasa ng tuyo o dried fish ay nakalimutan na. At sa sobrang pagka-trying hard na mayaman, halos punuin ang bahay ng mga gamit na hindi naman alam gamitin kundi pinangdi-display lang dahil sa kayabangan.
  • Nakatapos lang college ay ikinahiya na ang magulang na nagtatrabaho sa abroad bilang domestic helper o di kaya tricycle driver o di kaya ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Kahit sa bahay ay pa-ingles ingles pa at pinagtatawanan pa ang mga magulang na nakatulala dahil hindi makaunawa ng Ingles.
  • Nagkataon lang na naging apo ng kinikilalang pamilya, naging mayabang na ganoong ang yaman ng mga lolo at lola ay hindi naman pinaghirapan ng mga magulang kundi minana lang o mamanahin pa lang.
  • Nagkaroon lang ng mga kaibigang mayaman, kumikilos nang mayaman din kahit mahirap lang ang pamilya kaya ikinahihiya ang mga magulang.

 

MAGBAGO NA KAYO!

Ang Dalawang Uri ng Tao

Ang Dalawang Uri ng Tao

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa aking palagay at opinion, dalawang uri ng tao mayroon sa ibabaw ng mundo:

 

  • Abnormal- taong nakapag-aral at matino ang pag-iisip, pero hindi ginagamit ang mga ito upang mabuhay o maituring siyang normal….choice niya ang pagiging abnormal.
  • Normal- taong may diperensiya ang isip kaya ang kilos at takbo ng isip ay ayon sa kanyang kalagayan, at dahil hindi niya alam ang ginagawa, wala siyang choice.

 

Ang mga taong abnormal ang itinuturing kong mga salot ng lipunan dahil kahit alam nilang mali ang paggamit ng droga ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang mali ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang masama ang manlamang at manloko ng kapwa ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang kaya sila nag-aral upang makatapos ay upang makatulong sa sarili at kapwa, nagpapabaya pa rin sia.

 

AT, DAHIL SA DAMI NG MGA ABNORMAL SA MUNDO AY NAHAWA NA RIN ANG KALIKASAN KAYA NAGING ABNORMAL NA RIN ANG PAGSAPIT NG MGA PANAHON. ANG MGA BAGYO AT BAHA AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-INIT. ANG MATINDING INIT AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-ULAN.

Mga Kaartehan ng mga Pilipino

Mga Kaartehan ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Walang masama o problema kung mag-iinarte man ang isang Pilipino….kung kaya niya dahil super rich siya o di kaya ay may kakayahan man lang. Pero kung wala naman…siya ay isang mapagkunwaring wala sa ayos, kaya wala siyang karapatan. Ang mga maarte na wala namang karapatan ang sumisira sa magandang imahe ng Pilipino sa mata ng mga dayuhan, dahil unang-una, karamihan ng mga Pilipino ay mahirap kaya dapat sana, kung ano ang kaya ng bulsa ay siyang ipakita….huwag magmaang-maangang super rich ganoong sa iskwater nakatira, o di kaya ay huwag mag-iinarteng hindi kumakain ng tuyô ganoong, isang beses lang sa isang araw ang kayang kainin sa bahay.

 

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaartehang napansin ko, pero binubulag-bulagan naman ng karamihan….ANG TAMAAN AY HUWAG MAGALIT:

  • Ayaw kumain ng NFA rice ang karamihan ng mga Pilipino dahil hindi puting-puti ang mga butil at hindi pa mabango…. ganoong halos wala na ngang pambili kahit isang kilo man lang na ordinaryong bigas! May amoy daw ang NFA rice…isang katarantaduhang dahilan…bakit? wala bang tubig na panghugas? Kung isang kahig-isang tuka ang kalagayan sa buhay, bakit hindi mag-adjust tulad ng pinahihiwatig ng kasabihang, “matutong mamaluktot kung maikli ang kumot”?

 

  • Ayaw mamili ang ibang Pilipino sa ukay-ukay dahil nakakahiya daw kapag nakita ng kapitbahay o kaibigan kaya dapat ay sa mga boutique ng branded na damit sa mga malls lang upang hindi masabing “naghihirap” na! Ang mga isinusuot sa katawan ay may binabagayan, at ang mga nasasalubong ay hindi sumisilip sa brand tag na nasa kuwelyo ng damit. Kung ang isang tao ay kilalang talagang mahirap, pagsuutin man siya ng tig-sampung libong pisong damit, tingin sa kanya ay nakasuot pa rin ng tig-20pesos ang halaga! Subalit meron talagang maski hindi natin kilala, hindi nababagayan ng damit na alam nating galling sa mall. ANG KATOTOHANAN AY, ANG MGA ORIGINAL NA BRANDED NA DAMIT AY SA MGA UKAY-UKAY LANG MATATAGPUAN, MALIBAN SA AUTHENTIC AT AUTHORIZED NA MGA OUTLET.

 

  • Maraming Pilipino ang ayaw kumain ng gulay dahil hindi daw sila “natutunawan”. Kung di ba naman mga tanga at bobo! Ang mga hibla o fibers ng gulay ay talagang hindi natutunaw kaya nagsisilbi silang “walis” sa loob ng bituka upang tayo ay makadumi o makatae nang maluwag tuwing umaga! Ang katotohanan ay ayaw nilang magkaroon ng impression ang kapwa nila na sila ay mahirap kaya gulay lang ang kayang kainin! Ang katarantaduhang ugaling yan ng mga hangal na mga magulang ay ginagaya tuloy ng mga anak na naii-spoil sa pagkain ng hotdog, tocino, spaghetti, etc…kaya pagtanda nila, nag-uunahan ang kanser, diabetes, at sakit sa bato sa pag-develop sa katawan nila.

 

  • Ang gusto ng ilang magulang ay sa kilalang mga unibersidad o kolehiyo mag-aral ang mga anak sukdulan mang ipangutang nila ng pang-matrikula upang sigurado daw na makapagtrabaho agad pagka-graduate. Tanga ang mga magulang na may ganitong pananaw. Kahit sa mga ganoong uri pa ng paaralan nagtapos ang mga anak nila, KUNG LIKAS ANG KABOBOHAN, O TALAGANG BOBO hindi pa rin sila matatanggap sa mga inaaplayan dahil sa IQ tests na ibinibigay ng mga kumpanya. Hindi nakakatulong ang pangalan ng unibersidad o kolehiyo na nakalagay sa diploma kapag nag-aaplay ng trabaho, lalo pa’t pagdating sa interview ay bulol sa Ingles. Bistado ang ginagawa ng maraming estudyante na pag-plagiarize ng nire-research nila sa internet upang makapag-submit lang ng thesis. Alam ko yan dahil nag-eedit ako ng mga thesis ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga prestigious universities na hindi ko na lang babanggitin dahil nakakahiya sa mga kaibigan kong nag-aral sa mga iyon.

 

  • Ang ilang Pilipino ay ayaw kumain ng tuyô o sardinas dahil allergic daw….pero pamasahe nga lang sa pagpasok sa trabaho ay inuutang pa o di kaya ang ATM ng pension o suweldo ay nakasangla!

 

  • Ang isang kaartehan ng maraming Pilipino na hindi maintindihan ay ang pagtitira ng pagkain sa pinggan kahit dalawang kutsara na lang, kanin man o ulam…..BAKEEETT?!…FOR THE GODS BA? O TALAGANG KAYABANGAN LANG!….ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS….DAHIL SA “GABĂ”, O “BAD KARMA”.” Ang hindi alam ng mga hinayupak na ito ay apektado ang buong populasyon ng Pilipinas ng maaksaya nilang ugali dahil kung iipunin ang mga inaksaya nilang kanin ay aabot sa kung ilang libong toneladang sa loob ng isang taon!

 

  • Karamihan pa rin ng mga Pilipino ay pinipili ang “makinis” o “makintab” na gulay sa palengke tulad ng talong at kamatis. Ang hindi nila alam, kaya nagkikintaban at nagkikinisan ang mga iyan ay dahil inilublob sa kemikal upang magmukhang sariwa kahit sa loob ng isang linggo, pero ang laman ay bulok na! ….yan ang ginagawa sa Maynila, pero sa mga probinsiya ang modus ay pag-ispray ng chemical sa bagong naaning gulay upang magmukhang NAPAKASARIWA kapag ibenenta sa palengke. Ang mga hindi hindi inilublob sa kemikal o inispreyhan ay nagmumukhang lanta pagkalipas ng isang araw, subalit may sustansiya pa rin….subalit iniisnab naman ng mga maraming Pilipino.

 

  • Ayaw kumain ang maraming Pilipino ng maliliit na isda tulad ng tamban, dilis, galunggong, at iba pa dahil pang-mahirap lang daw….ugali yan ng mga mahihirap na ipokrito. Bibili sila ng malalaking isda na pang-isang beses na kainan, at sa mga susunod na araw ay nakanganga dahil wala nang pera!

 

Napakarami pang kaartehan ang napakaraming Pilipino kaya hindi sila umaangat mula sa mahirap nilang kalagayan….na isang kahig-isang tukâ. Pero, ang nakakatawa ay nagtataka pa sila kung bakit hanggang sa katandaan ay mahirap pa rin sila. AYAW KASI NILANG MAGPAKATOTOO!…palibhasa ay mga tanga at bobo!…kapag hindi pa sila nagising sa mga sundot ko na yan, ibig sabihin ay manhid din sila….wala nang pakiramdam dahil sa kasanayan sa pagkukunwari!

Ang Panahon ng Graduation sa Pilipinas…at pagkalipas nito

Ang Panahon ng Graduation

Sa Pilipinas…at pagkalipas nito

Ni Apolinario Villalobos

 

Ilang buwan na lamang ay magkakaroon na naman ng mga sunud-sunod na graduation – grade school at kolehiyo…ang 4-year high school ay inabot ng kamalasan dahil sa K-12 program. Sa panahong ito, parang sirang plaka na naman ang DECS at CHED sa pagpapaalala sa mga eskwelahan na iwasan ang magastos na graduation. Kasama sa paalala ang pagdaos na lang ng seremonyas sa kanilang sariling auditorium o gym, at kung maiiwasan ang pagpapasuot ng toga ay mas maganda.

 

Subalit, tulad ng inaasahan, walang nasusunod sa mga paalala, at upang hindi mapahiya ang dalawang ahensiya, sasabihin uli nila ng kung ilang libong beses na, na wala silang “police power” upang magparusa sa mga hindi susunod. Ganyan katindi ang palpak na sistema ng edukasyon sa Pilipinas! Ang nagpatindi pa sa kapalpakang ito ay ang ugali ng mga mayayabang na magulang na kahit walang pera ay pilit mangungutang upang  maibili ang mga anak ng bagong sapatos at damit. Pagkatapos ng seremonyas sa Philippine International Convention Center (PICC) o mamahaling hotel at halos walang katapusang kodakan, lalagapak sila sa katotohanang wala pala silang hapunan pag-uwi ng bahay!

 

Pagkatapos ng graduation, masuwerte ang mga dati nang may trabaho bilang crew ng mga fastfood chains dahil sigurado na silang may kikitain habang naghihintay ng mas magandang pagkakataon. Ang mga mapoporma naman na kinunsinte ng mga magulang sa pag-akalang mayaman sila, ay naghihintay ng managerial position dahil “management course” kuno ang tinapos nila at sa prestigious pang university kuno!…aba’y kung di ba naman mga gunggong… akala nila dahil may diploma ng “management course” na sila ay ganoon kadaling makakuha ng trabaho!

 

Yong ibang matatalino kuno dahil sa matataas na gradong nakuha, tamimi naman pala o mahiyain kaya halos magkanda-ihi pagharap sa mag-iinterbyu. Yong ibang sobrang bilib sa sarili kaya walang pakialam sa trapik na susuungin sa paghanap ng maaaplayang trabaho, gigising ng eksakto 7AM para sa interview na 8AM…marami akong kilalang ganyan ang ugali, kaya halos dalawang taon na ay wala pa ring trabaho…dahil hindi lang mayabang kundi tanga pa! Sa libu-libong applicants na dumadagsa sa mga job sites, hindi ulol ang mga interviewer upang hintayin ang mga tangang walang pakialam sa oras.

 

Yan ang masaklap na katotohan tuwing panahon ng graduation at pagkalipas nito….paulit-ulit dahil walang gustong matuto ng leksiyon, kaya hindi dapat isisi sa gobyerno lang ang paghihirap ng ibang Pilipino kundi pati na rin sa kanila dahil sa kanilang  kayabangan at katangahan.

 

On Acceptance of Truth and Admission of Hurting Truth

On Acceptance of Fault and Admission of Hurting Truth

By Apolinario Villalobos

 

In blogging about attitude, there are instances in which I have to expose the negative aspect of my person that relate to what I am sharing. This is the best way I know to make me credible in what I write. I can’t blog about Duterte being foul-mouthed because he cusses a lot, without mentioning that I do the same, without denying, however, that I am making extra effort to control myself from being provoked. On the other hand, I know that nobody is excused from this fault…not even those who say “Oh, my God” which I find blasphemous. What I find funny is the effort of others to look sanitized, by using “OMG!” which makes them moronic because they pretend that God is not “All Knowing”, as He is Omnipresent.

 

My need to shout out what are in my mind, are misconstrued by some friends as unbecoming because I am supposed to be “educated”, a reason why I should employ restraint. But I am a blogger and as such, I would be an outright hypocrite if I keep on writing about faults without admitting that I have made similar regrettable acts. In doing so, I become the “mirror” of others as I am letting them know that they may have similar awful attitude. At my expense, I hope to open their eyes to let them know that they need to change. If they find me disgusting and realize at the same time that they are no different from me in some ways, they might change. Their advantage is that, they have no reason and need to open themselves up unlike me who must do such a thing for credibility’s sake due to my blogging. All they need to do are allow themselves to realize and admit their fault. Some may counter by saying that there are many ways to skin a cat, but I do not want to run around the bush. I want to get straight to the point that is why I prefer calling the spade a spade.

 

My being a “no holds barred” blogger has made many people uneasy…I know, because, while some are bold enough to make open comments about their feelings, others make use of the discreet email and facebook message outlets. I am grateful for their concern, but a sympathizing friend went further by echoing what I have been asking that those who do not want to read my “dreadful” and “unethical” blogs may just skip them as they will know by the title alone. That is the reason why I make the titles of sensitive issues long, as if they are the summary of the whole.

 

At this point, while I am thankful for many who have come to understand me, some have unfortunately become overly cautious in making comments. In this regard, I have already explained many times that comments about some of my blogs could be necessary for the benefit of viewers as what I share are only my own opinion, hence, presentation of other opinions, as long as they are relevant, could greatly enhance what I have initiated on various issues.

 

Finally, I find being too honest as some kind of an effort to unburden me of hypocrisy, but I do not want to set a trend, as I must admit that being brutally frank is not good to some extent.

Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman

ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION

NG MAHIRAP AT MAYAMAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas” ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:

 

Mahirap                                               Mayaman

 

Araguy! / Aray!………………………….     Ouch!

Nakupo!……………………………………     Oh No! / Omigosh! / OMG!

Kurikong (sakit sa balat)………………    Chicken Asthma

Bakukang…………………………………….     Skin eruption

Galis o galis-aso / eczema……………    Skin allergy

Duling  (doble-tingin)…………………..     Chicken eyes

Banlag (hiwalay-tingin)……………….     Fish eyes

Ulekba / maitim………………………….      Morena (dapat ay “ebony” o kahit “dark-skinned” na lang)

Payat…………………………………………..     Slim (kahit mukhang may TB)

Mataba……………………………………….     Healthy /chubby (kahit laylay na doble na ang baba)

Bansot / pandak………………………….     Cute

Bobo……………………………………………     Average

Madaldal…………………………………….     Chatty

Mutằ…………………………………………..      eye spot

Tae / Ipot / Dumi………………………..      Echas

Kalbo / Panot………………………………     Wise guy

Kuripot……………………………………….      Thrifty

Lasenggo……………………………………      Alcoholic

Adik …………………………………………..      Drug dependent

Drug pusher ………………………………      Drug financier

Bagoong dilis …………………………….      Anchovy

Bagoong dilis (katas)………………….      Fish sauce

Bagoong alamang……………………..       Shrimp sauce

Kalabasa …………………………………..       Pumpkin

Bilbil ng lalaki …………………………..       Love handle

Bilbil ng babae            ………………………….       Unwanted fat

 

Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang “pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey, pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least, masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!

 

Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila, kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”. Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”, dahil bumagay naman sa ganda niya,  kung ayaw niyang gamitin ang “ulekba”  lalo pa at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente, tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)

 

Yong isa namang broadcaster na nagbalita tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na niya ay “drug dependent”!

 

Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”, samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!

 

Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na “pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas tayo!

 

The Problem with these Global “Giants” and Brown-skinned “Americans”

THE PROBLEM WITH THESE GLOBAL “GIANTS”

AND BROWN-SKINNED “AMERICANS”

By Apolinario Villalobos

 

The problem with these global “giants” is that they have a narcissistic impression that only they are right…only they can tell other nations what to do…hence, nations that belong to the third world should believe and not just bow, but even kowtow to them.

 

First is the United Nations with its unsavory remark about the anti-illegal drug operations of president Duterte. West-based media, the likes of CNN and Reuter, took their turn in lambasting the Philippine president, followed by the United States’ president who called Duterte, a “colorful guy”. Lately, the European Union joined the bandwagon of hecklers. They believe the insignificant cluster of hypocrite Fil-Ams in America who are reportedly working for the ouster of Duterte. These hypocrites are brown-skinned Filipinos born in the Philippines, migrated to America, kissed the ass of their Uncle Sam, and earned a “citizenship”, as well as, their offspring, still brown-skinned but already born in that country. They go to the Philippines which for them has become just an exotic touristic destination, for a short vacation, speak in wersh-wersh English. That short span of time for them, makes them think that they know the archipelago by heart, so they can “authoritatively” say that Duterte who hails from the far southern island of Mindanao is not fit to be president because he cusses and “kills people”!

 

The United Nations through its committee that handles disputed territories among nations has shown its weakness by admitting that other than declaring its pro-Philippines verdict on the issue of the West Philippine Sea, it cannot do anything because it has no “police power” to enforce the decision. It is no surprise then that China until now does not have even a bit of trust in such committee. The unrest in the African continent that compounded the unchecked and creeping hunger has further put to fore the seeming uselessness of this organization of nations. It has not done anything to check the genocide in Eastern Europe triggered by territorial disputes, not even the European Union. Whatever action they have taken was late in coming, after thousands have been massacred and raped. The United States is not yet free from the pall of horror hovering her – the nightmare of Vietnam War that affected neighboring SEA nations, including the Philippines, after she was required to send “assistance”, hence, the PHILCAG was organized. NOW, THESE “GIANTS” WANT TO DIP THEIR FINGERS INTO THE AFFAIRS OF THE PHILIPPINES JUST BECAUSE THEY DO NOT WANT THE WAY PRESIDENT DUTERTE DOES HIS THING IN FIGHTING THE DRUG MENACE!

 

The earth is populated by peoples with different cultures and although, adaptation is possible, it is only to a certain extent. No other race can force another to totally absorb what it imposes. The impossibility is due to the innate “line of thinking” of different races. For instance, a Filipino may become very fluent, even more fluent than a native American in speaking English, but he will always think and feel as a Filipino. No amount of hamburger, spaghetti, and other western food can make him forget the taste of pinakbet, bagoong, dried fish and rice. It happened to the Hellenization effort of Alexander the Great of nations that he conquered, as they did not totally absorb the culture of Greece, so they remained as distinct races.

 

WHAT I AM DRIVING AT HERE IS THAT, WESTERN PEOPLES SHOULD NOT EXPECT FILIPINOS TO COPY THEIR WAYS, JUST BECAUSE THEY THINK THAT THEIRS IS THE BEST. IN THIS REGARD, JUST BECAUSE PRESIDENT DUTERTE IS DOING HIS FIGHTING THE DRUG MENACE IN THE WAY THAT FITS THE DETERIORATING DISCIPLINE OF FILIPINOS, DOES NOT MEAN THAT HE IS WRONG.

 

THOSE IN THE WEST SHOULD KNOW THAT ALL PRESIDENTS OF THE PHILIPPINES, EXCEPT FERDINAND MARCOS WITH HIS MARTIAL LAW, WERE ALL LAX IN IMPLEMENTING THE PHILIPPINE LAWS THAT AFFECTED THE DISCIPLINE OF THE FILIPINOS IN GENERAL. THERE IS A TRADITIONAL CONSCIOUSNESS IN THE PHILIPPINES WHICH IS PREDOMINANTLY POPULATED BY CHRISTIANS, THAT THE COUNTRY SHOULD BE RULED WITH UTMOST KINDNESS AND HUMANENESS THAT EVEN LED TO THE SCRAPPING OF DEATH PENALTY. IT BROUGHT FORTH THE CULTURE OF “SIGE NA LANG”, “OKEY NA YAN”, “PAGBIGYAN MO NA”, “KAWAWA NAMAN”, ETC. CORRUPTION TOOK ROOT, DISCIPLINE HAS SORT OF BECOME A MYTHICAL VIRTUE…AND, FINALLY, THE WHOLE NATION JUST GOT SURPRISED WHEN PRESIDENT DUTERTE ANNOUNCED THAT THE DRUG MENACE HAS PENETRATED EVEN THE REMOTEST BARANGAYS THAT IRONICALLY, REMAINED UNTOUCHED BY DEVELOPMENTAL BLESSING FROM THE GOVERNMENT!

 

On the other hand, if the European Union is doing just fine, why is one of its significantly influential members left it? If the United States has the best system ever, how can it explain the intermittent bombings and the ongoing police brutality, and the over-the-counter vending of guns that even minors can take hold of one? If the United Nations is doing its job, how can it explain the ongoing unrests and poverty around the world that may erase some races from the face of the earth?

 

These “giants” should emulate the church heads of the world, who are minding their own yard, especially, the most respected, Pope Francis who even has the courage to admit the misbehaving of some priests. Can these “giants” admit their shortcoming and failure?..I DOUBT IT!

 

There is a saying that before one minds the dirt on somebody’s face he should first look at his own on the mirror to see if he got one. Another adage says that, as one points one accusing finger at somebody, his three other fingers are pointing back at him!

 

FINALLY, I CANNOT IMAGINE HOW GREEN CARD OR US VISA HOLDING BROWN-SKINNED, PUG-NOSED FILIPINOS WHO BELIEVE THEY ARE AMERICANS, AND WHO LIVE IN THE FAR-OFF AMERICA, CAN HAVE THE TEMERITY TO WORK FOR THE OUSTER OF A PRESIDENT WHO JUST WANT TO HAVE A DRUG-FREE NATION FOR HIS PEOPLE! THESE BROWN AMERICANS CEASED TO BE FILIPINOS WHEN THEY GOT HOLD OF “BLESSINGS” STAMPED ON THEIR PASSPORT.

THEY DESERVE TO BE BANNED FROM COMING TO THE PHILIPPINES!