ANTONETTE…nakadanas mangalakal at tumira sa bangketa, hanggang maging eskolar sa kolehiyo

ANTONETTE…NAKADANAS MANGALAKAL AT
TUMIRA SA BANGKETA, HANGGANG MAGINS ESKOLAR SA KOLEHIYO
Ni Apolinario Villalobos

Si Antonette ay nag-iisang anak ni Minda na nagtitinda ng kape, tinapay at tsitserya sa bangketa malapit sa Sta. Monica St. ng Ermita na nai-blog ko two days ago. Nahiya akong tanungin noong unang nag-usap kami kung single mom si Minda pero mabuti na lang at siya mismo ang nagsabi na maliit pa si Antonette ay namatay na ang tatay nito nang magkita kami uli. Bumalik ako sa puwesto ni Minda upang maghatid ng kumot at ilang gamit. Mabuti rin at napaunlakan ang pakiusap kong makita si Antonette kaya walang kaabug-abog na sindundo siya ni Minda mula sa inuupahan nilang maliit na kuwarto.

Sa mabilis na pag-uusap namin ni Antonette, nalaman kong eskolar pala siya, kaya sa isang semester ay mahigit lang ng kaunti sa sampung libong piso lang binabayaran sa Universidad de Manila subalit malaki ang nagagastos pa rin sa mga project at iba pang requirements para sa kurso niyang Business Administration. Ang allowance niya sa isang araw ay 150pesos. Second year na siya at napansin ko ang hawak niyang lumang cellphone na inamin niyang ginagamit niya sa kanyang pag-research. Tulad ng ginagawa ng ibang mga kinakapus na estudyante, naghahanap siya ng libreng wifi site upang makapag-browse. Hindi nila kaya ang bayad sa internet café na ang singil ay hindi bababa sa 30pesos kada oras. Hindi ko na tinanong kung saan galing ang cellphone dahil baka isipin niyang masyado akong maurirat.

Nang makiusap ako kung pwede akong sumama sa kanya sa inuupahan nilang kuwarto ay malugod niya akong pinagbigyan. Mula sa puwesto ng nanay niya ay nilakad namin ang di-kalayuang kanto ng Sta. Monica at pumasok kami sa isang maliit na sidestreet. Naalala ko ang mga eskinita sa Baseco compound na pinapasok ko habang binabaybay namin ang eskinitang maputik at sa isang gilid ay mga barung-barong. Akala ko, nang pumasok kami sa isang maliit na pinto, nandoon na ang kuwarto. Ang ground floor ay marami ring maliliit na kuwarto. Pumasok pa kami sa isang maliit na pinto bago itinuro ni Antonette ang butas sa itaas na animo ay manhole lang sa laki. Ito ang “lulusutan” papunta sa “second floor”.

Sa tabi ng matarik o halos patayong hagdan papunta sa “second floor” ay may isa pang kuwarto na ang pinakatakip ay kurtina. Hahawiin ko sana out of curiosity kung hindi ko narinig ang, “may tao pa kuya”….CR pala! Unang “lumusot” si Antonette sa butas papunta sa “kuwarto” niya at sumunod ako. Dahil sa kalakihan ko ay halos hindi ako kasya at kinabahan pa ako dahil sa dulas ng matarik na hagdanang gawa lang sa maliliit na pinagtagpi-tagping kahoy.

Ang kuwarto ay talagang maliit. Kung ako siguro ang hihiga sa loob ay nakalabas ang mga paa ko sa pinto. Para lang itong malaking cabinet. Walang bintana at ang pinanggagalingan ng hangin ay isang maliit na electric fan. Ang upa sa kuwarto ay 1,500 pesos isang buwan, libre nga lang ang tubig at ilaw kaya pinagtitiyagaan ng mag-ina. Ang nakakabahala lang ay kung magkaroon ng sunog. Siguradong lahat ng nakatira sa lugar na yon ay masasawi.

Nang bumalik ako kay Minda, tinanong ko siya kung bakit wala halos siyang paninda ganoong maaga pa. Wala raw siyang pambili at ayaw pa muna siyang pautangin ng Bombay at nagpaparinig pa daw ito na mahirap maningil kaya dapat ay magbayad pa daw muna siya ng balance. Nag-alala nga daw siya dahil sa sinabi ng anak na aabot na sa mahigit 600pesos ang mga kailangan para sa kanyang mga kailangan sa eskwelahan. Mabuti na lang at hindi ko pa nagastos ang 500pesos na pambili sana ng mga payong kaya inabot ko na muna sa kanya upang magamit nila. Pati ang payong na gamit ko ay iniwan ko kay Antonette dahil wala pala itong payong. Dahil kulang na ang pamasahe ko pauwi sa Cavite, pinagkasya ko ang mga barya hanggang sa Buendia (Pasay) at dahil umuulan ay patakbu-takbo ako upang makarating sa bahay ng isang kaibigan na inutangan ko ng pera para magamit sa pagbili ng mga payong sa Baclaran bago umuwi sa Cavite. Mabuti na lang at inabot ko ang kaibigan kong paalis na sana kung hindi bumagsak ang ulan. Ang mga payong ay para sa mga pinangakuan kong mga estudyante noon pa, at ang iba ay pambenta ng mag-asawang may sanggol na nakilala ko sa Luneta.

Babalikan ko sina Minda upang dalhin kay Antonette ang mga gamit na naitabi ko na magagamit niya tulad ng laptop bag dahil ang ginagamit niya ay maliit na backpack lang….

ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaninang umaga, ang sinakyan kong tricyle na pumasok sa barangay ng San Pablo upang maghatid ng isang pasaherong kasakay ko ay nasiraan habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa highway. Nang bumaba ako at tumingin sa unahan ay nakita ko ang junk collector na babaeng nagsisikad ng bisikletang may sidecar at may laman nang mga junks. Siya yong matagal ko nang tinityempuhan dahil dalawang beses ko siyang na-miss. Kung hindi pa nasiraan ang tricycle na sinakyan ko ay hindi ko pa siya nakita at ilang dipa lang mula sa kinatatayuan ko, katay laking gulat ko dahil para kaming pinagkita nang umagang yon.

 

Siya si ERILY SEVA na may limang anak. Ang panganay ay construction worker, ang pangalawa ay Grade 9 sa PRESIDENT QURINO NATIONAL HIGH SCHOOL. Ang iba pang mga anak ay tumigil muna sa pag-aaral habang nag-iipon silang mag-asawa ng pera. Sa gulang na 43 taon ay tila bantad na ang katawan ni Erily sa hirap subalit walang mababakas na pagsisisi, sama ng loob, or pagkabugnot sa kanyang mukha. Ang asawa niyang si Alfredo Mercullo, 38 taong gulang ay kolektor din ng junks subalit ang ginagamit niya ay pag-aari ng junkshop na binabagsakan niya ng mga kalakal at inuupahan sa halagang kinakaltas sa kanyang kinita sa maghapon. Ang ginagamit namang “topdown” ni Erily ay pagmamay-ari niya.

 

Masayang kausap si Erily at laking pasalamat ko rin dahil pinagbigyan niya ako ng ilang minutong pagkakataon upang siya ay makausap. Upang hindi siya maabala nang matagal ay hindi ko ang address niya dahil balak kong makilala ang kanyang pamilya.

 

Kaninang hapon ay hinanap ko ang tinitirhan nina Erily at natunton ko naman agad. Masayang ipinakilalal niya ako sa isa niyang anak at asawa. Inabutan kong nagsasaing na sila ng panghapunan. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay lalo na ang tungkol sa kalusugan. Marami akong ipinayo sa kanila kung paano silang makaiwas sa sakit dahil mahal ang magpa-ospital at gamot.

 

Ang makakakilala ng isang tulad ni Erily at kanyang pamilya ay nagpapasaya sa akin kaya itinuturing kong okey na ang araw ko….lalo pa at napagbigyan niya akong pasyalan sila sa kanilang bahay.

Mga Batang May Pangarap…tulad ko rin noon

Mga Batang May Pangarap

…tulad ko rin noon

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang tanghaling katatapos ko lang kumain sa pastilan ni Luz, ay biglang may nagdatingang mga grupo ng kabataan….mga pupils ng Tacurong Pilot Elementary School. Ang pastilan ay malapit lang sa eskwelahan at sa labas ng plaza. Noon ko lang napansing alas dose na pala ng tanghali. Sabi ni Luz, sa kanya kumakain ang mga bata kapag “bitin” ang pera nila kaya nagkakasya na lamang sa isang balot na pastil na halagang Php10 at yong okey lang sa kaning tutong, ito ay libre na, pati ang sabaw. Kaya pala kung minsan ay wala akong naaabutang tutong. Akala ko ay inuubos ni Luz na mahilig din sa tutong. Ang ilan sa mga bata ay nakita ko na sa palengke na nagtatrabaho bilang tagatapon ng basura ng mga tinder at “errand boys”. Umamin ang karamihan sa mga batang wala silang pambili ng pastil at sumama lang sa mga kaibigan nila upang mamasyal sa plaza kaya ginawan na lang ng paraan upang lahat sila ay makakain ng pastil.

 

Maliban sa dalawa na Grade 5 pa lang, ang iba ay Grade 6 na kaya tinanong ko sila kung gusto pa rin nilang mag-aral sa Tacurong…sa National High School. Tatlo ang nagsabing sa Griῆo National High School, sa barangay Griῆo para hindi na daw gagastos sa pamasahe….taga-roon kasi sila.  Nang tanungin ko kung gaano kalayo ang bahay nila mula sa school, binanggit nila ang estimated distance mula sa kinalalagyan namin hanggang sa isang maliit na mall…na ang tantiya ko ay isang kilometro ang layo! Ganoon kalayo ang lalakarin nila mula sa bahay nila hanggang sa eskwela sa umaga at pauwi sa tanghali para mananghalian at babalik para sa klase sa hapon, at pauwi na pagkatapos ng klase….total na lalakarin sa isang araw ay 4 na kilometro!

 

Yong isa ay kukunin ng tatay na nasa Cebu…hindi na ako nagtanong kung bakit nandoon ang tatay at baka may makabagbag-damdaming madiskubre lang ako tungkol sa pagkatao niya. Yong iba ay sa Tacurong National High School na lang daw dahil may mga “suki” sila sa palengkeng “pinagtatrabahuhan”…pagtatapon ng basura at bilang “errand boys” kaya maski papaano ay may kikitain sila.

 

Lahat sila ay may mga pangarap na “maging” pagdating ng panahon. Apat ang nagsabing gustong maging pulis, dalawa ang gustong maging “army”,  ang iba ay gustong maging titser at ang isa ay gustong maging engineer.  Ang isang nahiyang kumain ay binigyan ko na lang ng pera para may pambili siya ng kanit banana cue kapag nagutom dahil may mga nagtitinda naman sa labas ng gate ng school nila. Pero binulungan niya ako ng, “babaunin ko ito bukas, uncle…”.

 

Bilib ako sa kanila dahil lahat sila ay malinis ang pinagkainan…wala ni isang mumo (wasted rice) na naiwan sa dahon ng saging na pinagbalutan ng pastil at pinggan.  Wala ring natirang sabaw sa mangkok. Ang mga pinakita nila ay palatandaan na karapat-dapat silang tulungan.

 

Nakita ko sa mga batang nakausap ko ang buhay ko noong nasa elementary ako na nag-aaral din sa “Pilot” na ang dating pangalan ay “Tacurong Elementary School”. Hindi kalayuan sa kinaroroonan naming carinderia ni Luz ay ang bakery na pag-aari ng mga Garcia at sa tambakan nila ay namumulot ako ng mga pakikinabangan pa, lalo na mga malalaking plastic na supot na ginagamit kong “bag” para sa mga gamit ko sa eskwela at ang mga mas malalaki pa ay pinagtatagpi-tagpi ko upang maging rain coat. Ilang dipa lang din mula sa carinderia ay ang kapitbahay naming may puno ng sampalok na ang mga lagas o mga nahulog na hinog ay pinupulot ko upang ibenta sa eskwela para may pambili ako ng papel man lang. Meron din silang puno ng balimbing na ang mga manibalang na bunga ay hinihingi ko para ibenta sa palengke pati ang mga hinog na bunga ng kaimito (star apple) namin, tuwing Sabado at Linggo. Nagtinda din ako noon ng pandesal sa madaling araw.

 

Tulad ng mga bata ay nangarap din ako noon…libre lang naman kasi!

 

 

Incidents in my Life that Make Me Believe in Fate and Destiny…and GOD

Incidents in my Life that Make Me

Believe in Fate and Destiny…and GOD

By Apolinario Villalobos

 

I may not have a religion but I believe in God. As I am moving toward the threshold of my life, a simple assessment of what have been happening to me made me realize that my God is basically responsible for everything and HE even used other people, too. At this juncture of my life, I cannot deny that my decisions at times have negative effects in my life due to the abused excuse…human frailties.

 

Today, I am really feeling the “purpose” that HE gave me. My having been born in a poor family, orphaned at an early age that resulted to more deprivations did not prevent me from finishing my education. HE made go out of my birthplace when I worked with Philippine Airlines and was even made to choose a far-off station of the said airline, Tablas in Romblon, as my first assignment. HE prepared me for the PAL job by exposing me to office work when I was hired by the Department of Social Welfare when I was about to graduate from college. HE made me finish my college despite the impending odds, as after our batch of less than a hundred that represented four courses, the college department of Notre Dame of Tacurong closed down.

 

A guy, I did not personally know, being just a friend of my friend, and who was working with PAL in General Santos station was instrumental in my “entry” to the said airline by sending me a telegram with just my nickname on it but with my office address to tell me about their recruitment. Out of almost a hundred applicants coming from prestigious colleges in Koronadal City and Cotabato City, only four of us were able to hurdle the preliminary interview. At the General Santos station, my documents were lost but HE made me go through the final interview in Davao station based on the trust of the interviewers from Manila…with an arrangement for my documents to be submitted later. HE made me work for an airline despite my AB course intended for teaching.

 

HE prepared me for my writing which could have been my real purpose in life. When I was in first year High School, I was made to edit the high school organ, THE GREEN EMBER, although, while in elementary, I was already composing poems and “tula”. I used the skill to work my way through my difficult journey along the corridor of PAL, with the editorship of the company’s TOPIC Magazine as another junction of my career. I went around the country because of the job exposing me to different realities of life.

 

My writing made me express what I saw and experienced while living in Manila. An important episode of my career in PAL was having been absorbed by the International Sales department , the airline’s flagship with offices located along Roxas Boulevard in Ermita…the “red district” of Manila. I made the area as my base as I explored the “other side” of the big city that brought me to Divisoria and the slums of Tondo. In those places, HE showed me the disgusting faces of poverty. HE made me realize that poverty is more of a result of corruption and exploitation, than indolence.

 

Along Avenida of Sta. Cruz, streets of Ermita and the dark nooks of Roxas Boulevard, HE showed me the various faces of prostitution etched on the faces of the juvenile males and females to the heavily made up faces of matrons with advancing age of as old as 60! HE showed me the various faces of poverty suffered by new-born infants to the dying emaciated bodies on sidewalks.

 

HE made me write against corruption, exploitation….expound on the causes of poverty, prostitution and drug addiction. HE made me write about the neglected communities whose members fled from the unrest and hunger in their birthplace in Jolo and Tawi-tawi…the Badjaos. HE made me expose to the world the aspiration of those who want to have a better life and the desire of others to reach out to HIS other creatures.

 

But I still feel inadequate despite all that I have been doing for HIM and my fellowmen….I still feel that I owe HIM a lot for my life…for which a “Thank you, Lord” is not enough.

28105-praying-prayer-manpraying-man-prayingoutside-sunrise.1200w.tn

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko

ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung may masasayang bahagi ng buhay, mayroon ding nakakalungkot na hindi maiwasang madanasan ng isang tao sa kabila ng kanyang magandang layunin…yan ang nangyayari sa akin. Para sa akin ay madali lang ang pagsusulat, pero ang mahirap ay ang magpaunawa ng aking layunin.

 

Hindi nauunawaan ng mga taong makasarili o selfish kung bakit ako nagsasakripisyo sa pagsusulat at maipakita ang mga pagkakamaling dapat ituwid o mga pagkukulang na dapat punan. Ang nakakatuwa sa mga taong makasarili ay ang pag-isipan akong tumatanggap ng suweldo o kapalit ng mga ginagawa ko. Bilang makasarili, hindi kasi nila kayang gawin ang ginagawa ko kaya para sa kanila ay imposible. Hindi nila maunawaan kung bakit ako gumagastos para lang makarating sa mga liblib na lugar kung saan ay may makukuha akong magandang kuwento, tulad ng mga slum areas ng Tondo.

 

May mga taong nai-intimidate ng mga ginagawa ko dahil sa kakulangan ng kaalaman nila tungkol sa salitang “blogger” na akala nila ay bumabatikos lang. Ang hindi nila alam, ito ang equivalent ng mga nagsusulat sa diyaryo o magazine….sa simpleng salita, manunulat sa cyberspace o internet, at saklaw o sakop ang lahat ng larangan. Unang ginamit ng mga kabataang internet users ang salitang “blog” pero ang intention ay manira. Ito ay maituturing na bahagi ng “street language” o sa Pilipino ay “salitang kanto” tulad ng “toma” o pag-inom ng alak. At, dahil pa rin diyan, marami ang nagugulat kapag nakita ako nang personal dahil hindi ako bata.

 

Mayroon pa akong narinig na comment noon na, “blogger ba yan?…bakit walang camera?” at  “…ay!…matanda na pala”. Akala nila, ang pagba-blog ay hanggang paglagay lang ng mga pa-cute na mga larawan sa facebook na ginagawa ng mga kabataan. Ang hindi nila alam ay maraming sites ang internet na ginagamit ng mga seryosong blogger tulad ko. Kaya ako gumamit ng facebook ay dahil lang sa pakiusap ng mga kaibigan ko noon pa man na ang ginagamit ay cellphone na may application ng facebook.

 

May mga tao ring nai-insecure dahil sa ginagawa ko. Feeling nila ay nasasapawan ko sila sa mga dapat nilang gawin….silang mga nagsusuweldo pero wala rin naman palang binatbat sa trabaho. Sa halip na i-appreciate ang ginagawa ko o ay pinag-iisipan pa ako ng masama. Kulang na lang ay tanungin ako ng diretsahan kung tatakbo ba akong mayor. May joke tungkol sa taong nakita lang na naglilinis ng kalsada sa tapat ng bahay niya ay kinantiyawan ng, “tatakbo ka yata sa pagka- Barangay Chairman, pare….”.

 

May mga tao na dahil sa sobrang pagkamakasarili, ang tingin sa kapwa nilang nanlilimahid at namumulot ng mapapakinabangan sa mga basurahan, pati na sa mga taong mababa ang kalagayan sa lipunan, ay hindi  mapapagkatiwalaan at hindi dapat pakisamahan. Ang mga taong ito ay sobra rin ang “pagka-sosyal” ang ugali kaya pinandidirihan ang mga kainan sa tabi ng kalsada….mga karinderya….wa class daw! Dahil sa ugali nila, hindi nila maunawaan kung bakit gusto kong makipagkaibigan sa mga taong nabanggit o kumain sa mga pinandidirihan nilang kainan.

 

Bilib ako sa lakas ng loob ng mga nagtanong sa akin kung bakit daw mahilig akong magsulat tungkol sa mga tao at mga karinderyang nabanggit. Kung ginagamit nila ang kanilang utak sa pag-isip ng malalim kahit minsan lang, hindi na sila dapat pang nagtatanong. Nagpapakita lang sila ng kamangmangan at walang kaalaman sa iba’t ibang uri ng buhay sa mundo. Pero yong iba ay mahinahon ko namang sinagot ng,  “ kung hindi ko isinulat, malalaman mo ba na may masarap palang kainan at mura pa diyan lang sa kanto”? Ang alam lang kasi ng mga ungas ay mga kainan tulad ng Jollibee at iba pang mga kainan na ang mga binebenta ay dapat inilubog sa mantika!

 

Sa kabila ng mga nabanggit, natutuwa pa rin ako at nasusulit ang pagod ko…lalo na kapag ang kakainin ko sa mga paborito kong pastilan ay tutong na kanin at gulay na lalong pinasarap ng siling labuyo! Sa mga naiinis sa akin, ito lang ang masasabi…EAT YOUR HEART OUT, GUYS!

 

 

Hindi Magkakaproblema sa Pagkain kung may Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang Mamamayan

Hindi Magkakaproblema sa Pagkain Kung

May Akma o Karampatan (Appropriate) na Pagkilos ang Mamamayan

Ni Apolinario Villalobos

 

Tulad ng dapat asahan, lumutang na naman ang pangamba na magkakaroon ng krisis sa bigas at tulad pa rin ng dapat asahan, nag-uumpugan ang magkaibigang pananaw ng mismong mga nasa loob ng National Food Authority (NFA). Ang isang grupo ay nagpipilit na umangkat ng tone-toneladang bigas mula sa mga nakasanayan nang karatig-bansa tulad ng India at Thailand. Ang isa namang grupo naman ay nagsasabi na hindi kailangan dahil sapat ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka at ang nakaimbak na bigas ng gobyerno. Ang ganyang eksena ay hindi na bago kahit mula pa noong hindi pa presidente si Duterte… kaakibat kasi niyan ang isyu pa rin sa korapsyon dahil sa sinasabing “komisyon” sa pag-angkat ng bigas.

 

Ang hindi nabibigyan ng pansin ay ang pagsirit ng presyo ng mga gulay na “native” o likas sa Pilipinas tulad ng alogbate, sitaw, ampalaya, ,kamatis, bawang, at iba pa. Ang mga ito ay pwedeng itanim sa bakuran ng mga bahay lalo na sa probinsiya…pwede kahit sa paso o junk na plastic containers kung sa mga lunsod naman, PERO HINDI GINAGAWA. May mga nagpipilit na gumamit ng “sibuyas Bombay” o yong bilog na uri na mahal ang presyo, samantalang pwede namang gumamit ng “sibuyas dahon” o spring onion na noon pang unang panahon ay ginagamit na ng mga Pilipino. Ang “sibuyas dahon” ay pwedeng itanim kahit sa mga maliliit na lata o sa gilid ng bakod, PERO HINDI GINAGAWA. Hindi pwedeng sabihin na may mga putahe na ang dapat gamitin ay “sibuyas Bombay” , pero kung panahon ng kakapusan, ang dapat pairalin ay RESOURCEFULNESS at ADJUSTMENT upang mapunan ang matinding pangangailangan. BAKIT IPIPILIT ANG HINDI KAYA?

 

Ang mga guro ay dapat ding kumilos sa pagsabi sa kanilang mga mag-aaral bilang paalala tungkol sa mga bagay na pwede nilang gawin tulad ng pagtanim ng gulay upang mabawasan ang problema ng kanilang pamilya sa pagkain dahil hindi na bibili at sa halip ay pipitas na lang sa garden, pero ang tanong ay, GINAGAWA BA NILA? Palagi din ba silang nagpapayo sa mga mag-aaral na palaging kumain ng gulay para sa kanilang kalusugan, maliban sa mahal ang isda at karne? Kasalanan ng KARAMIHANG Pilipino kung bakit nagkakaroon ng problema sa pagkain ang bansa. Kasama diyan ang nabanggit nang KATAMARAN sa pagtanim ng gulay. Idagdag pa diyan ang KAYABANGAN at BUWISIT NA UGALING PAGTIRA NG PAGKAIN SA PINGGAN.

 

Ang isang paraan upang makatipid sa bigas ay ang pagkain ng NILAGANG KAMOTE, SAGING AT KAMOTENG KAHOY KUNG MINSAN, PERO HINDI GINAGAWA DAHIL SA TINGIN NG MARAMING PILIPINO, ANG MGA NABANGGIT AY PAGKAIN NG MAHIHIRAP…HINDI TULAD NG PUTING BIGAS NA SOSYAL. Para sa mga mayayabang na Pilipino, nakakahiyang malaman ng kapitbahay na kumakain sila ng nilagang kamote sa almusal. Para sa mayayabang na estudyanteng mahirap din naman ang pamilya, nakakahiyang magbaon sa school ng nilagang talong o talbos ng kamote o ginisang sitaw…dapat ay hotdog o longganisa o piniritong tuna o hamburger o isda….diyan lumalabas ang kasalanan ng magulang na nagkulang sa pagdisiplina sa mga anak….silang mga magulang na umuutang ng pambili ng pambaong hotdog, lonnganisa, etc.

 

 

Naging ugali na ng Pilipino ang palaging manisi sa gobyerno kapag may problema…okey lang sana kung malinis ang gobyerno pero hindi, dahil sa mga korap na nakaupo sa iba’t ibang ahensiya nito. At kahit malinaw pa sa sikat ng araw na walang mangyayari sa mga reklamo, ay wala pa ring ginagawang paraan upang kahit papaano ay mabawasan ang paghihirap. Ginagamit pa ng mga grupong may pansariling layunin ang mga estudyante, kasama na ang mga tinaguriang mga iskolar ng bayan upang mag-rally sa kalsada at magsisigaw ng mga nagtataasang presyo kaya kailangang itaas ang sahod.

 

DAHIL SA MGA NABANGGIT, PAANONG UUSAD ANG PILIPINAS NA PILIT BINABAGO NI DUTERTE?…ASAHAN NA KAPAG NADAGDAGAN ANG PROBLEMA SA PAGKAIN, PRESIDENTE NA NAMAN ANG SISISIHIN….KAWAWANG DUTERTE NA MAGANDA SANA ANG MGA LAYUNIN.

 

ANG MALAKING TANONG AY, NAKIKIPAGTULUNGAN BA SA KANYA ANG MGA MAMAMAYAN?

Ang Minimithing Pagbabago (Tula para kay Rodrigo Duterte at Sambayanang Pilipino)

ALAY KAY RODRIDGO DUTERTE AT SAMBAYANANG PILIPINO

 

 

ANG MINIMITHING PAGBABAGO

ni Apolinario Villalobos

 

Kay daling sambitin, katagang “pagbabago”

Marami ding kahulugan ang tukoy nito:

Ugali na maaari pang pasasamain

O kabutihan na lalo pang paiigtingin;

Di kaya’y pagbago ng tinatahak na landas

Na maaaring patungo sa magandang bukas

O di kaya ay tungo sa maahas na palanas!

 

Makakamit lang ang minimithing pagbabago

Kung may pakikipagtulungan ang mga tao

Dahil sila rin ang dahilan ng mga pagsisikap

Upang makamit ang matagal nang pangarap;

Kaliwa’t kanang batikos ay hindi inaalintana

Dahil nasimulan nang isulong ang isang panata

At paninindigan sa ngalan ng napariwarang bansa!

 

MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO AT SI DUTERTE!

 

The Shoe Repairman

The Shoe Repairman

By Apolinario Villalobos

 

Bent by years of hard toil

And pushed by his desire to live on

He breathes the fume-laden air

Endures the searing heat of the sun

Till dusk as his work is done.

 

He greets the morning sun

From where he sits every morning

Bringing forth the spool of thread

And the needle to start another day

Till dusk to be with his family.

 

He is……..,72 years old.

Ang Mga Pagkakaiba ng Mga “Private” at Public School Teachers

Ang Mga Pagkakaiba ng Mga “Private” at “Public”  School Teachers

Ni Apolinario Villalobos

 

Iisa ang pagkakatulad ng trabaho ng mga guro, ma-private o ma-public man, at yan ay ang “layunin” ng kanilang ginagawa na magturo. Ang mga pagkakaiba ay nasa uri naman ng kanilang “employer”.

 

Ang employer ng public school teachers ay taong bayan dahil ang suweldo nila ay galing sa buwis. Ang employer naman ng private school teachers ay mga negosyante.

 

Maraming pinagdadaanang “butas” ang pera na kailangan ng mga public school teachers at marami ring sagabal na hindi kontrolado. Ang mga sagabal na ito ay nadadanasan ng mga public school teachers na nakatalaga sa malalayong barangay na ang iba ay nasa paanan o sa gilid ng bundok, at bago marating ay kailangang tumawid pa sa mga ilog. Samantala, ang mga private schools ay karaniwang matatagpuan sa mga barangay ng bayan at lunsod.

 

Kung may mga bagay na kailangan ang mga public school teachers, pupunta sila sa principal na sasangguni naman sa district office, na makikipag-coordinate naman sa mas nakakataas na opisina. KUNG NASAGAD NA PALA ANG BUDGET, NO CHOICE ANG PUBLIC SCHOOL TEACHER KUNDI DUMUKOT SA SARILING BULSA! Samantala, kung may kailangan ang private school teacher para sa pagtuturo, lalapit lang siya sa kanyang employer na negosyante na obligado namang gumastos…dahil negosyo niya ang eskwelahan. Yong isang dating schoolmate ko na may isang eskwelahan na ngayon, siya mismo ang namimili ng mga gamit sa eskwela dahil ayaw daw niyang masira ang quality ng pagtuturo ng kanyang mga teachers.

 

Pagdating sa suweldo, nakakaungos na ang mga public school teachers kahit kaunti dahil nagkaroon sila ng adjustment, pero kulang pa rin kung tutuusin, batay sa kanilang ginagawa. Samantala,  masuwerte ang mga teachers ng mga high-end o “class” na mga private schools na naniningil ng lampas-ulong tuition fees dahil malaki ang suweldo nila.

 

Dahil sa mga nabanggit, dapat ay tumahimik na lang ang mga pumupuna ng negatibo sa ginagawang diskarte ng mga public school teachers upang kahit walang nakukuhang suportang financial mula sa nakatataas sa kanila ay tuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa, kaya kalimitan ay gumagastos sila ng sariling pera.  Hindi rin madaling lumapit sa PTA dahil marami nang pinagbawal lalo na pagdating sa contribution. Malabo rin ang pagboluntaryo ng mga magulang na todo-todo ang kayod kaya kulang pa nga kung tutuusin ang buong araw upang kumita para sa kanilang pangangailangan

 

ANG HIRAP KASI SA ILANG PILIPINO NA EWAN KUNG TANGA O NAGTATANGAHAN LANG, MALIMIT NA GINAGAWA AGAD KAPAG MAY PROBLEMA SA ESKWELA AY MAGTANONG NG, “BAKIT HINDI HUMINGI NG BUDGET?”, O DI KAYA AY, “BAKIT HINDI I-INVOLVE ANG PTA?”. THE BEST AY TUMAHIMIK NA LANG SILA!

TONDO

TONDO

Ni Apolinario Villalobos

 

Tambakan daw ng mga patapon

Pugad ng mga kapuspalad

Hangganan ng pangarap –

Ng mga taong

Madilim ang hinaharap.

 

Marami na ang sumumpa

Na sa Tondo’y hindi babalik

Nguni’t iba ang tawag

At hila ng ugat

Pilit nagpapaliwanag.

 

Tondo, oh, bakit ba?

Naturingan ka

Na pugad ng dalamhati

Pinagkaitan ng saya

Ng ngiti at ng ganda.

 

Ang lahat ay may pagbabago

Kung may araw, mayroon ding gabi.

Kung may lamig, mayroon ding init

Tulad ng Tondo

Gumaganda, dati’y pangit.

 

Ngayon, iba na siya

Unti-unting nagbabago

Nasisinagan ng pag-asa

Na ang dulot

Ay bagong buhay

At may ligaya!