Kapurpurawan Ilocos Norte

Silhouette Wanderlust

Alas! I got the chance to blog again. I’ve been so busy lately. There are many places I’ve been to since my last blog. I’ll try to post them soon.

I just want to share some photos of my Ilocos trip, I never got the chance to update my blog after my last post.

Kapurpurawan Rock Formation Kapurpurawan Rock Formation

Kapurpurawan Rock Formation Kapurpurawan Rock Formation

Kapurapurawan Rock Formation Kapurapurawan Rock Formation

Kapurapurawan Rock Formation Kapurapurawan Rock Formation

This is my first solo travel. Never miss this place when you go to Ilocos Norte.

Here’s how to go to  Kapurpurawan Rock Formation in Burgos, Ilocos Norte via Bus (Public Transport)

Partas Bus, Philippine Rabbit, Fariñas, and Dominion Bus are the most common buses that travel to Laoag.  Check their travel schedule at least one day before your trip:

Partas Bus Pasay Terminal:  (+63 2) 852 – 8194
Partas Bus Cubao Terminal:  (+63 2) 727 – 8278
Dominion Bus:   (+63 2) 741 – 4146 ; (+63 2) 727…

View original post 8 more words

The Hidden Falls

Silhouette Wanderlust

Image

Height: 80 meters
Jump-off point: Brgy. Balian, Pangil, Laguna
Trail length: 2-3 hours
Registration fee: P25.00

“Not all who wanders are lost” This is a famous line for travelers. I always see this in photo captions but I’m not really sure who came up with this idea or who authored this famous quote. I, however wander because I wanna get lost totally, I want to empty my cup and learn from the experiences and people along the way.

Image

Image

Not everyone gets to see life from other people’s perspective, like how these two young local boys hike for hours to help their parents in charcoal making. I wasn’t able to immerse myself on what they do but I somehow saw their way of life just by talking to them and asking them questions. Sometimes, we can never realize how blessed  we are unless we spend time with those less fortunate ones. We…

View original post 253 more words

Mindanao

Alaala ang tula para sa apatnapu’t-apat na minasaker at iba pang nasugatang mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao. Sampal din ito sa mga ipokritong tao sa pamahalaan na umitim na ang budhi’t kaluluwa dahil sa kasakiman, mga taong sumisira sa adhikain ng mga Pilipino, at sa isang taong patuloy sa pagmamaang-maangang siya ay magaling, nguni’t ampaw naman pala, dahil magaling lang sa pagsalita, kahit pa diretsong managalog.

Mindanao
By Apolinario B Villalobos

Itinuring na lupang ipinangako –
Ng mga Pilipinong dito ay napadako
Mga naglakas -loob na makipagsapalaran
Hindi inalintana panganib na madadatnan.

Maraming kuwento ang aking nalaman –
May mga kulay ng lungkot at kaligayahan
Nguni’t lahat ay puno ng hangarin, ng pag-asa
Sa lupang ipinangako, magigisnan, bagong umaga.

May mga Pangasinense, Kapampangan, Ilocano
Mayroong Bicolano, Bulakeño, Caviteño, Batangueño
Mga taga-Luzon silang dala ay lakas ng loob, kasipagan
Hindi ininda ang init sa pagbungkal ng tigang na kabukiran.

Mayroon ding galing sa Antique, Negros, isla ng Cebu
Sumunod ang mga taga-Leyte, Romblon, Guimaras at Iloilo
Ano pa nga ba’t sa malawak, mayaman at luntiang Mindanao
Iba’t iba man ang salita, pagkakaisa pa rin, pilit na nangibabaw.

Hitik sa kwentong makulay ang buong isla ng Mindanao
Unang tumira’y mga kapatid nating sa relihiyon, iba ang pananaw
Silang mga taal na katutubo, makukulay, matatapang at mahinahon
Tanging hangad ay mabuhay ng matiwasay, tahimik, sa lahat ng panahon.

Ang mga Kristiyano, Muslim, Lumad – lahat sila ay nagkakaisa
Nagtutulungan, nagbibigayan, mga paniwala man nila ay magkaiba
Nguni’t dahil sa makasariling hangad ng ilang gahaman sa kapangyarihan
Animo kristal na nabasag, iningatang magandang samahan at katahimikan.

Nguni’t tayo ay Pilipino, iba tayo – lumalaban na may masidhing pag-asa
Sa harap ng masalimuot na mga problema, matatatag na kalasag ay nakaamba
Ito’y ang masidhing paniniwala sa Maykapal, malalim at marubdob na kapatiran
Ugaling nagbuklod sa mga taga-Mindanao, magkaiba man ang pananaw at kaugalian.

Ating isigaw-
Mabuhay ang Mindanaw!

Habang Buhay na Bangungot ni Pnoy

Habang na Bangungot Ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Hindi kayang palambutin ang puso ng mga Pilipino ng animo ay pagpapaawa ni Pnoy sa paulit-ulit na pagbanggit niya ng kamatayan ng kanyang tatay, na sa kanyang tingin ay bayani. Pinalampas niya ang pagkakataong maski papaano ay makaamot ng kaunting pang-unawa mula sa mga Pilipino kung sinalubong niya ang pagdating ng mga bangkay ng apatnapu’t-apat na mga pulis na pinatay… minasaker sa Mamasapano, Maguindanao. Sa halip ay minabuti pa niyang magsalita sa pasinaya ng isang pagawaan ng mga sasakyan, na maaari naman niyang italaga sa Bise-Presidente o sa kalihim ng ahensiyang may kinalaman sa negosyong ito. At, siguradong mauunawaan naman ng nag-imbita sa kanya.

Pero, nakitaan niya ang okasyon ng pasinaya ng isa na namang pagkakataon upang mabuhat ang bangko ng kanyang pamilya. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na kahit sa panahon ng Martial Law ay umasenso pa rin ang pagawaan. May parunggit na naman siya sa namayapang si Ferdinand Marcos. Alam din ng lahat, na banggitin lang ang Martial Law ay maaalala rin ang pagkamatay ng tatay niya na si Noynoy… alaalang namantsahan ng mga kapalpakan niya bilang presidente ngayon. Pati ang alaala ng kanyang nanay na naging presidente ay wala na ring epek sa mga Pilipino dahil wala rin naman itong nagawa upang makaahon ang mga Pilipino sa epekto ng Martial Law.

Nang magsalita si Pnoy sa necrological service ng minasaker na apatnapu’t-apat na pulis ay binanggit na naman niya ang kamatayan ng kanyang tatay, na masakit na sa tenga ang dating. Kaylan kaya siya titigil sa pagbanggit ng kamatayan ng kanyang tatay, na dapat pala ay hindi dinaluhan ng mga hindi kilala ng kanilang pamilya dahil ito naman pala ang kanyang panuntunan?…na ang lamay ng isang namayapa ay hindi dapat daluhan ng hindi kilala nito.

Ang alaala ng mga problema sa kanyang pamamalakad ng gobyerno na lalong idiniin ng kamatayan ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao ay magsisilbing bangungot na nakadikit sa kanyang diwa, na parang aninong hindi humihiwalay sa katawan. Bangungot din niya ang nakapanhihinayang na mga pagkakataon na kanyang pinalampas dahil pinairal niya ang kanyang pagkamakasarili. Bangungot din ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan na dahilan ng kanyang pagbagsak na may matunog na lagapak.

Kung hindi siya naging presidente, maaaring napanatili ang paniwala ng mga Pilipino na “bayani” ang kanyang tatay at “nagsakripisyo” ang kanyang nanay upang maging tulay tungo sa pagbabago mula sa panahon ng Martial Law. Lahat nang mga iyan ay kanyang nilusaw sa loob ng panahon ng kanyang pagiging presidente na malapit nang magtapos, na ang dulot sa mga Pilipino ay dusa lamang.

Maitatala sa iba’t ibang aklat ng kasaysayan ng Pilipinas na bukod tangi siyang presidente na maraming pinagtakpang anomalya…sa ngalan ng pagkakaibigan. Maitatala rin ang record breaker na nakawan sa kaban ng bayan, pati ang nakakahiyang pagnakaw ng mga donasyon na nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng bagyong Yolanda. Maitatala pa rin ang kawalang aksiyon sa mga anomalya dahil maski isang pagsuspinde ng mga sangkot ay walang nangyari. At higit sa lahat, ang sinasabi niyang asenso ngunit nasa papel lamang.

Magsisi man siya at maghinagpis, ay huli na….bangungot na lang ang asahan niya – habang buhay. At tuwing gigising siya sa umaga, malamang na ang unang mamumutawi sa kanyang mga labi ay mga salitang “sana” at “sayang”… kung mayroon pa siyang maski kapirasong konsiyensiya.

The “Forty-four”…policemen heroes of Mamasapano

The “Forty-Four”
…policemen heroes of Mamasapano
By Apolinario Villalobos

At Mamasapano…there at Maguindanao
the “forty-four” met their fate,
Pawned by one whose selfish desire,
Led them to the fatal mire.

Wasted youth …..
but never their courage,
Wasted strength ….
But never their ideals,
That like the wind ……
shall blow without end.

(The “forty-four” policemen, mostly young, were massacred at Mamasapano, Maguindanao on January 25, 2015. They were members of the Special Action Force (SAF) of the Philippine National Police who tried to serve the warrant of arrest to two notorious terrorists, Abdulbasit Usman and Zulkipli Bin Hir alias Abu Marwan. Unfortunately, the contingent was surprised by an ambush staged by the BIFF, and Moro Islamic Liberation Front (MILF) that claimed “misencounter” due to the lack of coordination, but which most Filipinos did not believe.)

May Isang Mildred…

May Isang Mildred…
(para kay Mildred Palabrica-Balili)
Ni Apolinario Villalobos

May isang Mildred akong nakilala
Ngiti niya sa labi ay talagang kaaya-aya
Kaya hindi pagtatakhang kanyang mabighani
Ang mga binatang naghahanap ng isang mayumi.

Naging kaisang-dibdib ay mapalad
Hirap ma’y natamo ang “oo” na hangad
Kaya lahat, ginawa upang kanyang maipakita –
Na hindi nagkamali si Mildred sa pagpili sa kanya.

Pinuhunan nilang pagmamahalan –
Kapalit, masaya’t maaliwalas na tahanan
Puno ng buhay dahil sa matitikas nilang supling
Kaya sa panginoon, sila’y wala na yatang mahihiling.

‘Yan si Mildred, maganda’t masinop
Kaya sa swerte, siya’y hindi nagdadarahop
Ngayon, basta’t may pagkakataon ay namamahagi-
Panahon man o bagay na kaya niya, kahit ito’y tingi.

Sa Amin…sa Mindanao

Sa Amin…sa Mindanao
Ni Apolinario Villalobos

Luntiang kaparangang halos walang hangganan
Kabundukang kahi’t paano’y balot pa ng kagubatan
Mga batis na animo ay musika ang paglagaslas
‘Yan ang Mindanao na ganda’y ubod ng timyas.

Malalagong palay, sa ihip ng hangin ay umiindayog
Mga masisiglang alagang hayop, lahat ay malulusog
Mga halamanang gulay, mayayabong ang dahon
‘Yan ang Mindanao na nabibiyayaan ng panahon.

Maraming katutubo, iba’t ibang makukulay na tribu
Magkakapitbahay ay mga Muslim at mga Kristiyano
Sila’y nagbibigayan, taos-pusong nagkakaunawaan
‘Yan ang Mindanao na may pangakong kaunlaran.

Subali’t kung ang pagkagahama’y biglang umeksena
Ang mga minimithing pangarap, lahat ay nababalewala
Kung bakit naman kasi may mga taong puso’y sakim
At mga adhikaing baluktot na dulot ay paninimdim.

Sa amin sa Mindanao ay masaya at may kasaganaan
Kaya dinayo ng mga tao na ang hanap ay kapayapaan
Nguni’t dahil sa damdaming sakim ng ilang hangal
Nakakabahalang ang tinatamasa ay baka ‘di tumagal!

Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno…at ang paghugay-kamay na naman ni Pnoy

Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno
…at ang paghugas-kamay na naman ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Ang massacre ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao, ay nagpapakita nang kaampawan ng liderato ni Pnoy. Hindi buo…hindi matatag…walang laman – puro hangin…ampaw! Mismong kalihim ng DILG at OIC ng PNP ay hindi alam ang isang malaking operasyon na gagawin ng SAF ng PNP dahil ang target ay isang foreign terrorist na wanted din sa ibang bansa. Ang pagsilbi ng mga naipong warrant of arrest ay isang immediate actionable na responsibilidad na may kaakibat na tactical operation, subalit dahil hindi ito pangkaraniwan, dapat pinaalam din kay Mar Roxas bilang kalihim ng DILG at pati sa OIC ng PNP bilang respeto.

Putok ang balitang ang nagmani-obra ay ang suspendidong hepe ng PNP na si Purisima kaya lalong naging naging kwestiyonable ang lahat dahil ginawang tanga ang itinalagang OIC. Kahit wala pang imbestigasyong ginagawa ay malakas tuloy ang hinala ng lahat na ang tagumpay ng operasyon ay magsisilbi sanang “personal vindication” ni Purisima mula sa mga paratang sa kanya. Ang problema, nag-boomerang kaya lalo siyang nadiin…lalong nalubog sa kahihiyan, kung totoo nga ang mga pumutok na balita na ang pinagmulan naman ay isang heneral. Sa nangyari, dawit uli ang BFF ni Purisima na si Pnoy…na may kakambal yatang kamalasan!

Tulad ng inaasahan, tila may sacrificial lamb na umamin – ang director ng SAF. Subalit bakit hindi niya ginawa ito agad upang maiwasan ang mga ispekulasyon? Pwede namang magpatawag siya ng press conference. Ang ginawang paghintay muna ng director na makapagsalita ang pangulo ay nakakapagduda, dahil gusto yata niyang magkaroon sila ng iisang “tono” ng pangulo – walang conflicting statements. Ibig sabihin, magsi-second the motion na lamang ang SAF Director sa anumang sasabihin ng pangulo, na nangyari nga.

Ang nagmukhang tanga na sina Roxas at OIC ng PNP ay nagkakamot ng ulo, ganoon din ang iba pang mga opisyal ng PNP na hindi rin napagsabihan tungkol sa operasyon. Ang masakit, sila ang pinapaharap sa mga press con kaya sisinghap-singhap habang naghahagilap ng isasagot sa mga katanungan. Malinaw pa sa sikat ng araw na sila ay natraidor! Daig pa nila ang taong binaril at duguan na, ay sinisipa pa, dahil siguradong sila ang babagsakan ng sisi. Magastos na naman sa tubig at sabon dahil sa mga hugasan ng kamay sa Malakanyang! Samantala, ang pag-amin ng direktor ng SAF ay hindi pinaniniwalaan.

Dahil malakas ang pagputok ng pangalan niya sa media, dapat kusang lumabas si Purisima at itanggi ang paratang kung walang katotohanan. Pero wala yatang takot at kaba dahil alam niyang as usual, ay ipagtatanggol siya ng kanyang best friend na si Pnoy! Nakakasakit din sa loob na marinig sa pangulong ituring ang massacre na isang “incident” lamang.

Kung may natitira pang pride o pagmamahal sa sarili si Mar Roxas, ang pinakamaganda niyang gawin ay mag-resign, dahil binibitin din lang siya ni Pnoy kahit sa suporta na kailangan niya (Roxas) pagdating ng eleksiyon sa 2016. Kung magbibitiw siya, baka madagdagan pa ang mga supporters niya dahil sa awa.

Hindi Matatahimik ang Mindanao, kahit may peace agreement na…

Hindi Matatahimik ang Mindanao
kahit may peace agreement na…
ni Apolinario Villalobos

Ang sinasabing massacre sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, Linggo, kung saan ay nasawi ang 44 na pulis at nasugatan ang iba pa, ay palatandaan na hindi magkakaroon ng katahimikan sa Mindanao kahit pa mayroon nang peace agreement. Ang sinasabi ng mga taga-gobyerno at MILF na misencounter daw ay hindi kapani-paniwala dahil inabot ang palitan ng putok ng mahigit sampung oras. Sa paliwanag ng mga eksperto, kung misencounter, dapat sandali lang ang nangyaring palitan ng putok dahil aatras ang isa sa mga grupo kung nakilala nito ang mga kabarilan na hindi naman pala kaaway. Ang nangyari, kahit nakabulagta na ang mga pulis ay pinagbabaril pa ng MILF at pinagnakawan pa!

Ang pakay ng mga pulis ay nasa loob ng teritoryo ng MILF, at ito ay terorista. Hindi puwedeng hindi ito alam ng MILF. Sana, kung gusto ng MILF ay kapayapaan, noon pa lang, sila na mismo ang gumawa ng paraan upang ito ay mahuli at isinurender sa pamahalaan, kahit pa nasa pangangalaga siya ng breakaway group na BIFF. At ang isa pang malaking tanong ay kung bakit hinahayaan ng MILF na manatili ang BIFF sa kanilang teritoryo gayong alam nitong tinutugis ito ng hukbong sandatahan ng Pilipinas dahil ang turing nga ay terorista.

Hangga’t hindi napaplantsa ang mga gusot ng pinag-uusapang Bangsamoro Basic Law, hindi ito dapat lagdaan. Kung sakaling ipilit ang lagdaan kahit hilaw, hindi rin ito maipapatupad agad dahil siguradong may maghahain ng TRO muna na susundan naman ng kaso dahil sa mga sasabihing butas ng mga probisyon. Kung makalusot man, maipatupad at pupunduhan ng malaki, ang mga kritiko nito na hindi nabiyayaan, kahit mga kasama pa ng MILF ay siguradong parang buwitre na aaligid upang makatiyempo ng mapupuna na gagamiting dahilan sa paghihiwalay sa nasabing grupo. Breakaway group na naman na magiging problema ng mga taga-Mindanao!

Ang paghiwalay ng BIFF mula sa MILF ay tanda na hindi malakas at epektibo ang kasalukuyang pamunuan ng huling nabanggit na grupo, kaya asahan, na kung sakaling makalusot at matuloy ang peace agreement, ay may iba pang grupong titiwalag at hahasik ng perhuwisyo. Ilan pa kayang breakaway groups ang mabubuo?

Ang nakakabahala ay kung sakaling mayroon na ngang Bangsamoro sa Mindanao, pero may mga breakaway at terrorist groups na hindi kayang masawata ng MILF, siguradong dito magtatago ang mga terorista na maghahasik ng perhuwisyo sa ibang panig ng bansa. Maaaring Bangsamoro na ang gagamiting sentro sa paggawa ng mga bomba na gagamitin sa terroristic activities sa bansa. Sa simpleng salita, gagawing “hideout” ng mga terorista ang Bangsamoro kung saan sila ay untouchable. Ang pagtago ng matagal ng isang foreign terrorist sa balwarte ng MILF ay isang malaking pruweba na maaaring mangyari itong agam-agam. Kaya ano pang kapayapaan ang maaasahan ng mga taga-Mindanao?

Walang aasahang pagsuplong sa mga nakatagong terorista. Kaya bang isuplong ng isang anak ang kanyang ama?…ng isang pinsan ang kanyang pinsan?…ng isang pamangkin ang kanyang tiyuhin na nagpalaki sa kanya?….ng isang asawa ang ama ng kanyang mga anak? MAS MALAPOT ANG DUGO KAYSA TUBIG…na ibig sabihin ay, “blood is thicker than water”.

Malaki ang Problema ng Usapin sa Bangsamoro Basic Law (BBL)

Malaki ang Problema ng Usapin
Sa Bangsamoro Basic Law (BBL)
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa nangyaring “misencounter” daw sa pagitan ng MILF at mga pulis sa Maguindanao kamakailan lamang, ay tila magkakaroon ng problema sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Sa pagpasok sa eksena ng BIFF na ‘breakaway” group ng MILF, marami ang nagtatanong kung talaga bang mapagkakatiwalaan ang MILF sa pagsiguro na hindi bubulabugin ng BIFF ang mga bayang kasama sa Bangsamoro, dahil tutol ito (BIFF) sa usaping pangkapayapaan. Kung hindi nakontrol ng MILF ang BIFF na magkaroon ito ng sariling adhikain kaya tumiwalag sa samahan, may garantiya ba na hindi ito maghahasik ng perwisyo upang ipahiya ang BBL?

Noon pa man ay nabanggit ko na sa nauna kong pananaw na ang inuna dapat ng gobyerno at MILF ay i-neutralize at dis-armahan ang MNLF at BIFF na kumokontra sa usaping pangkayapaan na nakaangkla sa integration, na taliwas naman sa gusto ng mga naunang nabanggit na ang gusto ay humiwalay sa bansang Pilipinas at magkaroon ng sariling gobyerno. Subalit nagmadali ang peace talk committee na isa sa mga arbiter ay Malaysia. Sa kabila ng nakaambang banta ng dalawang nabanggit na grupo ay pinipilit ng MILF na tapusin na ang usapan.

Hindi na-neutralize ang MNLF at BIFF sa kabila ng katotohanang tukoy ng sandatahang hukbo ng Pilipinas ang kinaroroonan ng mga ito. Ang ginawa lamang ay lumusob at nagpaulan ng mga bomba sa mga tukoy nang kuta, ilang araw lang at pagkatapos ay wala na. Para lang nagpa-presscon….nagpakita na kunwari ay may ginawa.

Ang pinagtaguan ng foreign terrorist na gumagawa ng bomba sa Maguindanao ay matagal na rin palang tukoy. Bakit hindi hiningi ang tulong ng MILF sa pagdakip dito, upang makapagpakita naman ang huling nabanggit ng taos-pusong kaseryosohan na magkaroon ng katahimikan sa Mindanao? Ang pagkakataong ito ay hindi dapat pinalampas ng peace talk committee bilang pagpapakitang-gilas. Kung sakali, doble pa ang magagawa sana nila dahil matutumbok din nila ang pinagkukutaan pala ng BIFF na itinuturing na ring bandido.

Kung nakayang magkaroon ng malaking SAF contingent na binubuo ng mga pulis upang magsilbi ng warrant of arrest, bakit wala man lang abiso sa sandatahang hukbo ng Pilipinas upang makapagtalaga ito ng air support, sa OIC ng PNP, at lalo na sa kalihim ng DILG na si Mar Roxas? Ano ang hinahabol ng kapulisan sa pagsasariling- kilos? Ayaw nilang makibahagi ng tagumpay, kung sakali, upang masabing sila ay magaling?

Ang sinasabi ay si Purisima daw ang gumawa ng plano at kung nagtagumpay, pambawi daw niya ito sa nasira niyang imahe. At dahil si Purisima ang may plano, dapat alam ng pangulo dahil BFF sila. Nakapagtataka lang dahil kahit suspendido na siya ay kung bakit nakakagawa pa rin ng desisyon. Kung totoo nga ang balita, dagdag sampal na naman ang kapalpakang ito kay Pnoy….na sobra ang pagkabilib kay Purisima. Lumalabas pa na dahil hindi pala alam ni Roxas ang plano, parang binastos siya ng pangulo!…ganoon na ba ka-dispalinghado ang administrasyon ni Pnoy…batbat ng bastusan at kawalan ng tiwala sa isa’t-isa??!!!

Ang isang agam-agam ay baka itimbre lang daw ng MILF ang operation para makatakas ang terorista, dahil mga kamag-anak din nila ang mga miyembro ng BIFF. Sa ganyang agam-agam, malaking problema nga ang usaping pangkapayapaan dahil hindi magkakaroon ng katapusan ang problema na idudulot ng BIFF kahit mapirmahan na ang kasunduan, dahil baka umiral ang ugaling pagsasawalang-balikat.

Dahil malaking poder ang maibibigay sa MILF, na nakapaloob sa usaping pangkapayapaan, hindi kaya gamitin nila (MILF) ito upang makipag-areglo sa MNLF at BIFF upang magkaroon din sila ng malaking bahagi sa pagpapatakbo ng Bangsamoro? Siguradong maraming butas ang kasunduan, tulad ng aspeto sa pagmintina ng hukbong sandatahan, at lalo na sa mga hakbang na gagawin ng Bangsamoro sa pagpapatakbo ng gobyerno nito na ngayon pa lang ay medyo nababanaagan na ng ilang mambabatas.

Magkakamag-anak ang mga miyembro ng MNLF, MILF, at BIFF, kaya hindi maiiwasan ang “pagbibigayan” pansamantala upang matuloy lang ang pagkakasundo sa usaping ng Bangsamoro Basic Law. At, pagkatapos, ano ang garantiya na hindi matatalo ang MILF kung magsanib- puwersa ang MNLF at BIFF upang mag-take over kung sakali? …dapat alalahaning mas matimbang ang dugo kaysa ideyolohiya o pulitika….hindi pa kasama diyan ang Abu Sayyaf na ang pinagmulang ugat ay dating pinagkakatiwalang civilian support group ng sandatahang hukbo ng Pilipinas.

Bilang panghuli, hindi patatalo ang MNLF na pinanggalingan ng MILF, na siya namang pinanggalingan ng BIFF. Kung itinuturing ng MILF na breakaway group nila ang BIFF, sila naman ay itinuturing na breakaway group ng MNLF na siyang original Moro group na may pinaglalabang adbokasiyang para sa kapakanan ng mga taga-Mindanao, na sa kasamaang-palad ay hindi naman kinikilala ng lahat ng pilit nitong sinasakop na bayan at lunsod.