Pol Saulog at Magno Padua…mga bukod-tanging kaibigan sa Cavite

POL SAULOG AT MAGNO PADUA

…mga bukod-tanging kaibigan sa Cavite

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakilala ko si Manong Pol nang tumira ako sa isang subdivision sa Cavite. Sa simula ay simpleng batian lang ang aming ginagawa tuwing kakain ako o uminom ng beer sa kanyang “native style” na restaurant sa labas ng aming subdivision. Mahilig siyang magluto ng mga pagkaing Kabitenyo subalit hindi niya ako inaalok ng mga ito dahil nalaman niyang vegetarian ako. Nakilala ko rin ang kanyang mga anak at asawa na naging malapit sa akin. Hindi ko binigyang pansin ang tikas ng kanyang personalidad sa simula sa kabila ng artistahin niyang mukha. Nagulat na lamang ako nang malaman ko sa ibang kaibigan niya na lumalabas pala siya sa pelikula ni Ramon Revilla kasama ang isa pang kaibigan ko sa lugar ding yon na si Ding Santos.

 

Hindi palasalita si Manong Pol kaya karamihan ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay ay sa kanyang mga kumpare ko nalaman. Napansin niya ang pagiging galante ko noon sa inuman kaya pinayuhan niya akong maghinay-hinay sa paggastos sa alak at piliing mabuti ang mga taong gustong makipagkaibigan sa akin. May laman ang kanyang sinabi at napatunayan ko makalipas ang maraming taon. Nagsilbi siyang “kuya” ko sa lugar namin, at ang samahan namin ang nakatulong upang respetuhin din ako ng mga nagrerespeto sa kanya.

 

Maaga ako noong pumasok sa opisina na nasa Roxas Boulevard, sakop ng Ermita. Madaling araw pa lang ay nasa highway na ako at nag-aabang ng masasakyag dyip. Madalas akong madaanan nina Manong Pol at ng kanyang asawa na araw-araw namang pumupunta sa Maynila kaya nai-aangkas nila ako sa kotse nilang Mustang, isang collectible na edition. Ibinababa nila ako sa mismong harapan ng S&L Building kung saan ako nag-oopisina.

 

Bukod sa restaurant sa labasan namin, may tindahan pa rin sina Manong Pol sa kanilang bahay na katabi ng subdivision namin, kung saan ako umuutang ng kaha-kahang beer na nilalatag ko sa mga kaibigan tuwing mag-inuman kami. Nagtapat siya minsan na ako lang ang pinagbubuksan niya ng tindahan kahit alanganing oras tuwing ako ay tatawag upang umutang ng beer. Sinabi din ito sa akin ng mga kumpare niya na hindi niya pinagbibigyan kahit sa tagal na ng kanilang samahan.

 

Nang panahong yon, kailangan kong makisama sa mga taong nakatira sa paligid ng subdivision namin dahil sa katungkulan ko bilang presidente ng homeowners’ association. Sa pagkakataong ito ko nakilala din si Magno Padua, na nirerespeto sa lugar namin. Bukod sa kanya ay nakilala ko rin ang kanyang mga kapatid na sina Tomas, Budjo, Emo, Tura at  Millie. Namayapa na sina Tomas, Emo, at Millie. Noong buhay pa ang nanay nina Magno, ipinaghahanda niya ako ng hiniwa nang malalaki na patola na niluluto niya sa  bawang. Ang ulam ay masarap sa kabila ng payak na pagkaluto sa bawang, lalo na ang sabaw na manamis-namis pa.. Masipag magtanim ang magkakaptid ng gulay na binibenta din nila sa palengke ng Zapote kaya sagana ako sa gulay tuwing pupunta ako sa kanila.

 

Dahil ako ay dayo sa lugar na tinirhan ko malaking bagay ang nagawa ng pakipagkaibigan ko sa mga nabanggit. Kung anong respetong ipinakita sa kanila ay ipinakita at pinadanas din sa akin ng mga naging kaibigan kong nakakakilala sa kanila. Marami rin akong natutunan sa kanila lalo na sa pakikisama sa ibang tao, higit sa lahat ay ang pagpapairal ng ugali sa paraang walang kayabangan. Napansin ko na sa mga kasayahan, kalimitan ay nasa tabi lamang sila at hindi nagbabangka o nagpapasimula ng kuwentuhan. Kung uminom man ng alak ay yong tipong, pang-sosyal, hindi laklak.

 

Parehong biyudo sina Manong Pol at Magno, magkasing-edad sa gulang na mahigit sitenta pero matitikas pa rin. Nagkikita kami ni Manong Pol kung siya ay masumpungan ko sa tinitirhan ng kanyang anak, dahil nakatira na siya ngayon sa isa pang bayan ng Cavite mula noong mamatay ang asawa niya. Si Magno naman ay pinapasyalan ko tuwing may panahon ako dahil hindi kalayuan ang tinitirhan niya mula sa amin.

 

Ang mga tinukoy ko ay halimbawa ng mga taong hindi ko makakalimutan dahil sa maganda nilang asal kahit hindi nakatuntong ng kolehiyo. Lutang na lutang ang bukod-tangi nilang pagkatao kahit sa umpukan dahil sa ugali nilang higit pa sa ilang nakatapos sa malalaking unibersidad…kaya dapat tularan.

Advertisements

The Philippine National Bank of Bacoor City (Aguinaldo Highway Branch)

The Philippine National Bank of Bacoor City

(Aguinaldo Highway Branch)

By Apolinario Villalobos

 

My opening of an account with the Philippine National Bank (PNB) as a repository of my pension was actually a revival of my trust to this bank which happens to be the “sister company” of Philippine Airlines, my former employer. I had my first experience of the bank’s service when I decided to use checks for personal transactions many years back, particularly, during the 1980s. My feeling of security was anchored on the bank’s being a government institution since 100 years ago. I closed my checking account when I left Philippine Airlines as I had no more use for it. Though I had some regrets, I treasured the opportunity of having experienced the traditional Filipino service which is deeply impressed with hospitality.

 

The second time I had the chance to experience the well-known traditional service of the bank was when I filed for my pension with the Social Security System (SSS) which during the time was literally, a neighbor of the bank, as it was just a few steps away, along Aguinaldo highway. As I was in a hurry to go back to the SSS, Ms. Sheryll Ann Erive compassionately attended to me immediately. My transactions with the bank did not end with the issuance of my ATM card which was given to me together with complete instruction, including the rules that cover the ACOP. I could not help noticing the smile that never left the lips of the personnel, even the contracted staff – the security guards, as they open the door for the clients with a warm greeting.

 

The Branch Manager, himself, Mr. Roy Tan is always smiling and ever patient. Just this morning when I dropped by to make some verification on my ATM withdrawal record, he put down the phone momentarily to listen to me. But upon noticing that Ms. Sarah Artiaga was already free, I asked that I be entertained by her. With much patience, Ms. Artiaga immediately displayed my e-record to help me recall one withdrawal which I failed to enter into my cell phone’s archive. My query was a blessing in disguise as I came to learn about their internal security verification system which will be needed for my future blogs.

 

My pension is comparatively small but my experience that morning made me feel that the amount of deposit made by their clients is immaterial for them, as what matters is the client, himself. In other words the number of digits does not make any difference as foremost in their mind is the satisfaction of all their clients. Such service is given substance by their latest message to their clients which says, “you first”.

 

According to Mr. Tan, they are not affected by the cut-throat competition posed by other banks as they continuously exert their total effort to satisfy their clients based on their “traditional service” which as mentioned earlier, is truly deeply impressed with Filipino hospitality. The principle is simple….satisfy the client and he will be back. And, what else can put a client at ease than an assuring smile. Nevertheless, Mr. Tan mentioned that the bank has plans to enhance its service for the convenience of their ever-growing number of clients. To date, the bank has a “bank on wheels” which I came across at the PNB/PAL headquarters along Roxas Boulevard.

 

Here are some historical notes about the bank: it was established on July 16, 1916 at the old Masonic Temple in Escolta, based on Public Act 2016 authored by Miguel Cuaderno, replacing the government’s Agricultural Bank;  its first president was an American, H. Parker Willis; it served as a de facto Central Bank of the Philippines in 1949; its first local branch was established in Iloilo in 1917; its first international branch was opened in New York; it was the first to offer the ATM service to clients; the Memorandum of Agreement with Lucio Tan Group of Companies was signed in May 2002, two years after the said group became the bank’s first single stock holder; the bank also prides in the awards received from SSS twice (Balikat ng Bayan), as well as, Reader’s Digest and AC Nielsen (Gold Superbrand).

Ang Basketball Tournament ng JPLS TODA (Barangay Real 2, Bacoor City)

ANG BASKETBALL TOURNAMENT

NG JPLS TODA (BARANGGAY REAL 2, BACOOR CITY)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang Justinville/Perpetual/Luzville/Silver Homes Tricycle Operators and Drivers Association (JPLS TODA) ay nagsikap na magdaos ng simpleng basketball tournament sa abot ng makakaya nito. Hindi sila gaanong nangalap ng mga donasyon, maliban na lang sa mga tropeo. Ang kaunting pagkain at mineral water ay gastos ng mga miyembro at opisyal. Ang bayad naman sa professional na mga referee ay may malaking discount. Nakatulong din ng malaki ang basketball court ng Silver Homes 1 na walang bubong at libreng nagamit. Nagtiis man sa init ng araw ay enjoy pa rin ang mga team na naglaro sa elimination rounds dahil idinaos  sa hapon kung kaylan matumal ang biyahe. Ang championship game lang ang idinaos sa gabi ng Sabado, December 12 upang malaman kung alin sa natirang tatlong team na “White”, “Green”, at “Blue” ang magiging champion. Inabot din ng apat na Sabado at Linggong palaro o mahigit isang buwan, bago umabot sa araw ng championship na paglalabanan ng nasabing tatlong team.

 

Nakakamangha ang pagkamasigasig ng mga organizers at mga miyembro dahil sa kabila ng halos walang pahinga nilang biyahe na kung minsan ay inaabot ng gabi ay pinilit nilang maidaos ang tournament.  At, sa kabila pa rin ito ng pinagkasyang budget. Pagpapakita nila ito ng kanilang tapat na pakikipagtulungan sa programa ng lokal na pamahalaang lunsod ng Bacoor na sa ngayon ay nasa pamamahala ni mayor Lani Mercardo-Revilla. Ang nasabing programa ay idinaan sa Barangay Real 2 na nasa pamamahala naman ni Kapitan BJ Aganus. Sagot din ng samahan ang tournament sa panawagan ng bagong presidente, Rodrigo Duterte na gamitin ang libreng panahon sa mga bagay na makabuluhan sa halip na sa droga.

 

Tulad ng mga drayber ng jeep at bus, silang mga traysikel naman ang minamaneho ay hindi rin ligtas sa mga hinalang gumagamit ng shabu dahil sa paniwalang nakakatulong ito upang makatagal daw sila sa puyatan. Totoo man o hindi, ang mahalaga ay pinapatunayan ng asosasyon na wala ni isa mang adik sa kanila o talamak ang pagkagumon sa nasabing bisyo. Wala ni isa mang kasong may nawalan ng katinuan mula sa kanilang hanay dahil sa droga, tulad ng mga nababalitaang nangyayari sa ibang lugar.

 

Ang mga opisyal ng JPLS TODA ay sina, Danny Sagenes (Presidente); Freddie Casil (Bise-Presidente); Davis Sagenes (Kalihim); Rolly Guevarra (Ingat-yaman). Si Danny Sagenes ay nakaka-siyam nang taon bilang presidente dahil nakitaan siya ng sigasig na ang hangad ay maisulong ang kasiyahan at kapakanan ng mga miyembro. Bukod sa tournament, nagdadaos din ang samahan ng Christmas party kung kaya ng budget mula sa buwanang ambag ng mga miyembro dahil sa mga bibilhing pagkain at regalong ipapa-raffle. At, dahil maganda ang kanilang layunin, kalimitan ay may mga homeowners na nagkukusang magbigay ng donasyon. Hindi rin nawawala ang donasyon mula sa barangay at pamahalaang lunsod ng Bacoor.

 

Ang mga ginagawa ng samahan ay ikinatutuwa naman ng mga homeowners ng barangay Real 2 na panatag ang nararamdaman…taliwas sa mga nangyayari sa ibang barangay kung saan ay atubili ang mga umuuwi ng dis-oras ng gabi at sumasakay sa traysikel.

 

Rhejane Nantes Umali…nagsisikap para sa dalawang anak kaya hindi nahiyang magtinda sa kalye

Rhejane Nantes Umali…nagsisikap para sa dalawang anak

kaya hindi nahiyang magtinda sa kalye

Ni Apolinario Villalobos

 

Huwebes ng umaga, papunta sana ako ng Maynila pero sa “stop light” intersection ng Molino Road at Aguinaldo Highway ay may napansin akong magandang babaeng tisayin na nagtitinda ng mga basahan at lumalapit sa mga nakatigil na jeep. Nagulat ako dahil ang karaniwang nagtitinda sa kalye, kung hindi matatanda ay mga lalaki. Dahil sa curiosity, bumaba ako at hinabol siya upang kausapin kung pwede ko siyang i-blog at nagpaunlak naman kahit naistorbo ko siya sa pagtinda. Ang sabi ko kasi ay interesado ako sa kuwento ng buhay niya na maaaring magiging inspirasyon ng ibang babae. Sa di-kalayuang Macdo ay nag-usap kami.

 

Ang pangalan niya ay Rhejane Nantes at sa pagkuwento niya, single mom siya at taga-Dipolog, Zamboanga…kaya pala tisayin, dahil sa nasabing probinsiya ay maraming tisay na “chavacana” . Ang tatay daw niya ay ang kilalang broadcaster/singer ng Dipolog na si Dan Nantes (Rufdan Quinlog Nantes, Jr.). Sa murang gulang na 16 taon ay nag-asawa siya ng taga-Batangas pero sa Pasig sila nagkita. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa nasabing asawa, ang panganay ay 21 taon at ang sumunod ay 17.

 

Nang panahong sa Pasig siya nakatira, nag-negosyo siya ng “packed” buko juice at nagsu-supply siya sa mga kainan na nakapaligid sa mga construction sites sa Pasay, lalo na sa Mall of Asia mula pa noong taong 2000. May owner jeep siya noon at siya rin ang nagmamaneho, gamit niya sa negosyo. Balak sana niyang bumili ng isa pang jeep subalit siya ay naaksidente at naospital nang matagal noong 2013. Ang alaala ng aksidenteng yon ay ang peklat (scar) sa ilalim ng kanyang bibig na nasa kanang bahagi. Naubos ang kanyang ipon dahil sa pagpaospital niya.

 

Nang maghiwalay silang mag-asawa ay nagpaubaya siya kaya iniwan niya sa pangangalaga nito ang kanilang dalawang anak at siya naman ay nakitira muna sa kanyang lola, si Lola Dionisia, 82 taong gulang, na nagtitinda pa rin ng mga basahan. Nagkaroon ng pangalawang asawa si Jane at nagkaroon ng dalawang anak, subalit dahil hindi niya nakitaan ng pagsisikap ay nakipaghiwalay siya dito, at kasama ang dalawang anak ay nangupahan sa Talaba (Bacoor). Noon siya pinayuhan ng kanyang lolang nagtitinda ng mga basahan sa tapat ng St. Dominic Hospital sa Bacoor na tumulong sa kanya sa pagtinda.  Hindi nagdalawang isip si Jane dahil talagang mahilig siya sa negosyo at higit sa lahat ay para na rin sa dalawa niyang anak na ang mga gulang ay 7 at 5 taon, at parehong nag-aaral.

 

Kung minsan daw ay nagtitinda din siya ng barbecue, pero yong mumurahin lang para maging mabenta agad. Upang hindi mahirapan sa pagbayad ng upa sa tinitirhan nilang mag-iina sa Talaba (Bacoor), araw-araw ay nagbibigay siya sa may-ari ng 100pesos dahil ang buwanang upa ay 3,000pesos. Pinipilit din daw niyang makaipon uli upang makapag-negosyo uli ng “packed” buko juice na hinahango niya noon sa Pasig.

 

Hindi nawawalan ng pag-asa si Jane at hindi nahihiyang magtinda sa kalye kahit marami ang nagsabi sa kanyang hindi daw siya nababagay sa ganoong trabaho. Ang sagot niya ay wala siyang magagawa dahil may dalawa siyang anak at ayaw din niyang umasa sa iba kahit sa mga kamag-anak niya, at ang isa pa ay talagang hilig daw niya ang pagnegosyo kaya nag-iipon uli siya.

 

Sana ay magsilbing inspirasyon si Jane ng mga single mom na nagsisikap upang mabuhay ng marangal sa anumang paraan.

 

 

Nanay Nene ng Bacoor (Cavite)

SI NANAY NENE…NAGING SINGLE MOM DAHIL INABANDONA NG IRESPONSABLENG ASAWA…ITINAGUYOD ANG MGA ANAK SA PAGTINDA NG TUYO AT DAING SA LOOB NG MAHIGIT 30 TAON…MINALAS NA ANG PANGANAY NA ANAK AY NAGING ADIK KAYA BUMAGSAK SA KANYANG KALINGA ANG PAGPAPALAKI SA MGA APO….SIYA AY 79 TAON NA NGAYON. ANG PUWESTO NIYA AY NASA ILALIM NG HAGDAN NG PEDESTRIAN OVERPASS SA HARAP NG SM CITY (BACOOR CITY).

 

SIYA AY TAGA –SALINAS, ISANG BAYANG NASA TABING DAGAT SA CAVITE, AT TANYAG SA MGA PRODUKTONG TUYO AT DAING. SA KABILA NG KANYANG EDAD, HINDI PUMAPALYA SI NANAY NENE SA PAGLATAG NG KANYANG MGA PANINDA SA ILALIM NG HAGDA…KAHIT MAY ULAN. GUMAGAWA NA RIN SIYA NGAYON NG PAPAYANG ATSARA UPANG MAIDAGDAG SA KANYANG MGA PANINDA.

 

ILAN PA KAYANG “NANAY NENE” ANG NASA ATING PALIGID?…HINDI TUMITIKLOP ANG MGA TUHOD SA HARAP NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY…AT HIGIT SA LAHAT, AY NAGHIRAP DAHIL SA EPEKTO NG DROGA?

nanay-nene

Angel…the young female cobbler of Barangay Real Dos, Bacoor City (Cavite)

ANGEL…THE YOUNG FEMALE COBBLER

OF BARANGAY REAL DOS, BACOOR CITY (CAVITE)

By Apolinario Villalobos

 

When I passed by the small “hole on the wall” shoe repair shop on my way to the bus stop, I took notice of a girl who was busy repairing shoes. I got curious so I stopped for a while for a short chat. She was pretty and with all sincerity replied to my queries. I found out that she is living in with the younger brother of the owner of the shop who also works at Quickie, a well-known, bags and shoes repair outfit. She is Angel, just turned twenty, and from a district in Leyte, near Tacloban City. Her live in partner is Junel who works full time in a store in Molino, but earns extra cash at the shoe repair shop on his days off.

 

Angel admitted that in her earnest to learn the trade, she had to go to the shop in time for a close observation at how the intricate manual sewing is done by Junel or his brother. She goes to the shop as early as eight in the morning when Junel’s elder brother, Noy opens it before reporting to work. Noy who is barely past his thirty years is also living in with an equally hardworking young woman, as a crew of a pizza outlet. Tuesdays are Noy’s days off, so both he and Angel man the shop, while on weekends, Junel takes the place of Noy. On days that both Noy and Junel are in their regular job, Angel has the shop all her own.

 

What struck me is the seriousness of Angel in facing the challenges of living with a young husband, and without a stable financial support that would prop them up. She has no qualms in doing a man’s job to earn honestly for their future. She could have worked in a bar where easy money is, or aspire for an entertainer’s job in Japan because of her good looks. On the contrary she preferred mending shoes and does not mind the glue messing up her candle-slim fingers.

 

 

Bernard Fetalvero-de la Cruz at Ian Paredes-Atrero…naghuhubog ng mga kabataan ng Barangay Real Dos (Bacoor City)

Bernard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuhubog ng mga kabataan ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kabataan pa lang niya ay nakitaan na si Bernard de la Cruz, 26 taong gulang ngayon, ng pagkahilig sa basketball, kaya hindi nakapagtataka ng naglaro siya sa koponan ng SFACS high school at sa college naman ay naging varsity player ng kanilang paaralan, ang Emilio Aguinaldo College. Nasa lahi nila ang pagiging basketbolista dahil ang kanyang tatay ay naging PBA player. Mapalad si Bernard dahil noong kabataan niya ay hindi pa uso ang computer at internet café kaya ang panahon niya ay nagugol sa paglaro ng basketball. Malaki ang pasasalamat niya kay Wilson “Bong” de Jesus sa paghubog sa kanya pati na ang iba pa niyang kababata sa paglaro ng basketball. Hindi naging maramot si Bong sa pagbahagi ng mga nalalaman niya sa larong ito, kaya maraming natutuhan si Bernard at ang iba pang mga kabataan. Natanim sa pagkatao ni Bernard ang disiplina kaya madali niyang natutunan ang iba’t ibang teknik sa paglaro tulad ng pag-“grind”.

 

Ngayon, maliban sa pag-alaga ng nanay niyang na-stroke, full time din siyang Church worker na nagtitiyaga sa pagtuturo ng pag-unawa sa Bibliya sa mga kabataan ng barangay. Ayon sa kanya,

“…masaya na ako na gumagaling ang mga kabataan sa paglaro ng basketball at nalalayo sila sa masamang bisyo…nagiging responsible at disiplinado. At, naisi-share ko din yung faith ko kay Jesus Christ sa kanila….si Ian ang team mate ko na super solid brother ko in this life and the next ay nandiyan din na palagi kong katuwang.” Malaking bagay din ang pagiging magka-tandem nila ni Ian. Naging matatag ang spiritual foundation nito dahil sa naibabahagi niyang mga ispiritwal na bagay, lalo na ang pananalig sa Diyos.  Dahil sa tiwala nila sa isa’t isa, nabuo nila ang team ng mga kabataan ng Real Dos. Dagdag pa niya, “ang main goal talaga namin ni Ian sa pagtuturo ng basketball is to honor God, and to share our faith with the youth…guide them to become better persons on and off the court…kaya, lahat ng ginagawa namin is to honor God dahil sa paniniwala kong all glory belongs to Jesus, at lahat ng ginagawa namin ay in His name.”

 

Tulad ni Bernard, si Ian Atrero, na ngayon ay 25 taong gulang na, ay unang natutong maglaro ng basketball sa Perpetual Village 5 noong kabataan niya. Malaking bagay sa kanya ang mga natutunan niya dahil napasama siya sa Adamson Junior Falcons sa loob ng dalawang taon – 1969 at 1970. Napasama din siya sa coaching staff para sa “Camp and Play Basketball”  na pinangunahan noon ni Coach Dayong Mendoza, na coach din niya noong siya ay nasa high school. Si Mendoza ang naging inspirasyon ni Ian sa adbokasiyang paghubog ng mga kabataan ng Real Dos. Dahil sa inspirasyong nabigay ni coach Mendoza sa kanya, sumidhi ang pagpursige niya na lalong matuto sa larong ito.

 

Naging MVP siya ng BPO Classics, major league ng mga BPO companies. Nakamit niya ang karangalan sa murang gulang, kaya nasabi niyang, “… pag gusto mo ang isang bagay, magagawan mo ng paraan upang makamitt ito…minsan kasi choice lang lahat yan…kung choice mong mag-excel, eh, di sipagan mo…kung gusto mong maging tamad, eh, di choice mo pa rin yon”. Dagdag pa niya, “the choices we make today will determine our future…in personal matters, and in sports…I am a simple kid lang before na mahilig maglaro ng basketball sa village court kahit tanghaling tapat…nangarap at nagsipag para makasama din sa isang varsity team na natupad naman…nagpapasalamat ako sa mga taong nagturo sa akin noong bata pa ako…una, dahil wala silang bayad at ang goal nila ay may matutunan ako at mga kababata ko, kasama ang pag-enhance ng skills na meron na kami…at, ang isa pang masasabi ko ay natuto ako dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ko na rin…naniniwala ako na kaya kong makipag-compete sa iba…I am not born talented but I am born with determination to work hard coupled with determination.” Nagtatrabaho si Ian ngayon bilang Learning and Development Analyst or e-Learning Developer, ngunit, ang talagang balak niya noon ay maging propesor.

 

Dahil magkasama na mula noong bata pa sila, nag-usap sina Bernard at Ian tungkol sa kaya nilang gawin upang makatulong sa mga kabataan ng barangay Real Dos, at tulad ng inaasahan, sumentro ang usapan sa basketball na pareho nilang hilig. Ang unang pangarap ni Ian na maging propesor ay magagamit sa “pagturo” na animo ay titser, ng mga kabataan sa larangan ng basketball, na tatapatan naman ng pagiging maka-Diyos ni Bernard isang full-time Church worker ngayon, upang ang matutunan ng mga kabataan ay hindi “magaspang” na uri ng paglaro.

 

Nagtugma ang kanilang mga adhikain dahil para sa kanila, napapanahon na ang pagpasa ng mga natutunan nila…kung baga ay, “it’s payback time”, ayon na rin sa kanila. Hindi nila pwedeng bayaran ang mga nagturo sa kanila noon, kaya ang utang na loob ay ipapasa na lang nila sa iba. Naantig ang damdamin nila habang  pinapanood noon ang mga kabataan na nagpipilit na matutong mag-shoot ng bola at kumilos ayon sa hinihingi ng larong nabanggit. Walang technicalities at systematic organization. Umiral siguro ang mental telepathy sa pagitan nilang dalawa kaya sandal lang ay nakabuo agad sila ng mga plano. Inuna nila ang “inspirational stage” kaya nag-share sila ng mga karanasan nila sa mga kabataan upang matanim sa kanilang isipan na ang laro ay hindi lang pag-shoot o pagpasa ng bola. Ibinahagi nila ang dinanas nilang hirap at sarap upang matuto. Sumunod ay ang paggawa ng iskedyul – tuwing Sabado habang may pasukan sa eskwela, pero babaguhin pagdating ng bakasyon.

 

Sa ngayon, lahat ng gastos ay hinuhugot nina Bernard at Ian sa kani-kanilang bulsa, kasama na ang para sa paminsan-minsang snacks na kapalit ng magandang performance ng mga tinuturuan nila sa pag-practice. Hindi kasubuan ang turing nina Bernard at Ian sa pinasok nilang adhikain kaya handa sila sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sinimulan, tulad ng mga pinangarap na cones, bola, uniporme at iba pa. Hindi madaling sabihing pag-iipunan nila ang mga ito, na nakatanim sa kanilang isipan dahil sa laki ng halagang kakailanganin. Subalit tulad ng sinabi ni Ian sa unang bahagi nitong sanaysay, “kung gugustuhin ay talagang magagawan ng paraan”.

 

Naniniwala ako sa  “milagro” dahil isa ito sa mga ginagamit ng Diyos na paraan upang makapagbukas ng isipan ng tao upang siya magbago. At ang “milagro” ay nangyayari nang hindi inaasahan kung minsan, kahit hindi hinihingi ang isang bagay. Malay natin….may matanggap na “grasya” sina Bernard at Ian, ang dalawang taga-hubog ng kabataan ng Real Dos, na pondo upang magamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, at susundan pa ng magagamit naman sa pagbili ng iba pa? Manalig lang sa kapangyarihan ng Diyos, wika nga ni Bernard!…at magsikap din, wika naman ni Ian!

 

Sa pamamagitan nitong isinulat ko, nanawagan ako sa mga may gintong puso at gustong tumulong sa adhikain nina Bernard at Ian.

 

rnard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuh