Anna Bermudo: Kindness Behind a Pretty Face

Anna Bermudo: Kindness Behind A Pretty Face

By Apolinario Villalobos


When I took a respite at a Jollibee joint in Divisoria, particularly, corner of Sto. Cristo St., due to my heavy packs, I found out that I needed a separate bag for some items intended to be given to one of my friends in Baseco. It was then, that I noticed one of the crew who was cleaning tables. I told her my problem, without much ado, she left and when she came back, she had a paper bag which was just what I needed. Her prompt assistance impressed me, despite her doing something else during the time. She practically dropped everything and attended to me, although, customers were beginning to crowd the room.

Jolibe Div

My appreciation for such kind act, made me ask her permission if I can share it with friends. She shyly hesitated, but I had my chance to take her photo quickly, when she began to clean my table. She thought I was joking when I aimed my cellphone/camera for a quick shot. I found the photo to be hazy when I checked it at Baseco, so I came back to the burger joint. Luckily, I found her having a late breakfast in a sidewalk food stall near Jollibee. I practically begged her to allow me to take a clearer photo, explaining to her that what I am doing is for the benefit of others who might be inspired by people like her. Fortunately, she conceded and even cooperated by giving information about herself.

Jolibe Div 1

Although merely, a high school graduate, she courageously left her hometown in Zamboanga to seek a “greener pasture” in Manila several years ago. She had no chance of pursuing her studies, as she had been helping her family by sending whatever amount she could afford from her wage when she found a job. I could see that her right attitude has earned her a well-deserved job in the world-renown Filipino burger outfit which is also acknowledged for its fairness in dealing with employees.


Anna is pretty, an attribute that could land her a much better-paying job in cafes that could be double or triple compared to what she is earning in Jollibee. But I could surmise that despite temptations from friends, that always happen to pretty girls from the countryside, she opted to work in a family-oriented establishment. Her clean and smooth face is not covered even by a thin swipe of rouge, and she wears no jewelry, not even a single stainless ring. Her simplicity has accentuated her pretty face…. that veils an innate kindness.





Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang, Factory Worker Na, Ngayon ay may Sariling Negosyo

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang,

Factory Worker Na, Ngayon ay may sariling Negosyo

Ni Apolinario Villalobos


Noon pa man ay interesado na akong magsulat tungkol sa mga naglalako ng mga gamit na naglilibot saan mang lugar dahil nagustuhan ko ang kanilang pagtitiyaga na magandang halimbawa sa iba na ang gusto ay kumita agad ng milyon-milyon sa negosyo.


Nang makita ko ang isang grupo na kumakain noon sa karinderya malapit sa amin, nagulat ako nang tawagin ng isa sa kanila na “boss” ang kasama nila na sa tingin ko ay parang college student lang. Nakita ko rin ang mga nilalako nilang power tools tulad ng barena. Sa kahihintay ko ng tamang panahon upang makausap ng masinsinan ang tinawag na “boss” ay saka naman sila umalis sa dating tinitirhan. Mabuti na lang at makalipas ang ilang buwan ay natiyempuhan ko ang taong gusto kong kausapin sa isang karinderya na nadaanan ko.


Siya si Ryan Natividad, 26 taong gulang at may isang anak na 8 taong gulang, kasal kay Sienna Javier, at sila ay taga-Bulacan. Sa katitinda ng mga power tolls ay napadako ang grupo niya sa Cavite.


Galing siya sa isang broken family dahil grade six pa lang daw siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at siya ay napapunta sa kalinga ng kanyang nanay. Dahil sa kahirapan ng buhay, 14 taong gulang pa lang daw siya ay napasabak na siya ng trabaho sa iba’t ibang pagawaan o factory. Hindi rin siya nakatapos ng high school, kaya nang nagkaroon ng pagkakataon kalaunan ay pinasukan na rin niya ang negosyong kalye o ambulant vending sa gulang na 19 taon. Noon niya natutunan ang pagbenta ng mga power tools at kahit papaano ay nakakapag-ipon pa siya.


Sa gulang na 23 taon, naisipan niyang mamuhunan upang lumaki ang kayang kita kaya humiram siya ng 30 libong piso sa kanyang nanay upang maipandagdag sa naipon na niya. Nang lumago ng kaunti ang kanyang negosyo ay kumuha na siya ng ilang tauhan. Sa loob ng tatlong taon ay nadagdagan pa ang kanyang mga kalakal kaya ngayon, ay may apat na siyang tauhan. Nakatira sila sa isang studio type na apartment sa Bacoor City at sinusuyod nila ang mga kalapit na lunsod at bayan sa paglako ng power tools.


Sa gulang na 26 taon, nakakabilib si Ryan dahil may sarili na siyang negosyo na nagsimula sa mahigit lang sa halagang 30 libong piso. Paano na lang kaya kung ang puhunan niya ay mahigit 100 libong piso na sa tingin ng ibag tao ay “barya lang”? Sa uri ng kanyang pagsisikap, baka hindi lang apat na tao ang kanyang natulungan!


May mga seafarers at OFWs na tuwing magbabakasyon ay hindi bumababa sa 50 libong piso ang cash na nahahawakan at yong iba pa nga ay mahigit 100 libong piso. Subalit sa ilang araw pa lang nilang pagbabakasyon ay ubos na dahil sa walang pakundangang paggastos. At, kung wala nang madukot ay ang mga ipinundar na gamit naman ang binibenta, hanggang bandang huli ay uutang na. Madalas pa itong nagreresulta sa away-asawa lalo pa kung maluho ang misis. Karamihan sa mga ito ay hindi nakakaisip na mumuhunan sa isang negosyo upang maaasahan kung sakaling may mangyaring hindi maganda tulad ng pagkatanggal sa trabaho, o di kaya ay upang may “mapaglibangan” man lang para sa karagdagang kita ng mister, ang misis na naiiwan sa Pilipinas.


Kaylan kaya mag-uugaling Ryan ang mga uri ng taong nabanggit ko?


Ryan Natividad 1


The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

The “Other Side” of Divisoria (Manila, Philippines)

By Apolinario Villalobos


While Divisoria has always been known as the shoppers’ Mecca, especially, during Christmas, there is” another side” of it which I do not want to present as an image of poverty but that of perseverance, patience, and honest endeavor. This is the “other Divisoria” which many people just refuse to see as it might cause them to puke! The accompanying photos show how these honest Filipinos contentedly strive to live in sheer honesty.


The skeptics always say, “it is their fault for going to Manila and suffer deprivation”. These hypocrite skeptics have  TV, radio, and occasionally read newspapers, so they should know that the provinces from where these people who are eking out an honest living on the “other side” of Divisoria, are infested with NPAs, Abu Sayyaf, opportunistic landlords, and loan sharks. For the arrogant, the world is just for those who can afford to live decently. On the other hand, as these skeptics have not endured days of hunger, they may not understand how it is to make a difficult decision to live a hand-to-mouth life in Manila by scavenging in garbage dumps, rather than die of hunger and be in constant fear for dear life in the province.


It is true that the slums have been in existence for many decades now, but there would be no slums had the government ever since the time the nation has become independent, did not get infested with corrupt lawmakers and officials. The slums have been around since the time that deprivation and exploitation have been propagated by learned Filipinos who found their way in the halls of Congress and Senate, as well as, agencies, even at the helm of the government. Unfortunately, the seed of exploitation has grown into an uncontrollable proportion today, making corruption as wrongly and unfairly viewed to be always a part of the Filipino culture.


The striving people from the slums near Divisoria, and other districts of Manila, in this regard, may be viewed by the arrogant as akin to dogs and cats, because of their many children, oftentimes making them utter unsavory remark, such as, “they know they are poor, yet, they keep on having children”.


How I wish these skeptics can also openly, make biting remarks –

  • to the corrupt politicians and government officials, such as, “they graduated from prestigious universities and colleges, yet, they do not know what is right or wrong”


  • to the filthy rich, such as, “they have plenty of money, yet they can’t even throw a piece of bread to a beggar”


  • to the stiff-necked Catholic priests, pastors, and other religious ministers such as, “they are supposed to be representatives of the Lord, but they can’t afford to take a look at the spiritually hungry”


Finally, compared to the disgusting hypocrites, loan sharks, corrupt government officials, arrogant “religious ministers” and conscienceless rich, who are supposed to be learned and intelligent, the people who honestly make a living such as those who belong to the “other side” of Divisoria, are worthy to be called creatures of God – true human beings…slum denizens who are viewed by aforementioned with utter repugnance.


(This blog will definitely, not hurt those who do not belong to the mentioned “classes” of loathsome Filipinos.)



Farewell…Eboy (for Eboy Jovida)


(for Eboy Jovida)

By Apolinario Villalobos


In this world you’ve ceased to live

But in our heart and mind

You shall linger with a smile –

And, it shall never fade in time.


You’ve tried to be the best you could –

Husband, father… friend

In songs you have crooned

Even the calm you well feigned.


Farewell…to the best father, farewell!

Friend, you’re a delight

Ride on the glory of our love

As you journey towards that Light!

Eboy Jovida




Bernard Fetalvero-de la Cruz at Ian Paredes-Atrero…naghuhubog ng mga kabataan ng Barangay Real Dos (Bacoor City)

Bernard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuhubog ng mga kabataan ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos


Kabataan pa lang niya ay nakitaan na si Bernard de la Cruz, 26 taong gulang ngayon, ng pagkahilig sa basketball, kaya hindi nakapagtataka ng naglaro siya sa koponan ng SFACS high school at sa college naman ay naging varsity player ng kanilang paaralan, ang Emilio Aguinaldo College. Nasa lahi nila ang pagiging basketbolista dahil ang kanyang tatay ay naging PBA player. Mapalad si Bernard dahil noong kabataan niya ay hindi pa uso ang computer at internet café kaya ang panahon niya ay nagugol sa paglaro ng basketball. Malaki ang pasasalamat niya kay Wilson “Bong” de Jesus sa paghubog sa kanya pati na ang iba pa niyang kababata sa paglaro ng basketball. Hindi naging maramot si Bong sa pagbahagi ng mga nalalaman niya sa larong ito, kaya maraming natutuhan si Bernard at ang iba pang mga kabataan. Natanim sa pagkatao ni Bernard ang disiplina kaya madali niyang natutunan ang iba’t ibang teknik sa paglaro tulad ng pag-“grind”.


Ngayon, maliban sa pag-alaga ng nanay niyang na-stroke, full time din siyang Church worker na nagtitiyaga sa pagtuturo ng pag-unawa sa Bibliya sa mga kabataan ng barangay. Ayon sa kanya,

“…masaya na ako na gumagaling ang mga kabataan sa paglaro ng basketball at nalalayo sila sa masamang bisyo…nagiging responsible at disiplinado. At, naisi-share ko din yung faith ko kay Jesus Christ sa kanila….si Ian ang team mate ko na super solid brother ko in this life and the next ay nandiyan din na palagi kong katuwang.” Malaking bagay din ang pagiging magka-tandem nila ni Ian. Naging matatag ang spiritual foundation nito dahil sa naibabahagi niyang mga ispiritwal na bagay, lalo na ang pananalig sa Diyos.  Dahil sa tiwala nila sa isa’t isa, nabuo nila ang team ng mga kabataan ng Real Dos. Dagdag pa niya, “ang main goal talaga namin ni Ian sa pagtuturo ng basketball is to honor God, and to share our faith with the youth…guide them to become better persons on and off the court…kaya, lahat ng ginagawa namin is to honor God dahil sa paniniwala kong all glory belongs to Jesus, at lahat ng ginagawa namin ay in His name.”


Tulad ni Bernard, si Ian Atrero, na ngayon ay 25 taong gulang na, ay unang natutong maglaro ng basketball sa Perpetual Village 5 noong kabataan niya. Malaking bagay sa kanya ang mga natutunan niya dahil napasama siya sa Adamson Junior Falcons sa loob ng dalawang taon – 1969 at 1970. Napasama din siya sa coaching staff para sa “Camp and Play Basketball”  na pinangunahan noon ni Coach Dayong Mendoza, na coach din niya noong siya ay nasa high school. Si Mendoza ang naging inspirasyon ni Ian sa adbokasiyang paghubog ng mga kabataan ng Real Dos. Dahil sa inspirasyong nabigay ni coach Mendoza sa kanya, sumidhi ang pagpursige niya na lalong matuto sa larong ito.


Naging MVP siya ng BPO Classics, major league ng mga BPO companies. Nakamit niya ang karangalan sa murang gulang, kaya nasabi niyang, “… pag gusto mo ang isang bagay, magagawan mo ng paraan upang makamitt ito…minsan kasi choice lang lahat yan…kung choice mong mag-excel, eh, di sipagan mo…kung gusto mong maging tamad, eh, di choice mo pa rin yon”. Dagdag pa niya, “the choices we make today will determine our future…in personal matters, and in sports…I am a simple kid lang before na mahilig maglaro ng basketball sa village court kahit tanghaling tapat…nangarap at nagsipag para makasama din sa isang varsity team na natupad naman…nagpapasalamat ako sa mga taong nagturo sa akin noong bata pa ako…una, dahil wala silang bayad at ang goal nila ay may matutunan ako at mga kababata ko, kasama ang pag-enhance ng skills na meron na kami…at, ang isa pang masasabi ko ay natuto ako dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ko na rin…naniniwala ako na kaya kong makipag-compete sa iba…I am not born talented but I am born with determination to work hard coupled with determination.” Nagtatrabaho si Ian ngayon bilang Learning and Development Analyst or e-Learning Developer, ngunit, ang talagang balak niya noon ay maging propesor.


Dahil magkasama na mula noong bata pa sila, nag-usap sina Bernard at Ian tungkol sa kaya nilang gawin upang makatulong sa mga kabataan ng barangay Real Dos, at tulad ng inaasahan, sumentro ang usapan sa basketball na pareho nilang hilig. Ang unang pangarap ni Ian na maging propesor ay magagamit sa “pagturo” na animo ay titser, ng mga kabataan sa larangan ng basketball, na tatapatan naman ng pagiging maka-Diyos ni Bernard isang full-time Church worker ngayon, upang ang matutunan ng mga kabataan ay hindi “magaspang” na uri ng paglaro.


Nagtugma ang kanilang mga adhikain dahil para sa kanila, napapanahon na ang pagpasa ng mga natutunan nila…kung baga ay, “it’s payback time”, ayon na rin sa kanila. Hindi nila pwedeng bayaran ang mga nagturo sa kanila noon, kaya ang utang na loob ay ipapasa na lang nila sa iba. Naantig ang damdamin nila habang  pinapanood noon ang mga kabataan na nagpipilit na matutong mag-shoot ng bola at kumilos ayon sa hinihingi ng larong nabanggit. Walang technicalities at systematic organization. Umiral siguro ang mental telepathy sa pagitan nilang dalawa kaya sandal lang ay nakabuo agad sila ng mga plano. Inuna nila ang “inspirational stage” kaya nag-share sila ng mga karanasan nila sa mga kabataan upang matanim sa kanilang isipan na ang laro ay hindi lang pag-shoot o pagpasa ng bola. Ibinahagi nila ang dinanas nilang hirap at sarap upang matuto. Sumunod ay ang paggawa ng iskedyul – tuwing Sabado habang may pasukan sa eskwela, pero babaguhin pagdating ng bakasyon.


Sa ngayon, lahat ng gastos ay hinuhugot nina Bernard at Ian sa kani-kanilang bulsa, kasama na ang para sa paminsan-minsang snacks na kapalit ng magandang performance ng mga tinuturuan nila sa pag-practice. Hindi kasubuan ang turing nina Bernard at Ian sa pinasok nilang adhikain kaya handa sila sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sinimulan, tulad ng mga pinangarap na cones, bola, uniporme at iba pa. Hindi madaling sabihing pag-iipunan nila ang mga ito, na nakatanim sa kanilang isipan dahil sa laki ng halagang kakailanganin. Subalit tulad ng sinabi ni Ian sa unang bahagi nitong sanaysay, “kung gugustuhin ay talagang magagawan ng paraan”.


Naniniwala ako sa  “milagro” dahil isa ito sa mga ginagamit ng Diyos na paraan upang makapagbukas ng isipan ng tao upang siya magbago. At ang “milagro” ay nangyayari nang hindi inaasahan kung minsan, kahit hindi hinihingi ang isang bagay. Malay natin….may matanggap na “grasya” sina Bernard at Ian, ang dalawang taga-hubog ng kabataan ng Real Dos, na pondo upang magamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, at susundan pa ng magagamit naman sa pagbili ng iba pa? Manalig lang sa kapangyarihan ng Diyos, wika nga ni Bernard!…at magsikap din, wika naman ni Ian!


Sa pamamagitan nitong isinulat ko, nanawagan ako sa mga may gintong puso at gustong tumulong sa adhikain nina Bernard at Ian.


rnard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero



Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ni Apolinario Villalobos


Nabanggit ko na noon sa naunang blog kung paanong sa gulang na 9 na taon ay ipinuslit si Duday mula sa Negros, sa pamamagitan ng “pag-empake” sa kanya sa isang karton upang maisakay sa barko at hindi masita ang recruiter. Nabanggit ko rin noon kung paano siyang ikinulong sa kulungan ng asong pit bull ng malupit niyang amo dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa mga makabagong gamit, ay nasira niya ang rice cooker. At, sa loob ng dalawang linggo ay nadanasan niyang kumain ng dog food dahil isang beses lang sa isang araw kung siya ay bigyan ng pagkain. Upang makumpleto ang maiikling yugto ng kanyang buhay ay binanggit ko rin kung paano siyang pinagpasa-pasahan ng iba’t ibang amo na parang isag gamit, at ang pinakasukdulan ng kanyang pagdurusa ay nang lokohin siya ng isang kaibigan na nagtangay ng pinaghirarapan niyang pera na mahigit sampung libong piso.


Ngayon, inaamin ni Duday na halos hindi na niya matandaan ang mga mukha ng mga kaanak sa Negros. Ganoon pa man, sa halip na ituon ang isip sa mga nakaraang problema ay pamilya niya ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon kaya upang makatulong sa asawa ay tumanggap ng labada mula sa mga taong nagtiwala sa kanya (hindi ko nabanggit sa unang blog), hanggang sa maisipan niyang magbenta ng ulam at mga pagkaing bata (tsitseryang piso ang isang balot) sa tindahan niya nasa labas lang ng kanilang tirahan. Sa ganitong paraan ay hindi na niya naiiwan ang mga anak. Ang tindahan ni Duday ay “nakasandal” sa firewall ng gusaling may mga paupahang kuwarto, na pag-aari ng taong nagmagandang loob sa kanila na nagbigay ng libreng tirahan, at ang kapalit ay ang pagbantay nila sa nasabing gusali.


Apat ang anak ni Duday, may mga gulang na 9 hanggang 5 taon kaya upang makapamili sa palengke ng mga gagamitin sa tindahan, umaalis siya sa madaling araw, 4:00 AM,  upang pag-uwi niya bandang 5:30 AM, ay nakakapaghanda pa siya ng almusal ng kanyang mga anak. Kung minsan ay nakakatulong ang kanyang asawa sa pag-asikaso ng mga bata kung hindi pa ito nakakaalis ng bahay upang pumasok sa trabaho.


Pagkagaling sa palengke ay nililinis na muna niya at inihahanda ang mga iluluto. Paggising ng mga bata ay nakahanda na ang almusal na kape at tinapay lang naman. Habang kumakain ang mga bata ay ilalabas naman niya ang apat na mahahabang yerong luma at kalawangin upang isandal sa bubong bilang harang sa init at sikat ng araw lalo na sa tanghali hanggang hapon. Kung may palalambuting iluluto tulad ng butu-buto ng baka, ito ang una niyang isinasalang sa lutuang kahoy ang panggatong. Isusunod niya ang iba pang madaling iluto, pati na ang isasaing na bigas. Habang may nakasalang, ay ilalabas naman niya ang mga pagkaing bata upang isabit – ilang piraso lang naman.


Pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong oras ay tapos na niyang iluto ang mga ulam kaya maaari nang i-display sa kanyang tindahan. Nananatiling bukas ang kanyang maliit na tindahan hanggang alas otso ng gabi upang makapagbenta man lang ng kape sa mga kapitbahay. Sa madaling salita, ang isang araw ni Duday ay nagsisimula sa madaling araw hanggang alas otso ng gabi. At sa “pagsara” niya ng tindahan ay hahakutin uli niya ang mahahabang yero sa loob ng compound upang hindi manakaw….mag-isa niya itong ginagawa kung wala ang kanyang asawa.


Ang tanong ko sa mga misis na reklamador sa kabila ng pagkakaroon ng mapagmahal na mister at masaganang daloy ng pera mula sa ATM tuwing araw ng suweldo niya….kaya ba ninyo ang ginagawa ni Duday? Kung hindi, mag-sorry kayo sa mister ninyong madalas ninyong awayin dahil sa madalas niyang pag-overtime o dahil hindi kayo naibili ng mamahaling alahas na ginto sa araw ng inyong bertdey!


Ang isa pang leksiyon sa kuwento ng buhay ni Duday…. magpasalamat tayo kahit sa katiting na biyaya lalo na ang pagkaroon ng magandang kalusugan upang ma-enjoy natin ang buhay sa mundo. Magpasalamat ang mga hindi niresetahan ng mga gamot para sa iba’t ibang sakit, at para sa “maintenance” ng kalusugan. Hindi ko na isa-suggest na mag-share ng pera ang may sobra-sobra nito dahil alam kong sasama lang ang loob nila at baka mag-comment lang ng, “bahala sila sa buhay nila”, kaya sasama naman ang loob ko.


At higit sa lahat……huwag humingi ng limpak-limpak na salapi kay Lord sa pamamagitan ng dasal at baka kung mainis Siya ay kidlat ang ipatama sa makukulit na mukhang pera habang nagdadasal sa loob ng mga katedral! Sa dami ng mga mukhang pera ngayong nagdadagsaan sa mga katedral upang humingi ng pera kay Lord, siguradong mawawasak ang mga katedral kapag sabay na tumama ang mga kidlat!



Be Sensitive to the Desire of Others for Privacy and Mutual Respect

Be Sensitive to the Desire of Others

for Privacy and Mutual Respect

By Apolinario Villalobos


Be sensitive to what our friends want when it comes to their privacy and their subtle desire to be respected as they do to us. We should not throw our weight around them or be nosy about their private affairs, or be too fatherly or motherly, or too elderly in treating them. Some people or friends for that matter are too shy to protest against our intrusive acts. Take note that not everybody is boastful or arrogant or too self-confident, if we have that kind of personality. Be sensitive about our friends’ body language as a simple silence could mean a lot.


We should always remember that what may be applicable to us, may not apply to them. If we allow for instance, friends to just barge in our home without knocking at the door anytime of the day, some of our friends may not, as they consider such act as too presumptuous or worse, abusive. Some friends may not want to be asked about any problem that might be nagging them, as their overly private character has made them too secretive about such sensitive matter.


We should learn how to “give a suggestion” instead of “impose an advice” just because those we want to help are younger than us or belong to a lesser social status. Let respect of their person and wisdom prevail. In this regard and based on my encounters, I found that even some of those who have earned only elementary education have wiser or sounder decisions than those who got educated in prestigious colleges and universities to earn “high-end courses”.


Finally, be careful and ever gentle in browsing through the pages of a book and most of all…do not judge it by its cover.


When Friendship is Falsified and Abused

When Friendship is Falsified and Abused

By Apolinario Villalobos


Friendship can be tagged with related words such as congeniality, hospitality, love, trust, intimacy and many more synonyms that go with positive relationship between two and among many people.


The problem with some people is that they do not have the common sense of assessing their capacity to manifest friendship to the point of falsifying it, so that at the end, they feel bad if they think their congeniality has been abused. At the start, they should have restrained themselves from giving hints to others that their being “accommodating” is limitless.


Manifestation of friendship may vary according to the degree of closeness and trust that one would like to show to their friends. In this regard, some friends may just be good for drinking sprees, some as buddies who can be trusted even with personal problems, some as sources of financial support, some as “escorts” in elitist occasions or ballroom dancing and some may be fortunately treated as best friends forever or “bff”.


On the other hand, some people abuse the friendship shown to them, especially, on the aspect of finances. They assume that because of friendship, they can always borrow money from their rich friends without even the courtesy of an excuse if they failed to pay back on time, though most often, they really have no intention of doing such. Some also, practically exploit their “friends” whose social status is lesser than theirs, by treating them as some kind of servants whose usefulness is good in doing errands, driving them around, cooking for them during special occasion at home, etc, but never brought along to discriminatory  parties of elite colleagues.


There are “true friends”, no doubt about that, but we should try to understand the extent of the sincerity in such kind of relationship. We should not feel bad, therefore, if we find out that we are left out during some occasions, or we do not know some goings on, finding them out only in photos posted on facebook. In other words, as already aforementioned, a person has a “fitting role” to play in the life of his or her friends depending on their need, and the former’s skill or character. That is a fact that should be accepted, for a Biblical legend says that even God has His own “chosen people”….His “true and trusted friends”….but who, at the end, betrayed His trust!


Nevertheless, one sure occasion that all kinds of friends can really bond together is the school reunion during which, even “enemies” during school days embrace, kiss and shed tears of excitement and joy that overshadow boxing and kicking bouts, spats and hair pulling incidents in the past!



Allan: Taho Vendor na Nag-aruga at Nagmahal ng Batang Anak sa Pagkakasala ng Misis

Allan: Taho Vendor na Nag-aruga at Nagmahal

Ng Batang Anak sa Pagkakasala ng Misis

Ni Apolinario Villalobos


Madaling araw nang makasakay ko si Allan Recato sa jeep papuntang Baclaran.  Masuwerte siya at pinasakay siya ng drayber ng jeep dahil ang iba ay ayaw sa mga magtataho na ang dalawang timbẳ ay kumakain ng malaking espasyo na ayaw ng ibang pasahero. Galing Cavite ang jeep na iilan lang ang sakay. Dahil magkaharap kami, naramdaman ko ang ang mainit na singaw ng taho mula sa timbẳ nitong stainless na ang bigat ay mahigit 30 kilo.


Payat si Allan kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong kung okey lang siya. Nakangiti siyang sumagot na okey lang naman dahil mahigit 18 taon na niyang pinagtitiyagaan ang pinagkikitaan niyang ito. Sa kabubusisi ko ay nalaman kong apat ang anak niya pero nang tanungin ko kung ano ang trabaho ng misis niya, hindi agad siya sumagot. Bandang huli ay sinabi niyang “inabandona” sila ng misis niya dahil nakakita na ng bagong asawa sa abroad…sa Gitnang Silangan. Wala na silang kontak sa isa’t isa.


Naging palagay yata ang loob niya sa akin kaya tuluy-tuloy lang ang pagbigay niya ng impormasyon tungkol sa pamilya niya kaya nalaman ko rin na ang panganay niya ay 17 taong gulang na at ang gusto ay maging nurse. Ang sumunod na dalawa, 13 at 12 taong gulang ay inabot ng K-12 program kaya pinag-iipunan naman niya ang pang-matrikula. At, ang bunsong 6 na taong gulang ay nasa elementarya pa. Habang nagsasalita siya ay kinunan ko siya ng litrato dahil pumayag naman, pero bago yon ay talagang inamin kong balak kong isulat ang makulay niyang buhay. Naputol ang usapan namin nang bumaba ako sa kanto ng MIA Road.


Habang naglalakad ako papunta sa bahay ng kaibigan kong nakaratay upag hatiran ng mga pagkain at diaper, ay naalala kong hindi pala kami nagpalitan ng celfon number, lalo pa at naramdaman kong parang may gusto pa akong dapat malaman.


Kagustuhan yata ng Diyos na maisulat ko talaga ng maayos ang buhay ni Allan dahil pagkagaling ko sa kaibigan ko at sumakay ng jeep papuntang Baclaran, nadatnan ko siyang nakatayo malapit sa LRT station. Upang hindi na magkalimutan, nagpalitan agad kami ng numero, at noon ko nalaman na hindi pala talaga siya taga-Las Piἧas, kundi taga-Pasay. Pumupunta lang pala siya sa Las Piἧas tuwing madaling araw upang humango ng taho upang ibenta, at ginagawa niya ito dalawang beses sa maghapon. Pagbaba niya ng Baclaran ay naglalakad na siya papuntang Taft Avenue sa Pasay hanggang makarating sa Vito Cruz, sa Malate na bahagi na ng Maynila.


Sa pag-uusap namin uli, humingi siya ng tulong kung paanong matunton ang misis niya na ang pagkaalam niya ay kung ilang beses na nagpalit ng pangalan. Ipinakita niya sa akin ang larawan ng misis niya at lalaking kinakasama nito. Walang kagatul-gatol ding inamin niyang ang bunso niyang anak ay hindi niya talagang tunay na anak kundi anak ng misis niya sa bagong lalaking kinakasama. Umuwi lang pala ito noon nang mabuntis at upang sa Pilipinas isilang ang anak niya sa pagkakasala. Akala ni Allan ay magbabago ang misis niya pagkatapos maisilang ang bata, subalit, nang mailuwal ay iniwan na silang tuluyan. Masakit man, ay tinanggap na lang niya ang kanyang kapalaran. Pinipilit na lamang niyang igapang ang pangangailangan nilang mag-aama, pero para sa kursong nursing ng kanyang panganay, hihingi daw siya ng tulong sa kanyang dalawang kapatid.


Kaya pala noong sa jeep pa lang kami nag-uusap, parang may gusto pang sasabihin si Allan sa akin subalit bigla akong bumaba. Mabuti na lang din at parang may lakas na tumugaygay sa akin patungo sa LRT kung saan siya nakapuwesto na parang hinintay lang ako, dahil pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya upang ituloy ang paglako ng taho. Sa Ingles, ang tawag yata sa ganoong uri ng lakas  ay “Divine Providence”.


Sa gulang na 41 taon, bakas sa mukha ni Allan ang mga hagupit ng kapalaran kaya sa biglang tingin ay mukha siyang mahigit nang 60 taong gulang, lalo pa’t halos puti na rin ang kanyang buhok. Nang maghiwalay kami uli ay pinalakas ko ang kanyang loob at nangakong magkikita uli kami upang makilala rin ang kanyang mga anak. Habang naglalakad akong palayo ay pinagdasal ko na lang na sana ay huwag siyang magkasakit dahil ang tingin ko ay parang bumabagsak na ang kanyang katawan na nakikita sa sobra niyang kapayatan.




Just Keep Quiet and Pray

Just Keep Quiet and Pray

By Apolinario Villalobos


If you cannot part with your coins as your neighbor does who reaches out to others with gladness in their heart…just keep quiet and for them…pray.


If you cannot speak for the sake of others, though you know you can, but still refuse, while others do with boldness in their heart…jut keep quiet and for them…pray.


If you cannot afford to open your heart to others so that you may feel for them with compassion, as others do without hesitance…just keep quiet and for them…pray.


If you cannot stand for Jesus’ words, and Whose legacy is a bunch of virtues that can be lived so that they may prosper while emulated and shared…just keep quiet and for them…pray.


Don’t hold others back as they move on while waving the standard of charity, for if you don’t want to join the throng…better step aside…just keep quiet and for them…pray.


Don’t utter discouragements in an effort to douse the enthusiasm of others who want to brighten up the gloomy world with love…better step aside…just keep quiet and for them…pray.


Don’t taunt the courage of others in treading on strange paths that lead to where the neglected are huddled, for if you cannot do it…better step aside…just keep quiet and for them…pray.


Don’ jeer at the sympathy that others show to the less privileged because for you, it’s none of their business…better step aside…just keep quiet and for them…pray.


You can help others who want to make the world a pleasant place to live in…just keep quiet and for them…pray.


May the Lord bless you a million fold…this for you, I pray!