Anna Bermudo: Kindness Behind a Pretty Face

Anna Bermudo: Kindness Behind A Pretty Face

By Apolinario Villalobos

 

When I took a respite at a Jollibee joint in Divisoria, particularly, corner of Sto. Cristo St., due to my heavy packs, I found out that I needed a separate bag for some items intended to be given to one of my friends in Baseco. It was then, that I noticed one of the crew who was cleaning tables. I told her my problem, without much ado, she left and when she came back, she had a paper bag which was just what I needed. Her prompt assistance impressed me, despite her doing something else during the time. She practically dropped everything and attended to me, although, customers were beginning to crowd the room.

Jolibe Div

My appreciation for such kind act, made me ask her permission if I can share it with friends. She shyly hesitated, but I had my chance to take her photo quickly, when she began to clean my table. She thought I was joking when I aimed my cellphone/camera for a quick shot. I found the photo to be hazy when I checked it at Baseco, so I came back to the burger joint. Luckily, I found her having a late breakfast in a sidewalk food stall near Jollibee. I practically begged her to allow me to take a clearer photo, explaining to her that what I am doing is for the benefit of others who might be inspired by people like her. Fortunately, she conceded and even cooperated by giving information about herself.

Jolibe Div 1

Although merely, a high school graduate, she courageously left her hometown in Zamboanga to seek a “greener pasture” in Manila several years ago. She had no chance of pursuing her studies, as she had been helping her family by sending whatever amount she could afford from her wage when she found a job. I could see that her right attitude has earned her a well-deserved job in the world-renown Filipino burger outfit which is also acknowledged for its fairness in dealing with employees.

 

Anna is pretty, an attribute that could land her a much better-paying job in cafes that could be double or triple compared to what she is earning in Jollibee. But I could surmise that despite temptations from friends, that always happen to pretty girls from the countryside, she opted to work in a family-oriented establishment. Her clean and smooth face is not covered even by a thin swipe of rouge, and she wears no jewelry, not even a single stainless ring. Her simplicity has accentuated her pretty face…. that veils an innate kindness.

 

 

 

 

Masarap Sana, Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Masarap Sana,  Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

 

Masarap sana ang mabuhay sa mundo, kung hindi magulo at walang mga kalituhan. Dahil ito sa likas na ugali ng taong mapanlamang, mapag-imbot, at maramot na kadalasang  tumatalo sa mga mabubuting ugali na mapagpakumbaba, mapagbigay, at bukas-palad. Kung mapagpakumbaba ka, siguradong yayapakan ang iyong mga karapatan. Kung mapagbigay ka, siguradong itutulak ka lang sa tabi ng mga mapag-imbot. Kung bukas-palad ka kaya maluwag sa loob ang pagtulong sa kapwa, aabusuhin ka naman.

 

Dahil sa nabanggit na mga kalituhan, yong isa kong kaibigan, ay halos ayaw nang lumabas ng bahay upang makaiwas sa mga hindi magandang mangyayari sa kanya. Dahil sa ginawa niya, itinuring siya ng mga ungas niyang kapitbahay na “makasarili”. Sabi niya minsan sa akin, kung magpapaputok siya ng baril sa kalye siguradong sasabihin ng mga kapitbahay niyang “siga” siya. Sinabihan ko na lang na madaling araw pa lang ay umalis na siya at umatend ng misa sa Baclaran o Quiapo, pagkatapos ay mamigay ng tulong sa squatter’s area at kapag padilim na ay saka na lang siya umuwi – walang mga ungas na kapitbahay ang makakakita sa kanya. Sabi ko nga sa kanya ay maswerte siya at ungas lang ang mga kapitbahay niya…hindi mapagkunwari at mainggitin.

 

Hind lang sa pakikipagkapwa-tao ang may kalituhan, kundi kahit na rin sa mga bagay na kailangan upang mabuhay tulad ng pagkain. Kailangan daw ay kumain ng gulay at isda dahil masustansiya ang mga ito. Subali’t sa palengke, hindi lang isda ang nilulublob sa “formalin”,  ang kemikal na ginagamit sa pag-embalsamo, kundi pati na rin mga gulay upang hindi malanta agad. Ang karagatan at mga ilog na tinitirhan ng mga isda ay marumi na rin. Ang mga nahiwang gulay ay nilulublob sa tawas upang hindi mangitim tulad ng hiniwang langkang nakagawiang iluto sa gata at talong na tinanggalan ng bulok na bahagi, pati binalatang gabi, kamote, at patatas. Ang mga gulay sa pataniman ay alaga din sa mga chemical na pamatay-peste habang lumalago. Yong sinasabing mga “organic” daw ay hindi rin sigurado dahil maraming mga nagtitindang mahilig magsinungaling, makabenta lang. Kung totoo man, ay nakakakuha naman ang mga ito ng lason mula sa hangin.

 

Ang mga karne ay may mga anti-biotic, kaya ang akala ng isang kumpanyang nagdede-lata ng produktong karne ay bobo lahat ng mamimili dahil sinasabi ng ads nila na walang sakit ang mga baboy at manok nila – siyempre, dahil alaga sa antibiotic!…talaga din namang kumita lang, lahat ay gagawin upang makapanlinlang. At, yong mga batang lumaki sa gatas at karne ng hayop, ngayon ay may ugaling hayop na rin…dahil kung hindi man bastos ay lapastangan at suwail pa!

 

Ang mga softdrink lalo na ang “Cokes” (tawag yan ng Bisaya sa Coke”), na pampagana sa pagkain kahit bagoong, toyo, o patis lang ulam ay nakakasira ng kidney at atay. Kung mag-ulam naman palagi ng instant noodles na pinakamura at pinakamadaling iluto, subalit ginamitan ng kemikal upand hindi magdikit-dikit, ay lalo namang sisira ng kidney. Mismong bigas na sinasaing ay may mga chemical din upang hindi kainin ng uod at kuto habang nakaimbak sa bodega, kung saan ay iniispreyhan pa sila upang hindi upakan ng mga daga at ipis.

 

Ang instant na kape ay dumaan din daw sa mga paraan o process na nangailangan ng mga kemikal na hindi maganda sa katawan kahit pa sabihing nakakatulong ang inuming ito sa paglusaw ng cholesterol at bara sa daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang asukal na puti ay mayroong bleaching chemical na nagpaputi sa dating manilaw-nilaw na katas na ito ng tubo. Naka-imbento ng artipisyal na asukal upang makaiwas sa diabetes, subalit nakakasira naman din daw ng kidney.

 

Pati mga bitamina na ginagawa sa mga laboratoryo ay pinagdududahan na rin. Kahit maliit lang ang sumobra sa naimon ay magsasanhi na ng overdose na maaari pang maging sanhi ng sakit. Sa puntong ito, ang mga gamot na akala natin ay nakakapandugtong ng buhay ay hindi rin pala magandang basta na lang iinumin, kaya mismong anti-biotic ay hindi na rin ligtas.

 

Ano pa nga ba at, animo ay nag-uunahan ang mga bahagi ng katawan natin kung alin sa kanila ang unang manghihina hanggang bumigay  dahil sa mga pagkaing akala natin ay pampahaba ng buhay, yon pala ay may mga lasong unti-unting nakakamatay. Kaya siguro, madalas na payo ng doctor sa pamilya ng pasyente na may taning na ang buhay, ay pagbigyan na lang ito sa lahat ng hihilingin niyang pagkain dahil wala na rin namang mangyayari bunsod ng lasong nagkakaiba lang ang dami sa bawat pagkain.  Ang maratay dahil sa sukdulang epekto ng lason na nakukuha natin sa mga pagkain at hangin ang ultimate na sitwasyon kung saan ay talagang angkop ang kasabihang, “no choice” at “…no turning back”.  Ang kalagayan ring ito ang nagpapakita na ang tao ay nagsi-self destruct!

 

 

 

 

Pastil: Versatile One-dish Meal of Muslim Filipinos

Pastil: versatile one dish meal

Of Muslim Filipinos          

By Apolinario Villalobos

 

If you have ventured into a Muslim community, you may notice a delicacy neatly wrapped in a banana leaf. It is called “pastil”, a special kind of rice with a spoonful of viand on top– either fish or chicken. While the fish takes a shorter time to cook, the shredded chicken takes more, for as long as two to three hours to ensure its softness. The fish is flavored with “palapa”, a hot chili and shallot- based condiment, while the chicken is cooked in its own oil enhanced with a small amount of coconut or vegetable oil, toasted garlic, and with shallot and hot chili as optional ingredients.

 

In Manila, the place to go for this one-dish meal is the Islamic Center in Quiapo. While it can be partaken as is, some prefer to have other dish to go with it. At the Islamic Center’s halal carinderias and sidewalk eateries, the choices for other main dishes are chunks of young jackfruit cooked in coconut milk, red beans in coconut milk, broiled tuna, mudfish or tilapia, boiled eggs, stir-fried vegetables in herbs, and chicken cooked in thick coconut milk.

 

For dessert, one can have the Muslim version of “fruit salad” which is a soupy combination of gelatin and fruits in season flavored with milk and sweetened with brown sugar. It is different from the “dry” version of fruit salad which is topped with ice cream and shaved ice.

 

Variably, “pastil” is also called “patil” in other parts of Muslim Mindanao, and the preparation varies according to the added spice or condiment. The price however, does not vary, as the price is  fixed at ten pesos per wrap.

Pastil

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon

Evelyn Borromeo: Buhay at Sigla ng mga Pagtitipon

Ni Apolinario Villalobos

 

Belen ang palayaw niya at kilala siya sa subdivision nila dahil sa likas na ugaling matulungin. May marinig lang siyang kuwento tungkol sa isang taong hirap sa pag-submit ng mga papeles sa ano mang ahensiya ng gobyerno, siya na mismo ang nagkukusa ng kanyang tulong. Kung mayaman ang nagpapatulong, binibigyan siya ng pamasahe at pang-miryenda, pero kung kapos sa pera, tinatanggihan niya ang inaabot sa kanya. Nakakarating siya sa Quezon City, Cubao, Pasay, Maynila, Trece Martirez at humaharap din sa Mayor ng Bacoor City o kung sino pang opisyal ng lungsod kung kailangan. Kung hindi nga lang siya anemic ay baka regular din siyang nagdo-donate ng dugo sa mga nangangailangan.

 

Kahit babae siya, pinagkatiwala sa kanya ng Perpetual Village 5 Homeowners’ Association ang pag-asikaso sa basketball court at mga palaruang pambata sa magkabilang dulo nito. Officially, siya ang Administrator ng area na yon ng subdivision, kaya kapag may gagamit ng ilaw sa gabi sa paglaro ng basketball court, siya ang nilalapitan. Dahil saklaw din niya ang “cluster” na sumasakop sa tatlong kalyeng nakapalibot sa basketball court, kung may gulo, siya pa rin ang tinatawag. Matapang siya at walang pinangingilagan, palibhasa ay dating “batang Pasay”. Tawag ng iba sa kanya sa lugar nila ay “amasona”…subalit ibang pagka-amasona, dahil ang tapang niya ay ginagamit niya para sa kapakanan ng iba. Hindi siya ang tipong matapang na bara-bara ang dating.

 

Naging presidente din siya ng subdivision nila at noong kanyang kapanuhanan ay marami siyang nagawa upang mapaganda pa ang kanilang lugar. May mga nag-uudyok sa kanyang tumakbo sa Barangay, pero ang mga malalapit sa kanya ay nagpayo na huwag na dahil baka magkasakit lang siya lalo pa at inaasikaso din niya ang kanyang asawang si Nelson na nagpapagaling sa ‘stroke”. Sa totoo lang siguro, ayaw nilang mawala si Belen sa kanilang subdivision bilang Administrator ng basketball court at Cluster Leader.

 

Tuwing umaga, ang unang ginagawa niya ay i-check kung saan nagwo-walking upang mag-exercise ang kanyang asawa, na malimit ay sa basketball court lang naman. Pagkatapos ay bibili na siya ng pan de sal at sopas para sa mahal niyang asawa. Sinusubuan din niya ito, subalit hindi niya pinapakita sa iba (nahuli ko lang siya minsan), dahil hindi siya “showy” o pakitang-tao sa kanyang pagmamahal dito. Kahit nakakapagtiyaga siya sa mga simpleng ulam lalo na gulay, pino-problema pa rin niya ang uulamin ng mga kasama niya sa bahay kaya kung minsan ay napapahiwalay ang ulam niya mapagbigyan lang iba na ang gusto ay karne.

 

Maganda ang pagkahubog ng pagkatao ni Belen dahil ang mga magulang niya ay huwaran sa sipag at pagpapasensiya. Lumaki siya sa palengke ng Pasay (Libertad market) kaya batak ang katawan niya sa hirap. Noong nag-aaral pa siya, maaga siyang gumigising upang makatulong muna sa paglatag ng paninda nila bago siya papasok sa eskwela. Pagkagaling naman sa eskwela diretso uli siya sa puwesto nila upang tumulong sa pagtinda. Magaling sa diskarte at sales talk si Belen…madali siyang paniwalaan. Kung nagkataong nakatapos siya ng pag-aaral, malamang ay maski hanggang puwestong Vice-President sa isang kumpanya ay kaya niyang pangatawanan. Subalit dahil sa kakapusan ng pera, nauwi siya sa maagang pag-asawa…kaya parang naka-jackpot ang asawa niya sa kanya.

 

Buhay at sigla si Belen sa mga pagtitipon dahil kapag nahalata niyang medyo nagkakahiyaan sa pagsayaw ay pinapangunahan niya at may halo pang pa-kenkoy na sayaw upang makapagsimula lang ng kasiyahan. Hindi rin siya maramot dahil ang mga tanim niya sa bakuran ay libre para sa lahat na makagusto – may kalamansi, kung minsan ay talong at ampalayang ligaw. Magaling din siyang magluto ng mga kakanin lalo na ng maja blanca at piche-piche, kaya kung may okasyon sa lugar nila, sa kanya umoorder ng mga ganito.

 

Tatlo ang anak ni Belen. Ang panganay na babae ay nasa Gitnang Silangan kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Ang pangalawang lalaki naman ay nasa bahay lang at nangangasiwa ng home-based internet shopping, at ang bunso ay magtatapos na ilang taon na lang mula ngayon.

Wala nang hinihiling pa si Belen sa Diyos dahil ayon sa kanya, halos lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay na sa kanya….at ayaw na rin niyang humiling pa para mabigyan naman daw ng pagkakataon ang iba.

Belen Borromeo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriques-Francia

Sa Quaipo

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahigit apatnapung taon nang kilala ang lumpiang sariwa na binebenta ni Flor Enriquez-Francia sa labas ng simbahan ng Quiapo. Subalit ngayon ang nagpatuloy sa pagtinda ay ang kaniyang pamangkin na si Nathaniel. At, kung dati ay sa bilao lang nakalatag ang mga lumpia, ngayon ay nasa kariton na at naka-styro at may balot pang plastic sheet upang masigurong hindi naaalikabukan o madapuan ng langaw.

 

Una kong natikman ang lumpia noong taong 2002 nang umusyuso ako sa selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene. Si Flor naman ay nakapuwesto sa hindi kalayuang Avenida dahil ipinagbawal muna ang mga sidewalk vendor sa Plaza Miranda. Sa pag-uusap namin, binanggit niyang basta walang okasyon sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa Plaza Miranda siya nagtitinda, kaya nang bumalik ako sa Quiapo makaraan ang ilang linggo ay nakita ko nga siya doon at halos hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanyang mga suki. Matagal bago ako nakasingit upang bumili ng dalawang pirasong inilagay niya sa maliit na supot na plastic at nilagyan ng sarsa. Mahirap kainin ang lumpia kung nakatayo at hindi nakalagay sa platito o pinggan. Kailangang hawakan ang supot na parang saging at ang ilabas lang ay ang dulo ng lumpia. Pero kapag sanay na ay madali nang gawin ito.

 

Nang dumagsa ang iba pang vendor sa labas ng Quiapo church ay hindi ko na nakita si Flor. Inisip ko na lang na baka umuwi na sa probinsiya o baka nagsawa na sa pagtinda ng lumpia. Subalit nang minsang namili ako sa Villalobos St. ay may nasalubong akong lalaking nagtutulak ng maliit na cart at ang laman ay mga lumpiang naka-styro.  Hindi ko siya pinansin dahil inisip kong katulad lang din siya ng ibang naglalako ng pagkain sa lugar na yon.

 

Sa pagpasok ng huling linggo nitong Disyembre, bumalik ako sa Quiapo kasama ang mga kaibigang balikbayan upang bumili ng mga panalubong nila pagbalik sa America at Canada. Nakita ko uli ang lalaking nagtutulak ng cart na may mga sariwang lumpia. Nagtanong na ako kung inabot niya ang “original” na nagtitinda ng lumpia sa Quiapo. Ikinagulat ko ang kanyang sagot dahil tiyahin pala niya ang tinutukoy kong tindera, at idinagdag pa niya na ang buong pangalan ay Flor Enriquez-Francia. Nasa bahay na lang daw ito at doon niya inihahanda ang mga lumpia na kinakariton naman ni Nathaniel.

 

Halos isang taon din pala bago naitinda uli ang lumpiang gawa ni Flor at ito ay pinangatawanan na ni Nathaniel na umaming maski anong mangyari sa kanyang tiyahin, ay walang problema dahil naituro na sa kanya ang sekreto sa pagtimpla lalo na ng sarsa. Nakakadalawang hakot ng mga lumpia si Nathaniel hanggang dapit-hapon kaya malaking bagay daw para sa kanilang magtiyahin ang kinikita niya lalo pa at nagkaka-edad na rin ito kaya marami na ring pangangailangan.

 

Ang ginawa ni Flor ay isang halimbawa ng pagbuhos ng katapatan sa anumang bagay na ginagawa – walang panloloko, kaya lumpia man, na sa paningin ng iba ay napaka-simple, kung hindi naman masarap ay madaling makakalimutan. Ganyan dapat ang ugali ng tao… bukal sa kalooban ang anumang ginagawa maliit man ito o malaki, pansarili man o nakaka-apekta ng kapwa.Fresh Lumpia quiapoFresh lumpia quiapo 2

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio…may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros, Manila)

Ang Malaking Puso ni Baby Eugenio

…may karinderya sa Fort Santiago (Intramuros)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa unang tingin, aakalaing suplada si Baby dahil tisayin ang mukha at halos hindi ngumingiti, subalit kapag nakausap na ay saka pa lang makikita ang tunay niyang pagkatao – malumanay magsalita at hindi man ngumingiti ng todo ay madadama sa kanyang pananalita ang kababaan ng loob.

 

Nang umagang napasyal ako sa Fort Santiago, napadaan muna ako sa kanyang karinderya sa gate ng parking lot at habang nagkakape ako ay biglang napunta ang usapan namin tungkol sa buhay, lalo na ang kanyang mga karanasan sa pagpalipat-lipat ng puwesto. Ayon sa kanya, dati ay isa siyang typical na sidewalk vendor dahil nagtitinda siya sa mga maluluwag na puwesto tulad ng nasa likod ng Immigration Bureau, Ancar Building, gilid ng Jollibee at UPL Building, hanggang sa natiyempuhan niya ang puwesto sa gate ng parking lot ng Fort Santiago. Nalula ako nang sabihin niyang 46,000 pesos ang upa niya sa isang buwan sa puwesto. Upang makahabol sa bayarin, maliban sa pagluluto ng mga ulam, tsitserya, kape, soft drinks, at biscuit, ay pinangasiwaan na rin niya ang pag-asikaso sa parking lot.

 

Habang tinutulungan siya ng hipag niyang si Bing sa pagluluto at pagsisilbi sa mga customer, tumutulong naman si Arbi na anak ni Bing sa pag-asikaso sa parking lot. Pero kapag kasagsagan na ng pagsilbi ng pagkain at iba pang mga gawain sa karinderya ay saka naglalabasan ang iba pang umaalalay kay Baby.

 

Mabuti na lang at medyo nakuha ko ang kalooban at tiwala ni Baby kaya maluwag siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Ang asawa na dati ay nagtatrabaho sa National Treasury, ngayon ay nagpapahinga na lang sa bahay dahil humina ang katawan at nagpapa-dialysis isang beses isang linggo. Sa kabuuhan, dalawampu’t apat ang nasa kalinga ni Baby – mga tinutulungan niya at bilang ganti ay tumutulong din sa kanya. Anim dati ang anak niya, subalit namatay ang panganay na kambal, kaya ang natira ay apat.

 

Labing-siyam na taong gulang si Baby ng mag-asawa. Tubong Masantol, Pampanga, siya ay nakipagsapalaran sa Maynila hanggang sa magkaroon ng pamilya. Ang nakakabilib ay ang ibinahagi niya sa aking kuwento tungkol sa mga taga-ibang probinsiyang nakipagsapalaran sa Maynila na ang iba ay mga seafarer na umistambay habang naghihintay ng tawag mula sa inaaplayang manning agency para sumakay sa barko, at kanyang kinalinga. Sa Intramuros ay marami ang ganitong mga nakikipagsapalaran sa Maynila dahil hindi kalayuan sa Fort Santiago ay ang opisina ng union nila. Marami ring mga manning agencies ng seafarers sa loob ng Intramuros. Upang makalibre sa tirahan at pagkain ay tumutulong-tulong sila sa karinderya, hanggang sa sila ay makasakay ng barko. Ang ibang seafarers na galing sa probinsiya ay napansin kong umiistambay naman sa Luneta o di kaya ay sa isang lugar na itinalaga sa kanila, sa labas ng National Library of the Philippines.

 

Ano pa nga ba at ang karinderya ni Baby ay mistulang “halfway home” o “bahay-kalinga” ng mga probinsiyanong seafarers. Hindi na maalala ni Baby kung ilan na ang kanyang natulungan na ang ibang nakakaalala sa kanyang kabutihan ay bumabalik upang magpasalamat, subalit ang iba naman ay tuluyang nakalimot sa minsan ay tinirhan nilang karinderya sa Fort Santiago. Nangyari ang ganitong pagkakawanggawa sa loob ng limang taon hanggang ngayon, sapul nang siya ay mapapuwesto sa bukana ng Fort Santiago.

 

Para kay Baby, na ngayon ay 58 taong gulang, pangkaraniwan na sa kanya ang pag-alalay sa kapwa o maging maluwag sa kanilang pangangailangan. Napatunayan ko ito nang biglang may lumapit sa kanya upang magtanong kung pwede silang kumain sa karinderya subalit hindi bibili ng pagkain dahil may baon sila. Walang patumpik-tumpik na pumayag si Baby, kahit pa sinabi ng nagpaalam na dalawampu sila. Ibig sabihin ay gagamitin nila lahat ng mesa at silya, kaya walang magagamit ang mga kostumer. Pero bale-wala kay Baby ang lahat…okey pa rin sa kanya. Mabuti na lang at napansin ng hipag niya na ang porma ng grupo ay parang sasali sa programa para kay Jose Rizal dahil nang araw na yon, December 30, ay paggunita ng kanyang kamatayan, kaya iminungkahi niya sa lider ng grupo na upang hindi sila mahirapan ay sa piknikan, sa loob na mismo ng Fort Santiago sila kumain dahil mas presko at marami ring mesa at upuan, at ang lalong mahalaga ay ilang hakbang na lang sila sa lugar na pagdadausan ng programa kung saan sila ay kasali.

 

Ibinahagi ni Baby na hindi man siya mayaman sa pera, ay mayaman naman siya sa pakisama. Natutuwa na siya sa sitwasyon niyang ganoon. Mahalaga sa kanya ang pagtulong sa kapwa bilang pasasalamat sa Diyos dahil sa ibinigay sa kanyang mga biyaya. Nakapagpundar na silang mag-asawa ng isang bahay na katamtaman lang ang laki sa Molino, Bacoor City (Cavite).

Magpapasko pa naman!…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Magpapasko pa naman!

…nakakahiyang expression ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat ay isama ng mga moralista ang pagbawal sa paggamit ng expression na “magpapasko pa naman” na tumutukoy kay Hesus, tuwing may kalamidad na mangyari bago sumapit ang “pista” na ito. Halatang ang habol lang talaga sa pistang ito ay mga kasiyahang dulot ng bonus, pagkain, gifts, Christmas lights, simbang gabi, caroling, etc.

 

Tuwing may kalamidad na nangyayari bago magpasko, ang mga naaawa sa mga nasalanta ay nagsasabi ng nabanggit na expression dahil siguro iniisip ng mga “naaawa” na ito, na mami-miss ng mga nasalanta ang mga kasiyahan, at hindi dahil bertdey ito ni Hesus… isang isyu ding kinukuwestiyon. Bakit hindi na lang dumamay at magbigay ng tulong dahil kailangan ng mga nasalanta at hindi dahil sa kung anu-ano pang dahilan tulad ng pasko?

 

Ang sabi ng mga researchers, ang talagang bertdey ni Hesus ay sa unang linggo (week) ng Abril. Ginamit ng mga matataas na opisyal ng simbahang Katoliko na mga Romano ang Disyembre dahil dati na itong ginugunita ng mga pagano sa Roma…isang makamundong pista na puno ng mga kasiyahang nakikita sa pagbaha ng pagkain, alak, at kalaswaan. Ang talagang orihinal na ginugunita ng mga Hudyo noon pa man ay ang araw ng pagbinyag kay Hesus na nakatala sa mga sinaunang records na ang iba ay inilagay sa Bibliya. Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa eksaktong bertdey niya. Ang sinasabi lang ay panahon ng pag-census ng mga Hudyo kung kaylan ay nataon sa pagpanganak kay Hesus. Ang census na ito ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang matukoy ang “panahon” at ang buwan batay sa kalendaryong pinagamit ng Roma sa mga nasasaklaw ng Kristiyanismo.

 

Sa makabagong panahon, maski sinong bata ay umaasam ng mga regalo tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang itinanim sa isip nila ng mga nakakatandang Romanong Katoliko. Inaasahan nila ang paglundo ng mesa sa bahay dahil sa dami ng pagkaing idi-display. Ang mga tin-edyer naman ay excited sa pagsapit ng simbang gabi dahil magkakabandingan na naman sila ng mga kabarkada, at ang iba naman ay magliligawan – sa labas ng simbahan. Ang mga talagang isip at asal demonyo ay may lakas ng loob pang magsuot ng mga damit na kung hindi manipis ay may plunging neckline naman, at ang lalong malaswa ay ang pagsuot nila ng short shorts na nagdi-display ng maitim naman nilang kuyukot! Ang iba naman ay magdi-displey ng mga alahas na tulad ng ginagawa nila sa pagdalo ng misa kung araw ng Linggo.

 

Ang isa pang itinuro ng simbahang Romano Katoliko upang mapilitang magsimba araw-araw ang mga kasapi ay ang pagbuo ng siyam na araw upang matupad daw ang kanilang mga hiling! Hindi ba ito katarantaduhan….dahil wala naman yan sa Bibliya? Ang dapat na itinanim sa mga kasapi ng simbahang Romano Katoliko ay ang sakripisyo na kaakibat sa pagdalo sa misa tuwing madaling araw o gabi, upang pagdating ng talagang “kapanganakan” ni Hesus, ay hindi nakakahiyang humarap sa kanya….hindi yong hihiling ng kung anu-ano para sa sarili na kalimitan naman ay pera. Pati ang mga prutas na kung ilang piraso na puro bilog ay kasama din sa kinalolokohan ng mga Pilipino…pero ito ay paganong paniniwala naman ng mga Intsik na isinabay sa pasko at bagong taon dahil nakita ng mga taong ito ang malaking kikitain na resulta ng panloloko nila…mga negosyante kasi!

 

Bakit hindi sundin ang panawagan ng mismong santo papa na si Francis na sa paggunita ng “kapanganakan” ni Hesus, dapat ay iwasan ang pagiging materialistic?…dahil ba marami ang gustong magpakita ng karangyaan? Bakit pa ituturing ng mga Katolikong “tatay” nila si Francis kung hindi rin lang siya pakikinggan?…dahil ba sagad-buto na ang kanilang pagiging makasarili?

 

At, kung seseryusuhin na talagang “bertdey” ni Hesus ang isi-celebrate bakit hindi sa isang araw lang – ang pinaniniwalaang December 25? …dahil ba ginagamit ito bilang dahilan upang mag-celebrate ng mga makamundong bagay na orihinal na ginagawa ng mga pagano sa Europe?

 

Pinagmamalaki ng mga Pilipino ang “pinakamahabang pasko” sa buong mundo, pero kung talagang iisipin ang diwa ng pasko…ang kahabaang ito ay dapat ikahiya dahil sa kahirapang dinadanas na ng mga Pilipino at kalagayan ng Pilipinas! Nakakahiyang Setyembre pa lang ay hindi na magkandaugaga ang karamihan sa paglagay ng mga palamuti na para bang “mauubusan na ng pasko”. Kanya-kanya ang mga lunsod at bayan sa pagtayo ng mga giant Christmas tree pati mga lugar kung saan ay may mga kalakalan tulad ng malls. Ang maririnig sa radio ay mga kantang pang-krismas. Ang nakikita sa mga TV screens ay mga pagkaing mararangya na pang-pasko, etc….hanggang Enero ito. Habang nangyayari ang mga nabanggit , marami namang mga Pilipino ang halos hindi makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Ang iba, makakain lang ay namumulot ng mga tira-tira sa basurahan.

 

Ang mga Pilipinong ayaw tumingin sa katotohanang ito, simple lang naman ang mga sagot: “kasalanan ko ba kung naghihirap sila at kaya naming gumastos?”, o di kaya ay, “kasalanan nila kung bakit sila naghihirap, dahil tamad sila!”….masasabi bang tamad ang isang taong nauulanan na’t lahat at halos malapnos na ang balat dahil sa init ng araw ay nangangalkal pa rin ng basura?

 

Peace to all!!!!

 

Ang Tao, Kalinisan, Pagkain, at Iba Pa

Ang Tao, Kalinisan, Pagkain, at Iba Pa

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi maganda sa isang tao ang sobra-sobrang pagiging malinis, kaya makakita lang ng pagala-galang inosenteng ipis ay animo naholdap na kung magsisigaw. Hindi masama ang maging malinis sa paligid, lalo na sa tahanan at katawan. Dapat lang nating alalahanin na lahat ng bagay, mabuti man, ay may limitasyon, tulad ng pag-inom ng gamot at pagkain. Ang binabakuna sa katawan ng tao upang magkaroon ito ng panlaban sa virus na nagiging sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit ay virus din, kaya ang unang epekto nito ay pagkakaroon ng lagnat hanggang “masanay” ang katawan sa pagkakaroon nito. Ibig sabihin, may mga mikrobyo ding napapakinabangan ng tao, kahit ang mga ito ay itinuturing na marumi at salot.

 

May isa akong kaibigan na sa sobrang kalinisan sa bahay ay palaging pinapansin ang nalulugas na buhok ng kanyang misis kaya tuwing magsusuklay ito ay sinusundan niya at pinupulot ang mga buhok na nalalaglag sa sahig. Isang beses sinabihan uli niya ang kanyang misis ng, “o, marami na namang buhok ang nalugas mula sa ulo mo”. Napuno na yata ang misis kaya sinagot niya ang mister ng, “mabuti…ipunin mo para maihalo sa scrambled eggs bukas!”. Pinayuhan ko ang kaibigan ko na hindi tinatanggap sa korte ang nalulugas na buhok ng asawa na kumakalat sa sahig bilang dahilan ng annulment ng kasal, nang minsang humingi siya sa akin ng payo. Sa halip ay sinabihan ko siyang kumbinsihin ang asawang magpakalbo upang maibili niya ng maraming wig na iba’t iba ang pagkaayos at kulay para umayon sa kanyang mood! Hindi ko na nakita ang kaibigan ko… sana hindi sinaksak ng misis!

 

May mag-asawa naman akong kilala na dati ay bugnutin pero hinayaan ko na lang dahil parehong mahigit 70 na ang edad. Pero nang makita ko uli ay sila pa ang unang bumati sa akin. Nang tanungin ko kung ano ang pagbabago sa buhay nila, ang sabi nila, “hindi na kami madalas maglinis ng bahay”. Noon kasi habang naglilinis sila ng bahay ay minumura nila ang alikabok, at maghapon silang nakasimangot lalo pa at nakikita nila ang pagkakalat ng dalawang apo. Nadiskubre din nila na mula noong hindi na sila madalas maglinis, tuwing umaga ay may dalawa hanggang tatlong ipis silang nakikita na nagkikisay. Sabi ko sa kanila ay malamang na-“suffocate” o nalason ng naipong alikabok sa sahig ang mga ipis na ginagapangan nila. Dagdag- paliwanag ko pa ay, kaya siguro mas gustong manirahan ng ipis sa cabinet at mga sulok ay dahil wala halos alikabok sa mga ito. Bilang payo, sinabihan ko silang mag-ball room dancing na rin.

 

Maraming ospital na hi-tech ang naglilipana ngayon saan mang panig ng mundo, kasama na diyan ang Pilipinas at nagpapataasan pa ng singil. Dahil sa kamahalan ng kanilang singil, ang nakakakaya lang magpa-admit ay mayayaman, na ang kadalasang sakit ay sa puso, kanser at iba pang sakit na pangmayaman.  Subali’t hindi maipagkakaila na ang mga sakit na nabanggit ay nakukuha rin sa mga “maruming pagkain”. Ito yong mga pagkaing ipinagbawal na nga ng doctor ay patuloy pa ring kinakain. Alam na ng lahat kung ano ang mga “maruming” pagkain kaya kalabisan na kung babanggitin ko pa. Upang pabalik-balik sa mga doktor ang mga pasyente, siyempre dahil sa kikitain mula sa mahal na konsultasyon, sinasabihan na lang nila ang mga ito na kumain ng mga dapat ay bawal na pagkain “in moderation”, o hinay-hinay, o paunti-unti. Obviously, ay upang hindi bigla ang pag-goodbye sa mundo….at tulad ng nabanggit na, tuloy pa rin ang mahal na konsultasyon!

 

Ang industriya sa paggawa ng mga pagkaing dapat ay “moderate” lang daw kung kainin ay tuloy sa paglago at pagkita ng limpak-limpak upang  masupurtahan naman ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis na binabayad nila. Ang ilang mababanggit na produkto ay processed foods na may salitre o preservative, maraming asin, food coloring, na tulad ng hot dog, corned beef,  bacon, ham, smoked fish, at mga inuming may kulay at artipisyal na lasa.

 

Sa puntong ito, gustong ipakita ng mga Tsino na nangunguna sila sa lahat ng bagay kaya pati ang paggawa ng nakalalasong artificial na bigas, sotanghon, alak, at pati ang itinanim na ngang bawang ay inaabunuhan din ng isang uri ng fertilizer na nakakalason sa tao, upang maging “matibay” at hindi mabulok agad sa imbakan. Ang masama lang, artificial at nilason na nga ang mga pagkain ay nakikipagsabwatan pa ang mga Tsino sa mga walang puso at konsiyensiyang mangangalakal sa Pilipinas upang maipuslit ang mga ito kaya hindi napapatawan ng karampatang buwis. Kung sa bagay, paano nga namang maipapadaan sa legal na proseso ang mga produktong bawal?  Maliban lang siyempre…. kung palulusutin naman ng mga buwaya at buwitre sa Customs!

 

Ang legal namang buwis na nalilikom ay ginagamit ng gobyerno sa mga proyektong kailangan ng bansa at mga mamamayan sa pangkalahatan. Kaya masasabing may pakinabang din pala ang paggawa ng pagkaing unti-unting pumapatay sa tao…. isang paraan nga lang ng pagsi-self annihilate o pagpapakamatay…. upang makontrol ang paglobo ng populasyon…na ang ibang paraan ay giyera, kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, at matinding tag-tuyot!

 

Kung hindi dahil sa nabanggit na mga paraan, baka pati sa tuktok ng mga bulkan ay may mga condominium at subdivision dahil sa dami ng mga taong aabutin ng mahigit 100 taong gulang bago mamatay…at  baka biglang mawala ang wildlife na magiging delicacy na rin dahil sa kakulangan ng pagkain…at baka magiging bahagi na rin ng pagkain ng tao ang minatamis na mga dahon at balat ng kahoy!

 

Sa Tsina ay delicacy ang talampakan ng oso o bear. Sana ang magagaling na Tsinong chef ay makadiskubre ng masasarap na recipe para sa buwaya, buwitre, at hunyango…marami kasi nito sa Pilipinas para mapandagdag sa pagkain ng mga Pilipinong nagugutom dahil ninanakaw ng mga walang kaluluwa ang pera ng bayan!

 

Ang Simpleng Karinderya ni Aling Myrna sa “LTO” – Imus City

Ang Simpleng Karinderya

Ni Aling Myrna (Sanchez)  sa “LTO”- Imus City

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi kailangang maraming nakadispley na paninda upang magpa-impress ang may-ari ng isang karinderya o sari-sari store. Ang karaniwang pagkakamali ng mga namumuhunan ng maliit ay ang kagustuhan nilang kumita agad ng malaki kaya pilit na pinupuno ang puwesto upang magpa-impress ganoong ang katotohanan ay matumal o mahina ang bentahan. Upang magawa ito ay nangungutang sila.  Okey lang sana kung sari-sari store dahil puwede pang tumagal ng ilang araw o kahit buwan ang mga kalakal nal hindi mabili bago maramdaman ang pagkalugi, subalit agarang kalugian naman ang epekto nito sa karinderya dahil sa hindi naubos na mga ulam sa maghapon.

 

Hindi makakamit ng isang negosyo ang tagumpay sa dami ng mga naka-display kung ang layunin ay magpa-impress lang. Dapat i-angkop sa kinaroroonan ng ngegosyo ang dami ng kalakal na binebenta. Napatunayan ito ni Aling Myrna, may-ari ng isang maliit na karinderya. Ang puwesto niya ay nasa bukana ng Government Center ng Imus City o mas kilalang “LTO” dahil ang unang nagbukas ng opisina dito ay ang Land Transportation Office. Nasa lugar na ito ang Cavite State University – Imus, Postal Office, Imus City Jail, mga korte, at Law Offices.

 

Nadiskubre ko ang karinderya isang umagang naghanap ako ng abogado sa lugar na nabanggit. Dahil maaga pa, naghanap ako ng isang tindahan na nagtitinda ng kape. Nakita ko ang maliit na karinderya na nasa isang “sulok”, isang tahimik na puwesto. Nang umagang yon, tatlong ulam ang nakalatag – pritong itlog, bistek/tapa (shredded beef). Maya-maya pa ay may mga dumating na estudyante upang magpabalot ng ulam. Nagulat ako nang malaman kong maliban sa murang halaga ng ulam na Php30 bawat order (ang standard ay Php35 hanggang Php40), at kanin na Php9 bawat order (ang standard ay Php10 hanggang Php12), ay may student discount pa!

 

Ang mga ulam na paninda ni Aling Myna ay kinikilala na ngayon sa local culinary world na “pagkaing Caviteἧo”. Sa kabila ng mura niyang paninda, hindi siya nalulugi dahil dinadaan niya sa dami ng namimili, isang sistema ng mga negosyanteng Intsik. Marami siyang suki dahil ang kanyang mga paninda ay hindi kapareho ng mga tinitinda ng iba pang karinderya na ang layo sa kanya ay ilang metro lang. Ang ibang mga karinderya ay marami ding katulong, samantalang siya ay wala maliban sa kanyang anak, kaya kontrolado niya ang operasyon, at higit sa lahat ay nakakatipid siya dahil wala siyang sinisuwelduhan. Upang makatipid sa tubig, ang mga platito at pinggan ay binabalot na niya ng plastic na itinatapon pagkatapos na pagkainan. Walang pinag-iba sa pagbalot niya ng ulam at kanin na pang-take out ang sistema. Ang hinuhugasan na lang niyang mabuti ay mga kubyertos at baso. Nakatipid na siya sa oras ay nakatulong pa siya sa pagtitipid ng tubig lalo na ngayong tag-init!

 

Lalo akong nagulat nang sabihin niyang tumagal siya sa negosyong pagkakarinderya sa loob ng halos pitong taon. Ang nakakatuwa ay ang sinabi niyang may mga dating estudyante na first year college pa lang ay suki na niya haggang magtapos ng kolehiyo sa Cavite State University. Ang iba naman, kahit graduate na, pero napapadaan sa lugar na yon ng Imus ay nagpapabalot ng bistek/tapa o adobo upang mai-take home. Maliban sa mga estudyante ay marami rin siyang suking empleyado ng gobyerno.

 

Pagtitiyaga ang puhunan ni Aling Myrna sa pagka-karinderya kaya malayo sa isip niya ang style ng ibang negosyanteng gustong kumita agad ng malaki. Malaking bagay din ang nabubukod-tangi niyang mga “ulam-Cavite” kaya binabalik-balikan. Mistulang family bonding din ang paghahanda ng mga itinitinda niyang ulam dahil ang isa niyang anak na lalaki ang nagluluto ng mga ito na dinadala sa puwesto nang maaga upang maibenta sa mga estudyanteng dumadating alas-siyete pa lang ng umaga. Bago magtanghali ay dinadagsa na siya ng mga suki kaya halos hindi sila magkasya sa mga mesa na ang iba ay hinahabungan laban sa init ng araw.

 

Nakita ko sa mukha ni Aling Myrna na nag-eenjoy siya sa pagtinda ng ulam kaya hindi ko man tinanong kung tatagal siya sa larangang ito ng negosyo, naramdaman ko nang umagang yon na maaaring mangyari…. dahil isa siyang larawan ng tagumpay na ang bigay sa kanya ay kasiyahan kahit hindi limpak-limpak ang kita!photo0015