Fascinating Buluan Lake (Buluan, Maguindanao, Philippines)

FASCINATING BULUAN LAKE

(Buluan, Maguindanao)

By Apolinario Villalobos

My jaunt to Buluan Lake yesterday, December 12,  was decided when a blackout cut short my blogging on the patronal fiesta of President Quirino (Sultan Kudarat). Rather than sit it out for the return of the power to keep me going again, I decided to go somewhere else, despite the scorching heat of the high noon sun. I finally I contracted Dagul who at the time was driving a single “habal-habal” motorbike to bring me to the fish port of Buluan. I was lucky to have been driven by Dagul because I found out that he was familiar with the area as he told me that he used to deliver bamboo poles to clients within the vicinity.

On our way to the lake, Dagul was narrating his adventures around the area as far as Tulunan where he met new hospitable friends. He told me about the friendly residents of Maslabing and he was right as those we met along the way, returned the smile I gave them and waved back to me as we drove on along the concrete road that sliced through the African palm plantation. What made me more interested about the area was how the locals are making use of solar panels to light their homes. And, what  caught my attention are the clean yards, some with flowers and shrubs.

I knew that we were approaching the lake when I could only see the empty horizon ahead of us. And, when we finally reached our destination, I was surprised by its expanse with portions dotted by colonies of water lily. The homes on stilts brought back memories of Taluksangay in Zamboanga that I visited decades ago. What delighted me were the friendliness of the locals. Every time I asked permission to take their photos and their home, they readily agreed after listening to my explanation that I was promoting Buluan and that I would like to spread the news that their place is nice. I added that during the INAUL FESTIVAL, visitors could visit their place to see the lake and have snacks in their convenient stores or sari-sari store.  I told those who owned small carinderias that they should maintain cleanliness to the best they can so that visitors would come back for more of their deep-fried taruk and tilapia.

I found half-finished slim and long bancas in some homes, aside from fish traps and black fish nets. Some resourceful residents cook “binignet” a kind of powdered rice porridge with banana. In another home, I found a mother with her  purple-colored cake to be peddled at the wharf.  I was told that in a few hours the first batch of harvested tilapia would be coming in which could be the reason why I saw styro boxes and obvious traders, regretfully, I could wait for it because I still had two places to visit….but definitely I will be back.

Intrepid Me

Intrepid Me

by Apolinario B Villalobos

At the crack of dawn

While the rest of humanity

Are still curled up in their bed

I’m already up, eager, excited;

I hit the road, buoyed with lightness –

Letting my feet just carry me on

As I unwind my pent up energy

That gives me a feeling of ecstasy.

With cell phone, notebook and pen

Camera, batteries, biscuits, candies

Towel, extra shirt, coins and bills –

All backpacked, I trek over hills;

A shot here and there, mesmerized –

A stop here and there, hypnotized –

Only aahs and oohs, I say nothing more

As the searing sun, I patiently endure.

The world is my home, it’s where I belong

I let no oceans and seas hinder me, there are ships

I let no great distance distress me, there are airplanes

I let no meager funds discourage me, I can scrimp

I let no insufficient language daunt me, I can make signs

I let no difference in culture deter me, I can learn

I let no difference in climate frighten me, I can adapt

This is me, intrepid me, my desire to explore is my map!

INTREPID ME PHOTO

Mga Karanasan Kong Kagila-gilalas Noong Naglibot Ako sa Pilipinas

Mga Karanasan Kong Kagila-gilalas Noong Naglibot Ako sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Bilang editor noon ng TOPIC Magazine, obligado akong maglibot upang mangalap ng mga impormasyong pang-turista para mailathala sa magasin. At, dahil iba-iba ang mga napupuntahan ko, iba-iba rin ang mga karanasan ko. Ang iba ay sobrang censored kaya hindi pwedeng banggitin, except sa ginagawa kong “memoir” na ilalabas kapag ako ay patay na, at ang iba naman ay sobrang nakakatuwa kaya dapat i-share “to make the day” ng mga nagtitiyagang magbasa ng blogs ko.

Sa isang bayan sa norte, nag-check in ako sa isang maliit na hotel, okey naman dahil may toilet subalit hindi ko nabuksan para ma-check ang loob dahil nagmamadali akong makapunta agad sa mga tourist spots. Pagbalik ko galing sa paglilibot ay naligo ako at gumamit ng kubeta. Nadismaya ako dahil nang umupo na ako sa “trono” hindi ko madiretso ang dalawa kong paa…dapat nakaangat ang kanan kong paa upang magkasya ang wetpu ko sa” trono” dahil halos dikit sa dingding ito. Kaya ang nangyari ay para akong aso na nakataas ang isang paa, halos pa-side view, habang nagpapalabas ng sama ng loob….ang mahalaga noon ay nakaraos ako. In fairness sa maliit na hotel, malinis ang toilet, ngunit ang kubeta ay pang-unano yata.

Sa isa pa ring bayan sa norte, ang toilet ng hotel na tinirhan ko ay barado. Mabuti na lang at nasa tabing-dagat ang maliit na hotel, kaya kahit gabi na ay nagsabi ako sa staff na kunwari ay  magsi-swimming ako kahit ang katotohanan ay may binabalak akong gagawing kabantutan! Nagtampisaw ako sa mababaw na dagat dahil low tide hanggang makaraos ako. Kinabukasan ay nag-check ako kung may nakalutang na ebidensiya sa ginawa kong karumaldumal nang nakaraang gabi…mabuti naman at inanod yata sa malayo!…nakaligtas ako sa batikos!

Sa mga maliliit na lunsod ay uso ang mga hotel na ang toilet ay nasa pagitan ng dalawang kuwarto…share ang occupants ng dalawang kuwarto sa paggamit ng toilet. Malalaman ng occupant ng isang kuwarto kung ginagamit ng taga-kabilang kuwarto ang toilet dahil naka-lock ang pinto niya sa loob, na dapat buksan kapag tapos nang gumamit ang taga-kabila, upang makapasok naman siya, at ila-lock naman niya ang pinto ng katabi niyang kuwarto. Nag-check in ako sa isang hotel na may ganitong uri ng kubeta. Nang hapong maliligo na ako (siyempre nakahubad) ay binuksan ko ang pinto ng kubeta…at nabuksan nga…nakalimutan kong may ka-share ako sa kubeta….at may chicks palang nakaupo sa “trono”….nakalimutan niyang i-lock ang pinto ko sa loob! Nahantad naman sa kanya ang kaluluwa ko! Nagkatinginan kami….nagpaka-gentleman pa rin ako at dahan-dahan kong isinara ang pinto habang nagbaba-bye. Nagkita kami uli sa dining room, kasama niya ang kanyang asawang egoy (black American)!…tinginan uli kami at nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis…parang may nabistong secret na siya lang ang nakakaalam!

Ilan lang ang mga nabanggit sa mga  madilim na bahagi ng aking kahapon sa paglilibot ko sa Pilipinas dahil sa call of duty. Tiniis ko ang lahat dahil ayaw kong maging jobless at lumuwa ang mga mata dahil sa gutom. Noon ko lalong naunawaan na iba pala talaga ang buhay ng isang tunay na turista na hahamakin ang lahat makarating lang sa mga tourist spots!

Thoughts of a Dreamer

THOUGHTS OF A DREAMER

By Ire Ysabelle

“Living in defense mechanisms is just a mere façade. Pick yourself up, let go of harrowing things and gut-wrenched thoughts you are a failure.” Those were silent utterances at the back of my mind after realizing that everything in my life was an outright mess. These thoughts actually came by after listening to Jack Johnson playlist while I was in Vietnam.

I am Ire. I am just like other people who dream…who set one’s heart for good things, inclined to just live happy. At a little past 30, I had my fair share of rejections, elfin heat heartaches, even baffled instances that would lead to toil up my way with so much effort.

Looking back and before having a daughter, I was that slap-happy that displayed a nonchalant sort of disposition. I reveled in solo backpacking trips around the country and abroad, taking photos of temples, countryside, food, beaches and others that take my fancy. I took pleasure out of my savings while doing online English tutorial job. Shove my ass off working for several months then travel, after which I came back again to Mindanao after 8 years of living in Iloilo where I took up AB Psychology at the University of the Philippines in Miag-ao. Then on, I habituated myself to what living is here – simple, and everything just minutes away.

I gained friends…and, unfortunately, gained weight. I became a Psychology instructor at the Notre Dame of Marbel University (Koronadal City) where I reaped most of my good memories. In the academe, you get to be fulfilled but at times hated for giving failing grades. That was the beauty of teaching that amused me.

I woke up one day to a letter of invitation for me work in Hanoi, Vietnam as Academic Coordinator at Oxford English Academy. It was a challenge that I did not let go as the opportunity promised travel and fair wage. Several times in the past, I had been to Ho Chi Minh as a backpacking tourist but never been to the cosmopolitan city of Hanoi which purportedly has four seasons. The thought of experiencing “autumn” and “winter” got me excited, so that in no time, had me packing my things and finally booked for the first available flight. And, to make the story of excitement short, I got hired.

In the house where I stayed, I was with Portuguese, Vietnamese, and British nationals. Weekends would see us having dinners, wine with cheese on Tuesdays. We also enjoyed short trips to Thailand and Cambodia, but enjoyed most Vietnamese cakes and coffee that drowned our yearning for home.

From our home, I took two-hour bus ride to school, an opportunity for me to enjoy the patter of raindrops when rain caught me along the way, making me emotional at times. I was pregnant then, and I had to say “bao” (Vietnamese for pregnant) each time I took the bus hoping that a gentleman would give up his seat for me. I find Vietnamese autumn and winter not for me as I had to wear layers of clothes and boots to keep me warm.

I finally decided to go back home to the Philippines in time for the “arrival” of my pretty Martina. To sustain our survival, I worked as Behavioral Management Therapist in a hospital, giving occupational therapy to children with special needs. The job was so challenging and compensating, especially, when I see the happiness of parents whose children have gained improvement…a priceless reward for me as it manifested success on my part.

My love for food made me come up with Abrazo Rustico Resto-Café in Tacurong City. As I love challenges, it also gave me an opportunity to sort of test the waters of café business, as well as, provide a cozy nook for food trippers and coffee lovers like me. Initially, the café was located at the City Plaza building, and staffed with hardworking and eager team. Today, it is located along the highway, beside the Dragon gas station, a few steps from the NDTC campus.

Having still extra time on hand, I continued my behavioral management endeavor and came up with Little Hands Day Care, a small clinic catering to the needs of special children to help them overcome their disability. I knew it would entail understanding, patience…patience…and, more patience but I did not mind. My Martina has been giving me more inspiration that I could ask for. She has been helping me understand my purpose in life, thus, avoiding feeling emotionally kicked out of poor frustration and tolerance.

Today, as I recall my life inside a Vietnamese bus, tackling the 2-hour drive to my job in Hanoi makes me smile. Yes, I enjoyed my stay in Hanoi, what with the sight of long traffic of motorcycles that gave me fear in crossing the street, the bone-tearing winter, the smell of mint leaves, the super bitter coffee I still crave for, generous multi-national friends, and sunset viewed from Westlake. Despite the unexplained feeling of living in a strange place, I was immensely enjoying myself.

That is how it is with me…with my firm resolve in doing things despite failures at times. I must admit that I am a dreamer and this tendency even makes me forget my flights for Asian backpacking sorties…and, which happened twice! Well, that is life and I know that it can happen as I gain more maturity.

IRE YSABELLE

Ang iba ko pang Escapades dahil sa Katakawan ko sa Adventure

ANG IBA KO PANG ESCAPADES

DAHIL SA KATAKAWAN KO SA ADVENTURE

Ni Apolinario Villalobos

Ang “kagubatan” ng Maynila ay puno ng adventure para sa mga taong matakaw dito….at isa na ako diyan. Ang ilan pa sa mga adventure ko ay ang mga sumusunod:

  • Nang pasyalan ko noon ang kababayan ko sa Dagat-dagatan, Malabon ay inabot ako ng gabi dahil nakipag-inuman pa ako. Habang nilalakad ko ang papunta sa jeepney stop, may nadaanan akong grupong nag-iinuman at ang isa ay kilala ko lang sa mukha dahil nadadaanan ko ang bahay nila tuwing pupunta ako sa kababayan ko. Mababait naman at magagalang dahil nag-alok pa, pero tinanggihan ko. Hindi pa ako nakakalayo ay nagbago ang isip ko kaya bumalik ako at nakipag-inuman na lang para ipakitang marunong akong makisama. Panay payo ang sinasabi ko sa kanila habang nag-uusap kami kung paanong kumita ng maayos. May tumayo at lumayo ng kaunti upang magsindi ng marijuana nang palihim pero dahil alam ko ang amoy ay nagalit ako kaya sinaway siya na pinagalitan nama ng iba. Sa inis ko ay pinagbawal ko na rin ang pagsigarilyo, pero hindi ko alam kong paano ko silang napasunod. Dahil pasado hatinggabi na nang maghiwalay kami ay pinaunlakan ko ang imbitasyon ng katabi kong sa kanila na matulog, Bisaya daw ang misis niya. Kinabukasan ko na lang nalaman na ang nagpatulog sa akin sa bahay niya ay lider ng Sputnik Gang sa lugar na yon at ang mga kainuman namin ay mga kasama niya na ang ilan ay inamin niyang mandurukot sa Divisoria! Mabuti na lang at hindi ako nakatay sa lugar na yon!…hindi na ako nakipag-inuman uli sa kanila, pero namamasyal na lang sa lider ng Sputnik upang mag-abot ng kaunting biyaya upang paghatian nila. Dahil sa ginawa ko ay napalapit ako sa kanila. Hindi na ako bumalik nang umalis ang kababayan kong babae dahil pinasok ang bahay nila at nasaksak silang mag-ina.

  • Sa Quiapo ay may nadaanan akong parang pinagkakaguluhan. Babae palang umiiyak at nagwawala at may hawak na “blade”…nagbabantang hihiwain ang kanyang pulso habang sinisigawan ang boyfriend na nabisto niyang may asawa pala. Waitress ang babae sa di-kalayuang restaurant. Nabisto kong Bisayang Cebuana ang babae kaya naglakas-loob akong kausapin siya at sumagot naman. Nang medyo humupa na ang galit niya at parang nagsusumbong na sa akin ay nilapitan ko siya at niyakap, sabay kuha ng “blade” sa kanya na ibinigay naman. Niyaya ko siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya pati ang boyfriend niyang may asawa daw. Doon ay pinagalitan ko ang lalaki at tinakot na ipapakulong kaya nagmakaawa sa akin. Kinausap ko ang amo ng babae at inihingi ng pasensiya at nakiusap na pahingahin muna ito…pumayag naman. Pinangakuan ko ang babaeng babalikan ko siya kinabukasan at ang lalaki ay napilit kong isama ako sa pamilya niyang nasa Recto lang pala, malapit sa Regina Reinte River kung saan ay may barung-barong sila. Kaya daw niya nagawang makisama sa waitress ay binibigyan siya nito ng pera na binibili naman niya ng pagkain para sa dalawa niyang anak. Kargador siya sa isang bodega ng soft drinks at maliit lang ang kita kaya nag-sideline siya ng pagko-call boy!

  • Sa Sta. Cruz, tapat ng simbahan ay may nakita akong dalawang tin-edyer na parang pinipilit abutan ng isang lalaki ng bagay na nakabalot sa diyaryo. Mukhang takot ang dalawang tin-edyer kaya nilapitan ko. Pinipilit pala silang bentahan ng kausap nila ng estatwang maliit ng isang santo pero ayaw nila. Pinakiusapan ko ang nagbebenta na huwag silang pilitin pero nagalit at sinabihan akong huwag makialam. Sa inis ko ay naitulak ko siya at dahil naunahan ko siyang sindakin ay tumakbo pero tumigil at akmang babalikan kami habang kunwari ay may binubunot sa likod. Ginaya ko rin siya kaya kunwari ay parang may binubunot din ako sa back pocket ko habang patakbo kong nilapitan siya pero dahil may sindak pa rin siguro ay tumakbo na lang papunta sa Chinatown.

  • Sa Libertad, Pasay ay may nakita akong parang “mag-ina”, babaeng hindi naman katandaan at isang batang babae, na lumapit sa akin upang humingi ng pamasahe dahil hindi nila inabutan ang pinuntahan daw nilang kamag-anak. Inasahan daw nila itong magbibigay ng perang pamasahe nila pauwi. Binigyan ko naman, pati pangkain nila. Lumipas ang dalawang buwan ay nakita ko na naman sila sa parehong lugar, pero gabi na noon, bandang alas nuwebe, kaya nagalit ako dahil napag-isip kong niloko lang pala ako. Galit akong lumapit sa kanila at habang nasa tabi nila ako ay pinagsabihan ko ang ibang tao sa paligid tungkol sa panloloko nila sabay sabi sa babaeng hindi ako aalis hangga’t hindi sila umaalis. Lumayo at sumakay sila sa jeep papuntang Maynila pero sumunod pa rin ako at sumakay din sa jeep at sinabihan ang mga pasahero tungkol sa raket nila. May sumakay na dalawang lalaki sa isang kanto at tumingin sa akin ng masama pero hindi ko pinansin. Ang balak ko ay alamin kung saan sila umuuwi para isumbong sa pulis. Pagdating sa tapat ng Philippine Women’s Universtity sa Taft Avenue ay bumaba ang “mag-ina” at sumunod ang dalawang lalaki, pero ang isa ay sinadyang itaas ang laylayan ng t-shirt sa likod upang ipakita ang hawakan ng kutsilyo sabay tingin sa akin. Hindi ko na sila sinundan. Madalas gawin ang raket na nabanggit ko at ang istambayan ng “mag-ina” ay palengke.

  • Sa Kalaw St. naman kung saan ay maraming mga seaman na tumatambay habang nag-aaplay ng masasakyang barko ay may nakita akong lalaking “grasa” na nakadapa, gulanit ang damit at may hawak na latang lagayan ng limos. Pagapang kung kumilos siya kaya naawa ako at binigyan ko ng pera at sandwich. Ilang linggo ang nakalipas, nakita ko ang lalaking naglalakad pero ganoon pa rin ang ayos sa tapat ng Isetan-Recto at sa porma ay matino dahil naninigarilyo pa. Sinundan ko siya hanggang sa Quiapo, sa tapat ng Mercury Drug, umupo muna at unti-unti ay inayos ang sarili sa pormang nakita ko noong nasa Kalaw St. siya. Lumapit ako upang pigilan ang babaeng magbibigay sana ng limos at sinabihang nanloloko lang ang “lumpo”. Pinagbantaan kong sisipain ang “lumpo” kapag hindi siya tumayo, at ang mga taong nakiki-usyuso ay sinabihan ko kung anong uring tao siya. Ayaw pa sanang umalis pero may lumapit na pulis at sinabihan siyang, “ikaw na naman?”

Iyan ang Maynila…masaya kung may pera ka, masalimuot at puno ng pagsubok para sa mga “curious”. More pa next time!

Ang Iba Ko Pang Escapades dahil sa Katakawan ko sa Adventure

Intrepid Me….a tribute to travel bloggers

Intrepid Me

(Tribute to tireless travel bloggers)

by Apolinario B Villalobos

At the crack of dawn

While the rest of humanity

Are still curled up in their bed

I’m already up, eager, excited;

I hit the road, buoyed with lightness –

Letting my feet just carry me on

As I unwind my pent up energy

That gives me a feeling of ecstasy.

With cell phone, notebook and pen

Camera, batteries, biscuits, candies

Towel, extra shirt, coins and bills –

All backpacked, I trek over hills;

A shot here and there, mesmerized –

A stop here and there, hypnotized –

Only aahs and oohs, I say nothing more

As the searing sun, I patiently endure.

The world is my home, it’s where I belong

I let no oceans and seas hinder me, there are ships

I let no great distance distress me, there are airplanes

I let no meager funds discourage me, I can scrimp

I let no insufficient language daunt me, I can make signs

I let no difference in culture deter me, I can learn

I let no difference in climate frighten me, I can adapt

This is me, intrepid me, my desire to explore is my map!

Pagpupunyagi…kuwento ng buhay ni Elmer Festin

Pagpupunyagi

(Kuwento ng Buhay ni Elmer Festin)

By: Apolinario B Villalobos

Ang landas ng buhay na ating binabagtas

Mahirap tahakin lalo na kung tayo’y nakayapak –

Mga lubak na hindi mapansin ay ating natitisod

Matatalas na batong di maiwasan ay nayayapakan

Pati tinik ng dahong mariang sumusugat sa ating talampakan.

Ang taong hindi handa sa pagtahak nitong landas

Sa ilang hakbang pa lamang niyang magawa –

Kahihinaan na ng loob at pangangatugan na ng mga tuhod

Hindi malayong babalik sa pinanggalingan

Di kaya’y mangingipuspos at sasalampak na lamang sa daan.

May isang taong sa murang gulang ay naglakas-loob

Nagpakatatag at taimtim na nagdasal sa Panginoon

Na harinawa sa paglisan sa sinilangang Bantoon, isla ng Rombon

Patnubayan siya sa kanyang paglayag at tatahaking landas

Bigyan din ng malinaw na pag-iisip at katawang malakas.

Masakit iwanan ang isang bayang tulad ng Bantoon

Islang animo’y tuldok sa mapa ng Romblon

Di man pansinin, siya’y mahalagang itinuring

Ng mga Kastilang dumating noong unang panahon sa ating bansa

Kaya’t sa aklat ng ating kasaysayan siya’y naitala.

Ito ang kuwento ng buhay ni Elmer Festin

Isang taong may ngiting agad mapapansin

Napadpad sa Cebu kung saan siya’y nahikayat

Suungin ng buong tapang, masalimuot na buhay –

Na wala namang pag-atubili at matatag niyang hinarap.

Ilang taon din siyang dito ay nagturo

Naglinang ng dunong ng mga kabataan

Hanggang sa siya ay kawayan ng kapalaran

Na nangako sa kanyang sa dakong katimugan

Siya ay makakatamo ng pinapangarap na kasaganaan.

Dala ay kakaunting pera na sa bulsa ay kakalog-kalog

Pilit winaglit ang pag-aalala at takot sa dibdib na kakabog-kabog

Hindi rin alintana ang mga tuhod na nangangatog

Siya ay naglakas-loob na pumalaot at tumango sa tawag ng kapalaran –

Ipinasa-Diyos na lamang, magiging bunga ng kapangahasan.

Sa Notre Dame, sa Tacurong siya ay napadpad

Paaralang sa bayang ito ay pinagkakapitagan

Limang mga gusali nang panahong iyon ang kanyang nadatnan

Pinangangasiwaan ng mga pari at madre na Oblates of Mary kung tawagin

At katulad ni Elmer, pagtulong sa kapwa ang sinusunod na adhikain.

Nakitaan siya ng kakaibang sigla sa pagturo

Dahil hindi lang sa mga aklat, mga estudyante niya ay natuto

Naibahagi rin niya ang kaunti niyang kaalaman

Pati sa gymnastics na para sa mga estudyante’y bagong larangan

Kaya napasigla niya ang dati’y matamlay na kapaligiran.

Anupa’t si Elmer ay nakilala hindi lang sa loob ng Notre Dame

Dahil ang galing niya sa pagturo, sa iba ay nakatawag pansin

Kaya nang magkaroon ng Polytechnic Institute sa bayang ito

Binuksan nila para sa kanya ang kanilang pinto

Upang makibahagi sa kagalingan ng kanyang pagturo.

Sa bago niyang malawak na kapaligiran at hitik sa iba’t ibang halaman

Lalo pang sumidhi ang kanyang hangad na makahubog ng kabataan

Hindi naman nasayang ang marangal niyang adhikain

Dahil taos-pusong pasasalamat ay kanyang naramdaman at natanggap

Mula sa mga estudyanteng binigyan niya ng pag-asa ang mga hinaharap.

Natupad ang pangarap ni Elmer na maibahagi ang kanyang kaalaman

Napatunayan niya na kakapusan sa pera ay hindi hadlang

Hindi rin nasayang ang kanyang pagpunyagi magmula pa sa kanyang kabataan

Kahi’t sa pagtahak niya sa landas ng buhay siya’y nakayapak lamang

Dahil alam niyang sa dulo nito’y mayroong walang hanggang kapayapaan.

(Si Mr. Festin ang nagbigay ng pagkakataon sa may-akda upang mahasa niya ang kanyang kakayahan sa pagsulat. Hinirang siya ni Mr. Festin bilang patnugot (editor) ng “The Green Ember”, pahayagan ng high school department ng Notre of Tacurong, kahi’t siya ay nasa unang taon pa lamang. Ang tiwala at dagdag- kaalaman sa pagsulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Festin ang naging kasangkapan niya sa pagharap sa mga pagsubok ng larangang ito. Kulang ang mga kataga ng tula upang maipadama ng may-akda ang taos-pusong pasasalamat sa taong unang nagbigay ng tiwala sa kakayahan niya sa pagsulat.)

Siya ay naglakas-loob na pumalaot at tumango’ sa tawag ng kapalaran –

Ipinasa-Diyos na lamang, magiging bunga ng kapangahasan.

Sa Notre Dame, sa Tacurong siya ay napadpad

Paaralang sa bayang ito ay pinagkakapitagan

Limang mga gusali nang panahong iyon ang kanyang nadatnan

Pinangangasiwaan ng mga pare at madre na Oblates of Mary kung tawagin