TIKUG MATS STARTED MY ADVOCACY IN MANILA

“Tikug” Mats Started My Advocacy in Manila
But Nurtured as a Student in NDTC
By Apolinario Villalobos

After my stint in Tablas station (Romblon) with an initial job as Ticket/Freight Clerk of Philippine Airlines in early ‘80s, I was transferred to the Tours and Promotions Division in Manila. For practical and economic reasons, I stayed in a boarding house along Airport Road in Baclaran, as our office was at the old Domestic Airport (today, Terminal 4). During the time, what is now as ASEANA City, was yet, a body of water – Manila Bay, from the seawall of which the famed sunset could be clearly viewed. From late afternoon to early evening, I and some of my co-boarders would spend time at the seawall killing time. We would observe some people dragging their belongings in plastic and tattered shoulder bags while strolling along the boulevard, some were with their family. Before we would go back to the boarding house, we observed them spreading blankets on the grassy ground on which they rested for the night.

The scenes of elderly people and children sleeping on the ground without mat made me restless for several days. When I went back alone one early evening at around 6pm, I strolled up to the portion of the boulevard in front of the Aristocrat Restaurant in Ermita. I saw the same scenes – people lying on spread cloths and blankets on the grass.

When Boy Loquias, a new PAL recruit who was undergoing training at the PAL Training Center at the Gate 1 of Nichols Air Base joined us at the boarding house, I was glad upon learning that he was from Bohol which afforded me the opportunity to speak in Cebuano more often. When I brought him to the then, Dewey Boulevard, he was amazed to find the boulevard sleepers. Jokingly, he said that we better join them rather than spend for the boarding house. Honestly, however, he confided that something must be done to help them and asked, “asa ang SWA?” (“where is SWA?”, for which he meant Department of Social Welfare or DSW). When I mentioned giving them cheap “tikug” mat from Mindanao, he agreed. During the time, a piece of said mat was priced between 40-50pesos at the Islamic Center in Quiapo, unlike today that a single-sized costs between 120-150pesos. “Tikug” mats which are colorfully dyed are made in Cotabato.

From then on, I scrimped on my personal needs to save for mats. When Boy Loquias learned about my plan, he gave me part of his training allowance. Another co-boarder, Sammy, who was a member of the combo that performed at the Ugnayan Beer House, across our boarding house, also contributed. Initially, we were able to purchase 2 dozens of mats for which I was able to get a discount. It was not enough. I raised another amount from my saved per diem allowance, as my job then, required me to travel a lot. I also refused to accept the contribution of Boy whose allowance was just enough for his needs, especially, from Sammy who had two kids left with his wife in Naga City.

My visits to the Islamic Center in Quiapo for purchases of “tikug” mats led to my side trips to “Avenida” known for prostitutes who could be seen prowling the avenue for prospective customers, from early afternoon to early morning, the following day. I was staggered by what I observed and experienced at the Avenida. Daringly-dressed women openly made proposals while holding my hand but which I gently refused. On early mornings, not yet 7AM, thickly-rouged and obviously ageing prostitutes would ask an amount for a cup of coffee in exchange for sexual favor. From such encounters, I was able to strike friendship with many of them that developed into trust which became my passport to their dwellings in the slum along the banks of Reina Regente River. There, I met snatchers, swindlers, sex peddlers and their families. As pre-planned, I did not give them my real identity for my own safety. What they knew was that I was a job-seeker from the province and my thick Cebuano accent helped a lot, as many of them were also Bisaya.

Events oozing with colorful adventures made my curiosity stronger that led me farther to Arranque, Divisoria, Pritil, Malabon, Bagong Bayan (Dasmariἧas, Cavite), Tala Leprosarium, and Baseco Compound where I was able let out my pent up desire to share. It also led me to three other guys who had the same desire and with whom blessings were shared with those dwelling along the bank of Pasig River and Recto yearly, from the last week of November to the first week of December.

My advocacy was nurtured while I was a student of Notre Dame of Tacurong (NDTC) and nobody, even my family and closest friends knew about it, not even my colleagues in PAL later on, except Boy Loquias who was assigned at Tablas after his training, and where he raised his family. It was only when I shared my “adventures” on facebook due to the prodding of some friends, though with much hesitation, that they came to know about them. I just consoled myself with the thought that my sharing such adventures would, hopefully, make others realize that one need not be rich to be able to share blessings with others…and, that they can do the same, if they wish.

ANTONETTE…nakadanas mangalakal at tumira sa bangketa, hanggang maging eskolar sa kolehiyo

ANTONETTE…NAKADANAS MANGALAKAL AT
TUMIRA SA BANGKETA, HANGGANG MAGINS ESKOLAR SA KOLEHIYO
Ni Apolinario Villalobos

Si Antonette ay nag-iisang anak ni Minda na nagtitinda ng kape, tinapay at tsitserya sa bangketa malapit sa Sta. Monica St. ng Ermita na nai-blog ko two days ago. Nahiya akong tanungin noong unang nag-usap kami kung single mom si Minda pero mabuti na lang at siya mismo ang nagsabi na maliit pa si Antonette ay namatay na ang tatay nito nang magkita kami uli. Bumalik ako sa puwesto ni Minda upang maghatid ng kumot at ilang gamit. Mabuti rin at napaunlakan ang pakiusap kong makita si Antonette kaya walang kaabug-abog na sindundo siya ni Minda mula sa inuupahan nilang maliit na kuwarto.

Sa mabilis na pag-uusap namin ni Antonette, nalaman kong eskolar pala siya, kaya sa isang semester ay mahigit lang ng kaunti sa sampung libong piso lang binabayaran sa Universidad de Manila subalit malaki ang nagagastos pa rin sa mga project at iba pang requirements para sa kurso niyang Business Administration. Ang allowance niya sa isang araw ay 150pesos. Second year na siya at napansin ko ang hawak niyang lumang cellphone na inamin niyang ginagamit niya sa kanyang pag-research. Tulad ng ginagawa ng ibang mga kinakapus na estudyante, naghahanap siya ng libreng wifi site upang makapag-browse. Hindi nila kaya ang bayad sa internet café na ang singil ay hindi bababa sa 30pesos kada oras. Hindi ko na tinanong kung saan galing ang cellphone dahil baka isipin niyang masyado akong maurirat.

Nang makiusap ako kung pwede akong sumama sa kanya sa inuupahan nilang kuwarto ay malugod niya akong pinagbigyan. Mula sa puwesto ng nanay niya ay nilakad namin ang di-kalayuang kanto ng Sta. Monica at pumasok kami sa isang maliit na sidestreet. Naalala ko ang mga eskinita sa Baseco compound na pinapasok ko habang binabaybay namin ang eskinitang maputik at sa isang gilid ay mga barung-barong. Akala ko, nang pumasok kami sa isang maliit na pinto, nandoon na ang kuwarto. Ang ground floor ay marami ring maliliit na kuwarto. Pumasok pa kami sa isang maliit na pinto bago itinuro ni Antonette ang butas sa itaas na animo ay manhole lang sa laki. Ito ang “lulusutan” papunta sa “second floor”.

Sa tabi ng matarik o halos patayong hagdan papunta sa “second floor” ay may isa pang kuwarto na ang pinakatakip ay kurtina. Hahawiin ko sana out of curiosity kung hindi ko narinig ang, “may tao pa kuya”….CR pala! Unang “lumusot” si Antonette sa butas papunta sa “kuwarto” niya at sumunod ako. Dahil sa kalakihan ko ay halos hindi ako kasya at kinabahan pa ako dahil sa dulas ng matarik na hagdanang gawa lang sa maliliit na pinagtagpi-tagping kahoy.

Ang kuwarto ay talagang maliit. Kung ako siguro ang hihiga sa loob ay nakalabas ang mga paa ko sa pinto. Para lang itong malaking cabinet. Walang bintana at ang pinanggagalingan ng hangin ay isang maliit na electric fan. Ang upa sa kuwarto ay 1,500 pesos isang buwan, libre nga lang ang tubig at ilaw kaya pinagtitiyagaan ng mag-ina. Ang nakakabahala lang ay kung magkaroon ng sunog. Siguradong lahat ng nakatira sa lugar na yon ay masasawi.

Nang bumalik ako kay Minda, tinanong ko siya kung bakit wala halos siyang paninda ganoong maaga pa. Wala raw siyang pambili at ayaw pa muna siyang pautangin ng Bombay at nagpaparinig pa daw ito na mahirap maningil kaya dapat ay magbayad pa daw muna siya ng balance. Nag-alala nga daw siya dahil sa sinabi ng anak na aabot na sa mahigit 600pesos ang mga kailangan para sa kanyang mga kailangan sa eskwelahan. Mabuti na lang at hindi ko pa nagastos ang 500pesos na pambili sana ng mga payong kaya inabot ko na muna sa kanya upang magamit nila. Pati ang payong na gamit ko ay iniwan ko kay Antonette dahil wala pala itong payong. Dahil kulang na ang pamasahe ko pauwi sa Cavite, pinagkasya ko ang mga barya hanggang sa Buendia (Pasay) at dahil umuulan ay patakbu-takbo ako upang makarating sa bahay ng isang kaibigan na inutangan ko ng pera para magamit sa pagbili ng mga payong sa Baclaran bago umuwi sa Cavite. Mabuti na lang at inabot ko ang kaibigan kong paalis na sana kung hindi bumagsak ang ulan. Ang mga payong ay para sa mga pinangakuan kong mga estudyante noon pa, at ang iba ay pambenta ng mag-asawang may sanggol na nakilala ko sa Luneta.

Babalikan ko sina Minda upang dalhin kay Antonette ang mga gamit na naitabi ko na magagamit niya tulad ng laptop bag dahil ang ginagamit niya ay maliit na backpack lang….

Ang Baha sa Manila, Ang Manila Bay, Ang Pasig River, at “High Tide”

ANG BAHA SA MANILA, ANG MANILA BAY,  ANG PASIG RIVER,  AT “HIGH TIDE”

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang baha sa Manila ay hindi dahil lang sa tuloy-tuloy na malakas na ulan nang kung ilang araw kundi dahil sa kawalan ng labasan ng tubig kung sumabay ang “high tide” o pagtaas ng tubig sa dagat kaya natatakpan  ang mga outlet o labasan ng tubig mula sa mga establisemento tulad ng hotel, restaurants, carinderias, at mga tirahan ng mga tao tulad ng mga bahay at  condominiums. Ang iba ay dumidiretso sa Manila Bay at ang iba ay lumalabas muna sa Pasig River.

 

Ang  tubig ng Pasig River ay sa Manila Bay dumadaloy o lumalabas. Maraming bayan ang dinadaan ng Pasig River na nakadugtong din sa Laguna de Bay at Marikina River kaya lahat ng mga bayan  na umaasa sa Pasig River bilang labasan ng tubig o outlet ay apektado din ng baha. Kapag high tide kaya tumataas ang tubig sa Manila Bay, hindi na nakakalabas dito ang tubig mula sa Pasig River, at kung sinabayan ng malakas na ulan, baha ang resulta.

 

Ang mga dating labasan ng tubig mula sa mga lumang bahay at business establishments sa Manila na sinimulang gawin noong panahon ng Kastila ay masyadong mababa kaya bumabalik sa mga ito ang tubig kapag hindi makalabas sa Pasig River kung high tide o tumaas ang tubig sa Manila Bay, KAHIT WALANG ULAN.

 

Hindi lang Manila ang apektado ng high tide na nagsasanhi ng baha kundi pati na rin ang Las Pinas, Paranaque at Cavite na ang ang hantungan ng dumadaloy mula sa drainage system nila ay  Manila Bay. Nang magkaroon ng reclamation project sa Manila Bay na tinayuan ng isang maunlad na distrito, nangyari ang pinangangambahan ng mga taga-Paranque  at ilang bahagi ng Las Pinas dahil “nasakal” ang dati ay maluwag na daluyan ng tubig mula sa mga ito patungo sa Manila Bay, kaya mabilis ang pagkaroon ng baha sa kanila kung tag-ulan.

 

Ang Marikina River ay nagdudugtong sa  Pasig River kaya kung bumalik ang tubig mula sa Manila tuwing high tide na sinabayan ng malakas na ulan, matinding baha din ang resulta.  Ang mga ilog na mula sa bulubunduking bahagi ng Rizal ay sa Marikina River din dumadaloy kaya nakakadagdag sila sa mabilis na pagtaas ng tubig na sanhi ng mabilis na pag-apaw.

 

HIGIT SA LAHAT, MAS MABABA ANG MANILA KAYSA WATER LEVEL NG DAGAT NA NOON PA LANG AY ALAM NA….AT DAHIL MAS MABABA KUNG IHAMBING SA IBA PANG MGA NAKAPALIGID NA BAYAN,  ITO ANG   PINAKALABASAN NG TUBIG MULA SA PASIG RIVER PAPUNTA SA MANILA BAY.

(The image of the Pasig River is from the Google archive.)

PASIG RIVER 1

 

TONDO

TONDO

Ni Apolinario Villalobos

 

Tambakan daw ng mga patapon

Pugad ng mga kapuspalad

Hangganan ng pangarap –

Ng mga taong

Madilim ang hinaharap.

 

Marami na ang sumumpa

Na sa Tondo’y hindi babalik

Nguni’t iba ang tawag

At hila ng ugat

Pilit nagpapaliwanag.

 

Tondo, oh, bakit ba?

Naturingan ka

Na pugad ng dalamhati

Pinagkaitan ng saya

Ng ngiti at ng ganda.

 

Ang lahat ay may pagbabago

Kung may araw, mayroon ding gabi.

Kung may lamig, mayroon ding init

Tulad ng Tondo

Gumaganda, dati’y pangit.

 

Ngayon, iba na siya

Unti-unting nagbabago

Nasisinagan ng pag-asa

Na ang dulot

Ay bagong buhay

At may ligaya!

Ang Ayaw Tumulong Huwag na lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Ang Ayaw Tumulong

Huwag Na Lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Ni Apolinario Villalobos

 

Napilitan akong sumulat uli tungkol sa subject na ito dahil sa narinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa dyip. Galing ako noon sa mga nasunugan kong kaibigan sa Tondong nakatira pansamantala sa isang basketball court ng barangay na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng sunog. Habang tumatakbo ang dyip galing sa port area papuntang Divisoria, sinabi ng isang babae sa katabi niya na, “mabuti ngang nasunog ang mga bahay sa Parola dahil pinamumugaran lang ng mga drug addict, mga puta at mga bata madudungis”.

 

Gusto ko mang sumabad, hindi ko na ginawa dahil mukhang mataray ang babaeng nagsalita at siguradong magtatalo lang kami. Mahirap na dahil baka makarating kami sa barangay, mabisto pa kung sino talaga ako dahil kukunin ang pangalan ko. Hindi kasi ako nagpapakilala sa mga taong tinutulungan ko sa Tondo.

 

Ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang paglibak sa kapwa nilang kapus-palad o naghihikahos, na ayaw naman nilang tulungan. Palibhasa daw ay hindi mapapagkatiwalaan, madudungis kaya nakakasira ng tanawin, mga magnanakaw, mga puta, mga adik, mga tamad, mga putik ng lipunan.

 

Ang dapat gawin ng mga ayaw tumulong sa mga nangangailangan ay tumahimik na lang at magpakasaya sa yaman nila na pinaghirapan nilang kitain. Pero tulad ng sabi ko, dapat ay huwag manlibak ng mga taong kapos na inaakala nilang nakikibahagi sa kanilang yaman.

Walang may gustong maging mahirap. May sinusuwerte kahit hindi masyadong nagsikap at mayroon ding hindi sinuwerte kahit ang ginamit sa pagsisikap ay mismong karangalan at buhay, kaya nagpuputa at nagnanakaw. Ang mga nagpuputa ay nagkakasakit ng AIDS at ang magnanakaw ay napapatay.

 

Ang nawalan ng ganang magsikap ay siguradong may dahilan kaya huwag silang husgahan agad, tulad ng isang nakausap ko na ilang beses nang nagtrabaho subalit palagi ring biktima ng pagmamaltrato. May mga biktima ring ginawang “tuntungan” ng mga taong gusto lang yumaman…ibig sabihin, ginamit lang sila.

 

May mga taong sinuwerte sa buhay pero sa halip na lumingon sa kanilang pinanggalingan ay nanlibak pa ng mga kaanak at kaibigan na hindi sinuwerte kaya naghihirap. Kung mapansin naman nilang nagsisikap ay sasabihin pang “trying hard” at pati ang mga simpleng pagsasaya na nakikita sa mga larawang naipo-post sa facebook ay nililibak din sa pagtanong ng, “ganyan ba ang naghihirap?…naka make-up pa at magagandang damit ang suot?” Para sa akin, hindi dahilan ang kahirapan upang magpabaya sa pag-ayos ng sarili dahil marami ngayong magagandang damit sa ukayan at mura lang.

 

Dapat alalahanin ng mga may kaya sa buhay na nanlilibak, na ang yaman ay hindi nila madadala kung sila ay patay na. Ang mayayamang nanlilibak ay kumakain ng masasarap, hindi tulad ng mahihirap lalo na ang mga sobrang kapos na ang mga kinakain ay galing sa basurahan. Subalit, magkaiba man ang kanilang pagkain, pagdating sa bituka ng kanilang kinain ay parehong nagiging dumi o tae na mabaho! At, tulad ng mga kinakapos sa buhay, kung mamatay ang mayayamang nanlilibak, kakainin din ng uod ang nabubulok nilang bangkay…. pwera na lang kung na-cremate sila!

 

 

Ang Baha at Kapalpakan ng Gobyerno

Ang Baha at Kapalpakan ng Gobyerno

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang nararanasang baha tuwing tag-ulan ay nangyayari sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang kalumaan ng mga drainage – maliit at puno na ng latak o sediments….yan ang sitwasyon ng Manila at mga lumang lunsod tulad ng Bacoor City, Imus City, Cainta, Taytay, Makati, at marami pang iba. Subalit maraming mga bagong barangay, bayan at lunsod ang binabaha dahil sa KAWALAN NG DRAINAGE SYSTEM.

 

Sa mapa at blueprint na batayan ng mga proposal sa pag-approve ng status ng local units upang maging barangay, bayan o lunsod, walang naka-indicate na drainage system. Ang nakalagay lang ay mga “zones”.  Dapat ay kasama sa blueprint ng barangay, bayan at lunsod ang sketch ng  DRAINAGE SYSTEM NA GAWA NA, HINDI DROWING LANG. Kung wala nito, dapat ay hindi aprubahan ng Kongreso ang pino-propose na status. Dahil sa kapalpakan na yan, maraming lunsod na palaging lubog sa baha, at kung magpagawa man ay wala pang effective na direction kung saan dadalhin ang waste water. Ang kapalpakan na yan ay hindi dapat isisi sa kasalukuyang nakaupong mga namumuno dahil minana lang nila ang problema.

 

Dapat ay gayahin ang sistema ng mga subdivision developers batay sa requirement ng mga ahensiyang may kinalaman sa housing program.  Bago sila makapagbenta ng mga lote, ang subdivision ay dapat kumpleto sa mga facilities tulad ng drainage system, electric posts, plaza, multi-purpose hall, basketball court at ang iba ay mayroon pa ngang chapel.

 

Kung magpo-propose naman sana ng isang sitio na gagawing barangay, dapat ay kasama ang territorial blueprint na nagpapakita ng mga kanal, manhole, at direksiyon na patutunguhan ng tubig – kung sa ilog man o sa lawa.

 

Kapag ipinanukalang gawing lunsod ang isang bayan at inaasahan ang pagdagsa ng mga investors na magtatayo ng restaurants, malls, hotels, at condo buildings, dapat ay mahigpit na ipatupad ang pagkakaroon nila ng malaking septic tank na siyang magsasala (strain) muna ng maruming tubig bago ito padaluyin sa drainage system.

 

Sa simpleng salita…KAPABAYAAN ANG DAHILAN NG MGA BAHA, NA LALO PANG PINATINDI NG MGA NAKATIWANGWANG NA MGA PROYEKTO, NA KARAMIHAN AY BASTA NA LANG INIWAN NG MGA CONTRACTORS DAHIL SA KAKULANGAN NG BUDGET.

Ang Maynila

Ang Maynila

Ni Apolinario Villalobos

 

Masayang mahirap ang buhay sa Maynila lalo na para sa mga ordinaryong mamamayan.  Ang unang-unang pagdurusa ay dulot ng mala-impiyernong trapik. Ang mga lansangan ay umaapaw sa mga sasakyan. Lalong malala ang kalagayan ng trapik tuwing panahon ng tag-ulan dahil sa mga baradong drainage o mga imburnal at mga hinukay na kalye na ire-repair kuno subalit iniwang nakatiwangwang ng mga dispalinghadong kontraktor na hindi naman pinapansin ng mga walanghiyang in-charge na ahensiya ng gobyerno. Ang mga kawawang estudyanteng nahuhulog sa mga imburnal kung may baha ay ni hindi nakakapagreklamo dahil hindi rin sila binibigyang-pansin.

 

Walang disiplina ang karamihan ng mga drayber kaya hindi maiwasang magkapatayan dahil lang sa tinatawag na “road rage” o init ng ulo sa kalye….wala kasing gustong magpalamang. Dahil sa matinding trapik, mas mahaba pa ang oras na ginugugol sa biyahe papunta sa pinapasukan at pauwi ng bahay, kaysa sa pagtigil sa mismong pinapasukan at sa bahay. Maraming magulang ang umaalis sa bahay nang madaling araw habang tulog PA ang mga anak, at nakakauwi sa bahay ng halos hatinggabi na kung kaylan ay tulog NA ang mga ito kaya nagkikita lang sila kung weekend.

 

Sa Maynila, hindi napapansin ang ganda ng buwan kung ito ay nasa kanyang kabilugan dahil sa dami ng mga streetlights, neon lights, dancing fountains, kumukutitap at patay-sinding signboards at billboards. Wala ring nakikitang mga alitaptap sa mga puno, naririnig na kuliglig (cicadas) at kokak ng mga palaka. Ang paglubog ng araw ay nakikita at kinamamanghaan pa rin sa natitirang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa breakwater ng Mall of Asia at mula sa Philippine Navy hanggang sa US Embassy. Subalit baka dumating ang panahon na pati ang mga bahaging nabanggint ay mare-reclaim na rin upang patayuan ng mga nagtataasang gusali tulad ng ginawa sa Baclaran at Pasay.

 

Maraming manloloko sa Maynila. Ito ang mga animo ay linta na nabubuhay sa dugo ng mga niloloko nilang nagsisikap upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Hindi lang mga bagong salta sa Maynila ang biktima ng mga ungas na ito kundi pati na rin ang mga matagal nang nakatira sa lunsod pero hindi hindi pa rin nagkakaroon ng leksiyon. Samantala, ang ibang ungas na manloloko ay regular na nagbabago ng strategy upang makalusot.

 

Kung magpakasipag lang at magsikap habang nakatira sa Maynila, walang mamamatay sa gutom sa Maynila…nakakatiis lang dahil sa pagpipilit na pagkasyahin ang maliit na kinikita. Marami rin ang nakakaraos sa pagkain ng “pagpag” (tira-tirang pagkaing napulot sa basurahan, nilinis at niluto uli). Dahil diyan, kahit ang mga nakatira sa bangketa at marunong dumiskarte tulad ng pamululot ng mga mapapakinabangan sa basura ay nakakaraos pa rin. Marami ring mga nagwo-working student sa Maynila sa pamamagitan ng pagpasok sa mga burger joints, restaurants, malls, at iba pa. Ang iba namang gustong kumita agad ng pera ay nagpuputa o nagpoprosti sa Avenida. Marami akong nakausap na nagtatrabaho sa Ayala business district na dating mga “escort ladies” at “escort boys” habang nag-aaral hanggang makatapos sa kolehiyo.

 

Ang Maynila ay malaking lunsod na maraming oportunidad o pagkakataon para sa masisipag. Okey ditong mag-aral dahil sa dami ng mga unibersidad at kolehiyo. Ang matindi lang ay ang ugali ng mga iskolar ng bayan na dito nag-aaral at naghihintay ng pagkakataong makasama sa mga rally ng mga komokontra kay Duterte. Marami ring nagbabakasakaling dito sila makakatisod ng partner na mayamang matandang malapit nang mamatay. Subalit marami rin akong nakausap na may kakambal yatang kamalasan na na-stranded sa Maynila at sumusumpang hindi na babalik dito kapag nakaipon ng perang pamasahe pauwi sa kanilang bayan.

Manila Metropolitan Theater…its history and story of neglect

Manila Metropolitan Theater

…its history and story of neglect

By Apolinario Villalobos

 

A country without a cultural landmark is like a basket that can’t hold water. Nothing is left to stand for the past, be it significant or not. Events just happen and forgotten, and for this, the people’s culture suffers. Many countries, though how small they are, have won the respect of powerful ones because of their rich past, made tangible by whatever remains.

 

The Philippine’s rich past has made its people look for an outlet which took form in plays, songs, poems, paintings, sculpture and other artistic expressions. The admixture of the eastern and western influences, have surfaced in all these expressions. Foreign influences which left their respective sediments in the country nourished cultures which are distinctly different from each other. These are however, consolidated by the Filipinos in a compromising effort to have just one that could be identified with them.

 

That was the benevolent intent which was magnified during the administration of Ferdinand Marcos. The theater was then, beginning to gain momentum in its effort for revival, as plays and concerts were again held, but unfortunately cut short when the feisty president was deposed.

 

Despite its sorry state today, it is important that Filipinos know how such neglected important landmark came to be.

 

The Metropolitan Theater that sprung up on a area of 8,293.58 square meters at Liwasang Bonifacio (formerly, Lawton plaza), embodies the several periods that saw the metamorphosis of the country. The unpretentious environment in which the expressionistic framework of the theater took shape is just a stone’s throw from the Bonifacio monument that stands witness to rallies of disgruntled students and workers. It is also a few steps from Mehan Garden, once a popular recluse of Manilans on weekends. Today, Mehan Garden is part of the Universidad de Manila campus.

 

Its colorful and massive façade reflects its mute desire to stand firm and solid despite the challenges posed by turbulent years that rocked its structure more than five decades ago. The month of February in 1945 saw the crumbling of its roof as a result of bombings and shelling by the Allied Forces during the liberation of Manila. Its walls however, withstood the barrage of both the allies’ and enemy’s fires.

 

But the theater’s story before the dark years of WWII was something else. It was full of struggle and challenges that just strengthened its foundation. In 1924, with an appeal from Mayor Earnshaw, an area of 8,293.58 square meters was leased  by the government of Manila to the Metropolitan Theater Company, represented by Horace Pond, Antonio Milian, Leopoldo Khan, Manuel Camus, Enrique Zobel and Rafael Palma. The land then was used as a flower market of Mehan Garden. It was an untrimmed and not so pleasantly landscaped area that gave way to the theater.

The concerted effort of various communities of Manila that comprised of Americans, Chinese, Spanish and Filipinos, bolstered the hope of the crusading artists. A magazine, Manila’s Philippine Magazine, carried encouraging write ups on the proposed theater in its effort to gain support from its readers. Stocks were sold by the Philippine International Corporation at Php100.00 and Php50.00 to raise the needed fund which was one million pesos.

 

The project inspired many artists. Almost everybody was concerned and did not hesitate to offer help. One of these early sympathizers was Juan M. Arellano, a leading architect of the era, and who was sent to study in the United States with Thomas W. Lamb, an expert in theater construction. His sojourn in the United States marked the birth of a unique theatrical design which stood for the Filipino’s artistic traits. A brother of Arellano, Arcadio, contributed his skill in decking the structure which took form shortly after the cornerstone was laid in 1930.

 

What took shape was what the Phlippine Magazine editor, A.V.H. Hartendorp called modern expressionism. Flagstone paths were cut across lawns greened by tropical creepers and shrubs. On each side of the rectangular theater were pavilions separated from the main hall by open courtyards.

 

The theater’s façade truly expressed the richness of the Malay culture imbibed in the ways of the Filipinos. Colorful were the glasses that made up the big “window” and the tiles on both side of the façade. Philippine plants in relief added exoticness to the theater’s face which was crowned with traditional Muslim minarets. Additional oriental accent was provided by shapely sculptured figures of two women who seemed to be preparing to take flight.

 

The theater’s interior equaled the exterior’s magnificence – wide marble staircase, mural paintings by Amorsolo and modern sculptures by Francisco R. Monti. The latter was an Italian sculptor, who practiced his trade in the country in the early 1930s. To give a feeling of spaciousness, boxes were eliminated. Relief figures cast shadows on the proscenium. Elongated lamps of translucent glass in the shape of bamboo stalks filled up the empty wall on both sides of the hall. The translucent stalks pointed to the ceiling that burst with a cornucopia of mango fruits and leaves.

 

The auditorium’s facilities were excellent, although the seating area could only accommodate 1,670, quite small for a fast-growing city like Manila. Its lighting, acoustics, air-cooling system and dressing rooms were all excellent and almost faultless. However, there was no understage and the orchestra pit was too narrow.

 

Dramatic Philippines was responsible for the showing of outstanding plays that made the theater famous. Very active members were Francisco Rodrigo, Emma Benitez and Narciso Pimentel. The theater’s stage was also grace by the zarzuela queen, Atang de la Rama.

 

Even when the country wallowed in the misery of subordination by a foreign power during the WWII, the theater continued to draw art lovers. It was used by members of the Volunteer Social Aid Committee (VSAC) as a front in raising funds for the underground movement against the Japanese. This group of artists likewise acted as secret mail carriers for Manilans who would like to get in touch with relatives detained at Capas and Cabanatuan. These Manila girls, some of whom were Conchita Sunico, Helen Benitez and Pilar Campos, went to the extent of spending for their own clothing materials which were then designed by Matilde Olmos, the best modiste of European clothes during that time.

 

The scarred Met which lost its roof during the liberation of Manila in February 1945 held on to what remained. Unfortunately, the transition period did not give much impetus to those who were previously active in theatricals. Of the several establishments housed by the Met, only the Magnolia Rendezvous, an ice cream kiosk held firm. Meanwhile the building underwent painful changes from a boxing arena into a cheap motel and gay bar, basketball court, garage and warehouse, until finally, into a home for half a hundred of displaced families.

 

It was in such a sorry state when a new breed of artists surfaced and made an appeal to the government to help salvage the Met. Their plea awakened the public from its long indifference and sheer neglect of a priceless heritage. Trouble between the artists and a group of enterprisers ensued when the latter proposed its demolition to give way to a modernistic commercial complex. A petition was submitted to the National Historical Institute to stop the sacrilegious hand and recognize the theater as an historical landmark.

 

The timely mediation of Mrs. Imelda Marcos gave assurance to the artists’ victory over their destructive opponents. The Met was finally restored to its pre-war grandeur and has been called the Manila Metropolitan Theater.  Its seating capacity was increased from 1,670 to 1,709.

To augment its finances, galleries that fringed the outer structure were rented out to shops that sell handicrafts, restaurants, studious and a night club. Bigger rooms on the second floor were furnished for receptions and meetings. Even the auditorium was leased to a movie company which showed three-dimensional films whenever the theater was free. Once again, shows and concerts were held.

 

The recovery of the theater was, however, short-lived. The emergence of the modern Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, modern cinema theaters and other cultural and artistic venues signaled again its slow deterioration. Groups of concerned artists joined hands to prevent its continued relapse to no avail….until, finally, it is back to its former state of gross neglect that we woefully see today. To protect it from intruding street dwellers, the periphery of the structure is fenced with board on which are pasted scenes of its former glory.

 

 

 

Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila

Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila

Ni Apolinario Villalobos

 

Nagpapakahirap ang gobyerno at Metro Manila Development Authority sa paghanap ng paraan kung paanong mabawasan ang trapik sa kalakhang Maynila, ganoong ang solusyon ay nandiyan lang…ang Pasig River. Dapat linisin lang consistently ang Pasig River upang hindi gamiting dahilan ang mga water liliy na sumisira sa mga makina ng mga sasakyang pang-ilog tulad ng ferry. Subalit, ang mga proyekto sa paglinis ng Pasig River ay hanggang launching lamang….kodakan ng mga opisyal na gustong makita ang mga mukha sa diyaryo at TV….pagkatapos ng launching, goodbye na sa project….nagkalimutan na. Tuwing may bagong administrasyon, bagong proyekto din ang nilo-launch. GANYAN KAPANGIT ANG UGALI NG MGA NAKAUPONG OPISYAL….MGA MATATAKAW SA PHOTO OPPORTUNITY….ANO ANG NANGYARI SA “PISO PARA SA PASIG” NA SINIMULAN NI MING RAMOS NOONG PANAHON NI FIDEL RAMOS PRESIDENTE?….WALA!!!!!!

 

Hindi na dapat pang ipilit ang paggamit ng mga masisikip nang mga kalsada na pinupuno ng mga kotse ng mga mayayaman at mga bus na galing sa ibang bansa na ang hangad ang lokohin ang Pilipinas na tinatapunan ng mga bus na gawa nila. Nakakabahala ang planong paggawa ng subway sa Metro Manila dahil sa palyadong drainage system na ang iba ay iniwang nakatiwangwang. Siguradong pagbaha, maraming malulunod sa mga subway trains. KUNG ANG LRT AT MRT NGA LANG AY MAHIRAP NANG I-MAINTAIN DAHIL SA CORRUPTION, ANG SUBWAY PA KAYA? HINDI PWEDE ANG MGA GANYANG HI-TECH NA FACILITY SA PILIPINAS DAHIL SA CORRUPTION NA MALALIM ANG PAGKABAON SA SISTEMA….ISANG MAPAIT NA KATOTOHANAN!

 

Kung sa Bangkok, nagawang i-maintain ng gobyerno ang kalinisan ng main river nila na tinuturing din nilang major traffic artery, bakit hindi ito magawa sa Maynila? May floating market ang Bangkok na pwedeng gawin din sa Maynila, subalit ang problema ay ang mga burarang mga iskwater na nakatira sa mga pampang (river banks) na kapag inalis ay aalmahan naman ng mga komunistang grupo at mga human rights advocates kuno.

 

Ang Pasig River ay pwedeng gawan ng bicycle lane na may bubong mula Escolta hanggang Laguna at iba pang arteries na dumadaloy sa iba’t ibang lunsod at bayan sa buong kalakhang Maynila. Upang magkaroon ng seguridad ay dapat lagyan ng mga ilaw at mga pulis outpost sa mga designated entrance/exit areas kung saan ay pwedeng umakyat at bumaba ang mga commuting cyclists. Pwede ring lagyan ng mga rest areas na may snack kiosks para magamit na pahingahan. Sa simula pa lang ay dapat na itong kontrolin upang hindi magamit ng mga sidewalk vendors. Kapag nangyari yan, ang mga commuters ay gaganahang mag-bike kaysa sumakay ng bus, LRT o MRT dahil makakatipid na sila.

 

Ang hirap kasi sa gobyerno ng Pilipinas, karamihan ng mga nakaupong opisyal na mga matatalino kuno ay graduate at nagseminar sa ibang bansa kaya ang mga natutuhan ay HINDI ANGKOP sa Pilipinas. Yan ang resulta ng ugaling pangongopya ng mga Pilipino. Dapat ay isaalang-alang ang kultura ng mga Pilipino pagdating sa mga proyekto dahil unang-una, walang disiplina ang mga Plipino. Dahil diyan, ang nangyayari sa Singapore ay IMPOSIBLENG mangyari sa Pilipinas dahil sa ugali ng mga hangal na opisyal na ang palaging tinitinghan sa mga proyekto ay kung paano silang kumita ng komisyon…AT LALONG DAHIL SA KAWALAN NG DISIPLINA NG MGA PILIPINO, NA KAPAG SINITA SA GINAWANG MALI AY TATAKBO SA HUMAN RIGHTS COMMISSION!!!!!

Dalawang Masikap na Single Moms, Masaya at Kuntento sa Buhay…sina Hilda Ibayne at Tess Quintance

Happy Women’s Month!

 

Dalawang Masikap na Single Moms, Masaya at Kuntento sa Buhay

…sina Hilda Ibayne at Tess Quintance

Ni Apolinario Villalobos

 

Maraming single moms ang naninirahan sa Maynila kung saan ay maraming oportunidad kaya nakakaraos sila kahit papaano basta masipag lang, tulad nina Hilda Ibayne at Tess Quintance.

 

Si HILDA ay nakapuwesto sa isang sulok ng Avenida (Sta. Cruz) at ang pinagkikitaan ay paglilinis ng mga kuko sa kamay at paa, bilang manikurista. Suki niya ang mga “Avenida cruisers”, mga nagtitinda ng aliw (prostitute) na nasa mga puwesto na nila sa kahabaan ng Avenida 7AM pala.  Php50 ang singil niya sa pedicure o manicure at kung “set” o manicure at pedicure ang gagawin ay pwedeng tawaran. Kung walang nagpapalinis ng mga kuko, nagre-repair naman siya ng mga sandal at sapatos, at nagtitinda ng kendi at sigarilyo.

 

Nang kausapin ko siya isang umaga ay nagre-repair siya ng isang pares na sandal. Taong 2000 pa daw siya “sapatera” halos katitin-edyer pa lang niya at tatay niya ang nagtiyagang magturo sa kanya. Nang makipag-live siya sa isang sapatero din, pinaubaya sa kanila ng kanyang tatay ang puwesto. Subalit pagkatapos siyang maanakan ng tatlo ay iniwan na daw siya ng kinasama niya at umuwi na ito sa Cebu. Sa halip na mapanghinaan ng loob, nag-aral siyang maglinis nang kuko at bumili ng mga gamit. Kalaunan ay nagkaroon na siya ng mga suki. Upang madagdagan ang kinikita sa paglilinis ng mga kuko, nagre-repair pa rin siya ng mga sapatos at sandal, at nagtinda na rin ng sigarilyo at kendi.

 

Ang mga anak niyang nasa hustong gulang na upang mag-aral ay pumapasok. Ang panganay niya ay 11 na taong gulang, sinundan ng 9 na taong gulang, at ang bunso ay 6 na taong gulang naman. Sa awa daw ng Diyos ay nakakaraos silang mag-iina, yon nga lang, dahil sa K-12 program ng DECS ay nadagdagan ang kanyang pasanin. Ayon kay Hilda, pinipilit niyang umuwi sa barung-barong nila sa Baseco Compound (Tondo) bago kumagat ang dilim upang makapaghanda ng hapunan nila. Kuntento siya sa buhay at walang sinisisi sa kanyang kalagayan. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makatapos ang kanyang mga anak maski senior high school man lang.

 

Si TESS naman ay nakapuwesto sa Quiapo, labasan ng shrine o luklukan ng Black Nazarene. Nakausap ko siya nang bumili ako ng underwear na napag-alaman kong sarili pala nilang gawa, subalit nilagyan lang ng etekita ng isang kilalang brand. Dahil kaunti lang nakalatag ay nagtanong ako kung sapat ang kanyang kinikita niya na sinagot naman niya ng okey lang daw. Mga tira daw ang inilatag niya mula sa mga dinileber niya sa mga kostumer na may mga puwesto. Tulad ni Hilda, iniwan din si Tess ng kanyang kinakasamang pulis pagkatapos nilang magkaroon ng 7 anak. Taong 2013 nang iwanan silang mag-iina ng kanyang asawa upang makisama sa ibang babae.

 

Sa simula ay hindi niya alam ang gagawin nang iwanan sila ng pulis. Mabuti na lang daw ay may nagyaya sa kanyang pumasok sa isang patahian na malapit lang sa kanila. Todong pagtitipid ang ginawa nilang mag-iina kaya pati pag-aaral ng mga anak ay naapektuhan dahil mas binigyan niya ng halaga ang mga gastos para sa pagkain at upa sa tinitirhang kuwarto. Nang maging bihasa o esksperto na sa pagtabas at pagtahi ay naglakas-loob siyang umutang upang may maipambili ng makina. Tumulong sa kanya ang apat niyang nakakatandang mga anak sa pagtahi ng mga simpleng damit pambata at kalaunan pati mga underwear ay sinubukan na rin nilang gawin. Ang mga nakakabatang anak naman ay nagpatuloy sa pag-aral.

 

Ang panganay niyang anak na tumutulong din sa pagtabas ay nagtitinda na rin ng mga alahas na pilak na sinasabay ang pagbenta tuwing mag-deliver siya ng mga ino-order na mga underwear. Nakakapag-deliver daw sila sa Baclaran, Pasig, Bulacan at Caloocan. Pabulong niyang sinabi na ngayong maysakit daw ang dati niyang asawa ay lumalapit ito sa kanya upang humingi ng pambili ng gamot, at binibigyan daw naman niya. Nang tanungin ko kung saan siya humugot ng lakas upang makaraos silang mag-iina, itinuro niya ang simbahan ng Quiapo. Nakatira silang mag-iina sa Taguig (Rizal).

 

Sina Hilda at Tess ay mga halimbawa ng tunay na pagsisikap ng tao…nagtitiyaga at hindi umasa kahit kanino, at ang bukod-tanging hiningi sa Diyos ay madagdagan pa ang lakas ng kalooban at katawan…hindi pera. Wala rin silang kinimkim na galit sa dati nilang asawa. Kabaligtaran sila ng ibang babae na kahit nakahiga na sa salapi ay hindi pa rin kuntento sa buhay, kaya upang lumago pa ang kanilang yaman ay nagnanakaw sa kaban ng bayan o nanloloko ng kapwa. May isa ngang babae na bukod sa nang-agaw ng asawa ay nagkanlong (protect) pa ng mga drug lord kaya sagana siya sa sustento hanggang sa maikulong. Yong iba pa ay hindi alam ang gagawin sa sobra-sobrang pera kaya kung anu-ano ang mga pinaggagawa sa katawan upang mabago ang ginawa ng Diyos, kinarma naman kaya ang iba ay tumabingi ang ilong, nagkaroon ng nana (pus) ang suso at puwet dahil sa inilagay na silicone, o nagkaroon pa ng kanser!