Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa Ibang Bansa

Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa Ibang Bansa

Ni Apolinario Villalobos

 

Unang-una, bilib ako sa perception ng mga Pilipinong gumawa agad ng desisyon na lisanin ang Pilipinas at manirahan sa ibang bansa dahil napansin nilang hindi maganda ang pamamalakad sa gobyerno. Totoo naman, dahil sa pag-usad ng panahon ay lalong dumadami ang problema lalo na sa korapsyon. Sa kabila ng kanilang kinalalagyan ngayon, ang ilan sa kanila ay nakakapagpadala pa ng mga impormasyon tungkol sa ginagawa ng mga kababayang NASA AMERIKA AT IBANG BANSA na pilit na nagdidiskaril sa gobyerno ng Pilipinas.

 

Ang hindi maganda ay ang ginagawa ng ilan na naghahambing ng kinalalagyan nila ngayon sa kalagayan ng mga nasa Pilipinas. Mababasa ang takbo ng kanilang isip sa mga comments nila tulad ng, “ano ba kayo diyan….!”, “mabuti pa kami dito….”, “ano ba yang presidente NINYO….”etc.  Ang mga sinasabi nila ay parang asin na ibinudbod sa sugat na nagpapahirap na sa mga Pilipino dito sa Pilipinas.

 

Kung magbalikbayan naman ang ilan, unang napapansin agad ay ang trapik na para bang ikinabigla nila, ganoong maski saang lupalop ng mundo ay nakabalandra sa screen ng TV ang mala-impiyernong kalagayan ng trapik sa Manila, Cebu, Davao at unti-unti na ring nangyayari sa iba pang panig ng bansa. Para bang gusto nilang ipaalam na sila ay balikbayan, bagong dating, galing abroad, etc….sosyal nga naman! Kapag nilapitan ng namamalimos, kunwari ay mabibigla at magsasabi ng , “ano ba yan….bakit ayaw asikasuhin ng DSW?!”….NAKU NAMAN, PARA BANG HINDI NILA ALAM ANG KORAPSYON SA PILIPINAS!

 

Noong sila ay hindi pa nakarating sa ibang bansa kaya lumalanghap DIN ng maruming hangin ng Maynila at iba pang mauunlad kuno na mga lunsod ng Pilipinas, alam na ng mga stateside Pinoy na ito kung anong uri ng bansa meron tayo. Ang nadagdag lang sa landscape ay mga nagtatayugang commercial at condo buildings at pagdami ng mga Intsik na namumuhunan saan mang panig ng bansa…at, pagdagsa ng mga kababayang Badjao sa ilang lunsod. Dahil diyan, huwag na lang sana sila magtaka pa dahil nababalitaan naman sila ng mga kaanak na nasa Pilipinas.

 

Sa isang banda, bilib ako sa mga Pinoy sa abroad na ang layunin ay kumita lang upang makatulong sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Ang payo ko naman na unsolicited o hindi hiningi, yong mga nakalutang sa ere (air) ng bansang tinitirhan nila, huwag nang magdagdag ng pasakit sa mga naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga binibitiwang unsolicited o hindi hininging arrogant comments, sa halip ay mag-imbita na lang sila ng mga kababayan to join them…join the fun in their new heavenly “home”!

On Eccentricity

ON ECCENTRICITY

By Apolinario Villalobos

 

The dictionary defines eccentric as unusual or abnormal behavior or character which for me is wrong. Just because a person keeps to himself and rather read than attend parties is being eccentric, or sprinkling pasta with fish sauce is eccentric, etc. The problem with the scientists kuno, who study the mind and personality is that they rely on questionable “standards”. On the other hand, the dictionary publishers pick these information up, just like the way they pick up street words and expressions from all over the world to expand their publication for more money. That is why even the simple symbol of the heart has become a synonym of the word “love”. Although, supposedly intelligent guys are using groups as basis to qualify and justify their findings, I would like to think still, that they have gone beyond what should be a fair judgment, especially on aspects that involve human behavior. An example on this is the case of “special people “ who were viewed during the Medieval Period as lunatics, and epilepsy as a “devil’s disease”. Scientists kuno still go on with this malpractice of unfairly identifying people based on their discerned characters.

 

I am bringing this out because several times I have been dubbed as eccentric, because:

  • I dip green mango and singkamas (jicama) in vinegar
  • I dip table banana in soy sauce
  • I melt at least two pieces of “Snow Bear” menthol candy in my mug of coffee
  • I enhance my pasta sauce with bagoong (fish sauce)
  • I prefer to eat the burnt portion of steamed rice
  • I hate parties and formal dinners
  • I prefer sidewalk food stalls than restaurants

 

In this regard, I would like to call those who do not understand my ways as “ignorants”….they who do not even know or refuse to understand that unpolished rice is nutritious than the polished white rice; that the chemically-washed “refined” sugar in all its whiteness glory is one of the causes of cancer; having meat in diet 7 days a week without even a single sprig of green vegetable can result to colon cancer; uncontrolled partying could be a sign of insecurity masked with ear to ear grin; burnt rice can alleviate stomach acidity; vinegar reduces acidity in green mango, add flavor to the bland taste of jicama, and the soy sauce can enhance the potassium in banana; etc.

 

It is unfair for a person who deviates from the ways of others, to earn an eccentric reference. The word’s connotation as being “abnormal” is already unfair. The accusers on the other hand, are the abnormals, because they are not supposed to be judgmental. By being judgmental, they unknowingly try to reflect on others their (accusers) own kind of bad personality and that is not being kind…a normal person is supposed to be kind to his fellow man.

 

For me, the following are just some of the eccentrics:

  • Corrupt government officials
  • Aging Roman Catholic bishops who do not give a damn to the future of the youth of the land
  • Graduates of universities who use their learned expertise in exploiting others
  • Drug lords who do not know that what they do is “slow murder”
  • Drug addicts who rape innocent children, and even their own mother and sister

My question now is, have the few mentioned above ever been called eccentric by the supposedly bright journalists as such, for their obviously abnormal behavior?….my answer is a big NO!

 

 

The “Drive” of a Person Spells His Success

THE “DRIVE” OF A PERSON

SPELLS HIS SUCCESS

By Apolinario Villalobos

 

 

There are people I know who graduated as summa cum laude or magna cum laude or have taken up post studies for Masters and Doctorate, yet, they failed to succeed vis-à-vis with what they have gone through coupled with money spent, without mentioning the time. On the other hand, many average graduates who finished ordinary courses from far-flung colleges have immensely achieved success. Of course, being at the right place at the right time can help, but the most essential factor here, is the “drive” within a person. In this view, the school and books could be necessary but not guarantees for a bright future if those who benefited from them lack the enthusiasm and energy to crash through the hurdles that block their way towards success.

 

This is the real situation in finding an ordinary job by fair means and working one’s way up in the corporate ladder: Graduates, regardless of their course and where they graduated, undergo a series of interview and examination, so it doesn’t matter if one is a graduate of a provincial college or a high-end university in a city, as what matters, is he passes the tests. From the lowest rung of the echelon, he works his way up based on his performance and other on-the-job criteria, and not on how he fared when he graduated as such record is already in his 201 file. The current basis is his performance, diligence, relationship with colleagues and bosses, and punctuality. If the guy is one who does not complain every time added work is given to him, he gets a plus, and also when he shows a congenial teamwork capability and respect for time.

 

The problem with many new-hires today, especially, the snooty graduates of high-end universities, is they complain every time they are given added tasks. They view such tasks with disdain for being not part of their job description, instead of considering them as opportunities for advancement. As a result, because of their high regard to their high-end alma mater, they always expect to find another job if they resign after a short span of stint in the job. On the other hand, graduates of the unassuming colleges have more reasons to work hard and grateful for being hired and recognized for their willingness to learn more by doing added tasks with gusto, which in effect prepares them for better opportunities as they strive for the next rung of their career.

 

Meanwhile, many graduates are so conscious about the “management” attached in their course. It does not spell any difference at all in the face of highly competitive job-hunting today. One typical example is when we had an on-the-job trainee who was taking a two-year secretarial course. She was admirably punctual and even made attempts at editing our drafted memos which we sincerely appreciated, because we were not always sure if what we scribbled to be typed by her were grammatically correct all the time. She put the topsy-turvy office file in order and did not mind rendering overtime if necessary despite her being just an OJT.  After completing the required time, she left and somewhat affected us. When we were in need of a secretary, we put our Human Resources office to task by demanding that we want our former OJT or nobody at all. It took them some time before locating her and finally giving her the job. Today, she is an Executive Secretary…liked by all her colleagues in the office including her boss.

Ang Pag-unawa sa Ugali ng Tao

ANG PAG-UNAWA SA UGALI NG TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

UPANG HINDI MAGING 100% ANG GALIT SA ISANG TAO, ALALAHANIN DIN ANG MGA MAGAGANDANG BAGAY NA KANYANG GINAWA. HINDI LANG IISANG UGALI MAYROON ANG TAO…MARAMI AT NAGKAKAIBA – MABUTI AT MASAMA. PERO KUNG SA TINGIN AY TALAGANG UMIIRAL ANG KASAMAAN NG ISANG TAO, UNAWAIN NA LANG, AT IWASAN UPANG WALANG GULO NA BAKA HUMANTONG PA SA SAKITAN.

 

PATI SI HESUS AY NAGMURA DIN AYON SA BIBLIYA. MATINDI ANG KAPANGYARIHAN NG KANYANG PAGMUMURA DAHIL NALANTA ANG PUNO NG PRUTAS NA HINDI NAGKAROON NG BUNGA, PALATANDAANG HINDI NITO GINAMPANAN ANG KANYANG PAPEL SA MUNDO. DAHIL SA PAGKA-INUTIL NG PUNO AY NAGING BIKTIMA RIN SI HESUS NA GUTOM NANG PANAHONG YON. KUNG ANG PAGMUMURA SIGURO NI DUTERTE AY MAY MATINDI RING KAPANGYARIHAN TULAD NG KAY HESUS, BAKA ANG MGA DRUG LORDS AY NALUSAW NA!

 

ANG DEMONYO AY MAY PAKINABANG NA NAI-AMBAG SA LAYUNIN NG DIYOS DAHIL GINAMIT SIYA NITO UPANG SUBUKAN SI HESUS. DAPAT TANDAANG HINDI MALALAMAN KUNG MABUTI ANG GINAGAWA NG ISANG TAO KUNG WALANG MASAMANG PAGBABATAYAN. LAHAT NG BAGAY SA MUNDO AY DAPAT IBATAY SA IBA PA UPANG MALAMAN KUNG ANONG URI SIYA. HINDI MALALAMAN NG ISANG TAO, HALIMBAWA, NA SIYA AY MATANGKAD KUNG WALANG PANDAK! WALANG MASASABING MABANGO KUNG HINDI ALAM KUNG ANO ANG AMOY NG MABAHO!

 

AYON PA RIN SA BIBLIYA, KAHIT PINATAY NI CAIN SI ABEL AY HINDI SIYA TULUYANG ITINAKWIL NG DIYOS, BAGKUS AY NILAGYAN SIYA NG TATAK UPANG HINDI KUYUGIN NG IBANG TAONG MASASALUBONG NIYA NA NAKAALAM NG KANYANG GINAWA. GANOON DIN ANG GINAWA KAY ADAN AT EBA, PATI ANG ULUPONG NA PINALAYAS NA LANG SA HARDIN NG GETSEMANE, AYON SA ALAMAT TUNGKOL SA PARAISO NA NAKASAAD SA BIBLIYA. PALAGAY KO, KUNG TINULUYANG PATAYIN NG DIYOS ANG ULUPONG AT HINDI BASTA NA LANG PINALAYAS, BAKA ANG UGALING TRAIDOR NG TAO AY HINDI UMIIRAL NGAYON!

 

SA PANAHON NAMAN NGAYON, KAHIT ANG MGA NAGING ADIK AT PUSHER AY MINSAN DIN NAMAN SIGURONG NAGING MABAIT NA ANAK O ASAWA AT NAAKAY LANG NG MGA MASASAMANG KAIBIGAN O NAITULAK NG MASIDHING PANGANGAILANGAN. NAMATAY SILA DAHIL NANLABAN SA UMAARESTO O PINATAY MISMO NG DATI NILANG MGA AMONG POLICE NINJA AT IBA PANG DRUG PUSHER NA AYAW MAITURO…KAYA HUWAG ITURO SINA DUTERTE AT DE LA ROSA NA MAY PAKANA NG LAHAT.

 

FINALLY, HINDI HININGI NG BAWA’T TAO NA SIYA AY IPANGANAK SA MUNDO. DAHIL DIYAN, GANOON NA LANG SIGURO ANG  PAG-IYAK AT PAGPALAHAW NG BAGONG ISINILANG NA SANGGOL NANG MARAMDAMANG INILABAS SIYA SA MUNDO DAHIL NAAMOY NITO ANG MABANTOT NA MARUMING HANGIN, AT LALONG TUMINDI PA ANG KANYANG IYAK…PALUIN BA NAMAN SIYA GANOONG WALA NAMAN SIYANG KASALANAN AT KARARATING LANG NIYA SA MUNDONG MARUMI AT MAGULO!

Ang “Blogger”, “Basher”, at “Nakawan” sa Internet

ANG “BLOGGER”,  “BASHER”

AT “NAKAWAN” SA INTERNET

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “blog” ay maaaring ituring na “noun” o “verb”. Kaugnay niyan, kapag “noun” ay pwedeng sabihing “the blog”, kapag “verb” ay masasabing, “to blog”. Subali’t kung tutuusin ay tungkol lang ito sa “pagsusulat” o “pagpo-post” ng buong sanaysay o komento man lang o di kaya ay ng larawan sa sariling facebook o sa facebook ng iba pero may pahintulot nila, at iba pang sites sa internet, lalo na ang mga pag-aari ng blogger.

 

Ang “basher” naman ay mga nagbabasa ng mga blogs at dahil kampon yata ng demonyo, sa halip na tumulong sa pagpapalinaw sa isinulat ng blogger, ay umiikot sa mga personal na bagay ang isinusulat bilang komento. Ibig sabihin ng “personal” ay tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa blogger kaya nade-derail ang mensahe ng blog. Sila yong mga kung tawagin ay “viewers” o nagbabasa ng blogs na hindi nagpaparamdam at tumatayming ng blog na pwede nilang sirain o bulabugin kaya nagagalit rin ang ibang mga seryosong nagbabasa. Kalimitan ay gusto nilang palabasin na mas magaling sila sa blogger sa paggamit ng Tagalog o English, o di kaya ay palabasing mas maganda ang kanilang pananaw. Kung ganoon sana ang paniniwala at pananaw nila, sumulat na lang sila ng sarili nilang blog upang mai-post sa kanilang fb.

 

Sa isang banda, maraming taong matatalino sa larangan ng teknolohiya ang nakakakita ng “ginto” sa internet…mga oportunidad na pwede nilang pagkitaan sa anumang paraan, kahit masama. Ang isang paraan ay ang illegal na pag-hack ng mga sites, gawaing itinuturing ng mga hacker na isang prestihiyosong kaalaman. May mga hantaran pang umaamin na sila ay hacker dahil maraming tao at kumpanya ang umuupa sa kanila upang makapanira ng kalaban o kakumpetensiya sa negosyo. Yong ibang hacker naman ay pumapasok sa sites ng iba bilang katuwaan lang o para patunayan na sila ay magaling. Sa ganitong gawain ay may mga sinuswerte rin, tulad ng Pilipinong nag-hack ng IT system ng Pentagon. Sa simula ay kinastigo siya, pero kalaunan ay kinuha na lang ng Pentagon upang mapakinabangan ang kanyang katalinuhan.

 

Ang iba namang “magagaling” ay gustong kumita sa pamamagitan ng panloloko. Ang mga paraan ay, ang paggamit ng email kung saan ay magpapadala sila ng mga nakakaiyak na kuwento ng kanilang buhay upang makapag-solicit ng tulong; pakikipagkaibigan upang mapagamit sila ng bank account ng kinakaibigan na paglalagakan kuno ng perang minana nila; pagpapadala ng email message tungkol sa isang pasyente sa ospital na kailangang operahan kaya nakikiusap sa pinadalhan na ikalat ang message dahil kapag ginawa ito, bawat isang message na ipinadala sa isang kaibigan ay may katumbas na pisong didiretso sa isang account, kaya kung mag-viral ang message dahil sa dugtung-dugtong na koneksiyon ng mga may-ari ng emails, siguradong hindi lang 1 milyong piso ang malilikom; pagbebenta sa internet ng mga kalakal lalo na gadgets, subalit kapag nakapaglagak na ng bayad sa ibinigay na bank account ang niloko ay parang bulang mawawala ang on-line seller.

 

Ano pa nga ba’t ang magandang layunin sana ng teknolohiya ay sinira ng mga taong may mala-demonyong pag-iisip. Dahil sa mga nangyayari ngayon, nagkaroon ng agam-agam o takot ang mga internet users sa pagpadala ng mga mahahalagang impormasyon sa kanilang mga mahal sa buhay tulad ng numero ng passport, mga kopya ng dokumento, bank account number, numero ng telepono, at pati address ng bahay o negosyo. Yong isa ngang mayabang, nag-post lang ng kopya ng kanyang First Class plane ticket at boarding pass sa facebook ay nakuhanan na ng mga personal na detalye tulad ng contact number at address ng bahay na nakapaloob pala sa “bar code” ng boarding pass gamit ang isang skimming device na gawa sa China! Kaya habang nagliliwaliw ang mayabang at ang pamilya niya, inakyat-bahay sila! Nangyayari ito kapag ang pasahero ay miyembro ng promo program na nangangailangan ng mga personal niyang impormasyon, kaya ang pangalan niya ay naka-connect sa information archive ng information system ng airline.

 

Ang epekto ng teknolohiya sa tao ay hindi nalalayo sa epekto ng mga inimbentong bagay na magdudulot sana ng kaginhawaan sa buhay ng tao. Ang gamot halimbawa, ay inimbento upang makapagpahaba ng buhay, subalit inabuso, kaya may namamatay dahil sa overdose o maling paggamit. Ang baril ay inimbento sana upang maging proteksiyon subalit ginamit sa katarantaduhan. Ang dinamita na gagamitin lang sana sa pagpasabog lang ng malalaking tipak ng bato upang hind maging hadlang sa ginagawang kalsada sa gilid ng bundok ay ginamit sa maling pangingisda at terorismo. Ganon din ang ginawa sa marami pang inimbentong ginamit na pagpuksa ng kapwa-tao at kalikasan. At, lahat ng iyan ay nangyayari dahil sa pagkagahaman ng tao  na umiiral sa mundo!

 

 

Ang Disiplina

ANG DISIPLINA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Kung walang disiplina sa isang tahanan, hihina ang pundasyon ng moralidad ng mga batang lumalaki, kaya nawawalan sila ng respeto sa isa’t isa at mismong sa mga magulang. Ang kawalan din nito ang dahilan sa  pagkabigo ng mga magulang upang magpatupad ng mga patakaran na dapat sana ay gagabay sa mga anak na lumalaki. Kung nagkulang sa bagay na ito ang mga magulang, ang mga anak nila ay nawawalan din ng respeto sa oras, pera at pilit na tumatanggi sa pagkilala ng mga bagay na kailangan nila upang lumaki silang normal. Sa mga tahanang walang disiplina, hinahayaan ang mga anak kung ano ang gusto nila… kaya dahil gusto ng mga ito, halimbawa, ang hotdog, hamburger at chicherya, todo-bigay naman ang mga magulang dahil mahal nila ang kanilang mga anak na ang kagustuhan ay ayaw nilang suwayin. Kung magkasakit na ang mga anak o di kaya ay lumaking sakitin, nakakatawa ang ibang magulang, dahil sa kanilang pagtataka, at  ang pagbubuntunan ng sisi ay maruming tubig at hangin daw!

 

Kahit gaano kaunlad ang isang bansa kung karamihan sa mga mamamayan nito ay walang disiplina, ang kaunlaran ay nawawalan ng kabuluhan. Ang kawalan din ng disiplina ang nagiging hadlang sa pag-unlad ng ibang bansa. Sa ilalim ng demokrasya, kawalan ng disiplina ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lamangan at kasakiman ang mga mamamayan. Nakatanim sa kanilang isipan na ang pagpapatupad ng disiplina ay pagsupil sa kanilang kalayaan kaya sila ay nagdadaos ng rally upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga batas na may kinalaman dito. Hindi rin nakakatulong ang hudikatura na tinuturing na otoridad sa pagpapaliwanag ng mga batas dahil sa walang pakundangan nilang pag-isyu ng mga Temporary Restraining Order (TRO) dahil naaayon naman daw sa Saligang Batas at demokrasya….subalit nagsisilbi namang butas na nasisilip ng mga tiwali kaya nilla  naaabuso.

 

Ang bansang Singapore ay nagtagumpay sa pagkaroon ng talagang tunay na kaunlaran dahil sa pinairal na disiplina. Sa simula ay umalma ang mga mamamayan subalit kalaunan ay naunawaan din nila ang magandang layunin, lalo pa at gumamit ng animo ay kamay na bakal ang namumuno sa kanila. Kinaiinggitan ng mga mamamayan ng ibang bansa ang kaunlaran ng Singapore….basta nainggit lang. Hindi  inisip o ayaw tanggapin ng mga naiinggit na ang kaakibat sa pag-unlad  ng Singapore ay disiplina na tinututulan naman ng mga naiinggit na ito na maipatupad sa kanilang bansa tulad ng Pilipinas dahil pagsupil daw ito sa kanilang kalayaan!

 

Sa loob ng isang jeepney, excited na nagkukuwento ang isang babae tungkol sa kanyang pag-tour sa Singapore. Tumatalsik pa ang ibang palaman ng sandwich mula sa kanyang bibig habang nagkukuwento dahil sinasabayan niya ng pagkain. Ang LINIS DAW NG MGA KALSADA SA SINGAPORE, yon nga lang ay mahal ang mga hotel. Nang maubos niya ang sandwich at laman ng bote ng mineral water , itinapon niya ang  balot ng sandwich at basyong plastic sa labas ng jeep habang tumatakbo ito sa kahabaan ng Taft Avenue! Nang sitahin siya ng kanyang kaibigan, ang sagot niya, “…di bale, may naglilinis naman sa kalsada”! Ngayon, sino ang hindi makakapagmura dahil sa ugaling yan?

 

Discourtesy and Indifference of Centauri Guards, Julie Renpillo and Emily Peralta

DISCOURTESY AND INDIFFERENCE

OF CENTAURI GUARDS, JULIE RENPILLO AND EMILY PERALTA

By Apolinario Villalobos

 

Courtesy is best defined by actions instead of words…actions that are substantiated by resourcefulness, “extra mile”, and compassion. On the other hand, indifference is the mild opposite of courtesy.

 

I had experience such indifference or to bluntly put it, discourteous behavior in the hands of two security guards of my former employer, Philippine Airlines, at the PNB Building. Specifically, the guards of Centauri Security Services whom I am referring to are Emily Peralta and Julie Renpillo. It happened in the morning of August 18, 2016 when I was about to pick up something from Chai, a PAL employee just a few minutes before the office opened.

 

I courteously told the guard, Julie Renpillo (PAL ticket office entrance) that I was expected by Chai as she had something for me, while showing to him my retired PAL employee ID. The guard did not even glance at the ID, and with a cold stare told me that it was not yet “office time”. I reiterated my statement that Chai was waiting for me upstairs and that she cannot come down as she was heavy with a baby (pregnant). Again, the guard told me that it was not yet “office time”. As I know that there was a phone where another guard, Emily Peralta (PAL boutique), was posted, just a few meters from us, I told them to call Chai….THEY REFUSED. For the fourth time, while holding on to my senses, I still calmly requested them to call Chai, BUT STILL THEY REFUSED. It was only when I flared up which is a normal reaction of a person being treated with utmost discourtesy and indifference  that guard Peralta finally called up their colleague at the entrance of the Marketing and Sales office.…..after they have successfully caused my blood pressure to soar!

 

At the lounge outside the Marketing and Sales office, Chai and the guard, Rolly Zinampan were both apologetic about the incident. I was further calmed down by the Security Commander Roderick Sim who was also profuse with his apologies.

 

The discourteous PAL guards, Emily Peralta and Julie Renpillo is far different from the very amenable attitude of guards Jeerose Solinap and Jimsey Paz who are assigned at the PAL entrance at the ground floor lobby of PNB building. Both Solinap and Paz as I have observed every time I use the entrance, are very polite to visitors. The same is true with Rolly Zinampan who is assigned at the entrance of the Marketing and Sales Office.

 

My question here is, what if somebody else was handled the same way, but who may have thought that the guards are organic employees of PAL?…surely, the bad impression would be heaped upon the company. Also, the two discourteous guards Peralta and Renpillo blatantly showed their lack of common sense, especially, the latter who robotically and coldly mumbled the “not yet office time”, despite the explanation that I repeated several times. My purpose for seeing Chai should have caused them to exercise resourcefulness to take an extra mile by calling her for the confirmation of what I told them.

 

I suggested to the A/S Commander Sim that the two robotic and discourteous guards Peralta and Renpillo be assigned somewhere else, but never in posts that entail direct customer contact as they can definitely besmear the image of the airline with their negative attitude. I just hope something can be done by Centauri Security Services if only to maintain the quality of service of their people that PAL deserves.

 

 

Ang Paghahambing

Ang Paghahambing

ni Apolinario Villalobos

 

Ang paghahambing ng mga bagay ay ginagawa ng isang tao upang malaman kung ano ang “pinaka”, subalit hindi rin maiiwasan na siya ay magiging biased o may kinikilingan o may inaasahang resulta. Hindi siya dapat sisihin kung sabihin niya halimbawa na si “A” ay mas magaling kumanta kesa kay “B”. Ito naman ay maaaring hindi sasang-ayunan ng iba na mas gusto si “B” kesa kay “A”. Ganoon pa man, upang magkaroon man lang kahit papaano ng “pagkakaisa” at maiwasan ang gulo, kailangang sundin ang mga itinatalagang “batayan” na pinapalagay na aakma sa kagustuhan ng nakararami. Sa English, “majority wins”. Subalit hindi pa rin maiiwasang ang “batayan” o “standards” ay  subjective pa rin, o may bahid ng pagkamakasarili ng mga gumawa. Kaya, upang maiwasan ang gulo, dapat ay pairalin na lang ang pang-unawa at pagbibigayan.

 

Hindi dapat pinag-aawayan ang paghahambing. Kung walang magustuhan sa isang bagay, pumili na lang ng iba, at sa pagpili, wala nang maraming kiyaw-kiyaw o sinasabi pa.  Okey lang ang mag-criticize ng isang bagay pero dapat ay huwag magbabanggit ng iba, upang lumabas na ang ginawang pag-criticise ay pansariling pananaw at hindi dahil may pinaghambingan. Da best ang pagpigil sa sarili na huwag maghambing dahil kung minsan ay halos nakaka-alipusta na sa dehado o nalamangan ang walang kapararakang paghambing. Halimbawa naman, sa mga blogs, kung ayaw ng mambabasa ang isang isinulat batay sa title pa lang, huwag na lang kumibo at huwag nang tumuloy sa pagbasa. Kung may isa-suggest upang mapabuti ang blog, gumawa ng comment, kahit kumukontra sa nabasa. Mahalaga ito upang maipakita ang dalawang mukha ng isyu para na rin sa kapakanan ng iba. Nakakatulong pa nga ito upang hindi lumabas na one-sided ang sumulat ng blog.

 

Sa isang banda naman, dahil sa kakitiran ng isip ng iba at panatisismo (fanaticism), nagkakaroon ng gulo…wala kasing gustong matalo. Ito ang dahilan ng mga patayan tuwing panahon ng eleksiyon dahil ang mga taga-sunod na panatiko ng mga pulitiko ay nagbabangayan, ganoong hindi naman sila inuutusan ng mga sinusupurtahan nila na makipagtalo sila sa isa’t isa. Subalit kung ang pag-uusapan ay serbisyo hindi maiiwasang magkaroon ng hambingan. At, pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos, dapat ay iwasan ang paghahambing, na ginagawa sa panahon ngayong ng mga relihiyon at sekta.

 

Sa paghahambing pa rin, lumalabas kung sa aling administrasyon nagkaroon ng makabuluhang proyekto para sa mga Pilipino…ng pagyabong ng korapsyon….ng paglala ng nakawan sa gobyerno…ng pagtindi ng problema sa droga….etc. At, batay sa mga nabanggit, ang ginagawang paghusga ng bayan ay idinadaan sa nakatalagang eleksiyon. Ang masaklap lang ay kung umiral ang pamimili at bentahan ng boto tuwing panahon ng kampanyahan na nagpapawalang-bisa sa “banal” na layunin ng eleksiyon. Ang lalong masaklap pa ay kung nanalo ang mga walang karapatan sa puwesto dahil lang sa pinairal ng kapangyarihan ng pera. Dahil diyan,  marami ang kampanteng nakaupo sa Senado at Kongreso, pati sa ibang puwesto ng gobyerno at abot-tenga ang ngising-demonyo!

 

Samantala, ipagdasal na lang natin ang pagtagumpay ni Duterte at pinili niyang mga aalalay sa kanya….huwag na siyang ihambing sa ibang nakaraang namuno…sabayan natin siya sa pag-abot ng inaasam na pagbabago!

Ang Mga Pagtanggi o Denial

Ang Mga Pagtanggi o Denial 

by Apolinario Villalobos

 

Maraming dahilan ang pagtanggi… tulad ng pagtanggi ng isang tao tungkol sa tunay niyang pagkatao o identity para sa kanyang kaligtasan, pagtanggi sa pagdanas ng kahirapan sa nakaraan, pagtanggi sa pinaparatang na krimen, at ang hindi pagkilala sa Diyos na isang napakabigat ng pagtanggi.

 

May mga taong nagpapalit ng pangalan at kung minsan ay umaabot sa pagpapa-plastic surgery upang mapalitan ang mukha masiguro lang ang kanilang kaligtasan pagkatapos nilang tumayo bilang saksi upang malutas ang isang malaking kaso. Ang mga nagpipilit namang pagtakpan ang nakaraan nilang kahirapan sa buhay ay itinatanggi pa ang mga kamag-anak na mahihirap upang palabasin na sila ay galing sa mayamang angkan. May mga nagpapalit din ng apelyido upang malubos ang pagtakas nila sa maralitang nakaraan.

 

Matindi naman ang mga tumatanggi sa pinaparatang na krimen dahil nakasandal sila sa batas na nagsasabing hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang isang kasalanan, ang pinaparatangan ay itinuturing na inosente. Dahil dito ay nagkaroon ng bahagi sa proseso ng korte kung saan ang pinaparatangan ay gumagawa ng “plead for innocence” dahil pantay daw ang turing sa lahat ng tao, ng hustisyang sinisimbolo ng babaeng may piring sa mga mata. Ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mayayaman at maimpluwensiyang umupa ng magagaling na abogado upang malusutan ang ginawa nilang krimen.

 

Subalit ang pinakamabigat na pagtanggi ay ang tungkol sa kaalamang may isang Pinakamakapangyarihan na siyang dahilan kung bakit tayo naririto sa mundo. Para sa kanila, hindi sapat ang mga nakikita sa paligid upang patunayan ito dahil kailangan pa nila ng mga mabibigat pang mga batayan.

 

Lahat ng uri ng pagtanggi ay karapatan ng isang tao at wala ring karapatan ang ibang magsabi na ito ay mali. Hangga’t kaya ng isang taong makipagbalitaktakan sa paglahad ng kanyang mga paniniwala, dapat ay hayaan siya sa ganitong pagpipilit dahil ito ang patunay na siya ay may dunong o karunungan. Pero kung sa bandang huli ay napatuyang siya ay mali talaga, dapat ay tanggapin niya ito ng maluwag sa kanyang kalooban….tulad halimbawa ng pagkatalo sa eleksiyon. Sa Pilipinas kasi, malakas ang loob ng ibang kandidato sa pagtangging sila ay natalo, at sa halip ay nadaya lamang daw kahit may pruweba nang ipinapakita ang COMELEC….na sa kasamaang palad ay itinatanggi din ng iba na patas dahil sa madilim nitong nakaraan!

 

Asahan din ang pagtanggi ng iba na ibinoto nila ang mga opisyal na papalpak sa kanilang trabaho pagdating ng panahon!

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang English

Bilang Pang-uri (Adjective) ng Ugali

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa kakakulit minsan ng isa kong kaibigan tungkol sa  ginagawa ko sa Tondo at Divisoria at kung bakit ako nakikipagkaibigan sa mga taong nakatira sa bangketa at kariton, pati sa mga namumulot ng basura, sinabihan ko siya ng mga detalya. Dahil hindi siya halos makapaniwala na pwede palang gawin ang mga binanggit ko, sinabi niyang  “weird” daw ako. Nabigla ako dahil edukado pa naman siya at dapat ay alam niya ang ibig sabihin ng “weird” na isang salitang negatibo – hindi maganda ang dating. Nagpaliwanag uli ako ng buong matiwasay at sinabihan ko siya na ang makipagkaibigan upang makatulong sa kapwa ay hindi pagpapakita ng pagiging “weird”. Ipinilit kong “normal” ang ugaling ito,  dahil isa ito sa mga inaasahang ginagawa ng isang tao sa kanyang kapwa. Dagdag ko pa, ang hindi “normal” ay ang pagbabalewala sa kapwa….kaya  ito ang ugaling “weird”.

 

Inaasahan ang tao na dapat ay may ugaling “maka-tao”…ito ang normal na ugali.  Ang wala nitong ugali ay siyempre, “maka-hayop”…at ito ang ugaling “weird”.  Para sa akin, ang mga  “weird” ay yaong maramot, mapang-api, gahaman, kurakot, at lalong-lalo na – mapagkunwari…dahil lihis sila sa mga inaasahang ugali ng tao. Ngayon, dapat bang pagtakhan o ituring na mali ang ginagawa ng isang taong gustong tumulong sa kanyang kapwa?

 

Mag-ingat sa paggamit ng mga salitang English dahil maski mga guro ng wikang ito ay umaaming marami pa rin silang dapat matutunan. Kahit ang mga nagkaroon ng Masters at Doctorate ay nagbabayad pa ng “editor” para ma-check kung tama ang mga sinulat nila sa wikang English. Iwasan dapat ang magkunwari, lalo na ang mga nagpapaka-Amerikano na sa kagustuhang magpa-impress na bihasa sila sa Ingles ay nagwe-wers wers ng “accent” at mayroon pang “you know…”. Pero kung pakikinggan ang mga sinasabi nila marami din namang mali dahil kahit nga mga simpleng verbs ay hindi nila nako-conjugate nang maayos. Ang hindi pa maganda sa ugali ng mga taong tinutukoy, kahit kinakausap na sila sa wikang Filipino, tuloy pa rin ang pagsalita nila gamit ang kanilang sariling Ingles-imburnal!

 

Samantala, ang kaibigan kong tumawag sa akin na “weird”, ay sinabihan kong sana ay gumamit na lang siya ng salitang Tagalog na “bukod-tangi”, halimbawa, sa halip na “weird”. Paliwanag ko sa kanya, kung hindi kayang gawin ng iba ang mga ginagawa ko, ibig sabihin ay “namumukod-tangi” ako sa paggawa ng mga ito. At, dahil prangka ako, diretsahang sinabi ko na sa birthday niya ay bibigyan ko siya ng dictionary na English-Filipino….isang bukod-tanging regalo para sa taong may Master’s Degree, pero ang thesis ay ako ang nag-edit.

 

Sigurado kong kapag nabasa ito ng kaibigan ko ay mababawasan na naman ang mga “friends” ko….kuno. Pero di baleng nawawala ang mga tinatamaan ng bato mula sa langit, basta quality friends naman ang natitira…..hindi yong may ugaling “puwera gabẳ”!

 

 

Notes:

  • puwera gabẳ – salitang Cebuano na walang literal na equivalent sa anumang wika o dialect, pero sinasabi ito upang mauna sa mga iisipin o sasabihing hindi maganda ng isang tao kapag siya ay may pupunahin

 

  • Ingles-imburnal – mabahong uri ng English o “murdered English” na ginagamit ng mayayabang at trying hard na mga Pilipino

 

  • Imburnal- sewer, drain, cesspit, open drain, gutter or canal