Masarap Sana, Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Masarap Sana,  Subali’t Nakakalito ang Buhay sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

 

Masarap sana ang mabuhay sa mundo, kung hindi magulo at walang mga kalituhan. Dahil ito sa likas na ugali ng taong mapanlamang, mapag-imbot, at maramot na kadalasang  tumatalo sa mga mabubuting ugali na mapagpakumbaba, mapagbigay, at bukas-palad. Kung mapagpakumbaba ka, siguradong yayapakan ang iyong mga karapatan. Kung mapagbigay ka, siguradong itutulak ka lang sa tabi ng mga mapag-imbot. Kung bukas-palad ka kaya maluwag sa loob ang pagtulong sa kapwa, aabusuhin ka naman.

 

Dahil sa nabanggit na mga kalituhan, yong isa kong kaibigan, ay halos ayaw nang lumabas ng bahay upang makaiwas sa mga hindi magandang mangyayari sa kanya. Dahil sa ginawa niya, itinuring siya ng mga ungas niyang kapitbahay na “makasarili”. Sabi niya minsan sa akin, kung magpapaputok siya ng baril sa kalye siguradong sasabihin ng mga kapitbahay niyang “siga” siya. Sinabihan ko na lang na madaling araw pa lang ay umalis na siya at umatend ng misa sa Baclaran o Quiapo, pagkatapos ay mamigay ng tulong sa squatter’s area at kapag padilim na ay saka na lang siya umuwi – walang mga ungas na kapitbahay ang makakakita sa kanya. Sabi ko nga sa kanya ay maswerte siya at ungas lang ang mga kapitbahay niya…hindi mapagkunwari at mainggitin.

 

Hind lang sa pakikipagkapwa-tao ang may kalituhan, kundi kahit na rin sa mga bagay na kailangan upang mabuhay tulad ng pagkain. Kailangan daw ay kumain ng gulay at isda dahil masustansiya ang mga ito. Subali’t sa palengke, hindi lang isda ang nilulublob sa “formalin”,  ang kemikal na ginagamit sa pag-embalsamo, kundi pati na rin mga gulay upang hindi malanta agad. Ang karagatan at mga ilog na tinitirhan ng mga isda ay marumi na rin. Ang mga nahiwang gulay ay nilulublob sa tawas upang hindi mangitim tulad ng hiniwang langkang nakagawiang iluto sa gata at talong na tinanggalan ng bulok na bahagi, pati binalatang gabi, kamote, at patatas. Ang mga gulay sa pataniman ay alaga din sa mga chemical na pamatay-peste habang lumalago. Yong sinasabing mga “organic” daw ay hindi rin sigurado dahil maraming mga nagtitindang mahilig magsinungaling, makabenta lang. Kung totoo man, ay nakakakuha naman ang mga ito ng lason mula sa hangin.

 

Ang mga karne ay may mga anti-biotic, kaya ang akala ng isang kumpanyang nagdede-lata ng produktong karne ay bobo lahat ng mamimili dahil sinasabi ng ads nila na walang sakit ang mga baboy at manok nila – siyempre, dahil alaga sa antibiotic!…talaga din namang kumita lang, lahat ay gagawin upang makapanlinlang. At, yong mga batang lumaki sa gatas at karne ng hayop, ngayon ay may ugaling hayop na rin…dahil kung hindi man bastos ay lapastangan at suwail pa!

 

Ang mga softdrink lalo na ang “Cokes” (tawag yan ng Bisaya sa Coke”), na pampagana sa pagkain kahit bagoong, toyo, o patis lang ulam ay nakakasira ng kidney at atay. Kung mag-ulam naman palagi ng instant noodles na pinakamura at pinakamadaling iluto, subalit ginamitan ng kemikal upand hindi magdikit-dikit, ay lalo namang sisira ng kidney. Mismong bigas na sinasaing ay may mga chemical din upang hindi kainin ng uod at kuto habang nakaimbak sa bodega, kung saan ay iniispreyhan pa sila upang hindi upakan ng mga daga at ipis.

 

Ang instant na kape ay dumaan din daw sa mga paraan o process na nangailangan ng mga kemikal na hindi maganda sa katawan kahit pa sabihing nakakatulong ang inuming ito sa paglusaw ng cholesterol at bara sa daluyan ng dugo patungo sa puso. Ang asukal na puti ay mayroong bleaching chemical na nagpaputi sa dating manilaw-nilaw na katas na ito ng tubo. Naka-imbento ng artipisyal na asukal upang makaiwas sa diabetes, subalit nakakasira naman din daw ng kidney.

 

Pati mga bitamina na ginagawa sa mga laboratoryo ay pinagdududahan na rin. Kahit maliit lang ang sumobra sa naimon ay magsasanhi na ng overdose na maaari pang maging sanhi ng sakit. Sa puntong ito, ang mga gamot na akala natin ay nakakapandugtong ng buhay ay hindi rin pala magandang basta na lang iinumin, kaya mismong anti-biotic ay hindi na rin ligtas.

 

Ano pa nga ba at, animo ay nag-uunahan ang mga bahagi ng katawan natin kung alin sa kanila ang unang manghihina hanggang bumigay  dahil sa mga pagkaing akala natin ay pampahaba ng buhay, yon pala ay may mga lasong unti-unting nakakamatay. Kaya siguro, madalas na payo ng doctor sa pamilya ng pasyente na may taning na ang buhay, ay pagbigyan na lang ito sa lahat ng hihilingin niyang pagkain dahil wala na rin namang mangyayari bunsod ng lasong nagkakaiba lang ang dami sa bawat pagkain.  Ang maratay dahil sa sukdulang epekto ng lason na nakukuha natin sa mga pagkain at hangin ang ultimate na sitwasyon kung saan ay talagang angkop ang kasabihang, “no choice” at “…no turning back”.  Ang kalagayan ring ito ang nagpapakita na ang tao ay nagsi-self destruct!

 

 

 

 

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

Though how Progressive a Country is, there will always be Poverty because of Corruption

Though how Progressive a Country is, there will always be

Poverty because of Corruption

By Apolinario Villalobos

 

Perfection should be ruled out in the reckoning of a progressive country, because there will always be poverty due to corruption somewhere in the system of governance. In other words, the glitter of progress cannot hide poverty. For ultra-progressive countries, the signs may be insignificant as they try to blend with the glamour of urbanity. But in other countries, especially, the third-world, the signs are very prevalent, so that there is always a massive effort to cover them up occasionally, literally, as it is done every time there are special occasions such as visits of foreign dignitaries. This practice is successful in the Philippines.

 

Practically, poverty is the shadow of progress, and literally, too, as where there are looming high-rise buildings that are pockmarks of progress, not far from them are slums or homeless citizens who huddle together under bridges and nooks. These are misguided citizens who flock to the cities after selling their homestead, that have been farmed for several generations, to deceitful land developers, at a measly price. These are the urban squatters willing to be relocated but found out that the promised “paradise” do not even have a deep well so they go back to their sidewalk “homes”. These are contractual workers who have no job securities as they earn only for five to six months, after which they leave their fate to luck while looking for another job.

 

How does corruption ever be involved in the sad fate of the exploited? Simply, by the government’s negligence  in providing decent relocation sites with job opportunities and basic facilities to those uprooted from their city abodes for more than so many years; by its cuddling of the spurious contractualization perpetrated by greedy employers; by its failure to guide and protect the rights of farmers who sell their rice fields to subdivision developers at measly prices that are not even enough to sustain them for six months; by its failure to provide the citizens with the basic necessities as funds are allowed to be pocketed by corrupt officials; and practically by looking the other way despite the availability of laws against vote buying.

 

Third- world country leaders should stop using the word “progressive”, but instead they should use “surviving” to describe their respective economy. If a country’s economy cannot sustain, much less, provide a “comfortable life” to majority of its citizens, then it is still “ailing”…hence, expect poverty to be trailing behind, just a few steps away from the pretentious allegations!

 

 

 

Illegal Drugs and Poverty – the miseries of a society

Illegal Drugs and Poverty –

The Miseries of a Society

By Apolinario Villalobos

Illegal drugs and poverty are miseries of a society that breed corruption in a country’s government and erode the culture and virtues of its people. Illegal drug start its infection as a mere vice of the indolent portion of the population until it becomes an extreme psychological necessity for survival. On the other hand, poverty-stricken populace of a country gets controlled by corrupt government officials and politicians with the use of money…with such control driven by helplessness on the former. Worse yet, the money come from the coffer of the government in most cases.

In the Philippines, there are allegations that contingents of the New People’s Army based in the north have resorted to planting marijuana in hidden and almost inaccessible nooks of the cordilleras. In Mindanao, there are allegations, too, that the Abu Sayyaf Group uses drugs to lure the youth to expand their membership.

During the campaign period that precedes an election, buying of votes is no longer discussed discreetly. This corrupt practice of politicians has become a common subject among electorates, as to who among the candidates gives the highest bribe. The electoral trend has become a way of life of the people. Regrets of the people are like cycle, repetitive and without end, every time winning corrupt candidates assume office and begin to ransack the government coffer to recoup what have been spent during their campaign.

Narco-politics have already crept into the government system of other countries, especially, those in South America. Poverty has become the face of third world countries. And, corruption that has developed into the stinking fruit of the mentioned phenomena is ensuing seeds that are being sowed throughout the world, as shown by drug laboratories operated by Chinese in the Philippines. The phenomena have become universal with the use of different nationalities as drug mules or couriers that carry loads of drugs to unsuspecting countries.

The world is experiencing a tremendous metamorphosis in all aspects of development in such a fast phase, as if mankind is in hurry to commit a self-annihilation!

Ang Mga Kahihiyang ng National Bilibid Prison at Cebu City Jail

Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison

At Cebu City Jail

Ni Apolinario Villalobos

Hindi maiwasang mainis ng mga sumusubaybay sa eskandalong nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, na nadagdagan pa ng kahalintulad na eskandalo na inabot naman ng Cebu City Jail. Hindi nahiyang magsabi ang NBP Superintendent na si Roberto Rabo sa harap ng kamera na hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng NBP, ganoong ang mga tirahan ng mga drug lords na nakakulong ay nandoon lang, hindi naman nakatago, kaya walang dahilan upang hindi niya makita. Malas lang niya dahil pumutok sa media kaya nabunyag din ang kanyang kapabayaan.

Ipinakita sa TV ang mga hi-tech na gamit sa loob ng tirahan ng mga drug lords na hindi aakalaing mga “selda” pala sa loob ng national penitentiary. May nasamsam ding kilo-kilong shabu, pera, mga cellphone at baril sa mga selda. Subalit sa kabila ng nakakahiyang pagbubunyag, nagpakita pa si Rabo ng pagkagulat! Aba, eh di, natapalan pala ang kanyang mga mata! At, para na rin niyang sinabi na hindi siya lumalabas sa opisina niya upang mag-inspeksiyon kung minsan man lang, o di kaya ay wala man lang siyang ginawa sa kabila ng pagsabog ng eskandalo pagkatapos mag-inspeksiyon ang mga senador ilang buwan na ang nakaraan. Dapat siyang mag-resign dahil sa hantarang kapabayaan.

Hindi dapat mag-atubili ang Department of Justice sa pagtanggal agad ng mga taong hayagang sangkot sa anomalya, mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa pinakamataas. Halatang ang umiiral na kalakaran sa NBP ay “palakasan” at “lagayan”. Kailangang magkatanggalan kahit na magsagawa pa sila ng isang mas malalim na imbestigasyon.

Tulad ng rekomendasyon noon ni Senadora Grace Poe, dapat LAHAT ng empleyado ay suspindihin at palitan ng bago. Ang mapapatunayang walang sala ay ilipat sa ibang detention facilities ng Bureau of Correction sa ibang panig ng bansa, at ang mga mapatunayan namang nagkasala ay dapat na tuluyang tanggalin, lalo na ang Director o Superintendent. Dapat magkaroon ng leksiyon dahil sa kapalpakan sa pamamalakad ng mga kulungan sa bansa upang maipakita na may pangil ang mga batas na pinaiiral.

Kung ano ang gagawin sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay dapat gawin din sa Cebu City Jail. Ito na ang pagkakataon ni de Lima na magpakitang gilas sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Hustisya upang makabawi sa mga kahihiyang inaabot ng kanyang kagawaran.

Ang Bureau of Corrections at Department of Justice

Ang Bureau of Corrections (BuCor)

At Department of Justice (DOJ)

Ni Apolinario Villalobos

Alam na pala ng Department of Justice (DOJ) na may laboratory ng droga sa national penitentiary o “Munti”, bakit ngayon lang sila nagdadakdak?… at todo warning pa si Dilema na kilala na daw niya ang mga drug lords! Dapat pala siyang kasuhan ng administratibo dahil sa hindi niya pagpapatupad ng kanyang mga responsibilidad, kaya dapat noon pa ay may ginawa na siya! Marami siyang nasasabi kung sa harap ng kamera at kung iniinterbyu pero walang nagagawa kung wala na ang mga ito. Pinaghahanda lang niya ang mga drug lords upang gumawa ng counter moves, tuwing siya ay magbrodkast. Marami tuloy ang nagtatanong kung kapanalig ba siya ng batas o ng mga drug lords!

Mula noong may pinaputok na ang whistle blower na si Kabungsuwan Makilala, wala nang narinig mula sa DOJ. Kung hindi pa nag-inspeksiyon ang Senado tungkol sa tunay na kalagayan ng Bureau of Corrections, hindi pa nataranta uli ang DOJ sa pagkilos kuno, sabay ng kaliwa’t kanang pa-interview, para lang masabing may ginagawa sila. Hihingi pa raw ng tulong sa iba pang ahensiya ng gobyerno dahil hindi nila kayang matunton ang laboratory sa loob ng “Munti”. Kung hindi ba naman hung….ang! Ilang linggo na ang sinayang ni de Lima mula nang magpaistaring siya sa mga interview. Siguradong ni isang kapiranggot na gamit ay wala nang mahahagilap dahil pinagtatago na o inalabas na sa compound. Hindi magiging drug lords ang mga walang konsiyensang nakadetene sa “Munti” kung bobo sila, kaya nakokontrol nila ang mga gwardiya at opisyal!

May sinabi ang dating Director ng Bureau of Correction na si Santiago, na ang pinatapon daw niya noong drug lord sa isang malayong “kolonya” o penal colony ay nakabalik! Ang tanong ay kung saan nanggagaling ang authority sa mga ganitong desisyon? Hindi ba DOJ? Malamang sa malamang, malawak ang saklaw ng “intelliegence network” ng mga drug lords sa loob ng “Munti” na may koneksiyon pa rin sa mga kaalyado nila sa labas. Kasama sa network na ito ang mga tauhan ng Bureau of Corrections at DOJ dahil kaya nilang magbayad ng malaki, kaya lahat ng kilos ng mga matitinong tauhan ng mga ahensiyang ito ay nalalaman at naititimbri agad. Saan naman napunta ang intelligence fund ng DOJ? Ang bagong Director ng BuCor na si Bucayo ay walang nagawa kahit alam pala niya ang mga nangyayari, kaya dapat magresayn na siya.

Ngayon, hindi nakakapagtataka kung bakit tuwing may ma-raid na drug laboratories saan man sa Pilipinas ay walang nahuhuling may-ari. Kung hindi kasi natimbrihan agad ng mga kakutsaba sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno kaya nakatakas, ang iba pala ay nasa loob na ng “Munti”!