The Dear Price of Promised Progress from the Mining Industry in the Philippines

The Dear Price of Promised Progress
From the Mining Industry In the Philippines
By Apolinario Villalobos

 

Once mined, a particular parcel of land can never recover lost yields – minerals in various forms that sustain life and top soil that enforce the earth’s crust. And, that is what is happening to the archipelagic Philippines which is being eaten up by the industry. Today, the tumultuous political atmosphere of the country is further jittered by the decision of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to cancel the permit of many mining firms, a decision which is not to the delight of some sectors, especially, those that have been directly and financially affected due to their stakes. A big howl also comes from the purported human rights advocates who use loss of job as their tool for protest, as if only mining offers the opportunity to earn and nothing else.

 

The root cause of the swarming of mining ventures in the country, mostly foreign-based, is the Philippine Mining Act of 1995 which was authored by Gloria Macapagal-Arroyo when she was yet, a senator. It allowed foreigners to have a 100% ownership of land areas that they have claimed for mining. The blanket authority eventually paved the way towards the virgin mountains and forests of the country for any foreigner who was willing to invest in mining ventures. Rainforests were cleared, hills and agricultural lands were excavated, and chemicals polluted rivers, streams that flowed to the estuaries and coastal waters…and farmers lost their farms. At the rate abuse of the country’s natural resources are going, this law needs to be revoked.

 

During the presidential incumbency of Benigno Aquino III, the issuance of mining permits multiplied which enriched even local government officials. Although, some of the farmers were employed by the mining firms, their pay was meager compared to the former yields of their farm. The mushrooming of temporary mining communities resulted to the proliferation of crimes and prostitutions that literally eroded the values of the once sedate villagers and scandalized their once laid back way of life. The polluted air and water brought about diseases that emaciated the once healthy locals and the prices of basic commodities, especially, food, soared. Practically, the industry that has been hoped to bring progress, instead, devastated communities and their inhabitants.

 

Although, the financial effect to the country’s economy by the move to stop the mining operation can be recovered from other ventures, the recovery from its effects to the people and community could definitely be felt for a long time, as it involves cleansing of the polluted soil, the water beneath it and what flows on the surface. The government would definitely be helpless, in fact, more helpless, as shown by its inutile effort in tackling other problems that pester the country. This unfortunate fact leaves Mother Nature to do some kind of a self-healing. The eroded moral values and culture of the people may take generations to recoup. On the other hand, those who have been physically suffering and wasting due to the onset of diseases could just gasp for short breaths of the polluted air while holding on to their dear life!

 

At the outset, even without mentioning figures to show its devastation, the effects of the ABUSED OPPORTUNITY in mining the natural resources of the Philippines are very obvious. However, if the government decides to put a stop to it to give Mother Nature some respite, it must have READY FALLBACK PROGRAMS, NOT JUST PLANS for the displaced miners, considering that this problem has been plaguing the country for decades. Farming and fishing in the same devastated areas is out of the question because of the polluted land, rivers and coastal waters.

 

The most realistic move is to relocate the affected people to ANY RURAL AREA of their own choice, an option which means reasonable and realistic compensation. However, this problem could be aggravated if the concerned mining firms would also ask for compensation due to the cessation of their highly-financed operation….a suggestion is to use the confiscated money from drug operations.

 

The mining industry in the Philippines is proof that progress has a dear price. It glaringly shows that any venture that has got to do with Nature’s exploitation can be devastating…even with promises of proper management, as there is an innate tendency of man to deviate from the proper course due to greed!

 

 

Advertisements

PILIPINAS (tula)

Pilipinas

By Apolinario B Villalobos

 

 

Mga luntiang islang magkakahiwalay

Mga katutubong iba-ibang pananalita

Iyan ang Pilipinas, watak-watak sa paningin

Subali’t iisa ang adhikain, iisa ang damdamin.

 

Halos gutayin ng pabago-bagong panahon

Kasama na diyan ang mga pag-uga ng lindol

Nguni’t buong tapang na iniinda ng mga Pilipino

Animo’y kawayan, sumasaliw sa hagupit ng bagyo.

 

Mula sa Batanes, hanggang Tawi-tawi

Mga katutubo’y nagbubuklod- iisang lipi

May isang kulay, matingkad, hinog sa panahon

Nagkaisa-  magkaiba man ang damit, salita at relihiyon.

 

Mayabong na sining at mayamang kultura

Taas-noong maipamamalaki, saan mang bansa

Hindi nagpapahuli, lumalaban, hindi nagpapaiwan

Sa ano mang uri ng patas na paligsahan o tunggalian.

 

Inang Pilipinas, mahal nating bayan

Huwag nating hayaang siya’y tapak-tapakan

Huwag hayaang mayurakan, iniingatang dangal –

Nang kung sino – Pilipino man o banyagang hangal!

 

Mga Pilipino tayo, kailangang magbuklod

Nang sa unos ng buhay matatag, ating pagsugod

Walang kinikiling na pag-imbot sa puso ng bawa’t isa

Nag-uunawaan, nagkakaisa – sa buong mundo, ating ipakita.

 

Mapalad tayo sa pagkakaroon nitong bansa

Na kung wariin, mahirap pag-ugnayin at mapag-isa

Subali’t ito ang itinadhana sa atin ng Poong Maykapal

Kaya’t buong puso nating arugain ng masidhing pagmamahal.

 

(This poem is dedicated to those who exerted effort to maintain peace, unity and understanding in Mindanao –to preserve the sanctity of our heritage as one nation and one people, despite a diversity in religion.)

 

Ang Pilipino

Ang Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang bawa’t Pilipino ay may mga obligasyon tulad ng mga sumusunod:

 

  • Pagsuporta sa military at kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad upang magkaroon ng kapayapaan sa paligid.

 

  • Pagtulong sa LGU tulad ng simpleng paglinis ng kalsadang natapatan ng bahay, o hindi pagtapon ng basura kahit saan lang lalo na sa gilid ng highway, na upang hindi mahalata ay inilagay pa sa shopping bag.

 

  • Pagbigay ng suggestion sa LGU kung ano ang dapat gawin sa mga problema sa halip na makipagtsismisan agad sa mga umpukan kapag may nangyari. Nakakatulong sa effort na ito ang mga homeowners associations at purok organizations.

 

  • Pagbayad ng tamang buwis.

 

  • Pagprotekta sa imahe ng bansa at pagsulong ng respeto sa bandila.

 

  • Pagpapakita ng magandang ugali, anumang uri ng relihiyon ang kinabibilangan.

 

  • Paggamit ng wikang pambansa sa tamang paraan lalo na sa pagbigkas ng mga salita.

 

  • Pagpapairal ng kaugaliang Pilipino tulad ng paggalang sa matatanda at pagmamahal sa mga anak.

 

  • Pagpapairal ng ugaling makabayan dahil nag-iisa lang ang ating bansang sinilangan.

 

  • Hindi pagnakaw sa kaban ng bayan at paglinlang sa kapwa tulad ng ginagawa ng mga korap sa gobyerno at illegal recruiters, respectively.

 

  • Hindi pagbenta ng droga at pag-rape sa mga inosenteng bata.

 

Ang pagiging Pilipino ay nagsisimula sa tahanan kung saan unang nililinang ang ugali ng kabataan at pinagpapatuloy ng mga guro sa mga paaralan kung saan naman sila natuturuan ng mga dagdag-kaalaman na kailangan nila sa pagharap sa mga pagsubok habang sila ay naghahanda para sa kanilang hinaharap. Ang pagiging mabuting Pilipino ay dapat ding ipaalala ng mga simbahan na kinaaaniban ng mga mamamayan.

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ang Mga “Negative” na Kapalit ng Ginagawa Ko

ay Okey Lang Dahil Nag-eenjoy Naman Ako

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung may masasayang bahagi ng buhay, mayroon ding nakakalungkot na hindi maiwasang madanasan ng isang tao sa kabila ng kanyang magandang layunin…yan ang nangyayari sa akin. Para sa akin ay madali lang ang pagsusulat, pero ang mahirap ay ang magpaunawa ng aking layunin.

 

Hindi nauunawaan ng mga taong makasarili o selfish kung bakit ako nagsasakripisyo sa pagsusulat at maipakita ang mga pagkakamaling dapat ituwid o mga pagkukulang na dapat punan. Ang nakakatuwa sa mga taong makasarili ay ang pag-isipan akong tumatanggap ng suweldo o kapalit ng mga ginagawa ko. Bilang makasarili, hindi kasi nila kayang gawin ang ginagawa ko kaya para sa kanila ay imposible. Hindi nila maunawaan kung bakit ako gumagastos para lang makarating sa mga liblib na lugar kung saan ay may makukuha akong magandang kuwento, tulad ng mga slum areas ng Tondo.

 

May mga taong nai-intimidate ng mga ginagawa ko dahil sa kakulangan ng kaalaman nila tungkol sa salitang “blogger” na akala nila ay bumabatikos lang. Ang hindi nila alam, ito ang equivalent ng mga nagsusulat sa diyaryo o magazine….sa simpleng salita, manunulat sa cyberspace o internet, at saklaw o sakop ang lahat ng larangan. Unang ginamit ng mga kabataang internet users ang salitang “blog” pero ang intention ay manira. Ito ay maituturing na bahagi ng “street language” o sa Pilipino ay “salitang kanto” tulad ng “toma” o pag-inom ng alak. At, dahil pa rin diyan, marami ang nagugulat kapag nakita ako nang personal dahil hindi ako bata.

 

Mayroon pa akong narinig na comment noon na, “blogger ba yan?…bakit walang camera?” at  “…ay!…matanda na pala”. Akala nila, ang pagba-blog ay hanggang paglagay lang ng mga pa-cute na mga larawan sa facebook na ginagawa ng mga kabataan. Ang hindi nila alam ay maraming sites ang internet na ginagamit ng mga seryosong blogger tulad ko. Kaya ako gumamit ng facebook ay dahil lang sa pakiusap ng mga kaibigan ko noon pa man na ang ginagamit ay cellphone na may application ng facebook.

 

May mga tao ring nai-insecure dahil sa ginagawa ko. Feeling nila ay nasasapawan ko sila sa mga dapat nilang gawin….silang mga nagsusuweldo pero wala rin naman palang binatbat sa trabaho. Sa halip na i-appreciate ang ginagawa ko o ay pinag-iisipan pa ako ng masama. Kulang na lang ay tanungin ako ng diretsahan kung tatakbo ba akong mayor. May joke tungkol sa taong nakita lang na naglilinis ng kalsada sa tapat ng bahay niya ay kinantiyawan ng, “tatakbo ka yata sa pagka- Barangay Chairman, pare….”.

 

May mga tao na dahil sa sobrang pagkamakasarili, ang tingin sa kapwa nilang nanlilimahid at namumulot ng mapapakinabangan sa mga basurahan, pati na sa mga taong mababa ang kalagayan sa lipunan, ay hindi  mapapagkatiwalaan at hindi dapat pakisamahan. Ang mga taong ito ay sobra rin ang “pagka-sosyal” ang ugali kaya pinandidirihan ang mga kainan sa tabi ng kalsada….mga karinderya….wa class daw! Dahil sa ugali nila, hindi nila maunawaan kung bakit gusto kong makipagkaibigan sa mga taong nabanggit o kumain sa mga pinandidirihan nilang kainan.

 

Bilib ako sa lakas ng loob ng mga nagtanong sa akin kung bakit daw mahilig akong magsulat tungkol sa mga tao at mga karinderyang nabanggit. Kung ginagamit nila ang kanilang utak sa pag-isip ng malalim kahit minsan lang, hindi na sila dapat pang nagtatanong. Nagpapakita lang sila ng kamangmangan at walang kaalaman sa iba’t ibang uri ng buhay sa mundo. Pero yong iba ay mahinahon ko namang sinagot ng,  “ kung hindi ko isinulat, malalaman mo ba na may masarap palang kainan at mura pa diyan lang sa kanto”? Ang alam lang kasi ng mga ungas ay mga kainan tulad ng Jollibee at iba pang mga kainan na ang mga binebenta ay dapat inilubog sa mantika!

 

Sa kabila ng mga nabanggit, natutuwa pa rin ako at nasusulit ang pagod ko…lalo na kapag ang kakainin ko sa mga paborito kong pastilan ay tutong na kanin at gulay na lalong pinasarap ng siling labuyo! Sa mga naiinis sa akin, ito lang ang masasabi…EAT YOUR HEART OUT, GUYS!

 

 

Intrepid Me

Intrepid Me

by Apolinario B Villalobos

 

 

At the crack of dawn

While the rest of humanity

Are still curled up in their bed

I’m already up, eager, excited;

I hit the road, buoyed with lightness –

Letting my feet just carry me on

As I unwind my pent up energy

That gives me a feeling of ecstasy.

 

With cell phone, notebook and pen

Camera, batteries, biscuits, candies

Towel, extra shirt, coins and bills –

All backpacked, I trek over hills;

A shot here and there, mesmerized –

A stop here and there, hypnotized –

Only aahs and oohs, I say nothing more

As the searing sun, I patiently endure.

 

The world is my home, it’s where I belong

I let no oceans and seas hinder me, there are ships

I let no great distance distress me, there are airplanes

I let no meager funds discourage me, I can scrimp

I let no insufficient language daunt me, I can make signs

I let no difference in culture deter me, I can learn

I let no difference in climate frighten me, I can adapt

This is me, intrepid me, my desire to explore is my map!

 

INTREPID ME PHOTO

 

 

Ang Mga Dapat Umiral sa mga Paruko (Parishes) ng Pilipinas

Ang Mga Dapat Umiral sa Mga Paruko (Parishes)

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ko maiwasang maglabas ng saloobin sa isyung ito dahil sa dami ng napuntahan kong mga paruko na ang mga simbahan ay gustong palakihin ng mayabang na kura paruko (parish priest), nalaman ko na ang resulta ay ang pagtiwangwang ng mga ito pag-alis ng mayayabang na pari na may limit o hangganan ang tour of duty. Ang kawawa ay ang mga parishioners na nagtitiis sa hindi natapos na pagpapalaki ng simbahan nilang maayos pa rin naman sana.

 

Sa isang bayan sa southern Luzon, ang isang mayabang na pari na gustong magpasikat ay umutang sa kanilang Archdiocese nang kung ilang milyong piso upang mapalaki ang dinatnang simbahan na maayos naman ang pagkagawa at hindi naman umaapaw kung Linggo. Ang kawawa ay ang mga parishioners na pinapatawan ng “assigned amount” na donation kuno. Palagi ring nagpa-fund raising at ang binebentahan ng mga tiket ay mga naghihirap din na mga parishioners. Ang masaklap pa, pati ang inutang sa Archdiocese ay pilit na binabayaran pa rin ng mga parishioners kahit umalis na ang pari.

 

Sa isa pang bayan sa central Mindanao, ang isang bahagi ng simbahan na kagagawa lang ay binakbak upang magkaroon ng extension…ang halaga ng project ay milyones! Sa inis ng maraming parishioners, tuloy pa rin silang nagsisimba pero hindi naman nagbibigay ng donation. Ang iba naman ay sa kabilang paruko na nagsisimba. Ang nakakabahala ay ang malaking utang na iiwanan ng mayabang na pari at ang nakatiwangwang na simbahan kapag umalis na ito.

 

Sa panahon ngayon, napapaghalata na nawala na ang pagka-ispirituwal NG ILANG mga pari na ang tour of duty ay kung ilang taon lang, na hindi inaabot ng sampung taon, isang indikasyon ng politicization ng sinasabing “vocation” or calling na ito….nagiging professional na. May kuwento tungkol sa mga bagong naitalagang mga pari sa kanilang parish, na ang ginagawa daw ay mag-apply agad ng “car plan” dahil pasok sa panahon ng installment period….hindi ko na sasabihin kung saan manggagaling ang pangbayad na installment.  At hindi lang diyan nagtatapos ang joke, dahil nag-aagawan daw sila sa malalaking paruko na mayaman ang mga parishioners…Joke yan!

 

Pagdating sa mga proyekto, dapat ang umiral ay desisyon ng mga parishioners na may mga representative naman sa Parish Council….HINDI ANG SA NAKATALAGANG PARI NA PANSAMANTALA LANG ANG ITATAGAL.

 

Ang nabanggit na dahilan kung bakit nagsusulputan ang mga Christian Communities na binubuo ng mga dating Katoliko na tumiwalag dahil sa nakita nilang kaaliwaswasan ng mga paring baluktot ang pananaw at desisyon. DAPAT UNAWAIN NG MGA PARING ITO NA SILA AY ITINALAGA UPANG MAGMISA AT GUMAWA NG IBA PANG SPIRITUAL FUNCTIONS.  MINISTERIAL LANG ANG KANILANG FUNCTION BILANG “PARISH PRIEST” DAHIL ANG MGA DESISYON SA LAHAT NG MGA PANGYAYARI SA PARUKO AY DAPAT IKINUKUNSULTA SA COUNCIL.

DAPAT DIN AY MAY TRANSPARENCY SA MGA EXPENSES SA PAMAMAGITAN NG NAGPAPASKIL O PAGLAGAY NG NOTICE SA BULLETIN BOARD TUNGKOL SA LAHAT NG MGA PINAGGASTUSAN NG PERANG INABULOY NG MGA NAGSISIMBA. KAPAG HINDI GINAWA YAN NG NAKAUPONG PARISH PRIEST, NANGANGAHULUGANG IBINULSA NIYA ANG PERA!…NAKAKAHIYA SIYA!

 

Gusto ko lang linawin na hindi lahat ng parish priest ay mala-demonyo ang ugali. Marami sa kanila ay mababait. Pero hindi talaga maitatago ng puting sotana ang maitim na budhi at kawalan ng kaluluwa ng ilan sa kanila….DAHIL TAO LANG RIN SILA!

sySg01HaiyanMass171120132e_2x