Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay Pagdating sa Katiwalian….nakakabahalang isipin!

Magkapareho ang Pananaw ni Pacquiao at Binay

Pagdating sa Katiwalian…nakakabahalang isipin!

Ni Apolinario Villalobos

 

Umaayon si Pacquiao sa pananaw ni Binay na walang katotohanan ang mga ibinebentang sa kanyang katiwalian hangga’t hindi napapatunayan. Papaanong mapatunayan ni Binay na wala siyang kasalanan kung hindi naman siya umaatend ng mga hearing? Paano niyang mapatunayan na hindi galing sa nakaw ang yaman nila kung palaging idinadahilan niya ang “immunity” ng kanyang posisyon upang hindi siya mapuwersang dumalo sa mga hearing?

 

Nakakabahala ang ganitong pananaw dahil nagpapahiwatig ito na walang kasalanan ang isang nagnakaw kahit may mga ebidensiya pero hindi napatunayan sa husgado dahil sa galing ng kanyang abogado. Ang ganitong pananaw ay nagsasalamin ng hindi mapapagkatiwalaan sistema ng hustisya na pinapagalaw ng mga abogadong “matatalino” at ang serbisyo ay mayayaman lang ang may kakayahang umupa. Dahil diyan, maraming mga inosenteng mahirap na walang pambayad ng magaling na abogado ang  nabubulok sa bilangguan.

 

Palaging may karugtong na “Diyos” at pa-English pang deklarasyon ng kanyang “faith” kuno tuwing magsalita si Pacquiao upang ipabatid na siya ay maka-Diyos, kaya tingin niya sa kanyang sarili ay isang mabuting tao. Nakakapanindig- balahibo ang ginagawa niyang pagmamalaki….kahindik-hindik, at isang karumal-dumal na kayabangan! Hindi dahil dasal siya nang dasal o di kaya ay panay ang pagbasa ng Bibliya ay mabuting tao na siya. Paano ang mga walang Bibliya dahil walang pambili? Sila ba, tulad ng mga bakla at tomboy, ay mas masahol din sa hayop dahil walang na-memorize na salita ng Diyos tulad niya?

 

Paano naging mabuti ang isang tao na nagsasabing inosente siya hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang mga kasalanan niya, kahit sa kaibuturan ng kanyang diwa ay alam niyang may kasalanan talaga siya? Ang ganitong pananaw ay nagpapahiwatig ng karumal-dumal na kawalan ng konsiyensiya ng isang tao dahil kahit alam niyang may kasalanan siya pero kaya niyang kumuha ng isang matalino at magaling na mga abogado ay siguradong absuwelto siya.

 

Kung mananalo si Binay bilang presidente at si Pacquiao ay senador, hindi na mawawalan ng pangungurakot sa gobyerno dahil ang kasalanang ito ay kailangang patunayan PA sa korte, ayon sa kanilang pananaw. Hindi man sila ang gumawa ay gagawin ng iba dahil kaya nilang umupa ng magaling na abogado kahit mahal ang serbisyo. Yan ang sagot sa tanong kung kaylan pa may napatunayang nangurakot na malalaking opisyal sa matataas na puwesto ng gobyerno. Samantala ang mga kaso man lang ng mga kinurakot na pork barrel sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay wala pa ring linaw hanggang ngayon.

 

Nakakatakot isipin na nabubuhay tayo ngayon sa panahong naglipana ang mga taong walang konsiyensiya. Silang tingin sa sarili ay maka-Diyos at hindi asal-hayop dahil panay ang basa ng Bibliya, pagdasal, at pag-attend ng prayer meetings, kaya mga “Kristiyano” kuno…ganoong ang nasa isip pala ay inosente sila sa mga kasalanang ginawa dahil hindi napatunayan sa korte!

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe…so it resorted to the adoption issue

The Binay Camp has ran out of gimmicks against Poe

….so it resorted to the adoption issue

By Apolinario Villalobos

Desperate is how the Binay camp can be described in its effort to disintegrate the persona of Grace Poe as the formidable opponent of Jejomar Binay in his quest for the presidential post. With nothing else to throw to her face, they used the adoption issue…and the technicalities, yet! The spokesperson of the Binay camp sounded dolefully as its spokesperson, read a litany of technical errors on the adoption process, especially, on the date that Grace Poe was adopted by a yet-to-be-married Susan Roces and Fernando Poe, hence, a question on their “capability” to adopt as “unmarried persons” which shows their lack of “parental personality”.

Whoever thought of such strategy clearly is out of his mind, as it just drives voters to the side of Poe because of the Filipino culture that makes them love the underdog and the oppress. Not even the issue on “inexperience” can be used against Poe, as not all presidents of the Philippines or any country for that matter did not become vice-presidents first. The primary issues on the forthcoming 2016 election are “cleanliness” and “integrity”.

In the Philippines, the experience of the president who held several elected positions in the past, especially, vice-presidency, clearly show that it did not help in improving the situation of the country. On the contrary, because of the experience which is heavily tainted with learned corruption, the situation of the country just got worse. How much more if a guy has decades of such kind of “experience”?

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.

Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon at ang mga Tiwaling Mambabatas

Ang Pangako ni Binay tungkol sa Korapsyon
at ang mga Tiwaling Mambabatas
Ni Apolinario Villalobos

Pinangako ni Binay na kung maging presidente siya, ititigil niya ang korapsyon sa gobyerno. Sa sinabi ni Binay, naalala ko ang kasabihang, ang tao lamang na may alam kung paanong gawin ang isang bagay ang nakakaalam din kung paano ito makontrol o matigil. Hindi tulad ng ibang pangungurakot na diretsahan kung gawin, ang mga nangyaring katiwalian kasi sa Makati ay mistulang ginamitan ng “maskara” ng magandang layunin. Sa simula ay hindi nahalata dahil para nga naman sa mga senior citizens ang mga ito, pati na sa mga mahihirap na pasyente at mga estudyante. Subalit dahil sa kasabihan pa ring, walang naitatagong baho, sumabog ito at kumalat ang alingasaw na ikinadismaya ng mga Pilipino na nag-akalang nakakabilib ang mga pinaggagawa ng mga Binay sa Makati, na itinuring na “model city” ng bansa.

Ang nakakapag-alala lang ay kung sa halip na sawatahin ni Binay ang korapsyon kapag presidente na siya, tulad ng pangako niya…paano kung mag-iba siya ng diskarte dahil napatunayan nang pabago-bago ang takbo ng isip niya, ayon sa dating vice-Mayor niyang si Mercado na nagsasaksi sa mga kaso laban sa kanya? Hindi ito malayong mangyari dahil napatunayan ni Binay ang kahinaan ng mga batas kaya madali lang ang paggawa ng katiwalian.

Ang mga batas ng isang bansa ay ginagawa ng mga taong magaling humubog ng mga ito, lalo pa at karamihan sa kanila ay nag-aral pa ng abogasya. Subalit, sa Pilipinas iba ang layunin ng mga mambabatas – pansariling kapakanan. Sila rin kasi ang nakakaalam kung paanong paikutan ang mga kahinaan ng mga batas upang malusutan at pagkitaan ang mga ito.

Ang pinakahuling pagtatangka ng mga mambabatas upang “makaikot” sa mga batas, ay sa pamamagitan ng pagbago ng isang probiso ng Saligang Batas na sisingitan ng “unless, otherwise provided by law” na paraan daw upang hindi maabuso ang batas na may kinalaman sa pagpasok ng mga dayuhan upang mag-invest sa mga kalakalang may kinalaman sa yamang likas ng bansa. Ang mga tiwaling mambabatas ay nag-akalang hindi masasakyan ng mga Pilipino kung ano ang kahulugan ng isisingit na mga salita. Simple lang naman ang mangyayari: Kapag naisingit na ang gusto nilang linya, saka sila gagawa ng mga batas na aayon dito….na tumutumbok naman sa kanilang pansariling kapakinabangan! Kaya ang mangyayari ay katakut-takot na kurakutan…at legal pa dahil nakasaad na sa Saligang Batas!…ang tawag ko diyan, “Constitutionalized corruption”.

Naging sukdulan na rin ang pambabastos ng mga tiwaling opisyal sa mga batas ng bansa dahil sa pag-abuso naman ng “Temporary Restraining Order” o TRO. Kapag halimbawa, ay may kaso sila at kailangan silang suspendihin, tatakbo agad sa tiwali ring huwes na mag-iisyu ng TRO. Subalit kung isang ordinaryong mamamayan ang nakakasuhan, diretso siya sa kulungan.

Kung halimbawa lang naman na maging presidente si Binay, magpapang-abot sila ng mga tiwaling mambabatas na nakaluklok pa sa kanilang mga puwesto. Kapag nangyari ito, asahan na ang pagkalusaw ng ekonomiya ng Pilipinas! Dahil uso naman ang lipatan ng partido, yong mga sumisipsip kay Pnoy ay lilipat sa kanya upang tuloy pa rin ang masaya nilang pangungurakot!

Kung Maging Tapat si Binay sa Pangangampanya…

Kung Maging Tapat si Binay sa Pangangampanya
Ni Apolinario Villalobos

Kung maging tapat lang si Binay sa pangangampanya ay maaari niyang barahin ang kanyang detractors ng mga tanong na:

Ako… korap?
Tamang tanong, dahil lahat naman ng mga pulitiko, kahit papaano ay may bahid nitong katiwalian, kahit hindi sinasadya daw, tulad ng mga sinasabi nilang ang pork barrel nila ay ginamit daw ng mga pekeng NGOs, na hindi naman pinaniniwalaan ng mga tao – na hindi nila alam. Kaya ang mga nag-aakusa sa kanya ay dapat magpalit na ng istratehiya. Umamin na lang sila upang hindi lalong humaba ang ilong nila sa pagsisinungaling!

Ako … may malaking mga project na pinagkitaan ng malaki?
Tama pa ring tanong, dahil ang mga pulitiko ay hindi na nagpa-project kung hindi din lang malaki tulad ng basketball court at mga highway, upang siguradong malaki ang komisyon. Kaya upang sigurado, pati mga kalsada at highway na maaayos pa ay pinapatuklap! Hindi na uso ang poso o deep well pump at waiting shed dahil barya lang kung pagkitaan ito…pero yong kabaong ay okey lang dahil madaling dikitan ng sticker na may pangalan ng mayor or governor, at kung sino pang kapalmuks na opisyal! Ang maganda ding ipamigay ay mga diaper na may mukha ng mga pulitiko lalo na sa bandang puwet! Mahal ang diaper kaya marami ang mag-aapreciate, kasi pwedeng basahan din sa lababo at toilet bowl dahil absorbent!

Ako … nangarap na magkaroon ng asyenda?
Marami na ring pulitiko ang hindi lang nagkaroon ng malawak na lupain, kundi pati mga condo, bahay, mamahaling kotse, at napakalawak at hiwa-hiwalay na logging concessions. At saka isa pa, naiinggit ba yong iba dahil wala silang asyenda na may babuyan na ay may greenhouse pa ng mga orchids? Mabuti nga ang ginawa ni Binay dahil maximized ang paggamit ng asyenda! Pero…dapat pang patunayan na kanya yon. Kaya yong naiinggit, mangurakot din ng milyones upang may pambili!…at tumigil na nga sila sa kangangalngal!

Misis ko… mahilig sa orchids?
Dapat lang ipagtanggol ni Binay ang misis niya dahil siguradong mahal niya ito, hindi tulad noong isang matandang binata na walang misis pero mahilig magparinig na may plano daw naman siyang mag-asawa…kaylan? kung hindi na siya “makwanan”? ….tumigil na nga siya sa pa-machong gimik…kaya pati mga nananahimik na models ay kinakasangkapan sa pakikipag-date kuno! Si Binay ay proud sa kanyang misis, kaya pati ang hilig nito sa pag-alaga ng orchids ay okey sa kanya. Mabait din ito kaya nga maraming gamit na binili para sa Ospital ng Makati…(ano na kaya ang nangyari sa kaso?) Isa pa, mabuti nga at orchids ang inalagaan, kaysa marijuana…eh di mas malaking problema pa ang inabot! Kaya kayong ang kaya lang alagaan ay gumamela, calachuchi, san Francisco, chichirica, five fingers, katuray at malunggay… manigas na lang sa inggit!

Ako lang ba ang matandang nagsusuot ng Boy Scout uniform?
Yan ang matapang na tanong! Dapat ring pangatawanan ni Binay ang pagsuot ng uniform na yan dahil magkatugma ang kanilang kulay – parehong brown, kulay lupa, humble na kulay ng mahirap. At hindi siya nag-iisa sa pagsuot ng uniform na yan dahil may nakita akong nagtitinda ng sigarilyo sa mga tumitigil na jeep sa bandang Harrison St. sa Pasay, na ganyan din ang suot, complete with whistle pa, at very proud siya! Ang kopyang suot ay may maliit pa na bandila ng Red China! …(sa isang interbyu, nagsabi si Binay na ipaubaya na lang sa mga Tsino ang pag-develop sa West Philippine Sea dahil may pera silang panggastos – wow!) Kaya bilib din ako sa taong cigarette vendor na itong proud sa pagsuot ng Boy Scout uniform…dahil siya ay laging handa sa paglapit sa mga driver na bumubusina upang bumili ng yosi na kadiri tulad ng isang taong may maitim na budhi!

Basta matapat lang si Binay sa pangangampanya baka at marami pang baka na manalo siya. At, kapag nasa Malakanyang na siya, siguradong marami ang mamamangha dahil mabubuhay at makikita nila ang mga inakala nilang patay nang mga dummy niya, tulad ni Limlingan at yong babaeng personal secretary niya, si ginang Baloloy. Marami rin ang magwe-wish sa kanya ng: “…good luck, good health, and more wealth!”….para pantulong sa mahihirap – yon ang sabi niya!

Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay…tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya

Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay
…tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya
Ni Apolinario Villalobos

Sa animo ay panduduro ni Pnoy kay Binay ng isang daliri, tatlong daliri naman niya ang nagtuturo sa kanyang sarili. Hindi ko kinakampihan si Binay, ang tinutukoy ko rito ay ang masamang ugaling basta na lang mambintang sa iba, ganoong ang nambibintang ay mas guilty pa.

Sinabi ni Pnoy na hindi daw nagsasalita si Binay sa mga Cabinet meetings upang ilabas ang kanyang saloobin. Paanong ilabas ni Binay, eh, hindi na nga siya iniimbita sa karamihan ng mga meeting, at hindi man lang siguro naiisip ni Pnoy na kung gagawin yon ni Binay, lalabas itong nakikialam sa ibang Cabinet secretaries. Halimbawang nakialam si Binay sa mga maling ginagawa ng ibang secretary, at siya naman ang gantihan, dahil hindi naman perpekto ang kanyang mga pamamalakad sa mga hawak niyang responsibilidad…ano kaya ang mangyayari?…siguradong magkakaroon ng rambol sa Malakanyang!

At, si Pnoy…kaylan naman nakinig sa ibang tao? Isa lang siguro ang pinapakinggan niya – si Purisima, at kung bakit?…silang dalawa lang ang nakakaalam! Kahit “ganoon” si Binay, hindi naman siguro siya tanga at manhid upang hindi makaramdam na parang napilitan lang si Pnoy sa pagbigay ng dalawang trabaho sa kanya – ang para sa housing at para sa mga OFW.

Si Roxas namang nagta-trying hard, nakisawsaw pa, ganoong alam naman ng lahat na biktima din siya ng pambabastos ni Pnoy. Walang siyang karapatang manumbat kay Binay sa pagsabing binigyan naman daw ito ni Pnoy ng trabaho at hatid-sundo pa kung aalis si Pnoy. Talagang pinapakita ni Roxas ang kakitiran ng isip niya…paanong hindi gawin ni Pnoy ang mga iyon, ay SOP para kay Binay bilang pangalawang pangulo – kasama sa protocol. Yong sinasabi ni Roxas na part naman daw ng administrasyon si Binay kaya hindi niya dapat siraan…aba eh, bilang bahagi ng administrasyon noon, ginawa naman ni Binay ang paglilibot, ah! Namigay pa nga ng mga kapirasong papel na nagsasabing may karapatan ang taong nabigyan sa lupang inuukupa (sana ay totoo), sabay sabing balak niyang maging presidente upang dumami pa ang kanyang matutulungan!…pagpapakitang wise siya!

Hindi man lang naisip ni Roxas na kung binuro ni Pnoy si Binay bilang bise-presidente lang, ay lalong nagkandalitse-litse ang sitwasyon, at lalabas pa na wala itong utang na loob dahil malaki ang naitulong nito sa kanyang nanay noong nangangapa ito bilang presidente, kaya nga out of gratitude ay in-appoint niya itong Mayor ng Makati.

Kung hindi ipinaglaban ni Binay ang pagkaroon ng isang disenteng opisina bilang Bise-presidente, hindi ibinigay sa kanya ang Coconut Palace – malayo sa Malakanyang….kaya obvious na gusto talaga ni Pnoy na mapalayo sa kanya si Binay. Kung tutuusin, pwedeng ibigay bilang opisina ang dating tinirhan ni Cory na malapit sa Malakanyang, pero hindi ginawa. Ang isa pang pambabastos sa umpisa pa lang sa bise-Presidente ay ang pagbigay dito ng napakaliit na budget…na isang insulto, at kung hindi nakipaglaban si Binay ay baka hindi nabigyan ng nararapat na budget.

Ang lahat ng mga iyon ay inipon ni Binay sa kanyang isip, damdamin, at puso…nagtimpi pa rin siya. Ang isa pang testing na ginawa ni Binay ay paghingi ng endorsement sa pangulo…palpak! Sinundan ito ng meeting ng pangulo sa mga cabinet secretaries na dapat ay kasama si Binay, pero hindi pa rin siya sinabihan. At ang masakit, siya pa ang sinisi sa hindi pag-attend, dahil “prerogative” naman daw niya kung ayaw niyang umatend. Ganoon lang? Bakit papipiliin siya kung aatend o hindi, eh dapat siyang magbigay ng report sa pangulo, kaya nga Cabinet meeting?

Kaya, ang ginawa ng pobre, pinaputok ang bulkan na bumuga ng “maitim na usok”, animo ay galing sa kanyang puso, inunahan ang Mt. Bulusan. Nag-submit siya ng irrevocable resignation, at idinaan sa talumpati ang paliwanag na may kasamang warning sa Malakanyanga at mga bumabatikos sa kanya…and the rest is another snippet of political history sa kasaysayan ng kawawang Pilipinas!…batuhan ng sisi at sumbat!…as usual.

By the way, hindi ko pa rin inaabsuwelto si Binay sa mga paratang sa kanya na dapat ay kanyang sagutin. Gagawin ko pa rin itong uri ng blog maski sa ibang tao ginawa ni Pnoy ang ginawa niya kay Binay.

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos

Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!

Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.

Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!

Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.

Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.

Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!

Ang Pagbitiw ni Binay bilang Cabinet Secretary

Ang Pagbitiw ni Binay bilang
Cabinet Secretary
Ni Apolinario Villalobos

Ang pagbitiw ni Binay bilang Cabinet Secretary na sinabayan pa ng maanghang niyang salita ay lalong nagpatagilid sa administrasyon ni Aquino. Sumentro ang talumpati niya sa itutuloy niyang pagtakbo bilang presidente dahil kailangan upang ipagpatuloy sa buong Pilipinas ang kaunlarang inumpisahan niya sa Makati. Pagpapakita rin ang kanyang pagbitiw bilang pag-alma dahil ginagawa daw na punching bag ng administrasyon ang kanyang pamilya na sa kabila ng mabuti nilang ginagawa ay gusto pang ipakulong.

Siguradong matatabunan ang mga kasong inihain kay Binay ng mas mabibigat na paratang niya sa administrasyon, tulad ng: hindi pagkamit ng mga nasa liblib na bahagi ng bansa ng tulong lalo na sa pag-ipit sa IRA na inaasahan ng mga barangay, iresponsableng paghawak sa Mamasapano operation na humantong sa massacre ng 44 SAF members, pork barrel at Presidential Development Acceleration Fund (PDAF) scams, at palpak na operasyon ng MRT dahil sa corruption.

Kung idadagdag ni Binay ang palpak na rehabilitation program para sa Zamboanga evacuees na biktima ng MNLF attack at mga biktima ng bagyong Yolanda, at ang kawalan ng aksyon sa simula pa lang ng administrasyon ni Aquino sa kaso ng West Philippine Sea, ay lalong madidiin ang administrasyon.

Ang lamang ni Binay ay kontrolado niya ang maraming LGUs sa mga liblib na bahagi ng bansa na siya namang may control sa mga tao. Ang nakakaalam ng mga kaso niya ay puro mga taga-Manila at iba pang malalaking lunsod at bayan. At, ang mga tinatanong para sa mga survey ay hindi maaasahang nagri-represent ng kalooban ng mga Pilipino, kaya kahit naungusan siya dito ni Grace Poe ay malakas pa rin ang loob niya. Si Grace Poe naman ay hindi pa rin nagdi-deklara ng balak na pagtakbo bilang presidente at hindi kilala sa mga liblib na lugar. Si Roxas ay napatunayan nang mahina kaya walang epek kung i-endorso man siya ng pangulo. Kaya bago magkaroon ng malinaw na kalaban si Binay, milya-milya na ang narating nito sa pangangampanya…na baka umabot pa sa mga barangay sa kabundukan, upang maniguro.

Subalit kung pipilosopohin ang ilan sa mga balak ni Binay, mangangahulugang ang ginawa niyang pangungumisyon sa Makati ay gagawin na rin niya sa buong Pilipinas, dahil gusto nga niyang palawakin ang ginawa niya sa Makati. At, dahil sa dami ng mga senior citizens sa buong bansa, bilyong piso na ang kikitain sa mga cake na ipamimigay sa kanila bilang birthday gift.

Ang panlaban naman niya sa mga bintang ay simpleng deklarasyon: “bakit may napatunayan ba sila?” Gasgas na at nakakasawa ang “pinupulitika lamang ako”. Sa batas kasi hangga’t walang napatunayan sa husgado, ang akusasyon ay walang silbi, kaya diyan din makikita ang kawalan ng malayong pananaw ng mga senador na nanguna sa pag-akusa kay Binay. Pwede siyang i-impeach pero hindi pwedeng akusahan sa husgado dahil sa immunity bilang Vice-President…pero may panahon pa ba? Tulad ng dati, marami pa ring taong maiiwang nakatunganga…nakanganga! At, ang mga Pilipinong umaasa sa mga “bright” na senador na malinaw na naisahan, ay nagkakanda-high blood sa inis!

Hangga’t Hindi Malawak ang Pagpakalat ng mga Isyu tungkol sa mga Binay, at hindi buo ang kumokontra sa kanila…may pag-asa sila

Hangga’t Hindi Malawak ang Pagpakalat
Ng mga Isyu tungkol sa mga Binay, at hindi buo ang
kumokontra sa kanila…may pag-asa sila
Ni Apolinario Villalobos

Ang Pilipinas ay binubuo ng mga isla, at ang mga tao sa mga liblib na isla ay halos hindi pa nakakakita ng TV o nakarinig ng radyo. Pero yon namang may radyo ay mas gusto pang makinig ng drama. Mayroon pa ngang hindi alam kung sino ang bagong presidente. Ang mga taong nakatira sa mga liblib na lugar na ito ay hinahakot kung may eleksiyon ng mga pulitiko upang masiguro ang hatak nila. Sa ganyang sitwasyon, paanong asahang malalaman ng malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kaso ng mga Binay, lalo na ng ama na gustong maging presidente? Paano na kung diktahan ng mga opisyal na malapit sa mga Binay ang mga botante na hinakot nila?

Putok ang mga balita tungkol sa mga Binay, pero sa mga malalaking lunsod at bayan lamang. At, dahil sa katusuhang ginawa ni Binay upang dumami ang mga “sisters” ng Makati City, dumami ang mga bayan at lunsod na nakadikit dito, lalo pa at may mga fringe benefits ang mga opisyal ng mga “sisters” na ito kung mamasyal sila sa Manila – libre hotel at pagkain.

May mga nagsasabi na ang iba raw ay nagbubulag-bulagan sa mga ginawa ng mga Binay, dahil sa lakas ng hatak sa kanila ng mga kaalyado nito na natapalan naman ng pera. Namimilosopo na lang sila na uunahin daw muna nila ang tiyan ng kanilang pamilya.

Ang mas lalong nakakabahala ay ang pagkakawatak-watak ng mga taong kontra kay Binay. Sa dami ng mga gustong maging presidente na kokontra sa kanya, inaasahang hindi na magiging solid ang makukuha ng boto ng karapat-dapat na kandidato. Kaya siguro halos hindi kumikibo ang kampo ng mga Binay ay dahil sa nabanggit na sitwasyon na pabor sa kanila.

Ang pinakahuling pag-asa ay ang simbahan na gagamit ng pulpito upang magpakalat ng mga impormasyon, at mga eskwelahan sa pamamagitan naman ng kanilang mga estudyante. Sa pagkakataong ito, sa tingin ko ay hindi masama kung makialam ang simbahan dahil kapakanan ng mga tao ang nakasalalay. Ang problema lang pala ay kung may mga simbahan na ring nahatak dahil sa pangakong suporta sa mga proyekto, ganoon din sa mga eskwelahan nila.

Tulad ng Inaasahan, sinisiraan na ng Kampo ni Binay si Grace Poe

Tulad ng Inaasahan
Sinisiraan na ng Kampo ni Binay si Grace Poe
ni Apolinario Villalobos

Sa ganito kaaga, napapaghalata na ang pagka-trapo ni VP Binay. Dahil sa pagkadismaya sa pagpirma ni Grace Poe sa rekomendasyon upang imbestigahan na siya korte pati ang kanyang junior na anak, lalo na dahil sa ugung-ugong na tatakbo pa ito sa pagka-presidente, mga personal na bagay na kinakalkal ng kampo niya.

Ang mali ng kampo ni Binay, ginamit pa ang isyu sa pagiging adopted ni Grace, dual citizenship, at kawalan ng residency, kaya hindi daw ito kwalipikadong tumakbo sa pagka-presidente. Puro palpak ang mga isyu laban kay Grace. Noon pa mang estudyante si Grace, alam na nitong ampon lang siya at ikinuwento pa nga niya kung paano nangyari ito. Ang dual citizenship ay matagal na ring nasagot ni Grace na nawalan ng bisa ang kanyang American citizenship. Ang sa residency issue naman, history na rin ito dahil matagal na ring nasagot.

Kaya kinakasuhan ang mga Binay sa mga ginawang pagnanakaw ay puro mali ang mga stretehiya ng kampo niya. Nagmumukha tuloy silang timawang nakatalungko sa kangkungan.

Mabuti naman at sumagot si Grace na nagsabing okey lang ang mga binabato sa kanya, kaysa naman sa kasong plunder – pagnanakaw.

Sa isyu ng pagtakbo sa presidency, si Grace ay ang tinatawag na “underdog” o inaapi, pero sabi ng marami, si Binay naman ay “dog” daw. Mahal ng mga Pilipino ang mga inaapi dahil sa pagkagusto ng mga Pilipino sa mga ma-dramang kwento.