Sina Alex at Feliza Viray…nagsimula sa Banana Cue, ngayon may packed meals na

SINA ALEX AT FELIZA VIRAY…NAGSIMULA SA BANANA CUE

NGAYON MAY PACKED MEALS NA

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa tagal ng panahon na pagtayming kong makausap ang suki kong kinakainan ng sinangag at tuyo sa Baclaran, natiyempuhan ko rin siya isang umaga dahil maaga akong dumaan sa kanyang puwesto. Kariton lang ang gamit ni Alex sa pagtinda ng mga “packed meals” – kumbinasyon ng sinangag at mga ulam na piniritong itlog, tuyo, tortang talong, piniritong isda, at hot dog. Dahil inaalalayan na siya ng dalawang lalaking anak, mayroon na rin siyang binebentang kape at tsitserya.

 

Mahigit isang dekada nang street food vendor si Alex na nang magsimula ay katulong ang asawang si Feliza (Alcober) dahil maliliit pa noon ang kanilang mga anak. Nagsimula sila sa iilang pirasong banana cue, hanggang maisipan nilang magtinda ng mga pang-almusal na pagkain kaya sinimulan nilang magluto rin ng “sinangag-on-the-spot” sa isang maliit na kawali, piniritong tuyo, hotdog at itlog  na pinagkasyang ilatag sa maliit na karitong may butas para sa kalan na de-gaas (kerosene). Sa ganoong kalagayan ko sila unang nakita kaya bumilib ako sa pagtutulungan nilang mag-asawa at tiyaga.  Noon pa man ay pinag-aagawan na ng mga empleyado ng mga tindahan sa bahaging yon ng Baclaran ang mga niluto nilang pang-almusal na ang iba ay pinababalot upang maging tanghalian dahil bago mag-alas diyes ay ubos na ang paninda nila. Upang hindi masayang ang panahon, sa hapon ay banana cue naman ang binibenta nila.

 

Nang makita ko uli si Alex makalipas ang ilang taon ay malaki na ang kariton at nadagdagan na rin ang mga ulam dahil sa pagdami na rin ng mga suki. Pinapakita kasi niya ang pagluto ng mga pagkain “on the spot” mismo para walang duda na talagang malinis ang mga ito. Hindi ko siya matiyempuhang makausap dahil sa dami ng mga kostumer niya kaya natuwa ako nang isang umaga ay makakuha ako ng tiyempo kung kaylan ay ang dalawa niyang mga lalaking anak ang umaalalay sa kanya. Tulad ng mag-asawa ay palangiti rin ang kanilang mga anak kaya nakakahatak sila ng mga kostumer.

 

Napagtapos na nina Alex at Feliza si JC sa kolehiyo at ang isa ay magtatapos na rin. Ang iba pa ay nasa high school….at ang lahat ng gastusin ay galing sa maliit nilang negosyo. Isang halimbawa ang mag-asawa sa pagpapatunay na kung ang isang taong masigasig, matiyaga at marunong humawak ng pera ay talagang may mararating

BACLARAN STREET FOOD.

The Legacy of Rick Paloma…or Tatang for the PAL Family

The Legacy of Rick Paloma

…or Tatang for the PAL Family

By Apolinario Villalobos

 

 

To say goodbye to a beloved

Is hard enough, how much more

If that beloved has impressed

In our heart everything

That he can impart

Just so, in this world, we can later

Be at our best

As we do our part.

 

He tried his best right from the start

Earning his keeps by honest toil

Firm determination and bold foresight

To be where he would be someday

And he did not fail

As all of us can now say.

 

He will always be a part of our memory –

An inspiration that shall guide us

For what he has left for us to keep

Is a legacy that shall guide us along

While we tread the road towards our destiny.

 

Let us thank him, this man Ric or Ricky to some

But Tatang to most of us who have known him

As a big brother and a doting father;

He whom we see as the perfectionist

He who wants nothing but the best

Making us realize later

That what he really wanted was for us to learn

Though the hard way,

… and that, friends, is his legacy.

 

PAL 4

 

 

Virgie Sapitola-Sapera Pushes a Cartful of Young Coconuts for More than 5 Kilometers Everyday

Virgie Sapitola-Sapera Pushes a Cartful

Of Young Coconuts for More than 5 Kilometers Everyday

By Apolinario Villalobos

 

At a little past 50 years of age, Virgie Sapitola-Sapera pushes a cartful of young coconut from Blumentritt to Quiapo, a distance of more than 5 kilometers one way. Of course, she hopes that along the way, her load will be lessened if she could dispose of some which she sells at 30 pesos apiece. The terminus of such trek is the P. Paterno St. in Quaipo. Asked about her husband, she told me that he leaves ahead, at dawn to be at the area in Quiapo before the rush hour. Their youngest son leaves their home after his quick breakfast to take over the cart of his father who immediately takes a jeepney back to their home in Blumentritt to take a much needed rest. Virgie’s husband has had a stroke but somehow tries his best to contribute to the family’s collective effort to earn.

 

I met Virgie along Oroquieta St. when she stopped for a mug of coffee at the sidewalk carinderia where I was enjoying my own. That coffee was her breakfast. Her real meal would be at noon in Quaipo. Despite the long trek with a heavy cart full of young coconut yet to push, she was still smiling while conversing with me. She confided that she is from Pangasinan, a province in the north but met her husband in Manila. Their companionship blessed them with five children. While the elder three have families of their own, the two younger ones are left with them, with the youngest in the junior high school or Grade 10. She told me that whatever happens, her youngest son shall finish high school.

 

I found out that they sell young coconuts for their juice when in season, but for other months, they sell other stuff such as vegetables and other fruits. They cannot afford to miss any single day of the week in making the trek to their post at Quiapo, except when there is a really bad weather and flood. During those unproductive days, they take all measures to scrimp so that their savings can be stretched to the maximum. Her only problem is the medication of her husband who is on maintenance drugs.

 

Before she left me, I reminded her to be very extra careful in crossing the busy Recto Ave. where early that morning, a motorcycle got bumped by a rushing jeepney. In response, she smilingly pointed her forefinger towards the sky, implying perhaps, that Somebody up there is watching over her…

Virgie Sapitola buco 1

 

 

 

 

Isang Kending Hinati, at iba pang Kuwento

Isang Kending Hinati, at iba pang Kuwento

Ni Apolinario Villalobos

 

Malaking bagay ang pag-uusap kung minsan ng magkakaibigan upang sumariwa ng mga nakaraan. Nangyari ito nang magkita kami nina Del Merano, mag-asawang Mona at Reuben Pecson na isinama ang tinuturing kong “miracle baby” nila noon, at ngayon ay binata na, si JR. Ibinuntis ni Mona si JR nang panahong mayroon siyang malaking cyst sa sinapupunan, subalit sa awa ng Diyos, nakaraos siya sa pagbuo nito hanggang maipanganak bilang isang malusog na sanggol. Ngayon si JR ay isa nang piloto. Pananalig sa Diyos ang naging kasangkapan ni Mona sa pagkakaroon ng isang matagumpay na ngayong anak na Piloto.

 

Sa mga kuwentuhan namin, lumabas ang pinakatago-tago sigurong kuwento ni Del tungkol sa kending hinahati pa niya upang magkasya sa maghapon niyang pagsi-sales call noong kami ay nagtatrabaho pa sa Philippine Airlines (PAL). Isa si Del sa mga pinagkakatiwalaang Account Officers ng PAL. At, dahil sa kanyang pagka-single mom, tipid na tipid ang ganyang gastos. Nagulat daw ang kasama naming kasabay niya sa pag-sales call nang ilabas niya ang kalahati ng isang kendi at isinubo bilang miryenda. Ang natirang kalahati ay kanyang itinabi para sa hapon naman.

 

Ikinuwento rin niya na sa pagpipilit na makapasok sa PAL ay halos nanikluhod sa nagbibigay ng typing test na bigyan siya ng ilang pagkakataon na umabot sa pang-apat hanggang abutin niya ang standard na bilis sa pagmamanikilya. Mangiyak –ngiyak siya nang makalusot sa test. Ang unang trabaho niya ay sa Accounting Office subalit napansin siya ng namumuno ng Internationals Sales Department na si Manny Relova, kaya on the spot ay sinabihan siyang mag-report sa opisina nito upang mag-issue ng mga tiket na pang-international. Dumaan siya sa masusing pag-aaral ng iba’t ibang pamasahe sa eroplano, kasama na ang sa iba pang airlines. Dahil sa kagalingan niya, mabilis ang kanyang promotion hanggang sa ma-assign sa iba’t ibang international station bilang District Sales Manager.

 

Naalala ko noon ang kuwento niya nang ma-assign sa San Franciso (USA). Ang tinirhan niya ay walang kagamit-gamit kaya sa sahig siya natutulog nang kung ilang araw. Kahit bago sa America ay malakas ang loob sa paglibot kaya sandali lang ay dumami na ang kanyang kontak at mga kaibigan na nakatulong ng malaki sa kanya bilang District Sales Manager.

 

Nag-resign siya nang bilhin ng San Miguel ang PAL, subalit nang bilhin uli ito ni Lucio Tan ay inimbita siyang bumalik na malugod naman niyang tinanggap dahil iba daw na challenge ang nararamdaman niya bilang kawani ng nasabing airline. Iniwan niya ang isang managerial job at ang malaking suweldo mula dito. Bumalik siya sa kumpanyang nagbigay sa kanya ng magandang pagkakataon upang mabago ang kanyang buhay, lalo pa at siya ay single mom. Ipinakita ni Del na ang pagtanaw ng utang na loob ay nakakagaan ng damdamin. Ngayon si Del ay District Sales Manager na uli ng San Franciso (USA).

 

DEL MERANO 3 JR OK

Rowena Soliano: Hardworking Single Mom from the Far Sarangani Province

Rowena Soliano: Hardworking Single Mom

From the Far Sarangani Province

By Apolinario Villalobos

 

Regular visitors of Isetan Mall along Recto refer to Rowena Soliano as the “girl in black”, although friends call her “Weng”. She hails from Sarangani Province in southern Mindanao. She’s got an exotic face and always chick in her tight-fitting black outfit, that make her stand out in a crowd of shoppers in the mall while delivering ordered snacks to patronizing employees. She also loves to braid her hair in various ways every day that adds to her being a stunning looker. She has been working with a coffee shop located on the fourth floor of the mall where the videoke area is located.

 

In 2013, she fell in love with a persistent suitor whom she thought was serious in his intention. Unfortunately, their relationship got sour and realizing that something was seriously wrong with their relationship, she broke up with him despite her being pregnant during the time. She went on with her job at the mall, but went home when she was about to deliver her baby. After a year in Sarangani, she went back to Manila and implored her employer to take her back. She left her baby girl, now almost two years old in the care of her mother, to whom she regularly sends money.

 

Her job at the coffee shop starts at 10AM when the mall opens until its closure at 9PM. She seldom finds time to sit down, as just when she arrives at their stall after a delivery, another set or more of ordered snacks are waiting to be delivered again.  Despite her hectic schedule, her smile never leaves her face. The only break she gets is when she had to take a late lunch – standing. Another short respite is for a stolen moment for light and late dinner, still taken standing.

 

She is fortunate to have found a kind employer, a reason enough for her to love her job. It was her first job when she arrived in Manila from Sarangani Province. When I had a lengthy talk with her, I told her about the international resort that Manny Pacquiao is putting up in Sarangani. She told me that she was also told about it by her mother. However, she has apprehensions if she could be given the chance to land a job in such big resort due to her insufficient educational attainment. She told me that she barely finished her high school. She is also aware that there are plenty of four-year course graduates in their province and in the field of tourism, yet.

 

Weng is the opitome of the struggling youth from the province who try their luck in the bustling city of Manila, some of whom are unfortunate to have ended as prostitutes that ply their trade along Avenida. Some became exotic dancers in discreet beerhouses in Recto, Caloocan, and Cubao. Like their elder contemporaries who brought with them their families and ended living on sidewalks while surviving on recyclable junks collected from garbage dumps, the youth from the provinces of Mindanao are left with no choice but take the risk of uncertainties in Manila, rather than be recruited by the New People’s Army (NPA) and Abu Sayyaf.

 

Sarangani, the province of Weng,  is already infiltrated with NPA and drug dealers. The tentacles of Abu Sayyaf which is notoriously known for its kidnap-for-ransom activities have also been wriggling around the area for a long time, too. Worst, job opportunities in Sarangani is like the proverbial needle in a haystack. These are available at General Santos City, the nearest urban area, but for hopefuls like Weng, no opportunity is left, considering the thousands of graduates from several colleges and universities around the southern Mindanao area every year.

 

How can we then blame provincials like Weng for coming to Manila and add up to the already teeming population of the city? Yet, those who have not experienced distressing life in the province just cannot restrain themselves from uttering hurting invectives.   And, practically adding salt to the wound, are the incessant and oft-repeated arrogant declarations of the president about jobs and progress that the country and the Filipinos are enjoying!…and, under his administration, yet!…but the big question is, where are they?

 

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriques-Francia

Sa Quaipo

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahigit apatnapung taon nang kilala ang lumpiang sariwa na binebenta ni Flor Enriquez-Francia sa labas ng simbahan ng Quiapo. Subalit ngayon ang nagpatuloy sa pagtinda ay ang kaniyang pamangkin na si Nathaniel. At, kung dati ay sa bilao lang nakalatag ang mga lumpia, ngayon ay nasa kariton na at naka-styro at may balot pang plastic sheet upang masigurong hindi naaalikabukan o madapuan ng langaw.

 

Una kong natikman ang lumpia noong taong 2002 nang umusyuso ako sa selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene. Si Flor naman ay nakapuwesto sa hindi kalayuang Avenida dahil ipinagbawal muna ang mga sidewalk vendor sa Plaza Miranda. Sa pag-uusap namin, binanggit niyang basta walang okasyon sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa Plaza Miranda siya nagtitinda, kaya nang bumalik ako sa Quiapo makaraan ang ilang linggo ay nakita ko nga siya doon at halos hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanyang mga suki. Matagal bago ako nakasingit upang bumili ng dalawang pirasong inilagay niya sa maliit na supot na plastic at nilagyan ng sarsa. Mahirap kainin ang lumpia kung nakatayo at hindi nakalagay sa platito o pinggan. Kailangang hawakan ang supot na parang saging at ang ilabas lang ay ang dulo ng lumpia. Pero kapag sanay na ay madali nang gawin ito.

 

Nang dumagsa ang iba pang vendor sa labas ng Quiapo church ay hindi ko na nakita si Flor. Inisip ko na lang na baka umuwi na sa probinsiya o baka nagsawa na sa pagtinda ng lumpia. Subalit nang minsang namili ako sa Villalobos St. ay may nasalubong akong lalaking nagtutulak ng maliit na cart at ang laman ay mga lumpiang naka-styro.  Hindi ko siya pinansin dahil inisip kong katulad lang din siya ng ibang naglalako ng pagkain sa lugar na yon.

 

Sa pagpasok ng huling linggo nitong Disyembre, bumalik ako sa Quiapo kasama ang mga kaibigang balikbayan upang bumili ng mga panalubong nila pagbalik sa America at Canada. Nakita ko uli ang lalaking nagtutulak ng cart na may mga sariwang lumpia. Nagtanong na ako kung inabot niya ang “original” na nagtitinda ng lumpia sa Quiapo. Ikinagulat ko ang kanyang sagot dahil tiyahin pala niya ang tinutukoy kong tindera, at idinagdag pa niya na ang buong pangalan ay Flor Enriquez-Francia. Nasa bahay na lang daw ito at doon niya inihahanda ang mga lumpia na kinakariton naman ni Nathaniel.

 

Halos isang taon din pala bago naitinda uli ang lumpiang gawa ni Flor at ito ay pinangatawanan na ni Nathaniel na umaming maski anong mangyari sa kanyang tiyahin, ay walang problema dahil naituro na sa kanya ang sekreto sa pagtimpla lalo na ng sarsa. Nakakadalawang hakot ng mga lumpia si Nathaniel hanggang dapit-hapon kaya malaking bagay daw para sa kanilang magtiyahin ang kinikita niya lalo pa at nagkaka-edad na rin ito kaya marami na ring pangangailangan.

 

Ang ginawa ni Flor ay isang halimbawa ng pagbuhos ng katapatan sa anumang bagay na ginagawa – walang panloloko, kaya lumpia man, na sa paningin ng iba ay napaka-simple, kung hindi naman masarap ay madaling makakalimutan. Ganyan dapat ang ugali ng tao… bukal sa kalooban ang anumang ginagawa maliit man ito o malaki, pansarili man o nakaka-apekta ng kapwa.Fresh Lumpia quiapoFresh lumpia quiapo 2

Elena Constantino: Vendor sa Luneta

Elena Constantino: Vendor sa Luneta

Ni Apolinario Villalobos

 

Nasumpungan ko ang puwesto ni Aling Elena (Constantino) isang umagang naglibot ako sa Luneta upang makita ang mga pagbabago. Madaling araw pa lang ay naglibot na ako kaya natiyempuhan ko ang mga grupo ng nagsu-zumba. Hindi lang pala isang grupo ang nagsu-zumba, kundi lima. Nandoon pa rin ang grupo ng mga Intsik na na nagta-tai chi, at ang mga grupo ng ballroom dancers.

 

Malinis na ngayon ang mga palikuran ng Luneta, hindi nangangamoy- ihi tulad noon. Limang piso ang entrance fee. Unang nagbubukas ang palikuran sa may dako ng kubo ng Security personnel. Ang iba pa ay matatagpuan sa tapat ng Manila Hotel, likod ng National Historical Institute at tapat ng Children’s Museum.

 

Dahil sa pagod ko sa kaiikot, naghanap ako ng isang tahimik na mapagpahingahan at mabibilhan din ng kape. Ang nasa isip ko ay isa sa mga “stalls” na nagtitinda ng snacks, at dito ko nakita ang puwesto ni Aling Elena. Kahit pupungas-pungas pa halos dahil kagigising lang ay ipinaghanda niya ako ng kape. Marami siyang natirang pagkain tulad ng nilagang itlog at mga sandwich. Upang mabawasan ang maraming tirang nilagang itlog ay kumain ako ng tatlo.

 

Noon pa man ay may isyu na sa mga vendor ng Luneta. Ilang beses na silang pinagbawalang magtinda sa loob, pinayagan din bandang huli, pinagbawalan uli, pinayagan na naman, etc. Kung limang beses na ay meron na sigurong ganitong parang see-saw na desisyon ang National Parks Development Committee. Sa ngayon, ang upa sa isang stall na ang sukat ay malaki lang ng kaunti sa isang ordinaryong kariton, binubungan at nilagyan ng dingding, pinto at bintana ay Php50 isang araw. Subalit sa liit ng puwesto na sasabitan ng mga chicherya, sa tantiya ko ay hindi aabot sa Php100 isang araw ang tutubuin ng nagtitinda. Kaya ang ginawa nila, pati si Aling Elena ay nagkanya-kanyang lagay ng extension na gawa sa telang habong o tarpaulin. Bawal din daw ang maglagay ng mesa at upuan, pati ang pagluto, maliban lang sa pagpapakulo ng tubig na pang-kape. Subalit tulad ng isang taong nagigipit, nagbakasakali na lang sila sa paggawa ng mga ipinagbabawal upang kumita ng maayos at masambot ang araw-araw na upa.

 

Inamin ni Aling Elena na ilang beses na rin siyang naipunan ng bayaring upa kaya lahat ng paraan ay ginawa niya upang mabayaran ang namamahalang komite sa Luneta. Ang problema niya ay kung panahon ng tag-ulan, at mga pangkaraniwang araw  mula Lunes hanggang Biyernes kung kaylan ay maswerte na raw siya kung makabenta ng limang balot ng chicherya. Ang tubo sa isang balot ng chicherya ay mula piso hanggang limang piso. Kung makabuo siya ng pambayad sa isang araw, wala na halos natitira para sa kanyang pagkain. Hindi nalalayo ang kalagayan niya sa mga nagtitinda gamit ang bilao sa bangketa ng mga palengke….gutom din, kaya wala na talagang magawa si Aling Elena kundi ang magtiyaga. Okey naman daw ang kinikitang tubo na umaabot sa Php200 isang araw kung weekend, lalo na ngayong pasko.

 

Nagulat lang ako nang sabihin niya na may isa pala siyang apo na pinapaaral sa Mindoro. Nabasa siguro niya ang isip ko kaya siya na ang nagkusang magsabi na hindi siya pinababayaan ng Diyos dahil kahit papaano ay nairaraos niya dahil mura lang ang tuition sa probinsiya at may pinagkikitaan din kahit kaunti ang apo niya na nasa first year college. Wala siyang gastos sa pamasahe dahil sa maliit na puwesto na rin siya natutulog. Ganito na raw ang buhay niya sa Manila mula pa noong 1972 pagkatapos niyang mag-asawa sa gulang na labing-pito.

 

Mahigit pitumpong taon na si Aling Elena at marami na rin daw siyang nararamdaman lalo na sa kanyang mga kasu-kasuan (joints), pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa dahil baka lang daw magkasakit siya kung siya ay tumigil. Hindi rin siya kikita sa Mindoro dahil tag-gutom din daw doon at palaging binabaha ang bayan nila.

 

Upang kumita pa si Aling Elena, naka-tatlong mugs ako ng kapeng ininom at ang tatlong itlog ay dinagdagan ko pa ng dalawa, bumili rin ako ng sampung balot ng chicherya na inilagay ko sa bag para sa mga batang pupuntahan ko. Nang paalis na ako ay may dumating na babaeng may bitbit na mga nakataling tilapia, nahuli raw sa Manila Bay. Inalok si Aling Elena na umiling lang dahil nga naman ang kinita ay ang binayad ko pa lang. Dahil napansin kong nagtitinda din siya ng ulam, ako na lang ang nagbayad upang mailuto niya agad, mura lang kasi sa halagang Php60 at sabi ng nagtinda ay tumitimbang daw lahat ng isang kilo.

 

Mabuti na lang at naantala ang pag-alis ko dahil sa pagdating ng babaeng nagtinda ng tilapia. Naalala ko tuloy na kunan ng litrato si Aling Elena na nagpaunlak naman. Mula sa puwesto ni Aling Elena ay naglakad na ako patungo sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)….

IMG7217