Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang, Factory Worker Na, Ngayon ay may Sariling Negosyo

Ryan Natividad: 14 years old Pa Lang,

Factory Worker Na, Ngayon ay may sariling Negosyo

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon pa man ay interesado na akong magsulat tungkol sa mga naglalako ng mga gamit na naglilibot saan mang lugar dahil nagustuhan ko ang kanilang pagtitiyaga na magandang halimbawa sa iba na ang gusto ay kumita agad ng milyon-milyon sa negosyo.

 

Nang makita ko ang isang grupo na kumakain noon sa karinderya malapit sa amin, nagulat ako nang tawagin ng isa sa kanila na “boss” ang kasama nila na sa tingin ko ay parang college student lang. Nakita ko rin ang mga nilalako nilang power tools tulad ng barena. Sa kahihintay ko ng tamang panahon upang makausap ng masinsinan ang tinawag na “boss” ay saka naman sila umalis sa dating tinitirhan. Mabuti na lang at makalipas ang ilang buwan ay natiyempuhan ko ang taong gusto kong kausapin sa isang karinderya na nadaanan ko.

 

Siya si Ryan Natividad, 26 taong gulang at may isang anak na 8 taong gulang, kasal kay Sienna Javier, at sila ay taga-Bulacan. Sa katitinda ng mga power tolls ay napadako ang grupo niya sa Cavite.

 

Galing siya sa isang broken family dahil grade six pa lang daw siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at siya ay napapunta sa kalinga ng kanyang nanay. Dahil sa kahirapan ng buhay, 14 taong gulang pa lang daw siya ay napasabak na siya ng trabaho sa iba’t ibang pagawaan o factory. Hindi rin siya nakatapos ng high school, kaya nang nagkaroon ng pagkakataon kalaunan ay pinasukan na rin niya ang negosyong kalye o ambulant vending sa gulang na 19 taon. Noon niya natutunan ang pagbenta ng mga power tools at kahit papaano ay nakakapag-ipon pa siya.

 

Sa gulang na 23 taon, naisipan niyang mamuhunan upang lumaki ang kayang kita kaya humiram siya ng 30 libong piso sa kanyang nanay upang maipandagdag sa naipon na niya. Nang lumago ng kaunti ang kanyang negosyo ay kumuha na siya ng ilang tauhan. Sa loob ng tatlong taon ay nadagdagan pa ang kanyang mga kalakal kaya ngayon, ay may apat na siyang tauhan. Nakatira sila sa isang studio type na apartment sa Bacoor City at sinusuyod nila ang mga kalapit na lunsod at bayan sa paglako ng power tools.

 

Sa gulang na 26 taon, nakakabilib si Ryan dahil may sarili na siyang negosyo na nagsimula sa mahigit lang sa halagang 30 libong piso. Paano na lang kaya kung ang puhunan niya ay mahigit 100 libong piso na sa tingin ng ibag tao ay “barya lang”? Sa uri ng kanyang pagsisikap, baka hindi lang apat na tao ang kanyang natulungan!

 

May mga seafarers at OFWs na tuwing magbabakasyon ay hindi bumababa sa 50 libong piso ang cash na nahahawakan at yong iba pa nga ay mahigit 100 libong piso. Subalit sa ilang araw pa lang nilang pagbabakasyon ay ubos na dahil sa walang pakundangang paggastos. At, kung wala nang madukot ay ang mga ipinundar na gamit naman ang binibenta, hanggang bandang huli ay uutang na. Madalas pa itong nagreresulta sa away-asawa lalo pa kung maluho ang misis. Karamihan sa mga ito ay hindi nakakaisip na mumuhunan sa isang negosyo upang maaasahan kung sakaling may mangyaring hindi maganda tulad ng pagkatanggal sa trabaho, o di kaya ay upang may “mapaglibangan” man lang para sa karagdagang kita ng mister, ang misis na naiiwan sa Pilipinas.

 

Kaylan kaya mag-uugaling Ryan ang mga uri ng taong nabanggit ko?

 

Ryan Natividad 1

 

Bernard Fetalvero-de la Cruz at Ian Paredes-Atrero…naghuhubog ng mga kabataan ng Barangay Real Dos (Bacoor City)

Bernard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuhubog ng mga kabataan ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kabataan pa lang niya ay nakitaan na si Bernard de la Cruz, 26 taong gulang ngayon, ng pagkahilig sa basketball, kaya hindi nakapagtataka ng naglaro siya sa koponan ng SFACS high school at sa college naman ay naging varsity player ng kanilang paaralan, ang Emilio Aguinaldo College. Nasa lahi nila ang pagiging basketbolista dahil ang kanyang tatay ay naging PBA player. Mapalad si Bernard dahil noong kabataan niya ay hindi pa uso ang computer at internet café kaya ang panahon niya ay nagugol sa paglaro ng basketball. Malaki ang pasasalamat niya kay Wilson “Bong” de Jesus sa paghubog sa kanya pati na ang iba pa niyang kababata sa paglaro ng basketball. Hindi naging maramot si Bong sa pagbahagi ng mga nalalaman niya sa larong ito, kaya maraming natutuhan si Bernard at ang iba pang mga kabataan. Natanim sa pagkatao ni Bernard ang disiplina kaya madali niyang natutunan ang iba’t ibang teknik sa paglaro tulad ng pag-“grind”.

 

Ngayon, maliban sa pag-alaga ng nanay niyang na-stroke, full time din siyang Church worker na nagtitiyaga sa pagtuturo ng pag-unawa sa Bibliya sa mga kabataan ng barangay. Ayon sa kanya,

“…masaya na ako na gumagaling ang mga kabataan sa paglaro ng basketball at nalalayo sila sa masamang bisyo…nagiging responsible at disiplinado. At, naisi-share ko din yung faith ko kay Jesus Christ sa kanila….si Ian ang team mate ko na super solid brother ko in this life and the next ay nandiyan din na palagi kong katuwang.” Malaking bagay din ang pagiging magka-tandem nila ni Ian. Naging matatag ang spiritual foundation nito dahil sa naibabahagi niyang mga ispiritwal na bagay, lalo na ang pananalig sa Diyos.  Dahil sa tiwala nila sa isa’t isa, nabuo nila ang team ng mga kabataan ng Real Dos. Dagdag pa niya, “ang main goal talaga namin ni Ian sa pagtuturo ng basketball is to honor God, and to share our faith with the youth…guide them to become better persons on and off the court…kaya, lahat ng ginagawa namin is to honor God dahil sa paniniwala kong all glory belongs to Jesus, at lahat ng ginagawa namin ay in His name.”

 

Tulad ni Bernard, si Ian Atrero, na ngayon ay 25 taong gulang na, ay unang natutong maglaro ng basketball sa Perpetual Village 5 noong kabataan niya. Malaking bagay sa kanya ang mga natutunan niya dahil napasama siya sa Adamson Junior Falcons sa loob ng dalawang taon – 1969 at 1970. Napasama din siya sa coaching staff para sa “Camp and Play Basketball”  na pinangunahan noon ni Coach Dayong Mendoza, na coach din niya noong siya ay nasa high school. Si Mendoza ang naging inspirasyon ni Ian sa adbokasiyang paghubog ng mga kabataan ng Real Dos. Dahil sa inspirasyong nabigay ni coach Mendoza sa kanya, sumidhi ang pagpursige niya na lalong matuto sa larong ito.

 

Naging MVP siya ng BPO Classics, major league ng mga BPO companies. Nakamit niya ang karangalan sa murang gulang, kaya nasabi niyang, “… pag gusto mo ang isang bagay, magagawan mo ng paraan upang makamitt ito…minsan kasi choice lang lahat yan…kung choice mong mag-excel, eh, di sipagan mo…kung gusto mong maging tamad, eh, di choice mo pa rin yon”. Dagdag pa niya, “the choices we make today will determine our future…in personal matters, and in sports…I am a simple kid lang before na mahilig maglaro ng basketball sa village court kahit tanghaling tapat…nangarap at nagsipag para makasama din sa isang varsity team na natupad naman…nagpapasalamat ako sa mga taong nagturo sa akin noong bata pa ako…una, dahil wala silang bayad at ang goal nila ay may matutunan ako at mga kababata ko, kasama ang pag-enhance ng skills na meron na kami…at, ang isa pang masasabi ko ay natuto ako dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ko na rin…naniniwala ako na kaya kong makipag-compete sa iba…I am not born talented but I am born with determination to work hard coupled with determination.” Nagtatrabaho si Ian ngayon bilang Learning and Development Analyst or e-Learning Developer, ngunit, ang talagang balak niya noon ay maging propesor.

 

Dahil magkasama na mula noong bata pa sila, nag-usap sina Bernard at Ian tungkol sa kaya nilang gawin upang makatulong sa mga kabataan ng barangay Real Dos, at tulad ng inaasahan, sumentro ang usapan sa basketball na pareho nilang hilig. Ang unang pangarap ni Ian na maging propesor ay magagamit sa “pagturo” na animo ay titser, ng mga kabataan sa larangan ng basketball, na tatapatan naman ng pagiging maka-Diyos ni Bernard isang full-time Church worker ngayon, upang ang matutunan ng mga kabataan ay hindi “magaspang” na uri ng paglaro.

 

Nagtugma ang kanilang mga adhikain dahil para sa kanila, napapanahon na ang pagpasa ng mga natutunan nila…kung baga ay, “it’s payback time”, ayon na rin sa kanila. Hindi nila pwedeng bayaran ang mga nagturo sa kanila noon, kaya ang utang na loob ay ipapasa na lang nila sa iba. Naantig ang damdamin nila habang  pinapanood noon ang mga kabataan na nagpipilit na matutong mag-shoot ng bola at kumilos ayon sa hinihingi ng larong nabanggit. Walang technicalities at systematic organization. Umiral siguro ang mental telepathy sa pagitan nilang dalawa kaya sandal lang ay nakabuo agad sila ng mga plano. Inuna nila ang “inspirational stage” kaya nag-share sila ng mga karanasan nila sa mga kabataan upang matanim sa kanilang isipan na ang laro ay hindi lang pag-shoot o pagpasa ng bola. Ibinahagi nila ang dinanas nilang hirap at sarap upang matuto. Sumunod ay ang paggawa ng iskedyul – tuwing Sabado habang may pasukan sa eskwela, pero babaguhin pagdating ng bakasyon.

 

Sa ngayon, lahat ng gastos ay hinuhugot nina Bernard at Ian sa kani-kanilang bulsa, kasama na ang para sa paminsan-minsang snacks na kapalit ng magandang performance ng mga tinuturuan nila sa pag-practice. Hindi kasubuan ang turing nina Bernard at Ian sa pinasok nilang adhikain kaya handa sila sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sinimulan, tulad ng mga pinangarap na cones, bola, uniporme at iba pa. Hindi madaling sabihing pag-iipunan nila ang mga ito, na nakatanim sa kanilang isipan dahil sa laki ng halagang kakailanganin. Subalit tulad ng sinabi ni Ian sa unang bahagi nitong sanaysay, “kung gugustuhin ay talagang magagawan ng paraan”.

 

Naniniwala ako sa  “milagro” dahil isa ito sa mga ginagamit ng Diyos na paraan upang makapagbukas ng isipan ng tao upang siya magbago. At ang “milagro” ay nangyayari nang hindi inaasahan kung minsan, kahit hindi hinihingi ang isang bagay. Malay natin….may matanggap na “grasya” sina Bernard at Ian, ang dalawang taga-hubog ng kabataan ng Real Dos, na pondo upang magamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, at susundan pa ng magagamit naman sa pagbili ng iba pa? Manalig lang sa kapangyarihan ng Diyos, wika nga ni Bernard!…at magsikap din, wika naman ni Ian!

 

Sa pamamagitan nitong isinulat ko, nanawagan ako sa mga may gintong puso at gustong tumulong sa adhikain nina Bernard at Ian.

 

rnard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuh

 

Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags to be Sold for a Living

Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags

To be Sold for a Living

By Apolinario Villalobos

 

One early morning, while cruising the old railroad track of Divisoria where junks were sold, I chanced upon a woman who was engrossed in repairing a shoe. Her various wares on display were repaired bags, shoes, and other junk items. She obliged for some photos when I asked her, adding jestingly that I would send them to a movie outfit.

 

She was Wilma Palagtiw who hails from the island of Negros, so that we comfortably conversed in Cebuano and Ilonggo. She learned the skill of shoe repairing from her husband who has been in the trade for a very long time even before they met. That morning, Felix, her husband was out doing the rounds of garbage dumps for junks.

 

Without telling me her exact age, she confided that she was almost fifty and has six children with four already doing part-time and contractual jobs in different stalls in Divisoria. The two younger ones are both in Grade 7. Their pooled financial resources are enough to get them going every day with even a few pesos set aside for emergency needs, especially, for school needs of the two younger kids.

 

I did a quick mathematical estimate of their joint income, such as if a sales attendant of a stall in Divisoria receives 200 pesos a day, multiply it by 4, so that’s 800 pesos a day, and for a straight duty in a month without day off, the four elder children should be earning 24,000.00 pesos. Deduct the lunch for the 4 of them at 50 pesos each, so that’s 200 pesos…hence, 800 (total earning of the 4) less 200, that leaves 600 pesos net earnings of the 4 in a day.  Finally, multiply the 600 pesos by 30 days that leaves 18,000 pesos net total earnings for the 4 kids.

 

Meanwhile, Wilma shared that she and her husband don’t earn much from selling junks. For every item sold, they earn from 5 to 20 pesos “profit” after deducting the cost of materials that they use for the repair of the junks. They cannot afford to offer their goods at a higher price due to stiff competition among “buraot vendors” like them.

 

The small room that they rent gives them just enough comfort as they retire for the night, especially, for the kids. The worst days for them are those of the “flood months”, as there could be no income for several days. Despite the hardship, Wilma was still all-smile while conversing with me. I had to leave her as customers were beginning to stop by to gawk at her items that are neatly displayed, while she braved the biting heat of the sun at eight that morning.

 

If only the rest of us are brave and contented like Wilma, then, there would be no more crying to the Lord, blaming Him why there is no pork dish on the table, or why the money is not enough for a brand new cellphone, or why the remittance from a toiling husband abroad is delayed in coming, etc. etc.etc…..

IMG7816

 

Allan: Taho Vendor na Nag-aruga at Nagmahal ng Batang Anak sa Pagkakasala ng Misis

Allan: Taho Vendor na Nag-aruga at Nagmahal

Ng Batang Anak sa Pagkakasala ng Misis

Ni Apolinario Villalobos

 

Madaling araw nang makasakay ko si Allan Recato sa jeep papuntang Baclaran.  Masuwerte siya at pinasakay siya ng drayber ng jeep dahil ang iba ay ayaw sa mga magtataho na ang dalawang timbẳ ay kumakain ng malaking espasyo na ayaw ng ibang pasahero. Galing Cavite ang jeep na iilan lang ang sakay. Dahil magkaharap kami, naramdaman ko ang ang mainit na singaw ng taho mula sa timbẳ nitong stainless na ang bigat ay mahigit 30 kilo.

 

Payat si Allan kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong kung okey lang siya. Nakangiti siyang sumagot na okey lang naman dahil mahigit 18 taon na niyang pinagtitiyagaan ang pinagkikitaan niyang ito. Sa kabubusisi ko ay nalaman kong apat ang anak niya pero nang tanungin ko kung ano ang trabaho ng misis niya, hindi agad siya sumagot. Bandang huli ay sinabi niyang “inabandona” sila ng misis niya dahil nakakita na ng bagong asawa sa abroad…sa Gitnang Silangan. Wala na silang kontak sa isa’t isa.

 

Naging palagay yata ang loob niya sa akin kaya tuluy-tuloy lang ang pagbigay niya ng impormasyon tungkol sa pamilya niya kaya nalaman ko rin na ang panganay niya ay 17 taong gulang na at ang gusto ay maging nurse. Ang sumunod na dalawa, 13 at 12 taong gulang ay inabot ng K-12 program kaya pinag-iipunan naman niya ang pang-matrikula. At, ang bunsong 6 na taong gulang ay nasa elementarya pa. Habang nagsasalita siya ay kinunan ko siya ng litrato dahil pumayag naman, pero bago yon ay talagang inamin kong balak kong isulat ang makulay niyang buhay. Naputol ang usapan namin nang bumaba ako sa kanto ng MIA Road.

 

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ng kaibigan kong nakaratay upag hatiran ng mga pagkain at diaper, ay naalala kong hindi pala kami nagpalitan ng celfon number, lalo pa at naramdaman kong parang may gusto pa akong dapat malaman.

 

Kagustuhan yata ng Diyos na maisulat ko talaga ng maayos ang buhay ni Allan dahil pagkagaling ko sa kaibigan ko at sumakay ng jeep papuntang Baclaran, nadatnan ko siyang nakatayo malapit sa LRT station. Upang hindi na magkalimutan, nagpalitan agad kami ng numero, at noon ko nalaman na hindi pala talaga siya taga-Las Piἧas, kundi taga-Pasay. Pumupunta lang pala siya sa Las Piἧas tuwing madaling araw upang humango ng taho upang ibenta, at ginagawa niya ito dalawang beses sa maghapon. Pagbaba niya ng Baclaran ay naglalakad na siya papuntang Taft Avenue sa Pasay hanggang makarating sa Vito Cruz, sa Malate na bahagi na ng Maynila.

 

Sa pag-uusap namin uli, humingi siya ng tulong kung paanong matunton ang misis niya na ang pagkaalam niya ay kung ilang beses na nagpalit ng pangalan. Ipinakita niya sa akin ang larawan ng misis niya at lalaking kinakasama nito. Walang kagatul-gatol ding inamin niyang ang bunso niyang anak ay hindi niya talagang tunay na anak kundi anak ng misis niya sa bagong lalaking kinakasama. Umuwi lang pala ito noon nang mabuntis at upang sa Pilipinas isilang ang anak niya sa pagkakasala. Akala ni Allan ay magbabago ang misis niya pagkatapos maisilang ang bata, subalit, nang mailuwal ay iniwan na silang tuluyan. Masakit man, ay tinanggap na lang niya ang kanyang kapalaran. Pinipilit na lamang niyang igapang ang pangangailangan nilang mag-aama, pero para sa kursong nursing ng kanyang panganay, hihingi daw siya ng tulong sa kanyang dalawang kapatid.

 

Kaya pala noong sa jeep pa lang kami nag-uusap, parang may gusto pang sasabihin si Allan sa akin subalit bigla akong bumaba. Mabuti na lang din at parang may lakas na tumugaygay sa akin patungo sa LRT kung saan siya nakapuwesto na parang hinintay lang ako, dahil pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya upang ituloy ang paglako ng taho. Sa Ingles, ang tawag yata sa ganoong uri ng lakas  ay “Divine Providence”.

 

Sa gulang na 41 taon, bakas sa mukha ni Allan ang mga hagupit ng kapalaran kaya sa biglang tingin ay mukha siyang mahigit nang 60 taong gulang, lalo pa’t halos puti na rin ang kanyang buhok. Nang maghiwalay kami uli ay pinalakas ko ang kanyang loob at nangakong magkikita uli kami upang makilala rin ang kanyang mga anak. Habang naglalakad akong palayo ay pinagdasal ko na lang na sana ay huwag siyang magkasakit dahil ang tingin ko ay parang bumabagsak na ang kanyang katawan na nakikita sa sobra niyang kapayatan.

 

 

 

Just Keep Quiet and Pray

Just Keep Quiet and Pray

By Apolinario Villalobos

 

If you cannot part with your coins as your neighbor does who reaches out to others with gladness in their heart…just keep quiet and for them…pray.

 

If you cannot speak for the sake of others, though you know you can, but still refuse, while others do with boldness in their heart…jut keep quiet and for them…pray.

 

If you cannot afford to open your heart to others so that you may feel for them with compassion, as others do without hesitance…just keep quiet and for them…pray.

 

If you cannot stand for Jesus’ words, and Whose legacy is a bunch of virtues that can be lived so that they may prosper while emulated and shared…just keep quiet and for them…pray.

 

Don’t hold others back as they move on while waving the standard of charity, for if you don’t want to join the throng…better step aside…just keep quiet and for them…pray.

 

Don’t utter discouragements in an effort to douse the enthusiasm of others who want to brighten up the gloomy world with love…better step aside…just keep quiet and for them…pray.

 

Don’t taunt the courage of others in treading on strange paths that lead to where the neglected are huddled, for if you cannot do it…better step aside…just keep quiet and for them…pray.

 

Don’ jeer at the sympathy that others show to the less privileged because for you, it’s none of their business…better step aside…just keep quiet and for them…pray.

 

You can help others who want to make the world a pleasant place to live in…just keep quiet and for them…pray.

 

May the Lord bless you a million fold…this for you, I pray!

 

Amen!

Erlando Almaez-Ayuste Finds Solace and Strength in His Volunteered Spiritual Undertakings

Erlando Almaez- Ayuste Finds Solace and Strength

In His Volunteered Spiritual Undertakings

By Apolinario Villalobos

 

Orly, as his friends call him has been living along F. Torres in Sta. Cruz district of Manila for more than 50 years. He used to occupy a small studio-type apartment on the second floor of an old building that unfortunately got razed more than 20 years ago. The incident made him sleep on the sidewalk for several months until a friend took him in temporarily while waiting for the vacancy in another old building. He moved on to the new studio room and with a found makeshift table, sold coffee and costume jewelries that he assembled out of beads from broken ones that friends give him or he buys from junk collectors. The owner of the small building allowed him the use of the studio room for free but the electricity and water are on his account.

 

The portion of the street along which he lives is where one can find sellers and buyers of second-hand cellphones, watches and jewelries. F. Torres is stretched parallel to Arranque St, the famous “thieve’s market”. At five in the afternoon a short portion of the street teems with the curious and ambulant “merchants”. To them, Orly sells coffee, and from some of them he buys broken jewelries. The earning is meager, just enough to buy him three meals a day and replenishment for sachets of coffee and small bags of sugar for his business.

 

The first time I saw him, I thought he was some kind of an office worker who just dropped by the place to buy cheap jewelry or cellphone. He was then attired in a collared shirt which was neatly tucked giving him a sleek countenance. The next time I saw him, he was in walking shorts that exposed the varicose veins in his legs. And, as it was early in the morning, before 8AM, he was washing a couple of shirts in the makeshift lavatory in front of the slim table where his coffee mugs and some plates were stacked. As he was aloof, I did not bother to talk to him while ordering a mug of coffee.

 

As I felt that his life could be colorful, I kept on observing him, until after several mugs of coffee and days of dropping by, he sort of trusted me with a modest smile. That broke the ice. During our talks, I led him to open up and share his experiences when he was just a stranger in Manila. According to him, he arrived in Manila from Tacloban during the 60’s when Ramon Magsaysay was the president of the country. He initially worked as a houseboy. He did his best to save out of his earnings so that in no time, he was able to get a small room and supported himself by selling snacks and coffee on the sidewalk.

 

I was surprised to learn that despite his meager formal education, as he finished only Grade Five, he is able to speak a sprinkling of German, though with fluency of Spanish and English. He told me that he is a fast learner and a voracious reader. Another surprise is that he can read musical scores despite the lack of a basic music education.  He plays the piano and organ but admits that he needs musical sheets to guide him. He learned to read music during the early years of his membership in the Sta. Cruz parish choir, as he was then, fond of observing their pianist. In this regard, he has been singing with the Sta. Cruz parish choir for more than twenty years now.

Orly’s sister, Lydia lives in Masangkay with her own family, and which is not far from F. Torres where he lives. Today at 77, he dreams of owning a piano so that he can put to life the melodies that have been bugging his mind. He dreams of translating them into musical scores. I told him to go on dreaming for this blessing, as it is free anyway…for who knows, some day, we might meet a musician who got tired of his Weinstein that needs just a simple retuning of strings.

 

Every time I drink at least two mugs of Orly’s coffee, I wonder if others can muster life just like he does sans bank account or just a few pesos stashed away, and only with a few decent shirts and pair of pants to wear on Sundays for his scheduled singing with the choir in honor of the Nuestra Seἧora del Pilar. That’s Orly …strong and gutsy guy, who at 77 sings and plays the piano for the glory of the Blessed Mother!

 

 

Ang Mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ang mga Sistemang Korap sa Gobyerno ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Kamakailan lang ay sinabi ni Secretary Abaya ng DOTC sa isang interview na huwag palaging paandarin ang mga escalator at elevator ng Metro Rail Transit upang hindi sila masira agad dahil sa pag-aagawan sa pagsakay ng mga pasahero. Ano kaya ang pumasok sa utak niya at sinabi niya ito? Kaya nga naglagay ng mga ganoong pasilidad ay upang magamit ng mga pasahero dahil kasama ang mga ito sa binabayarang pamasahe. At, lalong kailangan ito ng mga may kapansanan, matatanda, at buntis na pasahero. Para makumpleto ang mga “maganda” niyang panukala, sana ay sinabi na rin niyang huwag palaging ipagamit ang mga kubeta upang hindi pumanghi o bumaho!…yan ang Departmet of Transportation and Communication!

 

Talagang matindi ang virus ng korapsyon sa mga opisina ng gobyerno. Dahil sa kagustuhan din ng mga ahensiyang magkaroon ng malalaking bonus na binabatay sa natipid na pondo ay pinagpipilitan nila ang pagtitipid kahit hindi dapat, kaya ang mga bakanteng puwesto ay hindi nilalagyan ng bagong empleyado upang makatulong sana sa pagpabilis ng serbisyo nila. Ang ibang mga gamit sa opisina ay hindi binibili, at kung bilhin man, ay pinipili nila ang pinakamura kaya mahina ang uri. Halimbawa, ang stapler, kapag bumagsak sa sahig ay siguradong warat agad – sabog! Ang mga ballpen ay yong uri na sandaling gamit lang “naglalaway” na o kumakalat ang tinta kaya nakakadumi ng daliri at papel. May mga “pinapatay” na linya ng telepono upang makatipid, kaya hirap sa pagkontak ang taong bayan, at tinitipid din ang langis ng mga service cars kaya hindi nakakapagtupad ng mga responsibilidad.

 

Karamihan sa mga proyekto ng gobyerno ay magandang-maganda sa simula dahil kailagan para sa mga photo opportunities, pero makalipas ang ilang buwan at taon ay nanlilimahid na, tulad ng LRT at MRT, pati mga gusali. Ang mga concrete divider-cum-planter sa ilalim ng LRT sa simula ng operasyon ay may mga tanim, pero ngayon, ang nasa bahagi ng Baclaran at Pasay ay naging basurahan, at ang nasa bahagi naman ng Maynila ganoon din dahil ang ginawang pagpaganda noon ni Atienza ay hindi naipagpatuloy ng pumalit na si Lim, dahil hinayaang mamatay ang mga tanim. Ngayon ay tinatamnan uli sa ilalim ng administrasyon ni Estrada, subalit marami ang nagdududa dahil siguradong hindi rin tatagal.

 

Ang mga makukulay na poste ng ilaw sa kahabaan ng Roxas Boulevard, dahil gawa sa plastic, ngayon ay nanlilimahid na kung hindi man basag. Ganoon din ang nangyari sa mga ilaw ng mga tulay sa Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila. Makulay sana sila subalit maigsi ang buhay, kaya hantarang hindi pinagplanuhang mabuti kung anong materyal ang nararapat upang tumagal. Hindi na kailangang ipaliwanag pa ang mga kalsadang maya’t maya ang pag-repair dahil obvious na mahina ang timpla ng semento at aspaltong ginamit. Paano nga namang pagkikitaan palagi kung matibay at tatagal ang mga ito ng maraming taon?

 

Noong panahon ni Gloria Arroyo ay sinisita niya ang ahensiyang nakatalaga sa paglinis ng mga estero, kaya kumikilos sila. Ngayon dahil walang pakialaman ang presidente, ang mga duming naipon sa mga estero ay  animo kalsada na dahil tumigas na ang makapal na basurang naipon at ang iba ay tinubuan pa ng damo!

Ganyang-ganyan ang nangyayari sa kawawang Pilipinas…naiipunan ng basurang dulot ng korapsyon. Ang sistemang tumigas na sa kapal ng korapsyon ay hindi na makagalaw, kaya mahirap baguhin.

 

 

May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino pero hindi Pinansin…

May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino

Pero hindi Pinansin…

Ni Apolinario Villalobos

 

Noong panahon ni Cory Aquino bilang presidente at si Doy Laurel naman ang Bise-Presidente, may proposal pala ang naghihingalo nang si Marcos na ibabalik niya ang 90% na perang sinasabing kinamkam niya at mag-iiwan na lang ng 10% para sa kanyang pamilya kapalit ng pag-uwi niya sa Pilipinas kung saan niya gustong mamahinga nang tuluyan. Pilit pinarating ito kay Cory sa pamamagitan ni Doy Laurel na kahit minsan ay hindi pinagbigyang makausap hinggil dito. Kung pinagbigyan ni Cory si Marcos, sana ngayon ay hindi nagkaka-problema ang gobyerno sa isyung ito. Sa pagpasubasta nga lang ng mga alahas ni Imelda ay pinoproblema na ng gobyerno kaya ang pag-asa ng mga Pilipinong mabawi ang nakaw na yaman ay parang bula na nawala – nalusaw!….at yan ay dahil sa pulitika na malalim na ang pagkakaugat sa sistema ng gobyerno. Wala ring nangyari sa mga sequestration effort dahil napag-alaman na pinagkitaan lang din daw. Ilang dekada na ang nakaraan at ilang presidente na ang pumalit kay Cory, pero ang balak na pagbawi sa mga ninakaw na yaman ay “balak” pa rin hanggang ngayon.

 

Bago pa lang si Cory noon ay napansin nang maraming mga kaibigan at kamag-anak ang naitalaga sa iba’t ibang puwesto….kasama na diyan si Binay na tuluyang iniluklok sa Makati bilang mayor. Bukambibig ni Binay ang utang na loob nito sa pamilya ng mga Aquino, kaya ang malaking katanungan ay kung kakasuhan ba niya si Pnoy at mga kaalyado nito kung mananalo siya bilang presidente. Kaya tuloy marami rin ang nagsasabi na dahil halata namang hindi mananalo si Roxas, ang talagang “fallback” daw ni Pnoy ay si Binay. Dapat pansinin na ni minsan ay hindi nagpalitan ng maaanghang na mga salita sina Pnoy at Binay. Ang bumabatikos kay Binay ay “iilan” na kalaban niya lalo na sina Trillanes, Cayetano at Pimentel, maski ang Malakanyang ay tipid sa pahayag laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito?

 

Hindi pa man bumababa si Cory noon ay marami na ang nag-speculate na makakabalik din ang mga Marcos sa Pilipinas, subalit, kung namayapa na ang dating diktador. Nasa kultura ng Pilipino ang pagiging mahabagin, maawain, kumikiling sa underdog o inaapi na nangyari sa mga Marcos nang hindi pinayagang umuwi habang buhay pa ang diktador kahit naghihingalo na, at lalo na nang hindi pinayagang ilibing ang mga labi niya sa Libingan ng Mga Bayani.  Nasa kultura din ng Pilipino ang hindi pagtanim ng matinding galit kahit hindi makalimot sa mapait na nakaraan. Karamihan kasi ay mga Kristiyano kaya nagising sa mga turo o aral tulad ng pagpapaubaya at pagpapakasakit. Kung hawak ng grupo ni Cory ang Hukbong Sandatahan noong umupo siya, lalo pa at nasa likod niya sina Enrile at Ramos, bakit siya natakot sa pagbalik ni Marcos sa Pilipinas ganoong ito ay naghihingalo na? Isa pa, bakit hindi ilagay sa pipirmahan ni Marcos na kung magpapasimula siya ng kaguluhan ay ibabalik siya sa Hawaii?

 

Ang korapsyon sa gobyerno ay patuloy sa pamamayagpag nang umupo si Cory, kaya marami ang nadismaya. Hindi rin napansin ang pagbalik ng mga Marcos sa Pilipinas, at kung may nakapansin man ay nagkibit-balikat na lang. Kung seryoso ang gobyerno ni Cory noon na hindi pabalikin ang pamilya, bakit hindi gumawa ng mabigat na batas para dito? Nagkaroon ng bagong Konstitusyon noong panahon niya, bakit hindi gumawa ng batas na haharang sa “political dynasty”? Ngayong sumabak sa pulitika ang mga miyembro ng pamilya Marcos maliban kay Irene, at si Bongbong ay maraming sinasabi upang linisin ang pangalan nila, ay saka naman nagri-react ang mga mapagkunwaring marurunong daw. Hindi dapat sisihin si Bongbong dahil anak siya ng taong binabatikos kaya umiiral ang likas na damdamin niya bilang anak. Kung noon pa lang sana ay hinarangan na ang mga Marcos bago nakabalik, wala na sanang mga binibitiwang mapagkunwaring mga salita ang mga nasa puwesto pa at ibang aali-aligid na mga hunyangong pulitiko…naghihintay sa bagong mahahalal na presidente na uungguyin na naman nila at hahalikan sa paa at puwet!

 

Ngayon, sa henerasyon ng mga kabataan na karamihan ay walang kamuwang-muwang sa People Power dahil hindi naman ito itinuturo sa mga eskwelahan, ang mga nagpakitang-gilas noon na magbabangon daw sa nakalugmok na Pilipinas ay nangangako pa rin….at may nagbabanggit pa ng tuwid na daan! Pinipilit ding agawin ng mga gahamang ito ang karangalan sa pagpatalsik sa diktador, mula sa mga nagbuwis ng buhay na mga estudyante, mga madre na humarang sa mga tangkeng pandigma sa EDSA, sa mga nagpakagutom sa lugar pa ring yon ng kung ilang gabi at araw, at sa mga magsasakang nagtiyagang makisakay sa mga trak at naglakad makalahok lang sa pagpapatalsik. Tanggap ko na ang nagsilbing mitsa ng People Power ay kamatayan ni Ninoy Aquino, pero hindi dapat kalimutan na ang langis na nagpaapoy sa mitsa na yan ay ang katapangan, dugo at buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Paano na kung walang sumipot sa panawagan ni Cardinal Sin?… siguradong nilangaw ang EDSA at nakalaboso sina Enrile at Ramos!

 

Dahil sa kapabayaan ng mga namuno na nagsimula nang mawala si Marcos, nagpatung-patong na ang iba’t ibang uri ng korapsyon. Dahil ang mga dati nang mayaman ay lalo pang yumaman, wala silang problema ano man ang mangyari sa Pilipinas….samantalang ang mga mahihirap ay lalong naghihirap at nakanganga sa harap ng mga ampaw na pangako na naman…ngayong palapit na ang eleksiyon!

Sinisira ng mga Panatiko ang Tunay na Kahulugan ng Pananalig at Pananampalataya

Sinisira ng mga Panatiko Ang Tunay na Kahulugan

Ng Pananalig at Pagsasampalataya

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung ang mga taong nagkakaiba ang pananampalataya ay nagpapakatotoo, maiiwasan sana ang kalituhan o kaguluhan sa ibabaw ng mundo, pagdating sa ganitong bagay.

 

May mga sekta ng relihiyon na pinagpipilitan ng mga kasapi na sila ang tama at ang iba ay mali, kaya sila lang daw ang may karapatang makaligtas pagdating ng araw ng paghukom, kaya pati ang mga namatay nilang kasapi ay babangon muli. Ang  mga namumuno lang naman nila ang nagsasabi niyan sa kanila, na ang batayan ay binagong Bibliya  upang umangkop sa kanilang layunin. Sigurado ba ang mga kasapi ng mga sektang ito na tunay na banal ang mga namumuno sa kanila, kaya karapat-dapat na paniwalaan?

 

May isang relihiyon naman na pinasama ng isang sekta nito nang gamitin ang kanilang pananampalataya upang makasakop ng mga teritoryo, na dinadaan pa sa walang patumanggang  pagpatay ng mga tao. Pati pandadamay ng mga inosente sa pamamagitan ng paggamit ng mga nagpapatiwakal nilang kasapi ay ginagawa din. Kaylan pa naging maka-Diyos ang pagpatay at pagpatiwakal?

 

Ang mga panatiko naman ng isang relihiyon ay pasayaw-sayaw pa sa labas ng kanilang simbahan, o di kaya ay “naglalakad” na paluhod patungong altar. Ang masama pa sa mga ginagawang ito, ang mga gumagawa ay binabayaran ng mga tamad na gumawa ng mga nabanggit na penitensiya! Pati ang pagsunog ng mga kandilang hugis tao upang makapaminsala ng kapwa ay ginagawa din nila, sa labas mismo ng mga simbahan.  Kaya marami ang yumaman sa pagbenta ng mga kandilang may sumpa! Mga dasal din mula sa iba’t ibang pampleto ang kanilang inuusal nang wala sa kanilang kalooban, kaya para na silang loro o parrot na nagsasalita nang hindi naiintindihan ang mga sinasabi.

 

Mabuti na lang at kung may mga panatiko, ay higit na nakararami naman ang mga talagang taos sa puso ang pagsampalataya, ano man ang kinaaaniban nilang relihiyon. Ang mga taong ito na may busilak na damdamin ang nagwawagayway ng mga  sagisag ng iba’t ibang pananampalataya upang patuloy na mamayagpag ang pananalig ng sangkatauhan sa Nag-iisang Makapangyarihan!

 

Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi Pagiging Abnormal

Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi

Pagiging Abnormal

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi abnormal ang mga taong bumabatikos kay Pacquiao. Kung hindi normal ang pagbatikos kay Pacquiao dahil kinumpara niya sa hayop at mas masahol pa nga daw ang ginagawa ng mga bakla at tomboy, ibig sabihin ba ay abnormal ang decision ng NIKE na sipain siya?…abnormal ba ang mga sinasabi ngayon ng mga respetadong international at local sports analysts na mali ang ginawa niya na malinaw na isang “discrimination”? Abnormal ba ang ginagawa ng mga brodkaster at mga bloggers na tumatawag ng kanyang pansin dahil sa “karumal-dumal” at hindi “makatao” niyang ginawa? Para na rin niyang sinabi na dahil “straight” kuno siya, sigurado nang ligtas siya pagdating ng araw ng paghukom. Paanong mangyayari yon ganoong hindi siya naniniwalang NAKIKITA NG DIYOS ANG LAHAT, dahil tulad ni Binay, naniniwala din siyang HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYAN NG KORTE (NG TAO) ANG KASALANAN NG ISANG TAO, ITO AY  INOSENTE!….YAN ANG NAKAKAPANINDIG-BALAHIBONG PANANAW DAHIL HINDI NIYA INISIP NA ALAM NG DIYOS ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA MUNDO!

 

Ang batayan niya sa kanyang mga sinasabi ay ang Bibliya at sa isang bahagi pa niyan ay nandoon ang mga batas PARA SA MGA ISRAELITA LANG NA IBINIGAY NG DIYOS NILA SA KANILA LANG. Nandoon ang mga batas na ginagamit ngayon ng ISIS. Nagbabasa ako ng Bibliya at namimik-ap ng mga ideya na maaari kong magamit, pero hindi ako panatiko at literal na nagpapatupad ng LAHAT  ng nababasa ko. Para sa akin ay tama lang na tandaan for information,  kung ano ang mga nabasa pero ang ipatupad ang mga hindi na applicable o angkop sa kasalukuyang panahon ay ang dapat ituring na ABNORMAL.

 

Halimbawa ng abnormal na pagpaniwala sa lahat ng sinasabi sa Bibliya ay ang sinabing, huwag mag-alala dahil Diyos na ang bahala sa iyo….na isang malaking kamalian. Dapat tayo ay magsikap pa rin, dahil kung hindi dapat mag-alala ang tao, magiging tamad na siya at aasa na lang sa biyaya. Sa Gitnang Silangan, may mga nagpapairal pa ng batas ng Bibliya na kailangang batuhin hanggang mamatay ang isang nagtaksil sa asawa, putulan ng ari ang isang nanggahasa, putulan ng kamay ang isang nagnakaw, etc.  Marami pang ganyang sinasabi sa Bibliya na literal na pinaniniwalaan ng mga “panatiko”. Sa Pilipinas ay maraming ganyang uri ng panatiko! Kaya mag -ingat tayo sa mga taong utak-ipis na mga ito! Ang masama lang ay baka makarating sila sa Kongreso at Senado….gagawa ng mga batas na “karumal-dumal”.

 

Walang kwestiyong magaling sa boksing si Pacquiao, subalit minsan na ring nakalog ang utak dahil sa sobrang self-confidence. Itong sobrang self-confidence na dinagdagan pa ng mga sulsol na gusto lang siyang lokohin ang humihila kay Pacquiao pababa.

 

Napatunayan na sa napakaraming pagkakataon ang pagiging bulag sa katotohanan ng mga taong nalasing sa tagumpay at karangalan kaya nag-akalang si SUPERMAN sila. Taliwas yan sa inakala kong okey si Pacquiao noon na padasal-dasal pa hawak ang rosaryong bigay ng nanay niya bago sumabak sa suntukan sa ibabaw ng ring. Bandang huli, nawala ang rosaryo, pumasok sa pulitika at nagpalit ng religion. Ano ang nangyari?….ang unti-unti niyang pagbagsak!

 

Ngayon, umabot sa sukdulan ang pagbago ng ugali ni Pacquiao dahil akala niya ay isa rin siyang “huwes” ng Diyos na dapat humusga sa ibang taong masahol pa daw sa hayop ang ginagawa! Ang ginagawa ni Pacquiao na paghuwes-huwesan ay panggagaya sa mga tunay na huwes noong panahon ng Bibliya, silang mga itinalaga ng Diyos dahil wala pang namumunong hari sa mga Israelita.

 

Upang makakita ng mga naghuhuwes-huwesan, pumunta lang sa tapat ng Quiapo church ngayong Holy Week at maraming makikita doon. Noong nakaraang taon, ang mga nakita ko ay mga may mahabang balbas at pilit na magmukhang si Hesus, may isa pang nakaupo sa “trono” , nakasuot ng puting damit upang magmukhang “diyos ama” at napapaligiran ng mga “disipulo” na ang isa ay umaarteng nagta-trance, pero nang sigawan ko ay “nagising”!

 

Marami na akong ginawang blog para kay Pacquiao, kasama na ang isang tula. Kahit nagsisimula pa lang siya sa boksing ay marami na siyang inaning tagumpay sa Pilipinas. Subalit sa kalaunan, nagmistula siyang gumuhong bantayog sa aking pananaw….ginagawa rin pala niya ang mga ginagawa ng mga nalalasing sa tagumpay.