Ang Iba’t Ibang Antas ng Karunungan at Kaligayahan ng Tao…at, Mga Uri ng Pagkatao

ANG IBA’T IBANG ANTAS NG KARUNUNGAN AT KALIGAYAHAN NG TAO..AT, MGA URI NG PAGKATAO

ni Apolinario Villalobos

Hindi lahat ng tao ay pwedeng presidente ng bansa, o congressman, o mayor, o sundalo, o pulis, o teacher, o pari, o pastor, o imam, o manager, etc. Ang mga tao, ano man ang lahi ay may kanya-kanyang kaalaman na kung tawagin ay “karununugan”, hindi rin magkakatulad. May kanya-kanya ring libel o level ng kaligayahan – may malalim at may mababaw.

May mga taong nalasing lang sa alak ay masaya na, nakapaglaro lang ng madyong o tong-its sa maghapon ay abot-langit na ang kasiyahan. May mga taong hindi masaya kung hindi umabot sa kung ilang daang milyon ang pera, o di kaya ay hindi nasakop ang buong barangay ng lawak ng lupain nila. May mga taong gustong magsilbi sa kapwa kahit walang kikitain o kapalit, mayroon namang ang gustong kapalit sa pagsilbi ay habang-buhay na utang na loob ng tinulungan….YAN ANG TAO.

Kung tawagin ang kabuuhan ng mga ugali ng tao ay PAGKATAO….na mayroong MABUTI AT MASAMA. Hindi puwedeng lahat ay NAPAKABUTI at walang bahid ng kasamaan dahil kung ganyan ang mangyayari, ang mundo ay isa nang paraiso. Hindi rin pwedeng ang lahat ng tao ay masama dahil ang mundo ay magmimistula nang impiyerno na sinasabing pugad ng masasama ayon sa Bibliya kuno. Ang dalawang nabanggit ay mga LAKAS na dapat mabalanse.

Upang maunawaan ng karamihan ng mga tao ang mga nabanggit sa itaas ay nagkaroon ng mga alamat at iba’t ibang kuwento bilang pagsasalarawan…..

ANG MGA PANGIT AY ITINUTURING NA MASAMA KAYA SI SATANAS NA ISANG DATING ANGHEL NA ANG PANGALAN AYON SA BIBLIYA AY SI LUCIFER, ANGHEL NA “MAY HAWAK NG ILAW O LIWANAG”. SA MGA DROWING AY MAY MGA SUNGAY SIYA, KULAY PULA ANG BALAT, NANLILISIK ANG MGA MATA, MAY BUNTOT AT KUNG MINSAN AY MAY PAKPAK NA ANG HUGIS AY PAKPAK NG PANIKI.

SA ISANG BANDA, ANG MAGAGANDA AY ITINUTURING NA MABAIT, KAYA ANG MGA ANGHEL AY MAGAGANDA, BLOND PA ANG BUHOK, MAY PAKPAK NA KULAY PUTI, MAAMO ANG MUKHA…PATI SI HESUS AY PINA-POGI NG MGA ITALYANONG PINTOR AT ESKULTOR GAMIT ANG MGA POGING MODELO…GUSTO KASING IPAKITA NA POGI SIYA SA HALIP NA ANG GINAMIT SANA AY ANG HITSURA NG MGA KALAHI NIYA NA BUHAY PA NAMAN HANGGANG NGAYON,.

Bandang huli ay nabuksan ang isip ng karamihan…naliwanagang hindi pala lahat ng pangit ay masama, kaya nagkaroon ng kasabihang, “DO NOT JUDGE A BOOK BY ITS COVER”.

Ang mga may mababang antas ng karunungan ay maaari pa sanang makapaglinang ng kanilang kaalaman, PERO KARAMIHAN AY AYAW KAYA MAPAPANSING, AYAW MAGBASA NG MAHAHABANG BLOG NA MAY LAMANG MAHAHALAGANG MENSAHE….ANG GUSTONG BASAHIN AY YONG IILANG SENTENCES LAMANG. MAGTATAKA ANG MGA ITO KUNG MAY NANGYARI SA BUHAY NILA NA PWEDE SANANG IWASAN KUNG NAGBABASA LANG NG MGA DAPAT BASAHIN….IBIG SABIHIN, PINALAMPAS NILA ANG MGA PAGKAKATAON.

May mga tao na ang adbokasiya ay makibahagi ng mga NALAMAN at ALAM NA nila. Magandang instrumento sana ang facebook SUBALIT KARAMIHAN NG GUMAGAMIT NIYAN, ANG GUSTO LANG MAKITA AY MGA MUKHA, PAGTITIPON, HANDAAN, ETC….AYAW NG MAHABANG DAPAT BASAHIN NA KAPUPULUTAN NG MGA KAALAMAN….DAPAT MAY PICTURE. SILA YONG MGA TAONG NANLALAKI ANG MGA MATA SA PAGTATAKA KUNG MAY NAKITANG MGA HINDI MAGANDANG NANGYAYARI SA PALIGID.,..GANOONG NALAMAN NA SANA NILA KUNG HINDI LANG PINAIRAL ANG KABABAWAN NG ISIP NILA!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s