Hindi Dapat Ikahiya ang mga Trabahong Housekeeper, Domestic Helper, at Caregiver sa Abroad

Hindi Dapat Ikahiya Ang Mga

Trabahong Housekeeper, Domestic Helper at Caregiver sa Abroad

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi dapat mahiya ang mga titulado o professional o mga galing sa mayamang pamilya sa Pilipinas na naging housekeeper sa ibang bansa dahil ang kaalaman nila sa pagsalita ng Ingles at pag-asikaso ng bahay upang maging maayos, pati pagluto ng iba’t ibang pagkain ang tama at angkop na kaalaman sa trabahong nabanggit. Bago naging sikat ang mga Pilipino sa pag-asikaso ng mga elders at pag-manage ng mga bahay at gardens sa Amerika, ang palaging hinahanap ng mga kliyente ay mga Britons o British. Sila ang mga kinukuha bilang “mayordomo”, “butler” at “nanny” dahil mga edukado sila.

 

Sa Amerika, ang mga anak ng mayayamanng business moguls ay nagtatrabaho bilang receptionists, food attendants, dishwashers, hotel staff, at iba pa, pagtuntong nila sa edad na 18 taon. Ang mga nabanggit din ang ginagawa ng mga artista sa Amerika na nagsisimula pa lang, kung wala silang available na assignment.

 

Ang pamilya ng mag-asawang artistang Pilipino na sina Eddie Guttierez at Annabel Rama ay nagtinda ng mga kaldero sa Amerika, mamahaling klase nga lang. Nagtiyaga silang kumatok sa mga bahay upang mag-alok ng kanilang mga paninda….at hindi nila ikinahiya ito dahi palagi nilang binabanggit ito sa mga interbyu nila nang magbalik-pelikula sila sa Pilipinas.

 

Ang mga pinagmamalupitang mga domestic helper sa Middle East ay mga Pilipinong kulang ang kaalaman sa pagluto at paglinis ng mga bahay dahil hindi sila familiar sa mga kasangkapan ng kanilang amo. Yan ang dahilan kung bakit pumasok sa eksena ang TESDA na nagti-train at nagsi-certify ng mga domestic helpers na pupunta sa Middle East at ibang bansa. Samantala, noon pa man ay marami nang mga Filipino professionals na nagtatrabaho sa Amerika at Europe bilang caregiver, nagmama-mange ng bahay at gardens at personal secretary at cook ng mga kilalang tao.

 

DAPAT TANDAANG HINDI NAKAKAHIYA ANG ANUMANG TRABAHO BASTA HINDI NAKAKALAMANG SA KAPWA, LALO NA ANG PAGNANAKAW AT PAGBEBENTA NG DROGA! HANGAL AT UNGAS ANG MGA PILIPINONG IKINAHIHIYA ANG MGA KAANAK NA NAGTATRABAHO SA ABROAD BILANG DOMESTIC HELPER, WAITER, CAREGIVER, DRIVER, ETC! ANG HINDI NARARAMDAMAN NG MGA UGOK NA ITO AY ANG SAKRIPISYO NG MGA NANDOON NA NAGTITIIS SA LUNGKOT DAHIL NAPALAYO SILA SA MGA MAHAL NILA SA BUHAY! MAKAPAL ANG MUKHA NG MGA HANGAL, UGOK AT UNGAS NA ITO DAHIL UMAASA DIN NAMAN SILA AT NAKIKINABANG SA PINAGPAGURAN NG MGA IKINAHIHIYA NILA!!!!!!

 

Ang Mga Taong Isinusulat ko ang Kuwento ng Buhay

Ang Mga Taong Isinusulat Ko ang Kuwento ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaya ako nagsusulat ng mga kuwento ng buhay ng mga tao ay upang magsilbi silang inspirasyon sa iba. Kung mapapansin, sila yong mga nagsimula sa “ibaba” hanggang umangat o umasenso. Sila rin yong mga hindi nahihiyang magtrabaho kahit galing sa may sinasabing pamilya o mayayaman. Sila yong mga nagsikap upang makatapos ng kolehiyo kaya pumasok na student assistants sa pinapasukan nilang unibersidad o kolehiyo. Sila rin ang mga naghahabol ng schedule ng klase mula sa mga pinapasukang food outlets tulad ng Jollibee at MacDonalds, at iba pa.

 

Ang iba pang mga naisulat ko na ay naging biktima ng pagkakataon kaya “kumapit sa patalim” upang mabuhay o di kaya ay nagsakripisyo para sa pamilya. Mayroon ding mga pari at pastor na MABABAIT at karapat-dapat na tawaging mga pastol na Itinalaga ng Diyos sa mundo upang gumabay sa mga Kristiyano.

 

Hindi ako basta-basta nagsusulat lang dahil PINIPILI ko ang mga taong bina-blog ko….mga karapat-dapat na nakaka-inspire ang buhay. Ang problema ay ang mga HYPOCRITE na kaanak ng mga taong dapat ay maging inspirasyon ng iba dahil sa pagsisikap nilang kumita para sa pamilya kaya nangibang bansa, at ang iba ay na-rape pa nga….IKINAHIHIYA KASI NG MGA WALANG UTANG NA LOOB NA ITO NA ANG MGA KAANAK NILA SA ABROAD AY HINDI MANAGER NG OPISINA KUNDI HOUSEKEEPER, YAYA, GARDEN CLEANER, CAREGIVER, ETC.  Ang mga nahihiyang magbanggit man lang ng uri ng trabaho ng mga kaanak sa abroad ay mga UGOK AT MAKAKAPAL ANG MUKHA dahil SOBRA-SOBRANG  umaasa din pala sa mga padala ng mga nasa abroad!

May Kapalit ang Lahat ng Inaasam

MAY KAPALIT ANG LAHAT NG INAASAM

…mga sakripisyo at “collateral damage”

Ni Apolinario Villalobos

 

Upang mailabas ng ina ang isa pang buhay kailangan niyang isalang ang kanyang sariling buhay at mismong buhay ng iluluwal na sanggol sa pangambang may mangyaring hindi maganda. Pwedeng mamatay ang nanay o sanggol dahil sa kapabayaan ng mga nagpapaanak sa kanya.

 

Upang magkaroon ng katahimikan sa pagitan ng nag-aaway na mga bansa, kailangan ang dahas na dinadaan sa patayan upang may malupig o matalo at yumuko sa nanalo. Pwedeng magkaroong ng “truce” o panandaliang katahimikan pero hindi ito tatagal dahil sa kagustuhan ng mga nag-aaway na matalo ang kalaban at mapatunayan ang kapangyarihan at lakas ng mananalo. Natigil ang WWII dahil binomba ng Amerika ang Japan….maraming namatay pero nagkaroon ng katahimikan bilang hudyat sa pagkakaroon ng panibagong pamumuhay sa buong mundo.

 

Ngayon, ang pangkalahatang tawag sa mga nadamay na tao at pagkawasak ng mga bagay dahil sa magandang layunin ay “collateral damage”,

 

Hindi digmaan ang problema ng Pilipinas….mas matindi pa sa digmaan. Ang mga ito ay ang kabuktutan ng mismong mga namamahala ng bayan na maliban sa pagiging korap ay nuknukan pa ng pagkainutil dahil sa pagbabaya ng mga dapat nilang gawin, mga taong pinagkatiwalaan ng taong bayan. Dahil sa kanila, namayagpag ang mga krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga. Ang mga biktima ay mga mahihirap, lalo na ang mga kabataan. Ang mga mayayamang drug lords at pushers nila ay lalo pang yumaman. Kung lahat ng kabataan ay magiging drug user sampu o mahigit pang taon mula ngayon, ano ang mangyayari sa bansa na mamanahin nila mula sa mga tumatandang mga mamamayan?  Ang mga mamamatay nang mga magulang ay makakaiwas sa nakakatakot na kalagayan, subalit ang mga ipapanganak pa ang kawawa!

 

Napupuna ang mga “collateral damage” sa ginagawa ni Duterte upang masugpo ang droga, subalit sino ang may sala? Kung may itotokhang na talaga namang kilalang drug addict at drug pusher, hinaharangan ng mga asawa, magulang at anak ang mga pulis….ginagawa silang kalasag o shield ng mga dapat sana ay aarestuhin. Talagang sinasadya nilang gawin ito sa pag-asam na hindi matutuloy ang pag-aresto.

 

Hindi dapat manibago ang mga Kristiyano tungkol sa isyu ng  “collateral damage” dahil maituturing na naging ganyan di si Hesus na namatay sa krus upang masagip sa kasalanan ang buong mundo. Hanggang ngayon ay maituturing pa ring napakalaking “collateral damage” si Hesus ng mga Kristiiyano dahil sa mga ungas na nagmamarunong na lider ng simbahang Katoliko. Sa sobrang kaungasan nila ay hindi na rin sila nakikinig sa mismong santo Papa nila! Kung sa Ingles, “what else is new?”….maliban na lang kung talagang ang mga tanga at ungas na mga bumabatikos kay Duterte ay sagad to the bone ang pagka-demonyo!

 

DAPAT AY UNAWAIN NA WALANG KATAHIMIKANG MATATAMO SA NAPAKAMADALING PARAAN O IBIBIGAY NANG BASTA NA LANG. HUWAG MAGING IPOKRITO AT MAGMAANG-MAANGAN PARA LANG MASABING HUMAN LIFE ADVOCATE KUNO!!!!

 

 

My Own Concept of Progress

MY OWN CONCEPT OF PROGRESS

By Apolinario Villalobos

 

PROGRESS HAS A PRICE THAT COMES IN A PACKAGE….DISCIPLINE AND SACRIFICE OF PERSONAL CONVENIENCE AND COMFORT FOR THE SAKE OF OTHERS.

 

PROGRESS CANNOT BE ATTAINED IF EACH ONE SHALL DEMAND FOR WHAT HE OR SHE WANTS. IF THAT HAPPENS, A NATION WITH 100 MILLION SOULS WILL EVENTUALLY HAVE 100 NOISY CLAMORS.

 

THE PEOPLE’S CULTURE HAS A LOT TO DO WITH THE ATTAINMENT OF PROGRESS. IT IS DIFFICULT TO PROPAGATE THE SEED OF PROGRESS IF IT IS PLANTED ON A SOIL DISEASED WITH CORRUPTION AND SELFISHNESS.

 

 

Ang “Perpetual Mother” ng Southern Mindanao

ANG “PERPETUAL MOTHER” NG SOUTHERN MINDANAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung ang mga deboto ng Mahal na Birhen ay mayroong “Our Lady of Perpetual Help”, sa southern Mindanao ay mayroon namang “Perpetual Mother”. Isa siyang ordinaryong babae subalit may busilak na puso, matulungin hindi lang sa mga ka-pamilya kundi maski sa ibang tao. Sa halip na makibarkada sa iba ay sa mga pari siya nakikipagtulungan para sa mga proyekto nila, lalo na sa “feeding program”.

 

Panganay siya sa kanilang magkakapatid kaya nang mamatay ang kanilang tatay, siya na ang umalalay sa kanilang nanay upang mangasiwa sa mga kapakanan ng kanyang mga kapatid. Mula noong siya ay estudyante pa, hindi niya nadanasan ang mga ini-enjoy ng mga kabataan ngayon. Nang makapag-asawa ay minalas naman naman magkasakit ito kaya nadagdag sa kanyang mga pasanin na hindi naman niya iniinda. Kahit may pamilya pa siya ay hindi tumigil ang pagtulong niya sa kanyang nanay at mga kapatid.

 

Ngayong maysakit na ang kanilang nanay, gumawa siya ng iskedyul nila kung paano sila makapag-ambag ng panahon sa pagbantay. Sa gabi, kasama ang isa niyang anak ay sila ang nagbabantay pero hapon pa lan ay sinisiguro na niyang malinis ang nanay nila bago magpahinga. Kinabukasan ay pinapalitan siya ng kapatid na kasama naman ang anak nito. Kung panahon ng check up o emergency na pagtakbo sa ospital, lahat sila ay kumikilos. Maganda rin ang nangyari dahil sa pang-unawa ng mga asawa ng kanyang mga kapatid, pati ang asawa niya, sa kanilang ginagawa para sa nanay nila.

 

Hindi bumibili ng damit sa mall o department store ang “Perpetual Mother” na tinutukoy ko pati ang kanyang mga kapatid. Ang mga damit nila ay sa ukayan nabili. May maliit silang negosyo na pinagtutulungan nilang asikasuhin at lahat sila ay may suweldo kahit sila ang may-ari. Ang suweldo ng bunsong kapatid ay naitutulong din niya sa kanyang mga pamangkin na umabot yata sa sampu. Wala naman itong reklamo dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

 

Nang huli kaming mag-usap ay nabanggit ng “Perpetual Mother” na nag-iipon rin pala siya para maipantulong sa mga proyekto ng mga kaibigan niyang pari. Ang iniipon niya ay galing sa kanyang suweldo bilang “empleyado” ng kanilang negosyo. Nalaman ko rin na silang magkapatid ay walang luho sa lahat ng bagay kahit sa pagkain dahil sanay sila sa gulay. Kadalasan, ang tira sa almusal ay siya rin nilang pagkain sa tanghalian at kung suwertehin ay umaabot pa sa hapunan. Hindi pagtitipid ang ginagawa nila kundi talagang “lifestyle” na nila na binabatay sa kaya lang ng kanilang kinikita bilang mga suwelduhang empleyado ng kanilang negosyo.

 

Walang luho sa katawan ang tinutukoy ko maliban sa pagpapalinis ng mga kuko. Hindi rin siya nagmi-make up at walang alahas. Para sa kanya, sa halip na gastusin ang kinikita sa mga bagay na nabanggit ay nilalaan na lang niya sa mga kabataang tinutulungan ng mga pari. Ayon sa kanya, ang luho ay panandalian lamang at ang yaman ay hindi madadala pagdating ng araw na ang isang tao ay bibiyahe tungo sa kabilang buhay.

Directions

Directions

By Apolinario Villalobos

 

In the jungle, tribal communities help each other in getting to their destinations through signs using broken twigs, heaped rocks, seeds left along the trail, etc. Other telltale guiding signs come in the form of sounds such as the sound from currents of rivers, waterfalls, direction of wind, position of the sun, etc.

 

In the highly civilized world, a person gets his direction from road signs and street names, as well as, landmarks. In the not-so-civilized communities, pouted lips pointing to desired direction are used aside from the universal “finger pointing” if there is a language barrier. For the fortunate stranger whose language is understood in a strange community, there could be verbal exchanges.

 

Unfortunately, all the above become useless when the forests are suddenly denuded by unscrupulous illegal logging activities resulting to floods, creating new rivulets that dry up in time. On the other hand, in the civilized communities of lowlands, vandals deface street names and road signs using spray paints. Some even go to the extent of changing the direction of sign posts.

 

Directions are important as they lead us to where we want to be, at the most convenient and safest way. Bungled directions can lead one to a disaster. And, that is how a nation should be treated …led by one who knows and understands his responsibilities and never botched by selfish motives.

Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ang Isang Araw sa Buhay ni Duday

Ni Apolinario Villalobos

 

Nabanggit ko na noon sa naunang blog kung paanong sa gulang na 9 na taon ay ipinuslit si Duday mula sa Negros, sa pamamagitan ng “pag-empake” sa kanya sa isang karton upang maisakay sa barko at hindi masita ang recruiter. Nabanggit ko rin noon kung paano siyang ikinulong sa kulungan ng asong pit bull ng malupit niyang amo dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa mga makabagong gamit, ay nasira niya ang rice cooker. At, sa loob ng dalawang linggo ay nadanasan niyang kumain ng dog food dahil isang beses lang sa isang araw kung siya ay bigyan ng pagkain. Upang makumpleto ang maiikling yugto ng kanyang buhay ay binanggit ko rin kung paano siyang pinagpasa-pasahan ng iba’t ibang amo na parang isag gamit, at ang pinakasukdulan ng kanyang pagdurusa ay nang lokohin siya ng isang kaibigan na nagtangay ng pinaghirarapan niyang pera na mahigit sampung libong piso.

 

Ngayon, inaamin ni Duday na halos hindi na niya matandaan ang mga mukha ng mga kaanak sa Negros. Ganoon pa man, sa halip na ituon ang isip sa mga nakaraang problema ay pamilya niya ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon kaya upang makatulong sa asawa ay tumanggap ng labada mula sa mga taong nagtiwala sa kanya (hindi ko nabanggit sa unang blog), hanggang sa maisipan niyang magbenta ng ulam at mga pagkaing bata (tsitseryang piso ang isang balot) sa tindahan niya nasa labas lang ng kanilang tirahan. Sa ganitong paraan ay hindi na niya naiiwan ang mga anak. Ang tindahan ni Duday ay “nakasandal” sa firewall ng gusaling may mga paupahang kuwarto, na pag-aari ng taong nagmagandang loob sa kanila na nagbigay ng libreng tirahan, at ang kapalit ay ang pagbantay nila sa nasabing gusali.

 

Apat ang anak ni Duday, may mga gulang na 9 hanggang 5 taon kaya upang makapamili sa palengke ng mga gagamitin sa tindahan, umaalis siya sa madaling araw, 4:00 AM,  upang pag-uwi niya bandang 5:30 AM, ay nakakapaghanda pa siya ng almusal ng kanyang mga anak. Kung minsan ay nakakatulong ang kanyang asawa sa pag-asikaso ng mga bata kung hindi pa ito nakakaalis ng bahay upang pumasok sa trabaho.

 

Pagkagaling sa palengke ay nililinis na muna niya at inihahanda ang mga iluluto. Paggising ng mga bata ay nakahanda na ang almusal na kape at tinapay lang naman. Habang kumakain ang mga bata ay ilalabas naman niya ang apat na mahahabang yerong luma at kalawangin upang isandal sa bubong bilang harang sa init at sikat ng araw lalo na sa tanghali hanggang hapon. Kung may palalambuting iluluto tulad ng butu-buto ng baka, ito ang una niyang isinasalang sa lutuang kahoy ang panggatong. Isusunod niya ang iba pang madaling iluto, pati na ang isasaing na bigas. Habang may nakasalang, ay ilalabas naman niya ang mga pagkaing bata upang isabit – ilang piraso lang naman.

 

Pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong oras ay tapos na niyang iluto ang mga ulam kaya maaari nang i-display sa kanyang tindahan. Nananatiling bukas ang kanyang maliit na tindahan hanggang alas otso ng gabi upang makapagbenta man lang ng kape sa mga kapitbahay. Sa madaling salita, ang isang araw ni Duday ay nagsisimula sa madaling araw hanggang alas otso ng gabi. At sa “pagsara” niya ng tindahan ay hahakutin uli niya ang mahahabang yero sa loob ng compound upang hindi manakaw….mag-isa niya itong ginagawa kung wala ang kanyang asawa.

 

Ang tanong ko sa mga misis na reklamador sa kabila ng pagkakaroon ng mapagmahal na mister at masaganang daloy ng pera mula sa ATM tuwing araw ng suweldo niya….kaya ba ninyo ang ginagawa ni Duday? Kung hindi, mag-sorry kayo sa mister ninyong madalas ninyong awayin dahil sa madalas niyang pag-overtime o dahil hindi kayo naibili ng mamahaling alahas na ginto sa araw ng inyong bertdey!

 

Ang isa pang leksiyon sa kuwento ng buhay ni Duday…. magpasalamat tayo kahit sa katiting na biyaya lalo na ang pagkaroon ng magandang kalusugan upang ma-enjoy natin ang buhay sa mundo. Magpasalamat ang mga hindi niresetahan ng mga gamot para sa iba’t ibang sakit, at para sa “maintenance” ng kalusugan. Hindi ko na isa-suggest na mag-share ng pera ang may sobra-sobra nito dahil alam kong sasama lang ang loob nila at baka mag-comment lang ng, “bahala sila sa buhay nila”, kaya sasama naman ang loob ko.

 

At higit sa lahat……huwag humingi ng limpak-limpak na salapi kay Lord sa pamamagitan ng dasal at baka kung mainis Siya ay kidlat ang ipatama sa makukulit na mukhang pera habang nagdadasal sa loob ng mga katedral! Sa dami ng mga mukhang pera ngayong nagdadagsaan sa mga katedral upang humingi ng pera kay Lord, siguradong mawawasak ang mga katedral kapag sabay na tumama ang mga kidlat!

 

 

Ang Maging Saksi ni Hesus sa Mundo ay Obligasyong 24/7

Paalala para sa Banal na Linngo…

 

Ang Maging Saksi ni Hesus sa Mundo

Ay Obligasyong 24/7

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng iba, ang pagtayo bilang saksi ni Hesus sa mundo ay nagsisimula at nagtatapos sa dinaluhang Misa, pagbasa ng Bibliya sa harap ng maraming tao, o pagbigay ng agarang tulong lamang. Ang pagiging saksi ni Hesus ay nangangahulugang bahagi Siya ng buhay ng tumatayong saksi kaya bahagi din Siya ng lahat ng kilos, pati sa paghinga nito sa lahat ng sandali.

 

May ilang tao na pinagyayabang pa ang kanilang pagiging active member daw ng kung ano-anong religious group, at ng mga nauusong “kongregasyon” ng “Bagong Kristiyano” at nakikibahagi pa ng kaalaman nila sa Bibliya, subalit, ni hindi man lang makabati o makangiti sa mga nakakasalubong na kapitbahay. Saan ngayon si Hesus sa mga pinapakita nila sa kanilang kapwa? Gusto nilang masabing Kristiyano pero sa pangalan lang pala, hindi sa kilos at isip, at lalong hindi sa puso.

 

Hindi kailangang magpapako sa krus tulad ng nangyari kay Hesus upang masabi ng iba na sila ay nagmamahal sa Kanya, kung bugbog-sarado naman pala sa kanila ang kanilang misis at kung sipain ang mga anak ay ganoon na lang tuwing sila ay malasing. Yong iba naman ay milyones ang dino-donate sa mga simbahan dahil mahal daw nila si Hesus, yon pala ang pera ay ninakaw sa kaban ng bayan.

 

Sa darating na Banal na Linggo, dadagsa sa kalye ang mga “saksi” ni Hesus, mga magkakakawag  upang palabasing sinaniban daw sila ng ispiritu Niya o ng kung sinong santo. Ang iba ay magka-camping sa harap ng Quiapo church at naka-costume pa na hango sa Bibliya, at marami pang ibang paraang pagpapakita ng pagiging saksi daw nila. Sa mga araw na yon…kung kumidlat man, sana ay walang tamaan!

 

 

 

 

Ang Pagninilay-nilay Tuwing Semana Santa

Ang Pagninilay-nilay Tuwing

Semana Santa

Ni Apolinario Villalobos

 

Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw” na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging “ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae? Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.

 

Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays, hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.

 

Maraming paraan ang pagtitika at pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng  pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!

 

Ang mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana.  Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!

 

Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.

 

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.

 

Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga mata at kaisipan!

In the name of Love….

In the name of Love…

By Apolinario Villalobos

 

In the name of love…

Kilometric lines of praise can be uttered

Mountains of words can be piled

Tsunamic throbs can be sighed

And stones can come to life.

 

In the name of love…

Chilling nights can simmer with warmth

Swaying leaves can turn to fairies

That dance with delightful grace

And undulate with the breeze.

 

In the name of love…

Even the scrawny twigs can bear flowers

Grass made brown by searing sun

Can turn into cool green, so calm –

Under the sky’s cerulean expanse.

images (5)