Si Hesus at ang Palm Sunday

SI HESUS AT ANG PALM SUNDAY

Ni Apolinario Villalobos

 

Kinilala si Hesus dahil sa kanyang mga pagtuturo noong kapanahunan niya at dahil may propesiya o prophesy na may darating na manunubos, inakala ng mga naniniwala sa kanya na siya ang tinutukoy. Nang pumasok siyang nakasakay sa bisero o donkey sa Herusalem noong araw na kung gunitain ngayon ay Palm Sunday, sinalubong siya ng mga taong nagwagayway ng palaspas o palm fronds bilang tanda ng pang pag-welcome sa kanya. Naghiyawan sa tuwa ang mga taong naniniwala sa kanya dahil dumating na raw ang manunubos.

 

Nang siya ay litisin dahil sa pang-uudyok ng mga religious groups nang panahong yon at pinapili pa ang mga tao kung sino ang ililigtas…siya o ang kriminal na katabi niya, ang pinili ng mga taong mailigtas sa hatol na kamatayan ay ang kriminal. Nang siya ay nagpasan ng krus papunta sa burol kung saan siya at ang iba pang kriminal na nahatulang mamatay ay ipapako sa krus, ANG MGA TAONG NAGWAGAYWAY NG MGA PALASPAS NANG SIYA AY DUMATING, AY SILA RING MGA DUMURA, NAG-ALIPUSTA AT SUMIPA SA KANYA!

 

NAUULIT  ANG GANYANG EKSENA NGAYON. SA PAGGUNITA NG ARAW NG PALASPAS O PALM SUNDAY AY MARAMI ANG BUMIBILI NITO SA LABAS NG SIMBAHAN BILANG SIMBOLO NG PAG-WELCOME SA KANYA BILANG BAHAGI NG “HOLY WEEK”…..AT PAGKALIPAS NG HOLY WEEK, ANG MGA TAONG MAAGANG GUMISING UPANG DUMALO SA MISA NG PALM SUNDAY AY BALIK SA DATING MGA BISYO….TANDA NG PAG-ALIPUSTA KAY HESUS!

palmsunday

 

 

Ang Pagninilay-nilay Tuwing Semana Santa

Ang Pagninilay-nilay Tuwing

Semana Santa

Ni Apolinario Villalobos

 

Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw” na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging “ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae? Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.

 

Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays, hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.

 

Maraming paraan ang pagtitika at pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng  pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!

 

Ang mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana.  Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!

 

Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.

 

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.

 

Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga mata at kaisipan!

Ang Panggagaya ng Pilipino…nasobrahan, kaya naging magsagwa

Ang Panggagaya ng Pilipino
…nasobrahan, kaya naging masagwa
Ni Apolinario Villalobos

Nakakapagpayaman sa isang kultura ang makibahagi ng mga banyagang kultura, subalit ang kalabisan ay hindi na nakakatuwa, nagiging masagwa. Ganyan ang nagyari sa mga Pilipino na walang pinalalampas na impluwensiya ng ibang lahi pati sa panggagaya kay Kristo.

Ang isang halimbawa ay ang paggaya sa Haloween, kaya pagsapit ng araw na pagdaos nito, naglipana na rin ang mga pekeng “pumpkin” na may mga butas para sa mga mata, ilong at bunganga, may mga “witches” costume at “broomstick” din. May “zombies” pa! Nagkalat din ang mga binebentang nakakatakot na maskara, at costumes. Inaakit ng mga ito ang mga bata na nagpapatalbugan sa pinakanakakatakot na costume na may kaakibat na pagkamahal-mahal na halaga! Pati, mga bags kunwari ng goodies para sa trick or treat ay kalat na kalat sa mga mall. Kaylan nagkaroon ng Haloween ang Pilipinas? Ang meron sa Pilipinas ay paggunita ng Araw ng Patay – ang pinakanakakatakot nating araw sa kalendaryo….at hindi ginagawa ang pananakot kung gunitain ito. Nagsisindi ang mga Pilipino ng kandila sa puntod ng mga namayapang mahal nila sa buhay…at pag-uwi ay nagsasalu-salo sa nilutong simpleng kakanin o kalamay…yon lang!

Kung Banal na Linggo, okey lang gunitain ang Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay, pero, bakit may egg hunting pa? Ang mga hotel, at mall ay nagpapaligsahan sa pagdaos ng ganitong activity upang makaakit ng mga customer. Alam kasi nila na kapag mga bata na ang nagpumilit, walang magagawa ang mga magulang kaya sugod na lang sila sa mga venue at magrehistro na may kasamang mahal na bayad. Subalit may mga magulang na ring pasimuno, na mismong nagtatanim ng ganitong okasyon sa isip ng kanilang anak upang maging “in” daw sa uso!

Kung pasko, may mga Christimas tree na pilit binabalot ng nilamukos na puting papel de hapon na kunwari ay nyebe o “snow, o di kaya ay ng binating sabon na mas mukhang “snow”. Kaylan nagkaroon ng snow sa PIlipinas? Ang paggamit ng evergreen na puno ay ugaling pagano, pati ang paggamit ng garland na mistletoe. Kung ang ginugunita ay kapanganakan ni Hesus, kabaligtaran ang mga ginagawa ng mga Kristiyano. Si Hesus ay ipinanganak sa isang hamak at simpleng lugar na kung hindi sa kuweba ay sa kuwadra ng mga hayop, kaya kadalasan ay ipinapakita ang imahe niya na nakahiga sa sabsaban. Walang Christmas tree sa tabi niya at wala ding snow. Ayon pa sa mga mananaliksik, nang ipinanganak siya ay tag-init, buwan ng Abril, hindi tag-lamig na buwan ng Disyembre.

Ang mga angkop na angkop lang sa paggunita ng kapanganakan ni Hesus ay ang bituin na kung tawagin ay “Star of Bethlehem”, mga tupa at mga pastol. Pati ang mga sinasabing “tatlong hari” ay hindi rin talagang mga hari ayon sa mga mananaliksik at pinatunayan ito ng mga nadiskubreng ebidensiya. Sila ang mga tinatawag na mga “magi” (singular ay “magus”) at sa Ingles ay “magician” at miyembro ng isang tribu na kilala sa panghuhula at pagbasa ng mga palatandaan sa kalawakan, lalo na ang mga bagay tungkol sa mga bituin, at ang tawag ngayon sa trabahong yan ay fortune telling. Kaya nila pinilit na tuntunin ang lugar na “itinuturo” ng bituin na siyang palatandaan ng pagsilang ng isang hari, hanggang makarating sila sa Bethlehem, ay upang magbigay pugay dito. Bakit hindi ito ang ituro sa mga Kristiyano? Kaya tuloy, sa kagagaya ng mga Pilipino, pati mali ay nagagaya na rin!

Sa aking pananaw ay hindi naman masama ang panggagaya. Subalit, sa halip na gayahin ang mga walang kuwentang nakagawian ng ibang bansa na kailangang gastusan upang maidaos lang, bakit hindi gayahin ang disiplina na maayos nilang pinapatupad? Ang mga Pilipinong nakarating sa Singapore, halimbawa, ay manghang-mangha sa kalinisan ng paligid nito at disiplina ng mga tao…bakit hanggang paghanga lang?…bakit hindi gayahin?..at bakit hindi ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas?

Yong ibang magulang naman, sa kagustuhan na magaya ng mga anak nila ang pag-English ng mga Amerikano, pinipilit ang mga ito na pati sa bahay ay mag-English, bawal ang sariling salita. Nabulol tuloy ang mga ito kung magsalita na ng sariling wikang Pilipino at naging katawa-tawa! Kaya pagdating ng panahong mag-aaplay sa trabaho, talo ng ibang aplikante na magaling na sa English ay magaling pa rin sa Pilipino at ibang salita na gamit sa ibang probinsiya.

Ang pinakamasagwang panggagaya ay ang pagiging Kristo daw kaya may namimigay ng pagkain, damit, etc. na may nakatutok na kamera at may nakaabang na reporter na mag-iinterbyu. At, ang pinaka-super na ginagaya kay Kristo na sobra-sobra ang pagkasagwa ay ang pagpapako sa krus. Hindi nagpapako si Kristo…siya ay ipinako ng mga kalaban niyang kapwa Hudyo! Ang mga Pilipino naman, magpapapako lang pala sa krus ay bakit hindi pa gawin na lang sa loob ng bakuran nila? Bakit kailangang i-broadcast pa, ganoong iilang pirasong tao lang naman ang nakakakilala sa kanila na talamak ang kasalanan na paulit-ulit ginagawa kahit siguro matadtad na ng tusok ng pako ang mga palad. Gusto lang ng mga hangal na mga huwad na Kristiyanong ito ang makunan ng retrato upang mailagay sa facebook o magazine o diyaryo! Ano kaya kung tamaan sila ng kidlat sa oras na sila ay maipako na? Siguradong maraming pagpapa-convert sa Kristiyanismo dahil ituturing itong himala!

Kaylan kaya mabubuksan ang ating mga mata sa katotohanang ang lahi natin ay may sariling kultura na mayaman at kayang ipagmalaki sa buong mundo? At, sa pagiging Kristiyano ang kailangan ay mga gawaing makatotohanan at walang bahid ng pagkukunwari?

Ang pagmamalabis sa anumang bagay ay masama, gaya ng labis na paggamit ng asukal na nagreresulta sa diabetes – isang sakit na walang gamot! Ang bansa natin ay ganyan…naturuan ng mga Amerikano ng demokrasya, subalit nasobrahan sa paggamit kaya inabuso…ngayon, ang korapsyon sa Pilipinas ay animo kanser na hindi na yata gagaling! At, sa ibang Kristiyano, malabo na rin yatang matanggal ang makapal na nakulapol na pagkukunwari sa kanilang pagkatao…sila, na ang “pagbabago” ay inaasa na lang sa taunang tradisyon na paggunita…ibig sabihin ang “pagbabago” nila ay RENEWABLE!

Ang Pagninilay-nilay Tuwing Semana Santa

Ang Pagninilay-nilay Tuwing
Semana Santa
Ni Apolinario Villalobos

Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw” na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging “ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae? Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.

Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays, hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.

Maraming paraan ang pagtitika at pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!

Ang mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana. Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!

Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.

Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga mata at kaisipan!

Marinduque – Home of the Moriones Festival…world-renown Holy Week Festival of the Philippines

Marinduque – home of the Moriones Festival
…world-renown Holy Week Festival of the Philippines
By Apolinario Villalobos

Marinduque used to be a Malayan settlement in southern Luzon and in 1590 was made a sub-corregimiento of Mindoro. It was also a former sub-province of Batangas, then of Quezon, finally, becoming an independent province in February 21, 1920.

The 95, 258 hectares total land area of the province provides a solid, though not so fertile ground for the good-natured Marinduqueῆos who earn their living by planting coconut trees and by fishing around the islands. The heart-shaped island is considered as the center of the Philippine archipelago. With Boac as its capital, the province is located between Tayabas Bay to the north and Sibuyan Sea to the south, southwest of Quezon, east of Mindoro and north of Romblon. Mompong Pass separates the province from the Bondoc Peninsula of mainland Luzon.

Smaller islands such as Polo, Maniwaya, Mompong, Tres Reyes, and Elephant also form parts of the province. At 3,796 feet above sea level, Mt. Malindig, formerly called Mt. Marlanga at the southern tip of the main island, is considered as the highest point of the province. Completing the curious and stunning endowments of the province is a cave system comprised by the Talao cave with its 12 chambers lording over the western part, San Isidro with its subterranean river, and the imposing Bathala cave. Marcopper, a mining giant has become synonymous with the province, especially, with the disaster that occurred.

The province is composed of six towns, such as Boac, the capital, Buenavista where Bellaroca Resort and Spa is located, Gasan, the central point of cultural activities of the province, Mogpog where the Moriones Festival originated, Sta. Cruz the largest town in area, and Torrijos where the Poctoy White Beach is located. The name of the province is the combined names of two legendary lovers, Mariin and Gatduke, which as always happens in the love-centered folklores, the father of the woman did not approve of the relationship. The two eloped and sailed out into the sea and drowned themselves. Days later, an island surfaced which the natives called “Marinduque”.

Archaeological diggings yielded Chinese urns, gold ornaments and vases that proved a flourishing trade and commercial relationship with the Chinese who came from the mainland China. An ancient wooden idol was also discovered, indicating that the early Marinduqueῆos had their own kind of worship. The artifacts can be found in a museum in France, the Musee de la Homme, Smithsonian Institution in Washington D.C. USA, and Marinduque Museum in Boac.

The Marinduqueῆos speak Tagalog but spoken in a unique way due to its strong accent, which is said to be the way how it was done before the arrival of the Spaniards. Noticeable though, are sprinkling of Bicol and Visayan influence. Very hospitable, they have their own way of welcoming visitors to their home, especially, during fiestas. The ceremony is called “putong” or “tubong”, in which the guests crowned with garlands of flowers are seated in front of the welcoming crowd. Special songs intended for such occasion are sung while petals of flowers and coins are thrown at them.

The tourism industry of the province is highlighted by the Moriones Festival celebrated during the Holy Week. It centers on the story of Longhinus, a Roman centurion who had a prominent role during the crucifixion of Jesus. Morion refers to the mask carved from a soft wood called “dapdap” and painted to resemble a classic face of the Roman centurion, complete with beards, moustache, and penetrating stare of the glaring eyes. The mask is made complete by a papier mache helmet. In time, the “morion” has been referred to the participant who is also fancifully garbed in a Roman soldier attire. Part of the ceremony is the striking of two pieces of woods called “kalutang” by the “moriones” to produce syncopated sound.

Moriones Festival, locally called “Moryonan” is an interesting and colorful cornucopia of religious activities for the duration of the Holy Week. At the onset of the Holy Week, the “morions” go around the town and play pranks among the townsfolk, especially, the children. “Nobisyas” garbed in long skirts and white bandanas also take to the street as their own way of sacrifice. The Good Friday is dominated by self-flagellants or “antipos” who use several five-inch long bamboo sticks tied together that they use in flagging themselves while walking barefoot around the town. The self-flagging is proceeded by the cutting of the flagellants’ skin to induce bleeding on their back and thigh. At Boac, the wounding ritual is confined in the Catholic cemetery atop the hill overlooking the town.

The dawn of Easter Sunday is for the traditional “salubong” or the meeting of the Virgin Mary and Jesus that highlights the procession. A little later, the colorful spectacle that centers on Longhinus makes the town more alive, as Longhinus is “chased” around, so timed until the sun begins its descent, for the “pugutan” or his beheading on a makeshift stage which indicates the end of the festival.

To date, some Marinduqueῆos are nurturing butterflies, some of which find their way to international patrons in Europe and the United States, although a significant portion of the live export commodity are in demand for local use during special occasions.

The province is part of the roll-on, roll-off (ro-ro) national ferry route system making it accessible by buses from Manila that take the ferries departing from Lucena. In the province, the ports are located at Balanacan and Cawit. It is also served by interisland airlines served by the airport located at Barangay Masiga between Boac and Gasan. Those who would like to attend the Moriones Festival are advised to make early flight and hotel bookings with travel agents. And those who would like to make it on their own, airline tickets should be purchased at the earliest possible time.

The Vicious Cycle of Repenting and Erring

The Vicious Cycle of Repenting and Erring
By Apolinario Villalobos

I know that many viewers will curse me, especially the avowed “religious” with this discourse. But I cannot help myself from expressing my observations. This is not just an observation about a particular religion… this is an observation in general.

It all started with the people of the Old Testament, the Chosen People who observed festivities, one of which is about atonement of committed sins, complete with offering of live animals. The tradition or rather, this practice, though already assuming different names are observed today by the different religions and sects. Every year has days assigned for atonement. The faithful always look with much expectation to these days, which have practically taken on a festive garb. The Roman Catholics even go beyond what is prescribed in the Bible, with their self-inflicting acts that eventually, became tourist attractions. The Church tolerated the practice as opposing it might create animosity among the faithful. Other acts are in the form of marathon singing of the story of Christ’s suffering, joining processions on bare feet, hiking to pilgrim sites, visiting as many churches as they can, and the simplest is “giving” alms to the poor.

So what’s next? I mean, after the repentance? Sadly, it is back to the good old days of erring. The wise penitent can always be patient as the acts take only a few days. Those who let themselves be nailed on the cross, console themselves with a few days of healing, just like those who joined long processions with bare feet who limped for a couple of days or a little more. Those who sang the passion of Jesus Christ need only to drink ginger brew to give relief to their sore throat. The enthusiasm to be part of the repentance festivity is made more exciting by the trendy selfies to be posted in the social networks of internet. Excited religious groups post selfies taken in front of antique altars of churches that they visit and also with self-flogging penitents in the foreground or background. Some blog the distance covered by their “pilgrimage”. Some post photos taken in resorts and beaches where they “unwind” after their hectic involvement in church activities, with the farther journey and more expensive destination, the better for their self-esteem.

Back to their old selves again, the penitents are not worried as the next season for repentance is coming, anyway. Truth hurts, but that is the reality of life…otherwise, the world would have become a paradise long, long time ago, as the faithful would not have erred again after repenting for the first time…everybody would have been free from sins.

But then, the world must go on existing – on businesses derived from the seasonal activities… what with tons of commemorative t-shirts to be printed, thousands of candles to be lighted, hotel rooms and resorts to be filled, flights and ships to be crammed with travelers, tons of foods and drinks to be sold, love offerings and donations to be collected. Yes, truth hurts…and it is a vicious cycle. And, being a cycle, it has no end. Does it need another Christ to put an end to it?

Minsan, May Isang Nagbuwis ng Buhay

Minsan, May Isang Nagbuwis ng Buhay

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang magsakripisyo para sa iba ay hindi madaling gawin

Ipokrito lang ang magsasabing mahirap ma’y kakayanin

Lalo pa at buhay ang nakalaan para sa ganitong bagay –

Nag-iisang buhay na halaga’y sadyang walang kapantay.

 

Subali’t ‘di rin maiwasan sa makabagong panahon ngayon

Mayroon gumagawa nguni’t sa bihi- bihirang pagkakataon-

Tulad ng amang baha ay susuungin, upang anak ay mailigtas

O di kaya’y inang nabaril, nagnakaw para sa anak…..ng gatas.

 

Maraming kwento ng buhay ang naririnig natin at nababasa

Subali’t bukod tangi ang isang kwentong nasa pahina ng Bibliya

Simula sa murang gulang, nagpahiwatig na ng kanyahg misyon

Pinatunayan ang katotohanan sa lahat ng paraan at pagkakataon.

 

Diyos man kung ituring subali’t katawang tao ay may hangganan

Kaya pilit niyang  tiniis at ininda ang  pinataw na mga kaparusahan

Tumagaktak na pawis ay nahaluan ng dugong masaganang umagos

Sakit na tagos sa puso animo’y nagpamanhid sa katawang nauupos.

 

Pasakit na pinabigat ng pinasang krus na siya palang mga kasalanan –

Mga kasalanang naipon ng kung ilang siglo, ng buong sangkatauhan

Kanyang pagparaya ay umabot  doon sa mabatong burol ng Kalbaryo

Kilala natin siyang minsa’y nagbuwis ng buhay para sa atin…si Hesukristo!

 

 

 

Mga Simpleng Magagawa Ngayong Mahal na Araw

 

Mga Simpleng Magagawa Ngayong Mahal na Araw

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang Pilipinas ay bukod tanging bansa sa Asya na tinitirhan ng maraming Kristiyano kung ihambing sa iba pang relihiyon tulad Islam, Buddhism, at mga grupong hindi naniniwala sa Diyos o Ateyista. Sa hanay naman ng mga Kristiyano, ang pinakamalaking bahagi ay Romano Katoliko na maraming pinagdiriwang na mga kapistahan at iba pang maka-Diyos na selebrasyon, na ang isa sa pinakamahalaga ay ang Mahal na Araw.

 

Maraming nakagawiang gawin sa loob ng panahon bago sumapit at hanggang sa pagsapit mismo ng Mahal na Araw. Ito ang panahon ng pagninilay-nilay, pagtitika o pagsasakripisyo upang mabawasan man lamang ang mga kasalanang nagawa. Ang ginagawang huwaran ay ang pagsakripisyo ni Hesukristo na umabot sa pagkapako niya sa krus sa Kalbaryo upang matubos ang tao sa mga kasalanan nito. Hindi madali ang gumawa ng mga sakripisyo upang maibsan man lamang ang mga kasalanang nagawa, dahil kailangan dito ang taos-pusong pagsisisi na kalimitan ay wala sa karamihan. Subalit maaaring mapagaan ang mga pasanin kung iwasan na lang ang paggawa ng mga imposibleng sakripisyo, bagkus ay makatotohanang mga bagay na lamang tulad ng mga sumusunod:

 

Batiin ang mga naging kagalit. Isipin  na lang natin na ito ang gusto ng Diyos… na dapat ay huwag nating bigyan ng puwang ang galit sa ating puso. Huwag nating isipin na may ibang taong nag-uutos sa ating gumawa nito…kundi Diyos lang.

 

Ngumiti sa ating kapwa at sabayan na rin ng pagbati hangga’t maaari. Simple lang naman ang paliwanag dito kung bakit: masama kasi ang nakasimangot, kaya dalawa lang pagpipilian – ang ngumiti na madaling gawin o sumimangot na nangangailan ng paggalaw ng maraming bahagi ng mukha at kung nakasanayan ay madaling magpatanda.

 

Piliting huwang manira ng kapwa. May mga tao kasi na hindi kumpleto ang araw kung wala man lang maitsimis sa iba, at feeling star sila kapag nagawa nila ito. Sa panahong naghihirap si Hesukristo para sa tao, iwasan muna ang pagtitsismis at baka karma lang ang abutin.

 

Huwag mang-ismol ng kapwa na hirap sa buhay. Ugali ng iba, lalo na yong biglang umangat ang kabuhayan dahil ang mga asawa ay nasa abroad na, ang “gumanti” sa iba na nang-ismol sa kanila noong sila ay halos hindi makakain sa isang araw kahit na ang mga asawa nila ay hilahod na sa paghanap ng trabaho. Kaya inisip nila na gumanti ngayong kumakayod na sa abroad ang mga asawa nila at nagre-remit sa kanila ng mga banyagang salapi. Ang lalong nagpasama sa kanilang ugali ay ang pagkakaroon ng amnesia kaya maski ang mga dating nakatulong sa kanila ay nawala sa  alaala nila.

 

Maging taimtim sa pagpasok sa mga simbahang bibisitahan sa pagtupad ng panatang “bisita iglesia”. Huwag mag-asal turista na pa-picture picture sa harap ng simbahan o sa loob nito para may mai-post sa facebook o twitter. Respetuhin ang simbahan dahil ito ay tahanan ng Diyos. Iwasan ding magsuot ng mga damit na nakakabuyangyang ng kung anu-ano upang ang iba ay hindi matukso.

 

Huwag ipagkait ang ilang barya sa mga namamalimos, maski Badjao pa sila. Ang panahong kinapapalooban ng Mahal na Araw ay panahon din ng taos-pusong pagtulong sa kapwa. Yong mga tirang tinapay na ayaw nang kainin ng mga maarteng anak dahil malamig na ay pwedeng gawing sandwich upang ipamigay sa mga namamalimos sa bangketa, samahan na rin ng tubig kung maaari. Alalahanin natin na may mga kapus-palad na sa hangaring mabawasan man lang ang gutom ay nangangalkal sa basura. Yong limang pisong barya na ayaw tanggapin ng maaarteng anak ay kayamanan na para sa mga namamalimos.

 

Piliting huwag magmura, kung nakasanayang gawin ito. Ilang araw lang naman ang pagtitiis kung ang pagmumura ay bahagi na ng buhay. May iba kasi na nagsasabing napapanisan daw ng laway kapag hindi makapagmura, kaya nagkakaroon sila ng bad breath. Ang remedyo diyan ay pagkaroon palagi ng menthol kendi sa bulsa o sa bag upang may maisubo kapag naaamoy mo na ang bad breath mo. Huwag ding mangupit ng tubig pang-antada sa simbahang binisita upang mapangmumog para mawala ang bad breath dahil natuyuan ng laway – gamot daw kasi ang nabasbasang tubig.

 

Huwag munang uminom ng alak o magmadyong sa panahon ng pagtitika. Hindi na kailangan ang mahabang paliwanag tungkol dito dahil masamang bisyo naman talaga ang pagsusugal o pag-inom ng alak lalo na yong may kalabisan. Meron kasi akong nakitang sa sobrang kalasingan, akala niya ay siya si Hesukristo kaya pinipilit ang mga kainumang ipako siya sa poste ng Meralco, sinabayan pa niya ng hagulhol kaya ang ginawa ng mga kasama niya, inilublob na lang siya sa katabing kanal upang mahimasmasan. Sa Quiapo ko ito nakita.

 

Piliting magbasa ng Bibliya, maski ilang pahina lamang sa isang araw. Yong iba kasi, may Bibliya sa bahay pero pang-display lang kaya hindi man lang alam kung sino talaga ang panganay na anak ni Abraham at kung sino ang ina nito. Hindi rin nila alam kung anong bibliya meron sila, King James Version ba o yong bigay ng Mormon.

 

Piliting panoorin ang mga maka-Diyos na palabas sa TV o DVD. Iwasan munang manood ng mga teleserye maski nakaka-iyak pa ang mga ito. Lalong iwasang manood ng mga pelikulang pantasya o horror dahil ang pinagdiriwang ay tungkol sa pagsisisi at pagsasakripisyo kaya ang panoorin ay yong tungkol sa buhay ni Hesukristo. Panoorin na lang maski ika-50 beses nyo nang napanood ang “Ten Commandments” o “The Bible”

 

Medyo ilaylay muna nang bahagya ang ulo. Maging mapagpakumbaba, subukan mo lang maski masama sa loob mo dahil iniisip mong mukhang poor ka kung bumababa ka sa level ng ibang mapagpakumbaba. Alalahanin mong ang matagal na pagtaas ng noo na matiyempuhan ng ihip ng masamang hangin ay magreresulta sa stiff neck…ikaw rin!

 

Iwasan ang mamintas. Huwag pintasan ang buko pandan na kulang sa tamis at beko na kulang sa gata na pinakain sa iyo nang pasyalan mo ang iyong best friend. Huwag mo ring pintasan ang tubig posong pinainom sa iyo na hindi malamig.  At lalong huwag pintasan ang plastic na tinidor at basong pinagamit sa iyo. Huwag ring pintasan ang minadali niyang paglagay ng eyebrow kaya hindi pantay at  ang lipstick na kumalat sa bibig, dahil gusto ka niyang pagsilbihan agad pagdating mo. Iwasang gawin ang iba pang pagpintas na mas matindi.

 

Makiisa sa pabasa. Huwag mahiyang umupo maski sa bandang likuran ng mga nagbabasa at makinig na lang kung sa palagay mo ay makakasira ka sa grupo kung sasali ka sa pagbasawit o pagbasa na paawit. Tumulong na lang sa pagbigay ng salabat at tinapay o di kaya ay mag-donate ng kape,salabat, tinapay o kung ano pang kailangan tulad ng kandila. Huwag pumalakpak kung nalukuban ka ng sobrang kasiyahan dahil pang-rapper ang style na narinig mo.  Huwag mang-istorbo sa pagkuha ng mga photos lalo na yong pa-selfie na pang-post sa facebook o twitter mo at balak mong lagyan ng caption na, “oh, meron ka nito?”. Pang-iinggit yan na isang masamang ugali.

 

Sinasabi sa Banal na Aklat na hindi kailangang ibalik ang tulong na natanggap, subali’t sa panahong ito na sumesentro sa pagsakripisyo ni Hesukristo para sa tao, ang “mabaryahan” lamang ang ginawa niya ay napakalaki nang bagay. Ang “barya” ay ang mga maliliit na bagay na maitutulong natin sa ating kapwa…mga maliliit na bagay kung ituring subalit para sa iba ay panawid-gutom at pamatid-uhaw na, o kayamanan na.

 

Isama sa pagninilay-nilay ang pag-isip na dapat walang hangganan ang pagtulong sa kapwa, pakikipagkapwa-tao, lalo na ang pakikipagkapatiran…na ang mga relihiyon ay hindi dapat makasagabal sa ganitong minimithi ng karamihan…na dapat ay mithiin na rin SANA ng lahat. Lalong higit sa lahat, magpasalamat kay Hesukristo sa ginawa niyang pagtubos sa tao mula sa pagkakasadlak sa kumunoy ng kasalanan!