Hindi Dapat Binabalewala ang mga “Maliliit” na Bagay

Hindi Dapat Binabalewala ang mga “Maliliit” na Bagay

ni Apolinario Villalobos

 

Sa panahon ngayon, marami ang nababalewalang mga bagay na akala natin ay katiting lang ang kabuluhan. Marami rin ang nakakalimot tungkol dito pagdating sa kaperahan, ganoong ang piso ay nagsisimula sa isang sentimo. Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga hindi masyadong  nabibigyan ng pansin dahil sa hi-tech na pag-unlad ng mundo…at, ang pagpapaalala ay idinaan ko sa tanong:

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang aspile, perdible , sinulid, karayom, zipper, butones, tela…may mga maaayos kayang damit ang tao? Subali’t mapapansin ang walang pakundangang pagtapon ng mga bagay na ito. Idagdag pa diyan ang mga lumang damit na ang mga hindi naido-donate ay basta na lang itinatapon sa basurahan o ginagawang basahan o trapo kahit maayos pa. Sana bago gawing basahan ang pantalon, tanggalin ang zipper nito upang magamit pa, ganoon din ang mga butones sa mga damit upang hindi na bumili kung isa o dalawa lang naman ang kailangan. Sa patahian, ang bayad sa pagpapalit ng zipper ay hindi bababa sa singkuwenta pesos.

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang garapon, bote, at iba pang lagayan ng maliliit na bagay, gawa man sila sa plastic, bubog o kristal? Sa halip na ang mga basyo ay pahalagahan at i-recycle, itinatapon na lang sila kaya nakakadagdag sa mga bara ng imburnal at kanal. Pero, kapag nangailangan na ng kahit isang garapon, nagkakatarantahan na sa paghanap.

 

Paano kung hindi naimbento ang besagra, pako, turnilyo…maayos pa rin kaya ang mga bahay sa kasalukuyang panahon? Walang pakundangan din ang pagtapon ng mga itinuturing na sobra o di kaya ay makitaan kahit kaunting kalawang lang, sa halip na ipunin at gamitin uli.  May mga pagkakataong nangangailangan tayo ng kahit isa o dalawang pako lang na pwedeng gamiting sabitan, pero dahil wala naitatabi, kailangang bumilit pa sa hardware.

 

Paano kung hindi naimbento ang tissue paper, toothpaste, sabon? Marami sa mga mayayabag ay walang pakundangan kung gumamit ng tissue paper na dahil hindi nari-recycle ay lalong dapat tipirin. Dapat ding alalahanin na galing sila sa kahoy, kaya kung balahura ang gumagamit, kailangang gumawa ng maraming ganito at dahil diyan ay marami ring kahoy ang puputulin na magiging dahilan naman sa mabilis na pagkakalbo ng mga gubat. Ang iba namang balahura, kahit may natitira pang toothpaste sa tube ay itinatapon na ito. Ang sabon naman, kahit hindi masyadong lusaw ay itinatapon na dahil mahirap daw hawakan kung maliit.

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang lapis at papel? Siguro hanggang ngayon ay sa dahon, kahoy, basag na palayok, at kawayan pa sumusulat ang mga tao. Subalit, maraming pasaway na mga batang nag-aaral na kinukunsinti rin ng mga pasaway na mga magulang sa kanilang kabulagsakan sa paggamit ng mga nabanggit na bagay. Ang mga lumang notebook na may natitira pang mga malinis na pahina ay itinatapon na, pati mga lapis na nangangalahati pa lang ang pagkapudpod dahil sa katamarang magtasa. Ang nakakalungkot, para sa mga batang kapos subalit nagpupursigeng mag-aral, ang mga ito ay itinuturing na “kayamanan”. Sa mga liblib na lugar, halos ayaw idiin ng mga mag-aaral ang lapis nila upang hindi mapudpod agad. Ang mga papel naman ay sinisinop upang ang likod na hindi nasulatan ay magamit pa.

 

Ang ginagawa kong pagpapaalala ay maaaaring ituturing ng walang halaga dahil tungkol sila maliit na bagay din. Ang dahilan nila ay….”kung may magagastos naman, bakit kailangan pang magpakahirap sa pagtipid?”.

 

Subali’t ang pinakamalahalagang tanong…hindi ba ang tao ay galing sa dalawang maliliit na “bagay” na pinag-isa ng kalikasan upang magkaroon ng buhay?

Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

By Apolinario Villalobos

 

I ask from friends and collect myself, what others consider as “trash” – empty rice bags, used shopping plastic bags, brown paper bags, net bags, used tarpaulins, empty jars, lengths of straw rope, etc. – to be distributed among my friends who sell recyclable junks and vegetables by the pile on sidewalks. They are called “buraot” vendors and the “buraot” refers to the junks and wilting vegetables that they sell. Some of them keep the brown paper bags to be used by their children as book covers, and the sturdy plastic grocery bags as “school bags”. On the other hand, the rice bags have many uses, one of which is safekeeping of things in the absence of decent bags that are sold in department stores.

 

It takes me about two weeks to be able to collect a sizeable volume of these various “treasures”, classify the plastic bags according to size, carefully fold them and finally apportion them together with the rest of the items among the pre-identified recipients for easy distribution. I am most glad if I am able to collect big plastic cover of refs and washing machines because they can be used as extended roof for “kariton (pushcart) home” of my friends. I taught them to fold big plastic bags in such a way that they can be used as “rain coat”. I used to do that when I was in elementary during which I would scavenge the garbage dump of a bakery in our town for recyclable junks especially plastic bags.

 

One time, a friend in California, “Perla” sent plenty of blue tarps that went straight to sidewalk and “kariton” dwellers. But I told her to stop sending such kind of item because I met a couple who sell “tinseled” bags of condiments that when spread by slicing open the two sides can serve the purpose of a mat, as well as, protection against the rain – for just Php20.00 apiece.

 

Every time I come home from shopping, I see to it that the bags, both made of plastic and brown paper are properly folded and set aside instead of tossing them into the garbage basket. The brown bag can also be used in keeping extra portions of vegetables before storing them in the ref. Also, I am not ashamed in picking up lengths of straw ropes from the ground while shopping in outdoor shopping areas such as Baclaran and Quiapo, as they are also needed by my friends in tying things that they always bring along with them. As a recycling advocate, I had been doing this for more than thirty years now.

 

Every time I hit the road for my random acts of sharing my backpack is full of these “treasures”, aside from Skyflakes crackers and home-cooked pudding for sharing. I just want to show that sharing blessings need not be a “big time” effort that involves a lot of money. If I can do it, I am sure others can do it, too. Those interested to do the same can start with the plastic bags that can be collected and given to their favorite vendor in the market….by doing so, we also help Mother Nature as the plastic bags that we recycle are prevented from clogging esteros or canals.

Ilang Paraan Upang Mabuhay ng Simple at Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ilang Paraan Upang Mabuhay Nang Simple at
Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Nababanggit ko na noon pa man na ang isang paraan upang mabuhay nang angkop sa kakayahan ay ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak. Maaaring simulan sa mga pang araw-araw na pagkain tulad ng NFA rice na murang hindi hamak sa commercial rice (upang ang matipid ay maipantulong sa iba), pagbili ng mga ulam na mura subalit masustansiya, ang paggamit ng kahoy bilang panggatong sa halip na gas kung ligtas na gawin ito sa lugar na tinitirhan, ang pag-recycle ng mga gamit upang mapakinabangan pa ng matagal upang hindi na makadagdag pa sa basura, at upang makaiwas na rin sa karagdagang gastos.

Maliban sa mga nakatira sa condo, ang mga nasa maliliit na subdivision, lalo na ang mga nasa probinsiya ay dapat samantalahin ang kapanibangang dulot ng mga sanga ng kahoy na sa halip na mabulok lamang at maging basura ay gamiting panggatong. Hindi dapat maging maluho pagdating sa mga gamit sa bahay na tulad ng ginagawa ng iba na maluma lang ng wala pang isang taon ay pinapalitan na. At lalong hindi dapat ikahiya ang pagbili ng gulay, murang maliliit na isda, o di kaya ay ang murang buto-buto ng baboy at baka na masustansiya din naman. Ang iba kasi, ayaw ng mga isdang maliliit na pangpangat o pangpaksiw dahil pang-mahirap lang daw kaya mas gusto nila ang malalaking isdang tulad ng tuna at lapu-lapu dahil pang-sosyal kahit mahal, at lalong ayaw nila ng butu-buto dahil pang-aso lang daw.

Ang kailangan lang natin ay pairalin ang imahinasyon upang makatipid. Hindi rin tayo dapat mag-atubili sa pagsubok ng mga bagay na hindi nakagawian. Halimbawa na lang ay ang pag –recyle ng tirang spaghetti na sa halip na itapon o ipakain sa aso na hindi rin naman papansin dito ay gawing “pudding”. Dagdagan ng ilang rekado kahit na gulay, at gamitan ng kaunting arena upang mamuo, ilagay sa hurno at pasingawan o iluto kahit sa maliit na oven-toaster. Kung ang mga tirang tinapay ay maaaring gawing pudding, bakit hindi ang spaghetti? Ang tirang spaghetti na iluluto sa ganitong paraan ay maituturing nang “one dish meal”.

Ang mga tsinelas na goma ay madaling mapigtalan ng strap. Kung isang tsinelas lang ang napigtalan ng strap, huwag itapon ang magkapares dahil pagdating ng panahong magkaroon ng isa pang tsinelas na napigtalan din ng strap, ang mga walang sira ay pwedeng pagparesin upang magamit uli, kahit pambanyo lamang, pangloob ng bahay, o pangtrabaho sa garden. Ang apakan na goma ng mga kapares na napigtalan ng strap ay maaaring gamiting kalso ng mga paa ng silya o mesa upang hindi makagasgas sa sahig na tiles. Ang usok ng sinusunog na goma ay isa sa mga nakakasira sa lambong ng kalawakan o atmosphere, kaya makakatulong ang nabanggit kong pag-recyle upang maiwasan ito.

Ang mga lumang libro at magasin ay mura lamang kung bilhin ng mga junkshop dahil turing sa mga ito ay “reject”. Ilang beses na rin akong nakatiyempo ng mga lumang Bibliya sa mga junkshop na ang turing ay “reject” din. Mas mapapakinabangan ang mga ito ng mga NGO na ang adhikain ay tumulong sa mga batang kalye na gustong matutong magbasa at magsulat subalit hindi nakakapasok sa eskwela. May mga NGO rin na nagmimintina ng library upang magamit ng mga estudyanteng kapos sa budget. Hindi naman siguro masyadong kapaguran ang mag-browse sa internet o sa telephone directory upang makahanap ng magustuhang NGO na maaaring pasahan ng mga nasabing ididispatsa nang mga babasahin. Pwede silang pakiusapang pumik-ap ng mga naipong mga libro sa bahay ng mga nakaipon nito.

May ibang nagtuturing na basura sa mga bagay na pinagsawaan na nila. Sana, magbago ang pananaw ng mga taong may ganitong ugali. Buksan sana nila ang kanilang mga mata at lawakan pa ang kanilang pang-unawa upang mabigyang pansin ang kanilang kapwa na hindi naging mapalad na magkaroon ng kahit na kapiranggot na kaginhawahan sa buhay. At, sa pamamahagi nila ng kanilang pinagsawaan, nakakatulong pa sila sa pagbawas ng naiipong basura sa kapaligiran…na lalong malaking tulong din sa Inang Kalikasan.