Ang Pagsusulat

Ang Pagsusulat

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat tayo ay may kakayahang magsulat, sanaysay man o tula, o kung sa Ingles ay essay o poem. Yon nga lang, ang karamihan ay napipigilan ng hiya kaya atubili sila sa pagsulat ng kanilang saloobin o laman ng diwa tulad ng isang naging kaibigan ko…..

 

Ang kaibigan ko ay kilala noong dekada sitenta dahil sa pagiging unang babaeng direktor ng pelikulang Pilipino. Siya ay nagtapos sa Univeristy of the Philippines at nagpakadalubhasa sa larangan ng pagdi-direk ng pelikula sa Amerika. Nang siya ay tumigil sa pag-direk ng pelikula sa Pilipinas, inimbita siyang maging radio broadcaster dahil maganda ang kanyang boses. Narinig niya sa isang kaibigan ang tungkol sa mga naisulat kong mga tula na nalathala noon sa isang magasin. Sinubukan niyang banggitin sa radyo ang pangalan ko bilang panawagan na interesado siyang makausap ako at kung maaari daw ay baka pwede ko siyang tawagan sa istasyon dahil “on board” siya noon at dahil kauupo pa lang niya, may mahigit isang oras  pa siyang natitira dahil isang oras at kalahati ang kanyang programa.

 

Nagkataong paborito ko ang istasyon ng radio dahil kahit AM ay marami silang pinapatugtog na mga folk songs na gusto ko. Nang mag-usap kami, inamin niyang curious siya sa akin at siguro bilang pagsubok kung totoo nga ang narinig niyang kuwento, nag-request siya ng tula para sa kanyang mama na ang birthday ay kinabukasan. Hiningan ko siya ng detalya tungkol sa kanyang mama at sabi ko ay patawagan ako after ten minutes. Pero dahil natapos ko agad ang tula in less than ten minutes ay ako na lang ang tumawag uli dahil may pupuntahan pa ako. Nagulat siya at pinabasa sa akin “on air” o sa ere ang tula. Maraming tumawag sa kanya pagkatapos nang ginawa at hindi ko na inalam kung ano ang mga pinag-usapan nila dahil pumunta pa ako sa Tondo. Kinabukasan ay inenterbyu niya ako on air at nang malamang pumunta ako sa Tondo ay nag-request naman ng tula tungkol sa Tondo na ginawa ko naman at binasa “on air”. Dahil wala naman akong pupuntahan noon ay tumutok ako sa programa at narinig ko ang sunud-sunod na mga tawag ng mga Tondo na natuwa. Ang mga caller na dating taga-Tondo na tumawag din.

 

Pagkalipas ng dalawang araw ay tinawagan niya ako pagkatapos ng kanyang programa at inimbita sa kanyang opisina sa Katipunan Ave. Pagdating ko doon ay tinapat niya agad ako tungkol sa tulong na gusto niyang hingin sa akin. Nang tanungin ko kung tungkol saan, binuksan niya ang dalawang cabinet ng puno ng mga folder. Sabi niya, tingnan ko raw ang mga laman na ginawa ko naman. MGA HANDWRITTEN POEMS PALA NA GINAWA NIYA MULA PA NOONG SIYA NAG-AARAL SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES!

 

Pinapa-edit sa akin ang mga poems pero sabi ko, kung walang mali sa spelling ng words, walang dapat baguhin sa porma, at kung sakali man ay very minimum lang at sa pagpupuwesto lang ng tuldok at comma. Sa tantiya ko ay mahigit isang libo ang mga naisulat niya….nakakagulat!

 

Pero ang ikinagulat ko pa ay nang tanungin niya ako ng, “pwede na ba ang mga iyan, Bot”? Sa halip na sumagot ay tiningnan ko siya ng matagal at napailing ako. Akala niya ay “hindi” ang ibig kong sabihin, pero nang makapagsalita ako ay sinabi kong, “hindi ako makapaniwala….nalula ako”!

 

Tinanong ko rin siya kung seryoso ba siya sa pagkuha sa akin bilang editorial consultant niya, sabay paliwanag kung saan ako nagtapos at kung anong kurso ang natapos ko. Ang nakakabilib na sagot niya ay, “wala akong pakialam kung saan ka nagtapos…basta nakitaan kita ng pruweba”….yon lang. Dahil sa pinakita niyang tiwala ay pinagbigyan ko siya.

 

Ang gusto kong ipakita sa kuwento ay ang hindi maiwasang paghingi ng “assurance” ng isang tao sa kanyang kapwa dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili sa larangan ng pagsulat. Sa larangang ito, bawa’t isa ay may sariling “style” na hindi dapat kuwestiyunin ninuman. Subalit para sa mga nag-aaral pa lang, dapat ay sumunod muna sa  mga literary rules na itinuturo sa loob ng klase…. magtiyaga na lang para hindi bumagsak. At, kapag nakatapos na, saka na lang magpakasawa sa paggamit ng sariling “style”…na ginawa ko at ginagawa hanggang ngayon.  Gusto ko lang iparating sa iba ang “assurance” na, “KUNG KAYA KO, KAYA NYO RIN”.

 

Use the God-given Talent Properly and for the Benefit of Others

USE THE GOD-GIVEN TALENT PROPERLY

AND FOR THE BENEFIT OF OTHERS

By Apolinario Villalobos

 

If God gave you the talent to invent gadgets, come up with what are useful to make life comfortable. If He gave you the talent to sing…make others happy, instead of singing to yourself inside the bathroom. If He gave you the talent to write and which you have discovered, perhaps, inadvertently, help others to discover theirs, and write what are relevant and helpful….do not foment misunderstanding among readers by coming up with lopsided information or exposes.

 

Today, the counterpart of the print media journalists are the so-called “bloggers”, those who write on the cyberspace sites, most particularly, on facebook which is the most popular. Unfortunately, many of the so-called “bloggers” use their talent for purely bashing intent. They post photos and short write-ups which most often contain or imply negative messages about a person, entity, or the government. Blogging, especially, visuals of untoward crime-related incidents could help in solving cases, but not the photos with short captions that present only one side. There is nothing wrong with posting negative comments, but such should be “balanced” with the blogger’s suggestions on how what he observed to be bad can be transformed into something good… an opinion for which he is entitled.

 

Many so-called bloggers have obviously are abusing the free opportunity offered by the IT sites purportedly for the benefit of humanity. Many of them feel great just because they have posted just anything to solicit attention to their site. Blogging should be viewed as an advocacy to share the good that others have done to inspire others, as well as, the bad to caution others but with accompanying precautions on how to avoid them or at the very least, suggestions based on the writer’s opinion.

 

If the blogger is from a small community, in all probability, there is a chance that he could get in touch personally with people who are the subject of his blogs. There is nothing wrong with introducing himself as a blogger followed by expressing his intention to help to correct what he views as wrong. If the blogger believes that he has a “mission” that is why God gave him such kind of talent, by all means, he should be serious about it. But if his intention is just to become known by bashing others, then he should be reminded by the “Golden Rule” – do not do to others what you do not want others would do to you.

Ang Barbero sa Liwasang Bonifacio

Ang Barbero sa Liwasang Bonifacio

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakasakay ako sa jeep papuntang Pasay nang matanaw ko ang isang barbero sa isang bahagi ng Liwasang Bonifacio (Lawto Plaza) at hindi alintana ang mga tao sa kanyang paligid habang naggugupit ng buhok. Bumaba ako mula sa jeep upang umusyuso lalo pa at nakita ko ang mga “kalakal” na nakalatag hindi kalayuan sa kanya. Ang mga “kalakal” ay mga junk items na napupulot sa basura o maayos pang gamit na pinagsawaan ng may-ari kaya napapakinabangan pa. Mahalaga ang mga ganitong nakalatag para sa mga taong naghahanap ng mga piyesa ng kung anong gadget na hindi mabibili saan mang tindahan o di kaya mga murang gamit.

 

“Dodong” ang pangalang sinabi ng barbero sa akin at galing daw siya sa Cebu kaya maganda ang usapan namin sa Bisaya. Kanya rin pala ang mga kalakal na nakalatag sa hindi kalayuan. Natiyempuhan ko sa mga nakalatag ang cellphone belt pack na gawa sa soft cowhide at nabili ko sa halagang beinte pesos lang. Nakabili rin ako ng backpack na pang-estudyante na ibibigay ko sa isang bata sa Leveriza, Pasay,  sa halagang treinta pesos. Swerte pa rin ako sa isang pares na safety shoes na pambigay ko sa isang guwardiya sa isang hardware store sa Recto malapit sa Divisoria dahil nakita kong halos nakanganga na ang suwelas ng kaliwang sapatos niya, at nabili ko sa halagang otsenta pesos lang. Ang guwardiyang ito ang tumulong sa amin noong last week ng Nobyembre nang mag-ikot kami ng mga kasama ko sa lugar na yon upang mamigay ng regalo sa mga bata.

 

Dahil sa kahirapan ay natigil si Dodong sa pag-aaral kaya hanggang grade four lang ang inabot niya. Tumulong siya sa kanyang tatay sa pangingisda at kung hindi sila pumapalaot ay nakagawian na niyang umistambay sa bahay ng kapitbahay nilang barbero upang manood habang nanggugupit ito. Madalas din siyang utusan ng barbero na nag-aabot sa kanya ng pera kaya para na rin siyang nagsa-sideline. Sa kapapanood daw niya ng panggugupit ay natuto siya pero ang una niyang ginupitan ay tatay niya. Okey naman daw ang resulta kaya ang sunod niyang ginupitan ay kuya niya. Sa kapapraktis ay natuto na siyang manggupit kaya kung may lakad ang kapitbahay nilang barbero ay sa kanya pinagkakatiwala ang mga kostumer nito.

 

Labing- anim na taong gulang siya nang mamatay ang kanilang tatay kaya lumipat sila ng kanyang nanay sa bahay ng kanyang kuya na may pamilya na. Dahil dagdag pasanin sila, madalas na sa palengke siya umiistambay upang mangargador. Ang bangka kasi nila ay naibenta nang magkasakit ang kanilang tatay. Dahil sa pangangargador, nakakakain siya sa maghapon at nakakakapag-uwi pa ng pagkain para sa kanyang nanay, at kung malaki ang kita ay namamalengke pa siya na ikinatutuwa naman ng kanyang hipag.

 

Nang minsang may magyaya sa kanyang tindero upang maisama sa Maynila dahil bibili ng generator, sumama agad siya. Mula noon, palagi na siyang isinasama hanggang naisipan niyang pumunta sa Maynila na nag-iisa. Masuwete siya at sa barko pa lang ay may nakilala siyang makikipagsapalaran din kaya silang dalawa ang nagsalo sa hirap na dinanas pagdating sa Maynila. Mula sa pantalan ay naglakad sila hanggang sa Divisoria. Tinipid nila ang perang baon kaya madalas ay tumitiyempo sila ng kaning tutong para mahingi at ulam na lang ang babayaran kapag kumain sa mga maliliit na karinderya. Kung minsan daw ay dinadaan nila sa biro ang paghingi ng libreng tutong.

 

Sa kalalakad nila ay nakarating sila sa Liwasang Bonifacio at doon ay nadatnan nila ang iba pang nakipagsapalaran sa Maynila na walang matuluyan kaya kung gabi ay kanya-kanya sila ng hanap ng sulok upang matulugan. May nagbenta sa kanya ng gunting na original na “Solingen” at panggupit talaga ng buhok kaya laking tuwa niya. Ang binili na lang niya ay maliit na salamin at dalawang suklay – full time na barbero na siya! Sa simula, barya barya lang ang tinatanggap niya dahil sa pakisaman at para may maipambayad lang sa may-ari ng banyo sa Intramuros kung saan sila naliligo at naglalaba. Nakakaipon din siya ng pambili ng pagkain. Unti-unti ay nagtaas siya ng singil hanggang naging treinta pesos na. Nang lumaki ang kanyang ipon ay namili na rin siya ng mga kalakal na inaalok sa kanya ng mga “scavenger” at mga istambay na nagtitinda ng gamit, hanggang makaipon siya ng maraming kalakal na nilalatag niya araw-araw.

 

Biniro ko siya na hindi lang siya barbero kundi nagba-buy and sell pa. Kapag nakaipon daw siya ng malaki ay uuwi siya sa probinsiya nila at bibili ng bangka upang makapangisda uli pero manggugupit pa rin daw siya. Excited siya sa pagkuwento dahil makakasama na niya uli ang kanyang nanay.

 

Ang punto ko rito ay ang kaalaman o skill na maaaring pagkikitaan tulad ng natutunan ni Dodong na pagbabarbero kaya kahit dayo siya sa Maynila ay nabuhay siya nang marangal, hindi naging magnanakaw o palaboy. Marami pang ibang skill na maaaring pag-aralan tulad ng pagma-manicure at pedicure, o di kaya ay pagmamasahe at pagda-drive, pati pagluto. Hindi dapat ikahiya ang mga ganitong kaalaman kaya hangga’t bata pa ay mabuting matuto na.

 

 

 

Dialogue namin ng isang Makulit na “Kaibigan” tungkol sa Blogging…(ito ang sagot kung bakit may nagba-blog)

Dialogue namin ng isang Makulit na “Kaibigan”

Tungkol sa Blogging

(ito ang sagot kung bakit may mga nagba-blog)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang nakaganda sa ginagawa kong pagba-blog ay nai-exercise nito ang utak ko upang hindi agad ako maging ulyanin. Hindi ko kasi kaya ang mga larong “candy crusher” at crossword puzzle sa cellphone o computer. Ang mga disadvantages naman ay ang pagbalik ng sakit kong carpal tunnel syndrome (CTS) na sanhi ng pamamanhid ng mga daliri ko, pagtaas ng blood pressure kung ang isinusulat ko ay tungkol sa pulitika, at ang pag-isipan akong kumikita sa mga sinusulat ko dahil akala ng iba ay bayaran ako ng ilang pulitiko na may gustong siraing kapwa pulitiko.

 

Ang sumusunod ay dialogue namin ng isang makulit na ay maurirat pa, na akala ko ay isang matalinong “kaibigan”. Naganap ang pag-uusap namin sa kapihan ng isang mall:

 

Makulit:   Pare, balita ko namumutiktik na ang internet sa blog mo.  Nakakainggit ka.

 

Ako:   Eh, di magsulat ka rin.

 

Makulit:   Hindi ko kaya, eh. At alam mo namang hindi ako nag-iinternet o nagpi-facebook. Kaya yon ngang sinasabing pagbukas man lang ng computer sa bahay ay hindi ko alam. Mga anak ko lang ang gumagamit noon. Si Misis nga eh, galit din sa computer. (Naalala kong binanggit nga niya ito noon, kaya mabuti na lang din dahil kung may facebook siya, hindi ko ito maiba-blog).

 

Ako:   Eh, di huwag ka na lang maiinggit sa akin dahil marami ka namang ginagawang pinagkikitaan. Sobrang yaman mo na nga, eh. Sana ay marami ka pang kitain. Pasalamat ka sa Diyos dahil sa grasya.

 

Makulit:   (medyo napangiwi, pagkarinig ng “Diyos”) Siyanga pala, pare, ang sabi nila pinagkikitaan din ang pag-blog. Yong iba alam kong binabayaran upang manira ng ibang tao. (Muntik na akong mabilaukan ng kape sa huling sinabi niya, dahil kulang na lang ay sabihin niyang bayaran ako.)

 

Ako:   Yong iba siguro. Sa kaso ko naman, wala akong pinipili dahil basta may mali, pinupuna ko at hindi paninira yon dahil ang ang sini-share ko ay alam na rin naman ng iba, pero sinasarili lang nila. Hindi ko naman kayang ipunin sa dibdib ang mga dapat kong i-share dahil baka sumabog ako sa sobrang himutok.

 

Makulit:   Paano ang gastos mo sa blogging?

 

Ako:   Mga oras lang yon na nagamit naman sa tama. At least hindi ako basta nakatunganga lang o nangungulit. (Paramdam ang huli kong sinabi upang sana ay tumigil na siya, pero tuloy pa rin.)

 

Makulit:   May banta ka na ba sa buhay?

 

Ako:   Secret. Pero mas malaking banta sa buhay ko ang pagtaas ng blood pressure dahil sa mga taong walang alam gawin kundi mangulit sa akin kaya naiinis ako. (Hindi pa rin niya naramdaman ang pagtumbok na ginawa ko dahil tuloy pa rin siya sa pangungulit.)

 

Makulit:   I-share mo naman yong tungkol sa mga project mo sa mga iskwater.

 

Ako:   Huwag na. Pero kung magdo-donate ka o tutulong sa pagpapa-aral ng mga bata, marami kang malalaman.

 

Makulit:   (Tumahimik siya sandali nang marinig ang mga salitang “donate” at “tulong”). Good luck na lang sa mga project mo, pare.

 

Ako:   (Nakakita ako ng pagkakataong mangulit naman sa kanya.) Hindi pare. Palagay ko bilang kababayang Pilipino dapat tumulong ka rin sa kapwa mo, mabawasan man lang ang “dirty money” mo. (Mabuti na lang hindi naintindihan kung ano ang ibig kong sabihin sa “dirty money”, dahil alam kong may mga illegal siyang transaction kaya biglang yumaman. Akala niya sa “dirty money” ay okey dahil siya ay tinawag ko noong “filthy rich” na okey lang ang ibig sabihin, ganoong sa Pilipino, ito ay katumbas ng “maruming mayaman”.)

 

Makulit:   Next time na lang pare, at good luck uli sa mga ginagawa mo sa mga iskwater. Siyanga pala, si Misis nasa supermarket sa ibaba, pupuntahan ko baka tapos na siyang mamili. Usap na lang tayo uli. (Dali-daling siyang tumayo.)

 

Ako:   Teka pare, ano nga pala ang itatanong mo?

 

Makulit:   Text ko na lang sa iyo.

 

Nagpasalamat ako sa huling pag-uusap namin ng “kaibigan” ko dahil nabisto kong allergic pala siya sa salitang “donate” o tulong, kaya sa susunod, sa simula pa lang ng usapan namin ay pariringgan ko na siya ng mga ganoong salita.

 

Paalala lang sa makakabasa na ang blogging ay hindi palaging pinagkikitaan. Ito ay sakripisyo sa panig ng nagba-blog lalo na kung ang sinusulat niya ay tungkol sa maling nagaganap sa paligid, kaya hindi dapat pag-isipan na ang taong maraming blogs ay marami ding pera. Ang mga nagbaba-blog ay mahilig lang talagang makibahagi ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay, kuwento o tula. Huwag ding akalaing mayabang ang mga bloggers, dahil kung tutuusin, namemeligro pa nga ang kanilang buhay lalo na kung tungkol sa pulitika ang kanilang sinusulat. Pero bilang dagdag-kaalaman, kumikita lamang ang mga blogger kung papasukan ng advertisements ang kanilang sites, na kalimitan ay tungkol sa fashion, shopping, cooking, travel , sports, at makabagong gadgets. Ang mga blogs ko ay hindi tungkol sa mga nabanggit na paksa.

 

Ang Pakikinig…sining at kakayahang nawawala na

Ang Pakikinig

…sining at kakayahang nawawala na

Ni Apolinario Villalobos

Ang pakikinig ay isang sining at kakayahan, subali’t sa panahong kasalukuyan, nawawala na ang mga nabanggit na pantukoy  dahil ang mga tao ay nagkakanya-kanya na ng mundo…halos wala nang panahong makipag-usap sa isa’t isa. Kung makipag-usap man, nagmamadali kaya hindi pa man umiinit ang puwet sa inupuan ay nakatayo na agad at nakaakma nang umalis.

Siguro ginawang dalawa ang tenga ng tao upang para sa mga ayaw magtago o magtabi ng mga napakinggan ay pwedeng palabasin ang mga ito sa kabilang tenga. Mayroon din sigurong mga tengang hindi nililinis palagi upang matanggalan ng tutule kaya ang mga sinasabi sa kanila ay hindi nakakapasok. At mayroon pa rin sigurong maraming liku-liko ang loob ng tenga kaya hindi naiintindihang masyado ang sinasabi sa kanila, kaya iba ang mga ginagawa sa mga dapat ay pinapagawa.

Ang isa pang dapat mangyari ay manimbang ang isang nakarinig ng mga kuwentong hindi maganda kung ito ay ipaparating sa iba o sarilinan na lamang niya. Kung minsan, ang kawalan ng panimbang ang nagiging dahilan ng mga kaguluhan dahil naikakalat ng isang nakarinig ang mga kuwentong dapat ay tumigil na sa kanya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang gamit ng tenga ay magbigay ng balanse sa ating katawan. Dapat malaman na ang isang dahilan kung bakit naduduleng o tabingi ang pagtayo o paglakad ng isang tao ay dahil may diperensiya ito sa tenga.

Ang pinakamasaklap ay ang kusang hindi pakikinig ng isang taong nangako pa naman sa simula ng panunungkulan – with a smile!….yan si Pnoy. Ang sinabi niya noon na: “kayo ang boss ko…hindi maaaring hindi ako makikinig sa inyo”, ay walang nangyari. Sa dami ng mga sinabi sa kanya tungkol sa pagka-inutil ng mga tauhan niya, kahit isa ay wala siyang pinakinggan. Ang napapansin ng mga Pilipino ay ang mistulang ugali niya na “sige na lang” kapag Ombudsman ang kumilos tulad ng ginawa nito kay Purisima at nitong huli ay kay Vitangcol. Sa Ingles, ang tawag sa kanila ay mga “sacrificial lamb”, naubusan na kasi siya ng dahilan upang pigilan pa ang desisyon na naibulgar na.

Artist ang espesyal kong pare…si Abbey Boy (para kay Abbey Boy Antiqueno)

Artist ang espesyal kong pare…si Abbey Boy
(para kay Abbey Antiqueῆo)
Ni Apolinario Villalobos

Una ko siyang nakitang nakatayo sa bukas nilang gate, nakangiti at kumaway sa akin, kaya kinawayan ko rin siya. Dahil kilala ko ang mga magulang niya, napasyal ako sa kanila minsan, at habang nag-uusap kami ng papa niya, napansin kong nahati ang kanyang atensiyon sa pagitan ng panonood ng tv at pakikinig sa amin.

Makalipas ang ilang buwan, nang dumaan uli ako sa tapat ng bahay nila, nakita ko siyang nakatayo sa bukas na gate nila, pero laking gulat ko nang tawagin niya akong “pare”, sabay kaway. Napangiti na lang ako at tinawag ko rin siyang “pare”, at kinawayan din. Naalala ko na nang huli akong pumasyal sa kanila, nagtawagan kami ng papa niya ng “pare” habang nag-uusap. Natandaan niya ang salita, na kinabiliban ko dahil siya ay isang “special person”.

Ang naging tawagan namin ni Abbey Boy mula noon ay hindi lang basta tawagang “pare”, kundi may kasama pang yakapan kung nasa kanila ako. Nagha-high five din kami, na animo ay magkabarkada.

Nananalantay sa dugo ng pamilya ni Abbey Boy ang pagkamakasining, mathematician at pagkabihasa sa computer. Ang kanyang papa ay nakakapag-sketch ng plano ng bahay at nagli-layout din. Ang kanya namang mama ay debuhista o sketch artist noong kabataan niya, at manunulat pa na nagamit nang mapasok siya sa La Salle na may administrative responsibilities. Lahat naman ng mga kapatid niyang sina PJ, Alvin, at Andrei ay may kanya-kanyang pinagdalubhasaan sa linya ng sining at computer. Subalit ang nakatawag din ng pansin sa kanilang magkakapatid ay si Alvin na malimit kuhaning judge sa mga painting contests, na ang pinakahuli ay sa PLDT, at pati TESDA ay kumilala na rin sa kanyang galing.

Noong una, akala ko ay hanggang panonood lamang ng tv ang ginagawa ni Abbey Boy upang palipasin ang maghapon. Subalit isang araw ay napansin ko ang mga nakasabit na mga naka-frame na sketches at paintings sa isang dingding ng bahay nila. Nagulat ako nang sabihin ng mama niya na karamihan sa mga naka-frame ay gawa ni Abbey Boy, at ang iba ay kay Alvin. Makikita sa mga ginawa niya ang kanyang sense of proportion at balance ng execution, pati na ang galing sa pagtimpla ng pangkulay. Nang lingunin ko siya, nakangiti ito at nag-thumbs up sa akin. Sinagot ko rin siya ng thumbs up, subalit may kahalong hindi ko maipaliwanag na nararamdaman…malamang ay sobrang kasiyahan.

Nang araw na yon, lalong umigting ang paniwala ko sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi niya pinababayaan ang hindi nagkapalad na magkaroon ng normal na buhay. Para bang sinasabi ng Diyos na sa ibabaw ng mundo, walang sinumang inutil o walang silbi dahil may nakalaang kaalaman para sa bawa’t isa….isa na diyan si Abbey Boy, ang espesyal kong pare, na artist pala! Hindi man siya nakasabay sa pag-aaral ng mga kapatid, busog naman siya sa pamamahal nila at kanyang mga magulang na sina Elmer at Mila, at ng kanyang pinsang si Cristy na nagtitiyagang maging kasama niya kung siya ay naiiwang mag-isa sa bahay.
Ang mga tulad ni Abbey Boy ang nagsisilbing inspirasyon at nagpapatunay na sa ibabaw ng mundo, lahat ay may kabuluhan.

Learning to Like Oneself Better

Learning to Like Oneself Better

By Apolinario Villalobos

 

Some people are very much affected by the impression they have about others on the aspects of aesthetics and habits. The idolizing consequence drives them to mimic others even to the point of hilarity. The internet once showed an American woman who was suntanned to the max, with her awfully tanned skin, blond hair, red lips that obviously underwent operation in a cosmetologist clinic to give them a pouting look. She admitted that she would like to be someone whose face and body hug pages of showbiz and sports magazine. But she overdid her effort for she became what viewers said was a “human prune”. Some Orientals would like to look like Westerners by dyeing their natural black hair into blond, brown or white. On the other hand, some Westerners would like to look like Asian by undergoing aesthetic operation to have Chinese eyes. Others would even go to the extent of undergoing drug therapy to have a pale porcelain-like Japanese complexion.

 

On the habits, some people idolize musical and political icons, in the way they flip their hands as they speak, the way they carry themselves when they take strides, or the way they render songs. Even the accents of the idols did not escape the attention of their die-hard followers. Nowadays, we occasionally listen to some people who try to sing like their idol. Admirably, some can even copy the dance moves of their idols.

 

If these copycats have the skill to imitate others, obviously, they have inborn talents – their own, that they do not just appreciate. In some countries, aspiring singers who copy established ones are not given the chance to shine as originality is more preferred, that unfortunately, jeopardizes the voice quality of the aspirants. One time, in a popular American TV show, a raw talent showcased his impersonating skill which gave him thundering applause from the studio audience. When he was asked to sing with his own voice, the host was surprised because he sounded better than the singers that he imitated. And, there’s this woman impersonator who imitates famous singers in the way they render the theme song of a multi-awarded movie. The impersonator impressed you tube viewers with her own beautiful singing voice which has a better timbre than the famous singers that she imitates. In a rare interview, she confided that she was afraid that her natural singing voice is not good enough to entertain listeners so she made use of it in her stand up comedy acts, but with the comments from you tube viewers, she said that she might focus on another direction.

 

Imitating others should have a limitation…perhaps, only for fun. To be serious about being somebody just because he or she is well-known or beautiful, is not a good idea. Each one of us has traits that should be appreciated and fully utilized. Masking ourselves with the face of someone else is like being ashame of what God gave us. We cannot be proud of the honor that we reaped by being somebody else, because what we showed is not our own. Admiring fanatically that can lead us to imitating others can make us lost our own identity and self-respect. Imitating is a skill, so perhaps, what we can do to preserve our dignity is limit our pride in that ability, and not for totally being like somebody else.