Rose

Rose

(para kay Rosita Segala)

Ni Apolinario B Villalobos

 

Kung siya’y iyong pagmasdan

Mababanaag mo sa mga mata niyang malamlam

Bigat ng pinapasang katungkulan

Hindi lang para sa mga mahal sa buhay

Kung hindi, pati na rin sa malalapit na kaibigan.

 

Mayroon man siyang kinikimkim

Hindi kayang isiwalat ng maninipis na labi

Ang matagal nang pinipigil na damdamin

Nakapaloob sa nagpupumiglas na tanong

“May kaligayahan kaya para sa akin sa dako pa roon”?

 

Marami na rin siyang inasam sa buhay

Nguni’t maramot ang kapalaran at pagkakataon

Kabutihang kanyang pinamamahagi sa iba

Kalimitan ay palaging may katumbas na luha

Pati na pag-abuso na nagbibigay ng matinding pagdurusa.

 

Sa kabila ng lahat, marubdob pa rin ang paniniwala niya sa Diyos

Na siyang tanging nakakabatid ng lahat ng kanyang paghihirap

At alam niyang darating ang panahon na kanyang makakamit

Pagmamahal at katiwasayan ng kalooban na sa kanya’y pinagkait

Samantala, kanya na lang iindahin, mga darating na siphayo at pasakit.

 

(Si Rose ay taga-Quezon at nang mapadpad sa Maynila noong 1972 ay kumuha ng maliit na puwesto sa Recto, sa bahaging kung tagurian ay “Arranque”. Sa bahaging ito ng Maynila makakakita ng mga alahas na binebenta ng mura dahil karamihan ay nabili ng bultuhan o maramihan sa mga bahay-sanglaan o pawnshop. At, sa ganitong uri ng negosyo sumabak si Rose, subalit hindi sa pagbenta, kundi sa paglinis na kasama ang pagtubog upang lalong tumingkad mga alahas. Ang puwesto niya ay nasa ilalim ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng lumang gusali, kung saan ay may inuupahan siyang kuwarto, kasama ang kanyang pamangkin na si Marivic.

 

 

Marami siyang kakumpetensiya sa uri ng kanyang trabaho – mga lalaki, kaya napabilib ako sa kanya nang malaman ko ang kanyang trabaho. Ayon sa kanya, pinipilit niyang makaipon upang may magamit sa mga emergency na pangangailangan kaya alas- siyete pa lamang ng umaga ay nag-aabang na siya ng mga kostumer na gustong magpalinis ng alahas, at inaabot siya ng gabi dahil sa kanyang pagtitiyaga.

 

Sa probinsiya pa lang nila ay marami nang natulungan si Rose, subalit hindi siya naghangad ng kapalit. Nakakaramdam siya ng kasiyahan sa pagtulong sa iba upang hindi sila makaranas ng mga kahirapang napagdaanan niya. Ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak, kahit na yong mga natulungan niya, kaya nagsisikap, at pinapasa-Diyos na lamang niya kung ano man ang mangyari sa kanya, subalit kahit papaano ay nag-iingat pa rin siya.)

 

 

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting

…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa ang mga taong nagpapauto sa mga arbularyo o kung sino man na nagsasabing ang bala, lalo na ang “live” o ang may lamang pulbura ay isang anting-anting. Ang ganitong pang-uuto ay sinimulan ng mga taong nagnanakaw ng bala mula sa kung saan mang imbakan at binibenta sa mga taong tanga na naniwala naman. Sinabi ko na sa isang blog ko noon tungkol sa isyu ng tanim-bala, na kung ituring man na anting-anting ang bala, dapat ay yong walang lamang pulbura dahil ang ginagamit lang ay ang “metal” na nilalagyan ng pulbura na kung hindi yaring tanso ay tingga. Puwede ngang baguhin ang porma tulad halimbawa ng pagpepe o pag-flatten ng basyong bala upang maipormang pendant, o di kaya ay lagyan ng dalawang “kamay” upang magmukhang krus at magamit na palawit sa kuwentas….ganoon lang. Hindi kailangang bumili sa mga nagtitinda ng mga ninakaw na bala, sa halagang Php1,500.00 ang isang piraso! Ayaw ko na lang isulat kung bakit nagkakaubusan ng bala sa mga imbakan nito. Ang isang ordinaryong mamamayan ay hindi naman nakakabili ng paisa-isang bala.

 

Batay sa mga nasagap kong impormasyon galing mismo sa mga nagtatago ng balang may pulbura, “panlaban” daw ito sa mga taong may masamang balak sa kanila, kaya swak sana sa mga OFW na ayaw mabugbog o magahasa ng mga malupit o manyak na employer. Ang masama, pati mga matatanda ay napagpaniwala din ng mga unggoy na nangraraket! Sabihin ba naman ng mga hangal na ito na hahaba ang buhay ng taong may itinatagong bala, kaya ang mga uugud-ugod na gusto pa yatang mabuhay nang mahigit 100 taon, ay hindi rin magkandaugaga sa pagbili, sa halip na gamitin ang perang galing sa pension, na pambili ng gamot sa rayuma man lang!

 

Matagal nang ginagamit ang tanso o copper at tingga o lead, na panlaban sa masamang ispiritu, lalo na sa kapre, pero  hindi sa kapwa-tao. Bumibigat daw ang taong mayroon nito kaya hindi basta naitatakas ng kapre, kaya pati sanggol ay palaging may katabing bala na nakabalot sa pulang tela dahil ang kulay pula ay kalaban din ng masamang espiritu. At tungkol pa rin sa kulay pula…yong ayaw masaniban ng masamang espiritu, maliban sa balang nakabalot sa pulang tela ay nagsusuot din ng pulang bra o kamison at panty kung babae at ang lalaki naman ay palaging may pulang panyo. Sa ilalim ng unan nila ay mayroon ding pulang panyo. Sa panahon ng pagreregla ng babae, lalo silang ligtas!  Pinaniniwalaan na ito bago pa dumating ang mga Kastila.

 

Ang ginagamit na panlaban sa kapwa-taong may masamang balak ay dinasalang langis na umaapaw sa sinidlang maliit na bote kapag nasa harap mo ang taong may masamang balak. Hindi nakokontra ang isang masamang balak ng kapwa- tao sa pamamagitan ng balang nasa bulsa o pitaka, dahil kung totoo man, wala sanang inuuwing OFW na nasa kabaong o buntis dahil na-rape ng employer, o di kaya ay naka-wheel chair, o di kaya ay lalaking Pilipinong ni-rape o binugbog ng Arabo! At, lalong wala sanang namamatay sa pagkabaril o natutusok ng patalim, at nakitang nakahandusay na lamang sa isang tabi. Ang isang nakausap ko, tatlong bala nga daw ang palagi niyang dala, pero sa kasamaang palad pa rin, mahigit limang beses pa rin daw siyang naholdap sa Cubao! Kaya ngayon hinahanting na niya ang co-boarder niyang dating pulis na natanggal sa trabaho dahil sa katiwalian, upang pakainin ng mga balang ibinenta sa kanya! Dalawa daw sila sa boarding house nila ang binentahan ng mga bala ng ungas na dating pulis.

 

Kung anting-anting ang gusto dahil ang inaasam ay karagdagang “lakas”, ang dapat gamitin ay mga kristal, bato, o mga bahagi ng mga halaman. Balutin mo man ang katawan mo ng mga ito ay walang sisita sa airport o pantalan kaya walang mangingikil na taga-AVESECOM o OTS. Pwede ka lang sigurong pigilan sa pagsakay dahil baka isipin nilang sintu-sinto ka, kaya sa halip na i-detain ka o hingan ng pera, baka ihatid ka pa pauwi sa inyo dahil sa awa nila!

 

Totoo naman talagang may iba’t –ibang uri ng “lakas” na nanggagaling sa mga bato at kristal dahil sa taglay nilang mga mineral. Ang isang pruweba rito ay ang bato-balani (magnet), quartz, jade, lalo na ang hindi pa gaanong kilalang batong “tourmaline” na napatunayang humihigop ng dumi sa loob ng katawan. Ang mga bahagi naman ng mga halaman ay talagang gamot kaya nakakapagpalakas ng loob kung may dalang maski pinatuyong dahon, ugat o balat man lang. May mga dahon na maski tuyo ay pwedeng amuyin upang mawala ang pagkahilo o pananakit ng tiyan dahil sa kabag, at mga pinatuyong ugat o balat ng kahoy na kapag ikinunaw (dipped) sa kapeng iniinom ay nakakagamot din….yan ang mga anting-anting na dapat ay palaging nasa bulsa at bag!

 

Ang mga tao namang nauto kaya nakabili ng bala sa halagang Php1,500.00, magmuni-muni na, lalo na yong mga OFW na ang pamilya ay nagkandautang-utang, may maipanlagay lang sila sa recruiter at pambili ng tiket ng eroplano, at ang kabuuhang halaga ay katumbas ng mahigit sa isang taong pagpapa-alipin sa ibang bansa. Huwag magpakatanga dahil lang sa bala. Kaya nagkakaroon ng mga tiwaling kawani sa airport ay dahil sa mga taong matitigas ang ulo. Nakasilip tuloy ang mga kawatan sa airport ng dahilan upang sila ay kikilan. Kung mahuli naman, at marami naman ang umaming may dala nga ng bala, ay saka sila magngunguyngoy at magsisisi! Ang masakit pa ay nadadamay ang mga taong wala talagang kaalam-alam sa “anting-anting” na ito.

 

Dapat tandaang kung walang tanga, ay walang nagagantso o nalilinlang ng kapwa! Kung totoo mang may nagtatanim ng bala sa mga bagahe, ang tanong ay… SINO ANG MGA NAGSIMULA SA PAGBIGAY NG DAHILAN KAYA NAGING RAKET ITO? HINDI BA MISMONG MGA PASAHERONG TANGA NA AKALA AY LIGTAS SILA KUNG MAY BALANG DALA? DAHIL SA TAKBO NG ABNORMAL NILANG ISIPAN, NAGKAROON NG KIKILAN SA AIRPORT KAYA NADAMAY ANG MGA INOSENTENG PASAHERO. Patunay sa raketang ito ang report na sa kabila ng naka-log na kulang-kulang sa isang libong “nahulihan”, wala pang kalahati ang nakasuhan. Ano ang ang nangyari sa iba?…eh, di “napag-usapan”!!

 

At, ang pinakamahalagang paalala: malakas na pananampalataya sa Pinakamakapangyarihan ang pinakamagaling na anting-anting ng tao…wala nang iba! Huwag lang magdasal ng malakas habang nagpapa-inspection ng bagahe sa airport….hinay-hinay lang sa pagpapakita ng matiim na pananampalataya upang hindi mapagkamalang “jet-setter” na baliw!

 

The Intriguing Tourmaline Gemstone

The Intriguing Tourmaline Gemstone

By Apolinario Villalobos

Although I believe in the healing power of crystals and gemstones, I consider my experience with “tourmaline” as something special, because I could not believe until now, that it happened to me.

More than two months ago, I helped an elderly Chinese find his way to the condo of his son in Chinatown. I found him wandering in Luneta park and I got curious when I observed him approaching Chinese- looking sightseers. I took pity on him when except for seemingly directions pointed to him by those he approached, nothing more was given to him, such as a written note. He was about eighty years old.  When I could no longer contain myself, I approached him to offer my help, but spoke to him in English. As I was wearing a pair of “ukay” shorts and faded t-shirt that time, he hesitated to talk to me, until finally I asked him in Tagalog, “nawawala po ba kayo?” Surprisingly he answered me in the same, but broken language. I found too, that he did not have a cellphone with him, a very important gadget for a stranger to carry.

It took me some time to know what he really wanted…the information on how to get back to where he came from, the condo of his son in Chinatown which he left at dawn, to walk his way to Luneta. It’s a good thing that he mentioned the name of a small mall that sells gold jewelries in the vicinity of Chinatown which I used as reference point. From there, we retraced, what he recalled as the way he took in going to Luneta without seeking the permission of his son who, according to him was still asleep during the time he left the condo. When we finally located the condo, the whole family was already in a quandary and was about to report the incident to the police.

The above-mentioned effort made me the owner of a bracelet of gemstones with varying shades, but dominated by green. It was given to me by the Chinese elderly, actually, straight from his wrist. I hesitated to accept it, but due to his insistence I gave in and wore it on my right wrist. As the set stones were just of the size that I like, I did not remove the bracelet even when I go to sleep. What I noticed was that more than two months later, today, the nocturnal numbness of fingers in my right wrist with the bracelet was gone! However, I still suffer the numbness of fingers on my left hand. The numbness is caused by the Carpal Tunnel Syndrome (CTS), a job-related disease due to my constant use of the typewriter before and the computer today.

When a school mate, Dr. Boni Valdez and I had a meeting, after more than twenty years, in passing he mentioned about a certain healing gemstone called “tourmaline” which is popular today in Taipei and just been recently introduced in Manila. That was all that I knew about the stones, but my curiosity was triggered when I saw the photo of the rough gemstone in the brochure that he gave. They looked like the stones in my bracelet! My mistake was I did not ask the Chinese, what the stones were called when he gave me the bracelet, thinking that they were just like the rest of the gemstones that I see in the Chinese jewelry stores.

From inquiries that I made, I found out that although, the gemstone is being introduced in the Philippines, the company does not allow its sale in just any jewelry outlet, without the retailer or local dealer undergoing a seminar where its qualities are explained to prevent misconception and misunderstanding. That could be the reason why, I am finding it hard to locate an outlet of such medicinal gemstone. Based on my further research, the gem stone can help in reducing stress, perhaps, due to its effect in the nerves. It can also help in reducing toxin elements in the body and improve blood circulation. Generally, it is a nerve-strengthening stone. Aside from the stones that can be set in jewelries, there are other products imbued with powdered tourmaline that can be worn to facilitate its healing effect.

I just do not know if Dr. Boni Valdez, who is based in Tacurong City, thought of sharing what he knows about the gemstone. During our meeting, I recalled his mentioning about his sojourn to Taipei for some kind of a traditional physical treatment which included the use of the gemstone that I mentioned. Even after the treatment, he mentioned that his Chinese “mentor” is regularly keeping tab of his health. If indeed his going to Taipei was to undergo such traditional treatment, I could surmise that he succeed, because he is today, an image of vigor and health without the unwanted pounds, unlike years before, when he was practically bloating beyond the seams!