Walang Hangganan ang Taos na Pagmamahal (para kay Rodina Ballena-Marasigan)

Walang Hangganan

Ang Taos na Pagmamahal

(para kay Rodina Ballena-Marasigan)

 

Madaling sambitin ang “mahal kita”

Subalit ang itanim ito sa puso…kaya ba?

Kung manggaling ang pangako sa ating isip

Malamang bunga lang ito ng isang panaginip.

 

Mga pagsubok ang kailangang harapin

Upang maging taos ang isang damdamin

Nang ang pangako’y matupad, mapatunayan

Dapat manggaling ito sa puso… at sa kaibuturan.

 

Hindi dapat naniniwala sa mga paninira

Ang mga naiinggit, mahilig nitong gumawa

At hindi dapat pagdududahan ang minamahal

Upang samahang matamis, habang-buhay tatagal!

Rodina 1

 

 

Note:

kaibuturan – poetic meaning is “deepest corner” or “deepest part”

 

 

Rose

Rose

(para kay Rosita Segala)

Ni Apolinario B Villalobos

 

Kung siya’y iyong pagmasdan

Mababanaag mo sa mga mata niyang malamlam

Bigat ng pinapasang katungkulan

Hindi lang para sa mga mahal sa buhay

Kung hindi, pati na rin sa malalapit na kaibigan.

 

Mayroon man siyang kinikimkim

Hindi kayang isiwalat ng maninipis na labi

Ang matagal nang pinipigil na damdamin

Nakapaloob sa nagpupumiglas na tanong

“May kaligayahan kaya para sa akin sa dako pa roon”?

 

Marami na rin siyang inasam sa buhay

Nguni’t maramot ang kapalaran at pagkakataon

Kabutihang kanyang pinamamahagi sa iba

Kalimitan ay palaging may katumbas na luha

Pati na pag-abuso na nagbibigay ng matinding pagdurusa.

 

Sa kabila ng lahat, marubdob pa rin ang paniniwala niya sa Diyos

Na siyang tanging nakakabatid ng lahat ng kanyang paghihirap

At alam niyang darating ang panahon na kanyang makakamit

Pagmamahal at katiwasayan ng kalooban na sa kanya’y pinagkait

Samantala, kanya na lang iindahin, mga darating na siphayo at pasakit.

 

(Si Rose ay taga-Quezon at nang mapadpad sa Maynila noong 1972 ay kumuha ng maliit na puwesto sa Recto, sa bahaging kung tagurian ay “Arranque”. Sa bahaging ito ng Maynila makakakita ng mga alahas na binebenta ng mura dahil karamihan ay nabili ng bultuhan o maramihan sa mga bahay-sanglaan o pawnshop. At, sa ganitong uri ng negosyo sumabak si Rose, subalit hindi sa pagbenta, kundi sa paglinis na kasama ang pagtubog upang lalong tumingkad mga alahas. Ang puwesto niya ay nasa ilalim ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng lumang gusali, kung saan ay may inuupahan siyang kuwarto, kasama ang kanyang pamangkin na si Marivic.

 

 

Marami siyang kakumpetensiya sa uri ng kanyang trabaho – mga lalaki, kaya napabilib ako sa kanya nang malaman ko ang kanyang trabaho. Ayon sa kanya, pinipilit niyang makaipon upang may magamit sa mga emergency na pangangailangan kaya alas- siyete pa lamang ng umaga ay nag-aabang na siya ng mga kostumer na gustong magpalinis ng alahas, at inaabot siya ng gabi dahil sa kanyang pagtitiyaga.

 

Sa probinsiya pa lang nila ay marami nang natulungan si Rose, subalit hindi siya naghangad ng kapalit. Nakakaramdam siya ng kasiyahan sa pagtulong sa iba upang hindi sila makaranas ng mga kahirapang napagdaanan niya. Ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak, kahit na yong mga natulungan niya, kaya nagsisikap, at pinapasa-Diyos na lamang niya kung ano man ang mangyari sa kanya, subalit kahit papaano ay nag-iingat pa rin siya.)

 

 

Jaime Mayor…honest “kutsero” of Luneta

Jaime Mayor

…honest kutsero of Luneta

By Apolinario B Villalobos

 

At dawn, from his humble home in Caloocan

He diligently pedals his way to Luneta

The same he does when he goes home at night

But all these he does with unpretentious delight.

 

In Luneta, for years, he worked as kutsero

Guiding his tame horse, he fondly calls Rapido

Both of them braving the rain and searing sun

Even  pangs of hunger as best as they can.

 

A typical Filipino, this guy – Jaime Mayor

For earning honestly, he could not ask for more

With perpetual smile on his sun-burned face

He and Rapido, in Luneta, strollers can’t miss.

 

One day, his honesty was put to a test

When a purse was left behind by a tourist

Whom he pursued just before she was gone

And who was amazed by such an honest man.

 

Tightly he was hugged and praised to heavens

In a language that sounded strange to him

But just the same, these he took in stride

Though, his appreciation, he could not hide.

 

He said, he is proud to be a Filipino

And proud that he lives in a beautiful country

His modest knowledge of English, then…

Is always ended with –

“It’s more fun to be in the Philippines”!

Jaime Mayor 1

 

(Jaime Mayor is a driver (kutsero) of a horse-driven rig (kalesa) in Luneta (Rizal Park) of Manila. His average daily earning is Php200.00. This is carefully budgeted to suffice for the needs of his wife and four children. One day he drove around the park, four French ladies, one of whom left her purse in the back seat of the rig. After finding it, he took time in looking for the group. The ladies were surprised as they were not aware that one of them left her purse in the rig. The amazed owner of the purse gave him a tight hug. On September 13, 2012, the Rizal Park administration gave him a plaque of appreciation.

 

After three years, I finally met Jaime Mayor. On December 27, 2015, a Sunday, while I was gathering materials for blogging, I happened to talk to a rig driver if he knew Mr. Mayor. He nonchalantly pointed to the rig that just passed by. I practically ran after the rig up to its unloading station where he obliged some photo opportunities.

 

Mr. Mayor is among the rig drivers of Castillan Carriage and Tour Sevices which is based at Fort Santiago. According to Mr. Herson Magtalas, Checker/Operations Coordinator of the said agency, despite the popularity of Mr. Mayor, he remained humble as the nationwide recognition given him did not affect him a bit. He is still the same guy whom they knew – unassuming, hardworking and a man of few words. Mr. Magtalas added that the former Department of Tourism, Mr. Gordon gave him profuse praises, and the same recognition was followed by other government officials. He was also given a spot in a commercial, the earning from which helped his family a lot.)

 

Sadyang Hind Ako (Indi Gali Ako)

Sadyang hindi ako

By Louie John M Salda

(Indi Gali Ako)

Translation by ABV

Ang aking lubos na kaligayahan,

ay napalitan ng mapait na karanasan.

Mula ng ako’y iyong iwan at saktan,

ng iyong pusong sadyang salawahan.

(Ang kalipay ko tani nga matuod

Sa mapait nga kalisod ini nalunod

Halin sadtong nagbiya ka sa akon

Daw nadunot na akon tagipusuon!)

Sa tuwing ika’y namamasdan,

bumabalik ang hapdi ng nakaraan.

Pagkat ako’y lubusang iniwan,

sa ere ng walang kaalam-alam.

(Kon kis-a nga indi gid malikawan

Nga makita ka, nagabalik ang tanan

Kay daw sa ano bala ikaw nagbiya

Sa akon nga maskin wala sang sala!)

Tila sadyang mapagbiro ang tadhan,

tayo ay sadyang pinagkikita.

Ngunit puso mo’y walang kasing tigas.

Ni kahit pangalan ko ay di mo mabigkas.

(Masakit kay daw ginahampangan

Ang ginabatyag, sang kapalaran

Kay maskin pirmi pa magkit-anay

Indi ka man lang makasiling “hi!”.)

Hanggang saan susukatin?

Hanggang kailan bubuhayin?

Ang puso kong ikaw lng ang hiling,

Sana pag-ibig ko ay iyong dinggin.

(Ang pagsukat, asta diin makadayon?

Mabuhi pa ayhan ining tagipusuon?

Tagipusuon nga ikaw ang ginapangita –

Tani pamatian mo, akon nga palangga!)

Sadyang hindi ako!

Ang laman ng puso mo!

Ikaw nga ay lubusang ngbago.

Sana’y malama’t maisip mo,

Na ikaw ay minahal ko ng husto.

(Indi gali ako….!

Unod sang kasingkasing mo!

Indi na ikaw ang akon nakilala

Pero itanom gid sa imo hunahuna

Sadto pa, ikaw gid…akon palangga!)

 

Imelda

Imelda

(para kay Maria Imelda’Baby” G. Moll)

By Apolinario Villalobos

Ang mamuhay sa mundo’y maraming kaakibat –

Pakikipagkapwa na sa pagmamahal ay di salat

Pagmamahal sa kalikasan na turing nati’y ina

At pagpapatatag ng tahanan, lalo na ng pamilya.

Ang mga nabanggit, lahat ay nagawa ni Imelda

Ibinuntong hiningang reklamo, di marinig sa kanya

Kung mayroon mang himutok, kanyang sinasarili

Mga tugon sa problema, di niya ipinagbabakasakali.

Tulad ng iba, si Imelda ay mayroon ding ambisyon

Tugatog ng tagumpay, maabot pagdating ng panahon

Tulad din ng iba, kapalaran niya’y naudlot at nahatak

Sa biglang pag-asawa, si Imelda ay doon napasadlak.

Itinuring na guhit ng palad, lahat ng mga nangyari

Wala siyang sinisi, iba mang tao o kanyang sarili

Ang paghakba’y itinuloy subali’t iba nang nilalandas –

Maaliwalas ang mukhang nakatingin sa bagong bukas!

Perla…

Perla

Ni Apolinario Villalobos

Ang karangyaang naipagkait sa murang gulang

Ay nagsilbing lakas upang si Perla’y magsikap

Para sa kanya, ang buhay ay puno ng pag-asa

Na sa tamang panaho’y magdudulot ng biyaya.

Mga pangarap ang humubog ng kanyang buhay

Natanim sa isip habang kinakaya ang pagsubok

Dasal sa Panginoon sa kanya’y nagbigay ng lakas

Habang tinatahak niya ang bulubunduking landas.

Mga pagsisikap niya’y hindi binigo ng Panginoon

Dahil pangarap niya ay nagkaroon ng katuparan

Napatunayan niyang may kapalit ang pagtitiyaga

Lalo’t gagawin itong hindi nanlalamang ng kapwa.

Angkop ang pangalang Perla sa kanyang pagkatao

Na hango sa perlas, maselang yaman ng karagatan

Nagdadagdag -akit, sinuman ang magsuot na dilag

Kaya ang lalaking ‘di sumulyap at humanga ay bulag!

Perlas siya ng buhay…siya ay isang pamukaw-sigla

Inspirasyon at lakas ng iba upang maging masigasig

Dahil napatunayan niyang mahalaga ang magsikap

Upang magkaroon ng katuparan ang mga pangarap!

(Si Perla ay nakatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsikap…naging

self-supporting. Nagkaroon ng trabaho, hanggang ang swerte sa ibayong

dagat ay kumaway sa kanya. Siya ay nakapag-asawa ng isang Amerikano

na todo ang pag-unawa sa adbokasiya niyang pagtulong sa mga maralitang

Pilipino at mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.)

Wala Man Akong Mga Kamay…

Wala Man Akong Mga Kamay…
Ni Apolinario Villalobos

Wala man akong mga kamay
Hindi ito hadlang sa aking pagsisikhay
Hindi kawalan ang mga ito upang mabuhay –
Na may dangal, pangarap, at lubos na matiwasay.

Wala man akong mga kamay
May angkin pa rin naman akong talino
Na sa akin ay gagabay sa ibabaw ng mundo
Lalo na sa pakikipagsalamuha sa aking kapwa- tao.

Wala man akong mga kamay
Mata ko naman ay napapakinabangan
Pangtanaw sa kalsadang aking yayapakan
Upang ‘di matalisod… ‘di masubsob sa dadaanan.

Wala man akong mga kamay
Mga pasyala’y akin namang nararating
Nakakatakbo, nakakalukso, at pati swimming
Na tulad din ng mga isda, lumba-lumba at pating.

Wala man akong mga kamay
Na pagdadaitin ko sa aking pagdarasal
May bibig naman akong taos-puso na uusal
Habang ako ay nakatingin sa itaas – sa Maykapal.

Wala man akong mga kamay
May puso namang umaapaw sa pag-ibig
Hindi lamang para sa kapwa, kundi sa daigdig
Lalo na sa Manlilikha na layon ng aking pananalig.

May Isang Ulikbang Switik…cor

May Isang Ulikbang Switik…
Ni Apolinario Villalobos

Ito ay kuwento tungkol sa ulikbang switik
Nakatira sa bayang maunlad, ang Diyanlang
Bilang pinuno, buong bayan sa kanya’y humirang
Na kanyang ikinatuwa’t tinanggap ng buong galang.

Kulay-lupa siya, sabi ng iba kulay-uling daw
No problem, puti naman, kanyang mga ngipin
Lutang ang mga ito kung siya’y tumawa’t ngumiti
Kahit papaano, sa kabuuhan niya, mayroong maputi.

Bata pa’y banat na sa trabaho, kaya bansot
Bilad sa araw, anak-mahirap kaya kulay-ulikba
Gusto’y masabing mahirap, kaya nga ‘di mayaman
Pinipilit ito 24/7 sa lahat ng maharap na mamamayan.

Aba’y nagulat ang mga kababayan, one day
May halos tore kalaking gusali itong pinatayo
Nagtaka ang mga tao, bakit mayroon nito sa bayan
Halos nagpasaid sa iniingatang laman ng kanilang kaban.

Sa imbistigasyon, pinadala niya’y mga hangal
Tamimi lahat, walang sagot sa mga katanungan
Ang iba ay kandabulol ang dila, tagaktak ang pawis
Habang nasa bulwagan at kaharap ang mga manlilitis.

Nasaan ang ulikbang switik?…ask ng mga tao
Busy daw at siya ay naglayag sa malalayong isla
Na-miss kasi ang mga islanders, na friends daw niya
Mangungumusta la’ang…at promise, wala nang iba pa!

Ang halatang nagpayamang ulikba’y nagtatago
Hindi alam kung saang sulok siya mamamaluktot
Gumawa ng multo, ngayo’y kanyang kinatatakutan
Hindi alam, paanong magpaliwanag sa mga kababayan!

Aanhin niya ngayon ang yamang kinurakot niya?
Kung may matira… in case, after ng imbestigasyon
Magsisi man siya, ay talagang huli na, useless talaga
Dahil lubog pa sa kahihiyan, pangalan ng kanyang pamilya!

Taghoy ng Sangkatauhan at Inang Kalikasan

Taghoy ng Sangkatauhan at Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Noon, ang bigas kung bilhin, gatang ang sukatan

Ang sampung pisong dala, sangkaterba ang katumbas

Umaapaw sa dalang bayong- isda, gulay at panghimagas

Mayroon pang kapirasong karne ng baboy, o baka, o manok

Kaya sa mga tao, reklamo’y walang marinig, kahit na himutok.

Ngayon, ang isang libong pisong bitbit kung mamili

Hindi kailangan ang bayong, basta may maliit na supot –

Kasya na ang mga napamiling tingi-tingi, mga kakarampot

Sa palengke lang yan, dahil kung sa isang grocery ka pupunta

Sa halagang isang libo, ang mailalagay sa supot- nakakamangha!

Noon, mga pulis, sa pananamit pa lang ay bibilib ka na

Komportable’t maayos ang sukat, di parang suman sa ibus

Kaya sa habulan at bakbakan ay nakakaarangkada ng maayos

Di rin katatakutan sa gabi kung masasalubong kahit na sa dilim

Ngayon, may mga sangkot sa hulidap at pangongotong – mga sakim!

Noon ang mga kabataa’y ubod ng sipag, bait, at galang

Kusang nagmamano sa matatanda, namumupo, hindi suwail

Takot sa karahasan, ayaw humawak ng punyal o kahit na baril

Walang bisyong sigarilyo, alak, di babad sa kung saan-saang sulok

Di tulad ngayon, umaalagwa sa bisyo, umaalingasaw sa ugaling bulok!

Noon, kapita-pitagan ang mga mambabatas, sila ay tapat

Malinis ang kanilang hangarin, listo sa pagtupad ng tungkulin

Kagalang-galang sila kaya ang pagdudahan sila, hindi mo iisipin

Di tulad ngayon, pabantutan sila, pahabaan din ng buntot at sungay

Sa kademunyuhang ginagawa sa bayang walang tigil, walang humpay!

Noon, karagatan ay hitik sa buhay, bahid ng dumi ay wala

Mga isda ay malusog, mga laman ay walang lason na kemikal

Mga lasong itinapon ng mga balasubas na tao, at ugali ay hangal

Walang patumanggang itinapon ay mga isinuka ng mga pagawaan

Walang pakialam, hindi alintana ang resulta ng kanilang kapangahasan!

Noon, ang hangin ay mahalimuyak, masarap pang langhapin

Lalamunan ay di masasamid sa usbong ng langis at mga basura

Walang nakakasulasok na amoy na nakakapanghina at nakakasuka

Ang mga ibong at ibang mga nilalang ng malawak na kahanginan

Nanghihina, namamatay, tulad din ng taong nalulunod sa kadugyutan!

Noon, ang ilog ay buhay na buhay sa bulasaw ng mga isda

Mala-kristal ang kulay, ginhawa’y bigay sa lalamunan na uhaw

Kaginhawahan ang dulot sa mga inosenteng batang nagtatampisaw

Ang mga batis ay kaaya-ayang pagmasdan, sa mga naglalabang dilag

Subalit ngayon, kulay kalawang na dumadaloy ay may halong kamandag!

Noon, ang mga tao ay di pumapalya sa pagtitika, pagdadasal

Takot sa Panginoon ang umiiral sa pusong tinitibok ay pag-ibig

Balot din kapayapaan ang animo ay paraiso at luntian nating daigdig

Subalit ngayon, saan man pumaling at tumanaw, kita’y mga pagdurusa

Mga pasakit yata’y sumpa ng Poon sa sangkatauhang nakalimot sa kanya!