Si Tiya Iskang Madasalin

Si Tiya Iskang Madasalin

Ni Apolinario Villalobos

Sa aming bayan, nakalakhan ko na si Tiya Iska na madasalin. Ang apelyido niya ay Peñalosa. Maliit siyang babae, may lampas balikat na buhok at maliit ang boses. Bago pumutok ang araw ay makikita siyang naglalakad ng halos isang kilometro papunta sa simbahan, may belo ang ulo. Dahil debuto siya ng Mahal na Birhen, ang kanyang puting damit ay nasisinturunan ng sutlang kulay asul na mapusyaw.

Sa misa ay nangingibabaw ang kanyang boses sa pagkanta. At kung oras na ng komunyon, siya ang unang tatayo at halos takbuhin ang harap ng altar upang unang mabigyan ng ostiya. Kung may prusisyon naman, siya ay palaging nasa unahan ng karo ng imahe ng Mahal na Birhen. Namumuno din siya sa mga nobena at pagdasal ng rosaryo. Tuwing Flores de Mayo naman, tumutulong siya sa pagturo sa mga bata ng dasal at kantang pangsimbahan. Nanghihingi din ng tinapay sa mga panaderya upang maipamigay sa mga bata.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nililibak, sa kabila ng kanyang mga ginagawa. Wala naman siyang ginagawang pagpapa-istaring. Ang nakikita ko sa kanya ay ang kaseryusuhan niya sa pagsamba sa Diyos, lalo na sa pagtupad sa kanyang debosyon sa Mahal na Birhen. Isang beses ko lang siyang nakausap, at noon ay nang inalalayan ko siya papunta sa kumbento dahil nahilo. Pauwi na ako nang hapong yon galing sa klase at nakita ko siyang nakasandal sa puno ng kaimito dahil nahilo. Hindi pala nakakain ng tanghalian.

Nasa high school ako noong masubaybayan ko ang ilang yugto ng buhay ni Tiya Iska. At naalala ko siya sa panahon ngayon na kailangan ang pagbabalik-loob ng tao sa Diyos. May mga pagpipilian ang mga tao: magbalik-Islam, magpaakay tungo sa iba’t ibang sekta ng Kristiyanismo o magbagong-loob bilang Katoliko.

Kung wawariin, hindi dapat ibatay sa kinaanibang grupo o simbahan ang kabanalan o pagkamaka-Diyos ng isang tao. Maging bukal lang sa kalooban ang pagsamba at pagdasal tulad ng ginawa ni Tiya Iska, palagay ko ay maaari na. Dapat walang pagkukunwari ang pananampalataya, tulad din ng ginawa niya.

Alam kong marami pang Tiya Iska ang makikita sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila ang salamin natin sa buhay pagdating sa mga bagay na ispiritwal. Huwag tayong bulag o magmaang-maangan, bagkus ay dapat maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng ating mga ispiretwal na kakulangan upang mapunan natin kung ano man ang mga ito. Kung may makita tayong isang Tiya Iska sa panahon ngayon, gayahin na lang natin, huwag libakin….pasalamatan pa dapat dahil naipamukha niya sa atin ang ating mga kakulangan o kamaliang dapat baguhin.

Huwag Lahatin

Huwag Lahatin…

Ni Apolinario Villalobos

 

 

…ang mga pulis na kotong daw –

dahil ang iba naman ay mabait

matitikas na, hindi pa masungit.

…ang mga senador na corrupt daw –

dahil mayroon pang isa o dalawa

maaari pa nating bigyan ng tiwala.

 

…ang mga kongresman, corrupt daw –

dahil meron pa namang mga bago

wala pang sungay, di pa demonyo.

 

…ang mga empleyado ng gobyerno –

dahil kung may nasusuhulan man

ang iba, napapanatili ang kalinisan.

 

…ang mga ahente ng pekeng NGO

dahil may ilan namang nakipagtulungan

mapasingaw lang ang baho ng pamahalaan!

 

…ang mga pari na lumilihis sa sinumpaan

dahil karamihan naman talaga ay banal pa

maigting at matatag ang pananampalataya.

 

…ang mga abogadong ubod ng sinungaling

dahil may mangilan-ngilan pa namang tapat

di tulad ng iba, sa dirty money ay nabubundat.

 

…ang mga huwes na takam sa kinang ng salapi

dahil marami pang honest, simple lang ang buhay

‘din pansin, tukso ng lagay na sa kanila’y kumakaway!

 

 

 

Mga Pag-iingat na Dapat Tandaan

Mga Pag-iingat na Dapat Tandaan

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mundo ngayon ay tila nadidiktahan ng kasabihang “matira ang matibay”, na para namang may katotohanan. Sa kapal ng dumi sa hangin, kung mahina ang baga ng isang tao ay talagang hindi  tatagal ang kanyang buhay. Sa dami ng lason na nakapaloob sa lahat halos ng pagkain maski na yong sinasabing “organic vegetables”, talagang hindi tatagal ang isang tao kung mahina ang kanyang bituka o sikmura. Sa dami ng mga krimen na minu-minuto ay nangyayari sa lahat ng panig ng mundo, talagang hindi tatagal ang isang tao kung hindi siya magaling umiwas. At sa dami ng mga taong tiwali ang kaisipang puno ng kasamaan sa kanyang kapwa, marami ang mapapahamak kung wala silang kaalaman sa pagsalungat.

 

May mga simple ring mga pag-iingat na kaakibat ng araw-araw nating pamumuhay at ginagawa. Kadalasan, hindi natin nabibigyan ng pansin ang mga bagay na ito, kaya nauulit nang hindi natin napapansin. Ang nabanggit ay isang ugali ng tao na dapat mabago. Hindi dapat sukatin ang pag-iingat sa “laki” o “kahalagahan” ng isang bagay na ating ginagawa. Dapat nating alalahanin na ang malaki ay nagsisimula sa maliit. At, may kasabihan na ang pagsisisi ay palaging nasa huli.

 

Ang kabaligtaran ng pag-iingat ay padalus-dalos, na direktang ibig sabihin ay kawalan ng pag-iingat. Lahat ng bagay ay pinag-iisipan muna bago gawin, subali’t sa isang taong padalus-dalos ang ugaling nakasanayan, walang pag-aalangan sa lahat ng kanyang mga ginagawa, at hindi rin alintana kung ang mga ito ba ay magkakaroon ng hindi magandang resulta o kapahamakan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga dapat pag-iingatan upang maiwasan ang pagsisisi dahil huli na ang lahat:

 

  1. Mga pinaggagastusan.  Maraming tao ang walang pakundangan kung gumastos ng pera, lalo pa kung mayroon silang regular na inaasahan. Kasama dito ang ibang empleyado na umaasa sa buwanang sweldo, subali’t binibigyan pa ng halaga ang mga makabagong gadgets tulad ng cellphone, laptop, ipad, alahas at kung anu-ano pang luho na hindi naman talagang kailangan. Sa may mga kayang magpundar ng house at lot sana, mas ginugusto pa nila ang magpundar ng kotse maski nangungupahan lamang sila sa isang maliit na apartment o kwarto. Dahil dito, hindi rin sila nakakapag-ipon. Kapag nawalan ng trabaho, ang mga luhong naipundar ay isa-isa ring nilang nabebenta sa napakaliit na halaga upang may magastos para sa mga pangangailangan habang naghahanap ng bagong trabaho.
  2. Mga Kaibigan. May mga taong nakapaligid sa atin na akala natin, lahat ay kaibigan. Subali’t  nakakalungkot isiping ang iba sa kanila ay nagmamanman upang may mapansing mapupuna na maaaring magamit nila sa paninira sa atin bandang huli. Mayroon ding naiinggit sa nakamit nating tagumpay at pilit nanggagaya kaya ginagamit ang pakikipagkaibigan upang magmanman sa lahat ng kilos natin. Sila ang mga taong akala natin ay kaibigan subali’t pumipigil sa tuluy-tuloy nating pag-angat sa buhay. Nasasabi ko ito dahil, nangyari sa akin mismo, at may mga nakausap din ako na nakadanas ng mga kaparehong pangyayari.
  3. Paggawa ng Desisyon. May mga desisyon tayong ginagawa na kung minsan ay hindi pinag-isipang mabuti. Dito pumapasok ang pagiging padalus-dalos natin na nagre-resulta sa mga pangyayaring pinagsisisihan natin bandang huli. Kung minsan din, dahil sa kayabangan o pride, nais nating ipakita sa iba na kaya nating gumawa ng desisyon kahi’t hindi sumangguni sa iba. Nangyayari ito kalimitan sa mga taong biglang umasenso ang buhay. Dahil sa pagkakaroon nila ng maraming pera, pakiramdam nila ay makapangyarihan na sila at matalino, kaya wala na silang pakialam sa iba. Pati ang mga taong dati nilang nilalapitan noong naghihirap pa sila at hinihingan ng tulong sa paggawa ng desisyon ay itinuring na nilang “bayaran”…ibig sabihin, may katumbas nang halaga ang pakikisama. Iniisip na kasi ng mga taong biglang yumaman na baka lang sila utangan o hingan ng tulong.
  4. Pagpapakita ng pagkamaka-Diyos. Walang masamang magpakita sa iba ng pagkataong maka-Diyos. Yon nga lang, sana ay ilagay sa tamang ayos. May iba kasi na sobra ang ipinapakita na para bang nagpapahiwatig na sila lang ang may karapatang makaligtas sa mga kasalanan dahil hindi sila lumiliban sa pagsamba sa Diyos. Lalong maganda sana kung itong mga tao ay maging taos sa ipinapakita nila sa iba. Yong iba kasi, maski bago lang lumabas sa sambahan at may masalubong sa daan, natutuwa pang makipag-usap na ang paksa ay paninira sa ibang tao.
  5. Pagbili ng mga bargain items. Malaking katipiran ang mga bargain items na nabibili natin sa mga malls o bangketa. Subali’t kung minsan ito ay nagdudulot sa atin ng pinsala. Iilang beses nang naibalita ang tungkol sa mga bina-bargain na mga gamit pampaganda na nabibili sa bangketa na galing Tsina, yon pala ay may lason kaya maraming labi o bibig ang namaga dahil sa paggamit ng pekeng lipstick, mga pisngi na nagkapeklat ng animo mga mapa dahil sa mga pekeng make-up. May mga nakausap na akong nakabili ng mga alahas lalo na kwintas na sinadyang putulin upang palabasing “hablot” o nakaw kaya nabili nila ng mura, binayaran nila ng kung ilang piso lamang, yon pala peke na ang halaga ay bente pesos lamang. Meron ding nakabili ng mga “imported” na toothpaste, nakaw din daw kaya mura, at madalian ang transaksyon dahil baka matunugan ng pulis. Pagcheck sa bahay, ang mga toothpaste, tumigas sa tube at maski anong pindot, walang lumalabas dahil peke na expired pa. Ang matindi ay ang nakausap ko na nasira ang sinus o yong bahagi sa loob ng ilong. Isa siyang addict na nakabili ng pekeng shabu na ang halaga ay halos ¼ lang ng halaga ng street price. Dahil sa katakawan, pagdating sa kanyang kwarto, sininghot agad ito ng malalim at matagal. Nawalan siya ng malay. Nagising siya sa ospital na. Ang nabili pala niya ay tawas! Yong isa naman, tuwang-tuwa sa murang “marijuana” na nabili daw niya sa akala niya ay batang tanga. Pag-uwi, nagsindi agad, yon pala, ang nabili niya ay pinatuyong dahon ng papaya!
  6. Pagbayad sa mga promo services upang magpabago ang anyo. Sa panahon ngayon, pagandahang lalaki at babae ang kalimitang nangyayari dahil sa kagustuhan ng ilan na makaporma na mabuti. Dahil dito nagsulputan ang iba’t ibang mga klinika na may mga promo services. May isa akong kaibigan na sa kagustuhang tumangos ang ilong, nagpa-opera at pumayag na mabutingting ito ng “doctor”. Mura ang bayad niya subali’t isang linggo na, masakit pa rin daw ang ilong niya at parang may uhog o sipon na lumalabas. Nang ipa-check up niya sa isang doctor talaga, ang lumalabas pala ay nana o pus, na-empeksyon pala ang ilong niya. Yong isa namang kausap ko, nagpa-tattoo ng kilay, mura daw dahil may libreng kasama na “facial”. Dahil sa haba ng pila sa parlor, kabilang siya sa mga huling inayusan kaya inabot ng gabi. Tuwang-tuwa siya dahil nakadale siya ng murang kilay na tattoo. Kinabukasan, nang nag-aayos siya habang nagsasalamin, napansin niyang mas mataas ang kaliwang kilay kaysa kanang kilay niya! Yong isa pa, gustong magmukhang Sophia Loren kay nagpakapal ng nguso, yong uso daw ngayon. May promo ang isang beauty clinic kaya susubukan niya. Maski sinabihan ko na siya na hindi bagay sa kanya, itinuloy pa rin dahil sa katigasan ng ulo. Nang tawagan niya ako makalipas ang ilang linggo, hindi ko nakilala ang boses niya dahil naging ngongo kung magsalita, puntahan ko daw siya. Laking gulat ko nang makita ko siya na ang nguso ay parang pinapak ng langgam at sabi niya, “may namunol yanang ungat ngaya hirap ako magsalita” (may naputol yatang ugat kaya hirap ako magsalita). Isa pang kaibigan kong nagmomodel sa isang night club ang gustong magpatambok ng puwit, kaya nakiusap sa isang doctor na bigyan siya ng discount. Nangyari ang gusto niya, subali’t nadisgrasya ang puwit niya kaya hindi na makapagsuot ng bikini, dahil sa pamamaga na kalaunan ay nagkaroon ng nana. Nang gumaling siya pagkatapos ng ilang buwang gamutan, lalong naging “flat” ang puwit kaya wala nang nagti-table at hindi na rin siya nakakasayaw na nakabikini kaya tinanggal siya. Nagtitinda na lang siya ngayon ng barbecue at sigarilyo sa paradahan ng tricycle malapit sa club na dating pinapasukan niya.
  7. Mga pekeng recruiter. Sa bagay na ito, dapat mag-ingat ang mga desperadong magtrabaho sa abroad kahit umabot sa puntong magsangla ng bahay or magbenta ng kalabaw. Nakakadenggoy din ang mga ito ng mga bagong graduate na kumakagat sa mga pangakong magandang trabaho, yon pala, sa mga beerhouse ang bagsak.
  8. Mga announcement ng panalo sa pamamagitan ng text message at email. Kaya ko binanggit ito ay dahil ilang beses na akong nakatanggap ng ganitong mga mensahe, pero kailangan ko daw munang  magpadala sa kanila ng php100 mahigit na load o magpadala sa kanila ng bank account ko. Yong ibang message ay galing sa mga foreigner na pinamanahan daw ng milyon-milyong dolyar at naghahanap ng matutulungan o mapaglalagakan ng namanang pera kaya kailangan ding padalhan sila ng dollar bank account. Ang mga nabanggit ay hindi dapat bigyan ng pansin dahil mga raket.

 

Habang tayo ay nabubuhay hindi natin maiwasan ang mga pagsubok at tukso na madalas nating nasasalubong sa pagtahak natin ng mga daan na hindi na nga matuwid ay lubak-lubak pa, kaya dapat lang mag-ingat ng todo upang tumagal pa tayo dito sa ibabaw ng mundo. Gumawa na lang tayo ng sarili nating paraan upang malampasan ang mga pagsubok na ito dahil napansin na nating ang dapat asahan sa ating pamahalaan ay hindi nangyayari. Kaya nating gawin ito… dahil Pilipino tayo.

 

 

 

 

 

 

Frustrations

Frustrations

By Apolinario Villalobos

 

Frustrations are not confined among laymen. Even religious people are experiencing these. In the role that they play – as shepherds of the God’s flocks, they too, have expectations. Foremost of these is that what they preach on the pulpit every time they say Mass is not given substance or not put into practice by those who religiously attend the service.

During an informal gathering of bloggers that I attended, I met a guy whom I did not suspect to be a priest. He was simply clad in t-shirt and denim like the rest of us. In his blogs he uses a different name (as expected) because his forte is criticism. I came across his blog site and in fact I had been tagging my comments in poetry which made him took note of my name, hoping that I would attend the occasion. He could have felt perhaps that he can trust me, that is why he confided to me his identity. He is young, about in his early thirties. Nobody knows about his identity as a blogger, not even his family.

 

When he told me that he is frustrated about the attitude of most purportedly Christians, I told him I was not surprised. I even told him that I knew of a priest who got married after realizing that his efforts as a priest have been useless. Before he could relate more frustrations, I cautioned him about his vow of secrecy. It was of course a joke. He laughed, assuring me that his frustrations are based on observations that cover even politics, but most especially, the religious community, of which he is a member.

He shared his thought about those who claim to be Christians or Catholics but don’t act as such. I told him it is “normal”. But added that God is not blind. I reminded him that the hypocrisy that has been catching his attention has been observed since the Spanish regime. That is why some have been made into jokes, most popular of which is about a religious woman who heads a legion of Virgin Mary. She donates flowers for the altar and big sum during offertory. She goes to church in immaculate white dress, but when she arrives home, she would start berating her dog that pissed at the gate, scold the maid for some reasons, calls her children names. Neighbors would know she has arrived from the church because of her loud voice that can be heard, two houses away. She also gossips a lot.

I told the blogger/priest that like him, serious and honest community leaders and politicians are also frustrated because of corruption around them. Even the home is not spared by it. Some parents are frustrated about  their children who are not serious in their studies, most especially, if some yet, are hooked to prohibited drugs and other vices. Some wives are frustrated about their philandering husbands. Some husbands are frustrated about their nagging wives, and worst, spend money as if they own a bank. Some children are frustrated about their parents who just got no time for them.

I was thankful that he listened to me.  I encouraged him to keep on blogging about religious issues, especially, because we have a new non-traditional pope, but suggested to soften his punches, as he relates his blogs to some political issues such as pork barrel, corrupt politicians, vote buying, etc. I promised to keep on tagging my comments in poetry which he likes. Before I could ask about his parish, he asked me to visit him, giving me an address which is familiar to me. When I went there the following Saturday, he introduced me to his superior, the parish priest. I pretended to know the family of my priest friend which is the reason for my visit. Deep in me, however, I was sorry to have doubted the honesty of my new found friend. During the occasion during which we met, I just entertained him for the sake of conversation, but doubted his being a priest.

This all happened in February of this year. Two weeks ago, we met again. He told me that he is leaving the parish. I thought he would go on a vacation or be assigned to another one. I was shocked when he told me that he is leaving priesthood. He will join a community outreach organization based in Cambodia. He will stop blogging for awhile so that he could concentrate on community projects in Cambodia. He is excited as this group has projects even in Africa. I wished him the best for his new-found advocacy and asked him to keep in touch with me through emails.

Frustration is part of life. On how we carry its weight on our shoulder is part of God’s challenge to test our faith in Him. For us to forget about such burden, we can do something else to fulfill our desire just like what my friend did – exert his effort in another advocacy.