Dalawang Masikap na Single Moms, Masaya at Kuntento sa Buhay…sina Hilda Ibayne at Tess Quintance

Happy Women’s Month!

 

Dalawang Masikap na Single Moms, Masaya at Kuntento sa Buhay

…sina Hilda Ibayne at Tess Quintance

Ni Apolinario Villalobos

 

Maraming single moms ang naninirahan sa Maynila kung saan ay maraming oportunidad kaya nakakaraos sila kahit papaano basta masipag lang, tulad nina Hilda Ibayne at Tess Quintance.

 

Si HILDA ay nakapuwesto sa isang sulok ng Avenida (Sta. Cruz) at ang pinagkikitaan ay paglilinis ng mga kuko sa kamay at paa, bilang manikurista. Suki niya ang mga “Avenida cruisers”, mga nagtitinda ng aliw (prostitute) na nasa mga puwesto na nila sa kahabaan ng Avenida 7AM pala.  Php50 ang singil niya sa pedicure o manicure at kung “set” o manicure at pedicure ang gagawin ay pwedeng tawaran. Kung walang nagpapalinis ng mga kuko, nagre-repair naman siya ng mga sandal at sapatos, at nagtitinda ng kendi at sigarilyo.

 

Nang kausapin ko siya isang umaga ay nagre-repair siya ng isang pares na sandal. Taong 2000 pa daw siya “sapatera” halos katitin-edyer pa lang niya at tatay niya ang nagtiyagang magturo sa kanya. Nang makipag-live siya sa isang sapatero din, pinaubaya sa kanila ng kanyang tatay ang puwesto. Subalit pagkatapos siyang maanakan ng tatlo ay iniwan na daw siya ng kinasama niya at umuwi na ito sa Cebu. Sa halip na mapanghinaan ng loob, nag-aral siyang maglinis nang kuko at bumili ng mga gamit. Kalaunan ay nagkaroon na siya ng mga suki. Upang madagdagan ang kinikita sa paglilinis ng mga kuko, nagre-repair pa rin siya ng mga sapatos at sandal, at nagtinda na rin ng sigarilyo at kendi.

 

Ang mga anak niyang nasa hustong gulang na upang mag-aral ay pumapasok. Ang panganay niya ay 11 na taong gulang, sinundan ng 9 na taong gulang, at ang bunso ay 6 na taong gulang naman. Sa awa daw ng Diyos ay nakakaraos silang mag-iina, yon nga lang, dahil sa K-12 program ng DECS ay nadagdagan ang kanyang pasanin. Ayon kay Hilda, pinipilit niyang umuwi sa barung-barong nila sa Baseco Compound (Tondo) bago kumagat ang dilim upang makapaghanda ng hapunan nila. Kuntento siya sa buhay at walang sinisisi sa kanyang kalagayan. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makatapos ang kanyang mga anak maski senior high school man lang.

 

Si TESS naman ay nakapuwesto sa Quiapo, labasan ng shrine o luklukan ng Black Nazarene. Nakausap ko siya nang bumili ako ng underwear na napag-alaman kong sarili pala nilang gawa, subalit nilagyan lang ng etekita ng isang kilalang brand. Dahil kaunti lang nakalatag ay nagtanong ako kung sapat ang kanyang kinikita niya na sinagot naman niya ng okey lang daw. Mga tira daw ang inilatag niya mula sa mga dinileber niya sa mga kostumer na may mga puwesto. Tulad ni Hilda, iniwan din si Tess ng kanyang kinakasamang pulis pagkatapos nilang magkaroon ng 7 anak. Taong 2013 nang iwanan silang mag-iina ng kanyang asawa upang makisama sa ibang babae.

 

Sa simula ay hindi niya alam ang gagawin nang iwanan sila ng pulis. Mabuti na lang daw ay may nagyaya sa kanyang pumasok sa isang patahian na malapit lang sa kanila. Todong pagtitipid ang ginawa nilang mag-iina kaya pati pag-aaral ng mga anak ay naapektuhan dahil mas binigyan niya ng halaga ang mga gastos para sa pagkain at upa sa tinitirhang kuwarto. Nang maging bihasa o esksperto na sa pagtabas at pagtahi ay naglakas-loob siyang umutang upang may maipambili ng makina. Tumulong sa kanya ang apat niyang nakakatandang mga anak sa pagtahi ng mga simpleng damit pambata at kalaunan pati mga underwear ay sinubukan na rin nilang gawin. Ang mga nakakabatang anak naman ay nagpatuloy sa pag-aral.

 

Ang panganay niyang anak na tumutulong din sa pagtabas ay nagtitinda na rin ng mga alahas na pilak na sinasabay ang pagbenta tuwing mag-deliver siya ng mga ino-order na mga underwear. Nakakapag-deliver daw sila sa Baclaran, Pasig, Bulacan at Caloocan. Pabulong niyang sinabi na ngayong maysakit daw ang dati niyang asawa ay lumalapit ito sa kanya upang humingi ng pambili ng gamot, at binibigyan daw naman niya. Nang tanungin ko kung saan siya humugot ng lakas upang makaraos silang mag-iina, itinuro niya ang simbahan ng Quiapo. Nakatira silang mag-iina sa Taguig (Rizal).

 

Sina Hilda at Tess ay mga halimbawa ng tunay na pagsisikap ng tao…nagtitiyaga at hindi umasa kahit kanino, at ang bukod-tanging hiningi sa Diyos ay madagdagan pa ang lakas ng kalooban at katawan…hindi pera. Wala rin silang kinimkim na galit sa dati nilang asawa. Kabaligtaran sila ng ibang babae na kahit nakahiga na sa salapi ay hindi pa rin kuntento sa buhay, kaya upang lumago pa ang kanilang yaman ay nagnanakaw sa kaban ng bayan o nanloloko ng kapwa. May isa ngang babae na bukod sa nang-agaw ng asawa ay nagkanlong (protect) pa ng mga drug lord kaya sagana siya sa sustento hanggang sa maikulong. Yong iba pa ay hindi alam ang gagawin sa sobra-sobrang pera kaya kung anu-ano ang mga pinaggagawa sa katawan upang mabago ang ginawa ng Diyos, kinarma naman kaya ang iba ay tumabingi ang ilong, nagkaroon ng nana (pus) ang suso at puwet dahil sa inilagay na silicone, o nagkaroon pa ng kanser!

 

Suggestions para sa Pistang Nazareno

SUGGESTIONS PARA SA PISTA NG NAZARENO….

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil pinaniniwalaan ng mga debotong Katoliko na may milagrong mangyayari sa kanila kapag nakahawak man lang sila sa lubid, lalo na sa estatwa ng itim ng Kristo, nakikipagbalyahan sila upang makasampa sa karo at maipahid  ang face towel nila sa mukha nito, o di kaya ay nagkakandaipit sa pagpilit na makasama sa paghila ng lubid….resulta: ang iba ay nadadaganan ng kapwa deboto….kung hindi man mapilay, pag-goodbye sa mundo ang inaabot nila….dahil lang sa…….?

 

UPANG WALANG GULO, DAPAT AY TALIAN ANG BANDANG LIKURAN NG KARO NG ISANG KILOMETRONG LUBID UPANG MAHAWAKAN NG MGA DEBOTO, AT NANG HINDI SILA NAKIKIPAG-AGAWAN SA LUBID NA NASA HARAPAN. KAPAG NANGYARI YAN, SIGURADONG ANG DADAGSAIN AY ANG LIKURAN NG KARO KAYA MAPAPABILIS ANG PAG-USAD NG PROSESYON O TRANSLACION PABALIK SA QUIAPO CHURCH. NANINIWALA DIN LANG SILA SA MILAGRO, EH DI LUBUSIN NA NILA! ANG PALIWANAG KO SA SUGGESTION NA YAN AY “HINIHILA SILA NG NAZARENO PATUNGO SA PAGBABAGONG BUHAY”. KUNG NAKIKIHILA NAMAN SILA, PARA NILANG PINAPALABAS NA NAHIHIRAPAN SI HESUS NA MAKATULOY SA KANYANG PATUTUNGUHAN KAYA TINUTULUNGAN NILA, GANOONG PANAY NAMAN ANG HINGI NILA DITO NG BIYAYA, AT ANG IBA AY NAKAKALIMUTAN PA ANG MAGPASALAMAT!

 

UPANG WALA NAMANG PROBLEMA SA FACE TOWEL NA GUSTONG IPAHID SA MUKHA NG NAZARENO, DAPAT, SA LUNETA PA LANG AY MAGPAHID NA SA ESTATWA NG LIBU-LIBONG FACE TOWEL UPANG IPAMIGAY SA MGA TAO BAGO MAGPRUSISYON….MAGAGAMIT PA NILA KAPAG PINAWISAN HABANG NAKIKI-PRUSISYON. NAPAPANSIN KASI NA MAY IBANG SUMASAMPA NA SA ULO NG IBANG DEBOTO UPANG MAKAAKYAT LANG SA KARO AT MAGPAHID NG FACE TOWEL NILA SA MUKHA NG ESTATWA.

 

ANG HINDI MAINTINDIHAN AY KUNG BAKIT HIHINTAYIN PA  ANG ARAW NA PISTA NG NAZARENO GANOONG ITO AY NASA SIMBAHAN LANG NG QUIAPO 24/7 BUONG TAON. HUWAG SABIHING SA ARAW LANG NG PISTA INILALABAS ANG “TUNAY” KUNONG ESTATWA NG NAZARENO KAYA PAGKAKATAON NANG MAKITA ITO. KAPAG ANG DAHILANG YAN ANG IPAGPIPILITAN, LALABAS NA WALANG EPEK ANG PANANAMPALATAYA NG MGA DEBOTO DITO KUNG HINDI NAKIKITA O NAHAHAWAKAN ANG “TUNAY” NA ESTATWA, GANOONG ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA AY WALANG PINIPILING ORAS, PANAHON, AT LUGAR….YAN ANG DAPAT IPALIWANAG NG SIMBAHANG KATOLIKO UPANG MABAWASAN ANG KAMANGMANGAN NG ILANG SUNOD LANG NG SUNOD SA MGA SINASABI NG MGA PARI NA ANG ILAN NAMAN AY MAY KADUDA-DUDA NAMANG PAGKATAO….KAYA PAANONG PANINIWALAAN?

 

HINDI AKO GALIT O KUMUKONTRA SA MGA GAWAIN NG SIMBAHANG KATOLIKO, PERO DAHIL SA CURIOSITY AY NAGTATANONG LANG AKO. CONCERNED DIN AKO SA MGA NAMAMATAY AT NASASAKTAN TUWING PISTA NG NAZARENO LALO NA ANG MGA SUMASAMA SA PRUSISYON. KARAPATAN KO YAN BILANG ISANG NAG-IISIP NA PILIPINO. DAPAT PANG UNAWAIN NA ANG MGA NAGLILINIS NG KALSADA AT MGA PULIS NA NAGMIMINTINA NG KAAYUSAN TUWING SASAPIT ANG PISTA NG NAZARENO AY SINUSUWELDUHAN NG TAONG BAYAN MULA SA BUWIS NA BINABAYAD NILA….KASAMA NA AKO DIYAN.

 

Rene Pastrana: Grocery Store Manager Who Can Melt the Anger of an Irate Customer

Rene Pastrana: Grocery Store Manager Who

Can Melt the Anger of an Irate Customer

By Apolinario Villalobos

 

One morning, when I purchased some goods at Isetan grocery store along Recto Avenue in Quiapo, I had an unfortunate experience that almost spoiled my day. Rather than talk to any of the rank-and-file staff, I looked for the store manager, whom I found to be Rene Pastrana. Before I could blurt out my complaint, he broke the ice by asking with a smile, what he can do to make my shopping comfortable. His stance immediately pacified me. After relating to him my dissatisfaction, he gave me an assurance that he will do his best to patch up the “loophole” in their operation.

 

What touched me was his unabashed confiding that he knows what to do because he started his career as a “merchandiser”, which actually, was the focus of my complaint. Instead of anger, what I felt was sympathy while listening to his story. It could be a ploy on his part to divert my focus, with which he was successful. On the other hand, I selfishly thought, that his story could be another blog material that could inspire aspiring Filipinos.

 

According to Rene, he left his island-province of Marinduque after graduating from high school. When he arrived in Manila, he immediately looked for a job, with a plan to proceed with his college studies by all means. He fortunately found a job as a “merchandiser”, which sustained his studies, until he finished Computer Science.

 

His diligence in job, pushed him along his career path with unusual expediency until he became manager of Isetan’s grocery store, charged with its overall operation. He has been in the job for the past twenty years, his earnings from which have also helped his family back home, in Marinduque.

 

Rene could well be considered as a self-appointed “ambassador” of his province in his own way because he does not hesitate to promote it as a veritable tourist destination every time he gets the chance. This he did to me, when he shared touristic information about the island. His effort proved helpful to me, as what I knew about the island have all been updated, especially, about the islets with resorts.

 

In appreciation of all his effort to pacify me and giving me updates on Marinduque, I told Rene to count me as among the convinced patrons of Isetan grocery from then on. He practically “captured” another patron for their grocery because of his amiable and brilliant sales technique not found in sales training manuals…I know that, because, I have also been a “sales person”, myself.

 

IMG7857

 

 

Pastil: Versatile One-dish Meal of Muslim Filipinos

Pastil: versatile one dish meal

Of Muslim Filipinos          

By Apolinario Villalobos

 

If you have ventured into a Muslim community, you may notice a delicacy neatly wrapped in a banana leaf. It is called “pastil”, a special kind of rice with a spoonful of viand on top– either fish or chicken. While the fish takes a shorter time to cook, the shredded chicken takes more, for as long as two to three hours to ensure its softness. The fish is flavored with “palapa”, a hot chili and shallot- based condiment, while the chicken is cooked in its own oil enhanced with a small amount of coconut or vegetable oil, toasted garlic, and with shallot and hot chili as optional ingredients.

 

In Manila, the place to go for this one-dish meal is the Islamic Center in Quiapo. While it can be partaken as is, some prefer to have other dish to go with it. At the Islamic Center’s halal carinderias and sidewalk eateries, the choices for other main dishes are chunks of young jackfruit cooked in coconut milk, red beans in coconut milk, broiled tuna, mudfish or tilapia, boiled eggs, stir-fried vegetables in herbs, and chicken cooked in thick coconut milk.

 

For dessert, one can have the Muslim version of “fruit salad” which is a soupy combination of gelatin and fruits in season flavored with milk and sweetened with brown sugar. It is different from the “dry” version of fruit salad which is topped with ice cream and shaved ice.

 

Variably, “pastil” is also called “patil” in other parts of Muslim Mindanao, and the preparation varies according to the added spice or condiment. The price however, does not vary, as the price is  fixed at ten pesos per wrap.

Pastil

Black Nazarene of Quiapo Feast, Procession Day, January 7, 2016

FEAST OF BLACK NAZARENE (QUIAPO, MANILA)…FACES OF DEVOTION….PROCESSION DAY, JANUARY 7, 2016

The feast day of the Black Nazarene, patron of the Quiapo district of Manila is celebrated every 9th of January but it is preceded by activities such as the unannounced transfer of the relic to the Quirino Grandstand in Luneta for the ritual kissing on the 8th, the procession on the 7th around Quiapo area, and finally, the return or “translacion”, of the relic to the Quiapo Basilica Basilica Minore on the 9th, early in the morning after the Mass. As soon as the relic has been transferred to the Quirino Grandstand in Luneta, devotees stage vigils until the day of the Nazarene’s return to Quiapo Basilica Minore. On those days, the whole Luneta park is practically jampacked with strollers and devotees.

The Black Nazarene has millions of devotees throughout the country, from Luzon to Mindanao but the nucleus of devotion is at Quiapo. Among the rituals during the procession is the wiping of any part of the relic with a face towel or handkerchief. For this, not only is the real Quiapo Black Nazarene wiped, but other relics that are part of the procession. On hand to do the wiping for the devotees are members of contingents that own the relic that catches their fancy, who are posted beside it, and to whom devotees throw their towels. The following photos were taken prior to the procession.

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriquez-Francia sa Quiapo

Ang Lumpiang Sariwa ni Flor Enriques-Francia

Sa Quaipo

Ni Apolinario Villalobos

 

Mahigit apatnapung taon nang kilala ang lumpiang sariwa na binebenta ni Flor Enriquez-Francia sa labas ng simbahan ng Quiapo. Subalit ngayon ang nagpatuloy sa pagtinda ay ang kaniyang pamangkin na si Nathaniel. At, kung dati ay sa bilao lang nakalatag ang mga lumpia, ngayon ay nasa kariton na at naka-styro at may balot pang plastic sheet upang masigurong hindi naaalikabukan o madapuan ng langaw.

 

Una kong natikman ang lumpia noong taong 2002 nang umusyuso ako sa selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene. Si Flor naman ay nakapuwesto sa hindi kalayuang Avenida dahil ipinagbawal muna ang mga sidewalk vendor sa Plaza Miranda. Sa pag-uusap namin, binanggit niyang basta walang okasyon sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa Plaza Miranda siya nagtitinda, kaya nang bumalik ako sa Quiapo makaraan ang ilang linggo ay nakita ko nga siya doon at halos hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanyang mga suki. Matagal bago ako nakasingit upang bumili ng dalawang pirasong inilagay niya sa maliit na supot na plastic at nilagyan ng sarsa. Mahirap kainin ang lumpia kung nakatayo at hindi nakalagay sa platito o pinggan. Kailangang hawakan ang supot na parang saging at ang ilabas lang ay ang dulo ng lumpia. Pero kapag sanay na ay madali nang gawin ito.

 

Nang dumagsa ang iba pang vendor sa labas ng Quiapo church ay hindi ko na nakita si Flor. Inisip ko na lang na baka umuwi na sa probinsiya o baka nagsawa na sa pagtinda ng lumpia. Subalit nang minsang namili ako sa Villalobos St. ay may nasalubong akong lalaking nagtutulak ng maliit na cart at ang laman ay mga lumpiang naka-styro.  Hindi ko siya pinansin dahil inisip kong katulad lang din siya ng ibang naglalako ng pagkain sa lugar na yon.

 

Sa pagpasok ng huling linggo nitong Disyembre, bumalik ako sa Quiapo kasama ang mga kaibigang balikbayan upang bumili ng mga panalubong nila pagbalik sa America at Canada. Nakita ko uli ang lalaking nagtutulak ng cart na may mga sariwang lumpia. Nagtanong na ako kung inabot niya ang “original” na nagtitinda ng lumpia sa Quiapo. Ikinagulat ko ang kanyang sagot dahil tiyahin pala niya ang tinutukoy kong tindera, at idinagdag pa niya na ang buong pangalan ay Flor Enriquez-Francia. Nasa bahay na lang daw ito at doon niya inihahanda ang mga lumpia na kinakariton naman ni Nathaniel.

 

Halos isang taon din pala bago naitinda uli ang lumpiang gawa ni Flor at ito ay pinangatawanan na ni Nathaniel na umaming maski anong mangyari sa kanyang tiyahin, ay walang problema dahil naituro na sa kanya ang sekreto sa pagtimpla lalo na ng sarsa. Nakakadalawang hakot ng mga lumpia si Nathaniel hanggang dapit-hapon kaya malaking bagay daw para sa kanilang magtiyahin ang kinikita niya lalo pa at nagkaka-edad na rin ito kaya marami na ring pangangailangan.

 

Ang ginawa ni Flor ay isang halimbawa ng pagbuhos ng katapatan sa anumang bagay na ginagawa – walang panloloko, kaya lumpia man, na sa paningin ng iba ay napaka-simple, kung hindi naman masarap ay madaling makakalimutan. Ganyan dapat ang ugali ng tao… bukal sa kalooban ang anumang ginagawa maliit man ito o malaki, pansarili man o nakaka-apekta ng kapwa.Fresh Lumpia quiapoFresh lumpia quiapo 2

Imelda Torres: Ang Babaeng “Barker” o Taga-tawag sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)

Imelda Torres: Ang Babaeng “Barker” o Taga-tawag

sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “barker” ay taga-tawag ng mga pasahero at taga-sigaw ng destinasyon ng sasakyang pampubliko tulad ng bus, jeepney o van. Siya rin ang namamahala sa maayos na pag-upo ng mga pasahero. Kung minsan, ang tawag sa kanya ay  “dispatcher”, subalit iba sa talagang “dispatcher” sa istasyon ng bus na konektado sa kumpanya. Kung nakapila ang mga jeep o van na itinatawag ng “barker”, siya rin ang taga-kolekta ng pamasahe at kapag inabot na niya sa driver ang nalikom na pera, ay saka pa lang siya aabutan ng bayad sa kanyang serbisyo. Ang bayad naman sa “barker” ay hindi pare-pareho, depende sa dami ng pumipilang sasakyan at lugar ng pilahan. Mayroong inaabutan ng Php20.00 at ang pinakamalaki ay Php30.00.

 

Ang mga nakapila sa Liwasang Bonifacio ay mga aircon van na biyaheng Sucat (Paraἧaque) at Alabang (Muntinglupa). Ang pilahang ito ay hawak ni Imelda Torres, 65 na taong gulang. Taong 1972 pa lamang ay nagtatawag na siya dito….panahon ng Martial Law sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Nang panahong yon, ang sabi niya, napakaganda ng Manila Metropolitan Theater na tanaw lamang kung saan kami nakaupo. Ngayon, ang paligid nito ay mapanghi dahil ginawang ihian at ang mga dingding na natuklapan na ng pintura ay sinalaula ng mga istambay sa pamamagitan ng pag-spray paint ng pangalan ng gang nila.

 

Ligtas daw noon ang pamamasyal sa paligid ng liwasan dahil palaging may umaaligid na mga pulis kahit sa gabi. Kahit abutin siya ng dis-oras ng gabi sa pagtatawag, hindi siya natatakot sa paglakad pauwi sa tinitirhan niya sa kalapit lang na Intramuros. Ang kinikita niya ang ikinabuhay niya sa apat niyang anak noong maliliit pa sila. Ngayon, ang isa ay nasa Japan na. Ang iba pa niyang mga anak ay may mga sarili nang pamilya.

 

Pinakamalinis na kita ni Aling Imelda ay Php200 isang araw. Napapagkasya niya ang halagang ito sa kanyang mga pangangailangan sa araw-araw. Hindi na siya nagluluto dahil mag-isa lang naman siya at sa maghapon ay nasa liwasan siya, kung saan ay maraming karinderya na mura lang ang panindang mga pagkain. Ang tanging luho niya sa katawan ay ang minsanang manicure at pedicure, at ilang alahas na pilak sa mga daliri at braso.

 

Sa gulang niyang 65, wala nang mahihiling pa si Aling Imelda na kailangang gastusan ng malaking halaga. Masaya siya dahil ang mga anak at apo niya ay nakakakain sa tamang oras, hindi nga lang maluho ang mga pagkain. Ang kalaban lang niya ay ang paminsan-minsang dumadapong sakit tulad ng sipon at lagnat. Ganoon pa man, kahit halos namamalat na siya dahil sa biglang pagkakaroon ng lagnat o sipon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag, tulad nang umagang nag-usap kami. Sayang din nga naman ang kikitain niya kung palalampasin niya.

 

Mabuti na lang at pumayag siyang kunan ko ng litrato, pero tinapat ko siya na igagawa ko siya ng kuwento at ilalagay ko sa internet. Natawa siya nang sabihin kong baka mabasa ng anak niya sa Japan ang isusulat ko tungkol sa kanya.

Nang iwanan ko siya upang ituloy ang paglakad papunta sa Avenida (Sta. Cruz), narinig ko uli ang boses niya na tumatawag ng mga pasahero. Habang naglalakad ako, naalala ko ang nanay namin na nagtatawag ng mga mamimili upang lumapit sa mga inilatag niyang ukay-ukay tuwing araw ng tiyangge sa bayan namin, noong maliit pa ako….

IMG7162

Ang Mag-asawa sa Quiapo…at ang malakas nilang sampalataya sa Diyos

Ang Mag-asawa sa Quiapo

…at ang malakas nilang sampalataya sa Diyos

Ni Apolinario Villalobos

Una kong nakilala sina Mang Rudy (Rodolfo Mina, Jr.) at Aling Auring (Aurora Aguirre), nang kumain ako sa kanilang maliit na karinderya sa Quiapo, malapit sa Islamic Center. Sa iisang mesa nakalagay ang mga pagkain, kaya ang kakainang pinggan ay halos hindi na kasya sa mesa. Ang ginawa ko ay inihalo na lang ang ulam sa pagkain – “toppings” style, nagkamay ako habang ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa pinggan upang hindi mahulog. Habang kumakain ako, nasilip ko si Mang Rudy na nanggugupit sa maliit na kuwarto sa likod ni Aling Auring. Nang hindi sinasadyang tumingin siya sa akin, muntik na akong mabilaukan sa gulat….wala pala siyang ilong!

Hindi na ako nagtanong kay Aling Auring kung saan napunta ang ilong ng kanyang asawa bilang respeto. Naalala ko tuloy ang nabasa kong kasaysayan ng ibang bansa na ang isa sa mga parusang pinapataw sa mga nagkasala ay pagtanggal ng ilong nila. Mula noon, tuwing titingnan ko si Mang Rudy ng matagal, hindi na sumesentro ang atensiyon ko sa dalawang butas sa kanyang mukha na dapat sana ay natatakpan ng ilong. Maliksing kumilos si Mang Rudy. Siya ang nagbibigay ng pagkain kung wala ang asawa niya tuwing kakain ako sa kanila at nagkukuwentuhan pa kami tungkol sa mga karanasan niya noong bago pa lang siya sa Maynila. Yon nga lang ngogo ang kanyang pagsasalita na natutuhan ko ring maunawaan sa katagalan.

Nang huling kumain ako sa kanila, napansin kong medyo sarado ang pinto ng kuwarto kung saan nanggugupit si Mang Rudy kaya tinanong ko si Aling Auring kung umuwi sa probinsiya ang kanyang asawa. Nagulat ako nang sabihin niyang nasa loob lang at nakahiga sa sahig dahil inatake daw sa puso, subalit naagapan namang madala agad sa ospital. Ang malas nga lang ay nang ilabas na niya ito, dahil noong pasakay na sila dyip, kahit hindi pa nakakaupo sa bandang hulihan si Mang Rudy ay biglang pinaharurot ng drayber ang sasakyan kaya nahulog ito. Unang bumagsak ang kanyang balakang. Mabuti na lang at tinulungan sila ng drayber na nagbayad para sa mga gamot at x-ray.

Noong araw na nalaman ko ang nangyari kay Mang Rudy, idinagdag pa ni Aling Auring na kailangan din ng asawa niya ang regular na check-up dahil lalong lumala ang pananakit ng kanyang balakang kaya hindi na rin ito halos makakilos sa pagkakahiga. Nag-alala ako dahil binabaha ang tinitirhan nila at sa sahig lang nakahiga si Mang Rudy. May balak naman daw magpagawa si Aling Auring ng makitid na kama upang magkasya sa maliit na kuwarto kaya pinag-iipunan niya ito. Ini-imagine ko kung paanong pag-ipon ang gagawin niya dahil sa kamurahan ng kanyang paninda at kamahalan ng mga bilihin, halos wala na siyang tinutubo, dagdag pa rito ang upa, tubig at ilaw.  Nabasa yata niya ang nasa isip ko dahil sinabi niyang, “alam kong hindi kami pababayaan ng Diyos”. Natulig ako sa sinabi niya at napahiya dahil kung minsan ay nawawalan ako ng tiwala sa Diyos, kapag halos hindi ko na kaya ang bigat ng dinadala kong mga problema…nakakalimutan kong nandiyan lang pala Siya.

Nang bumalik ako uli sa kanila, wala pa ring nagagawang kama. Upang lumaki ang kita ni Aling Auring, mula noon, halos inuubos ko na ang mga ulam niya na iilang klase lang naman. Sa halip na iisang tasang kape ang inoorder ko, dinadalawa ko na upang tumagal pa ang aming usapan. Ang sukli ay hindi ko na rin kinukuha. Kung napapansin kong may tutong na ayaw kainin ng ibang kostumer, binibili ko na rin upang maisangag namin ng mga kaibigan ko sa Tondo. Ayaw kong masira ang sampalataya niya sa kanyang sariling kakayahan kaya dinadaan ko na lang sa pagbili ang dapat sana ay iaabot na lang basta na tulong. At, ang nakakatuwa ay wala akong makitang kalungkutan o pag-alala sa kanyang mukha dahil laging nangingibabaw ang kanyang ngiti. Sa kabila ng lahat, alam kong kailangan pa rin nila ng tulong para sa mga gamot at regular na pangpa-check up ng kanyang asawa.

Si Mang Rudy ay 80-taong gulang na at si Aling Auring ay 76-taong gulang naman. Ilang buwan mula nang  dumating sa Maynila si Aling Auring noong 1968, sila ay nagsama pagkalipas ng maikling ligawan. Wala silang anak at umaasa lamang sa alalay ng mga pamangkin na nakakapasyal sa kanila kung minsan. Ang sabi ni Aling Auring sa akin na hindi ko makalimutan maliban pa sa unang nabanggit kong “hindi sila pababayaan ng Diyos”, ay: “lahat ng tao ay may pagsubok, hindi nga lang magkakapareho, kaya hindi dapat sumama ang loob ko dahil sa dinadanas namin ngayon dahil alam kong mas mabigat pa ang problema ng iba”.

How the American Parity Rights Provision was inserted in the Philippine Constitution…and who opposed it

How the American Parity Rights

Provision was inserted in the Philippine Constitution

…and who opposed it

By Apolinario Villalobos

The Parity Rights of the Americans was inserted in the Philippine Constitution when Manuel Roxas became the first President of the Philippine Republic in 1946. The said provision gave equal rights to the Americans in the exploitation of the country’s natural resources as well as other business undertakings. In explaining to the Filipinos at Plaza Miranda on March 11, 1947, he said:

“We have today our one big chance to convert our native land into an ideal of democracy. Our one chance is to grow and industrialize to reach the first rank of the nations of the world. We have this chance because of the heroism we displayed in the war, we have this chance because we have demonstrated by deed our love for freedom. We have earned the gratitude of mankind. We can and will show tomorrow that we deserve that gratitude by plunging courageously ahead in the great tasks we face.”

Because of that provision in the Philippine Constitution, the first President of the Republic of the Philippines practically, bound the Filipinos AGAIN to emancipation, this time to Americans.

History teachers never enlightened their students as to who opposed the “emancipation” as only few lines about it were devoted to these “true stalwarts” of Philippine democracy. Among these were Claro M. Recto and Jose P. Laurel who never budged from their commitment to defend the Philippine Constitution. They were joined by Luis Taruc and other elected congressmen who belonged to the Democratic Alliance, whose members were non-collaborators during the WWII, intellectuals and peasants.

The Democratic group posed as hindrance to the passage of the Parity Rights Law which shall alter the Philippine Constitution. With their number, the administration of Roxas feared that the needed three-fourths vote will not be achieved. With the prompting of President Roxas, Congress passed a resolution unseating Taruc and the other members of the Democratic Alliance. The move was based on their alleged electoral frauds and terrorism “committed by Hukbalahaps in Central Luzon which resulted in the election of the six candidates of the Democratic Alliance and one Nacionalista. With them out, the Parity Rights Law was successfully integrated in the Constitution.

The years that followed saw the Filipinos sinking deeper in the muck of poverty, contrary to what Roxas dreamed of prosperity for the whole nation. He was a “dreamy” President whose oratorical promises remained promises until his death.

Today, there is another Roxas who delivers the same kind of promises…although, this time, he “dreams” about the promises of the “tuwid na daan” (straight path) of his mentor, President Pnoy Aquino, son of the former Senator Ninoy Aquino. History, indeed, repeats itself!

Michael Quirante: Tenacious and Resourceful Branch Manager of McDonalds-Hidalgo (Quiapo)

Michael Quirante: Tenacious and Resourceful

Branch Manager of McDonalds-Hidalgo (Quiapo)

by Apolinario Villalobos

Lately, MacDonalds has been hugging the limelight because of the incidents on food poisoning. This seems unlikely as the food chain is known for being finicky as regards their products and service. I had the chance to test the trademark for which it has been known one morning when I dropped by their Hidalgo Branch in Quiapo for breakfast.

As usual I ordered the pancakes but the Cashier, Love Castaῆares smilingly suggested their new product, launched just that morning, the cheesy egg pandesal. I gave in to her insistence, but I was disappointed as it came in the size which was not my type, so I rejected it. At this instance, the Branch Manager, Michael Quirante volunteered that I still try the pandesal if only to check its taste. I declined, and perhaps in an effort to prevent me from getting irritated, it was promptly changed with the pancakes.

While I was enjoying my pancakes, I saw Mr. Quirante slicing the sandwich into bite sizes, and offered them to the few customers at the time, as it was still early. He had such kind of persuading approach that no customer ever declined his offer, and all of them practically gave their thumb up, to confirm that their new product tasted really good. In just a couple of minutes all bite-sized pandesal slices were gone, and Mr. Quirante was smiling from ear to ear.

What touched me that morning was the persistence of Mr. Quirante in introducing a new product of the company, by personally, offering it to the customers. He was not downhearted with my rejection. Also, I supposed that such gesture was not really part of his routine, but rather his own kind of personal gimmickry that put his resourcefulness to the fore.

My interest in the attitude of Mr. Quirante made me talk to him for a few minutes before I left. I asked him if he was aware of the latest impression on their company due to the issue on food poisoning, to which he answered in the positive, that is why, he told me that they are trying their best to maintain their image. Just then, a service crew came in and greeted him. He told me that the guy was a Muslim. I was surprised because I thought only Christians were being hired by their company. At that, I was told that they want to be fair to all those who seek opportunity to help them with their studies, that is why their outlet has hired four Muslim staff. I was not surprised by what he told me as McDonalds is known for its penchant in helping working students. In fact, Mr. Quirante told me that he went through the same stage, as he was himself, a working student when he worked initially with the company.

Quiapo is one area in Manila, a historic one, yet, which is being shared by the Catholics and Muslims who live side by side harmoniously. MacDonalds contributes to this harmonious co-existence by hiring service crew members from the area, regardless of their religious affinity. Mr. Quirante’s attitude on the other hand, has enhanced the effort of the company in his own way, by doing his best as part of the company – being nice to the clients and his co-employees. He told me that his rising from the lowest position, that of a service crew, until he became manager, gave him the opportunity to understand the entire nature of his job.

While it is true that employees of service-oriented companies are mandated to smile their best to attract customers, the difference lies in the “sincerity” in how it is done. Being an employee myself that handled customer needs, I know if smiling is candidly done or words that are muttered are meant to help or appease irritated clients or not. Mr. Quirante did more than all those…he made use of his resourcefulness to help his company to show that the golden arc does not only symbolize excellent service, but superb products, as well.