Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

Sharing Need Not Be a “Big Time” Effort

By Apolinario Villalobos

 

I ask from friends and collect myself, what others consider as “trash” – empty rice bags, used shopping plastic bags, brown paper bags, net bags, used tarpaulins, empty jars, lengths of straw rope, etc. – to be distributed among my friends who sell recyclable junks and vegetables by the pile on sidewalks. They are called “buraot” vendors and the “buraot” refers to the junks and wilting vegetables that they sell. Some of them keep the brown paper bags to be used by their children as book covers, and the sturdy plastic grocery bags as “school bags”. On the other hand, the rice bags have many uses, one of which is safekeeping of things in the absence of decent bags that are sold in department stores.

 

It takes me about two weeks to be able to collect a sizeable volume of these various “treasures”, classify the plastic bags according to size, carefully fold them and finally apportion them together with the rest of the items among the pre-identified recipients for easy distribution. I am most glad if I am able to collect big plastic cover of refs and washing machines because they can be used as extended roof for “kariton (pushcart) home” of my friends. I taught them to fold big plastic bags in such a way that they can be used as “rain coat”. I used to do that when I was in elementary during which I would scavenge the garbage dump of a bakery in our town for recyclable junks especially plastic bags.

 

One time, a friend in California, “Perla” sent plenty of blue tarps that went straight to sidewalk and “kariton” dwellers. But I told her to stop sending such kind of item because I met a couple who sell “tinseled” bags of condiments that when spread by slicing open the two sides can serve the purpose of a mat, as well as, protection against the rain – for just Php20.00 apiece.

 

Every time I come home from shopping, I see to it that the bags, both made of plastic and brown paper are properly folded and set aside instead of tossing them into the garbage basket. The brown bag can also be used in keeping extra portions of vegetables before storing them in the ref. Also, I am not ashamed in picking up lengths of straw ropes from the ground while shopping in outdoor shopping areas such as Baclaran and Quiapo, as they are also needed by my friends in tying things that they always bring along with them. As a recycling advocate, I had been doing this for more than thirty years now.

 

Every time I hit the road for my random acts of sharing my backpack is full of these “treasures”, aside from Skyflakes crackers and home-cooked pudding for sharing. I just want to show that sharing blessings need not be a “big time” effort that involves a lot of money. If I can do it, I am sure others can do it, too. Those interested to do the same can start with the plastic bags that can be collected and given to their favorite vendor in the market….by doing so, we also help Mother Nature as the plastic bags that we recycle are prevented from clogging esteros or canals.

Ang Laptop Kong Bungi…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ang Laptop Kong Bungi

…ka-partner ko sa pagbatikos at pagpuri

Ni Apolinario Villalobos

 

Wala siyang teklado para sa letrang “M” subalit subok ang tibay dahil kahit bahayan ng langgam ang mga kalamnan ay hindi sumusurender maski pa maghapong gamitin. Ilang taon din siyang nagtiis sa pagtipa ko sa teklado ng kanyang mga letra at simbolo, yon nga lang, pagdating sa bunging bahagi para sa letrang “M” ay kailangang maingat ang aking pagpindot. Malaki ang utang na loob ko sa laptop na ito dahil lahat ng mga saloobin ko ay kinakaya niyang ipunin…i-absorb, kaya siguro kung mayroon lang siyang bituka baka palagi siyang nagsusuka, o di kaya kung may puso, ay matagal na siyang na-heart attack. Kahit halos mamuwalan na siya sa mga pinapakain kong nakakasuka at nakaka-heart attack na mga isyu, ay hindi siya nanghihina man lang.

 

Ang problema lang ay ang colonial niyang mentality dahil may mga salitang Pilipino na pinagpipilitan niyang baybayin sa Ingles kaya kailangan kong basahin nang paulit-ulit ang mga naisulat niya upang ang “namin” ay hindi maging “naming”, o di kaya ang “hindi maging” ay hindi maging “hind imaging”, ang “letra” ay hindi maging “letre”, at marami pang ibang salitang Pilipino na tinatarantado niya….sutil kasi.

 

Minsan ko na rin siyang nadunggol dahil sa sobrang antok nang bumagsak ang noo ko sa kanya, subalit hindi siya nagreklamo kahit sa pamamagitan ng pag-kuryente man lang sa akin. Nalaman kong nasaktan ko siya nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kanyang pag-overheat makalipas ang dalawang oras ng pagkakatulog. Literally, I slept on my laptop! Siguro kung nakakatawa lang ang butiki ay hinalakhakan na ako dahil sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawa na halos hindi gumagalaw dahil siguro nagulat, pero nagpulasan nang tiningnan ko sila ng masama.

 

Hindi mitsa ng buhay ko ang aking mahal na laptop dahil old-fashion siya, luma na kasi, kaya kahit bitbitin ko siyang hubad, ibig sabihin ay hindi nakalagay sa bag, walang magkaka-interes. Parang babae rin na dahil naitatago ng pagka-old fashion ang kanyang ganda, siya ay malayo sa posibilidad na magahasa! Kaya ang mga babae ay hindi dapat magpakita ng motibo o pag-anyaya upang magahasa…magpaka-simple o magpaka-old fashion din kahit minsan….maliban na lang ang mga desperada!

 

Para ring tao ang aking laptop na nag-undergo ng operasyon at pagtapal dahil marami na rin siyang diperensiya maliban sa pagkabungi. Ang dating ayaw pumermanenteng pagtayo ng screen kaya nilalagyan ko pa ng suporta sa likod, ay naremedyuhan ng isang doktor ng mga laptop – may ginalaw sa kasu-kasuan o joints nito kaya nakakatayo na ngayon nang tiyeso. Ang dating sugat sa gilid dahil nabasag ay natapalan na rin ng karton kaya ngayon ay buo na siya – good as new!

 

Ang kuwento ng laptop ko ay maihahalintulad din sa kuwento ng alagang hayop na pinagkakautangan dapat ng loob ng nag-aalaga dahil sa dulot nilang therapeutic relief, o di kaya ay iba pang bagay na napakinabangan para sa araw-araw na pamumuhay. May utang na loob tayo sa kanila. Hindi sila dapat binabale-wala nang basta-basta pagkatapos pagsawaan o kapag nagkaroon ng bago, lalo na ngayong pasko.

 

Hindi din dapat ganyan ang mag-asawa na pagkalipas ng maraming taon ay basta na lang makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa, kaya nagkakanya-kanya na sa pagrampa upang maghanap ng ibang mapagparausan. O di kaya ay ibang mga anak na pagkatapos iluwal ng ina at palakihin ng ama ay walang pakundangan kung sila ay balewalain o ikahiya sa ibang tao dahil walang pinag-aralan o di kaya ay hindi maganda o guwapo tulad ng mga magulang ng mga kaibigan nila, o di kaya ay amoy pawis dahil sa pagtinda sa palengke, hindi tulad ng magulang ng classmate nila na nagtatrabaho sa aircon na opisina.

 

Pairalin natin ang utang na loob. Magbago tayo….bilang pasalubong sa bagong taong 2016!

laptop kong bungi

 

 

 

Ilang Paraan Upang Mabuhay ng Simple at Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ilang Paraan Upang Mabuhay Nang Simple at
Makatulong sa Kapwa-tao, lalo na sa Inang Kalikasan

Ni Apolinario Villalobos

Nababanggit ko na noon pa man na ang isang paraan upang mabuhay nang angkop sa kakayahan ay ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak. Maaaring simulan sa mga pang araw-araw na pagkain tulad ng NFA rice na murang hindi hamak sa commercial rice (upang ang matipid ay maipantulong sa iba), pagbili ng mga ulam na mura subalit masustansiya, ang paggamit ng kahoy bilang panggatong sa halip na gas kung ligtas na gawin ito sa lugar na tinitirhan, ang pag-recycle ng mga gamit upang mapakinabangan pa ng matagal upang hindi na makadagdag pa sa basura, at upang makaiwas na rin sa karagdagang gastos.

Maliban sa mga nakatira sa condo, ang mga nasa maliliit na subdivision, lalo na ang mga nasa probinsiya ay dapat samantalahin ang kapanibangang dulot ng mga sanga ng kahoy na sa halip na mabulok lamang at maging basura ay gamiting panggatong. Hindi dapat maging maluho pagdating sa mga gamit sa bahay na tulad ng ginagawa ng iba na maluma lang ng wala pang isang taon ay pinapalitan na. At lalong hindi dapat ikahiya ang pagbili ng gulay, murang maliliit na isda, o di kaya ay ang murang buto-buto ng baboy at baka na masustansiya din naman. Ang iba kasi, ayaw ng mga isdang maliliit na pangpangat o pangpaksiw dahil pang-mahirap lang daw kaya mas gusto nila ang malalaking isdang tulad ng tuna at lapu-lapu dahil pang-sosyal kahit mahal, at lalong ayaw nila ng butu-buto dahil pang-aso lang daw.

Ang kailangan lang natin ay pairalin ang imahinasyon upang makatipid. Hindi rin tayo dapat mag-atubili sa pagsubok ng mga bagay na hindi nakagawian. Halimbawa na lang ay ang pag –recyle ng tirang spaghetti na sa halip na itapon o ipakain sa aso na hindi rin naman papansin dito ay gawing “pudding”. Dagdagan ng ilang rekado kahit na gulay, at gamitan ng kaunting arena upang mamuo, ilagay sa hurno at pasingawan o iluto kahit sa maliit na oven-toaster. Kung ang mga tirang tinapay ay maaaring gawing pudding, bakit hindi ang spaghetti? Ang tirang spaghetti na iluluto sa ganitong paraan ay maituturing nang “one dish meal”.

Ang mga tsinelas na goma ay madaling mapigtalan ng strap. Kung isang tsinelas lang ang napigtalan ng strap, huwag itapon ang magkapares dahil pagdating ng panahong magkaroon ng isa pang tsinelas na napigtalan din ng strap, ang mga walang sira ay pwedeng pagparesin upang magamit uli, kahit pambanyo lamang, pangloob ng bahay, o pangtrabaho sa garden. Ang apakan na goma ng mga kapares na napigtalan ng strap ay maaaring gamiting kalso ng mga paa ng silya o mesa upang hindi makagasgas sa sahig na tiles. Ang usok ng sinusunog na goma ay isa sa mga nakakasira sa lambong ng kalawakan o atmosphere, kaya makakatulong ang nabanggit kong pag-recyle upang maiwasan ito.

Ang mga lumang libro at magasin ay mura lamang kung bilhin ng mga junkshop dahil turing sa mga ito ay “reject”. Ilang beses na rin akong nakatiyempo ng mga lumang Bibliya sa mga junkshop na ang turing ay “reject” din. Mas mapapakinabangan ang mga ito ng mga NGO na ang adhikain ay tumulong sa mga batang kalye na gustong matutong magbasa at magsulat subalit hindi nakakapasok sa eskwela. May mga NGO rin na nagmimintina ng library upang magamit ng mga estudyanteng kapos sa budget. Hindi naman siguro masyadong kapaguran ang mag-browse sa internet o sa telephone directory upang makahanap ng magustuhang NGO na maaaring pasahan ng mga nasabing ididispatsa nang mga babasahin. Pwede silang pakiusapang pumik-ap ng mga naipong mga libro sa bahay ng mga nakaipon nito.

May ibang nagtuturing na basura sa mga bagay na pinagsawaan na nila. Sana, magbago ang pananaw ng mga taong may ganitong ugali. Buksan sana nila ang kanilang mga mata at lawakan pa ang kanilang pang-unawa upang mabigyang pansin ang kanilang kapwa na hindi naging mapalad na magkaroon ng kahit na kapiranggot na kaginhawahan sa buhay. At, sa pamamahagi nila ng kanilang pinagsawaan, nakakatulong pa sila sa pagbawas ng naiipong basura sa kapaligiran…na lalong malaking tulong din sa Inang Kalikasan.