Painful Ironies of Life

Painful Ironies of Life
By Celso Dapo

What cruel irony do Circumstances play,
On land and people, before Thanksgiving Day?
When men claiming Honor can feast sans shame
Having sold the Nation’s Soul, like it was just a game.
I grit my teeth at the undeserved defeat,
Compelled to take the hurt and strain in pain.
In shame the head perched flaccid and downbeat,
Because I cannot dare to express disdain.
Looking to other shores where Pilgrims landed,
Envying enlightened folks engulfed in pride redeemed.
How lucky for America to have Barrack Obama.
While we, still the Indio –
…can only have Arroyo!

Leeg mo, o Leeg ko….leeg mo na lang! (nang bitawan ni Pnoy si Purisima)

Leeg Mo, o Leeg Ko
…Leeg mo na lang!!!!
ni Apolinario Villalobos

Nasaan ngayon ang “tapang” ng Presidente ng Pilipinas? Akala ng marami ay ayaw niyang bitawan ang BFF niyang si Purisima, subalit ngayon ay tone-toneladang sisi ang ibinabagsak niya dito dahil sa kapalpakang nangyari sa Mamasapano na nagresulta sa pagkamasaker ng 44 na SAF commandos. Ginamitan niya ng teknikalidad si Purisima dahil nakialam daw ito maski suspendido. Alam na ng lahat iyan. Dapat maging original naman sila sa Malakanyang. Sino ba ang nagpatawag kay Purisima sa Malakanyang? Sino ba ang nagbigay dito ng lakas ng loob upang sabihan nito si Napeῆas ng “ako na ang bahala sa dalawa” na ang tinutukoy ay ang OIC ng PNP at namumuno ng AFP? Bakit ngayon lang nagsalita si Pnoy tungkol dito?

Nagteknikalidad na rin lang sila sa Malakanyang, sana ay nilubos na nila upang kung kulang pa ang paghugas-kamay ni Pnoy laban kay Purisima ay maituturo rin si Napeῆas na may sala dahil “sumunod” ito sa “payo” ng isang suspendidong opisyal, kahit hepe pa niya. Puwede pa siguro nilang ihabol sa isang presscon.

Ang nakakahiya ay “kinain” ni Pnoy ang buong tapang niyang pag-ako ng responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano, nang magsalita ito sa isang interbyu. Dahil sa ginawa niyang paghuhugas-kamay, lalong nakulapulan ng kahihiyan ang pangalan ng kanilang pamilya. Kaya pati tuloy mga kilalang kamag-anak ay ikinahihiya siya. Kulang ang salitang “nakakahiya” upang i-describe ang ginawa ni Pnoy. Ang dapat na salita ay “nakakamatay-sarili” (bagong salita ko yan na ginawa ko, regalo ko kay Pnoy).

Ngayon, saan ang pinagmamalaki naman ni Purisima na “friendship” nila ng Presidente, na kapalit ng pagligtas “daw” niya dito sa isang kapahamakan? Sino ngayon ang naiwang nakanganga at nakatunganga? Hindi na bago ang katotohanang, sa mundo ng showbiz at pulitika ay walang permanenteng kaibigan…at dapat ay alam ito ng lahat na sumasawsaw sa pulitika. Hindi na pakitang-tao o drama ang ginawang pagbitaw ni Pnoy kay Purisima kaya dapat ay matauhan na siya o maudlot at gumising mula sa isang mala-fairy tale na panaginip!

Kung noon pa man sanang hindi pa malala ang mga pagpuna kay Purisima, subalit marami na ang nanawagan sa kanyang pagbitaw at sinunod naman niya, ngayon sana ay sitting pretty na lang siya sa mansion niya sa Nueva Ecija. Talagang mahirap dumikit sa dingding na ampaw dahil mabubutas ito at ang dumidikit ay lulusot!

May pag-asa pa naman yata si Purisima. Labanan din niya ng teknikalidad ang ginawa sa kanya ni Pnoy. Mas marami pang kakampi sa kanya kung gagawin niya ito dahil marami na ang galit sa Presidente at kahit saang anggulo titingnan ay talagang hindi pwedeng balewalain ang “command responsibility” sa mga nangyaring pakikipag-ugnayan niya dito na humantong sa Mamasapano massacre. Subalit….yan ay kung matapang si Purisima! Paano kaya kung lumapit si Purisima sa mga kilalang kamag-anak ni Pnoy at hingan ang mga ito ng tulong?…tanong lang ito, ganyan naman kasi ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas – baligtaran….nakakasuka!!!

Ang Pagtitiwala sa Kapwa ay Pagbibigay ng Pag-asa

Ang Pagtitiwala sa Kapwa
Ay Pagbibigay ng Pag-asa
Ni Apolinario Villalobos

Marami tayong nakikitang palaboy sa ating paligid na kalimitan ay hinuhusgahang mga tamad. Ganoon din ang mga nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton na tinitingnan ng karamihan na pasanin ng lipunan. Subalit ang hindi alam ng marami, ang mga taong ito ay nagsisikap kaya namumulot ng mga mapapakinabangan pa sa basurahan, sa halip na manghingi sa ibang tao o magnakaw. Ang ibang nakausap kong nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton ay may mga trabahong matino, maliit nga lang ang sweldo na wala pa sa minimum. At ang pinakamasakit pakinggan mula sa kanila ay ang hinanakit na hindi sila pinagkakatiwalaan, kaya ang iba ay talagang hindi makahanap ng trabaho.

Mapalad ang mga taong halos mawalan na ng pag-asa sa buhay subalit may nakikilalang tao na handang tumulong nang walang kundisyon o kapalit. Tulad na lang ni “Gilbert” na humiwalay sa asawang lulong sa bawal na gamot at ayaw paawat sa bisyong ito. Ang ginawa niya ay binitbit ang nag-iisang anak at pinaalagaan muna sa magulang at siya naman ay nakipagsapalaran kung saan-saang lugar upang kumita gamit ang kanyang kaalaman sa pagkarpentero, hanggang makarating sa Cavite. Napasama siya sa mga kontratistang gumagawa ng bahay subalit maliit lang ang mga proyekto kaya ang kita niya hindi rin halos sapat sa kanyang pangangailangan lalo pa at nagpapadala rin siya ng pera sa kanyang magulang upang magamit sa kanyang anak.

Napadpad siya sa aming lugar at sa simula ay nakitira sa isang malayong kamag-anak at nakihati sa mga gastusin sa bahay. Subalit ang nangyari, hindi rin pala mapagkatiwalaan dahil ninanakawan pa siya, at palaging ginigipit sa kanyang bahagi sa mga gastusin kaya napilitan siyang magsangla ng kanyang mga gamit sa pagkakarpintero.

Sa puntong ito, tiyempong may pinagawa sa kanya ang magkapatid na naisulat ko na noon at ginawan ng tula na ang pamagat ay “Ang Dalawang Babae ng Maragondon”. Ang nakakatanda sa kanila, si Emma ay may carinderia, at ang nakababatang si Baby naman ay tumutulong sa kanya. Sa kabila ng pagiging single parent in Emma ay naitataguyod niya ang bunsong anak, at si Baby naman ay tumutulong din sa pagpapagamot ng kanyang asawa na dina-dialyis dahil sa sakit sa bato.

Hindi nag-atubiling tumulong ang magkapatid kay “Gilbert” nang malaman nila ang kuwento ng buhay nito. Ang nakita nila ay ang pagsisikap na ginagawa ni “Gilbert” kahit ito ay kapos. Pinaalis ito sa tinitirhan ng kanyang malayong kamag-anak, kaya hinayaan ng magkapatid na habang walang naiipon at nakikitang matirhan ay pansamantalang matulog sa kubo na kinakainan ng mga kostumer nila.

Ang sabi ni Emma na natanim sa isip ko nang kausapin ko siya ay, “…kailangang matuto tayong magtiwala sa ating kapwa upang maski paano ay mabigyan sila ng lakas sa kanilang pagsisikap”. Dagdag pa niya, “…sa pagtulong, wala nang tanong-tanong pa, sa halip ay tingnan ang agarang pangangailangan nila”.

Ngayon, habang walang makitang trabahong pansamantala si “Gilbert”, naglilinis siya sa paligid, lalo na sa harapan ng carinderia. At ang kainaman, dahil kilala na rin siya ng mga kaibigan ng magkapatid, tinatawag din siya kung may ipapagawa ang mga ito sa kanilang bahay.

Ang hindi ko makalimutan sa mga sinabi ni “Gilbert” nang makausap namin ay noong hinahanapan daw siya ng pera ng kanyang malayong kamag-anak na tinitirhan, binulatlat niya sa harap nito ang kanyang mga gamit upang ipakitang talagang wala siyang pera. Nasa iisang backpack lang naman ang kanyang mga gamit dahil pinasanla na sa kanya ang kanyang mga gamit sa pagkakarpintero. Ang dagdag pa niya, “….pati nga ang iilang pirasong beynte singko sentimos na iniipon ko ay inilabas ko na”.

Sino ang hindi magtitiwala sa isang taong sa kapipilit na magsikap, ang turing sa beyte singko sentimos ay kayamanan na?….iyan ang nakita nina Emma at Baby kay Gilbert.