BULUAN…MAKASAYSAYANG KABISERA NG MAGUINDANAO ni Apolinario Villalobos

BULUAN…MAKASAYSAYANG KABISERA NG  MAGUINDANAO

Ni Apolinario Villalobos

Nasa  gitna ng kalakalan noon pang unang panahon

Na makikitid na kalsada ang nag-uugnay sa mga nayon

Mga nakatira sa baybaying dagat ng Timog Cotabato

Lumalakbay sa mga palanas makarating lang sa bayang ito.

Sambolawan na dating pangalan ng President Quirino

Naging bahagi ng makasaysayang bayan bilang baryo

Ganoon din ang Tacurong na dati ay halos lubog sa latian

Ngayon ay maunlad dahil nasa gitna ng masiglang kalakalan.

Mula sa isa pang bahagi’y nabuo ang bayan ng Columbio

Sinundan ng Lutayan na karamihang tumira’y mga Ilocano

Nabuo rin ang General Salipada K. Pendatun, hilagang bayan

At bandang huli, nabuo ang Pandag at Mangudadatu naman.

Ang umaagos na tubig mula sa lawa nito at ng Lutayan

Mga naglalakbay patungong Cotabato, ito ang “daluyan”

Nagmistulang “ugat” na dinadaluyan ng dugo ng buhay

Dahil sa mga isda, igi at kangkong na sagana nitong taglay.

Unang tinirhan ng mga taong sa Visayas at Luzon nanggaling

Naging kapamilya ng mga Maguindanao,  Pinoy na magigiting

Hindi pinagkait ang kulturang ibinahagi sa mga bagong kaibigan

Kaya natuto silang kumain ng tapay, tinagtag, bolibed at panyalam.

Kabisera  ngayon ng lalawigan ng Maguindanao, simbolo’y agila…

Ibong may angking tapang, liksi, matalas na kuko at mga mata

Umangkop sa namumunong masipag, trabaho’y sa tahimik na paraan

Matalas ang pakiramdam sa mga pangangailangan…at si ay si BAI MARIAM.

Makasaysayang Buluan ay nasa pangangalaga ng batang liderato

Maliksing kumilos,  palangiting si BABYDATS MANGUDADATU

Sa murang gulang ay nakaunawa na ng kalagayan ng mga kababayan

Kaya natanim sa puso at isip na sila ay hinding-hindi niya pababayaan.

Maraming hadlang ang sa landas ng Buluan ay nagsisilbing balakid

Subalit mga Buluanon, sa pagsagupa ng mga ito’y malakas ang dibdib

Hawak-kamay silang lahat, nagpipilit na sumulong patungo sa kaunlaran

Hangad ay maaliwalas at masaganang kinabukasan ng BAGONG BULUAN!

Note:

igi-small freshwater snail that thrives in rivers and lakes

Mangudadatu – formerly Tombao

Ang Kagitingan ng mga Sundalo sa Sultan Kudarat at Maguindanao

ANG KAGITINGAN  NG MGA SUNDALO NOONG DEKADA 70 ,  ANG 1ST MECHANIZED INFANTRY (MAAASAHAN) BRIGADE SA SULTAN KUDARAT AT MAGUINDANAO, AT SI PRESIDENTE RODRIGO DUTERTE

Ni Apolinario Villalaobos

 

Ang mga una kong naging kaibigang sundalo ay kabilang sa 12IB na naitalaga noong dekada 70, sa bayan ng Esperanza , Sultan Kudarat…. kainitan ng bakbakan sa pagitan ng “Black Shirts” at “Ilaga”.  Nasa kolehiyo ako pero nagtatrabaho na rin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naigawa ko pa ang mga kaibigan ko ng marching song na, “Ballad of the 12IB”. Noon ko unang naunawaan ang hirap na dinadanas nila para tumupad sa tungkulin na ang kapalit ay maliit na suweldo nang panahong yon.  At, yan ay sa kabila pa rin ng nararamdaman nilang pangamba araw-araw.

 

Kasama naming mga taga-DSWD ang ilan sa kanila bilang escort tuwing mamudmod kami ng relief goods sa mga evacuation center ng mga Kristiyano at Muslim. Nakita ko sila kung paanong makipagbiruan sa mga anak ng mga Muslim evacuees. Isang beses ay nakita ko ang isa sa kanilang nagbigay ng biscuit sa anak ng isang buntis na Muslim evacuee. Ang nabanggit na tanawing hindi ko makalimutan ang nag-udyok sa akin upang magsulat tungkol sa mga kagitingan ng mga sundalo noong nasa Manila na ako at nagtatrabaho  sa Philippine Airlines. Nalulungkot lang ako noon tuwing mabalitaan ko sa mga dating kasama sa DSWD ang pagkamatay sa bakbakan ng mga kaibigan naming mga batang-batang  sundalo.

 

Naulit ang pakikipagkaibigan ko sa mga sundalo noong 2018, nang makilala ko ang mga nakatalaga sa 1st Mechanized (Maaasahan) Brigade sa Camp Bienvenido M. Leono, Kalandagan, Tacurong City na noon ay nasa pamumuno ni BGen. Bob Dauz nang magdaos sila ng isang mahalagang okasyon. Nasundan  ito ng isang proyekto na isinagawa ng mga empleyado ng  Fitmart Mall – ang pagtanim ng mga puno sa paligid ng kampo.  Nakikiisa rin ang mga kasundaluhan ng nasabing kampo sa LGU ng Tacurong tuwing maglinis ng mga kanal sa paligid ng lunsod.  Maganda ang naging epekto ng mga ginawa ng mga sundalo ng 1st Mechanized Brigade dahil  mula noon, nawala ang kaba ng mga taga-Tacurong  kahit may makitang armored car o military truck na puno ng mga sundalo na dumadaan sa lunsod. Ang nasabing brigada ay nasa Camp Bienvenido B. Leono, Jr. mula pa noong March 1, 2017.  Malaking tulong ang nagawa ni Bogz Jamorabon, hepe ng CDRRM-Tacurong City upang magamit ng brigada ang lupaing pinagkaloob ng dating mayor ng lunsod na si Lina Montilla.

 

Mapalad ako dahill nakilala ko si Maj. Rolando M. Ocharan, Jr.  na itinalaga bilang CMO Officer ng 1st Infrantry (Maaasahan) Brigade na nakitaan ko ng sipag sa pagpapakalat ng mga impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng brigada upang lalong maunawaan at masuportahan sila ng mga mamamayan ng mga probinsiya ng Sultan Kudarat at Maguindanao.  Magaling siyang sumulat at malinaw ang mga pagkakaulat ng mensahe kaya madaling maunawaan ng nagbabasa.

 

Mula sa mga ulat na nilathala ni Maj. Ocharan, Jr. batay sa kautusan ng nakatataas sa kanya, nalaman ko noong si BGen. Bob Dauz ay pinalitan ni BGen. Efren D. Baluyot bilang pinuno ng Camp Leono,  at nagpatuloy sa pagsilbi sa 6 na bayan at isang lunsod ng Sultan Kudarat at 7 bayan ng Maguindanao bilang bahagi ng “Development Support and Security Operations (DSSO) ng brigada.

 

Sa ngayon, ang 1st Infranty (Maaasahan) Brigade ay inilipat sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao at nasa pamumuno  ni Col. Jesus Rico D. Atencio. Si  BGen. Efren P. Baluyot naman ay itinalaga bilang Assistant Division Commander, Armor (Pambato) Division ng Philippine Army. Samantala, ang 601st Infantry Brigade sa pamumuno ni  BGen. Roy M. Galido ang nasa Camp Leono, Kalandagan, Tacurong City, sa kasalukuyan.

 

 

 

Ang sakrispisyo ng mga sundalo ngayon ay nabigyan ng angkop na pagkilala ni Presidente Rodrigo Duterte na ang isa sa mga unang ginawa ay pagpapalaki ng kanilang sahod. Kung noon ay may mga pangangatiyaw na  lumalabas sa internet na mga larawan ng combat boots na nakanganga at halos punit-punit na uniporme dahil sa kakapusan ng budget kaya hindi agad nakakabili ng supply, ngayon ay  matitikas na ang mga sundalo dahil maagap nang natutugunan ang kanilang pangangailangan.  Ang tiwala at pagkilala sa mga sundalo na ibinigay ng president ng Pilipinas ay sinuklian naman nila ng kasipagan at sigla sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa bayan….SAMANTALA, ANG HANGAD NAMAN NILA MULA SA MGA KABABAYAN AY RESPETO, SUPORTA AT  TIWALA.

 

The BBGM Hotel and Coffee Shop in Buluan (Maguindanao, Philippines)…by Apolinario Villalobos

The BBGM that looks cool from the highway may just be perceived as just a simple structure but it proves to be a big surprise as one steps inside the hotel that offers bed and breakfast and the coffee shop beside the water refilling station. I consider the four-letters as a pride of Buluan, Maguindanao….

Buluan Lake…smiles and homes on stilts (Buluan, Maguindanao, Philippines)

Buluan Lake…smiles and homes on stilts

by Apolinario Villalobos

 

The lake is a few minutes from the town of Buluan in Maguindanao province in the Philippines.

 

Fascinating Buluan Lake (Buluan, Maguindanao, Philippines)

FASCINATING BULUAN LAKE

(Buluan, Maguindanao)

 

By Apolinario Villalobos

 

My jaunt to Buluan Lake yesterday, December 12,  was decided when a blackout cut short my blogging on the patronal fiesta of President Quirino (Sultan Kudarat). Rather than sit it out for the return of the power to keep me going again, I decided to go somewhere else, despite the scorching heat of the high noon sun. I finally I contracted Dagul who at the time was driving a single “habal-habal” motorbike to bring me to the fish port of Buluan. I was lucky to have been driven by Dagul because I found out that he was familiar with the area as he told me that he used to deliver bamboo poles to clients within the vicinity.

 

On our way to the lake, Dagul was narrating his adventures around the area as far as Tulunan where he met new hospitable friends. He told me about the friendly residents of Maslabing and he was right as those we met along the way, returned the smile I gave them and waved back to me as we drove on along the concrete road that sliced through the African palm plantation. What made me more interested about the area was how the locals are making use of solar panels to light their homes. And, what  caught my attention are the clean yards, some with flowers and shrubs.

 

I knew that we were approaching the lake when I could only see the empty horizon ahead of us. And, when we finally reached our destination, I was surprised by its expanse with portions dotted by colonies of water lily. The homes on stilts brought back memories of Taluksangay in Zamboanga that I visited decades ago. What delighted me were the friendliness of the locals. Every time I asked permission to take their photos and their home, they readily agreed after listening to my explanation that I was promoting Buluan and that I would like to spread the news that their place is nice. I added that during the INAUL FESTIVAL, visitors could visit their place to see the lake and have snacks in their convenient stores or sari-sari store.  I told those who owned small carinderias that they should maintain cleanliness to the best they can so that visitors would come back for more of their deep-fried taruk and tilapia.

 

I found half-finished slim and long bancas in some homes, aside from fish traps and black fish nets. Some resourceful residents cook “binignet” a kind of powdered rice porridge with banana. In another home, I found a mother with her  purple-colored cake to be peddled at the wharf.  I was told that in a few hours the first batch of harvested tilapia would be coming in which could be the reason why I saw styro boxes and obvious traders, regretfully, I could wait for it because I still had two places to visit….but definitely I will be back.

Mula sa Pagko-konduktor, naging Konsehal – COUNCILOR MUNDO M. AYOB

MULA SA PAGKO-KONDUKTOR, NAGING KONSEHAL

…Datu Paglas Municipal Councilor, MUNDO M. AYOB

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakabilib na malamang ang soft-spoken at palangiti na nakita kong kumakain kasama ang pamilya sa isang pastilan ay isa palang Konsehal ng bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao. Ang una kong napansin ay ang anak nilang simpleng kumain ng pastil na walang ulam. Sumunod na kumain silang mag-asawa na ang inulam lang ay tortang talong at nilagang itlong. Nalaman ko na lang na konsehal pala ang nakasuot ng kopya na nagpahiwatig na nakarating siya sa Mecca ng sabihin sa akin ng hipag pala niyang may-ari ng pastilan.

 

Lalo akong nagulat nang pagkatiwalaan niya ako ng kuwento ng kanyang buhay na nakaka-inspire. Ayon sa kanyang hipag ay hindi tinapos ni Konsehal Mundo ang kanyang high school dahil nagtrabaho siya bilang konduktor ng mga pampasaherong sasakyang may biyaheng Tacurong-Kabacan. Ang dahilan ng kanyang pagtigil sa pag-aaral at pagkonduktor ay ang dalawang nakababatang kapatid na babae na tinulungan niyang makatapos sa pag-aaral. Bukod sa pagko-konduktor ay nagtanim din siya ng palay sa kalahating ektarya nilang bukid.. Ikinuwento niyang iisa ang ginagamit niyang t-shirt sa pagko-konduktor. Pag-uwi niya sa gabi ay nilalabhan agad niya para maisuot sa umaga kahit medyo basa pa. Dahil sa kanyang pagsisikap ay nakatapos ang kanyang mga kapatid at ngayon ay maganda na ang mga kalagayan sa buhay.

 

Ang asawa ni konsehal Mundo ay si Noria na hindi rin nakapagtapos sa pag-aaral pero bihasa o magaling sa Arabic. Sa kabila niyan, dahil sa pagsisikap ay umasenso sa pag-negosyo. Nagtutulungan silang mag-asawa sa pagpalago ng kanilang mga negosyong dalawang bakery at isang grocery. Pinagmamalaki din ni konsehal Mundo na ang kanilang panadero ay isang Ilonggo na galing pa sa Zamboanga. Ang bunsong anak na si Zam ay tinuturin naman nilang “hajj baby” dahil nabuo siya noong panahong sila ay nag-pilgrimage sa Mecca.

 

Binanggit ni konsehal na nang ikasal ang kanyang anak na babaeng si Surayna sa The Farm, isang high-end na restaurant sa Koronadal ay nai-feature ang okasyon ni Jessica Soho sa kanyang programa sa TV.

 

Inimbita niya akong pumasyal sa kanila sa Datu Paglas nang malaman niyang interesado akong i-blog ang bayan ang mga karatig na mga barangay nito. Siguradong pupunta ako sa kanila dahil nasimulan ko na rin ang pagsulat tungkol sa Buluan na madadaanan papunta sa kanila.

 

BULUAN (tula or Filipino poem)

BULUAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sinapupunan ng kulturang Magindanaw

Emperyong maharlika na malawak ang saklaw

Kutabato na sa kasaysayan ay malalim ang tatak

Dahil katapangan ng mga ninuno ay ‘di mahahamak.

 

Magandang buhay, bigay ng lawa at ilog

Mga dalag, tilapia, bagtis, taruk na malulusog

Mga biyaya na bigay ni Allah, hindi ipinagdamot

Pinapasalamatan kahit minsan, huli’y kakarampot.

 

Mayamang kulturang sa INAUL ay ipinakita

‘Di lang ang bansang Pilipinas dito’y humanga

Kahit sa ibang sulok ng mundo ito ay napansin din

Napagtagumpayan na sa katagalan ay isang hangarin.

 

Naging tahanan ng mga Ilokano at Bisaya

Sinundan ng ibang may hangaring guminhawa

Hindi naman pinagkaitan ng mga ninunong datu

Pagkakataon na nakita rin ng mga dumayong Tsino.

 

“Ina” na maituturing ng Tacurong at Quirino

Malawak na bayang nagbigay-buhay sa mga ito

Katotohanang kinikilala ng mga mamayan ngayon

Hindi kalilimutan sa lahat ng pagkakataon at panahon.

 

Oh, Buluan, sa iyo kami ay nagbibigay-pugay

Ang masambit ka, nagpapasigla sa aming buhay

Napadako man kami sa iba’t ibang lunsod at bayan

Ugat ka pa ring maituturing na aming pinanggalingan!