BJ Calawigan Aganus: Ang “Cool” na Chairman ng Barangay Real Dos, Bacoor City

BJ Calawigan Aganus: Ang “Cool” na
Chairman ng Barangay Real Dos, Bacoor City
Ni Apolinario Villalobos

Ang pinakamahirap na isulat ay tungkol sa isang tao, lalo pa at buhay pa ito, dahil ang isang maling salita na mababanggit ay lilikha na ng malaking reklamo o di naman kaya ay pagtatampo. Subalit iba kung ang buhay ng taong gagawan ng kuwento ay nasubaybayan na mabuti ng magsusulat. Kaya sa katulad ni BJ Calawigan Aganus na ngayon ay Chairman ng Barangay Real Dos, ng Bacoor City, Cavite, ako ay kampante dahil maski papaano ay nasubaybayan ko ang kanyang paglaki.

Mula pa noong kanyang kabataan ay hindi nagbago ang ugali niyang mapagpakumbaba at may mahinahon na boses, walang angas o yabang. At lalong higit ay magalang sa mga nakakatanda. Dumadayo siya sa aming subdivision upang maglaro ng pingpong sa Multi-purpose Hall, dahil wala pa noong basketball court, at ang subdivision naman nila ay bagong developed pa lamang kaya ang ibang bahagi ay bukid pa rin. Ang pinakamalayong narating nila ng kanyang mga kabarkada na taga-amin din ay ang bukid sa bandang silangan ng aming subdivision. Sa lugar na ito kasi ay maraming gagamba, at may maliit na sapang maraming tilapia, hito at dalag. At sa pagkakaalam ko, kahit na may hitsura siya o porma, hindi siya ang tipong mahilig manligaw. At ang pinakamahalagang alam ko tungkol sa kanya ay ang pagtrabaho niya sa murang gulang kaysa maigugol sa barkada ang kanyang panahon. In fairness sa kanya, hindi pa rin naman nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang mga kababata at mga kabarkada kahit ngayong Barangay Chairman na siya.

Lumaki siya sa isang tahanan na ang pinairal ay respeto at disiplina, lalo na’t ang kanyang ama, si Cesar ay sumasakay sa barko at kung “bumaba” upang magbakasyon ay sa loob ng isang buwan lamang. Dahil sa ganoong sitwasyon, naipairal ng kanyang ina na si Sophie ang disiplina na dinala ni BJ hanggang ngayong may sarili na siyang pamilya.

Sa gulang na halos dalawampu’t apat na taon pa lamang ay nahirang siyang isa sa mga Konsehal ng Real Dos, ang pinakabata sa konseho. Nakitaan siya ng tiyaga hindi lang ng kanyang mga kasamang opisyal. Kaya sa pagtapos ng termino ng Barangay Chairman na si Vill Alcantara, ay hindi na pinagtakhan ang kanyang pagtakbo dahil na rin sa pambubuyo ng mga taong may tiwala sa kanya. At, tulad ng inaasahan, siya ay nanalo bilang Barangay Chairman.

Ngayon, sa gulang na halos tatlumpo’t dalawa, pinipilit ni BJ na magampanan ang mga responsibilidad ng isang Barangay Chairman sa kabila ng kaliitan ng badyet dahil ang Barangay Real Dos ay siyang pinakamaliit sa sukat at badyet sa buong Bacoor. Maraming problema ang barangay na ibinahagi niya sa pinakahuling balitaktakan na nangyari para sa lahat ng nasasakupan noong ika-21 ng Marso. Buong pagpakumbaba siyang humiling ng pang-unawa sa mga nakadalo. Ang mga lumabas namang mga komento at tanong ay buong hinahon at pagpakumbaba pa ring kanyang sinagot. Katulong niya sa pagpaliwanag sina Kagawad Elena Diala at Kagawad Pojie Reyes na may mga nakatalaga ding proyekto para sa barangay.

Sa naturang miting, hindi naiwasang may maglabas ng mga hiling para sa kani-kanilang subdivision. Upang maipaabot sa mga ka-barangay ang kanyang pagiging patas, ang hindi ko makalimutang sinabi niya ay: “may hiling din nga po ang nanay ko para sa kalye namin, pero hindi ko pinagbigyan dahil mas gusto kong unahin ang iba na mas nangangailangan”. Ang linyang yon ang nag-udyok sa aking gumawa nitong blog. Naalala ko ang kasabihang naging popular noong panahon ni Marcos na “what are we in power for” at noong panahon ni Erap Estrada na “weather, weather lang yan” na ibig sabihin ay “ panahon namin ngayon… hintayin ninyo ang panahon ninyo”. Nagbigay inspirasyon sa akin ang sinabi ni BJ, dahil naisip ko na sa panahon ngayon, meron pa palang opisyal ng gobyerno na hindi korap.

Tadtad ng akusasyong may kinalaman sa korapsyon ang gobyerno, at hindi madali ang maging opisyal dahil iisipin agad ng ibang ikaw ay korap din. Alam ni BJ ang kanyang pinasok. Sarado Katoliko ang kanyang pamilya. Sa pakipag-usap ko sa kanyang nanay, nabanggit nito na ang unang paalala niya sa kanyang anak ay ang pag-iwas sa anumang bagay na ikasisira ng pangalan nila, na ibig sabihin ay huwag na huwag niyang idildil ang kanyang daliri sa mga bagay na may kinalaman sa korapsyon. Idiniin niya ang paalala sa pagsabi na kung ganoon din lang ang mangyayari, mabuti pang bumaba na lang siya sa puwesto.

Mapalad si BJ si pagkaroon ng asawa na siyang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon, si Kat Ramos, tubong Cavite. Ang nanay naman niyang tubong Tigbauan, Iloilo, bukod sa malambing ay masikap din kaya nagtugma ang mga ugali nila ng kanyang manugang na masinop din sa buhay. Ang tatay naman niya ay tubong Batac, Ilocos Norte – isang Ilocano, kilala sa pagiging maingat sa paghawak ng pera na malamang ay namana rin ni BJ.

Katuwang ni BJ ang mga hindi nagrereklamo at masisipag ding kagawad ng Barangay sa kabila ng maliit nilang allowance na kulang pang panggastos sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang Barangay Real Dos ay kinaaniban ng mga subdibisyong Perpertual Village 5, Luzville, Silver Homes 1 at Silver Homes 2, at ito ang pinakabagong barangay ng Bacoor, na tulad ng nasabi ko na ay may pinakamaliit na budget, kaya talagang hindi biro ang ginagawa ng mga opisyal na pagkasyahin ang anumang budget na maitalaga.

Ang pinakahuling proyektong naipatupad ng kasalukuyang administrasyon ng Barangay na una nang naihain noong panahon ni Barangay Chairman Alcantara, ay ang pagpasemento ng natitirang tatlong kalsada ng Perpetual Village 5, na ang suporta ay nakalap naman mula kay Gobernador Jonvic Remulla. Ang iba pang mga proyekto ng barangay ayon kay Chairman BJ ay ang paglilinis ng ilog na magsusuporta sa programa ng city government tungkol sa nature conservation, sanitation at beautification. Bukod pa dito ay ang paglalagay ng mga CCTV camera sa paligid ng Barangay, at ang pagpapa-igting ng mga alituntunin na may kinalaman sa seguridad at droga. Handa rin ayon sa kanya ang Barangay, magkaroon man ng baha dahil ito ay nasa tabing-ilog, at bilang patunay ay ang naka-istambay na isang malaking bangka na galing kay Mayor Strike Revilla.

Napatunayan sa Real Dos na hindi kailangang “trapo” o tradisyonal politician ang isang tao upang maging isang epektibong opisyal…at yan ay sa katauhan ng tinaguriang “Cool Barangay Chairman” – si BJ Calawigan Aganus. Ang “B” pala sa “BJ” ay Brian kaya ang buong pangalan niya ay Brian Calawigan Aganus, for the record. Ang “J” naman ay saka nyo na malalaman.

(NOTE: Hindi ako nakahingi ng abiso kay G. BJ Aganus, sa isinulat kong ito at nagdadasal na lamang ako na sana ay huwag sumama ang loob niya dahil sa pakikialam ko sa kanyang buhay.)

Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy…sabi ni de Lima ng DOJ

Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy
….sabi ni de Lima ng DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Ano ba, ate Leila?…wrong ang judgment call ni Pnoy pero sasabihin mong walang kasalanan? Wrong na nga, pero walang kasalanan? Ano yon?….nahihilo na rin yata ang magaling na kalihim ng “Hustisya”. Hindi ba dahil mali ang desisyon ni Pnoy, kaya nagkaroon ng masaker….kaya dapat lang sabihing siya ay may kasalanan? Magtiwala ba naman siya sa isang suspendidong tao na malabo pa sa tubig-pusali ang kredibilidad! ANG KASALANAN NI PNOY AY RESULTA NG KANYANG PAGKAKAMALI SA PAGGAWA NG DESISYON!…..ganoon lang kasimple ang analysis – dahil mali, may kasalanan. Hindi na kailangang maging abogado, mag-Masters, mag-Doctorate o magtapos sa kung anong mga unibersidad pa upang maisip ito. Ang desisyon ni Pnoy ay galing sa sarili niyang utak, hindi sa ibang tao, kaya hindi sana siya nagtuturo pa ng iisang tao, habang nag-aabsuwelto naman ng kanyang best friend.

Wala daw “chain of command” ang PNP sabi pa ni de Lima, dahil pang-military lang ito at ang PNP ay ahensiyang sibilyan. Ilang mga respetadong tao na ang nagsabi na ang chain of command ay kapareho lang ng “flow of responsibility” na malinaw na pinapakita ng isang organizational flow chart ng lahat ng mga ahensiya o kumpanya. Malinaw na kinausap ni Pnoy si Purisima at Napeῆas, prerogative man niya man ito na sinasabi ng iba, dapat ay panagutan niya (Pnoy) kung ano ang resulta. Bakit pinipilit ni de Lima na maging “literal”, makadulot lang siya ng kalituhan? Dapat tumigil na siya sa kanyang trying hard na approach upang magpakita ng “galing” kuno.

Ang dapat gawin ni de Lima ay payuhan si Pnoy na bigkasin naman nito nang malinaw ang pangalan ni Purisima na isa sa mga may kasalanan din, tuwing magbukas siya ng mga bibig upang magsalita tungkol sa Mamasapano masaker, hindi yong si Napeῆas na lang palagi. Hindi naman tanga ang mga Pilipino upang hindi maunawaan ang mga nangyari dahil sa dami ng mga katotohanang lumulutang, salamat sa media.

Ang mali ni de Lima ay ang panggatong niya sa isyu. Tumahimik na lang sana siya, pero atat yata sa media mileage, kaya halos hindi ina-analyze ang mga sinasabi. Pinipilit na nga ng mga Pilipinong kahit papaano ay unawain si Pnoy sa ugali nito na hindi marunong mag-sorry, nanggatong na naman siya kaya lumaki na naman ang naglalagablab na galit ng mga pilit nilang lokohing mga tao. Nagdrama pa ang Malakanyang upang maawa ang mga Pilipino kay Pnoy – may sakit daw ito….wow namang strategy yan – hindi nakuha sa panloloko ang mga Pilipino, kaya dinaan nila sa kurot sa puso!!!

Hindi daw Masaker and Nangyari sa Mamasapano…sabi ni Rosales ng CHR

Hindi daw Masaker ang Nangyari sa Mamasapano
…sabi ni Rosales ng CHR
Ni Apolinario Villalobos

Paano kaya ginawa ng CHR ang kanilang imbestigasyon sa Mamasapano? Kahit kaylan talaga, ang ahensiyang ito ay palaging wala sa tono. Ang “mis-encounter” na pinagpipilitin ni Rosales ay hindi rin katanggap-tanggap dahil maaga pa lang ay alam na ng MILF na mga pulis ang kanilang kaputukan. Hindi itinigil ng MILF ang pagpapaputok kahit ang SAF ay tumigil na dahil akala nila ay kinilala na sila ng MILF. Nang lumabas ang mga pulis mula sa taniman ng mais na nakataas ang mga kamay, pinaputukan pa rin sila. Nang bumagsak na ang mga SAF commandos, tinaggalan sila ng bullet-proof vest at pinagbabaril pa rin. May isa pang video na naging viral sa internet na nagpakita ng pagbaril sa isang SAF sa ulo nito ng malapitan. Sa kabila ng mga nabanggit, sinasabi sa report ng CHR na walang masaker na naganap!……ganyan ka-“galing” ang mga ahensiya ni Pnoy!

Sa trahedya na dulot ng bagyong Yolanda, walang ginawa si Rosales upang matulungan ang mga inaping biktima na hindi nakatikim ng tulong dahil sa kapabayaan ng mga ahensiya ng gobyerno. Hindi rin nito pinakialaman ang panloloko sa pagpapatayo ng rehabilitation facilities dahil sa paggamit ng sub-standard na mga materyales. Ang mga pagpapabayang ito sa mga inaping Pilipino ay hindi ba pagyurak sa kanilang karapatan? Bakit hindi man lang kumibo si Rosales at ang CHR niya? Dahil ba BFF niya si Soliman?

Sa Maguindanao massacre, ano ang ginawa ni Rosales? Naghuhumiyaw ang mga ebidensiya ng hindi makataong pagpatay sa mga taong inosente. Bakit hindi tumulong si Rosales sa pakikipaglaban para sa mga naulila ng mga biktima upang lalong bumigat ang kaso ng mga Ampatuan at mga kasabwat nila? Hindi ba niya naisip na kung kikilos siya, maaaring makahingi ng tulong sa international community o kasama nilang ahensiya sa ibang mga bansa upang ma-pressure ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpabilis ng paglitis na sa ngayon ay usad-pagong? Takot ba siya sa mga Ampatuan?

Bakit hindi tutukan ni Rosales ang mga overstaying na mga nakakulong sa Bilibid at iba pang kulungan sa buong bansa, na karamihan ay matatanda, ang iba ay may malalang sakit at halos mamatay na? Lumutang na ang iba sa mga ito ay natalo sa kaso dahil walang pambayad sa abogado. Bakit hindi niya “linisin” ang record ng mga pasilidad na ito upang mabawasan ang laman ng mga kulungan upang lumuwag ang mga ito? Hindi ba makataong karapatan ng mga nakakulong ang magkaroon ng maayos na kulungan kung ang gamit ng correction facilities na ito ay mabago ang takbo ng kanilang buhay tungo sa kabutihan? Malilipatan ang Bilibid sa Nueva Ecija, pero paano ang ibang kulungan? Ayaw ba niyang mag-inspection sa mga kulungan dahil nandidiri siya?

Ano ba talaga ang papel ng CHR na ang ibig sabihin ay COMMISSION ON HUMAN RIGHTS? Hanggang ngayon ay marami ang hindi nakakaunawa kung ano ang kanilang pinaggagawa. May mga sitwasyon na dapat nilang pakialaman subalit hindi nila ginagawa dahil siguro maigsi lang ang media mileage.
Ngayon, tatlo na ang mga babae sa administrasyon na friends ng MILF – sina Ferrer, Deles, at Rosales. At kung questionable performance naman ang pag-usapan, apat na silang babae….. pang-apat si Soliman.

Ang Katagang “Sorry” ay may Dalawang Kahulugan- pakikiramay at pagtanggap ng kasalanan

Ang Katagang “Sorry”
ay may dalawang Kahulugan –
pakikiramay at pagtanggap ng kasalanan
Ni Apolinario Villalobos

Kapag sinabi ng isang tao na “I am sorry”, ibig sabihin ay nasa sitwasyon siyang “sorrowful”, o sa Pilipino ay “kalungkutan”. Nangangahulugang siya ay nagsi-“sympathize” o “nakikiramay” sa taong nakadanas ng trahedya. Kaya sa pakikiramay ay pwedeng sabihing, “nalalungkot ako sa nangyari sa iyo”. Sa Ingles naman ay, “I am sorry that it happened to you”.

Ang isa pang kahulugan ng salitang nabanggit ay pag-amin ng kasalanan, pero may kaakibat na magandang kahulugan kung dudugtungan sa Ingles ng “…..it will never happen again”. Sa Pilipino naman ay, “….hindi na ito mauulit”.

Batay sa nabanggit ko, sana ay ginawa na lang ni Pnoy ang nasa unang nabanggit na paragraph. Para safe siya, pwede niyang paunahan ang kanyang sasabihin sa Ingles na “I am sorry”, at dugtungan ito ng Pilipino na, “…..talagang, nalulungkot ako sa trahedyang nangyari sa 44 na SAF commandos sa Mamasapano…..kaya nakikiramay ako sa mga naulila”. Tapos na sana ang kulitan na siya ay dapat mag-sorry. Nasabi na sana niya, pero pakikiramay ang dating, hindi pakita ng “guilt” o pag-amin ng kasalanan! Pero kahit pakikiramay ay wala yata sa bokabularyo ni Pnoy….nakakalungkot talaga!…and, I am so sorry for that!!!!

Ang nasa pangalawang paragraph naman ay talagang imposibleng masasabi ni Pnoy, dahil ang “pag-sorry dito ay dapat dugtungan ng “….hindi na ito mauulit”, na malabong mangyari. Batay sa maikling kasaysayan ng kanyang administrasyon, ni isang kapalpakan ay wala pa kasi siyang sinosorihan….kaya, sori na lang ang mga Pinoy!

Sa mga bomoto sa kanya, it is too late to say, “ I am so sorry, I did it”. Kaya ngayon, lahat ng mga Pilipino ay malungkot at nagsisisi na lang. Talagang ang pagsisisi ay palaging nasa huli!