Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Kahit malaki ang problema ng mga Pilipino dahil sa mga nangyayaring  korapsyon sa gobyerno pero iniimbistigahan pa, marami pa rin namang dapat ipagpasalamat, tulad ng mga sumusunod:

  1. Buhay pa naman tayo, ayon kay Pnoy Aquino, yon nga lang kumakalam ang tiyan dahil sa hindi pagkain ng tama sa oras…kapos kasi sa perang pambili man lang ng NFA rice o bagoong. Nakatikim na kaya si Pnoy ng kahit isang kutsarang sinaing na NFA rice?
  1. May mga siksikang bus na masasakyan tuwing pumalya ang MRT at LRT, dahil hindi naman nakamamatay ang trapik, ayon naman kay Jun Abaya na dating kalihim ng DOTC na ngayon ay may lakas ng loob na tumakbo bilang senador kaya gusto niyang iboto siya ng mga taong galit sa kanya. Subukan kaya niyang pumila sa MRT o di kaya ay maglakad sa riles papunta sa terminal kung biglang tumigil ang tren?
  1. Ang gobyerno natin ay sobrang “maluwag”, kaya aakalain mong walang pinapatupad na batas. Pero kung meron man, marami silang butas na sinadyang gawin upang maisakatuparan ng mga korap na mambabatas ang masama nilang layuning tumagal sa puwesto. Dahil dito, hindi nila ipinasa ang  “Anti- political Dynasty” Bill, hindi rin nagbigay ng karapatan sa mga mamamahayag na umusisa sa mga problema sa gobyerno kaya hindi ipinasa ang “Freedom of Information Bill”, at napakamarami pang iba.
  1. May mga nagtitiwala pa rin sa Pilipinas na mga bangko, salamat sa mga maling report tungkol sa progreso daw ng bansa, kaya tuloy pa rin ang pangungutang ng gobyerno upang may maipambili raw ng buffer stock ng NFA rice, yon nga lang ay kinukumisyunan ng mga sagad-butong kurakot na mga opisyal, o di kaya ay magamit sa pagpapatupad ng mga infra-structure projects, yon nga lang ay pinagkikitaan din ng mga nagkukutsabahang kontraktor at ahensiyang may pakana ng mga ito….at kung anu-ano pang mga dahilang paggagamitan ng inutang na dahil sa sobrang laki, hindi na kayang bayaran kahit ng mga apo natin sa talampakan.
  1. Hindi binabaha ang Maynila, yon nga lang ay kung tag-init lang kung kaylan ay marami ang nagkakaputukan ng kili-kili dahil sa kakapusan ng tubig pampaligo, kaya nagmamahalan ang tawas at deodorant. Kung tag-ulan naman, at sasabayan pa ng pag-ihi ng ang mga asong kalye, pusa, at dagang estero, lubog naman ang buong siyudad!
  1. Nakakausad pa rin naman ang bumper to bumper na mga sasakyan sa mga main roads ng Maynila, sabi naman yan ni Tolentino ng MMDA na kinarma dahil sa regalo niyang mga dancer na nagkikisay sa stage ng isang bertdey party.  Nakakausad nga ang trapik, dumadami naman ang nagkakaroon ng varicose sa tuhod dahil sa panggigigil nila sa pag-apak ng preno at selenyador, bukod pa rito ang pagkakaroon nila ng high blood pressure dahil sa sobrang inis, at sakit sa bato dahil sa pagpigil ng ihi, sa loob ng kung minsan ay apat o limang oras, bago maka-dyengel sa isang pader o poste. Yong iba pa ay natutong kumausap sa sarili upang malibang…na nakababahala naman, lalo pa at mahal ang professional fee ng psychiatrist.
  1. Lumalabas na napaka-edukado ng mga Pilipino dahil sa libo-libong nakakapagtapos sa kolehiyo at unibersidad, isang nakaka-proud na phenomenon, yon nga lang istambay ang nangyayari sa karamihan dahil walang mahagilap na trabaho, kaya nganga sila pagkatapos ng masayang graduation na may selebrasyon pang kainan sa mamahaling restoran, o halos walang tigil na inuman sa bahay.

Marami pa sana akong babanggiting dahilan, na magpapakitang wala tayong dapat ikabahala sa ilalim ng administrasyon ng sobrang bait na pangulo na gustong magpatawag ng “Pnoy”…pero huwag na lang, upang may matira naman para sa pagmumuni-muni ng mga mambabasa, lalo na kung sila ay nagpapalabas ng sama ng loob sa isang maliit na kuwartong may upuan sa gitna. Mahalaga ang mental exercise na ito. Ganyan ako ka-considerate.

Sa darating na APEC Summit, pansamantalang gugutumin ng gobyerno and mga vendors…

Sa darating na APEC Summit, pansamantalang “gugutumin”

ng gobyerno ang mga vendors…

ni Apolinario Villalobos

Talagang tumitindi na ang pagka-hindi makatao ng gobyerno at pagka- mapagkunwari nito, maipakita lang sa buong mundo na talagang “maunlad” na ang Pilipinas dahil walang makikitang vendors sa mga bangketa at mga nagtutulak ng kariton ng mga hiniwang prutas, mani, at iba pang street foods pagdating ng mga kinatawan sa APEC.

Ang gusto ng sakim na administrasyon ni Pnoy Aquino, sila lang ang kakain sa loob ng panahong nagpapayabangan ang mga kinatawan sa nasabing kumperensiya, dahil pinagbawalang magtinda ang mga vendor. Gusto rin niyang ipakita ang Pilipinas, o Maynila na siyang showcase nito, sa mga darating na delegado, na malinis at maunlad tulad ng Singapore, na isang nakakahiyang pagkukunwari, dahil alam naman ng buong mundo ang tunay na kalagayan ng bansa. Ang kailangan lang naman ay magbukas ng internet at magbasa ng mga “tunay” na report, at tumingin sa mga nakakalunos na mga larawan ng  kahirapan, at nakakasukang naglulutangang basura sa mga estero at Pasig River.

Hibang na hibang ang administrasyon sa mga sinasabing “report” na umunlad na ang bansa at pangalawa pa sa buong Asya! Napakalinaw naman na kung unawaing mabuti ang kahulugan ng isang pag-unlad, dapat ito ay napapakinabangan ng mga mamamayan ng isang bansa, subalit walang ganitong nangyayari sa Pilipinas, dahil hanggang ngayon ay matindi pa rin ang kagutuman.

Iba ang “paglalagak” sa “pamumuhunan”. Ang paglalagak ay pag-iiwan ng mga kinitang tubo ng negosyo sa isang bansa upang lalo pang mapalago. Kabaligtaran dito ang  pamumuhunan lang ng negosyante dahil ang tubo o kita ay hindi niya iniiwan, sa halip ay inuuwi niya sa sariling bansa. Kung sa agrikultura, ang bansa ay parang isang tanimang inupahan lamang…. pagdating ng anihan, ang mga naani ay hinahakot ng kung sino man ang nagtanim, at kung may maiwan man sa may-ari ng pinagtamnang lupa, ito ay kakarampot lamang. At yan ang nakikitang huwad na “kaunlaran” ng taong may makitid na pananaw.

Ang gobyerno ay may responsibilidad na mangalaga ng kapakanan ng mga mamamayan…upang mapanatili ang kanilang kaligtasan sa lahat ng oras, at lalo na, upang hindi sila magugutom. Ngunit iba ang gobyerno ng Pilipinas – mayabang na sinungaling pa, hindi makatao at pinamumugaran ng mga korap na opisyal. Sa pamumuno ni Pnoy, halos wala na ngang  maipakitang nagawa ang gobyerno, sinusupil pa nito ang karapatan ng mga naaaping mabuhay ng marangal.

Dapat itigil na ng mga Ahensiya ng Gobyerno ang mga “Kamangha-mangha” nilang Report na akala nila ay Makakabawas sa Kahihiyang ng Administrasyon

Dapat Itigil na ng mga Ahensiya ng Gobyerno

ang mga “Kamangha-mangha” nilang Report na akala nila ay

Makakabawas sa Kahihiyan ng Administrasyon

ni Apolinario Villalobos

August 25, 2015…natulig ang mga nakikinig ng radyo nang marinig ang report in Alcala, kalihim ng Department of Agriculture, na nangunguna ang Pilipinas sa rice production sa buong Asya, ibig sabihin, pati na sa mga bansa tulad ng Vietnam, Thailand, at India kung saan nagmumula ang NFA rice. Pero kailangan lang daw umangkat pa ang Pilipinas ng bigas upang “pandagdag” sa buffer stock para sa kakainin ng mga Pilipino. Ganoon na ba katakaw ang mga Pilipino? Nanguna na nga sa production kaya ibig sabihin maraming bigas, dadagdagan pa ng aangkating bigas? May mga bansa pa raw na negatibo ang production, ibig sabihin hindi natupad ang kanilang projection. Para na ring tinutulungan ng Pilipinas ang mga bansang ito sa pamamagitan ng pagbili ng bigas nila upang sila ay kumita maski papaano, ganoong ang pambili naman ay inutang lang pala, samantalang ang mga magsasakang Pilipino ay hawak sa leeg ng mga landlord nilang nagpapautang ng 5/6 sa kanila!

Sabi nga ng radio commentator na nagbasa ng report, ang sinabi daw ni Alcala “defies logic”, ibig sabihin wala sa ayos, komokontra sa lohika, wala sa katinuan, hindi maintindihan, na kung tindera ng sigarilyo sa kalye ang magtanong ay, “ano yun?”. Kung uunawain talaga ay para kasing tao na may pera naman pala ay uutang pa, maliban lang ang may intensiyong manloko!

Sa ginawa ni Alcala siguradong magsusunuran ang ibang ahensiya. Baka ang DSW ay magsabi na wala nang pakalat-kalat na rugby boys sa kalye, ganoong hantaran ang mga ito kung maghatian ng rugby, wala na ring naghihirap dahil sa cash na binibigay, at lahat ng mga biktima ng typhoon Yolanda ay may bahay na. Baka ang MMDA ay magsabi na maaliwalas na ang pagbiyahe sa mga kalye dahil hindi na sila binabaha at ang trapik ay na-erase na, kaya nasa imahinasyon na lamang. Baka ang Philippine National Police ay magreport na wala nang mga drogang binebenta dahil namatay sa overdose ang mga adik at nagpatayan ang mga drug pusher dahil sa onsehan (lokohan), at ang mga Tsinong drug lords naman ay nagsiuwian na sa Tsina o lumipat sa Timbuktu o kung saan pa, basta sa labas ng Pilipinas, at ang mga drug laboratories ay ginawang factory ng taho!

Baka ang military ay magreport na wala nang kidnapping sa Mindanao dahil ang mga Abu Sayyaf ay pinakain na sa mga pating sa Sulu Sea. Ang Department of Education naman ay mag-report na wala nang gigiray-giray na school buildings na animo ay barung-barong dahil see-through ang bubong at dingding, at lahat ng mga school buildings ay modernong two-floors, at may mga computer laboratory pa. Baka ang DPWH ay magreport na wala nang baha dahil lahat ng mga imburnal ay gawa na sa stainless steel kaya wala nang sasabit na basura para bumara, at lahat ng highway sa buong Pilipinas ay sementado na pati ang patungo sa paanan ng Mt. Apo!

Baka ang DOTC ay magreport na lahat ng isla ay may mga beacon lights na, at lahat ng mga airport ay high-tech na, lalo na ang apat na airport terminal sa Manila – na hindi na umaalingasaw dahil sa baradong toilets at kawalan ng tubig, at ang mga aircon units nila ay gumagana lahat.  Baka ang Department of Labor ay magreport na zero na ang unemployment dahil kumikita na ang mga dating istambay sa pamamagitan ng pangholdap, pandurukot, at pambugaw, kaya pati ang mga babaeng nagbebenta ng laman sa Avenida ay may trabaho na rin.  At, baka ang Department of Health ay magreport na walang nang sakit sa Pilipinas, kaya lahat ng mga Pilipino ay malulusog dahil animo ay may bola ng basketball sa tiyan at very trim na animo ay nag-zumba, dahil payat!

Iilang buwan na lamang ang natitira sa administrasyon ni Pnoy, dadagdagan pa ba ng mga iresponsableng report ang mga kahihiyang ga-bundok na ang taas na naipon mula pa noong unang araw ng kanyang panunungkulan? Nasadlak na ang presidenteng tingin ng marami ay walang binatbat, dadagdagan pa ba ang kirot mula sa mga masasakit na parunggit, ng mga “trying hard” at mga halata namang kathang-isip na mga report? Nasaan ang puso ng mga taong itinalaga ng “kawawang” pangulo sa mga puwesto na ang tingin sa kanilang kinaluluklukan ay oportunidad upang magkamal ng biyaya? Nasaan ang konsiyensiya ng mga taong pinagtatakpan ng “kawawang” presidente na akala pa naman ay magaling siya dahil ang mga itinalaga niyang mga tao ay matatalino din tulad niya?

Dapat magkaisa ang mga taong namamahala ng mga ahensiya upang tulungan ang “kawawang” presidenteng nagtalaga sa kanila…magsama-sama sila gaya ng kasabihang: “birds of a feather flock together”! Ang tanong ay ano ang gagawin nila?…ang sagot naman…tumahimik na lang sila, dahil “less talk, less mistake”!

Hindi naman bulag ang mga Pilipino upang hindi makita ang mga nangyayari sa kapaligiran…kaya hindi dapat mag-alala ang presidente, nauunawaan siya ng mga Pilipino. Hindi siya nag-iisa sa pagtahak sa kanyang “matuwid na daan”…marami silang kasama niya.

The 2016 Philippine Presidential Election…could be the worst

The 2016 Philippine Presidential Election

…could be the worst

By Apolinario Villalobos

In the eyes of the ordinary Filipino, the 2016 Philippine Presidential election will be “bloody” and full of frauds, aside from very expensive due to the expected massive vote-buying that will happen. The following are the reasons why:

  • Roxas, Pnoy’s bet must win so that he (Pnoy) will be assured that his cases and planned suits will not prosper. If Roxas wins, he will find his hands full of indebtedness to people, aside from Pnoy, who wanted him to sit as president so that they can go on with their corrupt practices, by virtue of manipulation.
  • Binay must win so that his graft cases will not prosper, especially, if the corrupt congressmen who stand as the majority in the Lower House will cross over to his side of the fence. Binay’s success will also signal the victory of Enrile, Jinggoy Estrada and Bong Revilla, who may even be granted “temporary” release from their detention, and Pnoy will have his share of humiliating court appearances.  Binay might even be supported by militants who are observably very silent when it comes to issues against him.
  • If Poe wins, both Pnoy and Binay will surely spend days in court to defend themselves for graft cases filed against them. The only hope of Poe is the united stand of the different Christian churches. Militants will definitely not support her. If, the Roxas camp will be split at the last minute in her favor, she will have a chance of winning. Those from the Roxas camp who will support her, are the “trapos” (traditional politicians), who will again change their color, hoping that they can control the inexperienced Poe, hence, continue in pursuing their selfish motives which stinks of corruption.

Because of the above situations, both the Roxas and Binay camps will exert deadly effort, though separately, to discredit Poe. The Roxas camp will do it very subtly, while Binay’s will be severe, touching even on trivial matters, such as Poe’s adoption, which it is doing now. But, the bitter fight shall be between Roxas and Binay.

The campaign season will make the electorate temporarily rich because of the expected flood of cash, although, some bills shall be bogus or fake, as usual. Electoral campaigns shall be characterized by cash dole-outs even in broad daylight, without fear or timidity. Most alarming, though, is that the people behind the “hello Garci” scandal are still lurking in the COMELEC!

The Commission on Election is expected to play “helpless” on election-related problems due to their claim for inadequate facilities and staff, as their way of washing their hands every time problems crop up during election. Expect, too, finger-pointing on the foreseen failure of vote-counting due to breakdowns of the already inadequate computers.

Worst, there may be attempts to declare a failure of election and a military take-over. The forthcoming election is expected to be chaotic because honor and integrity of the families concerned, except that of Poe’s, are at stake!

Sa True State of the Nation Address (TSONA) ni Binay, Totoo ang mga Inireport niya subali’t hindi siya angkop bilang taga-akusa

Sa True State of the Nation Address (TSONA)

Ni Binay, Totoo ang mga Inireport niya

Subalit hindi Siya Angkop Bilang Taga-akusa

Ni Apolinario Villalobos

Totoo ang mga ibinentang ni Binay sa administrasyon subalit hindi siya ang tamang tao na dapat ay nag-aakusa, dahil siya mismo ay inaakusahan din ng korapsyon. Kaya sa ginawa niya, nangyari sa kanya ang kasabihang, “habang itinuturo o dinuduro ng isang tao ang kanyang kapwa ng isang daliri, tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya”.

Mas maganda siguro kung naging totoo na lang si Binay sa pagbanggit na siya ay inaakusahan din subalit hindi kasingbigat ng mga inaakusa ng taong bayan sa administrasyon. Ang akusasyon kasi sa kanya ay nakapaloob sa lunsod ng Makati at may dagdag na “kapirasong” lupaing pang-asyenda lang naman ang sukat sa Batangas, hindi tulad ng sa administrasyon na buong kaban ng bayan ang sangkot, na dinagdagan pa ng pagkamanhid ng presidente daw. Sa ginawa niyang TSONA, gusto ni Binay na palabasing siya ay malinis subalit ang mga taga-administrasyon, lalo na si Pnoy ay marumi…bagay na hindi tanggap ng mga Pilipino.

Tulad ng inaasahan, kinontra ng Malakanyang ang mga sinabi ni Binay na ang ibang mga binanggit nito ay “sarado” na daw, subalit, bagay namang hindi pa rin tanggap ng taong bayan. Kung dinagdag ni Binay ang kaso ng Maguindanao massacre ay mas gumanda siguro ang kanyang paglalahad. Nag-aalala kaya siya na mawalan siya ng boto mula sa angkan ng mga Ampatuan sa Mindanao na hanggang ngayon ay namamayagpag pa at nagkokontrol pa rin ng malaking bahagi ng Cotabato? Kung ganito ang pinapahiwatig niya, ano ang kahihinatnan ng kaso kapag siya ang manalo bilang presidente?

Hindi rin binanggit ni Binay ang tungkol sa West Philippine Sea. Sa isang panayam sa kanya ng isang radio station sa Mindanao noon, pahapyaw niyang pinahiwatig na ang Tsina ay may kakayahang mag-develop ng karagatan ng West Philippine Sea dahil may pera ito. Para na niyang sinabi na makipagtulungan na lang ang Pilipinas sa gusto ng Tsina.

Namutiktik sa “foreign investment” ang TSONA ni Binay, na kailangan daw ng bansa sa pagsulong nito upang umunlad, at idiniin pa ng adbokasiya niyang baguhin ang Saligang Batas upang umayon sa kagustuhan ng mga banyagang may balak na mamuhunan sa bansa. Para na rin niyang sinabi na hayaan na lang sa mga banyaga ang pagpatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Yan ba ang gusto ng mga Pilipinong maging presidente ng Pilipinas? ….isang taong may balak na mag-isantabi ng nasyonalismo at dangal ng lahi dahil sa pera na hindi rin sigurado kung matatamo nga dahil sa umiiral na lokohan sa mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa?…isang taong hindi makatingin sa salamin upang malaman kung may dumi siya sa mukha o wala bago magpuna ng dumi sa mukha ng iba?

“Mr. President, may nakalimutan po kayo sa inyong talumpati….” tungkol ito sa huling SONA ni Pnoy

“Mr. President, may mga nakalimutan po kayo

sa inyong huling talumpati…”

ni Apolinario Villalobos

“Kung ang State of the Nation Address o SONA, sa Pilipino ay talumpati tungkol sa tunay na kalagayan ng bansa, marami po kayong nakalimutang banggitin, Mr. President. Ang mga nabanggit ninyo kasi ay tila hindi tumutugma sa tunay na kalagayang nakikita naming mga boss ninyo. Kaya bilang boss ay nagtatanong ako… kami. Kungbaga sa office, “pinag-eexplain why” po namin kayo, dahil ang ganoong sitwasyon ang gusto ninyo, hindi po ba? Paano namin mauunawaan ang dinadanas ninyong hirap bilang presidente ng isang bansa na umaapaw sa dami ang mga korap na opisyal kung kayo mismo ay nagsasabi na walang problema? Maisasaing ba namin ang papel na may mga numero na nagsasabing umangat ang kalagayan ng bansa? Maaari ba namin itong ipa-xerox upang mapalitan ng pera?

Mr. President, hindi ba lumalala ang problema ng droga kaya maski nakakulong na ang mga drug lords ay nakakapag-operate pa rin? Hindi ba problema ang kawalan ng mga gamot sa mga ospital at klinika ng gobyerno, maski pa sinasabi ninyong lumawak ang sinakop ng Philhealth? Hindi ba problema ang lumalalang trapik dahil sa hindi makontrol na pagdami ng mga sasakyan ganoong hindi naman nalalaparan o nadadagdagan ang mga kalsada? Hindi ba problema ang hindi pagpansin ng mga telcom servers tulad ng Smart at Globe sa lumalalang problema sa kanilang signal na hindi nila inaayos sa kabila ng warning ng gobyerno, kaya para na rin nilang niloloko ang mga kawawang customer na walang magawa dahil wala silang choice?

Hindi ba problema ang baha? Hindi ba problema ang pagkakaipit ng matataas na presyo ng bigas kaya hindi bumaba sa dati nilang lebel? Hindi ba problema ang kawalan ng trabaho pagkalipas ng limang buwang kontrata, kahit pa sinasabi ninyong maraming negosyo sa Pilipinas? Kaya ang nangyayari, sa loob ng limang buwan ay masaya dahil may makakain pa…pero pagkatapos ng limang buwan, buong pamilya, kumakalam ang sikmura at nakanganga! Ang paghukay ba ng lupa na may mineral upang hakutin sa ibang bansa ang tinatawag ninyong investment ng mga dayuhan?

Bakit hindi ninyo binanggit ang Freedom of Information Bill na kung ilang taon nang nabagoong, ganoong wala naman kayong dapat katakutan dahil hindi naman kayo korap…sabi nyo yan, di ba? Ayaw ba ng mga kaalyado ninyo dahil natutumbok sila? Bakit wala man lang kayong nabanggit tungkol sa Mamasapano massacre na sariwa pa sa isipan ng mga Pilipino, lalo na sa mga pamilyang namatayan, kaya walang dahilan upang makalimutan ninyo?

Bakit hindi nyo man lang mabanggit-banggit na ang pinagmamalaki nyong Pantawid Pamilya Program ay sinimulan ni Gloria Arroyo at ang orihinal na tawag ay cash transfer program, at pinalawak nyo lang? Pati ang extension ng LRT hanggang Cavite, hindi ba nabuo ang ideya noong panahon din ni Gloria na dapat nga daw ay lalampas pa ng Bacoor at ang dapat na babaybayin ay Aguinaldo Highway?

Bakit hindi pinapaalam sa taong bayan na hanggang ngayon ay walang linaw ang rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda at mga biktima ng pagsalakay ng MNLF sa Zamboanga na hanggang ngayon ay nasa kalunus-lunos na kalagayan ang mga pansamantalang tirahan? Kung sakali, baka may magbigay pa uli ng mga donasyon. Yon nga lang, magkakaproblema uli kung makakarating ba talaga sa mga biktima dahil sa dami ng mga uwak at buwitre na nakaabang!

Bakit kailangang ipagmalaki ninyo ang kuryente na umabot na sa mga liblib na lugar, ganoong ang mayroon nang mga linya ay nagdurusa naman sa mahahabang blackout? Seryoso ba kayo tungkol sa bagay na ito?…o totoo kaya ang report sa inyo?

Bakit  pinagmamalaki ninyo  ang pagdating ng prototype ng mga gagawing bagon ng MRT at kung maaaprubahan ay tuluy-tuloy na ang pagdating ng iba, ganoong ang pinakadahilan ng pagkaantala ng rehabilitasyon ng mass transport system na ito ay ang hindi ninyo pagbitaw kay Vitangcol sa mahabang panahon sa kabila ng naghuhumiyaw niyang kaso? Sino siya, at tila ganoon na lang siya kahalaga sa administrasyon ninyo?

Kung napakahaba ng pagkakataon ang ginugol ninyo sa pagpapasalamat sa inyong yaya, hairdresser, stylist, at mga cabinet secretaries na kwestiyonable naman ang mga performance, at iba pang hindi kailangang banggitin, bakit ang mga mahahalagang bagay ay initsa-pwera ninyo? Hindi ba kayo pwedeng magdaos na lang ng get-together o thanksgiving party sa Club Filipino para sa kanila at doon ay pasalamatan sila with hug o kiss pa?  Kung sabagay dahil sa mga pangalang binanggit ninyo ay nakarinig naman kayo ng mga palakpakan, eh, di wow!… dahil siguro kailangan ninyo ng pampalakas ng loob…okey lang! Sana ay hindi nerbiyos ang pahiwatig ng ilang beses ninyong pag-ubo…o baka kung ano na yan….concerned lang po, Mr. President.

Hindi lang siguro ako ang nagtatanong dahil marami ang nag-abang sa mga sasabihin ninyo sa inyong talumpati…subalit maaaring pati sila ay disappointed din dahil sa kalagitnaan pa lang ay inantok na, at naglipat ng estasyon ng TV o radyo dahil wala rin namang maririnig na bago. Kung pipilitin kayong sagutin ang tanong kung bakit marami kayong nakalimutan…baka sasagot lang kayo ng, “basta”. Kapag umabot na sa ganito, may magagawa ba kami?…eh, di wala!!!!

Isang abang mamamayan lang po ako na may maliit na boses…at umaasang maunawaan ninyo ang pakay ng mensahe kong ito na hindi naninira ng pagkatao ninyo, hindi tulad ng iba na idinodrowing ang mukha ninyong may sungay. Hindi rin ito tulad ng isang effigy ninyong nakakatakot ang hitsura na sinusunog pa. Iniisip ko lang po na kung ang mga taong tinuturing ninyong kaibigan ay hindi makapagsabi o makapagtanong, gagawin ko po ito bilang karapatan ng isang boss dahil yon ang palagi ninyong sinasabi…at kahit papaano ay yon lang din ang pinaniwalaan ko….wala nang iba. Kung pasado naman sa inyo ang ginawa ko…eh, di wow!”

Bakit Hindi Binabatikos ng mga Militante si Binay?…napansin ko lang

Bakit Hindi Binabatikos ng mga Militante

Si Binay?….napansin ko lang

Ni Apolinario Villalobos

Kapansin-pansing sa kabila ng mga imbestigasyong nangyayari sa mga Binay, wala man lang ni isang militanteng grupo na sumusuporta sa mga ginagawang ito. Subalit kung si Pnoy naman ang binabatikos, may mga sinusunog pa silang effigy nito. Ano ang ibig nilang sabihin?…na may dalawang uri ng korapsyon?

Kung ang pinaglalaban ng mga militanteng grupo ay prinsipyo at kapakanan ng taong bayan, dapat ay pantay ang kanilang ginagawang aksiyon. Hindi ba korapsyon ang isyu laban sa mga Binay? Mga kaalyado lang ba ng presidente ang itinuturing nilang korap? Bakit ang mga senador at mga kongresman na alam nilang mga korap ay ayaw nilang igawa ng mga effigy at sunugin sa Luneta, tapat ng grandstand upang malawak ang mapagdadausan at marami ang makakakita o kung gusto nilang pasundan ng rally ay lalong mabuti dahil malawak ang lugar? Bakit palaging si Pnoy na lang ang pinapatutsadahan nila ganoong hindi naman ito ang mismong korap kundi ang mga nakapaligid sa kanya?

Hindi ko pinapanigan si Pnoy dahil binabatikos ko rin siya pero hanggang sa mga bagay na tingin ko ay mga kakulangan at kahinaan lamang niya bilang presidente. Kung ang problema ng mga militanteng grupo ay ang sinasabi nilang pakikialam ng Amerika sa Pilipinas, bakit hindi nila ipaglaban ang pagbabago sa Saligang Batas upang mabawasan ang kapangyarihan ng presidente sa pamamagitan ng pagbabago din ng sistema ng gobyerno upang tuluyang mawala sa eksena ang mga Amerikano?

Dapat unawain ng mga grupong ito na dahil sa patung-patong na utang ng Pilipinas, nakikialam ang mga inutangan kung paano magamit ang inutang na pera upang siguradong maibalik sa kanila ang mga ito na may kasama pang interest.

Ang pagsulpot ng mga Amerikano dahil sa Balikatan Exercise ay kailangan ng Pilipinas kahit papaano.  Ginagawa rin ng maraming bansa sa ibang kontinente ang ganito dahil sa magandang relasyon nila sa isa’t isa. At isa pa, malinaw naman na may interes din ang Amerika sa West Philippine Sea kaya talagang hindi ito magpapabayang makamkam nang ganoon na lamang ng Tsina ang nasabing dagat…ano ang problema dito? Malinaw naman sa buong mundo na itinuturing na “highway” ng mga naglalayag na mga barko ng iba’t ibang bansa ang nasabing dagat.  Ang pag-aalala ay pangkalahatan, hindi lang ng Pilipinas, kaya bakit itinuturing na problema ng mga militanteng grupong Pilipino ang pagpapakitang-gilas ng Amerika sa bahaging ito ng Dagat Pasipiko upang makapanindak man lang kahit bahagya sa Tsina?

Dapat ang pagtuunan ng pansin ng mga militanteng grupo ay ang kaso ng mga Binay, upang lumabas na talagang prinsipyo ang pinaglalaban nila. Kung kakalabanin pa rin nila ang mga korap na kaalyado ni Pnoy, mas lalong magaling. Kung yon ang gagawin nila, lalabas na talagang “instrumento” sila ng Demokrasya, hindi ng kung ano pa mang ideyolohiya.

What Osmena, Roxas and Pnoy should Do to Help the Country at this Time

What Osmeῆa, Roxas and Pnoy

Should Do to Help the Country at this Time

By Apolinario Villalobos

On Osmeῆa….he should stop analyzing the presidential capability of Grace Poe, even declaring that she is just good for the vice-presidency. Osmeῆa, himself, has proved nothing as a lawmaker so he is not in the position to judge his fellow politicians. It is a good thing that Grace Poe fought back by saying that many so-called seasoned politicians assumed responsible positions but proved to be just disappointments due to their misdoings. Osmeῆa should open his eyes and ears to understand the message of Poe.

On Roxas….he should stop talking like a puppet echoing the “tuwid na daan” and “reforms” that are the daily mumblings of Pnoy, his boss, to whom he kowtows with all loyalty and sincerity. Roxas is just showing his lack of backbone in all his statements and actions. He should come up with his own platform that may be related to what his boss promised but did not accomplish, if that is what he wants to do – at least he can be original somehow. He should prove that he has his own will power, and not a copycat.

On Pnoy….he should stop talking about his “tuwid na daan” and “reforms” because Filipinos have not seen anything yet that can give substance to those promises. All he showed was insensitivity to the popular clamor of the populace to remove from their positions his inept and questionably performing buddies. Because of his inaction, the country slid miserably more into helplessness. The guy’s promises have been proven to be shams that just became butts of joke. Corruption under his administration got worse, and even assumed a somewhat legal image. He may not be corrupt, himself, but his tolerance of such misdoing makes him one, as he is aware and even becomes a party. If he is not aware of this, it just proves that he is not really listening to his “bosses” as he promised. Unsavory stories about his attitude never fail to fill to pages of tabloid and broadsheets, even the airwaves.

Of late, it has been discovered that the much and perpetually questioned pork barrel is again inserted in the 2016 budget. Is this what Pnoy is saying about his “reforms”? What reform is he talking about when he is obviously tolerating the commission of corruption? He must stop talking about his two trademarks to give relief to the Filipinos who are getting tired of his mumblings!

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.

Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino

Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas
…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Ang matinding anarkiya sa isang bansa ay nangyayari kapag hindi na makatiis ang mga mamamayan sa mahinang pamunuan o kung humagupit ang isang matinding kalamidad kaya halos paralisado ang pamahalaan. Ang pinakamalalang mangyayari ay mga patayan at hantarang nakawan o looting. Anarkiya ding masasabi ang kaguluhan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa Pilipinas, swabe ang mga nakikitang kaguluhan, na hindi pa masyadong binigyang-pansin dahil sa kultura ng Pilipino na nakaka-ayon sa lahat ng sitwasyon, tulad ng mga sumusunod:

1. Hindi pagsunod ng mga local officials sa mga desisyon ng Ombudsman na pagsuspinde sa kanila na ang nakasayang gawin ay tumakbo sa mga tiwali at nababayarang huwes upang kumuha ng Temporary Restraing Order o TRO, o di kaya ay hindi pag-alis sa kanilang opisina, na isang malinaw na kawalan ng respeto sa Ombudsman. Dahil dito ay nagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga supporter ng suspendidong opisyal at pansamantalang itinalagang opisyal.

2. Pagka-inutil ng DILG sa pagpipilit na maipatupad ang kautusan ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagpaalis sa suspendidong opisyal mula sa opisina upang makagawa ng maayos ng audit, ganoong ang mga LGU ay nasa ilalim naman ng nasabing ahensiya. Sa nangyayari ngayon sa Makati halimbawa, ang hepe ng DILG na si Roxas ay “nakikiusap” pa sa suspendidong mayor na si Junjun Binay na sumunod na lang. Paano siyang rerespetuhin at susundin kung ang pinapakita niya ay kalamyaan na maihahalintulad sa kaduwagan o kawalan ng gulugod? Hindi makakaapekto sa buong bansa kung gagamit ng lakas ang DILG upang ipilit ang kapangyarihan nito…plus factor pa ito ni Roxas kung sakali.

3. Pagka-inutil ng mga ahensiya ng pamahalaan na makontrol ang maya’t- mayang pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin sa palengke, lalo na ang bigas. Isama pa rito ang mga presyo ng langis, bayarin sa tubig at kuryente.

4. Patuloy na hantarang smuggling dahil sa katiwalian sa loob ng mga ahensiyang dapat ay nangangasiwa sa mga pantalan.

5. Hindi makontrol na mga krimen sa loob mismo ng mga kulungan na dati ay patayan kung may riot lang, subalit ngayon ay may prostitution na rin at droga.

6. Hindi makontrol na pangungumisyon sa mga proyekto ng gobyerno, at ang pinakamatindi ay ang pamamayagpag ng mga negosyanteng nagpapatakbo ng mga pekeng NGO na kinasasabwatan ng mga opisyal ng gobyerno upang makakuha ng pondo mula sa kaban ng bayan.

7. Paglala ng krimen dahil ang iba sa hanay ng kapulisan ay sangkot na rin.

8. Patuloy na pagpapahirap sa mga mahihirap na dahil sa K-12 program, na ginamitan ng mga librong hindi bababa sa halagang 500 pesos ang isa. Dahil sa inutil na bagong programa na yan, lalo pang pinagpipiyestahan ng mga tiwaling opisyal na may kinalaman sa edukasyon at mga hidhid na negosyante ng libro ang mga mahihirap kaya nadagdagan ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral.

Ang mga nangyayari sa kasalukuyang pamahalaan ay kasukdulan ng mga naipong katiwalian mula pa noong panahon ng Martial Law. Hindi nakatulong ang pagkamaka-Diyos ng presidenteng si Cory Aquino kahit nakasandal siya sa simbahang Katoliko. Sa halip na mabawasan ang mga katiwalian, lumala pa noong kapanahunan niya dahil lumakas pa ang loob ng mga tiwali na nagpalit lang ng kulay mula sa pula tungo sa dilaw. Hindi rin nakatulong ang pagka-heneral dati ng pumalit na presidente na si Fidel Ramos, ganoon din ang pagkasikat ni Erap Estrada, at lalo na ng pagka-ekonomista ng isang Gloria Arroyo.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang hilahod nang ekonomiya ay bumagsak na! Nasira ang mga akala ng mga nagluklok kay Pnoy sa puwesto: na siya ay magaling, hindi pala dahil hanggang salita lang daw; na siya ay makikinig sa kanyang mga “boss” – ang taong bayan, tulad ng ipinangako niya, hindi nangyari dahil wala pala siyang isang salita; na siya ay pantay sa pagtingin sa lahat, hindi pala dahil may mga pinapaburang mga ka-barilan at mga classmate daw na pinagtatalaga niya sa puwesto, at kahit hindi maganda ang performance ay ayaw niyang tanggalin. At, marami pang maling akala…

Yan ang Pilipinas…ang mga mamamayan ay swabe sa pagharap sa mga pagsubok…. kaya nakakatiis pa kahit papaano…..at, kaya hindi na lang muna pinapansin ang nakasayan nang swabeng anarkiya!