Ang Pagtiwala, Pag-aakala, at Pagbakasakali

ANG PAGTIWALA, PAG-AAKALA, AT PAGBAKASAKALI

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ilang beses na rin akong naging biktima ng mga akala ko ay mga kaibigan kaya nagtiwala ako ng lubos dahil naging palagay ang loob ko sa kanila. May mga tao palang hindi nakakapagsabi ng tunay nilang saloobin sa kanilang kaibigan nang harap-harapan,  at sa halip ay binabahagi pa sa ibang tao ang mga dapat sana ay mga ipinagkatiwala sa kanila. Sa ginagawa nila ay mistulang pinaglalaruan nila ang tiwala ng kaibigan nila. Ang mga nabibikitima ng ganitong ugali ay napapanganga na lang bandang huli, sabay tingala sa langit at tanong ng, “bakit nagkaganoon?…AKALA ko ay magkaibigan kami!”. Yan ang dakilang “AKALA” na hindi lang iilang tao ang ipinahamak!

 

May mga tao na ang habol lang sa mga kinakaibigan ay mga kapanibangang makukuha sa kanila. Sila ang tinatawag sa Ingles na “user”. Dalawang uri ang ganitong mga tao….ang isa ay yong ang gusto ay makinabang lang kaya ang tawag sa kanila ay mga “linta”, at ang isa pang uri ay yong mga nakikipag-ungguyan o nakikipagbolahanan sa kapwa upang makinabang silang pareho sa isa’t isa…sila naman ang nagbuhay sa kasabihan sa Ingles na, “scratch my back and I will scratch yours”. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit talamak ang korapsyon sa gobyerno. Sila ang mga anay at bukbok ng lipunan!

 

Sa isang banda, madaling magtiwala sa kapwa dahil likas na sa tao ang pagkaroon ng kagustuhang makipag-ugnayan sa iba pang bahagi ng lipunan, dahil sa kasabihang Ingles na, “no man is an island”  Ang ganitong uri ng kaugalian na may kinalaman sa tiwala ay kadalasang nasisira dahil sa epekto ng makabagong pamumuhay sa lunsod kung saan ay umiiral ang walang pakialaman. Dahil diyan, sa mga nagtatayugang residential condo buildings, ang magkakalapit-unit ay hindi nagkikibuan dahil sa kawalan ng tiwala. Ang mga nagkakabatian lang ay mga katulong at driver. Ganyan din ang nangyayari sa mga high-end na subdivision, kaya nagkakagulatan na lang kung ang isang kaptibahay pala ay big-time drug lord at meron pang laboratory sa inuupahang mansion! Okey na sana ang pagkaroon ng privacy kahit papaano dahil kailangan ito ng iba, subalit naaabuso naman at ginagamit sa masama.

 

Kung marami ang naipapahamak ng pagtitiwala, ganoon din sa maling akala. Kaya ang dalawang nabanggit ay maituturing na “magkapatid” na bahagi ng damdamin at paniniwala. Sa magsing-irog na nagpakasal agad pagkalipas ng ilang linggong ligawan, akala nila ay ganoon kadali ang pag-aasawa na ang kaakibat ay pagtitiis at matinding pang-unawa sa isa’t isa. Ang mga may maiksing pisi ng pasensiya at nag-akalang langit ang tutunguhin nila ay nadismaya nang madiskubreng impiyerno pala ang kanilang pinasok kaya biglang nagpaalam sa isa’t isa…pagkatapos ng mga naganap na suntukan, tadyakan, murahan, at sakalan.

 

Ang pagpili ng pinuno ng bansa ay nakukulayan din ng “akala” batay sa nakikitang panlabas na anyo ng mga nangangampanyang kandidato bago mag-eleksiyon. Kadalasang “llamado” ang may mala-anghel na hilatsa ng mukha, may mayuming ngiti, namumulaklak ang labi ng “po” at “opo”, plantsadong pananamit, nakakabilib na scholastic record, at galing sa pagtalumpati na animo ay contestant sa isang inter-school elocution competition. Ang mukha namang butangero ang mukha, na animo ay kargador sa palengke ang porma, nagmumura, paulit-ulit ang pagsuot ng ilang pirasong damit, at hindi gaanong swabe ang Ingles ay siyempre walang binatbat sa tingin ng mga sosyal. Subalit dahil sa kung ilang beses nang nagkamali ang mga tao sa pagpili ng may nakakabilib na panlabas na kaanyuan, wala silang magawa kundi MAGBAKASAKALI… bunsod na rin ng desperasyon.

 

Si presidente Duterte ay maituturing na bunga ng pagbabasakali ng mga Pilipino dahil sa mga kapalkapakang nangyari nang malamang ang inakala nilang WISE CHOICE sa nakaraang mga eleksiyon ay BAD CHOICE pala, pero huli na. Pinagkatiwalaan ng mga Pilipino si Duterte dahil sa pag-aakalang siya ang kasagutan sa mga problema ng bansa. Binatay ang pagbabakasakaling magagawa din nito sa buong Pilipinas, ang ginawa niya sa Davao. Tinumbasan din ni Duterte ng katapangan ang pagharap sa problema sa droga, bilang sampol, kaya tila naka-jackpot ang mga Pilipino sa kanya!

 

Siguro kung taong walang yagbols ang nanalo bilang presidente ng Pilipinas, paswit lang ni Obama, baka napaihi na siya sa pantalon o nagkanda-LBM sa nerbiyos!

 

 

 

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

By Apolinario Villalobos

 

Hackers can pick up personal information from ATM receipt and airline boarding pass. There is a gadget today that can be used to scan them for personal information of the identification owner. The best thing to do then is shred into pieces the used airline boarding pass and ATM receipt. Do not throw used boarding pass ATM receipt in trash cans or just anywhere in their intact form.

 

Restrain yourself from posting revealing personal information in your facebook to impress viewers. Do not use this social media as a diary. The most no-no is posting the interior of your lavishly furnished homes, again, to impress friends. Some even go to the extent of posting jewelries as if telling viewers to eat their heart out in envy, while others announce to the world that they will be out-of-town to enjoy weeks-long vacation.

 

Hackers can pick up passwords and usernames in free wi-fi sites, so that it is advised that upon reaching home, the passwords that were used in free wi-fi sites should be changed immediately. Some hackers frequent free wi-fi areas such as malls, airports, parks, hotel lobbies, and others to fish for easily hacked passwords.

 

Delete the history in the computer used in internet cafes. Hackers can retrace the route taken by browsers who forgot to delete the sites and pages that they opened and explored. The sites opened by the browser can betray his or her personality that hackers can use in invading his or her privacy. This should also be done when using personal computers such as laptop or desktop as they might be used by “friends” with unpleasant intention.

 

It is sad to note that the high-technology that brought about comfort and unquestionably helpful social media also brought with it a curse of destruction to the careless. The best protection that we can give ourselves is a reminder not to be too trusting.

Tokens of Love for the Beloved

Tokens of Love for the Beloved

By Apolinario Villalobos

One need not be rich

to show the love that throbs in his heart.

Tokens are not measured

by the weight of gold and value of paper bills…

not even by the vastness of the land he owns,

or fleet of cars in his garage.

A sincere token of love can be felt by the beloved –

even a peck on the check,

a hug that need not be chokingly tight

but warm enough,

to send a tinge of assurance

that he is just around.

Tokens of love need not be

the oft-repeated promises

broken in a fleeting second by temptations.

A sweet smile that parts the lips

and a touch of one’s finger tips

are enough for tears

to roll down the beloved’s face

and a suppressed sob –

at last, that she lets out

as his love for her…

she can no longer doubt.

Ang Pagtitiwala

Ang Pagtitiwala

Ni Apolinario Villalobos

Ang ibang tao ay nahihirapang magtiwala sa kapwa-tao. Hindi sila masisisi dahil nga naman sa dami ng mga nangyayaring panloloko at pangraraket tulad ng budol-budol na madalas mapabalita. Dahil sa kawalan ng tiwala, ayaw na tuloy nilang magbigay ng cellphone number man lang kahit sa kaibigan dahil baka daw mapasakamay daw ito ng ibang tao. Subalit mayroon pa ring hindi makapigil sa sarili na makipag-kaibigan sa hindi nila kilala dahil mukha naman daw mga disente at mayaman ang mga ito. Nakakarma tuloy sila, dahil hindi nga nagtitiwala sa mga taong ang kasuutan ay pang-mahirap, nadale naman sila ng mga akala nila ay mayaman, kaya maliban sa ninakawan na ay nari-reyp….at lalong malas ang pinatay pa.

Sa panahon ngayon mahirap pairalin ang kasabihang, “ang tiwala ay nasusuklian ng tiwala” (trust begets trust). Pero yong talagang likas na mapagtiwala at matulungin ay talagang hindi mapipigilan sa pagbukas ng kanilang gate kapag may kumatok upang humingi ng pagkain. Bibihira lang ang ganitong uri ng tao ngayon. Yong iba kasi, basura nga lang sa labas ng gate nila na kinakalkal ng mga batang nangangalakal, ay ikinagagalit pa sa pamamagitan ng pagmumura at pagtaboy sa mga ito. Hindi pa rin sila masisisi dahil talagang may mga nangangalakal na basta magkaroon lang ng pagkakataon ay talagang nagnanakaw – dahil sa kahirapan.

May mga pamilya na dahil sa kawalan ng tiwala sa kasambahay ay naglalagay ng CCTV camera sa loob at labas ng bahay. Subalit kadalasang dahilan ay laan daw para sa mga taong-labas na may masamang pakay o sa madaling sabi, mga magnanakaw. May nagkuwento sa aking nakilala ko na naglayas sa kanyang amo dahil nakikita daw siya sa memory ng CCTV na  kumakain ng junkfoods na nakatabi sa cabinet. Ginawa lang naman daw niya yon dahil noong unang araw niya bilang kasambahay ay magiliw siyang sinabihan na “kung gutom ka, bahala ka nang maghagilap ng makakain mo”. Sinunod naman daw niya. Nang pagsabihan daw siya ng among babae na wala na silang tiwala sa kanya dahil sa madalas niyang pagmeryenda ng junk food, nagpaalam siya subalit hindi siya pinayagan hangga’t wala siyang kapalit. Inabot ng apat na buwan ang paghintay niya pero wala pa rin kaya lumayas na lang siya at iniwan na lang ang dalawang buwang suweldo na hindi pa ibinigay sa kanya, kaysa patuloy siyang inaalipusta.

Ang isa pang uri ng tiwala ay yong sa sariling kakayahan. Maraming taong hindi nakakaalam na mayroon pala silang tinatagong galing. Yong iba naman ay alam talagang may galing sila, subalit nahihiya lang maglabas. Sa panahon ngayon, kailangang may makapal na mukha ang isang tao, hindi nahihiya upang maipakita niya ang kanyang galing. Kailangan ito upang kumita at hindi magutom dahil may magagamit namang galing na bigay ng Diyos. Ang ilan sa mga kagalingan ay sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, pagsulat, at pagkuha ng larawan. Ang mga nagiging sikat na you tube sensations ay halimbawa ng mga ito. Ang mga manunulat naman ay walang tigil sa pag-submit ng mga gawa nila sa mga publishers o di kaya ay magblog. Sa ganitong larangan, mayroong ang gusto ay magsulat upang maibahagi sa iba ang kanilang nalalaman.

Ang pinakamatinding tiwala na maipapakita ng isang tao ay ang tiwala sa Diyos na hindi niya nakikita. Masuwerte yong may Bibliya at nakakabasa tungkol sa Kanya, subalit ang ibang walang pambili ng librong ito ay nagtitiyaga na lamang sa mga naririnig sa radio at napapanood sa TV o di kaya ay sa mga religious rally tulad ng sa EL Shaddai. Ang magandang halimbawa ng masidhing pagtiwala sa Diyos ay ang ginawa ng mga disipulo ni Hesus. Iniwan nila ang kanilang pamilya at trabaho dahil naniwala silang may mahalaga silang misyon. Noong unang panahon ay pwede ang ganoon, dahil iba ang ugali ng mga tao. Subalit sa panahon ngayon, kahit may “misyon” ka pa, hindi kailangang mag-resign sa trabaho dahil gutom ang aabutin mo at ng pamilya mo.

Nakakabahala lang ang ibang tao sa panahon ngayon na dahil sa sobrang tiwala nila sa kaalaman daw nila sa mga bagay tungkol sa Bibliya at Diyos ay itinuturing na nila ang sarili nilang parang si Hesus. Ito ang mga dapat hindi pagkatiwalaan…

Magno Padua: Matatag na Ama ng Tahanan at Mapagkakatiwalaang Kaibigan

Magno Padua: Matatag na Ama ng Tahanan

At Mapagkakatiwalaang Kaibigan

Ni Apolinario Villalobos

Ang pagkatatak ng pangalang nabanggit sa titulo ay hindi na maaaring mawala sa diwa ko. Simula nang ako ay tumira sa isang bahagi ng dating Barangay Real 1, at ngayon ay Real 2 na, siya ay naging kaagapay ko bilang presidente ng aming homeowners’ association, na ang mga miyembro ay iilang pamilya lamang noong dekada otsenta. Iilang bahay pa lamang ang may kuryente at ang paligid namin ay bukid, kaya balot ng pusikit na kadiliman kung gabi.

Isa si Magno sa mga tumatanggap ng kontrata noon sa pag-ayos ng mga low-cost housing shell na ipinasa ng developer sa aming mga homeowner. Kasama ang mga kapatid na sina Budjo, Emo, at Tura, naglalatag sila ng tiles, mga kawad para sa electrical connections, at nagpipintura.

Hindi kalaunan ay inimbita niya akong mamasyal sa kanilang bahay sa “bukid” na nasa likod ng subdivision, na upang marating ay kailangang dumaan sa mga pilapil. Dahil mahilig ako sa kalikasan, napadalas ang pasyal ko sa kanila, lalo na naging malapit na rin ako sa kanyang nanay, si Inang Bidang at yumaong kapatid na si Mely. Lalo akong nawili dahil tuwing nasa kanila ako, pinagluluto nila ako ng upo na sinahugan lamang ng bawang. Sa kanila ko rin natikman ang manggang inatsara sa bawang, hugas-bigas, at asin. Ang ibang gulay na inihahanda nila para sa akin o pinapadala sa bahay ay galing naman sa taniman ng namayapa niyang kapatid na si Tomas.

Sinadya kong dalasan ang pagpasyal sa bukid upang ipakita sa mga kapitabahay ko na kailangang makisama sa mga taong nakapaligid sa amin upang hindi kami pangilagan o pag-isipan na mapangmataas.  Sa kagustuhan kong magkaroon ng magandang samahan sa pagitan namin at nina Magno, pinangunahan ko ang pagpakita ng tiwala sa pamilya at mga kapitbahay niya, na tinumbasan din nila ng kahalintulad na tiwala. Dahil dito, madalas kong sinadyang umuwi ng dis-oras ng gabi mula sa bukid upang ipakita na ligtas ang paligid namin.

Si Magno ang ang naging tulay namin sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga nakatira sa aming paligid na karamihan ay may kaalaman sa pag-ayos ng bahay. Dahil sa nabuong magandang samahan, sa pangunguna ni Magno, nakipag-bayanihan ang mga kapatid, kamag-anak, at kumpare niya nang gawin ang unang basketball court, multi-purpose hall, at tulay na gawa sa dalawang malaking poste ng kuryente.

Sa pakikipag-usap ko sa mga nauna sa amin at nakatira sa isang katabing subdivision, nalaman kong itinuturing pala nilang “kuya” si Magno. May nagkuwento pa na pinapasakay raw siya ni Magno sa kalabaw tuwing mamasyal siya sa bukid, na ginagawa niya tuwing hapon pagkagaling sa eskwela.  Pahingahan din daw nilang magbabarkada ang bahay nina Magno kung sila ay manghuli ng ibon, gagamba at dalag sa mababaw na ilog. Marami pa akong kuwentong narinig tungkol sa magandang pakisama sa kanila ni Magno at ng kanyang pamilya.

Hindi nakatapos sa kanyang pag-aaral si Magno dahil sa kakapusan ng pantustos, at lalong dahil kailangang pagtulungan nilang magkakapatid na linangin ang malawak na lupang kanilang sinasaka noon bilang mga “tenant” nang mamayapa na ang kanilang ama. Pagkatapos ng taniman ng palay, upang kumita ng dagdag na pantulong sa kanyang pamilya dahil siya ang panganay, namasada rin siya ng dyip.

Makulay ang buhay ni Magno, subalit naging tapat siya sa mga kinasama niya lalo na sa kanyang asawang si “Baby”. Wala siyang inilihim, kaya nitong huling mga araw ay nagkakakontakan sa isa’t isa ang kanyang mga anak. Nakita ko ang katatagan ni Magno bilang ama ng tahanan, nang panahong naghirap sila dahil sa madalang niyang trabaho at si “Baby” naman ay may diabetes at sakit sa puso. Maliban sa pag-eekstra sa pagpasada ng dyip, tumanggap din siya ng kontrata sa pagmaneho ng kotse, na nagpahina ng kanyang pulmon, subalit hindi niya pinaalam sa kanyang pamilya. Nalaman ko lang nang pinilit ko siyang magtapat nang minsang mag-usap kami dahil napansin ko ang pagkahulog ng kanyang katawan at pamumutla.

Nang pumanaw si “Baby”, lalo pang nagpakita ng katatagan si Magno sa kanyang mga anak. Pinilit niyang ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga kontrata sa pagmaneho kahit nararamdaman niya ang patuloy na panghihina ng kanyang katawan. Ang mga anak naman niya, maliban sa bunso, ay tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho.

Ngayon, nakakaraos ang pamilya niya kahit papaano dahil sa isang anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi na siya pinayagan ng kanyang mga anak na magmaneho, at upang malibang ay tinuruan siyang mag-facebook ng mga ito gamit ang cellphone na bigay ng isa niyang anak. Napabuti rin ang pagpi-facebook niya dahil nakontak siya ng iba niyang kamag-anak na nasa ibang bansa at probinsiya.

Tiwala at respeto sa isa’t isa ang pundasyon ng pagiging magkaibigan namin ni Magno na bilang pinakamatanda sa kanilang angkan sa barangay ay itinuturing nilang “ama”. Dahil sa nasabing pagkilala, nilalapitan siya upang mamagitan sa mga hindi nagkakaunawaang mga kamag-anak pati mga kaibigan. At ang nakakabilib ay ang ugali niyang hindi mapang-abuso sa mga kaibigan na hindi man lang nakarinig sa kanya ng kapirasong himutok kung siya ay may problema….tanda ng katatagan ng kanyang kalooban!

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.

Trust

Trust
By Apolinario Villalobos

Trust is faith. I wholeheartedly let go of this word from my mind when a viewer of my blogs expressed that he is always looking forward to them. I believed his appreciation for the blogs without doubting his sincerity. In return, I told him that I trust him…because somehow he understood my sentiments and even make connection through his comments to enhance my views. Another viewer added his inspiring comment that further enhanced my view. My trust in them is such, that it is not tainted with even a speck of doubt to their sincerity.

We cannot live in this world if we cannot trust our fellowman even a bit. For instance, we entrust our teeth to our dentist whose expertise has been patiently tested, our general health to our family doctor whose prescription for just the best medicine has been proven, the security of our home to our house help every time we leave for work, the manufacturers as we buy their products in securely sealed packaging, and many more. Practically, even the air that we breathe is trusted to be still tolerably clean despite what we already knew how polluted it is. In other words, we have no choice. Risk is also involved at all times, of being exploited by the shrewd, for which all we can do is just be doubly cautious.

If we cannot trust others, it means that we better lead a lonely life. But this is impossible, even those with vows such as the monks. In the eyes of those outside the monastic walls, they live a solitary life, but they talk to each other. Their life together under the cloak of silence is still permeated with trust due to their need for each other, although as a group, they have somehow detached themselves from the material world.

Dangerous shows such as trapeze and acrobatics for instance, are not possible without the performers trusting each other. Even members of the orchestra and dance groups will not be able to perform their best if they will not trust each other for their complementary support. Stage performers also trust their directors and stage hands to do their best, so that their acts will come out right and appropriately supported with the best props.

Trust, on the other hand, should not be abused to the point, that the trusting party is exploited. Once trust in a person has been eroded due to his exploitive overtures, his crumbled image will be very difficult to reconstruct as the fissures or the flaws will always show. A “paint-over” which means pretensions, perhaps, may help to cover the fine lines, but for how long?

An instance of trust abuse is the case of Mary Jane Veloso. She trusted her recruiter so much that she had no inkling, the small suitcase given to her by the former, contained illegal drug. Now she is languishing in jail after having been spared from execution, although, temporarily. Another case is that of the Filipinos who trusted the officials they voted into office, but later on proved to be inept, some yet, are with bottomless dishonest yearning – corrupt to the highest degree!

Trust should be likened to the fragile crystal. A clear and unscratched crystal that gleams and sparkles under the light, in the same way that a person known for his trustworthy image can standout even in a crowd, no matter what.

Ang Pagtitiwala sa Kapwa ay Pagbibigay ng Pag-asa

Ang Pagtitiwala sa Kapwa
Ay Pagbibigay ng Pag-asa
Ni Apolinario Villalobos

Marami tayong nakikitang palaboy sa ating paligid na kalimitan ay hinuhusgahang mga tamad. Ganoon din ang mga nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton na tinitingnan ng karamihan na pasanin ng lipunan. Subalit ang hindi alam ng marami, ang mga taong ito ay nagsisikap kaya namumulot ng mga mapapakinabangan pa sa basurahan, sa halip na manghingi sa ibang tao o magnakaw. Ang ibang nakausap kong nakatira sa bangketa, ilalim ng tulay at kariton ay may mga trabahong matino, maliit nga lang ang sweldo na wala pa sa minimum. At ang pinakamasakit pakinggan mula sa kanila ay ang hinanakit na hindi sila pinagkakatiwalaan, kaya ang iba ay talagang hindi makahanap ng trabaho.

Mapalad ang mga taong halos mawalan na ng pag-asa sa buhay subalit may nakikilalang tao na handang tumulong nang walang kundisyon o kapalit. Tulad na lang ni “Gilbert” na humiwalay sa asawang lulong sa bawal na gamot at ayaw paawat sa bisyong ito. Ang ginawa niya ay binitbit ang nag-iisang anak at pinaalagaan muna sa magulang at siya naman ay nakipagsapalaran kung saan-saang lugar upang kumita gamit ang kanyang kaalaman sa pagkarpentero, hanggang makarating sa Cavite. Napasama siya sa mga kontratistang gumagawa ng bahay subalit maliit lang ang mga proyekto kaya ang kita niya hindi rin halos sapat sa kanyang pangangailangan lalo pa at nagpapadala rin siya ng pera sa kanyang magulang upang magamit sa kanyang anak.

Napadpad siya sa aming lugar at sa simula ay nakitira sa isang malayong kamag-anak at nakihati sa mga gastusin sa bahay. Subalit ang nangyari, hindi rin pala mapagkatiwalaan dahil ninanakawan pa siya, at palaging ginigipit sa kanyang bahagi sa mga gastusin kaya napilitan siyang magsangla ng kanyang mga gamit sa pagkakarpintero.

Sa puntong ito, tiyempong may pinagawa sa kanya ang magkapatid na naisulat ko na noon at ginawan ng tula na ang pamagat ay “Ang Dalawang Babae ng Maragondon”. Ang nakakatanda sa kanila, si Emma ay may carinderia, at ang nakababatang si Baby naman ay tumutulong sa kanya. Sa kabila ng pagiging single parent in Emma ay naitataguyod niya ang bunsong anak, at si Baby naman ay tumutulong din sa pagpapagamot ng kanyang asawa na dina-dialyis dahil sa sakit sa bato.

Hindi nag-atubiling tumulong ang magkapatid kay “Gilbert” nang malaman nila ang kuwento ng buhay nito. Ang nakita nila ay ang pagsisikap na ginagawa ni “Gilbert” kahit ito ay kapos. Pinaalis ito sa tinitirhan ng kanyang malayong kamag-anak, kaya hinayaan ng magkapatid na habang walang naiipon at nakikitang matirhan ay pansamantalang matulog sa kubo na kinakainan ng mga kostumer nila.

Ang sabi ni Emma na natanim sa isip ko nang kausapin ko siya ay, “…kailangang matuto tayong magtiwala sa ating kapwa upang maski paano ay mabigyan sila ng lakas sa kanilang pagsisikap”. Dagdag pa niya, “…sa pagtulong, wala nang tanong-tanong pa, sa halip ay tingnan ang agarang pangangailangan nila”.

Ngayon, habang walang makitang trabahong pansamantala si “Gilbert”, naglilinis siya sa paligid, lalo na sa harapan ng carinderia. At ang kainaman, dahil kilala na rin siya ng mga kaibigan ng magkapatid, tinatawag din siya kung may ipapagawa ang mga ito sa kanilang bahay.

Ang hindi ko makalimutan sa mga sinabi ni “Gilbert” nang makausap namin ay noong hinahanapan daw siya ng pera ng kanyang malayong kamag-anak na tinitirhan, binulatlat niya sa harap nito ang kanyang mga gamit upang ipakitang talagang wala siyang pera. Nasa iisang backpack lang naman ang kanyang mga gamit dahil pinasanla na sa kanya ang kanyang mga gamit sa pagkakarpintero. Ang dagdag pa niya, “….pati nga ang iilang pirasong beynte singko sentimos na iniipon ko ay inilabas ko na”.

Sino ang hindi magtitiwala sa isang taong sa kapipilit na magsikap, ang turing sa beyte singko sentimos ay kayamanan na?….iyan ang nakita nina Emma at Baby kay Gilbert.

Ang BBL ay Hindi Kailangang sa Panahon ni Pnoy Ipasa…kung karapat-dapat mang ipasa

Ang BBL ay Hindi Kailangang sa Panahon ni Pnoy Ipasa
…kung karapat-dapat mang ipasa
ni Apolinario Villalobos

Dahil nakitaan ng maraming butas ang mga nakasaad sa BBL, dapat lang na busisiing mabuti ng mga mambabatas. Hindi kailangang ipasa agad dahil gusto ni Pnoy bago siya bumaba. Ang gusto niyang palabasin ay “pamana” niya ito sa mga Pilipino…sa Pilipinas. Nahihibang na yata siya! Dahil minadali ng mga “tagapayo” niya ang mga patakaran, nagkalitse-litse ang mga isinaad sa BBL, nabisto na maraming controlling provisions o mechanisms ang hindi nailagay. Pati ang inilagay na provision tungkol sa budget ng sinasabing rehiyon ay nabistong kwestiyonable. May mga kataga ring dapat hindi inilagay, tulad ng nabanggit ni senador Allan Cayetano na “colonizer”, “colonization”, na tumutukoy sa pamahalaan ng Pilipinas. Paanong naging “colonizer” ng Mindanao ang gobyerno?

Sa pagpatuloy ng usapin dapat palitan sina Deles at Ferrer ng maaayos na representante ng gobyerno, at may malawak na kaalaman tungkol sa Mindanao, lalo na ang mga bayang masasaklaw ng Bangsamoro. Hindi dapat na dahil abogada o abogado ay puwede na. Hindi dapat na dahil propesor ay pwede na. Dapat tutukan ang aspeto ng accountability ng mga namumuno sa BBL sa gobyerno ng Pilipinas dahil isa lang naman itong rehiyon, lalo pa at babadyetan din pala ng malaki ng central government. Ang isang aspeto pa ring dapat tutukan ay tungkol sa security at pagmintina ng Bangsamoro ng sarili nitong police at military forces, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa “chain of command”, kaya dapat ang kapulisan at kasundaluhan nito ay kontrolado pa rin ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Walang kwestiyon sa Bangsamoro bilang isang rehiyon, ang kinukwestiyon ay ang mga patakarang magpapatako nito at kakayahan ng mga taong gagawa ng desisyon para sa mga masasakop. Dapat tumigil na ang tumatayong nakikipaglaban para sa BBL sa kababanggit ng kasaysayan. Sa halip ay tumutok sila sa kasalukuyan at mga plano para sa kinabukasan ng mga masasakop ng Bangsamoro. Walang masama sa pangalang “Bangsamoro” na ibig sabihin ay “moro country”, kaya dapat huwag na nilang ilihis sa paggamit ng “tradition”, dahil babalik na naman sa kasaysayan.

Ang isang magandang paliwanag tungkol sa Bangsamoro ay sa transition period lamang daw mamumuno ang MILF, at pagdating ng itinakdang panahon ay magkakaroon na ng botohan at ang MILF ay magiging isang political entity na lamang. Magkakaroon din daw ng iba pang political entity at hindi isasaalang-alang kung ang mga mga miyembro ay Kristiyano o Muslim. At nang tanungin si Iqbal kung walang problema sa MILF, matalo man sa eleksiyon, sumagot siyang wala naman daw. Sana ang sagot na ito ay pangangatawan ng MILF.

Maganda ang samahan ng mga Kritiyano at Muslim sa mga bayang sasaklawin ng Bangsamoro. Katunayan, magkakatabi pa ang mga puwesto nila sa mga palengke. Hindi na limitado sa pagsasaka at pangingisda ng tilapia at dalag ang mga Muslim dahil karamihan sa kanila ay mga negosyante na rin. Ganoon din ang mga Kristiyanong karamihan dati ay nagtatanim lamang ng palay at mais, ngunit ngayon ay nagnenegosyo na rin. Nagtutulungan sila patungo sa asenso. Ang mga taong ito ang walang kamuwangan o alam kung ano ang ilalagay bilang mga probisyon sa mga batas ng Bangsamoro. Kaya ang pagtitiwala nila ay hindi dapat linlangin.
Ang nakakaalam ng lubos tungkol sa mga batas ng Bangsamoro ay mga opisyal na “nasa itaas”. Kaya kung may umabuso man sa paggawa at pagpapatupad ng mga ito at umabot na naman sa gulo na ibibintang na naman sa relihiyon, tiyak…. ang dahilan ay mga namumuno dahil sa kanilang kasakiman o kakulangan ng kaalaman sa pamumuno. At ang isa pang tiyak….mga kawawang nasasakop na mga tao na naman ang kawawa at magdudusa!

Ako ay taga-Mindanao…ipinanganak at lumaki sa Mindanao. Dapat ang mga Mindanaoan ay magkaisa, saang lupalop man sila ng bansa o mundo. At sa adhikaing ito, dapat isantabi ang pagkakaiba sa relihiyon. Dapat itanim sa isip na lahat ng Mindanaoan na sila ay Pilipino…at hindi Kristiyano, Muslim, Bisaya, Tagalog, Ilocano, Kapampangan, o kung ano pa man. Sa ganoong uri lamang ng pagkakaisa makakamit ang kapayapaan sa Mindanao. Kailangang magtulungan sa mapayapang paraan, hindi sa karahasan. Kung ang mga namumuno ay nagpapatihiwatig sa paggamit ng karahasan upang “makamit” ang kapayapaan, dapat sila ay pagdudahan kung bukal ba sa kanilang kalooban ang sinusulong nilang adhikain o hindi.

May Kaunting Tapang at Kulang sa Anghang ang Talumpati ni Pnoy sa Pagtanggap ng Resignation ni Purisima

May Kaunting Tapang at Kulang sa Anghang
Ang Talumpati ni Pnoy sa Pagtanggap
ng Resignation ni Purisima
ni Apolinario Villalobos

Malinaw na nangibabaw ang personal na utang na loob ni Pnoy kay Purisima kaya mabigat sa kanyang kalooban ang pangtanggap ng resignation nito bilang hepe ng PNP. Sa pag-amin na ito, inihantad ni Pnoy ang kahinaan niya bilang isang lider. Dapat isinaalang-alang niya ang mga responsibilidad niya bilang pangulo bilang una sa lahat ng mga bagay lalo na sa mga personal at utang na loob. Hindi magandang dahilan na kaibigan niya si Purisima kaya ayaw sana niyang bitiwan, dahil pagpapakita ito ng kawalan ng propesyonalismo, lalo pa at siya ang tinuturing na “ama ng bayan”, kaya inaasahang walang kinikilingan.

Binitin na naman niya ang taong bayan dahil hindi niya binanggit kung sino ang papalit kay Purisima. Matagal na niyang alam ang saloobin ng taong bayan laban kay Purisima kaya dapat noon pa man ay nag-iisip na siya o may listahan na siya ng mga pangalan ng taong papalit kung umabot sa puntong tatanggalin na niya ito sa puwesto….na hindi nangyari. Kritikal ang pagkakaroon ng talagang opisyal na papalit kay Purisima, hindi lang bilang pansamantala dahil ang puwesto ay may kaakibat na mabibigat na responsibilidad. Sa pagpapatupad ng mga responsibilidad, malaking bagay at makakapagbigay ng inspirasyon ang permanenteng pagkatalaga sa taong uupo sa puwesto.

Sana noon pa man ay binitiwan na lang ni Pnoy si Purisima bilang opisyal na hepe ng PNP, at ginawa niya itong security consultant kung talagang malaki ang tiwala niya dito bilang kaibigan. Kung nagawa niya yon, sana ngayon ay hindi siya sisinghap-singhap sa lampas ulong pagbatikos ng taong bayan.