Ang Ayaw Tumulong Huwag na lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Ang Ayaw Tumulong

Huwag Na Lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Ni Apolinario Villalobos

 

Napilitan akong sumulat uli tungkol sa subject na ito dahil sa narinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa dyip. Galing ako noon sa mga nasunugan kong kaibigan sa Tondong nakatira pansamantala sa isang basketball court ng barangay na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng sunog. Habang tumatakbo ang dyip galing sa port area papuntang Divisoria, sinabi ng isang babae sa katabi niya na, “mabuti ngang nasunog ang mga bahay sa Parola dahil pinamumugaran lang ng mga drug addict, mga puta at mga bata madudungis”.

 

Gusto ko mang sumabad, hindi ko na ginawa dahil mukhang mataray ang babaeng nagsalita at siguradong magtatalo lang kami. Mahirap na dahil baka makarating kami sa barangay, mabisto pa kung sino talaga ako dahil kukunin ang pangalan ko. Hindi kasi ako nagpapakilala sa mga taong tinutulungan ko sa Tondo.

 

Ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang paglibak sa kapwa nilang kapus-palad o naghihikahos, na ayaw naman nilang tulungan. Palibhasa daw ay hindi mapapagkatiwalaan, madudungis kaya nakakasira ng tanawin, mga magnanakaw, mga puta, mga adik, mga tamad, mga putik ng lipunan.

 

Ang dapat gawin ng mga ayaw tumulong sa mga nangangailangan ay tumahimik na lang at magpakasaya sa yaman nila na pinaghirapan nilang kitain. Pero tulad ng sabi ko, dapat ay huwag manlibak ng mga taong kapos na inaakala nilang nakikibahagi sa kanilang yaman.

Walang may gustong maging mahirap. May sinusuwerte kahit hindi masyadong nagsikap at mayroon ding hindi sinuwerte kahit ang ginamit sa pagsisikap ay mismong karangalan at buhay, kaya nagpuputa at nagnanakaw. Ang mga nagpuputa ay nagkakasakit ng AIDS at ang magnanakaw ay napapatay.

 

Ang nawalan ng ganang magsikap ay siguradong may dahilan kaya huwag silang husgahan agad, tulad ng isang nakausap ko na ilang beses nang nagtrabaho subalit palagi ring biktima ng pagmamaltrato. May mga biktima ring ginawang “tuntungan” ng mga taong gusto lang yumaman…ibig sabihin, ginamit lang sila.

 

May mga taong sinuwerte sa buhay pero sa halip na lumingon sa kanilang pinanggalingan ay nanlibak pa ng mga kaanak at kaibigan na hindi sinuwerte kaya naghihirap. Kung mapansin naman nilang nagsisikap ay sasabihin pang “trying hard” at pati ang mga simpleng pagsasaya na nakikita sa mga larawang naipo-post sa facebook ay nililibak din sa pagtanong ng, “ganyan ba ang naghihirap?…naka make-up pa at magagandang damit ang suot?” Para sa akin, hindi dahilan ang kahirapan upang magpabaya sa pag-ayos ng sarili dahil marami ngayong magagandang damit sa ukayan at mura lang.

 

Dapat alalahanin ng mga may kaya sa buhay na nanlilibak, na ang yaman ay hindi nila madadala kung sila ay patay na. Ang mayayamang nanlilibak ay kumakain ng masasarap, hindi tulad ng mahihirap lalo na ang mga sobrang kapos na ang mga kinakain ay galing sa basurahan. Subalit, magkaiba man ang kanilang pagkain, pagdating sa bituka ng kanilang kinain ay parehong nagiging dumi o tae na mabaho! At, tulad ng mga kinakapos sa buhay, kung mamatay ang mayayamang nanlilibak, kakainin din ng uod ang nabubulok nilang bangkay…. pwera na lang kung na-cremate sila!

 

 

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit

Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit

Ni Apolinario Villalobos

 

May mga taong ayaw na ngang tumulong sa kapwa ay gusto pang angkinin ang dapat ay itutulong ng kaibigan o kaanak sa iba sa pagtanong na may kasamang panunumbat ng, “paano naman ako?”….kahit obvious na hindi naman talaga niya kailangan ang tulong o di kaya ay nakakaraos naman siya kahit papaano kung ikukumpara sa talagang nangangailangan ng tulong. Napakahabang statement yan, na ang tinutuko ay iisang salita lang…ang “kasuwapangan”. Sa simple pa ring paliwanag, ang paghahangad ng mga bagay na nakalaan para sa iba ay palatandaan ng kasuwapangan.

 

Suwapang ang taong naghahangad ng bahagi sa bawa’t bagay o di kaya ay may kagustuhang magkaroon ng bawa’t bagay na nakikita niya sa iba. Ang ganyang ugali ang tumutugon sa kasabihan sa Ingles na, “living up with the Joneses”, na ibig sabihin ay pakikipagsabayan sa kapwa, sa lahat ng paraan kahit hindi kaya.

 

Ang mataas na antas na kasuwapangan ay korapsyon dahil hindil lang isa o dalawang tao ang pinahihirapan ng isang korap kundi buong sambayanan. Sa antas na ito, ang kasuwapangan na naging korapsyon ay naging kambal na ng pagka-ganid!

 

Dapat ay matuwa tayo kapag nakikita nating nakakaraos ang ating kapwa dahil kabawasan sila sa mga dapat tulungan….hindi sila dapat kainggitan. Sa isang banda naman,  ang mga ganid ay bantad o “numb” na sa mga nakikitang kahirapan ng mga tao dahil sa pagnanakaw nila ng pera sa kaban ng bayan na dapat ay nakalaan sa mga proyektong makabawas man lang sa paghihirap ng mga kapuspalad na Pilipino.

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Ni Apolinario Villalobos

 

1.Karunungan  – sa sobrang kayabangan ng ilang tao dahil sa natanggap na papuri tungkol sa kanilang karunungan, akala nila ay mas matalino pa sila sa Diyos, at lalong higit ay ang pag-akala nilang sila na ang pinakamagaling sa balat ng lupa. Gumawa din sila ng mga bagay na nakakapinsala sa buhay tulad ng droga, bomba, lason, atbp.

 

2.Pananampalataya sa Diyos – ginamit ng maraming hangal na makasarili at may isip-demonyong mga tao ang pananampalataya upang makapag-fund raising. Nagtatag sila ng “charismatic groups” upang makapagpayaman. At, yong ibang tumanda na sa propesyong ito ay ginamit ang pananamapalataya sa pagbatikos sa LAYUNIN ng mga taong kumakalaban sa droga dahil hindi nila ina-analyze ang “kalaliman” ng isyung ito na ang isa sa mga collaterals ay pagkalagas ng mga buhay.

 

3.Tubig – Hinaluan ng alcohol na nakakalasing at mga kemikal na nagbibigay ng panandaliang kasiyahan at pagkalimot sa sarili….mga party drinks.

 

4.Hangin – binugahan ng tao ng usok mula sa kanyang sasakyan at mga pagawaan kaya naging lason.

 

5.Pananim – inispreyhan ng insecticide kaya naging masama sa kalusugan sa halip na makatulong.

 

6.Teknolohiya – ang mga resulta ng makabagong teknolohiya ay may  kapakinabangan sa tao subalit halos lahat ng mga ito ay inabuso at ginamit sa kasamaan tulad ng internet, cellphonoe, atbp.

 

7.Tiwala ng Kapwa – maraming tao ang umabuso sa tiwala na ibinigay sa kanila ng kapwa kaya nagkaroon ng trauma o nadala ang mga mababait na tao…ayaw nang tumulong sa iba.

 

8.Oras – Obvious ito lalo na sa mga kabataan ngayon…ang tawag sa nag-aabuso sa oras ay batugan, makupad, tamad, atbp.

 

9.Tulong ng Kapwa – maraming mga natulungan ang hindi kuntento sa ibinigay sa kanila at hindi nila naisip na hindi lang sila ang nangangailangan ng tulong….ang gusto nila ay mapunta sa kanila ang lahat ng tulong kaya ayaw na nilang magsikap upang makaraos kahit kaya na nila.

 

10.Sariing katawan – sa sobrang kaartehan ng ilan, sa halip na ayusin lang ang mga bahagi ng katawan nila upang hindi masagwang tingnan ay inabuso nila ito kaya may mga nagmukhang ibinabad sa arena ang balat o di kaya ay mukhang bangkay dahil sa sobrang putla na akala nila ay “kaputian”. Ang iba ay nangingintab ang mukha sa astringent na naglulusaw ng outer layer kaya kalaunan ay nangitim dahil nasunog pagkatapos ma-expose ang “baby skin” sa araw. Ang ibang minalas na nagpa-butox ng mga bahagi ng mukha upang mawala ang kulubot ay hindi na makangiti dahil na-paralyze ang mga ugat. Ang puwet at suso naman ng iba ay nagmukhang kamote na may mga ulalo dahil sa hindi maayos na paglagay ng silicone. Ang mga nagpa- tattoo ng mga kilay sa mga dispalinghadong beauty artists ay nagmukhang palaging nagugulat dahil sa sobrang taas ng pagkapuwesto ng mga kilay. Ang iba naman ay nagmukhang kekay dahil sa laki at haba ng tattoo, hindi proportion sa mukha….mas matindi ang malas na inabot ng mga tinubuan ulit ng original na kilay na pinaahit upang malagyan ng tattoo…nagkaroon sila ng “double surprise look” dahil sa dalawang set ng kilay!

 

11.Gamot – maraming gamot ngayon, lalo na ang iba’t ibang anti-biotics ang pinagbabawal nang gamitin dahil sa pag-abuso ng mga karaniwang tao na sa kaunting lagnat ay iinom agad ng gamot na “nirekomenda” ng kaibigan. Ganyan din ang nangyari sa mga paracetamol at pain relievers.

 

12.Pag-ibig – hindi masama ang umibig, huwag lang itong maging sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi rin dapat gamitin ang pagkahumaling na palatandaan ng nakakadiliryong pag-ibig upang ang nawawala sa sarili dahil sa sobrang pag-ibig ay buntisin o huthutan!

 

Ang unang pag-abusong naitala sa Bibliya na itinuturing na alamat at bahagi ng babasahin ng mga Kristiyano ay ang pag-sira sa kabaitan ng Diyos na ginawa nina Adan at Eba…na ang sanhi ay ang pag-abuso naman ni Eba sa tiwala sa kanya ng kanyang partner na si Adan…ang pasimuno ng siraan ng tiwala sa sinasabing paraiso ay ang ulupong naman. Nagkawing-kawing ang abusong ginawa nina Adan, Eba, at ulupong….bagay na nangyayari din ngayon sa buong mundo….kapwa sa kapwa…pamilya sa pamilay, bansa sa bansa!

 

 

 

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera at Paggastos Nito

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera

At Paggastos Nito

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Hindi maganda ang ugaling gastos nang gastos basta may magagastos lalo na kung ang ginagastos ay galing sa kaanak na nagpapakuba sa pagtrabaho sa abroad. Marami akong nakilalang pamilya na akala ko ay mayaman, yon pala ay may nanay o tatay o kapatid na OFW, o di kaya ay seafarer. Ang nabanggit na ugali ay masama na, subalit lalo pang pinasama ng iba dahil sa kanilang pangangalunya o pangangaliwa o pagtataksil…. sa madaling salita ay may “kabit”!…habang ang asawang sa abroad ay nagpapakahirap.

 

Sa awiting, “Kuya Eddie” binabanngit ang kapabayaan ng asawa sa mga anak na ang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagtaka ang lalaki dahil hindi naman buntis ang kanyang misis nang kanyang iwanan subalit nang umuwi siya, ang mga anak nila ay nadagdagan ng isa! Ang masaklap pa, iniwan na nga siya at kanyang mga anak, tinangay pa ang inipon niyang pera! Kung babae ang gagawa ng kaaliwaswasan, ang idadahilan ay “woman’s frailty” tulad ng depensea ng isang big time na babae na ngayon ay nasa kulungan na, subalit ang kaso ay hindi dahil sa pagka-adik niya sa sex kundi sa mga kasong may kinalaman sa pera. Kung lalaki naman, ang palusot ay, “ di bale na, lalaki naman at hindi mabubuntis”.

 

May naging kaibigan akong mananahi na dating nurse sa Kuwait at ang kuwento niya ay anim na taon daw niyang sinupurtahan ang kanyang pamilya, mula sa mga magulang hanggang sa apat na kapatid. Dahil sagana sa perang padala niya, naka-develop ng “pagmamahal” ang kanyang tatay sa sabong at ang kanyang nanay naman ay sa casino. Sa apat niyang kapatid, tatlo ang naging adik at ang isa ay nalumpo dahil sa aksidente sa motorcycle na nabili sa malaking halaga, yong pang-karera. Nang nakauwi na siya, kahit papaano ay nakabili siya ng isang maliit na lote at isang Singer sewing machine….nagri-repair siya ngayon ng mga ukay na pantaloon sa Bambang (Manila) sa inuupahang maliit na kuwarto. Ang lote naman ay tinamnan nilang mag-asawa ng mga gulay na pambenta sa Divisoria.

 

Siguradong marami ang aalma o magrereklamo kung sasabihin ko na ang isang bahagi ng kulturang Pilipino na hindi maganda ay kayabangan kapag maraming pera. Ang mga Pilipino na may nabanggit na ugali ay walang tigil ang pamimili ng mga bagay na mapapansin agad upang makapagbigay ng impression na mayaman sila. Tulad halimbawa ng isa kong kumpare na nang mag-retire ay bumili agad ng isang mamahaling sasakyan kahit wala silang garahe kaya sa labas ng bahay niya iginagarahe dahil ang tinitirhan nila ay isang maliit na apartment lang.Binalaan o winarningan ko siya na kilala ang lugar nilang maraming adik at snatcher na naninirahan…sa San Andres Bukid sila nakatira. Sagot niya sa akin, “pare…pa-impress lang…iniismol kasi ako ng mga hinayupak kong kapitbahay”. Hindi inabot ng limang buwan, nag-goodbye sa kanya ang mamahaling sasakyan dahil ninakaw!

 

Tulad ng iba pa nating pangangailangan sa buhay, ang pera ay nirerespeto at hindi inaabuso…pinaghihirapang kitain ng mga tapat sa trabaho, hindi basta lang dinadampot. HIGIT SA LAHAT, MAAWA SA MGA KAANAK NA HALOS MAGPA-ALIPIN SA IBANG BANSA PARA LANG MAY MAIPADALANG PERA SA INYO!

Ang Buhay sa Lansangan

Ang Buhay sa Lansangan

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung pagmasdan silang pinagkaitan ng rangya

Di maiwasang may maramdaman tayong awa

Nakapaa at nagtutulak ng kariton kung minsan

Basang sisiw naman sila, kapag inabutan ng ulan.

 

Abala palagi sa pangangalakal o sa  pamamasura

Wala sa isip nila ang sumilong upang magpahinga

Habol ay makarami ng mga mapupulot  at maiipon

Hindi alintana pagbabadya ng masamang panahon.

 

Sa mga nadadampot na styrophor galing sa Jollibee

Bigay ay saya dahil may matitikmang tirang ispageti

Kahit iilang hibla lamang na may kulapol pang ketsap

Sa maingat na pagsubo, dama’y  abot-langit na sarap.

 

Gula-gulanit ang suot na kamiseta at nanggigitata pa

Ang damit, kung hindi masikip ay maluwag sa kanila

Kung pantalon naman, walang zipper, at butas –butas

Subali’t hindi alintana, may maisuot lang, kahi’t kupas.

 

Kapos sa mga ginhawa na dulot ay  materyal na pera

Puso namang may nakakasilaw na busilak ay meron sila

Walang hiling kundi matiwasay na umaga sa paggising –

Kahi’t mahapdi ang tiyan dahil sa gutom, di dumadaing.

 

May mga bagay, dapat nating mapulot sa mga ugali nila

Pampitik sa atin upang gumising at magbubukas ng mata

Gaya ng hindi maging sakim at mapag-imbot sa kapwa

Bagkus, maghintay at magpasalamat sa bigay na biyaya!

 

 

 

 

 

The Unchecked Prevailing Labor Practices in the Philippines

The Unchecked Prevailing Labor Practices in the Philippines

By Apolinario Villalobos

 

Even without citing provisions in the Labor Code, there is a general knowledge about the abusive practices of many establishments and homes in the country some of which are the non-payment of overtime due to extended duty in the workplace, non-remittance of SSS, Philhealth, as well as, Pag-ibig contributions, verbal and physical abuse, and worse is the commission of rape!

 

A popular burger joint for instance, is squeezing its employees for more revenue despite the consistent monthly increase. Appointed Team Leaders or supervisory staff, are most often overzealous in carrying out their responsibilities to the point of verbally abusing their subordinates. The poor subordinates on the other hand, have no choice but to keep their cool instead of complaining as they might lose their job.

 

Those working in stalls owned by both the Filipino and Chinese employers are in no better situation. I have talked to many of the sales girls and has been told about the Php150 or Php100 per day wage that they are forced to accept, not even enough for two meals and fare every day of their duty. Some are lucky if they have kind employers who provide free lunch.

 

Worse is the plight of teachers in many schools that periodically file for tuition fee hike. The planned increase wage for teachers and the rest of the personnel are used as among the reasons, aside from improvement of facilities. Unfortunately, when their request is approved, the poor school personnel are left with the same low wage and the planned improvement of facilities is not implemented.

 

Unionism has become a thing of the past as the government seems to be discreetly tolerating the rampant occurrence of contractualization. There are complaints but the big question is how many of these have been properly handled by the Department of Labor and Employment? Even the provisions in the Labor Code are full of technicalities that favor investors more than the labor sector.

 

The Philippines is heavily dependent on her “labor export” and those left in the country due to lack of financial capability for document processing are at the mercy of greedy employers, due to lack of choice. If this dependence shall go on, the nation shall remain haplessly impoverished for decades to come.

Ang Pag-abuso sa mga salitang “Karapatang Pangtao” (Human Rights)

Ang Pag-abuso sa mga salitang “ Karapatang Pangtao” (Human Rights)

By Apolinario Villalobos

 

Maraming Pilipino ang nagmamagaling at nagmamarunong tungkol sa “human rights” ganoong sila mismo ay hindi nagrerespeto nito. Sila ang mga ipokritong human rights advocates….mga walang hiyang mapagkunwari. Akala nila ang tinatawag na “human rights” ay hanggang sa karapatang mabuhay lamang. Ang hindi nila alam dahil sa kanilang katangahan, pati ang pambabarat kapag bumili ng isang bagay mula sa isang mahirap na tindera ay may kaakibat nang “human rights”. Ang isang may kaya sa buhay ay hindi na dapat tumatawad kapag bumili sa mga nagtitinda sa bangketa halimbawa, o di kaya ay mga nagtitinda na ang ginagamit ay kariton na nag-iikot sa mga subdivision. NAPAKARAMI kong alam na ganyan ang ugali, mga nakatira pa sa mga mararangyang subdivision pero kung baratin ang nagtitinda na maghapong nagtutulak ng kariton ay ganoon na lang. Tinatakot pa ang iba na kung hindi sila pagbibigyan ay irereklamo sila (mga nagtitinda) sa barangay upang hindi na papasukin. MGA WALA SILANG KONSIYENSIYA DAHIL KAKARAMPOT NA KIKITAIN SANA NG MALILIIT NA NAGTITINDA AY TILA NINANAKAW PA NILA!

 

Maraming saklaw o concern ang “human rights” at ang simpleng paalala tungkol sa mga ito ay, “nagtatapos ang karapatan ng isang tao, kapag lumampas siya sa kanyang hangganan at tumapak sa karapatan ng iba”….sa Ingles, “one’s rights end where the rights of others begin”. Para sa akin, ang isang magnanakaw na naaktuhan sa loob ng bahay kaya napatay ng may-ari ng bahay ay walang karapatang mabuhay….o di kaya ang isang drug pusher na sumira sa buhay ng maraming kabataan at gumawa pa ng ibang krimen tulad ng panggagahasa ay walang karapatang mabuhay. At, ang mga yudiputang mga kriminal na ito, kapag nahuli ay may lakas pa ng loob na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO), na ang mga abogado ay sinusuwelduhan ng taong bayan…all for the sake of “due process” na bukam-bibig naman ng mga ipokritong mga human rights advocates!

 

Ang hirap kasi sa iba, kapag nahuling nag-shoplift halimbawa sa grocery, ang idadahilan ay mga anak na nagugutom….ang tanong ko diyan ay kung bakit nag-anak sila ng marami ganoong hindi naman pala niya kayang buhayin….nagpakalibog sila at pagkatapos ay walang pakialam kung ang anak nila ay lumalaking nanlilimahid. Marami akong na-check na ganyan ang istilo ng pamumuhay at na-shock ako nang malaman ko na may mga mag-asawang ang “hanapbuhay” ay panloloko sa kapwa o swindling at pagnanakaw. At, habang lumalaki ang mga anak ay ginagamit  rin nila sa masama nilang gawain.

 

Ang mga nang-iiskwat ay abusado rin pagdating sa “human rights”. Alam nilang hindi kanila ang lupang iniiskwatan, subalit hindi sila naghahanda para sa susunod na gagawin kapag pinaalis na sila, at sa halip ay nagsisigaw ng “mayaman lang ba ang may karapatang mabuhay?” kapag pinaalis na. May mga bahay sa squatter’s area na aircon at kumpleto sa iba pang mga gamit tulad ng flat tv, 2-door ref, mga sala set at kamang mamahalin. Ibig sabihin, kaya ng ilang iskwater na mag-ipon ng perang pambili ng kahit 50sqm. na lupa sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Ang pinakamasama pa ay ang pagiging “professional squatter” ng ilan. Nang-iiskwat sila kahit saan pwedeng iskwatan, patatayuan ng maliit na barung-barong at pauupahan. Ang isang uri pa ng pagiging professional squatter ay pagtanggap halimbawa ng offer ng gobyerno na mailipat sila sa relocation site. Pagkalipas ng ilang taon ay babalik sa lunsod at mang-iiskwat uli, samantalang ang bahay sa relocation site ay pauupahan.

 

Hindi ako anti-poor. Galit ako sa mga taong umaabuso ng “human rights” at mga puitikong gumagamit sa kanila. Galit din ako sa mga mapagkunwaring human rights advocate kuno, regular pang nagsisimba kung saan mang sambahan nila pero ang simpleng karapatan ng kanilang kasambahay ay hindi marespeto dahil palagi nilang minumura….at kung mamili sa mga sidewalk vendors ay daig pa ang timawa kung tumawad!

 

Paalala lang sa mga taong mahilig pumapel….bago magsisigaw ng human rights ng mga iskwater, drug pusher, magnanakaw, at iba pang kriminal ay mag-isip muna ng ilang daang beses para hindi magmukhang tanga! Alam ng mga kapitbahay ninyo ang ugali ninyo kaya siguradong pinagtatawanan kayo kapag nakabasa ng mga mapagkunwaring comments ninyo sa facebook tungkol sa bagay na ito.

 

AT, HIGIT SA LAHAT, ALAM NG NASA ITAAS KUNG ANO ANG MGA KATARANTADUHANG GINAGAWA NINYO AT PILIT NINYONG PINAGTATAKPAN NG PALUHUD-LUHOD SA SIMBAHAN, PAKOMUNYON-KUMONYON, PADASAL-DASAL NG ROSARYO, AT PASIGAW-SIGAW NG HUMAN RIGHTS NG MGA KAWATAN AT DRUG PUSHER DAHIL PARA SA INYO AY TAO DIN SILA AT MAY KARAPATANG MABUHAY…ISANG ADBOKASIYA NG BULAG, BINGI AT KAPALMUKS!…IBIG SABIHIN, WALANG KONSIYENSIYA!

 

 

The Crooks in our Midst

The Crooks in Our Midst

By Apolinario Villalobos

 

The crooks in today’s world are known by several names – skimmers, hackers, scammers, pickpockets, pimps, fakers, drug lords, drug pushers, etc.

 

There are jet-setting crooks who bring their dubious trade in other countries. In the Philippines there are foreigners who are ATM machine skimmers, and who successfully entered the country as tourists. Some of these are bomb-making experts who ply their trade in many countries for varying handsome fees….with some already in the Philippines sharing their knowledge with local terrorists in the name of religious advocacy. Filipino pickpockets travel to Hongkong and the casinos in the US to ply their trade.

 

In Manila, particularly, along the stretch of Recto Avenue, fakers of documents, openly solicit clients. Not far away is the Avenida where pimps approach moneyed-looking guys who are shown photos of supposedly “virgin” and pretty and still, supposedly “young students” who need money for their tuition fee. And, of course, among these crooks are the pickpockets, with some of them decent-looking.

 

Air-con buses that ply the provincial routes from Manila are not spared by fake evangelists who deliver lines from the Bible and then approach passengers to ask for “donation”. And, another group of bus-hoppers is composed of distraught-looking guys and women who show Xeroxed copy of death certificate of supposedly relatives whose remains could not be interred due to lack of funds. I encountered several crook women who showed photos of supposedly members of their family and who are in the hospital and who badly needs financial assistance.

 

Fly-by-night tour operators have their own kind of modus operandi to successfully swindle sucker tourists, both local and foreign. They advertise too-good-to-be-true cheap tour packages to popular tourist spots complete with several days stay in first class resorts or hotels….payment is online, as the transaction has been made in the same way. Soonest as payment is made, the swindled client is left hanging in the air, as not even the promised transfer service did not materialize.

 

Other crooks in our midst are those who can’t seem to have a peaceful mind until they have borrowed money from “friends”, and without any intention to pay. I consider them “leeches” as they suck blood from their trusting friends. Unfortunately, many of this kind are supposedly educated, professionals who know that what they are doing is wrong, yet, they persist on exploiting others.

 

There are many more crooks, as those I mentioned are just some of them. Every one could have been a victim in one way or another, and through small or big deal….as the world is full of them!

 

 

Ang Napariwarang Yamang Likas ng Pilipinas

Ang Napapariwarang Yamang Likas

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga Pilipino ay matatalino

At sa likas na yaman ay sagana tayo

Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –

Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang gulaman.

 

Mga gubat, tahanan ng mga ibon

Pati ng mga hayop, alaga ng panahon

Mga punong namumutiktik ng mga prutas –

At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.

 

Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin

Mga palanas, burol, at luntiang bukirin

Ang dulot nila sa mga talagang masigasig –

Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.

 

Noon yan….

 

Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot

Mga pangyayari na napakamasalimuot

Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal

Napariwarang lahat….mistulang ginahasa

Na animo ay babae na nawalan ng dangal!

Ang Napapariwarang Yamang Likas

Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga Pilipino ay matatalino

At sa likas na yaman ay sagana tayo

Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –

Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang gulaman.

 

Mga gubat, tahanan ng mga ibon

Pati ng mga hayop, alaga ng panahon

Mga punong namumutiktik ng mga prutas –

At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.

 

Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin

Mga palanas, burol, at luntiang bukirin

Ang dulot nila sa mga talagang masigasig –

Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.

 

Noon yan….

 

Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot

Mga pangyayari na napakamasalimuot

Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal

Napariwarang lahat….mistulang ginahasa

Na animo ay babae na nawalan ng dangal!

Ang Mga Sakim

ANG MGA SAKIM

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mangarap ay bahagi na ng ating buhay

Subali’t upang makamit ang nais, dapat maghinay-hinay

Baka may masagasaang ibang karapatan

Dahil sa sobrang kasakiman.

 

Upang mabuhay kailangan nating magsikap

Nang hindi nang-aapak ng iba, maabot lang ang pangarap

Maaari din namang pairalin ang katapatan

Na may dagdag pang kasipagan.

 

May mga tao nga lang na sa panahon ngayon

Na ang gusto yata ay halos ga-bundok ang perang maipon

Kaya’t lahat ng paraan ay kanilang gagawin

Masunod lang, sakim na damdamin.

 

May mga nakakuha ng tiwala ng taong-bayan

Kaya naluklok sila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan

May mga naluklok dahil sa ginawang botohan

At may naitalaga dahil sa palakasan.

 

Ang ibang sakim, gumamit ng kanilang yaman

Pangangamkam naman ang kanilang  pinagdidiskitahan

Dating mga pataniman, kanilang pinaghuhukay

Nilason pa kaya nangawalan ng saysay.

 

Notes:

Sakim- greedy

Kasakiman-greed

Maghinay-hinay – slowly, carefully

Naluklok – placed in position

Naitalaga- appointed

Pangangamkam- grabbing

Saysay- use, usefulness