Ang Pulitika bilang Balakid o Harang sa Pag-usad o Pag-asenso ng Bansa

ANG PULITIKA BILANG BALAKID O HARANG SA PAG-USAD O PAG-ASENSO NG BANSA

NI Apolinario Villalobos

 

PULITIKA ANG PINAKAMALAKING BALAKID O OBSTACLE KAYA HINDI MAKAUSAD TUNGO SA KAUNLARAN ANG PILIPINAS SA KABUUHAN NITO, DAHIL KASAMA SA NAHAHARANGAN ANG MGA LALAWIGAN, LUNSOD, BAYAN AT BARANGAY.

 

MGA HALIMBAWA:

 

  • PAGKATAPOS NG ELEKSIYON, KAHIT MAGAGANDA ANG PROYEKTO NG NATALONG BARANGAY CHAIRMAN, MAYOR, O GOVERNOR, IPAPASIRA ITO UPANG MAPALITAN NG BAGONG NAHALAL NA OPISYAL. PAPALITAN ANG KULAY SCHEME NG ADMINISTRATION AT GAGAWA NG BAGONG SLOGAN.

 

  • NAKATATAK ANG SLOGAN NG LOCAL OFFICIAL PATI PICTURE SA MGA FORMS NG OPISINA KAYA KAPAG MAY NAUPONG BAGONG OPISYAL LAHAT NG MGA FORMS AY PAPALITAN….MALAKING GASTOS!

 

  • ANG MGA NANALONG MAGKAKALABAN SA PULITIKA AY HINDI NAGTUTULUNGAN KAHIT PAREHONG KAGAWAD. HINDI LALAPIT ANG KALABANG KONTRA-PARTIDO NA MAYOR SA GOVERNOR O CONGRESSMAN.

 

  • HINDI TUTULUNGAN SA BUDGET NG CONGRESSMAN ANG KONTRA-PARTIDONG MAYOR O GOVERNOR.

 

  • HINDI MAKIKIPAGTULUNGAN ANG TAONG-BAYAN SA NAKAUPONG BARANGAY CHAIRMAN O MAYOR DAHIL KALABAN NILA SA PULITIKA.

 

  • HINDI TUTULUNGAN NG BARANGAY CHAIRMAN, MAYOR O GOVERNOR ANG MGA CONSTITUENTS NA NABISTO NILANG HINDI BOMOTO SA KANILA.

 

  • KAPAG TODO-TODO ANG KAMALASAN NG NANALONG OPISYAL, MGA BALA MULA SA BARIL NG MGA BAYARANG  “RIDING-IN-TANDEM” ANG AABUTIN NILA!

 

 

 

 

 

Martial Law for Mindanao is Long Overdue

Martial Law for Mindanao is Long Overdue

By Apolinario Villalobos

 

The gruesome killings in Marawi, the encounter at Bagumbayan (Sultan Kudarat), between the MILF and the Philippine military, the pockets of bombings in southern Mindanao are all indications that the sitting president, Rodrigo Duterte is being challenged as to how far he can bend backward without straining his spine. He has been tolerant for some time and he did it more than enough. It is high time that he should flex his muscles.

 

When he took over the land’s highest position from a lenient president, he did not lose time in calling for cooperation. But because of his obvious plan to rid the country and the government in particular, of crooks, practically, everybody with selfish motives became apprehensive. Turncoats and opportunists who thought Duterte is no different from the past presidents are shocked by his steadfast and feisty moves, so now, they are having second thoughts if they would still support him or finance his detractors which some are already doing.

 

How can Martial be not applicable to a country like the Philippines, especially, Mindanao where unrest is already brewing? How can “due process” be applied to the case of a terrorist caught red-handed while about to detonate a bomb? How can “due process” be applied in the case of  drug-deranged and useless citizens who rape innocent young women, and even elders, fit to be their grandmother? How can “due process” be applied in the case of drug lords who have constructed drug laboratories right under the very nose of conniving law-enforcement agencies? How can “due process” be applied in Marawi City where gruesome killings are being committed by the Maute Group? The supposedly “due process” has just created animosity among the victims of criminals due to delayed application of justice.

 

HIHINTAYIN PA BA NA KUMALAT ANG TERORISMO SA VISAYAS AT LUZON…LALO NA SA MAYNILA?

 

Clearly, there is a concerted effort to oust Duterte from his post. And, those who have conceived this evil design could be the concerned parties whose selfish interests have been railroaded.  Again, Martial Law for Mindanao is long overdue. Why worry if you are not guilty?

 

And, obviously, the terrorism in Mindanao is no longer hinged on religion but politics and money!

 

 

Partido Pulitikal?…o Bayan!

PARTIDO PULITIKAL? O BAYAN!

Ni Apolinario Villalobos

 

Malalaman kung ang isang tao na may ambisyong pumasok sa pulitika ay taos sa puso ang adhikain sa pamamagitan ng mga binibitiwang pangako. May mga imposibleng pangako dahil  paulit-ulit na sinasambit nila ang mga nakalipas nang ipinangako noon ng mga pulitikong naging korap nang manalo. Hindi rin maiiwasan ang plastikan tulad ng nangyayari sa pagitan nina Duterte at Robredo, lalo pa at magkaiba sila ng partido. Sa puntong ito, si Duterte na mismo ang nagsabi sa isang interview na nakikita niya si Robredo sa mga rally para pabagsakin siya, at sa sunod nilang pagkikita sa meeting ay nakangiti pa ito ng buong tamis sa kanya. Magkaiba sila ng pinaghuhugutan ng lakas – si Robredo ay ang kanyang partidong kulay dilaw at si Duterte ay taong bayan na kailangan niyang iligtas mula sa lagim ng droga at korapsyon.

 

Kung partido ang pinaghuhugutan ng lakas ni Robredo, paano niyang masasabing siya ay kakampi ng bayan ganoong sumemplang na ang partidong ito dahil ang mga adhikain ay hindi makabayan?. Ang ganitong uri ng adhikain ay pangsarili lamang – personal, kaya gagawin ang lahat upang makakapit-tuko sa puwesto ng mga kapanalig nito.

 

Samantalang si Duterte na mula’t sapol ay naniniwalang nakatadhana siyang maging presidente para sa kapakanan ng bayan ay palaging taong bayan at kabataan ang laman ng mga talumpati. Ang isang patunay sa sinasabi niya ay ang pagkapanalo niya sa kabila ng kawalan niya ng sariling pondo para sa kampanya. Walang bahid na pangsarili ang kampanya niya laban sa droga dahil hindi naman niya ikayayaman ito, sa halip ay maglalagay lang sa kanya at pamilya niya sa delikadong kalagayan dahil ang binabangga niya ay mayayamang personalidad na sangkot sa droga.

 

Kung sinabi ni Duterte na wala nang puwang si Robredo sa administrasyon niya dahil obvious ang pagka-ipokrita nito, lalo pa at halatang walang simpatiya sa bayan…dapat lang! Ang opisina ni Robredo na tumutulong kuno sa mahihirap, silang mga nasa laylayan ng lipunan, mukhang hindi yata totoo. Yong isang kaibigan ko na mahigit dalawang buwan nang pabalik-balik upang humingi ng pandagdag sa gastusin sa pagpa-opera ng anak, hanggang ngayon, ni singkong duling ay walang natanggap. Hiningan pa ng staff ng bank account number para doon daw ipapadala ang tulong….na napakamaling sistema dahil pwedeng pakialaman ng mga magnanakaw ang impormasyon na yan, at higit sa lahat ay walang patunay na natanggap ng tao ang pera kung sakali man, kaya paanong maa-audit ng COA? Saan kaya nila nakuha ang ideyang itong napakamali?

 

Kung sasabihin ni Robredong wala siyang pondo, magtanggal siya ng mga pandekorasyong mga tao at isara ang opisinang pang-community outreach kuno na pandekorasyon lang din. I-maintain na lang niya ang opisina niya bilang Bise-Presidente…na standby lang hangga’t may mangyari sa presidente. Makipag-ugnayan na lang siya sa mga obispong Katoliko at mga grupo ng mga babaeng kapanalig niya at mag-camp out sila sa Liwasang Bonifacio o Luneta. Humingi kaya siya ng tulong kay Pnoy at Roxas….o baka nagbibigay na at para kung saan, sila lang ang nakakaalam!

Ang mga Pagkakaiba-iba ng Kaisipan ng mga Tao ay Hindi Dapat Gawing Batayan ng Pagtatalo

Ang mga Pagkakaiba-iba ng Kaisipan ng mga Tao

Ay Hindi Dapat Gawing Batayan ng Pagtatalo

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagrerespetuhan ng mga ideya, hindi dapat sabihin ng isang tao na mali ang sinasabi ng iba batay sa kanyang iniisip, maliban na lang kung ang tinutumbok nito ay pamiminsala ng hindi dapat pinsalain o sirain. At, kung nasa kalagayang may mga nakikinig, nagmamasid o nagbabasa, tulad ng debate o balitaktakan sa publiko, at mga pino-post sa facebook, dapat ay magkanya-kanya sa paglahad ng mga ideya upang mapagpilian kung alin ang papanigan.

 

Ang antas ng dunong ng mga tao ay magkakaiba, kaya nagkakaroon din ng kaibahan sa paniniwala depende sa kinalakhang tahanan o kumunidad, at lalong higit, sa kultura ng bansa. Dahil diyan, kung ano ang tama, halimbawa, kay Juan na lumaki sa iskwater ay maaaring hindi katanggap-tanggap kay Richard na lumaki sa isang marangyang tahanan sa high-end na subdivision, kaya magpatayan man sila ay talagang walang pagkakaunawaang matatamo. Ang isa pang halimbawa ay, kung ano ang tama sa mga taga-Africa ay maaaring mali sa mga taga-Asya kaya magkaubusan man ng lahi, hindi rin malalaman kung sino ang tama o mali.

 

Ang mga halimbawa ay pagputol ng ari ng isang lalaking nanggahasa sa isang bansa sa Gitnang Silangan, na para sa mga Kristiyanong bansa ay mali. Sa ibang bansa sa Silangan ay napapalampas ng pamahalaan ang paghitit ng opium, subalit napakamali naman sa nakararaming bansa. Ganoon din ang paghitit ng marijuana na napakaluwag naman sa ibang bansa sa Yuropa (Europe), kaya naglipana pati mga party drugs na kumalat hanggang sa Pilipinas.

 

Pang-unawa sa isa’t isa, sa kabila ng mga pagkakaiba ang kailangan upang magkaroon ng kapayapaan. At, kung ang pang-unawa ay sasamahan pa ng pagbibigayan ay lalong matiwasay sana ang buhay sa mundo.

 

On Defending Idolized Politicians and Blogging

ON DEFENDING IDOLIZED POLITICIANS

AND BLOGGING

By Apolinario Villalobos

 

The problem with the “defenders” or “supporters” of politicians is that they tend to be overzealous in what they do and say to the point of even killing or get killed by those who belong to the “contra-partidos”. Most often, during election campaign, we hear of political leaders being ambushed on the way to rally sites or shot right inside their home. When they die, the politicians that they support shoulder the wake and burial expense….that’s all. Some politicians do not even know most of these “leaders” from Adam or Eve, except those who belong to their inner circle, as they are just names on their payroll. The tight handshake and smile that the politicians give to the “lesser leaders” do not necessarily mean closeness. After the election, winning politicians forget the names even of those who belong to their “inner circle”, as new set of butt-lickers march into their offices.

 

In blogging, there should likewise, be restraint in the showing of emotion. Bloggers should stick to the issue and not the character of fellow bloggers. Commentors to the blogs are considered as bloggers themselves, hence, they become responsible for the enhancement that they contribute to the blog, be it positive or negative. Again, idolized politicians do not personally know all the bloggers who support them, so there is no reason why the latter should overdo their unsolicited overzealousness. Laying down one’s own ideas to support those of the idolized politician should be enough to show that the supportive bloggers are just around…the bigger their number, the better.

 

I must admit that I have been guilty of overzealousness in the course of my blogging that made me cuss sometimes. Fortunately, I do not cuss anybody in particular, not even the politicians who I hate, as I do it only to release my pent up emotions being one with a “type A” personality. To show more maturity in this effort, though, I try my best not to cuss…unless provoked. Again, as expressed in my earlier blogs, I am not a saint who is virtually shielded with Godliness, as I consider myself an ordinary creature who has got no patience in just parrying insults to my person. I am not the type of a guy who throws back bread to someone who bombards him with rocks. As we all know, bread is a precious food so I can’t just throw it at an idiot who deserves a rock, instead….which for me should not only be a single rock, but a huge one, too!….bashers deserve a Peter to jolt them back to their sanity!

 

MABUHAY ANG MGA BLOGGERS!…COMMENTORS, LIKERS, AND FULL-ESSAY WRITERS!

 

 

 

Ang Mga Dapat Gawin ng mga Maiingay

ANG MGA DAPAT GAWIN NG MGA MAIINGAY…

Ni Apolinario Villalobos

 

 

SA HALIP NA MAG-INGAY TUNGKOL SA MGA PINAPATAY NA MGA DRUG PERSONALITIES, ANG DAPAT GAWIN NG CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP) AY UTUSAN ANG MGA PARI AT MADRE NILA PATI NA ANG MGA RELIGIOUS GROUPS NILA NA GUMAWA NG PARAAN KUNG PAANONG MATULUNGAN ANG MGA LUMANTAD NA MGA DRUG USERS, PUSHERS AT RUNNERS NA GUSTONG MAGBAGO.

 

ANG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS AT MGA GRUPONG MAY ADBOKASIYA SA KARAPATANG PANTAO SA PILIPINAS AY DAPAT NAMANG HUMINGI NG TULONG SA UNITED NATIONS AT MGA KAALYADO NILA SA ADBOKASIYA NA NASA IBANG BANSA UPANG MAKAPAGPATAYO NG PASILIDAD PARA SA MGA GUSTONG MAGPA-REHABILITATE.

 

ANG AMERIKA NAMAN AY TUMIGIL NA SA PAGBATIKOS KAY DUTERTE DAHIL MISMONG ANG BANSA NILA AY TADTAD NG MGA KASONG MAY KINALAMAN SA PAG-ABUSO SA KARAPATANG PANG-TAO.

 

ANG UNITED NATIONS NAMAN AY GAWIN ANG DAPAT NITONG GAWIN DAHIL MISTULANG KINUKUTYA NA ITO NG TSINA DAHIL SA GINAWA NITONG PAGHIMPIL NG MGA EROPLANO SA WEST PHILIPPINE SEA; WALA RIN ITONG NAGAWA UPANG MAAPULA ANG MGA KARAHASAN AT MABAWASAN ANG KAGUTUMAN SA MARAMING BANSA.

 

AT, ANG MGA NAG-IINGAY NA NAGPAPAKUNU-KUNONG KRISTIYANO KAYA CONCERNED SA MGA PINATAY, DAPAT AY MAGTANGGAL NG MUTA SA MGA MATA UPANG MALINAW NILANG MAKITA  NA ANG MGA PINAPATAY AY MGA KRIMINAL!

Time for Reckoning of Barangay Real 2 Council Accomplishments

TIME FOR RECKONING

OF BARANGAY REAL 2 COUNCIL ACCOMPLISHMENTS

By Apolinario Villalobos

 

Aside from being the smallest barangay of Bacoor City, this political unit is also under the administration of BJ Aganus, who at forty one is the youngest Chairman. For sure he had a hard time adjusting because he took the place of the three-termer Vill Alcantara, who also did his best during his time.

 

Nevertheless, Kapitan BJ as he is called by his constituents and his council of Kagawad was not fazed by the challenge. I was around when the steel frame of the hall’s extension was assembled to become the roof of a multi-purpose open area. Not contented, he also had the Health Center wing improved. Not long after, a fiberglass flat-bottomed boat was also procured to be used during floods, and which proved very helpful. The barangay has its share of depressed area, an informal settlement along the creek just a few meters from Luzville subdivision.

 

The tiles of the second floor of the hall, used primarily for meetings was refurbished and while this was going on, he requested from the office of Jonvic Remulla, Cavite Governor, for the concreting of the remaining portions of the Perpetual Villalge 5 streets. On the other hand, the roofed basketball court which was initiated during the time of Vill Alcantara had its final phase completed during the early few months of Kapitan BJ. To secure the area covered by the barangay, the volunteers that comprise the contingent were regularly made to undergo briefings and seminars. To further the barangay’s security effort, CCTV cameras were installed at strategic points.

 

As the multi-purpose hall of Perpetual Village 5 proved to be a distance from other subdivisions, a facility for this purposed was constructed beside the basketball court of Silver Homes 1. I was informed that the basketball court will be provided with a roof, too, so that it can be used during the rainy season and together with the one beside the barangay hall, can also be used to provide accommodation to evacuees from flood-prone areas.

 

Since his assumption of responsibilities, Kapitan BJ and his council has also organized medical missions to serve the residents of the barangay and those from the neighboring Panapaan 7 as a gesture of goodwill. Much effort for this project was exerted by kagawad Pojie Reyes whose medical related occupation, contacted friends for their services. For one thing, the barangay chairman will never be forgotten for his effort in the release of certificates of award to the residents of the Padua compound.

 

All indications point to the effort of Kapitan BJ and his council in using to the fullest whatever meager budget the barangay has been provided with.

 

 

Ang Pulitika ay naging Salot na Sumisira ng Lipunan

ANG PULITIKA AY NAGING SALOT NA SUMISIRA NG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa lipunang may demokrasya at pinapatakbo ng sistema na pinili ng mga mamamayan ay kailangang magkaroon ng tinatawag na “fiscalizer” o tagapuna ng mga maling ginagawa ng mga nakaupo sa puwesto. Maganda sana ang ganitong sistema upang mabalanse ang mga pangyayari sa isang bansa. Ang karamihan sa mga “fiscalizer” ay  mga talunan sa eleksiyon kaya bumabatikos sa mga ginagawa ng mga nanalo. At, ang iba naman ay mga may adbokasiyang bumatikos sa mga maling gawain sa iba’t ibang larangan. Maganda sana ang layunin subalit ang “fiscalizing” ay inabuso nang makulapulan ng maruming pulitika dahil ginagamit ng mga talunan upang gumanti sa mga nanalo.

 

Ang demokrasya at eleksiyon ay kinonsepto ng mga pantas noong unang panahon at may magandang layunin para sa mga mamamayan. Ginamit ito ng maraming bansa, subalit ngayon, ito ay pinaitim at pinalapot ng korapsyon. Sa halip na makatulong sa isang bansa, ang pulitika na sana ay isang demokratikong paraan ay naging salot na ng lipunan. Ginamit na itong tuntungan at instrumento ng mga may tiwaling iniisip pag-upo nila sa puwesto, na nakasentro sa pagpapatagal ng kapit sa kapangyarihan at pagpapayaman sa anumang paraan.

 

Sa kasamaang palad, pati ang pinakamababang baytang ng sistemang pulitikal ng isang bansang tulad ng Pilipinas, ay naging korap na rin, sa diretsahang pagsabi. Ang tinutukoy ko rito ay ang barangay, munisipyo, at lunsod. Nakakalungkot dahil sa halip na magtulungan ang magkakapitbahay na gustong mamuno, sila ay nagsisiraan at nagpapatayan pa!…nagbabatuhan ng putik! Magmumukha akong tanga at ipokrito kung sasabihin kong walang perang kikitain sa mga puwestong pinaglalabanan. Pinagpupundaran ng pera ang pagtakbo na dapat ding mabawi sa anumang paraan kapag nanalo….ganoon lang. Ang hirap lang sa iba ay naging sobra ang pagnanasa. Okey na sana kung “sapat lang” ang hinahangad, subalit lumalampas sila sa hangganan na itinakda upang hindi umabot sa pagkagarapal. Tanggap na rin naman na hindi talaga nawawala ang kumisyunan sa gobyerno….kaya dapat sana ay hinay-hinay lang sila upang hindi masyadong obvious.

 

Sa ganang ito, ang ibang nag-aambisyon nang patago o tahimik lang….yong pangiti-ngiti na animo ay inosente at mabait ay sa loob pala ang kulo. Tulad ng isang tao na ikinuwento ng isa kong kaibigan. Ito raw ay aktibo sa simbahan, maka-Diyos wika nga. Subalit nang alukin upang tumakbo sa isang puwesto ay hindi magkandaugaga at tila nawawala sa sarili sa pagpapapel “loud speaker” sa pagpakalat ng paninira sa magiging kalaban sa eleksiyon. Nakalimutan niyang siya ay isang “taong simbahan” kaya inaasahang “maka-Diyos” ang pagkilos niya at pananalita. Nakakalungkot, dahil sa ambisyong makapasok sa pulitika ay nawala sa sarili ang taong ikinuwento ng kaibigan ko, ganoong wala naman daw itong napatunayan bilang lider. Hindi rin daw naisip ng taong ito na ang ikinakalat niyang paninira ay hindi niya personal na napatunayan kaya pwede siyang mademanda ng sinisiraan. At, hindi rin niya naisip na dapat ay pairalin niya ang delikadesa sa pamamagitan ng pag-resign sa maka-Diyos niyang responsibilidad….subalit hindi niya ginawa. Saan napunta ang itinuro sa kanya noong maliit pa siya na ang Diyos ay nakakakita ng lahat…kasama na diyan ang ginagawa niya?

 

Dapat isipin ng taong ito na kung hindi naman niya kilala ang taong sinisiraan ay para lang siyang itinutulak tungo sa kumunoy ng intriga na hindi na niya matatakasan. At, higit sa lahat, paano kung gantihan rin siya ng mga nagmamalasakit sa taong sinisiraan niya dahil sa “Golden Rule” na nagsasabing “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”? Baka ang mga huling araw niya sa mundo na dapat sana ay mapayapa dahil sa tinatawag na “retirement” ay magiging masalimuot!

 

Mali ang diskarte ng taong ikinuwento ng kaibigan ko dahil dapat ay ipinilit niya ang pagkamaka-Diyos niya upang makatulong sa grupong sasamahan niya. Sana ay pinanaig niya ang kanyang adbokasiya na maka-Diyos (nga ba?) at hindi nataranta dahil sa ambisyong makapasok sa pulitika. Sana ay pinayuhan niya ang kanyang grupo na iwasan ang paninira sa mga makakalaban nila. Subalit kung talagang nabulagan siya kaya ganoon siya kadaling “bumaligtad” ng panuntunan sa buhay, paano pa siyang pagkakatiwalaan ng mga taong hihingan niya ng boto? Magtitiwala pa ba ang mga botante sa kanya na sa kabila ng tagal na panahon niyang pagsuot ng kuwentas na may malaking krus ay biglang nanira ng ibang taong hindi naman niya kilala…dahil lang sa pulitika?

 

Kung ayaw  magbago ng diskarte ng taong ikinukuwento ng kaibigan ko dahil nuknukan daw talaga ng kayabangan ang taong ito….bahala na ang Diyos niya sa kanya! Nakakagimbal din ang desisyon niyang ipagpalit ang Diyos niya sa pulitika!….ang buhay nga naman!

 

 

The Militants should Stay on the Side instead of Muddling the Effort of the Duterte Administration

THE MILITANTS SHOULD STAY ON THE SIDE

INSTEAD OF MUDDLING THE EFFORT OF THE DUTERTE ADMINISTRATION

By Apolinario Villalobos

 

Personally, I do not know what the militant groups such as Bayan, Gabriela and others want to show and prove. They seem blind to and ignorant on what the new administration is doing, especially, in reaching out to the communist group and the Islamic groups in the south. Peace negotiations with these groups are in the offing as president Duterte has given instruction for the issuance of safe passes for their leaders. On the other hand, the subordinate groups of the communists, they that just love to hold rallies are doing otherwise.

 

Their rallies every time a US diplomat visits the Philippines have become sickeningly irritating. They seem oblivious to the realities of issues at hand, such as those that revolve around the West Philippine Sea. To which are these groups leaning when clearly, their hierarchy has already expressed support to the Duterte administration? In the first place, they have not done anything for the country, except disrupt the traffic, deface the US embassy façade, disturb the air with their senseless shouts for the Americans to leave the country, and scatter trash on the streets after their rallies.

 

If what these groups crave for is just the attention of the public, they should know that the Filipinos are no longer political suckers. If they expect Filipinos to applaud their rallies, they are wrong. On the other hand, motorists and commuters are cursing them every time the already hellish traffic gets MORE tangled every time they hold rallies. Before the Filipinos would totally lose their respect to these irresponsible nationalistic groups “kuno”, the latter should better think twice before hitting the street again to hold another senseless rally!

 

IF THEY WOULD INSIST ON DOING WHAT THEY WANT, IT JUST PROVES THAT THEY HAVE NO CLEAR DIRECTION AND OBJECTIVE, BECAUSE FOR THEM, ALL ADMINISTRATIONS ARE EVIL! IT SEEMS THAT ALL THEY WANT IS TROUBLE!…THE BIG QUESTION IS, WHY????

Ronald Gadayan…Gem of Honesty

I composed and posted the poem the day after I read about his honesty. Politicians grabbed the limelight by making “promises” as usual, and which not a single one materialized…

 

 

Ronald  Gadayan

…Gem of Honesty

By Apolinario B. Villalobos

 

For someone in need of money,

To earn by dint of hard work

Should be the chosen way,

But those who find it not easy

To be diligent in all they do,

Find it hard to firmly say “no”.

 

In the world we have today,

Seldom can there be found

Those with heart that still beat

With love, good morals and ethics,

But not a certain Ronald Gadayan –

Many times proven – an honest man !

 

Labored to earn since age seventeen,

All that Ronald wanted, then

Was help his mother honestly earn,

For he saw her sacrifice for all their sake,

From morn till night – a sight

That until now, he can’t forget.

 

Waking up, to God, he fervently prays

To give him strength and he, be safe

Also his wife, his kids, the three of them

Be well, healthy and from danger spared,

Simple prayer from Ronald’s heart –

With all sincerity, and humbly said.

 

(Ronald Gadayan is an employee of Manila International Airport Authority (MIAA), assigned at the Terminal 2 as building attendant. He found a bag containing Php600,000, cash, an expensive watch, cellphone and jewelries on September 5, 2012 at the south wing departure area which he turned over to his superiors. Despite his meager earning that gives him less than Php10,000 a month, he was not tempted to keep what he found. He has three kids, ages nine, six and two years. The two elder children both go to school. His wife is jobless. At 28, he espouses honest living deeply embedded in his heart by his mother who brought him and his siblings, alone as a single parent.)