Ang Tiwala sa Sarili

Ang Tiwala sa Sarili

Ni Apolinario Villalobos

 

Kung may isang pinakamalakas na sandata ang isang tao, ito ay ang tiwala sa sarili. Hindi ito pumuputok tulad ng baril, hindi rin sumasabog tulad ng bomba. Hindi ito nakakasugat tulad ng patalim, at lalong hindi ito  sibat o palaso na nakakatusok sa katawan.

 

Mula sa puso kung saan ay nanggagaling ang lakas, dumadaloy ito patungko sa utak upang maging gabay ng tao kung ano ang nararapat niyang gawin sa pagharap sa mga unos ng buhay – mga pagsubok, upang hindi agad tumiklop ang kanyang mga tuhod kung panghinaan siya ng loob.

 

Pinatunayan ng kasaysayan na kung minsan, hindi kailangang may malaking katawan upang manaig sa katunggali, tulad ni David na isang maliit na tao, subalit dahil sa tiwala niya sa sariling nagbigay sa kanya ng tapang ay napatay niya si Goliath.

 

May mga tanyag ding lider na maliliit subalit ginagalang ng mga tauhan at kinatatakutan ng mga kalaban, tulad ni Alexander the Great, Hitler at Napoleon Bonaparte, iilan lang na mababanggit ko. Si Ferdinand Marcos ng Pilipinas ay hindi rin gaanong malaki, kaya itsinismis pang gumagamit daw noon ng “elevator shoes” upang mabawasan ang diperensiya ng taas nila ni Imelda. Lahat sila ay may malakas na tiwala sa sarili kaya nagtagumpay sa kanilang mithiin…subalit hindi nga lang para sa kabutihan ng nakararami dahil naging mga diktador, maliban lang kay Alexander the Great.

 

Si Mother Theresa, na ngayon ay isa nang santa, ay mula’t sapol may malaking tiwala sa sarili dahil alam niyang ginagabayan at inaalalayan siya ng Diyos. Siya ay may taas lang na lampas kaunti sa apat na talampakan na lalong pinababa ng kanyang pagkukuba dahil sa diperensiya niya sa likod. Sa kabila niyan, hindi siya natatakot na pumasok sa mga lugar ng iskwater.

 

Maraming nagtapos sa kolehiyo na valedictorian o may iba pang mataas na karangalan, subalit dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili ay hindi nagtagumpay sa buhay. Natalo sila ng mga nagtapos kahit sa markang “pasang awa”, subalit may malakas na tiwala sa sarili, kaya malayo ang narating sa buhay.

 

Yong isang Pilipinang singer na galing sa General Santos, na bilib sa kanyang kahusayan sa pagkanta ay nagpilit na gumawa ng paraan upang makilala. Kaya basta may madaanang libreng videoke sa mall na pwedeng kantahan, banat lang siya ng banat sa pagkanta hanggang sa matiyempuhan ng isang blogger, kaya nai-post siya sa you tube habang bumibirit…naging viral tuloy sa internet. Ngayon, international singer na!

 

Sa may mga mukhang hindi pang-pelikula o TV, ang kunswelo ay pag-isip na marami ang may ganyang mukhang “pambihira”. Dapat isipin na kung walang pangit, wala ring maganda o guwapo dahil walang magagamit na batayan o  paghahambingan. Kaya, dapat ay may malakas na fighting spirit ang lahat ng tao, ano man ang hitsura ng mukha! At isipin lang palagi na walang ginawang pangit ang Diyos. Ang kapangitan ay tao rin ang nagdi-develop tulad ng pagiging korap kung nasa pamahalaan na at nasilaw sa pera, kaya tuloy pati mga bata ay gusto nang maging government official!…yan ang tiwala sa sarili na negative!

 

Totoong mahirap ding magpakita ng tiwala sa sarili na sa tingin ng iba ay pagiging “presentado” o “presentada”. Kaya ang kailangan talaga upang magawa ito ay magkaroon ng lakas ng loob at  kapal ng mukha….o mag-santabi muna ng hiya. Dapat nating alalahanin na malaking sagutin sa Diyos ang hindi paggamit ng anumang kagalingang ibinigay niya sa atin, lalo na kung ito ay para rin sa kapakinabangan ng iba. Sa madaling salita…bigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili, at huwag tayong madamot sa pakikibahagi ng anumang talento na meron tayo.

 

Paalala lang: dapat makinig sa sasabihin ng iba na huwag nang maglakas-loob na kumanta halimbawa, kung bukod sa wala sa ayos ang boses, ito ay makakapagpatilapon lamang ng tutule at makakabasag ng eardrum ng ibang tao. At kung magpipilit pa, yan ay pananakit na ng kapwa, isang bagay na ayaw ng Diyos na gawin natin.

 

Ang Kaibigan kong Nahimasmasan at Nagbago nang Masupalpal Ko

ANG KAIBIGAN KONG NAHIMASMASAN

AT NAGBAGO NANG MASUPALPAL KO

Ni Apolinario Villalobos

 

Nagkaroon ako ng isang kaibigan dahil sa pagsusulat ko sa internet. Follower ko siya nang mahigit isang taon na ngayon pero ibang sites ko ang binubuksan, wala kasing facebook dahil “wa klas” (walang class) daw itong site. Mayaman kasi kaya matapobre. Pero nang sabihan ko siyang tatlong grupo ang kakonek ko sa facebook, tulad ng mga kababayan at dating classmates, mga kasama dati sa PAL at mga kaibigan nila, at mga taga-ibang bansa na nakakonekta sa pamamagitan ng email ko, tumahimik siya…yan ang una kong pagsupalpal sa kanya.

 

Ang pangalawa kong pagsupalpal ay nang murahin niya ang driver niyang mas nakakatanda sa amin, sa harap ko pa. Na-late lang ng ilang minuto ang driver na tumae muna dahil sa naramdamang LBM, nagalit na ang kaibigan ko kahit pa sinabihan ko siyang hindi naman kami nagmamadali. Nakakausap ko ang driver at naidaing niya na hindi lang siya ang madalas bulyawan kundi pati ang misis at mga pamangkin nito. Nagulat ako dahil bukod sa maganda ay mabait pa ang misis na mas bata sa kaibigan ko ng 20 taon. Ang mga pamangkin naman ay masisipag at seryoso sa pag-aaral. Pinagyayabang pa niya na “napulot” lang daw niya sa isang night club noon ang kanyang misis na nagbigay sa kanya ng 4 na magagandang anak, puro babae at matatalino pa.

 

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay kinausap ko siya nang masinsinan. Malakas ang loob ko dahil madalas siyang komunsulta sa akin tungkol sa mga tauhan niya sa negosyo. Higit sa lahat ay ako rin ang gumawa ng mga kailangang dokumento para makapag-apply siya ng negosyo, mula sa pagkaroon ng pangalan nito hanggang sa incorporation. Diretsahan ko siyang sinabihang baguhin ang ugali niya at pabiro ko pang dinugtungan na huwag niyang gayahin ang pagmumura ko. Medyo kinabahan siya nang sabihan kong may mga nangyayaring mismong mga kadugong inaapi ay pumapapatay sa nang-aapi kapag sila ay napuno na. At dahil uso ang kinapping, sinabihan ko siyang baka “ibenta” siya ng mga taong inaalipusta niya, sa sindikato ng mga kidnapper. Lalo siyang nabahala nang sabihan ko siyang artistahin ang misis niya at sa edad na wala pang 30 taon ay baka layasan siya! Ang kaibigan ko kasi ay halos 50 taon na at ang mukha ay yong sinasabing nanay lang ang makakapagyabang….pero ubod ng yaman naman.

 

Nang sumunod na punta ko sa kanya dahil sa kanyang pakiusap ay nauna ako sa bahay nila. Naipit siya sa trapik mula sa Makati kung saan ang office niya na ayaw kong puntahan dahil sa trapik kaya sa ancestral house nila ako pumupunta sa Pasay. Ang sumalubong sa akin ay ang driver at pinagyabang ang bagong Seiko diver’s watch na ibinigay sa kanya ng kaibigan ko. Habang nagkakape ako, ang misis naman ay nagkuwento na maglilibot daw ang buong pamilya sa ASEAN countries bago magbagong taon at uuwi kalagitnaan na ng Enero…kasama ang dalawang pamangkin niya. Maiiwan ang driver at pamilya nito upang may bantay sa bahay pero pwede nilang gamitin ang van sa pamamasyal. Desisyon daw ng mister niya ang lahat.

 

Nang dumating ang kaibigan ko, halos naubos ko na ang pangalawang mug ng kape. Nagmadali itong nagbihis ng damit pangkalye- puruntong shorts, ukay na t-shirt na bigay ko noon, walang relos at singsing at naka-tsinelas. Samahan ko daw siya sa gumagawa ng mg kariton sa Bambang at Baseco. Sumakay kami sa LRT-Libertad, bumaba sa Recto at nag-commute na papunta sa dalawang destinasyon. Mula sa Bambang ay pumunta pa kami sa F. Torres, malapit sa Arranque, at dahil hindi pa kami nakapananghali, kumain kami sa puwesto ng lola ni “Pango” ang nai-blog ko noon kaya nakilala din niya. Isinama ko siya sa Lawton kung saan kami nagpahinga ng mga kasama ko (“gang of four”), at nagpilit pang pumunta kami sa Luneta upang hanapin ang manikurista na nai-blog ko rin na nakita namin sa tambayan ng mga seaman at may inaasikasong kostumer.

 

Habang nag-aabang kami ng jeep na masasakyan papunta sa Libertad, Pasay, nagpasalamat siya sa mg “pamasko” ko sa kanya. Nagturo lang ako sa itaas bilang sagot at nag-high five kami, sabay tawa, pero napansin kong nagpahid siya ng mga mata. Alam kong mababasa niya ito dahil ipinaalam ko sa kanya upang maging inspirasyon siya ng ibang matapobre na hindi pa nagbabago.

 

(Ang salitang “matapobre” ay hango sa salitang Kastila. Ang “mata” ay death at ang “pobre” ay poor, kaya para sa akin ang taong matapobre ay pumapatay ng mahihirap, sa pamamagitan ng pag-apak ng kanilang pagkatao.)

Ang Pagtiwala, Pag-aakala, at Pagbakasakali

ANG PAGTIWALA, PAG-AAKALA, AT PAGBAKASAKALI

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ilang beses na rin akong naging biktima ng mga akala ko ay mga kaibigan kaya nagtiwala ako ng lubos dahil naging palagay ang loob ko sa kanila. May mga tao palang hindi nakakapagsabi ng tunay nilang saloobin sa kanilang kaibigan nang harap-harapan,  at sa halip ay binabahagi pa sa ibang tao ang mga dapat sana ay mga ipinagkatiwala sa kanila. Sa ginagawa nila ay mistulang pinaglalaruan nila ang tiwala ng kaibigan nila. Ang mga nabibikitima ng ganitong ugali ay napapanganga na lang bandang huli, sabay tingala sa langit at tanong ng, “bakit nagkaganoon?…AKALA ko ay magkaibigan kami!”. Yan ang dakilang “AKALA” na hindi lang iilang tao ang ipinahamak!

 

May mga tao na ang habol lang sa mga kinakaibigan ay mga kapanibangang makukuha sa kanila. Sila ang tinatawag sa Ingles na “user”. Dalawang uri ang ganitong mga tao….ang isa ay yong ang gusto ay makinabang lang kaya ang tawag sa kanila ay mga “linta”, at ang isa pang uri ay yong mga nakikipag-ungguyan o nakikipagbolahanan sa kapwa upang makinabang silang pareho sa isa’t isa…sila naman ang nagbuhay sa kasabihan sa Ingles na, “scratch my back and I will scratch yours”. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit talamak ang korapsyon sa gobyerno. Sila ang mga anay at bukbok ng lipunan!

 

Sa isang banda, madaling magtiwala sa kapwa dahil likas na sa tao ang pagkaroon ng kagustuhang makipag-ugnayan sa iba pang bahagi ng lipunan, dahil sa kasabihang Ingles na, “no man is an island”  Ang ganitong uri ng kaugalian na may kinalaman sa tiwala ay kadalasang nasisira dahil sa epekto ng makabagong pamumuhay sa lunsod kung saan ay umiiral ang walang pakialaman. Dahil diyan, sa mga nagtatayugang residential condo buildings, ang magkakalapit-unit ay hindi nagkikibuan dahil sa kawalan ng tiwala. Ang mga nagkakabatian lang ay mga katulong at driver. Ganyan din ang nangyayari sa mga high-end na subdivision, kaya nagkakagulatan na lang kung ang isang kaptibahay pala ay big-time drug lord at meron pang laboratory sa inuupahang mansion! Okey na sana ang pagkaroon ng privacy kahit papaano dahil kailangan ito ng iba, subalit naaabuso naman at ginagamit sa masama.

 

Kung marami ang naipapahamak ng pagtitiwala, ganoon din sa maling akala. Kaya ang dalawang nabanggit ay maituturing na “magkapatid” na bahagi ng damdamin at paniniwala. Sa magsing-irog na nagpakasal agad pagkalipas ng ilang linggong ligawan, akala nila ay ganoon kadali ang pag-aasawa na ang kaakibat ay pagtitiis at matinding pang-unawa sa isa’t isa. Ang mga may maiksing pisi ng pasensiya at nag-akalang langit ang tutunguhin nila ay nadismaya nang madiskubreng impiyerno pala ang kanilang pinasok kaya biglang nagpaalam sa isa’t isa…pagkatapos ng mga naganap na suntukan, tadyakan, murahan, at sakalan.

 

Ang pagpili ng pinuno ng bansa ay nakukulayan din ng “akala” batay sa nakikitang panlabas na anyo ng mga nangangampanyang kandidato bago mag-eleksiyon. Kadalasang “llamado” ang may mala-anghel na hilatsa ng mukha, may mayuming ngiti, namumulaklak ang labi ng “po” at “opo”, plantsadong pananamit, nakakabilib na scholastic record, at galing sa pagtalumpati na animo ay contestant sa isang inter-school elocution competition. Ang mukha namang butangero ang mukha, na animo ay kargador sa palengke ang porma, nagmumura, paulit-ulit ang pagsuot ng ilang pirasong damit, at hindi gaanong swabe ang Ingles ay siyempre walang binatbat sa tingin ng mga sosyal. Subalit dahil sa kung ilang beses nang nagkamali ang mga tao sa pagpili ng may nakakabilib na panlabas na kaanyuan, wala silang magawa kundi MAGBAKASAKALI… bunsod na rin ng desperasyon.

 

Si presidente Duterte ay maituturing na bunga ng pagbabasakali ng mga Pilipino dahil sa mga kapalkapakang nangyari nang malamang ang inakala nilang WISE CHOICE sa nakaraang mga eleksiyon ay BAD CHOICE pala, pero huli na. Pinagkatiwalaan ng mga Pilipino si Duterte dahil sa pag-aakalang siya ang kasagutan sa mga problema ng bansa. Binatay ang pagbabakasakaling magagawa din nito sa buong Pilipinas, ang ginawa niya sa Davao. Tinumbasan din ni Duterte ng katapangan ang pagharap sa problema sa droga, bilang sampol, kaya tila naka-jackpot ang mga Pilipino sa kanya!

 

Siguro kung taong walang yagbols ang nanalo bilang presidente ng Pilipinas, paswit lang ni Obama, baka napaihi na siya sa pantalon o nagkanda-LBM sa nerbiyos!

 

 

 

On Unloading of Emotional Burdens

ON UNLOADING OF EMOTIONAL BURDENS

By Apolinario Villalobos

 

Many people are very trustful that they don’t give a hoot as to whose shoulder they cry on every time they have a problem. Worse is the habit of some who cry in public which naturally attracts attention. But still worst are some, whose unburdening of emotions assumes violent countenance!

 

Some friends can be such today- FRIENDLY, but tomorrow, they may become your detractor, so woe to you after unburdening your problems to these unfaithful friends, as they now have a tight grip on your life. Those who cry for attention, get it at the expense of their privacy. In other words, those who unload their problems carelessly realize their mistake belatedly!

 

Another most common way of unloading emotions is by being loud…literally, to the extent of being foul-mouthed. On the lighter side, this may be the safest because aside from keeping your secrets to yourself, you don’t get to hurt or kill others. Still, such expression is bad…for what do you call invectives with plea to high heavens that others be damned?

 

But, what many UNCONSCIOUSLY do is that they are unloading emotional burdens to HIM in private….as they cry out to Him every time they feel pain while having a difficult early morning excretal session in the toilet due to a dysfunctional colon….as they cry out to Him in a urinal while trying to piss but suffer instead, because of gonorrhea…as they invoke His name while letting out a torrent of tears due to a gnawing toothache…as they hiss His name while  knocking at their head due to a skull-breaking migraine…even women who suddenly remembers His name while delivering in pain, shouts it… etc.

 

Finally, it should be observed that, while we CONSCIOUSLY unburden our emotional loads to others and profusely thank them afterwards for providing us a shoulder….ironically, we UNCONSCIOUSLY UNLOAD OUR PAIN TO HIM, WHOM WE FORGET TO THANK AFTERWARDS…THAT IS HOW INGRATE WE ARE!

 

 

 

Mabuti pa ang Aso, Matapat, Hindi tulad ng Ibang Tao

MABUTI PA ANG ASO MATAPAT

HINDI TULAD NG ILANG TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Mabuti pa ang aso, matapat sa kanyang tao

Hindi tulad ng ilang tao, taksil at manloloko

Hindi iiwanan ng aso ang kanyang tao

Sukdulan mang walang maipakain dito,

Hindi tulad ng ilang tao, nang-iiwan –

Kahit sino, kaibigan o kadugo man.

 

Maraming kuwento na ang ati’y napakinggan –

Taong iniligtas ng aso sa bingit ng kamatayan

Ang pagligtas ay sa maraming paraan

Nakakagulat at halos di mapaniwalaan

Kaya’t mabuti pa silang ang katalinuhan

Ay ginagamit sa tama at may kabuluhan.

 

Ang ilang tao naman ay nakakalungkot isipin –

Mismong magulang ay di mabigyang-pansin

Mayroon kasing magulang halos sipain

Ng mga anak, walang puso’t damdamin

Pagkatapos silang arugain at pag-aralin

Kawawang magulang kaya nang suwagin!

 

Marami pa ring tao, inasahan ng kaibigan nila  –

Forever friends sana sila mula noong bata pa

Subalit nang magkainggitan ay nalusaw na

Tila pagkit sa pagkadikit na friendship nila

Sa dahilang walang kuwenta’t nakakahiya –

Gawa-gawa ng naiinggit na friend din nila!

 

 

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

The Convenience and Curse of the Hi-Tech Social Media

By Apolinario Villalobos

 

Hackers can pick up personal information from ATM receipt and airline boarding pass. There is a gadget today that can be used to scan them for personal information of the identification owner. The best thing to do then is shred into pieces the used airline boarding pass and ATM receipt. Do not throw used boarding pass ATM receipt in trash cans or just anywhere in their intact form.

 

Restrain yourself from posting revealing personal information in your facebook to impress viewers. Do not use this social media as a diary. The most no-no is posting the interior of your lavishly furnished homes, again, to impress friends. Some even go to the extent of posting jewelries as if telling viewers to eat their heart out in envy, while others announce to the world that they will be out-of-town to enjoy weeks-long vacation.

 

Hackers can pick up passwords and usernames in free wi-fi sites, so that it is advised that upon reaching home, the passwords that were used in free wi-fi sites should be changed immediately. Some hackers frequent free wi-fi areas such as malls, airports, parks, hotel lobbies, and others to fish for easily hacked passwords.

 

Delete the history in the computer used in internet cafes. Hackers can retrace the route taken by browsers who forgot to delete the sites and pages that they opened and explored. The sites opened by the browser can betray his or her personality that hackers can use in invading his or her privacy. This should also be done when using personal computers such as laptop or desktop as they might be used by “friends” with unpleasant intention.

 

It is sad to note that the high-technology that brought about comfort and unquestionably helpful social media also brought with it a curse of destruction to the careless. The best protection that we can give ourselves is a reminder not to be too trusting.

Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-hari…natagpuan ni Thelma

Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-Hari

…natagpuan ni Thelma

(para kay Thelma Pama- Arcallo)

ni Apolinario Villalobos

 

Makulay ang pag-ibig na kanyang natagpuan

Pangakong ligaya ay tila walang katapusan

Pangako na kanya nang nararamdaman

At pati ginhawang hindi matatawaran.

 

Sa paraisong animo ay dulo na ng bahag-hari

At sa piling ng mga katutubo – mga T’boli

Landas nila ay nagtagpo, animo’y hinabi

Pinatatag ng pagsubok, lalong sumidhi.

 

Parang t’nalak na hinabi ang kanilang buhay

Masinsin ang pagkahabi, ‘di basta bibigay

Dahil subok, t’nalak ay talagang matibay

Tulad ng sumpaan nilang ‘di mabuway!

Thelma Pama

 

 

——————

Note:

Bahag-hari – rainbow

T’boli- natives of South Cotabato

T’nalak – T’boli cloth made from abaca fibers

lalong sumidhi – became stronger

masinsin –  finely and delicately woven

mabuway – soft and easily bends; weak

 

Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses

Herson Magtalas: High School Graduate pero Nakapagpatapos

Ng Dalawang Kapatid sa Two-Year Courses

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang araw na nakita at nakausap ko si Jaime Mayor, ang matapat na kutsero sa Luneta na iginawa ko ng tula, may lumapit sa akin, si Herson Magtalas. Siya pala ang Checker/Operations Coordinaor nina G. Mayor. Mabuti na lang at nakipag-usap siya sa akin dahil hindi ko nakausap nang matagal si G. Mayor sa dami ng mga turistang gustong sumakay sa kanyang karetela dahil Linggo noon. Pinatunayan ni Herson ang mga nabasa ko noon sa diyaryo tungkol sa pagkatao ni G. Mayor.

 

Napahaba ang aming usapan hanggang nagtanong ako kung may pamilya na siya. Sinabi niyang binata pa siya sa gulang na 28 na taon. Hindi pa raw siya mag-aasawa hangga’t hindi nakatapos sa pag-aaral ang kanilang bunso. Sa sinabi niya, naging curious ako kaya tumuloy-tuloy ang tanong ko tungkol sa kanyang buhay. Napag-alaman ko na pagka-graduate niya sa high school, hindi na siya nagpatuloy sa pag-aaral, sa halip ay nagtrabaho siya upang makatulong sa kanyang mga magulang. Nang panahong yon ay kutsero na sa Luneta ang kanyang tatay at ang kanyang nanay ay nasa bahay lang. Apat silang magkapatid at siya ang panganay.

 

Lahat ng pagkakakitaan ay pinasok niya tulad ng pagtitinda ng barbecue sa bangketa, pagpapadyak ng traysikel. Sinuwerte siyang makapasok sa factory sa sahod na 150 pesos/araw. Sa pagawaang yon ng damit siya natutong manahi. Sa kahahanap niya ng kanyang kapalaran, napadayo siya sa Laguna, kung saan ay nagtrabaho naman siya bilang machine operator ng Asia Brewery na ang sahod ay 280 pesos/araw. Nang lumaon pa ay napasok naman siya sa isang restoran bilang kitchen helper na ang sahod ay 300 pesos/araw. Naging salesman din siya ng Shoemart (SM) sa sahod na 380 pesos/araw. Nang napasok siya bilang pahinante o helper ng delivery van ay saka pa lang siya nagkaroon ng minimum na sahod. Tumuloy- tuloy ang pagtanggap niya ng minimum na sahod hanggang sa paglipat siya sa isang printing shop bilang taga-limbag o printer ng mga nakasubo sa computer.

 

Ano pa nga ba at lahat ng kaya niyang pasukan ay sinusubukan ni Herson na ang hangad ay magkaroon ng maayos na sahod dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa kanyang mga magulang upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang nakakabatang tatlong kapatid. Nang makapasok siya sa Castillan Carriage and Tour Services bilang Checker/ Operations Coordinator ay pumirmi na siya dahil sa ahensiyang ito rin nagtagal ang kanyang tatay bilang “rig driver” o kutsero, at dahil na rin sa magandang sahod at kabaitan ng may-ari.

 

Unang napagtapos ni Herson ang nakababata sa kanya, si Herneἧa na ang linya ng trabaho ngayon ay Accounting. Sumunod naman si Heycilin na ngayon ay may magandang trabaho sa isang restaurant. Ang bunso nilang kapatid, si Homer, 16 na taong gulang ay nasa first year college at kumukuha ng Information Technology (IT). Sa pag-uusap nilang tatlong magkakapatid, napagkasunduan nilang four-year course na ipakuka kay Homer dahil kaya na nilang tustusan ito.

Sa pangunguna niya, napaayos na rin nila ang kanilang tinitirhan sa Caloocan na dati ay maliit kaya halos hindi sila magkasyang anim. Bilang panganay ay inuuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kapatid bago ang sa kanya. Binalikat na niya ang ganitong tungkulin dahil nagkaka-edad na rin ang kanilang mga magulang. Subalit inamin niyang hanggang ngayon ay nagku-kutsero pa rin ang kanyang tatay upang hindi lang manghina dahil nasanay na sa pagbanat ng mga buto.

 

Ang paglalakbay ni Herson sa laot ng buhay ay pambihira dahil sa murang gulang ay napasabak na sa lahat ng mga pagsubok na angkop lamang sa mga nakakatanda. Sinabi niyang mula’t sapol ay wala na siyang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Ni wala siyang pagsisisi o pagkalungkot kahit pa nilaktawan niya ang dapat sana ay panahon ng kanyang kabataan. Sa pag-uusap namin ay ilang beses niyang binanggit na ayaw niyang madanasan ng kanyang mga kapatid ang kanyang pinagdaanan kaya siya nagsikap. Mabuti na nga lang daw at ang bunso nila ay nakikipagtulungan naman kaya masikap sa kanyang pag-aaral. Ang ikinatutuwa pa niya, likas yata ang talino sa makabagong teknolohiya dahil kahit first year college pa lang ay nakakapagkumpuni na ng computer.

 

Larawan ng kasiyahan si Herson habang nag-uusap kami. Marami pa sana akong itatanong subalit dahil ayaw ko siyang masyadong maabala ay nagpaalam na ako subalit, nangakong mag-uusap pa kami tungkol sa operasyon ng kanilang opisina na ayon sa kanya ay marami na ring natulungan, at ang pinaiiral sa mga empleyado ay katapatan tulad ng ginawa ni Jaime Mayor na hindi nasilaw sa salaping naiwan ng turistang Pranses na naging pasahero niya.

Herson Magtalas 2

 

 

 

The Intriguing Tourmaline Gemstone

The Intriguing Tourmaline Gemstone

By Apolinario Villalobos

Although I believe in the healing power of crystals and gemstones, I consider my experience with “tourmaline” as something special, because I could not believe until now, that it happened to me.

More than two months ago, I helped an elderly Chinese find his way to the condo of his son in Chinatown. I found him wandering in Luneta park and I got curious when I observed him approaching Chinese- looking sightseers. I took pity on him when except for seemingly directions pointed to him by those he approached, nothing more was given to him, such as a written note. He was about eighty years old.  When I could no longer contain myself, I approached him to offer my help, but spoke to him in English. As I was wearing a pair of “ukay” shorts and faded t-shirt that time, he hesitated to talk to me, until finally I asked him in Tagalog, “nawawala po ba kayo?” Surprisingly he answered me in the same, but broken language. I found too, that he did not have a cellphone with him, a very important gadget for a stranger to carry.

It took me some time to know what he really wanted…the information on how to get back to where he came from, the condo of his son in Chinatown which he left at dawn, to walk his way to Luneta. It’s a good thing that he mentioned the name of a small mall that sells gold jewelries in the vicinity of Chinatown which I used as reference point. From there, we retraced, what he recalled as the way he took in going to Luneta without seeking the permission of his son who, according to him was still asleep during the time he left the condo. When we finally located the condo, the whole family was already in a quandary and was about to report the incident to the police.

The above-mentioned effort made me the owner of a bracelet of gemstones with varying shades, but dominated by green. It was given to me by the Chinese elderly, actually, straight from his wrist. I hesitated to accept it, but due to his insistence I gave in and wore it on my right wrist. As the set stones were just of the size that I like, I did not remove the bracelet even when I go to sleep. What I noticed was that more than two months later, today, the nocturnal numbness of fingers in my right wrist with the bracelet was gone! However, I still suffer the numbness of fingers on my left hand. The numbness is caused by the Carpal Tunnel Syndrome (CTS), a job-related disease due to my constant use of the typewriter before and the computer today.

When a school mate, Dr. Boni Valdez and I had a meeting, after more than twenty years, in passing he mentioned about a certain healing gemstone called “tourmaline” which is popular today in Taipei and just been recently introduced in Manila. That was all that I knew about the stones, but my curiosity was triggered when I saw the photo of the rough gemstone in the brochure that he gave. They looked like the stones in my bracelet! My mistake was I did not ask the Chinese, what the stones were called when he gave me the bracelet, thinking that they were just like the rest of the gemstones that I see in the Chinese jewelry stores.

From inquiries that I made, I found out that although, the gemstone is being introduced in the Philippines, the company does not allow its sale in just any jewelry outlet, without the retailer or local dealer undergoing a seminar where its qualities are explained to prevent misconception and misunderstanding. That could be the reason why, I am finding it hard to locate an outlet of such medicinal gemstone. Based on my further research, the gem stone can help in reducing stress, perhaps, due to its effect in the nerves. It can also help in reducing toxin elements in the body and improve blood circulation. Generally, it is a nerve-strengthening stone. Aside from the stones that can be set in jewelries, there are other products imbued with powdered tourmaline that can be worn to facilitate its healing effect.

I just do not know if Dr. Boni Valdez, who is based in Tacurong City, thought of sharing what he knows about the gemstone. During our meeting, I recalled his mentioning about his sojourn to Taipei for some kind of a traditional physical treatment which included the use of the gemstone that I mentioned. Even after the treatment, he mentioned that his Chinese “mentor” is regularly keeping tab of his health. If indeed his going to Taipei was to undergo such traditional treatment, I could surmise that he succeed, because he is today, an image of vigor and health without the unwanted pounds, unlike years before, when he was practically bloating beyond the seams!

Hindi Kailangang Magbasa ng mga Mamahaling Libro Upang Malaman ng Isang Tao ang mga Layunin niya sa Mundo

Hindi Kailangang Magbasa ng mga Mamahaling Libro

Upang Malaman ng Isang Tao ang mga Layunin niya sa Mundo

Ni Apolinario Villalobos

Nagtataka ako kung bakit kailangan pang bumili ng mga mamahaling na libro ang isang tao upang mabasa niya sa mga ito kung ano ang mga layunin niya sa mundo. Para lang masabi ng ibang nagbabasa sila ng mga librong isinulat ng mga dayuhan, ipinagyayabang pa ang mga titulo. Ang kayabangang ito ng tao ang isa sa mga hindi matanggal na mantsang nakabahid sa kanyang pagkatao.

Para sa mga naniniwala sa Diyos, ang isang simpleng tanong lang tungkol dito ay, “bakit ginawa ng Diyos ang tao?”. At, sa mga hindi naman naniniwala sa Diyos, “ano ang layunin niya o bakit siya nabubuhay sa mundo?” Sa mga naniniwala sa Diyos, bibliya dapat ang basahin dahil doon ay malinaw na sinasabing kaya ginawa ng Diyos ang tao ay upang may magsamba sa Kanya. Sa mga hindi naman naniniwala sa Diyos, ang pinakamagandang sagot, ay “malay ko, basta ako ay nabubuhay”.

Ang pagsamba ay nadadaan sa maraming paraan, kaya HINDI DAPAT IPILIT NG ISANG TAO NA TAMA SIYA AT ANG IBA AY MALI….DAPAT MAGRESPETUHAN SA GANITONG BAGAY DAHIL IISANG DIYOS LANG NAMAN ANG SINASAMBA – ANG ITINUTURING NA PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.

Kaakibat ng paniwala sa Diyos at pagsamba ang dapat ay pagmamahal sa kapwa…na kung hindi gawin ay nagpapawala ng silbi sa pagsamba sa Diyos, dahil lumalabas na ang ginagawang pagsamba ay ka-ipokrituhan lang pala. Ang isa sa mga nakikitang kawalan ng pagmamahal sa kapwa ay ang pagpuna sa kanilang ginagawa upang palabasin ng pumupuna na siya lang ang tama. Dapat manalamin din paminsan-minsan ang mahilig mangpuna ng ibang tao.

Sa mga hindi naniniwala sa Diyos, kailangan nilang makisama sa kapwa man lamang upang mabuhay o maging ligtas. Kung hindi nila ito gagawin, baka isang araw na lang ay makita silang nakahandusay at duguan sa isang sulok. Dapat isipin ng mga taong ito na hindi man sila naniniwala sa bibliya ay mayroon pa ring kasabihang dapat gumabay sa kanilang buhay, ang: “huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa ‘yo” na babala tungkol sa masamang gawin…o ang positibong “gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sa ‘yo” na may kinalaman sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa.

Ang nakatikim ng “masarap” na buhay sa mundo ay lalo pang naghahangad ng matagal na pamumuhay. Mangyayari lamang ito kung kabutihan ang dapat umiral sa mga kilos at pananalita…ibig sabihin, mamuhay ng marangal at may pagmamahal sa kapwa, lalo na sa Diyos! ‘Yan ang mga layunin ng tao…iilang kataga, na hindi kailangang basahin mula sa kung ilang daang pahina ng mga mamahaling libro na isinulat ng mga dayuhan!